You are on page 1of 1

Buod ng Ang Epiko ng Nalandangan: Ang Paghahanap ni Matabagka sa Diyos ng Hangin

Isang araw, biinalaan ng tumanod si Agyu na labis nitong ikinabahala. Dahil napansin ito ni
Matabagka, pinilit nya si Agyu na sabihin sa kanya ang dahilan. Nalaman ni Matabagka na
paparating na si Imbununga ubang lusubin ang kaharian ni Agyu, ang Nalandangan. Batid nila
ang kapangyarihan ni Imbununga at kung magtatagumpay sila sa kanilang paglusob marami
ang mga taong mamamatay sa Nalandangan. Kaya si Matagbka ay umalis dala ang kanyang
sisidlan at iba pang gamit. Lumipad sya sakay ng kanyang salakot. Nalaman ni Agyu ang lihim
na pag-alis ni Matabagka kaya naman siya ay nag-utos sa kanyang kawal na hanapin
ito.Narating ni Matabagka ang tirahan ni Imbununga. Nagulat si Imbununga sapagkat kakaiba
ang taglay na kagandahan ni Matabagka. Nagkunwari si Matabagka na sya ay naliligaw at
kailangan nyang magpunta sa Nalandangan. Ngunit sinabi ni Imbununga na hindi nya ituturo
ang daan hangga't hindi sila nagpapakasal ni Matabagka. Ikinasal sila at naging mabuting
asawa si Matabagka. Ang kanyang misyon ay hindi pa din nya nakakalimutan. Samantalang bigo
ang mga kawal ni Agyu sa paghahanap kay Matabagka.Pinatulog ni Matabagka si Imbununga at
kinuha nya ang mga armas nyang bagyo at ipu-ipo. Pinasunod ni Imbununga ang kanyang mga
kawal sa patutunguhan ni Matabagka. Ngunit hindi nila siya makuha at lumaban si Matabagka.
Naging pula ang kulay ng karagatan na dugo na nasabing mga kawal na nasawi.Umuwi si
Matabagka at dahil siya ay hinang-hina pinakain agad sya ng nganga ng kanyang ina. Bumalik
ang lakas nya. Sinabi ni Agyu kay Imbununga na ang kapatid nyang si Matabagka ang kumuha
ng bagyo at ipu-ipo. Ginamit ni Matabagka ang kanyang nga-nga upang buhayin ang mga kawal
na nasawi. Mula noon, wala ng gulo sa pagitan ng Nalandangan at Sungawan.

You might also like