You are on page 1of 2

YUNIT I PANSARILING KALUSUGAN

(Mabuti at Di-Mabuting Pakikipag-ugnayan)


Aralin 3 Mga Palatandaan ng Mabuti at Di-Mabuting Pakikipag-ugnayan sa Iba
Bilang ng Araw: 1

I. Batayang Kasanayan
a. Nakikilala ang mga palatandaan ng mabuti at di-mabuting pakikipag-ugnayan sa iba
b. Natutukoy ang mga palatandaan ng mabuti at di-mabuting pakikipag-ugnayan sa iba

II. Karagdagang Kaalaman para sa Guro


Ang isang bata ay kinakailangang marunong makisalamuha sa kanyang kapwa bata, sa
magulang, at iba pang tao sa kanyang paligid.

Mga Salik na Nakalilinang ng Mabuting Pakikipag-ugnayan sa Iba

Paggalang - Iginagalang mo ang kapwa bilang isang isang indibidwal


- Kinikilala,inirirespeto at pinahahalagahan ang mga bagay tungkol sa iba.
Pagtitiwala - May tiwala sa ginagawa ng kapwa
Pagiging Tapat - Tapat at hindi nagkukunwari o nanloloko ng kapwa
Komunikasyon - Pakikipag-usap o pakikisalamuha sa kapwa

Ang pakikipag-ugnayan ay maaaring mabuti o di-mabuti.


Ang mabuting pakikipag-ugnayan/pakikisalamuha sa iba ay nagdudulot ng kasiyahan
samantalang ang di-mabuting pakikipag-ugnayan ay nagdadala ng kalungkutan

Mga Palatandaan ng Mabuti at Di-Mabuting Pakikipag-ugnayan sa Iba


MABUTI DI-MABUTI
Maganda ng pakiramdam mo sa iyong sarili
Malungkot, may galit, takot at nag-aalala
kapag nasa paligid mo ang ibang tao.
Hindi pinapangunahan ang desisyon ng isat isa. Kinikontrol ang isa sa mga nais nitong gawin
May tiwala sa isat isa. Walang tiwala sa isat isa
Masaya kung magkasama ngunit nakagagawa
Ayaw makisalamuha sa iba
din ng ibang bagay na magkaiba.
Nakakakilos ka ng walang pagkukunwari. Nakakakilos ng normal
Iginagalang ang opinyon ng bawat isa. Ipinagpipilitan ang sariling opinyon.
Hindi natatakot sa ibang tao May takot at walang tiwala sa sarili

III. Pamamaraan
A. Pag-usapan Natin
1. Pangkatin sa 5 ang klase. Ibigay ang mga cards na may nakasulat na pantig at buuin
ang salita.
2. Ipapaskil sa pisara ang nabuong mga salita.
3. Ipabasa sa mga bata ang nabuong mga salita.
Itanong: Anu-ano ang mga salitang nabuo ninyo?
Sa palagay mo, paano nagkakaugnay ang mga ito?

PAKIKISALAMUHA
KOMUNIKASYON
TIWALA
PAGGALANG
TAPAT

B. Pag-aralan Natin
1. Tingnan ang mga larawan sa Masdan Mo, LM, p. __.
2. Itanong: Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan?
Ano ang maitutulong ng mga ito sa pagkakaroon ng mabuting pakikipag-
ugnayan/pakikisalamuha sa iba?

C. Pagsikapan Natin
Gawain 1
1. Ipabasa ang tsart sa Pag-aralan Natin sa LM,p.___.
2. Pasagutan ang sumusunod na mga tanong.
Anu-ano ang palatandaan na maayos ang pakikitungo mo sa iyong kapwa?
Ano ang iyong ginagawa na nagpapakita ng maayos na pakikipag-ugnayan
sa kapwa?
Bakit kailangang mayroong maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa?

Gawain 2
1. Ipalaro ang larong Raise a Red Flag.
2. Babasa ang guro ng mga kaisipang naglalarawan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa.
3. Itataas ng bata ang red flag kung ang kaisipan ay nagsasaad ng di-mabuting
pakikipag-ugnayan sa kapwa.

D. Pagyamanin Natin
1. Ipagawa ang Suriin Mo sa LM. Pagmasdan ang mga larawan.
Pag-aralan ang kanilang mensahe.
2. Isulat sa notebook ang mensaheng gustong ipahatid ng mga larawan.

E. Pagnilayan Natin (Ulat Pangkalusugan)


Sagutin:
Paano ka magkakaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan/pakikisalamuha sa iba?
Ilagay sa loob ng organizer ang iyong sagot.

F. Takdang Aralin

Gumawa ng isang sanaysay na nagpapahayag ng iyong pagmamahal sa


pamilya at mga kaibigan.

You might also like