You are on page 1of 2

kasaysayan ng noli me tangere

Unang nobela ni Rizal ang El Filibusterismo. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya.

Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng

pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal

sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at

isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli,

ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.

Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis

ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog

na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.

Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na

pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at

inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan,napayapa ang

liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa

kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang

persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Litoměřice: "Gumawa ng maraming ingay ang

libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong gawing excommunicado

dahil doon . . . pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi

nila na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga

bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at

gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ... "

You might also like