You are on page 1of 4

I.

Layunin: Nakasisipi ng talata mula sa huwaran

II. Paksang Aralin: Pagsipi ng Talata Mula sa Huwaran

Sanggunian: Gabay Pangkurikulum sa Filipino


Kagamitan:
Pagpapahalaga: Pagka-makabansa

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagbabaybay

2. Balik Aral
Paano isinusulat ang talata?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad.
Ipakita ang huwarang Talata.

Wikang Pambansa
Ang dating Pang. Quezon ang unang nagmalasakit na magkaroon ng
wikang pambansa na mag-uugnay sa buong kapuluan. Siya ang pangulo ng
Pamahalaang Komonwelt nang ipatupad ng kaniyang administrasyon ang
probisyon ng Saligang Batas tungkol sa wikang pambansa. Ayon sa kaniya, sa
tulong g wikang pambansa, ang bawat mamamayang Pilipino ay magkakakaisa.
Mahigit na walumpong katutubong wika ang umiiral sa Pilipinas. Ang
sampung pangunahing wika ay Tagalog, Cebuano, Ilokano, Waray, Hiligaynon,
Bicol, Kapampangan, Pangasinan, Tausug, at Ibanag. Iba-iba pa rin ang wika sa
iba’t ibang dako. Sa mga lalalwigang bulubundukin, halimbawa, may sari-saring
wika ang mga Bontok, Igorot, at Ifugao. Gayundin sa Mindanao at iba pan pook.
May mga Muslim na nagsasalita ng Maranaw, Tausug, Magindanaw, at iba pa.
Batay sa mga pag-aaral ng Komisyon sa Wikang Filipino at iba pang mga
lingguwista, mas angkop na tawaging Filipino ang ating wikang pambansa. Mas
malawak ang alpabetong Pilipino. Ang alpabetong Filipino at may dalawampu’t
walong titik. Marami tayong mga salitang ginagamit na nagtataglay ng mga titik na
nasa alpabetong Filipino kaya karapat-dapat lamang na Filipino an gating maging
wikang Pambansa.
2. Pagtatalakay
Pangkatang Gawain.
Bawat pangkat ay bibigyan ng tig-iisang envelope na naglalaman ng mga metastrips.
Sa likod ng envelope ay may nakasulat na katanungan na kailangan nilang sagutin.
Sa hudyat ng guro ay sabay-sabay na babasahin ng bawat pangkat ang mga
katanungan at sasagutin ito gamit ang isang metastrips.
Isang metastrip lamang bawat tanong.
Sa hudyat ng guro ay ililipat na ang envelope kalakip ang kanilang sagot.
Ulitin ito hanggang sa maikot ang mga katanungan.
Ang mga nakalap na kasagutan ay ididikit manila paper para sa pag-uulat ng bawat
pangkat.

Pangkat 1. Paano sinisimulan ang talata?


Pangkat 2. Anong titik ang ginagamit sa simula ng bawat pangungusap? Ng mga
pangngalang pantangi?
Pangkat 3. Papaano nagtatapos ang bawat pangungusap?
Pangkat 4. Anong bantas ang ginagamit sa mga salitang hinahati sa dulo ng linya?
Pangkat 5. Saan-saan ang palugit?
Pangkat 6. Ano-ano ang pamaksang pangungusap sa bawat talata?

5. Paglalahat.
Sikaping masabi ng mga bata. Gabayan sila sa pagbuo nito

Mga Panuntunang sinusunod sa wastong pagsulat ng talata.


- Isulat ang pamagat sa gitna sag awing itaas ng papel.
- Lagyan ng espayo sa pagitan ng pamagat at mga talata.
- Gamitin ang malaking titik sa simula ng mahahalagang salit sa pamagat/simula ng
bawat pangungusap, simula ng mga pangngalang pantangi, at sa pagsulat ng pamagat.
- Gamitin ang wastong bantas sa hulihan ng bawat pangungusap.
- Ipasok ang unang pangungusap ng talata.
- Magkaroon ng palugit sa magkabilang panig ng papel.

4. Paglalapat
Ipakita ang huwaran
Ipalagay sa angkop sa lugar ang bawat salita ayon gamit nito sa paggawa ng talata.

Pamagat Espasyo Pasok


____________________________

IV. Pagtataya
Sumulat ng isang reaskiyon tungkol sa unang tatlong buwang panunungkulan ni
Pangulong Rody Duterte.
Pumuli ng angkop na pamagat at sundin ang ibinigay na huwaran sa paggawa
ng talata.

Mga Krayterya 1 2 3 4

Hindi maayos May lohikal na Maayos ang Mahusay ang


ang organisasyon organisasyong pagkakasunod-
organisayon ngunit hindi pagkakabuo ng sunod ng mga
at walang masyadong talata na may ideya sa kabuuan
panimula at mabisa ang angkop na ng talata. Mabisa
Organisasyon
konklusyon panimula at simula at ang panimula at
konklusyon konklusyon malakas na
konklusyong
batay sa
ebedinsya
Mahirap May Malinis ngunit Malinis at
basahin dahil kahirapang hindi lahat ay maayos ang
sa hindi unawain ang maayos ang pagkakasulat ng
Presentasyon
malinis at pagkakasulat pagkakasulat ng talata.
maayos na ng mga
pagkakasulat pangungusap pangungusap
Hindi handa Naisumite dahil Ginamit ang Ginamit ang
at hindi tapos binantayan ng oras na itinakda sapat na oras at
guro sa paggawa at may ebidensiya
Pamamahala naibigay sa na ginawa ito
ng oras tamang oras ayon sa kanyang
sariling disenyo
at plano sa
pagsulat.

Rubriks Credit to the owner. Helen C. Mangan Ph. D

You might also like