You are on page 1of 6

Ang mga Uri ng Pagtataya

1. Pagtatayang Pormal
Tanong: Ano na ang alam mo?

Mga Pormat

a) Tama-mali
b) Multiple Choice Question/maraming pagpipiliang tanong
c) Pagtatapat-tapat
d) Paglalahad
e) Standardized
f) Norm-referenced
g) Criterion-referenced

Mga Layunin

Karaniwang lapis at papel na pagsusulit, tinutulungan ang mga


guro sa:

a) Sumusukat sa natatamong kaalaman ng mga mag-aaral at


inihahambing ang natamong ito sa kapwa mag-aaral at sa iba
pang mag-aaral sa district, division,rehiyon o bansa.
b) Ulat sa natamo ng mga mag-aaral para sa mga magulang at
administrador.
c) Ang resulta ng pagsusulit ay ginagamit para sa pagbuo ng
mga polisi at paggawa ng mga desisyon sa pagtuturo at
pagkatuto.

2. Alternatibong Pagtataya
Tanong: Ano ang magagawa mo?

Mga Layunin

Ang mga gawain ay halos malapit sa aktwal na mga sitwason


ng buhay; nakatutulong sa mga guro upang:

a) Makabuo ng isang komprehensibong paglalarawan ng bawat


mag-aaral bilang problem solver, critical thinker at acquirer of
knowledge.
b) Mataya ang pagsulong at pag-unlad ng isang mag-aaral sa loob
ng isang panahong itinakda (isang araw o lingo o di kaya
nama’y ilang buwan).
Mga Gawain

a) Awtentiko (Tuwirang pagtataya sa mga gawaing mag-aaral na


malapit sa mga tunay na karanasan)

b) Ang pagtatayang Product o performance


 Inaasahan na makabubuo/makapaglahad ang mga mag-
aaral ng isang totoo o tunay na produkto o di kaya ay
pagsasagawa o pagganap na magpakita ng kanilang
pagka-unawa sa mga kasanayan o konseptong nilinang.
 Nakapokus sa natapos na produkto sa halip na sa mga
proseso, gawi o istratehiya na ginamit sa pagbuo nito.
 Ang pagtataya ay nakabatay sa paghuhusga at
obserbasyon gamit ang ilang pamantayan o krayterya.

Mga Uri ng Evaluation Criteria na Ginagamit sa Alternatibong


Pagtataya

 Rubric  Peer at self-


 Iskala evaluation
 Tseklist
Mga halimbawa ng Product at Performance na maipagawa sa
klase

 Scripts, dialogues  Children’s book


 Audiotapes,  Exhibits
videotapes  Research papers
 Charts, maps,  Book or movie
graphs reviews
 Games, puzzles  Questionnaires;
 Puppet shows surveys
 Plays, skits, talent  Print or TV ads
shows  Poems, riddles,
 Interviews, debates jokes, songs
 Role playing  Murals, collages
 Dances  Scale, model,
 Mock trials dioramas
 Cooking or sports-  Terrarium
demonstrations  Scrapbook
 Recipes, menus  Speech
 Slide shows
Pagtiyak Upang Mapagtagumpayan ang Gawain

 Maglaan ng tala ng mga opsyunal na mga product at


performance
 Turuan ang mga mag-aaral na gumawa ng proposal para
maging pokus ang gawain.
 Paghandain ang mga mag-aaral ng action plans at task
sheets.
 Hayaang pumili ang mga mag-aaral ng kanilang sistema ng
paggawa.

Pagtataya ng Pag-unlad ng mga Gawain


 Hingan ang mga estudyante ng progress report
 Bumuo ng pamantayan/krayterya sa pagtataya gaya ng
rubric.
 Isama ang peer review bilang bahagi ng proseso sa
pagtataya.
 Pagawain din sila ng self-assessment sa bawat yugto ng
proseso ng pagtataya.

c) Proseso/Process Assessment: Pagmamasid Habang


Isinasagawa ang Pagkatuto
 Pagmamasid habang ginagawa ang pagkatuto
 Pagmamasid kung paano ginagawa ang pag-iisip
 Pagmamasid habang gumagawa ng task o gawain
 Inaasahan na magpapakita o ibabahagi ng mga mag-aaral
ang kanilang mga kilos, gawi, istratehiya, mapanuring pag-iisip
habang inuunawa ang nalilinang na mga kasanayan at
konsepto.
 Nakapokus ang atensyon ng guro sa proseso, kilos,o gawi, at
mga istratehiya sa halip na bunga ng pagkatuto.
 Batay sa paghuhusga at pagmamasid sa tulong ng mga
pamantayan at krayterya.

Mga Uri ng Evaluation Criteria na Maaring Gamitin


 Rubrics
 Pormal na mga iskala at tseklist
 Mga talang anecdotal
 Pagmamasid
 Pagtatayang pansarili
 Pagtataya ng kaklase

Mga Halimbawa ng mga Proseso

Inilalahad sa ibaba ang ilang proseso na maaring


bigyang-pansin ng guro habang nagmamasid sa kakanyahan ng
mga mag-aaral na mailapat ang HOTS:

 Mga istratehiya sa pagbasa na gamit nga mag-aaral sa


pagpapakahulugan ng teksto
 Kilos o gawi kung may peer review
 Mga patunay ng mga inilaan na oras sa gawain
 Kakayahan sa pakikilahok sa mga pangkatang gawain
 Mga draft habang gumagawa ng sulatin/komposisyon
 Pakikilahok sa mga talakayang pangklase
 Pagsangguni upang mapabuti ang gawain
 Bumuo ng personal na krayterya o pamantayan

d) Pagtatayang Portfolio
 Isang may layuning kalipunan/koleksiyon ng mga gawa ng
isang mag-aaral at nagpapakita ng kanyang panlahat na
sigasig, pag-unlad, at mga natutuhan sa loob ng isang
panahon.
 Isang magandang paglalarawan ng pag-iisip ng pagtuturo at
pagtataya. Makikita sa koleksiyong ito ang paano at ano ang
pagkatuto ng isang mag-aaral.
 Ito’y masusing pinili at hindi lahatan o catch all ng mga gawa
ng mag-aaral.
 Ito’y kombinasyon ng process at product assessment na may
ibayong diin sa ebalwasyong pansarili at ebalwasyon ng
kapwa mag-aaral.

Mga Uri ng Evaluation Criteria Gamit sa Pagtatayang Portfolio

 Imbentaryo  Iskala at Tseklist


 Tala ng mga  Talang anecdotal
komperensya  Obserbasyon
 Rubrics  Peer evaluation

Mga Maaring Nilalaman ng Isang Portfolio


 Photographs  Ulat
 Dyornal  Mga
 Suring basa sulatin/komposisyo
 Sketch/drawings n

Mga Uri ng Portfolio


1. Ang Working Portfolio

Layunin: Naipapakita ang tala/koleksiyon ng mga ginawa ng


mag-aaral sa isang particular na klase.

Ang working portfolio ay naglalaman ng koleksiyon ng mga


produkto, performance at resulta ng mga pagsusulit sa loob ng
isang takdang panahon. Kadalasan, ang working portfolio ay
hanguan para sa isang showcase portfolio.
2. Ang Showcase Portfolio o Best Work

Layunin: Naipapakita ang pinakatampok ng mga gawa ng mag-


aaral.

Ang showcase portfolio ay kalipunan ng pinakamagagaling


na gawa ng mag-aaral, kasama na ang mga produkto at
performance na maaring labas na sa pagsusumikap sa mga
pagsusulit na lapis at papel. Kadalasan na ang nakapaloob dito
ay tumutugon sa mga inilatag na ng mga layunin sa pagkatuto
at mga kraytirya.

3. Ang Process Portfolio

Layunin:Naipapakita ang gawa/produkto ng mag-aaral sa iba’t


ibang yugto ng pagbuo nito.

Sa isang process portfolio ay ang koleksiyon ng lahat ng


impormasyon tungkol sa isang patuloy isinasagawang proyekto,
maaring kasama sa koleksiyon ang mga dokumento sa
pagpaplano, mga draf, resulta ng mga konsultasyon, mga
repleksiyon sa mga yugto ng pagbuo ng gawain at ang pinal na
produkto o performance.
4. Ang Cummulative Portfolio o Archival

Layunin: Naipapakita ang pinakatampok na mga gawa ng


mag-aaral sa loob ng mahabang panahon.

Ang cumulative portfolio o archival ay pagpapakita ng


pagsulong at pag-unlad ng isang mag-aaral sa loob ng isang
mahabang panahon. Karaniwang nakapaloob ditto ang mga
halimbawang hinugot mula sa isang showcase portfolio.
Kailangan din sa ganitong portfolio ang pana-panahong
pagtanaw sa mga koleksiyon upang hindi ito sumabog.

Sanggunian:

Badayos, Paquito B. (2008). Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto


ng/sa Filipino : Mga Teorya, Simulain at Istratehiya. Nirebisang
Edisyon. Valenzuela City: Mutya Publishing House.

Inihanda ni: Mary Florilyn Mae A. Recla


Tricia Mae I. Rivera
II-4 BSE Filipino

You might also like