You are on page 1of 15

s a l a

m i s a
l a m i
m e m o r a n d
u m m e m o r a
n d u m pi??a piepi??a
pie1 o u p d ’
e t a t 1 o u
p d ’ e t a
t L u a
r t ? L
u a r t
? s a u
s a g e s
a u s a g
e $ung konsistent ang baybay ng salita, hiramin nang walang pagbabago
sapagkat kapag binaybay sa wikang ilipino ay hindi mababakas ang tunay o orihinal na
ispelling nito.
PAGSUSURI NG MGA HIRAM NA SALITANG INGLES TUNGO SA FILIPINO
Pahina
12

KABANATA2:LAGOM3KONGKLUSYONATREKOMENDASYON
% . A % G M Sa kabuuan ng pag!aaral na ito, nauunawaan na ang paghihiram ng mga
salitang#ngles tungo sa ilipino ay may maraming mga kondisyon at paraan. Nalaman natinna
ito ay ipinapaliwanag ang suliranin at mga mungkahing paraan sa panghihiram ngmga salitang
#ngles. Nagbigay din ng dagdag na kaalaman ang mga halimbawa ngmga sliatng #ngles na
hiniram tungo sa ilipino at ang paraan ng panghihiram ng mgaito. Mula sa #katatlong
$abanata, nabigyang suri ang mga datos na nakalap ngmananaliksik. Naglalarawan din at
nakapagbigay impormasyon na magagamit satamang paraan ng
panghihiram.8 . $ NG$A SO N Samakatuwid, na alam ang mga hiram na salita sa
wikang #ngles0 natukoy angmga salitang hiram na walang katumbas sa ilipino at nasuri ang
paraan ng panghihiram ngmga hiram na salitang
#ngles.7 . 3 @ $ M@NF%SO N Nirerekomenda ng mga mananaliksik ang pag!aaral
na ito para sa mas malawakan pa ang kaalaman ng mga mag!aaral, mga guro, lokal na medya o
kahit na sinuman sa panghihiram ng mga salitang #ngles.
KABANATA2I:LISTAHANNGSANGGUNIAN
% . A i b r o

PAGSUSURI NG MGA HIRAM NA SALITANG INGLES TUNGO SA FILIPINO


Pahina
13

Implikasyon ng paggamit ng wikang balbal sa mga mag aaral na nasa


unang taon na kumukuha ng kursong bs social work sa plm
1. 1. Implikasyon ng Paggamit ng Wikang Balbal sa mga Mag-aaral na nasa Unang Taon na
Kumukuha ng Kursong BS Social Work sa PLMPanimula Alam naman natin na sa
komunikasyon ay mahalaga kung saan angwika ay ang medyum na ginagamit upang
makamit ito. Wika, kung saan angmga tao ay nagkakaunawaan at nagkakaroon ng
pagkakaisa. Ang wika rinang dahilan kaya nagbubuklod ang iba‟t-ibang bansa. May iba‟t-
ibang antasang wika, una ay ang pormal na binubuo ng mga salitang pambansa
atpampanitikan. Kumbaga, ang mga pormal na mga salita ay kalimitangnakikita sa mga libro
o ginagamit ng mga tao sa loob ng paaralan at opisina.Samantala, ang huling antas naman
ay ang impormal na binubuo nglalawiganin, kolokyal, at balbal. Ang lalawiganin ay ginagamit
sa isangpartikular na lugar, halimbawa na lamang ay Waray na ginagamit saBisayas. Ang
kolokyal naman ay ang araw-araw nating ginagamit, ang mgahalimbawa nito ay sa‟kin (sa
akin), sayo (sa iyo), at marami pang iba. Angbalbal naman ay ang pinakamababang antas
ng wika halimbawa nito ay mgakabastusan o mura. Ito rin ay tinatawag na slang sa Ingles.
Ito aynagmumula sa mga pangkat-pangkat na nagiging sariling codes nila. Anghalimbawa ng
mga balbal na salita ay tol, pre, yosi, jokla, at marami pangiba na kalimitang ginagamit sa
pang-araw-araw na pakikipag-usap. Sabalbal din pumapasok ang mga gay lingua na
kadalasang ginagamit na rinngayon. Maaari mo rin itong tawaging salitang panlansangan.
2. 2. Sa pagsusuring ito ay binibigyang diin ang implikasyon ng paggamitng wikang balbal sa
mga mag-aaral na nasa unang taon na kumukuha ngkursong BS Social Work sa PLM.
Kakailanganin ng mananaliksik ang lahat ngestudyante na nasa unang taon at may kursong
BS Social Work. Ang mganasabing kalahok ay bibigyan ng mga katanungan na naka-survey
format,ito ay naglalaman ng mga katanungang ukol sa kung ano nga ba angimplikasyon ng
paggamit ng wikang balbal ng mga estudyante.Nakakatulong ba ito o hindi? Kailangan ba
talaga nila itong gamitin? Ilan basa kanila ang gumagamit nito at ang mga hindi gumagamit?
3. 3. Kaugnay na pag-aaral o panitikanPanimula Ang balbal o islang ay ang pamantayang
paggamit ng mga salita saisang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din
itongsalitang kanto o salitang panlansangan. Ito ang mga salitang nabuo onalikha sa
inpormal na paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mgapinagsama-sama o pinagdugtong
na salita na maaaring maging maikli omahaba lamang. Erpat at ermat salitang malimit nating
marinig sa tsismisan, satahanan at maging sa mga kabataan. Salitang panlansangan na
usung usongayon sa mga kabataan, kasama-sama ito sa araw-arawna pamumuhay─sa
hapagkainan, sa kuwentuhan at maging sa pakikipagtalo sa lansangan.Salitang
panlansangan na kaaya-aya ang tunog sa mga kabataangnaninirahan sa mababang antas
ng lipunan at makabasag tenga naman sahanay ng mga mayayaman. Ang antas ng lipunan
na lalong nanghihikayat sa mga kabataan namakasanayang bigkasinng madalas ang mga
salitang ito. Kalunus-lunos angmagiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan ng sapat na
lunas sasuliraning ito.
4. 4. Kilalanin ang suliranin Ang pangunahing suliranin ang kinakaharap ng mga mag-aaral ay
angpagkasanay nitong gamitin ang salitang panlansangan na napupulot nila salipunang
kinalakihan. Ang mga salitang ito ay ginagamit rin nila sa pag-aaralna nagbubunga ng di-
wastong paggamit ng salita. Halimbawa na lamang nalamang ang pagsulat ng isang
komposisyon, ang mga mag-aaral na malimitginagamit nitong salita ay siguradong ang
kalalabasan ng isang komposisyonay may mga salitang tulad ng erpat, ermat, utol at iba pa.
pinanghahalili nilaang mga ganitong salita kaysa sa tamang paggamit ng ina at ama na
salita.Isa pang suliranin ay ang paggamit ng salitang ito sa pakikipagtalastasan
atpakikikapwa tao. Kung ang mag-aaral ay gumagamit mg salitangpanlansanganay
makikipag-usap sa isang mataas na opisyal ng paaralan aysiguradong ay hindi sila
magkakaintindihan sapagkat ang mga salitangginamit ay kapwa di pamilyar sa isa‟t-isa.
Nariyan rin ang madalasang pagtatalo sa iba‟t ibang baranggay. Angmga salitang
panlansangan ay ginagamit nila sa pakikipag-away at magingsa pakikipagasaran sa kapwa
kamag-aral. Halimbawa na lamang ang linyangito, “Hay naku totoy nageskapo ka na naman
sa haybol niyo ng hindi panaggogoli mukha ka tuloy tsimay, gobas ka talaga” ang linyang ito
kapagnarinig ay tataas ang dugo at magkakaroon ng salpukan sa pagitan ng nang-aasar at
inasar. Nagpapatunay lamang ang halimbawang ito na maaring sasalitang panlansangan ay
makakagawa ka ng mga salitang magdudulot ng di
5. 5. kaaya-ayang reaksyon sa kapwa mo na matutuloy sa maduguangpakikipagtalo. Ang mga
salitang malimit marinig sa mag-aarala gasmati,goli, tsekot, buwaya, tsimay, praning, ka-
kosa, sikyo, gobas, shode lulu atscout royale.Balangkas konseptwalMga suliraning
kinakaharap ng mga mag-aaral sa paggamit ng salitangpanlansangan ng dalawampu‟t
limang kabataang naninirahan sa mababangantasng lipunan 2008 2009Balangkas na di-
nakapag-iisa“paggamit ng salitang panlansangan ng dalawampu‟t limang
kabataangnaninirahan sa mababang antas ng lipunan 2008-2009” May mga taong hindi
nakaka-intindi ng salitang ginagamit Maling pagsulat ng isang komposisyon Malabong
pakikipagkomunikasyon na nagiging sanhi ng madalasang pag-aaway. Ginagamit ang
salitang panlansangan sa pag-angkat ng pinagbabawal ng gamot. Palaging napupuna ng
guro sa kanilang pamamaraan ng pagsasalita.Balangkas na nakapag-iisa“mga sulurinan
kinakaharap ng mag-aaral” Pinanghahalili sa mga wastong salita
6. 6. Kahirapan sa pakikipagtalastasan Impluwensiya ng maling lipunan.Resulta at Konklusyon
Sa aming nakalap na mga impormasyon nakikitang karamihan sa mgakabataaan ngayon ay
naiimpluwensiyahan lang kanilang nababasa sa mgainternet sites. Isa sa mga tanong namin
ay “Sa internet ko lang nakuha angsalitang ito” at makikitang halos lahat ng aming mga
kalahok ay iyon angsinagot. Mayroon din na binabanggit lang ang isang salitang
panlansangandahil sa palagi nila itong naririnig ngunit di alam ang kahulugan. Karamihandin
sa mga sagot na aming nakalap ay sadyang nakasanayan na nila iyon atnaging “expression”
na salita na lamang; karamihan sa mga “expression” naiyon ay mga mura. Nakakalamang
naman ang mga tawagan na binibigay ngmga kabataan sa bawat isa. Halimbawa nito ay ang
mga sumusunod: bes,tol, dre, pre, mare, at iba pa. Nakita rin namin na di naman halos lahat
ngestudyante ay gumagamit ng balbal na salita sa pakikipag-usap sa mga guroat
nakakatanda, karamihan lamang ay sa mga tulad, kaedad, o masnakababata sa kanila.
Kumuha rin kami ng ilang kalahok sa mga social networks kung saandoon nila sasagutin ang
survey na aming ginawa. Ngunit, makikita na halosparehas lamang ng porsyento ng mga
sagot sa bawat katanungan.
7. 7. Para sa mga saloobin naman ng mga guro, marami sa kanila angnalulungkot dahil sa
nangyayari sa mga kabataan ngayon ngunit ginagawanila ang lahat ng paraan para
mapabuti ito. „Ika nga ng isa sa mga guro, “diman ito tuluyang mawala, magamit lang ito sa
wasto at mabawasan;mainam na iyon.” Matapos ang pag-aaral nalaman namin halos lahat
ng tao aygumagamit ng balbal o salitang kalye karamihan dito ay mga kabataan. Angiba ay
di alam ang mga kahulugan ng kanilang mga sinasabi ngunitmapapansin pa rin na kahit
papaano ay may komunikasyon na makikita.Para sa amin, maiiwasan lamang ang paggamit
ng mga salitang kanto kunglahat ay mabibigyan ng magandang kalidad ng edukasyon, sabi
nga nila;“Kaalaman ay yaman na kailanman ay di maipagpapalit sa kahit na
ano”.Sanggunian na ginamit:http://annalea-elava.blogspot.com/2009/03/thesis-in-
filipino.html?showComment=1348658589346#c8752902006823750295
8. 8. Mga Natuklasan Sa pagsusuring ito, may 43 katao na kalahok, ito ang bilang ng
buongmag-aaral sa Unang Taon na kumuha ng kursong BS Social Work na nag-aaral sa
PLM. Binubuo ito ng 8 na lalaki at 35 na babae. Lahat sila aybinigyan ng tig-iisang kopya ng
survey na kanilang sasagutan. Ang surveyna ito ay binubuo ng sampung tanong na
masasagot lang ng oo, hindi, atminsan. Sa aking nakalap, karamihan sa kanila ay
gumagamit ng mga balbalna salita ngunit di naman ganoon kalala o di naman sila
gumagamit sobrangbalbal na mga salita. Kalimitan nilang ginagamit ay ang mga tawagan
nila ngkanilang mga kaibigan tulad ng bes, tropapipz, pre, tol, at marami pang iba.May iilan
din na nagmumura. May ilan din na naging “expression” na angmga salitang balbal
(kalimitan dito pumapasok ang mga mura). Napansin ko rin na kalimitan ginagamit lamang
nila ang mga salitangbalbal sa pakikipag-usap sa kanilang mga kaibigan o mga
kaklasengitinuturing nilang “ka-close”. Hindi nila kadalasang kinakausap ang kanilangmga
propesor sa pabalbal na paraan. At kung mayroon mang pangyayari napabalbal nilang
kinakausap ang mga ito, ito ay iyong mga panahon napinahintulutan sila o di kaya sobrang
“close” na sila na parang kaibigan angturingan ngunit may mga limitasyon pa rin.
9. 9. Kapasiyahan Batay sa nakalap o nakuha kong impormasyon sa aking mga tanong
osurvey, nakita ko na parte talaga ng buhay mga estudyanteng kumukuha ngkursong BS
Social Work ang paggamit ng mga balbal na salita kung saan diako lubusang nagulat sa
naging resulta. Nakakatulong ang salitang balbal sa kanila upang mas maunawaanang isa‟t-
isa, ngunit may limitasyon ang mga ito. Ginagamit lamang nila angmga balbal na salita sa
mga taong matagal na nilang kakilala o mgaitinuturing nilang kaibigan. Kumbaga, makikita
natin na ginagamit lamangnila ito sa pansariling pakikipag-komunikasyon sa mga kilalang
kaibigan athindi sa mga taong kakikilala lamang o sa ang kliyente o mga
taongmakakasalamuha nila ng di ganoon katagal sa trabaho. At kokonti langnaman sa mga
mag-aaral ang gumagamit nito para makipag-usap sa mgataong nagkakataas at
nakakatanda sa kanila, halimbawa nito ay ang mgaguro. Masasabing mahalaga nga
paggamit ng balbal na salita para sa mgamag-aaral sa PLM na kumuha kursong BS Social
Work ngunit ito aykalimitang ginagamit lamang nila para sa pakikipag-usap sa kanilang
mgakaibigan at kapwa nila estudyante na maituturing nilang ka-close.
10. 10. Tagubilin Mapapansin na ang paggamit ng wikang balbal ay nasa pang-araw-araw na
buhay na ng mga estudyanteng nasa Unang Taon na kumuha ngkursong BS Social Work sa
PLM. Nakita rin natin na marami sa kanila anggumagamit ng mga salitang balbal sa mga
taong kilala na nila ng lubusan osa kanilang mga kaklase lamang. At kaunti lamang sa kanila
ang ginagamitrin ito sa mga sa mga taong nakakatanda o nakakataas sa kanila tulad ngmga
guro, janitor, librarian at marami pang iba. Makikita natin na masyadong limitado ang mga
taong ginamit para sapagsusuring ito kaya para sa mga susunod na mananaliksik nito,
masmainam na mas palawigin nila ang mga taong tatanungin at mas magandakung mas
elaboreyt at mas maraming tanong silang isasali. Mas magandarin na hindi lamang sa
nasabing kurso sila mag-pokus ngunit sa iba ringkurso na nasasakupan ng PLM. Mas
mainam din na mapag-aralan ito sa ibapang paaralan ngunit iyon ay kung kakayanin sa
nasabing nabigay na oras.Ipinasa ni: Adrian CauinianInayos ni: Amy DeliviosAll Rights
Reserved© 2012

WIKANG FILIPINO: HININGA, KAPANGYARIHAN AT PUWERSA


(Pangalawang Gantimpala, Gawad Komisyon sa Sanaysay 2012 ng Komisyon sa Wikang Filipino)

“Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may

kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din dito.”

—Bienvenido Lumbera

Kapangyarihan ang wikang Filipino sa Pilipinas. Kapangyarihan ang sariling wika. Isa ang sariling wika sa bumubuo ng

ating pagkatao. Nang dahil sa sariling wika, nagkakaroon tayo ng tiyak at tunay identidad na hindi hiram sa iba. Nagiging

ganap ang ating pagkatao sapagkat malinaw ang nagbunsod nito—ang sariling wika at kultura. Nagiging malaya tayo sa

lipunang ating ginagalawan dahil ganap ang ating pagkatao. Nagiging lubos ang kapangyarihan na sumasaklaw sa ating

kamalayan kung lubos din nating natatanggap ang sariling wika. Sang-ayon ito sa sinabi ni Bienvenido Lumbera na ganito:
“Sa pagtanggap natin sa wika, pumapaloob tayo sa isang lipunan at nakikiisa sa mga taong naroon. Samakatuwid, ang

kamalayan natin bilang indibidwal ay karugtong ng kamalayan ng iba sa lipunan. Kapag may kapangyarihang sumakop sa

kamalayan ng kapwa natin sa lipunan, kasama tayong napapailalim sa nasabing kapangyarihan.”

Ang sariling wika ay hindi nakababawas ng katalinuhan at katanyagan kung gagamitin sa iba’t ibang larangan. Kung ang

usapin ay karunungan, maraming nag-aakala na mahina ang mga Filipinong hindi nagsasalita ng wikang dayuhan

partikular na ang mga taong hindi nakapagsasalita ng matatas sa Ingles. Madalas silang maparatangang walang alam o

mas masakit, tinataguriang bobo. Isa itong masaklap na pangyayari. Ngunit humihina na ang ganitong pagpaparatang

dahil ginagamit ang wikang ito ng kasalakuyang Pangulo at hindi naman ito nakabawas ng katalinuhan at katanyagan. Sa

kanyang mga talumpati at opisyal na pakikipagtalastasan sa taumbayan, buhay na buhay ang wikang Filipino tulad ng

pagsasabi niya sa kanyang SONA na malakas ang bansang Pilipinas. Hindi ba’t napakaliwanag ang landas na tatahakin

kung kasabay ng malakas na Pilipinas ay malakas rin ang Filipino bilang matatag na wikang pambansa?

Ang mga Balakid sa Biyahe ng Wikang Filipino

Sa kabila ng pagpapatatag at malawakang paggamit ng wikang Filipino, buhay na buhay pa rin ang maraming isyung

nagpapahina sa ating wikang pambansa. Mga dati nang isyung nagiging dahilan kung bakit hindi umusad ang biyahe nito.

Una na rito ay ang hindi maayos na pamamahala ng edukasyon sa ating bansa at karaniwang nakakiling ang mga

administrador ng mga paaralan at pamantasan sa wikang Ingles dahil ito raw ang wika ng mundo.

Pangalawa ang uri ng trabaho na laganap sa Pilipinas, ang sunod-sunod na pagsulpot ng mga Business Process

Outsourcing (BPO) o mga call center na nangangailangan ng mga Pilipinong sanay magsalita ng Ingles.

Pangatlo ang kakitiran ng pag-iisip ng maraming edukador na hindi maaaring maging wikang panturo ang pambansang

wika. Hindi ito maaari sa edukasyon sa Pilipinas. Lagi nilang sinasabi na Ingles lamang ang wika ng karunungan lalo na sa

Agham at Matematika. Dati pa itong isyu na hindi pa rin nila matanggap ang sagot dahil nakabaling pa rin ang kanilang

paningin sa wika ng mga dayuhan.


Pang-apat na isyu, ang napakababang pagtingin ng mga mambabatas, maraming opisyal ng pamahalaan at ilang kolonyal

na Pilipino sa wikang Filipino. Marami sa kanila ang may maling haka na wala itong lakas at hindi matatag para umangkop

sa pangangailangan ng Pilipinas sa maraming larangan, medisina, batas, enhinyerya at iba pang malalaking larangan.

At ang huling isyu, kulang na kulang daw sa mga sanggunian at kakaunti ang naisasaling karunungan mula sa banyagang

wika tungo sa wikang Filipino na kailangang–kailangan ng mga estudyanteng Pilipino.

Ilan ito sa nagiging dahilan kung bakit natatrapik ang biyahe ng wikang Filipino. Paulit-ulit na lamang ang ganitong isyu na

ipinupukol ng mga Pilipinong mahina ang pagkilala sa sariling wika sa ating bansa. Kaya paulit-ulit na natatrapik ang ating

identidad bilang Pilipino.

Kalbaryo ng Wikang Pambansa

Matinding kalbaryo ang sinapit ng wikang Filipino lalo na ang nilagdaan sa panahon ng nakalipas na administrasyong

Macapagal-Arroyo ang Executive Order 210 (Establishing the Policy to Strengthen the Use of English Language in the

Educational System). Pumasa rin sa kongreso ang House Bill 4701 (An act to Strengthen and Enhance the Use of English

as the Medium of Instruction in Philippine Schools) na nagligaw sa wikang pambansa para humina at mawalan ng

kabuluhan sa edukasyon sa Pilipinas.

Totoo na ang Ingles ang wika ng mundo para magkaunawaan ang iba’t ibang lahi sa daigdig ngunit hindi totoo na wikang

Ingles ang wika ng karunungan sa bansang may sariling kultura at kabihasnan, lalo na’t ang bansang ito ay may sariling

wika. Baluktot ang daang tinutumbok ng mga Pilipinong hanggang sa kasalukuyan ay nagsusulong na sa Ingles matatamo

ang ganap na pagkatuto.

Kailangan pa ba ng maraming sarbey na magpapatunay na hindi sa Ingles ganap na matututo ang mga Pilipino,

samantalang malinaw na sa SWS Survey noong 1993 na 18 porsyento lamang ng mga Pilipino ang may ganap na

kadalubhasaan sa paggamit ng wikang Ingles at karamihan pa sa kanila'y lumaki sa Amerika at bumalik lamang dito sa
Pilipinas. Hindi pa yata sapat na batayan ito para mapanuto ang mga maka-wikang dayuhan. Sa sumunod na sarbey ng

SWS na may kinalaman sa Filipino noong December 1995, sa tanong na gaano kahalaga ang pagsasalita ng Filipino?

Lumabas sa sarbey na 2 sa bawat 3 Pilipino ang nagsasabing mahalagang-mahalaga ang pagsasalita ng Filipino. Lumabas

din na 71 porsyento ng nasa Luzon, 55 porsyento ng nasa Bisaya at 50 porsyento ng nasa Mindanao ang sumagot na

mahalagang–mahalaga ang pagsasalita ng Filipino. Sapat itong batayan na mahalagang-mahalaga ang wikang Filipino

saanmang panig ng Pilipinas. Sa sarbey ring ito nalaman ang pulso hinggil sa wikang Filipino ng mga Pilipinong nasa uring

ABC (o mga mayayaman, angat at maykaya sa buhay), 73 porsyento sa kanila ang nagsabing mahalagang-mahalaga ang

pagsasalita ng Filipino. Matatag itong basehan na hindi lamang ang nasa uring D at E (o mga mahihirap at hikahos sa

buhay) mahalagang-mahalaga ang Filipino. Bilang dagdag, sa sarbey rin ng SWS noong abril 8-16 1998, tinanong ang

1,500 na Pilipino sa iba’t ibang panig ng Pilipinas kung ano ang unang wika nila sa tahanan, 35 porsyento ang ang nagsabi

na Filipino, 24 porsyento ang nagsabi na Cebuano, 11 porsyento ay Ilonggo, 8 porsyento ay Kapampangan, 5 porsyento ay

Ilokano, samantalang 1 porsyento lamang sa buong bansa ang nagsabi na Ingles ang una nilang wika sa tahanan. Kung

ang resulta ay pumapabor sa Filipino bilang unang wika sa tahanan, hindi ba’t sa bansang Japan, South Korea, Belgium,

Czeck Republic at Slovakia, ang wikang ginagamit nila sa edukasyon ay ang unang wika na natutuhan nila sa tahanan at

ang wikang kanilang ginagamit sa pang-araw-araw na buhay. Mapapansing sila ang nanguna sa Third International Maths

and Science study noong 1997—ibig sabihin magagaling ang kanilang estudyante sa larangan ng Agham at Matematika.

Ang kanilang sikreto, gumagamit sila ng wikang hindi nalalayo sa kanilang identidad–ang sarili nilang wika.

Bukod sa SWS, mapapansing kahit sa pag-aaral ng isang iskolar na Hapones na si Koichiro Nakahara noong Enero 2005

malinaw na hindi Ingles ang namamayaning wika sa Pilipinas. Aniya, “The national language of the Philippines is Filipino.

The official languages are Filipino and English. English has been being used there since the beginning of the 20th century

but it has not been easy to popularize by the Filipino there.” Lumalabas sa kanyang sarbey na may 139 na Filipinong

tagatugon, 35 porsyento ang nagsabing dapat Filipino lamang ang opisyal na wika sa Pilipinas samantalang 2 porsyento

lamang ang nagsabi na dapat Ingles lang at 61 porsyento ang nagsabi na Filipino at Ingles. Pinatunayan din ng resulta ng

kanyang sarbey na hindi pareho ang Tagalog at Filipino dahil lampas sa kalahati o 51 porsyento ang nagsabi na magkaiba

ito.

Kung mapapanood ang dokumentaryo ng I–Witness na may pamagat na “Don’t English Me” ni Howie Severino. Nabanggit

doon na lampas sandaang taon na nating inaaral ang wikang Ingles ngunit bakit haggang sa kasalukuyan ay tila walang

katatasan sa pagsasalita ng wikang Ingles ang mga Pilipino. Pamali-mali pa rin ang marami sa atin sa pagbaybay ng

salitang Ingles. Ipagdidiinan naman ng mga maka-Ingles na hindi raw kasi siniseryoso ng maraming Pilipino ang pag-aaral
ng wikang Ingles kaya walang ganap na pagkatuto. Baluktot ang kanilang punto. Hindi kasi natural na dumadaloy sa

kaisipan ng mga batang Pilipino ang dayuhang wika kaya mahirap maging matatas sa paggamit ng wikang iyon.

Nahihirapan ang isang batang nag-uumpisa pa lamang ng pag-aaral sa elementarya na maunawaan ang leksyong pinag-

aaralan nila sa klase lalo na kung itinuturo ito sa wikang hindi niya nakasanayan o nakagisnan. Nagreresulta tuloy ito ng

mataas na drop-out rate, tinatamad nang mag-aral ang mga bata dahil hindi naman lubos na nauunawaan ang wika ng

guro lalo na sa Agham at Matematika. Sa pagtataya nga sa kasalukuyan, sa 100 batang tumutuntong sa elementarya, 70

porsyento lamang ang nakatatapos. Sa mga nagtapos ng elementarya, 90 porsyento ang makapapasok sa mataas na

paaralan at paglipas ng apat na taon ay 46 porsyento lamang ang magmamartsa at sila lamang ang makatutungtong sa

mga unibersidad o kolehiyo. Mapapansing wala pa sa kalahati ang magtatapos sa kolehiyo. Ang masama nito, marami sa

mga hindi nakapag-aral ang nagiging kriminal at nagiging problema ng bansa. Ang mga nagtuloy naman sa pag-aaral ay

masasabing hilaw ang pagkatuto, kung pag-uusapan ang wika—hindi na matatas sa wikang nakagisnan ay unti-unting

nalimutan at hindi na ito napahalagahan. Mali kasi ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas, bata pa lamang ay isinusubo na

ang wikang dayuhang mahirap maunawaan.

Wala naman talaga sa wikang dayuhan ang pagkatuto ng mga Filipino kundi nasa sariling wika. Pagpapatunay nga ng

isang edukador na Canadian na si Phil Bartle, “Sa pag-aaral ng basikong literasiya, ang wikang gagamitin ay base sa kung

ano ang karaniwang naiintindihan at alam ng pamayanan. Walang isang wika ang pinakamahusay kaysa sa iba.” Kung

babalikan din natin ang kasaysayan ng Pilipinas, nang ipinag-utos ng mga Amerikano noong 1901 na gawing opisyal na

wikang panturo ang wikang Ingles sa mga paaralan sa Pilipinas, makalipas lamang ang dalawampu’t limang taon ay

nabatid agad ng Amerikano sa pamamagitan ng pag-aaral ng Monroe Educational Survey Commission na hindi naging

matagumpay ang pagkatuto ng mga Pilipino gamit ang wikang Ingles sa kanilang pag-aaral. Dahil dito ipinag-utos din

noong 1931 na wikang vernakular na ang gagamiting wikang panturo sa elementarya.

Matagal na dapat nating alam na ang wikang dayuhan ang isa sa dahilan ng pagkaligaw nating mga Pilipino sa daan ng

karunungan. Noon pa sinasabi at ipinaalala ng isa pang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Virgilio

Almario na, “Kailangang-kailangan na natin ang Filipino sa edukasyon at opisyal na talastasan. Pero ayaw nating harapin

ang tawag ng taumbayan.”

Pagsakay sa Tatag ng Filipino Bilang Wika ng mga Pilipino


Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na

pakikipagtalastasan ng mga Pilipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-

tangi ang tatag nito dahil ito ang wika ng lipunang Pilipino. Kaugnay ito sa sinabi ni Pamela Constantino na, “Ang anumang

kapangyarihan o puwersa ng wika ay itinalaga ng institusying sosyal.” Hindi maitatangging malakas sana ang puwersa at

kapangyarihan ng wikang Filipino sa maraming larangan tulad ng edukasyon, batas, agham, teknolohiya at iba pa, ang

kaso pinahihina at binabansot ng paniniwala ng nagkukunwang edukado at maraming politiko sa ating bansa.

Isang simpleng sitwasyon ang maaaring maging halimbawa na maraming nagkukunwang edukado ang salat pa rin ang

kaalaman pagdating sa usapin hinggil sa ating sariling wika. Sa panahon na nililitis si dating Presidente Joseph Estrada sa

kasong pangungurakot. May isang sitwasyon na nagpapakita ng maling pagtanaw sa wika ng mga mambabatas sa Pilipinas

kaya hindi ito maisulong nang husto bilang wika sa larangan ng batas. Noong tinanong ni Hilario Davide (isang Cebuano),

ang saksing si Emma Lim kung anong wika ang nais niyang gamitin sa pagtestimonya, sumagot si Lim na sariling wika ang

gagamitin niya—ang Tagalog. Nakapagtataka ang sinabi ni Davide na wala silang interpreter mula Tagalog tungong Ingles,

sa Filipino tungong Ingles ay mayroon. Tila hindi batid ni Davide ang pinagdaanang kasaysayan ng wikang Filipino. Dahilan

kaya ang pagiging Cebuano niya? Ngunit nang magsalita si Senador Franklin Drilon na isang Ilonggo, sabi niya, hindi na

kailangan ng interpreter sapagkat lahat naman sila ay mauunawaan ang testimonya kahit sa Tagalog.

Nabanggit din ni Constantino na taglay ng wika ang kakayahang baguhin ang paniniwala ng isang indibidwal. Sa pakikipag-

ugnayan gamit ang wika, maraming bagay ang maaaring magbago. Kunsabagay, marami nang pangyayari sa Pilipinas na

kinakitaan ng malaking pagbabago tungo sa pagsusulong ng wikang Filipino.

Ang matibay na halimbawa ay noong Agosto 20, 2007, tatlong korte sa Lungsod ng Malolos ang nagdesisyong gumamit ng

Filipino sa paglilitis upang maisulong ang pambansang wika. Labindalawang istenograpo mula sa hukuman 6, 80 at 81

bilang modelong korte gamit ang wikang pambansa ang sumailalim sa pagsasanay sa Marcelo H. del Pilar College of Law

ng Bulacan State University bilang pagsunod sa direktiba ng Korte Suprema ng Pilipinas hinggil sa paggamit ng Wikang

Filipino sa istenograpiya. Pangarap noon ng dating Punong Mahistrado na si Reynato Puno na pati sa Laguna, Cavite,

Quezon, Nueva Ecija, Batangas, Rizal at Metro Manila ay maipatupad ang paggamit ng sariling wika sa paglilitis.
Dati pa man, sa sanaysay ni Virgilio Almario na may pamagat na “Filipino ang Filipino” nabanggit na niya ang maraming

pagsisikap at eksperimento sa paggamit ng Filipino sa gawaing akademiko. Aniya, maraming gurong pasimuno sa mga

unibersidad, lalo na sa UP, Ateneo de Manila, at De La Salle. Nangunguna raw si Dr. Virgilio Enriquez sa mga orihinal na

saliksik sa sikolohiya sa wikang Filipino. Itinuro ni Fr. Roque Ferriols ang pilosopiya sa Filipino. Isinalin ni Judge Cesar

Peralejo ang kodigo sibill at kodigo penal. Lumikha ng diksyonaryo sa kemika si Dr. Bienvenido Miranda at sa Medisina si

Dr. Jose Reyes Sytangco. May libro sa ekonomiks si Dr. Tereso Tullao, Jr. sa wikang Filipino. May mga nagtuturo ng

matematika sa Filipino. At marami nang jornal at monograp sa iba’t ibang disiplina na nakalathala sa Filipino. Kaya hindi

totoo na kulang na kulang sa sanggunian at kakaunti ang naisasaling karunungan mula sa banyagang wika tungo sa

wikang Filipino. Katunayan, patuloy ang Sentro ng Wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas sa paglalathala at pagpondo

sa mga aklat na nasa Filipino. Nasabi na rin dati pa ni Almario, “Kung ang usapin ay ang paglilimbag ng mga materyales sa

pag-aaral na nakasulat sa sariling wika, walang demand kaya hanggang ngayo’y walang pabliser na nagpapasimuno sa

paglalathala ng aklat sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan.”

Ang lahat ng nabanggit na halimbawa ng pagsisikap tungo sa ikauunlad ng pagkatuto sa iba’t ibang larangan ay dahil sa

puwersa at kapangyarihan ng wikang umiiral at nandyan lang. Hindi na dapat nating ipagtaka kung paano nagawa ang

pagsasalin at pagpapabukal ng karunungan sa ibat’ ibang larangan gamit ang wikang Filipino. Angkop na angkop ito sa

pananaw ni Umberto Eco sa kanyang sanaysay na “Language, Power, Force” binanggit niya, “We must not be amazed then

to hear people say that the given language is power... because outside the given language there is nothing.”

Pagtahak at Pagtalunton sa Wika at Edukasyon sa Pilipinas

Naging pugad ng anomalya ang edukasyon sa Pilipinas sa mga nakalipas na taon. Naging gatasan ito ng ilang opisyal ng

gobyerno na naging mitsa ng panganganib ng kalidad ng edukasyon ng mga Pilipino. Ilan sa anomalya ng DepEd ay ang

noodles scam noong 2007, ang noodles na nagkakahalaga ng 18 pesos bawat isa. Ang textbook scam na isiniwalat ni

Antonio Go kung saan bumili ang gobyerno ng mga aklat na hindi dumaan sa maayos na bidding at ebalwason na nagdulot

ng mababang uri ng mga aklat ngunit napakamahal ang presyo. Nakasasagabal ang ganitong pangyayari sa Pilipinas

upang maabot natin sa taong 2015 ang inihain ng United Nations na Education for All (EFA) o Edukasyon para sa Lahat,

higit pa yatang lumalala ang baku-bakong landas na tinatahak ng edukasyon sa Pilipinas. Kahit bumuo noong 2007 ang

nakaraang administrasyong Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng Executive Order 652 ang Presidential Task Force on

Education (PTFE) upang matugunan ang EFA, wala itong nagawa dahil patuloy na bumagsak ang literacy rate o antas ng
pagkatuto ng mga Filipino. Sa datos nga ng NSO noong 2011 apat sa sampung kabataan ang hindi marunong bumasa at

sumulat.

Batay sa mga datos na nakalap ni Dr. Edberto Villegas, sa panahon ni Macapagal-Arroyo, kalunos-lunos ang kalagayan ng

mga estudyante at guro sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas. Nasaliksik niya na batay mismo sa estadistika ng

gobyerno, may kakulangan ng 49, 000 na klasrum at may 2, 381, 943 na mga desk/armchairs sa ating mga paaralan. Ang

ratio ng bilang ng libro sa mga estudyante ay 0.33 sa mga pampublikong paaralang pang-elementarya at 0.6 sa hayskul.

Nananatili rin ang kababaan ng sahod ng mga guro ayon sa datos ng Alliance of Concerned Teachers o ACT. Ang 500,000

guro sa elementarya at sekondaryang pampublikong paaralan ay sumasahod lamang mula 4, 000 hanggang 6, 000 bawat

buwan.

Bukod sa mga nabanggit na mga anomalya at suliranin sa edukasyon. Nananatiling suliranin sa larangang ito ang hindi

pagtanggap ng maraming edukador sa wikang Filipino bilang wikang panlahat at wikang panturo.

Ayon kay Bienvenido Lumbera, “Sa kasalukuyan, nagkapuwang na ang wikang Filipino sa kurikulum. Hindi pa ito ang

kinikilalang wikang panturo, pero may lugar na ito sa paaralan. Nakapasok na sa akademya ang wika ng masa. Bagamat

ang marami sa mga maykapangyarihan ay nagmamatigas pa rin na sa Ingles lamang nagaganap ang tunay na edukasyon

ng kabataang Filipino.” Sa obserbasyong ito ni Lumbera, ang lakas at kapangyarihan ng sariling wika sa Pilipinas ay

pinipigilan pa rin ng mga maykapangyarihan dahil nakabaling sila sa dayuhang wika. Tila bulag ang mga Pilipinong nasa

kapangyarihan at kolonyal mag-isip kung kaya’t nananatiling suliran sa edukasyon hanggang sa kasalukuyan ang wikang

panturo.

Ang isa pang mabigat na isyu, hindi magaganap ang pagsupling ng kontra-kolonyal na wika at edukasyon kung ang

laganap na trabaho sa Pilipinas ay Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center. Dahil sa trabahong ito, lumikha

ng mga programa ang maraming unibersidad na magpapalakas sa wikang Ingles at ang mga kolehiyo at unibersidad na

may programang BSE English at AB English ay hindi na tumuon sa pangangailangan ng Pilipinas na humubog ng mga

magiging edukador sa hinaharap, itinuon at nakapadron ang mga kurikulum sa pangangailangan ng mga call center na sa

loob nito’y mga Pilipinong naglilingkod sa mga dayuhan. Masaklap kung iisipin na maraming mga kolehiyo at unibersidad

sa ating bansa ang hindi naghahain ng mga programang nagsusulong at nagpapalakas ng identidad at diwang Filipino gaya
ng mga programang BSE Filipino, AB Filipinolohiya, Araling Pilipino na pinalalakas na lamang ng ilang unibersidad sa ating

bansa. Kung may mga trabaho nga lang sana tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino, hindi sana nagiging ganito

ang sitwasyon ng mga institusyong pang-edukasyon.

Ang Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino

Sa napakaraming isyu tungkol sa wika at edukasyon sa Pilipinas, mababakas naman kahit papaano sa sinasabing tuwid na

landas ng kasalukuyang administrasyong Aquino ang kontra-kolonyal na wika at edukasyon. Huwag nga lang sana itong

maging wang-wang kundi maipatupad din ayon sa kagustuhan ng kanyang nga boss—tayong mga Pilipino. Bukod sa

pambansang programa niya kontra-korupsyon, ang kanyang pambansang adyenda sa edukasyon para sa ating bansa ay

bumabaling sa Filipino. Ayon sa DepEd, sa kasalukuyan napigilan na ang ugat ng korupsyon sa kanilang ahensya at

tumuon sila sa pagpapataas ng edukasyong primarya. Nais nilang “bawat bata, mambabasa” sa unang grado, sa ganitong

punto mapapataas ang antas ng literasiya sa ating bansa. Inuumpisahan na rin ang pagbabalik ng maayos na ebalwasyon

sa mga librong gagamitin sa paaralan upang makatiyak na dekalidad ito at hindi nahahaluan ng korupsyon. Dinirinig na rin

ayon sa DOLE ang dagdag na umento sa sahod ng mga guro. Huwag lang sana itong dinggin kundi dagdagan na ng

makakasapat sa pang-araw-araw na pangangailangan ng guro sa kasalukuyan. Ayon din sa nakaraang SONA ng

administrasyong Aquino, bumaba ang bilang ng walang trabaho sa Pilipinas. Magandang indikasyon ito ng pagbabago, pero

sana ang idinadagdag na trabaho ay Pilipino ang nakikinabang hindi laging dayuhan na lang. Malinaw rin ang papel na

tinatahak ng wikang pambansa na kasama sa adyenda ni Aquino sa edukasyon, makatwiran lamang na gamitin ang

sariling wika bilang midyum ng pagtuturo sa ating bansa. Palalakasin ang paggamit nito sa Agham at Matematika upang

makamit ang kahusayan sa larangang ito. Ang pananaw niya sa wika ay ganito: Matuto ng Ingles at umugnay sa daigdig,

matuto ng Filipino at umugnay sa ating bansa at panatilihin ang sariling wika at umugnay sa pamana ng lahi.

Sa landas na tinatalunton natin bilang mga Pilipino, dapat magkaisa tayo. Tigilan na ang kolonyal na pag-iisip na

nagpapabagal sa pag-unlad ng identidad at karunungan nating mga Pilipino. Kung may naiaambag man ang kasalukuyang

administrasyon sa pagpapalakas ng sariling wika, huwag lang doon umasa, higit dapat tayong maging malakas bilang mga

Pilipino. Magiging malakas tayo kung mananatiling matatag ang ating sariling wika dahil idiniin ni Lumbera, “Parang

hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito.”


MGA SANGGUNIAN:

Almario, Virgilio S. (1997). Tradisyon at Wikang Filipino. Lungsod ng Quezon: Sentro ng Wikang Filipino.

Aquino, Benigno Simeon III S. (2010) salin ni Roberto T. Añonuevo. 10 Ways to Fix Education in the

Philippines nasa http://alimbukad.com.

Bartle, Phil. (2008) salin ni Myla Burke. Mga Prinsipyo ng Kaalaman sa Pagbasa at

Pagsulat nasa http://www.scn.org/mpfc/modules/lit-prtt.htm.

Constantino, Pamela C. (1996). Wika Bilang Kasangkapang Panlipunan: Wikang Pambansa Tungo sa Pangkaisipan at Pang-

ekonomikong Kaunlaran nasa Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. Pamela C. Constantino at Monico M. Atienza, mga

ed. Lungsod ng Quezon: University of the Philippines Press.

Eco, Umberto. (1986). Language, Power, Force nasa Travels in Hyperriality: Essays translated from Italian by William

Weaver. Great Britain: Picador

Lumbera, Bienvenido. (2007). Ang Wika ay Kasangkapan ng Maykapangyarihan: Ang Wika Bilang Instrumentong

Politikal nasa http://avhrc-kultura.blogspot.com.

Nakahara, Koichiro. (2005). Review of Some Literatures and Results of Survey on English and Filipino in the

Philippines nasa http://opac.kanto-gakuin.ac.jp.


Villegas, Edberto M. (2004). Ang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas nasa http://www.bulatlat.com/news/4-6/4-6-

edukasyon.html.

POSTED BY ROM PEÑA AT 4:10 AM

Anim na Aspekto ng Pag-unawa sa Markahang Pagsusulit sa Filipino Everlinda U. Aleta De La Salle Lipa
High School Department ever_aleta@yahoo.com everlinda.aleta@dlsl.edu.ph Abstrak: Ang pag-aaral ay
nakatuon sa pagsusuri ng anim na aspekto ng pag-unawa na ginagamit sa markahang pagsusulit sa
Filipino. Layunin nitong sipatin ang mga tanong na ginagamit sa markahang pagsusulit upang matiyak
kung nasusunod nito ang mungkahi ng Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges and
Universities (PAASCU) kaugnay ng higit pang pagpapahusay ng mga aytem sa mga pagsusulit. Sisikaping
sagutin sa papel ang sumusunod na tanong: 1.) Ano-anong aspekto ng pag-unawa ang ginagamit sa
markahang pagsusulit? 2) Alin sa mga aspektong ito ang pinakamadalas na gamitin sa pagtataya? 3) Ano
ang mungkahing paraan sa epektibong pagtataya? Naging batayan ng pag-aaral ang teoryang
pangkurikulum ni John Dewey na naniniwalang ang kurikulum ay dapat na tumutugon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral upang makasabay sa hamon ng modernisasyon. Gumamit ng
paraang palarawan at pasuri upang ilahad ang detalye ng pag-aaral. Sa pangangalap ng datos, sinuri ang
mga aytem ng markahang pagsusulit sa taong panuruan 2014-2015. Natuklasan sa resulta ng pag-aaral
na nakasusunod sa rekomendasyon ng PAASCU kaugnay ng pagiging kritikal ng mga aytem ng
markahang pagsusulit ang mga aytem sa pagsusulit ng Filipino. Batay sa resulta, iminumungkahi na
patuloy na gamitin ang anim na aspekto ng pag-unawa sa mga pagtataya upang sukatin ang natutuhan
ng mga mag-aaral sa bawat aralin; magkaroon pa ng mga pag-aaral kaugnay ng epekto ng paggamit nito
at matukoy ang kahinaan at kalakasan nito; gamitin ang ibang pang aspekto ng pag-unawa sa markahang
pagsusulit at magkaroon ng mga pagsasanay ang mga mag-aaral sa paraan ng pagsasagot nito. Hikayatin
ang mga mag-aaral na maging aktibo at kritikal sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman at kasanayan
tungo sa mas malalim at mas malawak na pag-unawa sa aralin. Mga susing salita: aspekto ng pag-unawa,
pagtataya, kurikulum, globalisyon, teknolohiya Arts and Culture: Heritage, Practices and Futures
Presented at the 10th DLSU Arts Congress De La Salle University, Manila, Philippines February 16, 2017
1. PANIMULA Ang pagtuturo ay isang sining dahil sa pagiging malikhain ng guro sa kanyang pagtuturo
upang makuha ang interes o kawilihan ng mag-aaral upang matuto. Katulad ng isang pintor, manlililok,
artista at mananayaw ang guro ay nakapagbabahagi ng kanyang kaalaman at kasanayan sa kanyang mga
mag-aaral sa isang masining na paraan. Nakatutulong ang pagiging malikhain ng guro upang mapanatili
ang interes ng mag-aaral, o kaya’y mapukaw ang kuryusidad sa isang aralin at magamit ito sa totoong
sitwasyon sa tunay na buhay. Mabisa at epektibo ang pagtuturo kung ang mga mag-aaral ay
nagtatanong, nagsusuri, nag-iisip, naghahambing, nagpapasya sa bawat sitwasyon. Dahil dito ang
mahusay na guro ay dapat na maging malikhain/masining sa paggamit ng mga epektibong pamamaraan
ng pagtuturo. Ito dapat na angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral kaya kailangan ang
masusing paghahanda upang matiyak na tutugon ito sa layunin ng pagkatuto. Dapat na isaalang-alang
din ang pagkakaiba-iba ng antas ng kaalaman at karanasan ng mag-aaral. Kailangang taglay nito ang
pagiging mapanghamon sa abilidad o kakayahan ng mga guro at mag-aaral at humihikayat ng
epektibong pagkatuto. Ang ganitong mga katangian ay katugon pangkalahatang layunin ng kasalukuyang
kurikulum ng Filipino , ang makalinang ng (1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring
pag-iisip at, (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at
teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na
pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig. At upang matugunan
ang layuning ito binigyang-pokus sa mga aralin ang hinggil sa mahalagang pag-unawa(understanding) na
naipamamalas sa pamamagitan ng sumusunod: pagpapaliwanag ng mahahalagang konsepto o kaisipan
sa sariling pamamaraan; paglalapat o pag-uugnay ng mga natutuhan sa sariling karanasan o pangyayari
sa tunay na buhay; paglalahad ng mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pananaw; paglalarawan ng
mga kahinaan at kalakasan ng paksa; pagpapaliwanag at pagpapatunay sa isyu; pag-unawa at pagdama
sa damdamin ng iba; pagbibigay interpretasyon o sariling pagpapakahulugan sa iba’t ibang konsepto at
paglalahad ng sariling pananaw at opinyon hinggil sa isang isyu o usapin. Ang pagpokus sa ganitong uri
ng pag-unawa ay naaayon sa rekomendasyon ng Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges
and Universities (PAASCU) sa paaralang De La Salle Lipa. Hinihikayat dito ang mataas na antas ng pang-
unawa sa mga pagsusulit at maging ang kasanayan sa mabisang pagtatanong. Nakalahad sa
rekomendasyon ng PAASCU ang ganito: 1) the test construction in all subject areas be improved as to
include questions that require students’ use of higher-order thinking skills and 2) reinforce the
development of students’ questioning ability. Dahil dito, nahikayat ang mananaliksik na isagawa ang
pag-aaral na ito. Ang resulta ng pananaliksik na ito ay makatutulong sa pagpapayabong ng kaaalaman ng
at kasanayan ng guro sa epektibong pagtuturo. Ang kasalukuyang pag-aaral ay magiging mahalaga sa
mga sumusunod: Sa mga mag-aaral ng sekondarya na nakararanas ng uri mga pagtataya na ginamitan ng
iba ibang antas ng pagunawa , upang higit na maging makabuluhan at aktibo ang paraan ng kanilang
pagkatuto sa mga aralin; sa mga guro, upang higit na maging mahusay sa kanilang larangan sa tulong ng
bagong kaalaman at kasanayan sa paglikha ng mga tanong sa pagsusulit, sa mga administrator o
tagapamuno ng paaralan upang maging pamantayan o gabay sa pagsasaayos ng kurikulum na aangkop
sa kasalukuyang takbo at pagbabagong magaganap sa hinaharap sa larangan ng edukasyon. Layunin
nitong sagutin ang sumusunod na tanong: 1.) Ano-anong aspekto ng pag-unawa ang ginagamit sa
markahang pagsusulit? 2) Alin sa mga aspektong ito ang pinakamadalas na gamitin sa pagtataya? 3) Ano
ang mungkahing paraan sa epektibo ang pagtataya? Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa pagsusuri ng
mga aytem na tanong na may uring pag-unawa(understanding) na ginamit sa markahang pagsusulit sa
Filipino ng baitang 7-10 sa tanong 2014-2015. Bibigyang-pansin sa pananaliksik ang iba ibang aspekto ng
pag-unawa sa markahang pagsusulit at mga mungkahing paraan upang higit pang mapabuti ang mga
pagtataya. Hindi saklaw ng kasalukuyang pag-aaral ang mga aytem na tanong na nabibilang sa uring
process at knowledge at maging mga aytem na understanding na ginamit sa mga pagsasanay at maikling
pagsusulit. Magiging gabay sa pag-aaral, ang teoryang pangkurikulum ni John Dewey na naniniwalang
ang Arts and Culture: Heritage, Practices and Futures Presented at the 10th DLSU Arts Congress De La
Salle University, Manila, Philippines February 16, 2017 kurikulum ay dapat na tumutugon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral upang makasabay sa hamon ng modernisasyon. Pinagtuunan ng
pansin ni Dewey ang pag-aaral sa kilos at gawi ng mga mag-aaral sa mga aspektong social, constructive,
expressive, at artistic. Naniniwala siyang dapat na natutulungan ng kurikulum ang mga mag-aaral upang
magkaroon ng diwa ng totoong mundong kanilang ginagalawa

You might also like