You are on page 1of 18

Tapat na Mangangaral

Bulaang mangangaral animoy pantas sa katuwiran


Pananalita’y mainam pupukawin iyong kaisipan
Pamantayan ay sa laman at di sa banal na kasulatan
Pagkat sa salita ng Dios sila’y walang alam

Pamanhik ng ilan sila daw ang totoo


Pastor nila’y sugo sa huling araw na ito
Mga hula daw sa biblia kanilang patotoo
Ngunit pag iyong sinuri totoong napakalabo

Ang isa nama’y tumanggap naman ng pahayag


Mula sa Dios Ama pagkat siya daw ang anak!
Mga bibliang talata di na daw kailangan
Pagkat sa kaligtasan siya daw ang daan

Oras ng katotohanan pang-akit madla


Apostol daw nila’y pinagpahayagan ng salita
Ngunit kahit saang dako, ay nangongolekta
Mga salita ng Dios kinakalakal nila

Oras ng himala ang kanyang anyaya


Sari-saring karamdaman nalulunasan niya
Sa pagpatong ng kamay at kaunting salita
Sa kanyang pagkumpas, ika’y matutumba!

Sa lahat ng ito’y may hula ang biblia


Mga bulaang mangangaral ay maglilipana
Mangagpapakita ng mga dakilang tanda
Gagawa ng mga himala’t dadayain ang madla.

Sa aba ng mga bulag, na inaakay ng bulag


Sa hukay, ay kapwa sila, malalaglag
Sila’y mga asong walang kabusugan,
Walang mga unawa, ang hanap lamang ay pakinabang

Kaya’t ang aking puso’y, Tunay na nagpapasalamat


Bagama’t akoy musmos, mahirap lamang at hinamak
Tapat na mangangaral aking nakilala
Upang ang aral ng Dios ay aking maunawa

Brother Eli at Brother Daniel, mahal naming mga taga-akay


Tinitiis ang maraming hirap, upang sa katuwiran kami’y maakay
Di sila gaya ng karamihan, Na kinakalakal ang katotohanan,
Kundi sa pagtatapat, tayo’y inaakay sa kabanalan.
ANG GINTO AT ARAL

I
AKO’Y KABATAANG LAKI SA IGLESIA
NGAYON AY TUTULA SALIG SA BIBLIA
“ANG GINTO AT ARAL” ANG MAGIGING TEMA
ANG PAKIUSAP KO AY PAKINGGAN SANA.
II
PAG MARAMING GINTO ANG NASA IYONG KAMAY
MARAMI RING SARAP ANG IYONG MATITITKMAN
NABIBILING LAHAT BAWAT MAIBIGAN
BAHAY, KOTSE, LUPA’T MAMAHALING BAGAY
III
ANG MGA MAYAMANG ‘SANG TAMBAK ANG PERA
MAHIGA’T MABANGON AY WALANG PROBLEMA
HABANG NASA LUPA SILA’Y MALIGAYA
ANG BAWAT MAHILING AY NAGIGING KANYA
IV
PAGKA’T ANG MAYAMANG GUMON SA PAG-IBIG
SA SALAPI’T YAMANG KANYANG NINANANIS
WIKA NI SAN PABLO AY NANGALILIHIS
KANILANG PAG-ASA’Y TINUHOG NG HAPIS
V
BUTI PA ANG ISANG TAONG MARALITA
KAHIT WALANG GINTO SA ARAL SAGANA
BUONG PANANALIG NYA’Y SA LUMIKHA
ANG ARAL NA NASA SUGONG KATIWALA
VI
ANG ARAL NA TURO’Y GINTONG MADALISAY
DADAAN SA SUGONG TAONG KASANGKAPAN
MAPALAD ANG TAONG MAY KAUNAWAAN
ANG MAKAKAKSAMA’Y MAPALAD DING TUNAY
VII
KUNG ANG GINTONG YAMA’Y NAKALILIGAYA
LALO NA ANG ARAL SA ATING BALISA
PAMAWI NG LUMBAY, PANG ALIS NG DUSA
LULUNASANG PILIT ANG PAGKAKASALA
VIII
HUWAG TAYONG BIBITAW HANGGANG KAWAKASAN
HAWAKAN ANG TURONG –ARAL GINTONG LANTYAY
ATING MARARATING ANG LANGIT NA BAYAN
SA DULO NG HAPIS BUHAY WALANG HANGGAN
Title: Tunay na Kayamanan

Tayong nilalang ng Maykapal


May pananagutan sa mundong ibabaw
Kaya walang dapat idahilan
Upang ito'y iwalang kabuluhan.

Ang bawat kaloob na bigay sa atin


Nararapat lamang na ating gamitin
Sapagkat dito tayo mamarapatin
Upang tahanang langit ating kamtin.

Di tayo hahatulan sa mga kasalanan


Sapagkat tayo’y laya na sa kautusan
Ng ating tanggapin ang aral na banal
Sa bautismo nilinis ating kasalanan.

Kaya naman nga 'wag nating sadyain


Paulit ulit na ito ay gawin
Baka kasalanan di natin namamalayan
Nagbunga na pala ng kamatayan.

Pagtulong sa mga nangangailangan


Isang larawan ng tunay na kabanalan
Pagmamalasakit ng walang kabayaran
Naghihintay satin ganting walang hanggan.

Kayamanan di kayang tumbasan


Ng pilak at yaman sa sanlibutan
Busilak na puso taglay kalinisan
Sa puso at isip sadyang walang kapantay.
“DALISAY N’YANG DOKTRINA”

Ang Dios nga ay naglagay Sa kaniyang Iglesia


Una’y mga Apostol Saka mga Propeta
Iba’t-ibang kaloob pati mga himala
Ngunit higit sa lahat dalisay na Doktrina

At sa ating panahon sa ati’y isinugo


Ang dalawang lalaki sa ati’y nagturo
Nito ngang mga aral na buhat kay Kristo
Doktrinang magbabago ng ating pagkatao

Wastong panalangin atin ngang natutuhan


Tamang paninikluhod bagbag na kalooban
Ang pag papakilala nang mga kahilingan
Na may pasasalamat sa Dios ng kalangitan

Ang ating mga dila totoong naturuan


Na makapagsalita ng bunong katapatan
Ang oo at ang hindi ay walang kalabisan
Ito ay napaamo ng aral at katwiran

An gating mga mata katwira’y natutunan


Na h’wag magsitingin ng mayroong kahalayan
Sa ating mga isip inalis kapootan
Tinanim ay pag-ibig sa buong kapatiran

Sa ating mga kaaway aral ating ibigin


Kung sila ay magutom ay ating pakainin
Kung sila ay mauhaw ay ating painumin
Tunig na maiinom pagkaing makakain

Ating pagkakatipon turo ay h’wag pabayaan


Lalo’t kung makikita tanda ng kawakasan
Handog na iaalay ang ambag na sinimpan
Ating pinagpagalan at gawang kabutihan

Ang Pagpapasalamat ating naunawaan


Ang ating mga utang ay ating babayaran
Na ating ihahandog harap ng buong bayan
Ng Dios ng Israel na makapangyarihan
Mga kalalakihan hindi pinapayagan
Na sila’y magsisuot damit kababaihan
Kanilang mga buhok di dapat na habaan
Pagkat ito’y mahalay turong katalagahan

Gayon din ang babae sa gayak inaralan


Na mahinhin na damit mayroong katimtiman
Ang buhok walang hiyas ginto man o perlas
Sa katawa’y malis mamahaling alahas

Sa kanilang mga ulo lambong ay makikita


Buho na mahaba na ito’y isang tanda
Na ang Kristo nga ng Dios ang siyang namamahala
Sa kanilang mga buhay sa loob ng Iglesia

Aral ng espirito na ating pinakinggan


Ang mga inihain sa mga dios-diodasan
At sa pakikiapid sa dugo at binigti
Turo sa ati’y mangilag ating ikabubuti

Ang mga pamumusong sa ati’y pinagbawal


Magsalita ng laban sa katwiran at aral
Mga salita ng Dios atin ngang iningatan
Upang ang pagkatao’y tunay na nahugasan

Sa Bautismong tinanggap kay Kristo ay sumumpa


Na atin ngang susundin ang kaniyang salita
Kasakdala’y marating na ating gantimpala
Kung ating tutuparin Dalisa’y N’yang Doktrina
KAY PALAD KO PALA

Nagmulat ang mga mata umagay di nag iiba Para ngang tugon ng langit hiling ko ay ibinigay
Sa nagdaang mga araw na panahong lumipas na Isang gabu itong si ama, maaga pa’y nasa bahay
Hiyawan ng kapitbahay naghahari sa looba Gayundin ang aking ina di tinungo ang bingguhan
Na kapitbahay naghahari sa looban Sa unang pagkakataon sa hapuna’y sabay-sabay
Sari saring mga ingay pagkahimbing nagulantang
Ang radio nga nami’y bukas ay sila’y nagsisipakinig
Hapdi ng aking sikmura minsan pa ay naramdaman Doon sa istasyon sa dinig ko ay 558
Na magmula pa kagabi di man lang nasayaran May isa ngang nangangaral paninindiga’y nasa tinig
Ng mainit na kape o matigas na tinapay man Ang pangala’y Bro Eli, salita ng Dios ay hatid
Nasanay na itong gutom sa pagidlip kalimutan
Ang pag-alam ng katwiran sila ay nagging puspusan
Tinungo ko ang kusina nitong aming munting dampa Hanggang dumating ang araw sila nga’y
Hanap ay mailalaman ditto sa hungkang ko ng naawtismuhan
sikmura Anong galak nitong puso sa aking natunghan
Sa paglakad nadaanan ang ina kong nakahimlay Kay laki ng pinag-iba mahal kong mga magulang
Na gaya ng dati’y puyat galling doon sa bingguhan
Kapalarang nasa akin magulang ko’y naging sila
Maya maya’y dumating na ang ama kong humahapay Sa katwiran ng Dios namulat kanilang mata
Marahil ay nagpalipasang magdamag sa tindahan Habang kami lumalaki naging aral Niya
Kasama’y mga kumpare, na doon ay nag-inuman Di tulad ng ibnag bata lugmok sa maling pagsamba
Madalas ang uwi’y, galit, mura at sakit ng kalooban
Kapag gulang ay sapat na isa ang aking pagarap
Sa musmos kong kaisipan, naghahari ay katanungan Banal na bautismo sana ay aking matanggap
Ako nga ba’y isinilang sa ganitong Kapalaran? Amang Dios na Maylalang samo ko at pakiusap
Magulang ko ay pabaya minsa kami’y sinasaktan, Magulang ko ay samahan hanggang sila ay maging
Ang paglingap ng mga magulang banyaga sa ganap
pakiramdam
Salamat po sa Iyo kay buti ng kapalaran
Mayroong mga gabi kay ilap nitong paghimbing Ibinigay na msgulang may unawa sa katwiran
Sa paglipas ng mga oras sa binata’y titingin At sa isang mangangaral tapat at naninidigan
Mga mata’y itutuon sa nakasabog na bituin Salamat pos a Iyo Ama sa di masayod na katwiran
At sa pinakamakislap ako doon ay hihiling
Ingkong at Kuya Naming Minamahal

I
Sa Pilipinas na Bayan,
Sa malayong Silanganan,
May mga lalake doo’y isinilang,
Sugo ng Dios ang pagkakahirang.
Bro. Eli at Bro. Daniel
Ang kanilang Pangalan

II
Ingkong at Kuya amin silang turingan
Higit na mapagmahal kaysa aming magulang.
Buhay at Lakas kanilang inialay
Upang kaligtasan aming maunawaan.

III
Subalit dahil sa pagbabandila ng Katotohanan
Ingkong naming kinailangnang lumisan
Upang kaligtasan kaiyang maipaabot
Sa maraming tao sa sansinukob.

IV
BAgamt mahirap ang nararamdaman
Pagod at Puyat laging nararanasan.
Dagdag pa angpaninira, paghamak at pagkutya
Ng mga kaaway sa pananampalataya

V
Hindi titigil ang masasama
Pananampalataya naming ibig nilang mawala
May Amurao pa na binabanggit sila
Kamatayan ng aming mga sugo Ang kaligayahan nila

VI
Hanggat silng dalawa laging nagpapatuloy
Sa kanilang pangangaral Susulong at yayabong.
Kaya mga kapatid, kaibigan at mga magulang
Ingkong at Kuya natin Huwag nating iiwanan!

SUGO NG DIOS

Ito’y titulong marami ang nag-aangkin


Iba’t-ibang mangangaral sa panahon natin
Subalit papaano natin mapatutunayan
Na ang mangangaral ay sa Dios nga mga kababayan? Yan ngayon an gating pag-uusapan

Tunghayan natin ang mga isinasaad


Bawat katwiran na ang biblia’y inilalahad
Tungkol sa mangangaral na dapat nating samahan
Upang sa ati’y umakay sa kaligtasan

Mangangaral ay kasangkapan ng Dios sa pagliligtas


Upang aral Niya’y ating matalastas
Subalit tandaan sa ating pagsusuri
Mangangaral ay may dalawang uri
Ang tapat at ang mapagkunwari

Pag ang samahan mo’y ang di tapat at mapagkunwari


Lahat mong pinagpagalan ay sa wala mauuwi
Ngunit pa gang tapat ang sya ming natagpuan
Ang kapalaran mo’y buhay na walang hanggan

Datapuwa’t papaano natin sya makikilala


Sa dinami-daming mangangaral na ating nakikita
Sinong tapat at sinong hindi?
Sinong may dala ng kaligtasang minimithi?

Kialalanin natin ang bawat isa


Ang mga katangian na nasa kanila
Sapagkat kung ang pag-uusap na ay pangkaluluwa
Hinding-hindi tayo dapat na madaya!

Isang bagay na dapat nating tandaan


Anyo ng isang tao’y hindi batayan
Upang ating masabing siyang tunay na mangangaral nga
Sapagkat kanyang anyo’y maganda’t kaaya-aya?

Hindi rin naman dapat pagbatayan


Milagrong nagagawa o kanyang pinag-aralan
Sapagkat ang karunungan nitong sanlibutan
Ay ginawa ng Dios na kamangmangan

Ang batayan kung sa Dios nga ang tao


Ay ang dala niyang aral at turo
Sapagkat ang gayon at totoo
Kung ang aral niyang dala ay walang liko

Sapagka’t hindi sya gaya ng karamihan


Na kinakalakal ang salita ng Dios at pinagkakaperahan
Kundi sa pagtatapat at sa katotohanan
Nagsasalita ng sa Dios na katwiran

Mayroon kasing nagsisipagnasang maging guro


Di naman sigurado sa kanyang turo
Banal na halik daw ay beso-beso
Si Cain ang panganay, si Abel daw ay bunso

Isang bagay pa ang makapagpapatunay


Sa mangangaral na sa Dios ay ang kanyang buhay
Kung ito’y maalwan at maginhawa
O puni ng pagtitiis dahil sya’y mapagparaya

Sapagkat hindi sya gaya ng maraming pastor


Siya’y hamak lamang at dukhang predicador
Lahat niyang tinatangkilik ay handing ibigay
Upang ang iba’y maging matiwasay

Pinag-uusig siya bagama’t walang kasalanan


Bagama’t tapat pinagbibintangan bulaan
Nagdurusa sa mga tao dahil sa katwiran
Ngunit nananatling bukas-palad sa mapagkailangan

Sa tapang at paninindigan sya’y walang kapara


Mga mangangaral na bulaan ay di umuubra
Mga pastor ng Born-again, Baptist, Catoliko
Sabadista, kahit sino pa, kahit si Manalo!

Sa mga pastor na bulaan ang hamon ko’y ito


Kung ibig nyong mapatunayan ay subukan ninyo
Lumaban kayo’t panindigan nyo
Di kayo uubra magpatong-patong pa kayo!

Kaya’t masasabi ko ng buong-puso


Ang mangangaral na Dios ang nagsugo
Ay walang iba kundi an gating katoto
Si Kapatid na Eli Soriano!
“SA AKING KAMUSMUSAN”

Isang magandang araw ang aking pagbati


Binabati ko po kayo ng may ngiti sa labi
Una sa lahat sa Dios ang pagluwalhati
Tayo ay magpuri ng may pagpupunyagi

Itong aking tulang sa inyo’y iniaalay


Nais ipabatid ang pagnanasang inaasam
Mapukaw ang diwang tila nahihimlay
Sa kalagayan ng mangangaral at ng kapatiran

Sa ating kapatiran tayo’y magkaisa


Sa mga aral ni Kristo tayo’y tumalima
Sa mabuting gawain ay magsama-sama
Upang pangarap ng puso’y ating matamasa

Sa aking kamusmusan ako ay namulat


Sa aking pamilyang pag-ibig ang kalasag
Iyan ang bunga ng aral na tinaggap
Mula sa mga sugong sa aki’y naglingap

Maraming tao ngayon buyo sa kalayawan


Hinahangad nila’y layaw ng sanlibutan
Nguni’t ang tangi kong pangarap ay makamtan
Paraisong bayan akin ngang tinatanaw
Pangarap kong buhay na walang hanggan
Iyan ang aking sa puso’y inaasam
Kung saan wala nang hirap, dusa at lumbay
Makakamit natin ‘to kung magtutumibay sa aral

Hanggang sa huling hiningang kapalit


Ibinigay ng Maykapal sa lingkod Nyang ibig
Pagibig ng Dios sa propeta’y natitik
Pangakong maghahawak laging isinasa-isip

Isang bagay na natutuhan sa aking mangangaral


Kay kapatid na Eli sa tuwina’y nagpapagal
Alang-alang sa kaluluwang kanyang inaakay
Pinaglilingkod ang buhay sukat mang mapatay

Sandaa’t sanlibo na ang sa kanya’y nangahas


Tumutol sa mga aral bala’t baril ang hawak
Subali’t natinag ba ang sugong nililibak?
Magpatung-patong pa silang punong ligaw ng landas

Meron bang tumututol sa katagang binitawan?


Palagay ko’y wala! Kung meron ay titik lang
Kaya’t magisip-isip ka hangga’t oras ay di pa dumaratal
Panaho’y malapit na, parating na ang kawakasan

Kaya’t sa mga magulang, mga anak at kaibigan


Ito sana’y makagawa sa inyong kalooban
Ang nais lamang ay maibahagi ang katwiran
Na aking natutuhan sa aking kamusmusan

Nawa’y makapag-iwan ng munting aral


Itong Kawan ng Cordero sa Dios ay nagpupugay
Sa Kanya ang lahat ng karangala’t kapurihan
Mabuhay! Mabuhay! Ang Iglesia ng Katotohanan
SALAMAT PO

Salamat po Amang Banal


Sa iyong lubos na pagmamahal
Ligaya ng Puso na ako’y mapabilang
Sa tunay na Iglesia ng Dios
Na Siyang banal na kulungan

Salamat din po sa sinugo mong mangangaral


Sa pamamagitan niya’t kanyang ipinangaral
Ang dalisay na turo’t aral mo’t katuwiran
Na siyang nagmulat sa amin sa katotohanan

Bilang kawan ng kordero


Ang kapangyarihan mo’y kaharian, aming natatamo
Di hadlang ang pagkasalimoot ng sanlibutang ito
Bagamat napagsalikupan ng biyaya mo’t oh namamalayan ng ibang tao

Sa paglalakbay, kahit saan kami’y iyong samahan


Pakikipagbaka ng mga paninindigan
Sa iyong banal na pangalan

Mananatili’t pasasakop sa haligi’t saligan


Ang Dating Daan! Marapat lakaran
Kahit sa gitna ng kapighatian
Sa iyo lamang Ama ang lahat ng kapurihan

Kung loloobin mo’t matupad ko sana


Ang banal na tungkulin dito sa lupa
Sa awa’t tulong mo’y ako’y bata pa
Iingatan sa puso ang iyong dakilang salita

Nawa’y ako’y mapabilang mo’t mapaghandaan


Sa iyong pinangakong banal na tahanan
Na doon ay wala ng kamatayan
Sa paraiso mo’y buhay na walang hanggan

“TAO PARA SA MABUBUTING GAWA”

Bakit nga ba ang tao ay Kaniyang nilalang?


Ano ang Kaniyang dahil at papaano ang pagkalalang
Ang wika ng iba tao’y galling sa kawayan
Nang tamaan ng kidlat ang tao daw ay lumitaw

Sabi naman ng iba tao’y galling daw sa unggoy


Pinangangalandakan teorya ng EBOLUSYON!
Pinagpipilitan ng maraming marurunong
Kung ‘yan ang totoo bakit mayroon mukhang BABOY!

Ano nga ba talaga mga ate, mga kuya?


Alm na ba natin kung bkit tayo nilkha?
Meron kasi nagpakamatay sa kawalan ng unawa
Sa dahil ng Dios kung bakit tayo ginawa

Ating saliksikin sa BIBLIA ang kat’wiran


Sa uno-kuwatro (1:4) ng Efeso ay ating masisilayan
Ang tao’y nilalang WALANG DUNGIS! MGA BANAL!
Pinili ng Dios bago pa ang sanlibutan

Higit sa ibang bagay, ang tao ay mahalaga


Sa paningin ng Dios, tao’y walang kapareha
Ipinaglaan ng tahanan, binigyan ng kapangyarihan
Sa mga hayop sa himpapawid, sa dagat at sa parang man

Kung ang hayop at halaman tao ang pinagukulan


Ang nga baga’y ukol naman saan/
Sa dos-diyes (2:10) ng Efeso ay ating maalaman
Sa MABUBUTING GAWA ang tao ay inilaan

Ang utos ay BANAL at MATUWID at MABUTI


Ito’y ating mababasa sa Roma siyete-dose (7:12)
Mabubuitng gawa dito natin ibabase
Hindi sa kung saan, hindi lalo sa sarili

Pagkatakot sa Dios ay pagsunod sa Kaniyang utos


Buo nating katungkulan na dapat nating matapos
Kaya habang mga bata’y tinuturuan na ng lubos
Upang sa masamang araw, pag-asa’y ‘di mauubos

Kaya habang may pagkakataon gumawa tayo ng mabuti


Upang sa bandang huli ay ‘di tayo magsisisi
Baka dumating ang araw saka tayo magsasabi
Panginoon! Panginoon! Ngunit ang Dios ay tatanggi

“Ang Tama Ang Imulat Mo Sa Amin”

Pag-ibig aking nakilala di dapat palakihin


Ang bata sa layaw at sa katuwaay
Kapag namihasa kung lumaki walang hihintaying ginhawa

Sabi sa kawikaan turuan mo ang bata


Sa daan na dapat niyang lakaran
At pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan

Ang mabuting bata magalangin sa matanda


At kinaaawaan ang mahina at ang dukha
Pantay-pantay kung tumingin
Sa mayroon at sa wala
Ang matay di masisilaw sa salaping laksa-laksa

Ganyan ang batang mabait, masunurin


Siyang anak sa tahanan laging handa sa paggawa
At pagganap bawat iutos sa kanya ay gawaing matutupad
pag nangako ang sinasabi ginagwa agad-agad

Magandang ugali ating pagsanayan


kung habang bata pa ating tuturuan
magandang halimbawa ng ulirang mangangaral
ang buhay nila magandang huwaran

Kaya itong tao pag nalulong sa masama


ang nararapat na sisihin ang sarili niyang pabaya
di nakikinig at di tumutupad ng aral
at sa tahanan laging wala ay lumalabag
sa tungkuling inatas ng lumikha

Kung talas ng bibig at karunungan ang paguusapan nangunguna


ang tapat na mangangangaral sa alin mang larangan
sa lakas ng loob angking kakayahan
magaling an gating mangangaral na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan

Sa ano mang Gawain dapat alalahanin


ang pagtutulungan did apt kalimutan
magandang aral itanim sa pusot isipan
dakilang paglilingkod ang maiaalay
magandang huwaran nitong ating buhay

Kaya itong guro at mangangaral


may tungkuling anong hirap kahit hindi kanyang anak
sa mabuti hinahatak silay ilaw sa landasin na madilim at madawag
at matibay na sandigan sa hinihintay na pangarap

Kaya sa paglapit sa Maykapal lagging ugaliin


ang pagpapasalamat wag lilimutin
pangakoy kakamtin sa panahong darating
kaya sa lamat sa Dios sa Kanyang kaloob na di masabi

Ang Mangangaral

I.Guni guni’y binalangkas pinagg-alabng dadamin,


Na marating at maabot ang parnaso ng tulain;
Upangitong titik sa diwa’y ihabilin’
At sa Amang minamahal iaalay ngbuong giliw.

II.Ang Amang itinatangi hindi lamang sa salita,


At hindi rin palamuti nitogating abang dila;
Sa puso at kaganapa’y laging laman nitong diwa,
Kabutihang gawa niya sa isipa’y nakapunla.

III. Sa sandal at simula nitong ating kamusmusan,


Tumuntong ang gulang natinsa antas ng kabataan;
Walang tanging sinopa man sa sarili’y sumubaybay,
Kundi itong mapaglingap na ating mangangaral.

IV.Si kapatid na Eli tapat na tagaakay,


Sinugo ng Dios Ama mangangaral na tunay;
Walang inuurungang mga pastor na bulaan,
Maihayag lamangtunay na katuwiran.

V.Sa gitna ng masalimuot at magulong sanlibutan,


Mula sa kamangmangan hanggang kaunawaan,
Aming nakilala ang dalisay na katuwiran.

VI.Kasaysayan ay salamin ng kahapon ngayon at bukas


Nas sa dunong ng isipan kaganapa’y nagpamalas
Walang tangingnaging gabay upang ito ay matupad
Kundi sugong magpamahal ang layunin ay busilak.

VII. Wala akong maiganti sa hirap at pagdurusa,


Pagkatuto at pagkalinga sa hangarin ay nagbata;
Kundi wagas na pagibig panalangin sa tuwina,
Na lumawig itong buhay at makamtan ang ligaya.

VIII. Kayat aking pakiusap sa buong kapatirn,


Hirap ng mangangaral atin sanang damayan;
Huwag nating hayaang maging huliang lahat,
Na tayo’y mawalan ng isang sugong mapagmahal.

ANG DATING DAAN

MINSAN AKO’Y PAPAUWI BUHAT SAKING PAARALAN


NAKITA KONG NAG-UUSAP ANG MARAMING KATANDAAN
PAGLAKAD KO AY BUMAGAL AT AKING NAINTINDIHAN
PINASUKAN NA RELIHIYON ANG DI PINAGKAISAHAN

WIKA NITONG SABADISTA NA KATALO SA UMPUKAN


BAWAL WIKA YANG BABOY NI HWAG NINYO NG TITIKMAN
ISDANG WALA NG KALISKIS HWAG IHAIN SA KAINAN
IYAN DAW ANG NAKASULAT SA BANAL NA KASULATAN
SABI NITONG RIZALISTA DIOS NIYA AY SI RIZAL
BUHAY PA RAW AT NANDOON SA MALAYONG KABUNDUKAN
DI BAT’ ALAM NAMANA NATIN YANG KANYANG KASAYSAYAN
MARAHIL AY DALA ITO NG KANILANG KAMANG-MANGAN

NANG HUMIRIT ANG “BORN AGAIN” LALO AKONG NAPATAWA


TATLONG ITLOG TATLONG TALONG TALON TURO DAW YON SA KANILA
PABALIKTAD YAONG PAYONG ULAY SINASAHOD NILA
IYON DAW AY PAGPAPALA KAY EL SHADDAI NA PADALA

SUMAGOT ANG MANALISTA NA PARA PANG NANUNUYA


ANG BANAL DAW NA HAPUNAN SA UMAGA GINAGAWA
PASTOR LANG ANG BUMABASA AT ANG MIYEMBRO AY BAWAL NA
KAYA SILAY NILOLOKO CHINACHOP-CHOP PA YONG IBA
MAHINAHON NA SUMAGOT ANG KNC’NG INYONG LINGKOD
PWEDE PO BA NA AKO AY MAKASALIT MAKASAGOT
LAHAT SILA’Y NAGTAWANAN AT NILAIT AKONG LUBOS
ANO DAW ANG NALALAMAN NG TULAD KONG ISANG BANSOT

MARAMI PO AKONG ALAM NA HINDI NYO NAUTUTUNAN


ANG SINABI NINYONG LAHAT PURO HAKAT SABI LAMANG
KUNG TAMA ANG RELIHIYON NYO DI BA DAPAT MAY BATAYAN
DI KATULAD NG SA AKIN SA BIBLIA MATUTUNGHAN

LAHAT SILA AY NAGULAT SA KANILANG NARINIG


PERO AKO’Y TULOY PARIN ANG BIBIG KO’Y DI-NAUUMID
KUNG GUSTO NYO NA MATUTO MATIGIL ANG PAGTATALO
KAY BRO.ELI MAKINIG KA AT SIYA PO ANG PASTOR KO

DAPAT TAYONG MGA TAO NAGSUSURIT NAG-AARAL


LALO NA SA RELIHIYON MO PATUNGO SA KALIGTASAN
KAPAG KALULUWA MO PATUNGO SA KALIGTASAN
KAPAG KALULUWA NINYO NAPAHAMAK NG TULUYAN
HINDO MO NA MABABAWI IMPYERNO ANG BABAGSAKAN

KUNG GUSTO NYO NA MARINIG AT MALAMAN ANG HANAP NYO


MALUTAS ANG AGAM-AGAM AT MAPASOK SA TOTOO
HANAPIN ANG MANGANGARAL NA SASAGOT SA TANONG NYO

BIBLIA ANG SSAGOT ITANONG MO KAY SORIANO

TANGLAW SA DAAN

Na minsan sa buhay pumatak ang luha


Kinutkot ng takot ang bigong pag asa
Na dito sa mundo may lumbay at dusa
Anong ilalaban nang dukha’t dalita
Maunos na sigwa handa nang kumitil
Nang lipos kong buhay hudyat ang hilahil
San ako kukubli sa mga pagsupil
Ako ba’y ihahatid sa nag ngangang libing

Ako’y tumatawag saan ka naroroon?


Sino kang tutulong sa magitlang hamon
Puso’y nakiusap na sana’y humilom
Ang kirot at sakit sugat ng kahapon

Ano bang ngalan mo tanong nitong budhi


Ikaw ba ang tugon nitong minimithi?
Na sa ki’y aakay sa mga suligi
At maging karamay sa adhikang sawi

Ako’y kaibigan na sa yo’y gagabay


Tinig na bumubulong habang naglalakbay
Sa gitna nang laot siya ang karamay
Sabik na makita kaibigang tunay

Hiling nitong puso sana’y ipadama


Wagas na pag ibig anupa’t ipakita
Salamat sa iyo O Kristong dakila
Kaibigang tapat sa ki’y umunawa.

You might also like