You are on page 1of 1

Opportunity cost

Ang halaga ng pagkakataon (opportunity cost sa Ingles) ay ang halaga na ipinapataw sa


isang bagay kapalit ng isa pang bagay para sa may pinagpipilian na hindi magkakaugnay na
mga bagay. Ito ay isang mahalagang konsepto sa ekonomika. Ang ideya ng halaga ng
pagkakataon ay may malaking importansiya para siguraduhin na ang mga mahirap na
makuhang yaman ay magagamit ng mas epektibo. Hindi ang halaga ng pera ang itinutumbas sa
halaga ng pagkakataon kung hindi ay ang tunay na halaga; ang halaga na hindi mo nakuha,
ang oras na hindi na maibabalik, ang tuwa o kahit ano pang magandang bagay na maidudulot
nito sayo; ay pwedeng gamitin na basehan para sa halaga ng pagkakataon.

Trade off

Ang trade-off ay ang papili, o pagsasakripisyo ng isang bagay upang makamit ang isang
kaukulang bagay. Napakahalaga nito dahil makatutulong ito sa paggawa ng mga matatalinong
desisyon.

Sa madaling salita, ang trade-off ay nagtuturo sa iyo na hindi mo maaring makuha lahat at
kailangan may isakripisyo ka upang magawa ang isang bagay.

Marginal thinking

Sa ekonomiks, ang "marginal thinking" ay ginagamit ng mga tao sa paggawa ng mga


desisyon sa pamamagitan ng pagsusuri kung ang benepisyo ng isa pang yunit ng isang bagay
ay mas malaki kaysa sa gastos nito. Ito ay maaaring maging lubos na mahirap, ngunit ang pag-
unawa kung paano pag-aralan ang mga pagpapasya sa margin ay mahalaga upang maging
isang mahusay na ekonomista. Ang "marginal thinking" ay ang pag-iisap sa kung magkano ang
dagdag na gasto upang makakuha ng karagdagan pang mga bagay

Incentives

Ang incentives o insentibo sa tagalog ay nangangahulugan ng salapi na naibibigay sa iyo na


tinatawag ding bonus. Ito ang kadalasang inilalaan sa isa na nagtatrabaho kapag nakagawa
siya ng mabuto o naging produktibo ang isa.

Ang incentives ay nakakapagbago sa isang desisyon. Halimbawa, naka-isip ka na ng bibilhin


mong pagkain sa tindahan. Nang makapunta ka sa tindahan ay may nakita kang pagkain na
mukhang mas masarap at mas mura. Dahil dito, yun na lang ang pagkain na binili mo dahil ito
ay mas masarap at mas mura kaysa sa naisip mong bibilhin bago ka pa nakapunta sa
tindahan.

You might also like