Professional Documents
Culture Documents
Kahalagahan NG Wika PDF
Kahalagahan NG Wika PDF
Mahalaga ang wika dahil ito ang batay ng pakikipagugnayan at pakikipagtalastasan tungo
sa pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa sangkatauhan. Mawawalan ng saysay ang gawain ng
sangkatauhan kung wala ang wika. Dahil ang wika bilang pakikipagugnayan ay ginagamit sa
pakikipagkalakalan, diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan at pakikipagpalitan ng
kaalaman sa agham, industriya at teknolohiya. Ang wika bilang pakikipagtalastasan ay ginagamit
sa pagtungo, paghahanapbuhay at paninirahan sa ibang bansa.
1. pabalbal
2. lalawiganin
3. kolokyal
4. pampanitikan 5.pambansa/neutral
1.) balbal ang unang antas ng wika-ito ang pinakamababang antas ng wika.
2.) lalawiganin ang pangalawang antas-ito ay kabilang sa antas ng mga salitain ng mga
katutubo sa lalawigan.
3.) pambansa ang pangatlong antas-ang antas na ito ay laman parin ang pagtatalo kung ano
ang kasama sa antas na ito.marami ang nagsasabing wikang filipino ang wikang
pambansa,samantalang tagalog naman ang sa iba.ngunit wikang filipino parin ang naitala
bilang wikang pambansa.
4.) pampanitikan naman ang pang apat-ito ay ang pinaka mayamang uri,madalas itong
ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan.ginagamit dito ang mga
idioma,tayutay,atbp.
IMPORMAL. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
1. Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa partucular na pook o lalawigan, makikilala ito sa
kakaibang tono o punto.
Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
2. Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari rin itor
refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa
salita.
Halimbawa: Nasan, pa`no,sa'kin,kelan
Meron ka bang dala?
3. Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito;
ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)
Dayalek ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain
sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki
man o maliit.
Ayon sa pag¬aaral ni Ernesto Constantino, mayroong higit sa apat na raan (400) ang dayalek na
ginagamit sa kapuluan ng ating bansa. Sa Luzon, ilan sa mga halimbawa nito ay ang Ibanag ng
Isabela at Cagayan, Ilocano ng llocos, Pampango ng Pampanga, Pangasinan ng Pangasinan at
Bicolano ng Kabikulan. Sa Visayas ay mababanggit ang Aklanon ng Aldan, Kiniray-a ng Iloilo,
Antique at Kanlurang Panay, Capiznon ng Hilaga-Silangang Panay at ang Cebuano ng Negros,
Cebu, Bohol at iba pa. Samantala, ilan sa mga dayalek sa Mindanao ay ang Surigaonon ng
Surigao, Tausug ng Jolo at Sulu, Chavacano ng Zamboanga, Davaoeño ng Davao at T’boli ng
Cotabato.
Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na
bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa istraktura ng pangungusap. Pansinin na lamang
natin ang pananagalog ng mga naninirahan sa iba’t ibang lugar na gumagamit ng isang wika. Iba
ang pananagalog ng taal na taga-Maynila sa taga-Batangas, taga-Bulacan at taga-Rizal.
Katulad ng sa Tagalog, may barayti rin ang Ifugao ng Amganad, Batad at Kianan; ang Subanon
ng Tuboy-Salog, Siocon, Lapuyan at Sindangan; ang Blaan ng Koronadal at Sarangani; at ng
marami pa pang ibang dayalekto.
Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din
itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito
ay ang wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso,
wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat. Makikilala ang iba’t ibang barayti nito sa
pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika. Pansinin kung
paanong inilalantad ng rehistro ng mga sumusunod na pahayag ang pinagmulan ng mga ito:
Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro. Pansinin ang mga sumusunod na
termino. Kung maririnig mo ang mga ito sa isang taong hindi mo kilala, ano ang agad mong
iisiping trabaho niya?
Ang mga salitang nakatala sa itaas ay mga legal jargon. Ang jargon ang mga tanging
bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain.
Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang Accountancy at iba pang kaugnay na
disiplina:
Kung minsan, ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa karaniwan o sa
ibang larangan. Pansinin ang mga sumusunod na salitang gamitin sa isports na tennis at kung
paano naiiba ang kahulugan ng mga ito sa karaniwan:
Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang barayti ng wikang ginagamit batay sa
dimensyong heograpikal at sosyal, indibidwal pa rin ang paggamit ng wika. Sa madaling sabi,
kahit pa sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang indibidwal na katangian ng bawat tao ay
nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba
pang indibidwal. Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Tinatawag
itong idyolek. Pansinin kung paano nagkakaiba-iba ang idyolek ng mga sumusunod na
brodkaster kahit pa silang lahat ay gumagamit ng isang wika, nabibilang sa isang larangan at
naninirahan marahil lahat sa Metro Manila: a. Mike Enriquez. b. Noli de Castro, c. Mon Tulfo,
d. Rey Langit at e. Gus Abelgas. Gayahin ang paraan ng pagsasalita ng bawat isa. Iba-iba, hindi
ba?
Prominente rin ang idyolek ng mga sumusunod na personalidad kung kaya madalas silang
gayahin ng mga impersonators: a. Kris Aquino, b. Gloria Macapagal-Arroyo, c. Mel Tiangco d.
Anabelle Rama, e. Ruffa Mae Quinto at f. Mirriam Defensor-Santiago.
May iba pang barayti ng wika na tinatawag na pidgin at creole. Ang pidgin ay tinatawag sa
Ingles na nobody’s native language. Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na tagapagsalita
ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng
kumbersasyong makeshift. Madalas, ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at
ang istraktura naman ay mula sa isa pang wika. Madalas na bunga ng kolonisasyon ang barayting
ito ng wika. Pansinin ang pananagalog ng mga Intsik sa Binondo. Ang salitang gamit nila ay
Tagalog ngunit ang istraktura ng kanilang pangungusap ay hango sa kanilang unang wika.
Ganito ang madalas na maririnig sa kanila: Suki, ikaw bili tinda, mura.
Ang creole naman ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika
(nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito
bilang kanilang unang wika. Pinakamahusay na halimbawa nito ang Chavacano na hindi
masasabing purong Kastila dahil sa impluwensya ng ating katutubong wika sa istraktura nito.
Creole din ang tawag sa wika ng mga taga-Mauritius na magkahalong Pranses at kanilang unang
wika.