You are on page 1of 5

Masining sa Pagpapahayag

Butalon, Patricia Jane C.

BSAT- 3

TTH 7:30 PM- 9:00 PM


MGA TALUMPATI

Tunay na Kaibigan
Claire Venice Ramos Cawagas

Namukadkad ang mga bagong usbong na bulaklak


Mga ibon ay umaawit sa tuwa’t galak
Dumaloy ang unang patak ng ulan sa lupa
Panibagong araw, panibagong simula.

Puso at isipan ay puno ng pag-asa


Pag-asang magkaroon ng bagong samahan
Bagong samahang hindi matitinag nino man
Sa araw na iyon, nabuo ng di inaasahan.

Mula ng ika’y makilala at makasama


Pag-inog ng mundo ko’y biglang nag-ibaSa bawat araw na ikaw ang kasama
Lahat ng problema’y kayang kaya.
Sa pagdaan ng mga araw, buwan at taon
Samahan nati’y pinagtibay ng panahon
Di man tayo palaging magkasamaItsura mo sa isipan ko’y di mabubura
Kabataan: May Magagawa Pa Ba Sa Ating Bansa?

Charlene E. Saguinsin

Isang magandang umaga po sa inyong lahat! Narito ako sa inyong harapan


upang ipabatid sa mga kabataan katulad ko na ang kabataan ay pag-asa nga
ng ating bayan!

Saan natin ihahatid itong ating bayan? Sa magandang kinabukasan o sa bibig


ng kabiguan. Sa lahat ng pangyayaring nagaganap dito sa ating bansa, unti-
unting naglalaho ng di natin namamalayan. Ang sariling kayamanan na atin
nang nakagisnan.

Kabataan… kabataan… saan natin ihahatid itong ating henerasyon? Papayagan


kaya natin sa sarili nating bansa, ang sariling tatak at kakayahan ay mawala?
Ang malagim na kahapong dugo't luha ang napunla. Bakit ngayong susupling
na saka tayo nagpabaya? Ikaw kaya'y isang bulag at hindi mo nakikita ang
talamak na pagyurak sa sarili mong kultura? Dumilat ka,kabataan… Dumaraan
ang maghapo't magdamag. Kahit isang problema mo ay nananatiling
suliraning hindi malutas. Dapat tayong mangag-isip, itong ating bansa saan
natin ihahatid? Sa magandang kinabukasan o sa dulo ng kabiguan.

Tayong mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Tayo'y magkaisa upang
makalaya at bumangon muli. Tayo na't magkapit-bisig para sa bagong simula
at sa tagumpay na ating makakamtan, tayo'y mga Pilipino at marami pang
magagawa, hahayaan nalang ba natin na tapak-tapakan nalang tayo ng iba? Sa
paningin ng iba tayo'y mga modelo na handang ipagtanggol ang ating bansa,
huwag ikahiya kung anu mang meron tayo ipagmalaki ito at maging matatag
para sa magandang kahinatnan at sa hinaharap

Muli magandang umaga po sa inyong lahat, at marami pong salamat!


Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na
pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga
pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran,
magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang
paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa


paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati
(extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa
mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw.
Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag
na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung
saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman
ng mananalumpati sa paksa.

Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa


binabasang talumpati, inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati
upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig. Samantalang
ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang
binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas
lamang.

Bahagi ng Talumpati:

1. PAMBUNGAD o PANIMULA
 Bahaging inihahanda ang kaisipan ng mga nakikinig.
 Dapat iangkop ang haba ng pambungad sa katawan ng talumpati.
 Ang pambungad ay dapat mapagkumbaba at nakaaakit sa kalooban ng mga
nakikinig.
 Ang pagpapatawa sa simula ng talumpati ay nakatutulong sa pagkuha ng kalooban
ng mga nakikinig.
2. PAGLALAHAD
 Ang bahaging nagpapaliwanag (katawan ng talumpati).
 KATANGIAN ng bahaging PAGLALAHAD :
 KAWASTUHAN – dapat ang talumpati ay maging wasto sa BUOD, PORMA at
GRAMATIKA.
 KALIWANAGAN – dapat maliwanag ang talumpati sapagkat hindi mapahihinto ng
mga nakikinig ang isang nagtatalumpati kung mayroong hindi maintintindihan.
 PANG – AKIT – ang talumpati ay dapat umakit sa KATWIRAN, GUNIGUNI
at DAMDAMIN ng mga nakikinig sa pamamagitan ng mga salitang may kaugnayan
sa limang senso (senses) ng tao.

3. PANININDIGAN
 Bahaging kinaroroonan ng mga pagpapatunay ng magtatalumpati.
 Ang bahaging ito ay mabisa KUNG mapapaniwala at mahihikayat ng nagtatalumpati
ang mga nakikinig dahil sa kalakasan ng kanyang mga katwiran na tumimo sa pag –
iisip at damdamin ng mga tagapakinig.

4. PAMIMITAWAN
 Huling bahagi ng isang talumpati. Ito ay nararapat na hindi masyadong mahaba.
 Sa bahaging ito nag – iiwan ng isang marikit at maindayog na pangungusap na nag –
iiwan ng isang KAKINTALAN (lasting impression) sa nakikinig.

Uri ng Talumpati:

1. Nagbibigay aliw
2. Nagdaragdag kaalaman
3. Nagbibigay sigla
4. Nanghihikayat
5. Nagbibigay galang
6. Nagbibigay papuri
7. Nagbibigay impormasyon

You might also like