Professional Documents
Culture Documents
Alamat NG Baysay
Alamat NG Baysay
Noong 1832, ang ilang piling lugar sa Bungal ay inihanda para sa pagtatayo ng Simbahang
Katoliko ng mga Heswita. Subalit sa kakapusang-palad, ang walo-walo ay dumating at sinalanta
ang buong kuta. Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil na pag-ulan nang malakas na may
kasamang malalakas na hangin. Pagkalipas ng ilang araw, dumaan pa ang napakalakas at
nagngangalit na bagyo sa lugar na kumitil sa napakaraming buhay at sumira ng napakaraming ari-
arian. Sapagkat walang matirahan ang sinalanta ng bagyo, ang mga natirang buhay na
naninirahan sa Baysay ay nagpasyang muling kumilos upang humanap ng lugar na may mga burol
na magsisilbing pananggalang sa malalakas na hangin. Napili nila ang kasalukuyang kinalalagyan
ng bayan ng Baysay. Malapit sa lugar na ito ay matatagpuan ang mga burol. Isa sa mga ito ay
tinayuan ng mga katutubo ng mataas na tore. Mula sa tore ay matatanaw ang paparating na mga
vinta at ang mga burol ay maaaring mapaglikasan sa mga panahon ng pagbaha at kublihan kapag
may malalakas na bagyo.