You are on page 1of 5

Noel

 Francis  T.  Galinato  


Fil11  -­‐  YY  
Kama,   Kwento,   Katawa-­‐tawa,   Klara,   Kanluran,   Kalahati,   Kilometro,   at  
Katagalugan.   Iyan   ang   mga   pamagat   sa   mga   maikling   kwento   na   nakasulat   sa  
ika’tlong  bahagi  sa  nobelang  Himagsik  ng  mga  Puno  ni  Khavn  De  La  Cruz.  Ang  nobela  
ay   nagsasalaysay   sa   mga   pangyayaring   dinanas   ni   Kapitan   Kulas   at   ng   kanyang  
kalabaw   sa   walang   katapusang-­‐kalsada   ng   kamyas.   Binubuo   ang   bahaging   ito   ng  
nobela  ng  mga  maikling  kwento  na  ang  mga  pamagat  ay  nagsimula  sa  letrang  K.  Pag  
unang   binasa   ng   isang   tao   ang   nobela,   mapag-­‐isipan   niyang   walang   kwenta   ang   mga  
nakasulat  sa  libro.  Ngunit,  hindi  ito  ang  katunayan.  Ang  nobelang  Himagsik  ng  mga  
Puno  ay  nagpapakita  ng  karekterismong  postmodernismo.    
Ang   postmodernismo   ay   nagpapakita   ng   anyong   pagrerbelde   mula   sa   mga  
tradisyunal   na   paraan.   Pinapakita   ng   nobelang   Himagsik   ng   mga   Puno   ang   mga  
nagmumukhang   walang   saysay   na   mga   kwento   bilang   isang   pagpapakita   ng   post  
modernismo.  Dahil  sa  pagiging  postmodern  nito,  maraming  mga  tanong  ang  tatakbo  
sa   isipan   ng   isang   tao   pag   binasa   ang   nobelang   ito.   Bakit   kaya   nagsimula   lahat   ng  
pamagat  sa  letrang  K?  Bakit  ang  mga  mahahalagang  tauhan  o  suheto  ng    nobelang  
ito  ay  nagsimula  rin  sa  letrang  K  –  Kapitan  Kulas,  kalabaw,  at  kalyeng  kamyas?  Ano  
ang  kwenta  ng  pagsulat  nito?  Ano  ang  nirerepresenta  ng  istylo  sa  pagsulat?  Ano  ang  
kinalaman  nito  sa  ating  lipunan?    
Mapapansin   sa   ika’tlong   bahagi   ng   nobelang   Himagsik   ng   mga   Puno   ang  
pagbigay  ng  tagapagsulat  ng  pamagat  na  nagsisimula  sa  letrang  K.  Marami  ang  mga  
posibleng  maging  interpretasyon  nito.    
Unang-­‐una,   pwedeng   isipin   ng   tao   na   ang   dahilan   sa   paggamit   ng   mga  
pamagat  na  nagsimula  sa  letrang  K  ay  ang  pangalan  ng  tagapgsulat.  Ang  pangalan  ng  
tagapgsulat  ay  nagsisimula  rin  sa  letrang  ito,  Khavn  De  La  Cruz.  Sa  postmodernong  
pananaw,   makikita   ito   bilang   isang   pagpapahalaga   sa   indibidwalismo   ng  
tagapagsulat.  Ginamit  niya  ang  istylong  ito  dahil  ibig  ipalabas  ng  tagapagsulat  na  ang  
lipunan   ay   walang   magawa   kung   gusto   niyang   simulan   sa   letrang   K   ang   mga   akda  
niya.   Ito   ang   kanyang   paraan   ng   pagrerebelde   mula   sa   mahigpit   na   kamay   ng  
lipunan.   Hindi   katulad   sa   nangyari   sa   isang   sikat   na   tagapagsulat   noong   1920’s   na   si  
Jose   Garcia   Villa   na   pinaghusgahan   ng   lipunan   dahil   sa   kanyang   mga   kasulatang  
unkombensyonal.  Si  Khavn  De  La  Cruz  ay  nagkaroon  ng  malayang  pagpapahayag  sa  
kanyang   mga   sinusulat   dahil   sa   postmodernong   kultura   at   istylo   na   hindi   pa  
naisakatotohanan  noong  panahon.    
Ang   pangalawang   pwedeng   isipin   ng   tao   sa   dahilan   ng   paggamit   ng  
tagapgsulat   ng   mga   pamagat   na   nagmula   sa   letrang   K   ay   ang   mga   iba’t   ibang   isyu   ng  
lipunan.   Ang   sulat   ni   Khavn   De   La   Cruz   ay   nagsisilbing   interpretasyon   niya   sa  
lipunan.   Mula   sa   kwentong   Kama   hanggang   sa   Kazaw,   pinapakita   ng   manunulat   ang  
elemento   ng   pagkalito.   Ito   ay   direktang   repleksyon   sa   mga   pangyayari   ngayon   sa  
lipunan   na   mailarawan   sa   mga   salitang   nagmula   sa   letrang   K.   Kalituhan,   Kawalan,  
Kahirapan,   Kagutuman,   Kawatan,   Kapayapaan,   Kakainis,   Kawalang   bisa,   at  
Kababuyan,  ay  ilan  lamang  sa  mga  kasalukuyang  isyu.  Ang  mga  problema  ng  lipunan  
ay  naibahagi  sa  kanyang  mga  akda.  Kagaya  ng  kwento  na  Kama  na  nagpapakita  ng  
kalituhan.   Ang   lipunan   ngayon   ay   litong-­‐lito   kung   sa   kanyang   patutunguhan,   sa  
malayong   niraratingan   nito,   walang   alam   ang   lipunan   kung   saan   pa   siyang   pwedeng  
pumunta,  pataas  ba  o  pababa,  pakaliwa  o  pakananan.  
Ang  pangalawang  posibleng  kunan  ng  interpretasyon  ng  mambabasa  mula  sa  
libro  ay  ang  mga  tauhan  nito,  Kumander  Kulas  at  ang  kalabaw.  Kagaya  ng  pangalan  
ng   manunulat,   ang   mga   ito   ay   nagmula   na   naman   sa   letrang   K.   Ang   mga   ito   ay  
nagsisimbolo  sa  katauhan  ng  lipunan,  na  nagsimula  naman  sa  letrang  K.  Pinapakita  
ng   mga   tauhan   sa   libro   ang   kanilang   mga   pinagdaanan.   Sa   kwentong   Kunwari,  
isinasalaysay   ang   ginawa   ni   Kulas   para   lang   mapabilib   ang   ama.   Kagaya   ng  
katauhan,   ginagawa   nila   ang   lahat   ng   bagay   para   lang   mapabilib   ang   kapwa   tao.  
Nagkaroon   ng   hyper-­‐reality   sa   lipunan   kung   saan   ang   mga   mabubuti   at   mga  
magaganda   ay   dinidikta   ng   media.   Sa   dahilang   ito,   ang   mga   tao   ay   parang   naging  
pulubi  ng  media.  Sa  kwentong  Kunwari,  si  Kulas  ay  nagsisimbolo  ng  katauhan  at  ang  
kanyang   ama   ang   kapwa.   Nagkaroon   ng   hyper-­‐realization   si   Kulas   para   mapabilib  
ang  kanyang  ama  na  kung  saan  wala  naman  siyang  makukuha  pag  mapapabilib  ito.    
Ang   pangatlong   pwedeng   mapag-­‐isipan   ng   mambabasa   ay   ang   tema   ng  
nobelang   ito.   Unang   maisip   ng   mambabasa   na   wala   siyang   maiintindihan   sa   mga  
sulat   na   ito,   ngunit   pagtalakayin   at   pag-­‐aralan   ng   mabuti,   marami   ang   makukuha  
ang   mambabasa.   Ang   pagkaroon   ng   anyong   di-­‐kumbensyonal   ng   mga   akda   dito   ay  
nagpapakita   ng   kulturang   postmodernismo.   Ito   ay   nagpapahiwatig   ng   pandidiri   sa  
mga   tradisyunal   na   pamaraan   ng   lipunan   kung   saan   ang   indibidwalismo   ay   hindi  
masyadong  binigyang  diin.  Ito  ay  matatawag  na  isang  klase  ng  cheap  art  o  schlock  
and  kitsch  ngunit  para  sa  tagapagsulat  at  ibang  tao,  masasabing  ito  pa  rin  ay  isang  
uri  ng  sining  dahil  ito  ay  isang  paraan  ng  pagpapalabas  ng  mga  gustong  ipalabas  ng  
tagapagsulat   na   hindi   niya   mapalabas   sa   pamamagitan   ng   mga   tradisyunal   na  
paraan.   Mas   mabigyang   diin   ang   mga   puntong   gustong   ipalabas   ng   manunulat   sa  
paggamit  ng  istylong  postmoderno.    
Ang   pang-­‐apat   na   pwedeng   kunan   ng   interpretasyon   ng   tao   ay   ang   mga   tema  
ng  ibang  maikling  kwentong  nasa  nobela.  Ang  kwentong  Kayumanggi  at  Kanluran  ay  
halimbawa   lamang   sa   mga   kwentong   nasa   nobela   na   nagsasalaysay   tungkol   sa  
kabayanihan   at   pagmamalaki   sa   bayan.   Sinasabi   ng   kwentong   Kayumanggi   na   ang  
pagkagawa   ng   lahing   kayumanggi   ay   sa   kagustuhan   ng   Bathala   na   magkaroon   ng  
isang  lahi  na  tama  lamang  –  pwede  sa  init,  pwede  sa  lamig;  di  masyadong  maputi,  di  
masyadong   maitim.   Binigyang   diin   ng   kwentong   ito   ang   kasalukuyang   isyu   ng  
lipunan,   partikular   na   sa   Pilipinas,   na   halos   lahat   ng   mga   Pilipino   ay   ninais   na  
maging  maputi  at  magkabalat  sa  mga  taong  mapuputi.  Sinasabi  ng  kwentong  ito  na  
dapat   ipagmalaki   ng   mga   kayumanggi   ang   kanilang   kulay   dahil   sa   lahat   ng   kulay,   ito  
ang   pinakaperpekto   at   gusto   ng   Bathala.   Ang   kwentong   Kanluran   gayundin   ay  
nagsasabi  tungkol  sa  kasalukuyang  isyu  ng  lipunan  na  kawalan  ng  nationalismo.  Ang  
mga  Pilipino  sa  kasalukuyan  ay  may  kagustuhang  maging  Amerikano  at  kinahihiya  
nila  ang  kanilang  pagiging  Pilipino.  Sinasabi  ng  kwentong  ito  na  dapat  tanggapin  ng  
Pilipino   and   pagiging   Pilipino   at   dapat   hindi   ito   ikahihiya   kung   ‘di   ipagmalaki   pa  
dahil   ito   ang   katotohanan   at   ang   lupa   ng   mga   Pilipino   ay   sa   silangan   kung   saan  
nagmula  ang  sikat  ng  araw.  
Ang   ibang   mga   sulat   sa   loob   ng   nobela   ay   nagpapakita   ng   makabayang  
panitikan.   Kagaya   ng   Kanluran  at   Kayumanggi,   ang   mga   makabayang   panitikan   ay  
nagsasabi  ng  pagmamahal  sa  bayan.  Ito  ay  bunga  sa  mga  nakikita  ng  iba’t  ibang  tao  
sa   lipunan   na   hindi   nagbigay   halaga   sa   bayan.   Tila   ito   ay   nagsimula   sa   modernong  
panahon  kung  saan  ang  naging  sentro  ng  mundo  ay  ang  kanluran.  Nakita  ng  lipunan  
na   mas   kaakit-­‐akit   ang   estado   ng   kanluran   kaya   ito   ay   kanilang   ginaya.   Sa  
kinalaunan,   nagbunga   ang   mga   makabayang   panitikan   bilang   pagrerebelde   sa  
pagiging   makakanluran   ng   lipunang   silangan.   Sa   dahilang   iyan,   nagkaroon   ng   mga  
narsisistikong  sulat  tungkol  sa  bayan,  kagaya  ng  Kanluran  at  Kayumanggi.  Ang  mga  
ito  ay  isang  repleksyon  sa  kasalukuyang  estado  ng  lipunan  na  kung  saan  hinahanap  
pa  ang  sarili.  
Ang   pang-­‐limang   pwedeng   kunan   ng   interpretasyon   ng   mambabasa   ay   ang  
pinaka   di-­‐pangkaraniwang   bahagi   ng   nobelang   ito,   ang   huling   kwento,   Kazaw.   Pag  
unang   tignan   ng   mambabasa   ang   pahina   ng   kung   saan   nakasulat   at   nakaimprenta  
ang   Kazaw,   ay   tiyak   na   kalituhan.   Ang   nilalaman   ng   pahinang   Kazaw,   sa   pisikal   na  
pananaw,   ay   wala   kung   hindi   ang   pamagat   mismo.   Ngunit   ang   Kazaw   ang   tila   may  
pinakamatanyag   na   mensahe   sa   nobela.   Ibig   ipahiwatig   ng   tagapagsulat   na   ang  
buhay   ng   tao   ay   nasa   kanyang   sariling   kamay.   Ang   kwentong   ito   ang   pinakahuling  
kwentong   matatagpuan   sa   pangatlong   bahagi   ng   nobela   kung   kaya   nagkaroon   ng  
saysay   dahil   ito   ay   nagsasabi   na   kahit   sa   dami-­‐rami   ng   mga   isyu   at   problema   ng  
lipunan,  nasa  tao  pa  rin  ang  pagbabago  at  takbo  ng  buhay.  Ang  dahilan  kung  bakit  
wala   itong   laman   ay   para   mapalaya   ang   kaisipan   ng   mambabasa   at   sila   mismo   ay  
pwedeng   magpuno   at   magsulat   sa   bahaging   ito.   At   sa   halip   ng   hyper-­‐reality,  
mayroon  pa  ring  free-­‐will  ang  tao  na  gumawa  ng  kanyang  kagustuhan,  kahit  na  ito  
ay   sa   anyong   pagrerebelde   o   pagsasang-­‐ayon   sa   lipunan.   Dito   ipinairal   ng  
manunulat   ang   isa   sa   kanyang   mga   mensahe   na   nagsimula   sa   letrang   K,   ang  
Kaisipan.  
Ang   kaisipan   ng   tao   ay   isa   sa   pinakamahalagang   punto   na   binigyang   diin   nga  
manunulat   dahil   dito   nagmula   ang   lahat   ng   bagay   na   makikita   sa   lipunan.   Ang  
kaisipan   ng   tao   ang   nagluwal   sa   mga   tradisyunal   na   pamamaraan   ng   lipunan.   Ang  
kaisipan   ng   tao   ang   nag-­‐ukit   sa   moralidad  at  edukasyon  ng  lipunan.  Ang  kaisipan  ng  
tao  ang  nagtatag  ng  mga  batas  at  relihiyon.  Lahat  ng  mahawakan,  makikita,  maamoy,  
at  maririnig  ay  nagmula  sa  kaisipan  ng  tao  na  iniluwal  sa  realidad  sa  pamamagitan  
ng  kanilang  determinasyon  at  paghihirap.  Ibig  ipahiwatig  ng  manunulat  na  ang  tao  
ay   may   malayang   kaisipan.   Kagaya   ng   kanyang   mga   isinulat   na   halos   hindi   na  
miintindihan   sa   kumbensyonal   na   tao,   ang   tao   ay   may   kalayaang   mag-­‐isip   at  
magsabi  kung  ano  ang  kanyang  ibig    sabihin  at  isipin.  Ibig  ipahiwatig  ng  manunulat  
na  ang  indibidwal  na  tao  ang  sentro  sa  mundong  ito  -­‐  sa  postmodernong  mundong  
ito.  
Tila   maraming   tao   ang   hindi   makakaunawa   sa   postmodernismo.   Ang   mga  
sulat  ni  Khavn  De  La  Cruz  ay  iilan  lamang  sa  karamihan  ng  postmodernong  sining  at  
panitikan.  Ngunit  kung  pagsamasamahin  ang  lahat  ng  mga  pag-­‐unawa,  iisa  lang  ang  
masabi,   ikaw.   Ang   postmodernismo   ay   sumesentro   sa   indibidwalismo   ng   isang   tao  
kung  saan  binigyang  diin  nito  ang  kanyang  kalayaan  mula  sa  manlulupig  na  lipunan.  
Maaring  maipagmalaki  ang  kabiguan  at  kapanalunan  sa  postmodernismo.  Kung  saan    
walang  masyadong  nakakaunawa,  ang  postmodernismo  ay  ikaw  mismo.    

You might also like