You are on page 1of 1

Tayo na sa PALAWAN!

Ang Isla ng Palawan ay itinuring ng National Geographic Traveler


magazine na pinakamagandang isla sa Silangan at Timog-silangan sa
Asya, at panglabing tatlong pinakamagandang isla sa buong mundo dahil
sa nakakamanghang kagandahan ng seascapes at landscapes nito. Isa ito
sa may biodiverse (terrestial at marine) island sa Pilipinas isang
halimbawa na dito ay ang tubbataha reef na makikita sa Puerto Princesa.

Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park


ay ang pinaka protektadong lugar sa Pilipinas.
Ito ay idineklarang isang UNESCO World Heritage Site at kabilang sa New
Seven Wonders of Nature. Matatagpuan ito sa Palawan, humigit-kumulang
50 kilometro sa hilaga ang layo mula sa siyudad ng Lungsod Puerto
Princesa. Ito ay itinuturing na pinakamahabang maaring daanan
na underground river sa buong mundo.
Ang National Park na ito ay bahagi ng Saint Paul Mountain Range
na matatagpuan sa hilagang bahagi ng isla.
Ang malawak na kuwebang limestone ay may pambihirang ganda ng
kalikasan kung kaya’t nahihikayat nito ang libu-libong mga turista kada-
taon. Ang Puerto Princesa Underground River National Park ay isang
pinagkukunan ng pagmamataas at pangunahing elemento sa
pagkakakilanlan ng mga tao sa Palawan.

Makikita ang mga sea turtles o pawikan sa karagatan ng buong Pilipinas


at iba pang subtropikal na dagat tulad ng Palawan. Hindi katulad ng mga
pagong na naninirahan sa tubig tabang, hindi kayang ipasok ng pawikan
ang kanilang ulo at paa sa loob ng kanilang shell.

May pitong uri ng pawikan sa buong mundo. At lima rito ay matatagpuan


dito sa Pilipinas at lahat ng limang ito ay makikita dito sa Palawan.
Napaka-importante ng papel ng mga pawikan dahil sila ang nagsisilbing
hardinero ng karagatan.

You might also like