You are on page 1of 5

SCRIPT ON SETS

Legend:
Js – Jess
Jw - Jewel
S – Steph
R – Irish / L - Lance
Ji – Jinney
V - Verj

Scene 1
(continuation of Uno game)

Js: Ano ba ‘yan +4 nanaman? Dumami tuloy cards ko, at dahil dyan, magdidiscuss nalang ako sainyo
about sets.
Ji: Hala teka lang naman, pati sa Uno may discussion pa din ng lesson? ‘Di nako nakatakas diyan ha!
S: Atleast diba may discussion tayo habang naglalaro, sakto may quiz pa naman next week.
Ji: Oh my god, oo nga pala may quiz next week! Osige sige discuss ka nalang jess, bet ko yan.
Je: Okay sige, diba nabanggit ko kanina na yung sets eh parang cards natin sa uno. Nadefine ko na din
sainyo guys diba according sa beshie nating si Georg Cantor.
(tango lahat, basta agree ganon)
Js: Syempre elaborate ko pa niyan sainyo yung sets. Teka lang mag English ako kaya prepare lang tayo
guys ha.. ehem ehem (clears throat)
Js: So guys may dalawang types ng set - finite and infinite sets. First, yung finite set, which simply means
that it has a finite number of elements. Either it’s a void set or the process of counting of elements surely
comes to an end. Sa madaling salita, eto yung set na may katapusan, set na nabibilang natin ang elements.
Yung halimbawa nyan is, a set of all the people living in the Philippines. Finite set yon kasi it comes to a
stop, kasi nabibilang ang tao sa Pilipinas.
Another is a set of all the girlfriends he had these past 5 years, nako guys, madami syang najowa pero
finite pa din na set yon, kasi nabibilang pa din natin.
Or with simpler examples nalang like the set of P = {5, 10, 15, 20, 25, 30}
Or pwede din yung gantong set Q = {natural numbers less than 25}
Or lastly, pwede ding ganito N = The set of all birds in California
Mapapansin niyo guys, lahat ng nabanggit na examples are finite because its elements, when counted,
comes to a stop.

Second type ng set is yung infinite set, which are sets whose elements cannot be listed if it has an
unlimited or uncountable number. Examples nyan is…
The set of all points in a line segment is an infinite set.
Set of all positive integers which is multiple of 3 is an infinite set.
W = {0, 1, 2, 3, ……..} i.e. set of all whole numbers
N= {1, 2, 3, ……….} i.e. set of all natural numbers.
Z = {……… -2, -1, 0, 1, 2, ……….} i.e. set of all integers.
Js: Gets ba natin guys? Nako alam na alam niyo na infinite and finite sets sa exam niyan! Kaso may
idadagdag pako. Set Equality… which means that both sets have the same elements or every element of
set A is also an element of set B and vice versa. Sa madaling salita, ang dalawang sets na may
magkaparehong elements, equal yung mga ‘yon! Halimbawa nalang is…

A = {5, 6, 7, 8}
B = {6, 8, 5, 7}

Okaya naman…
P = {x : x is a positive integer and 5x ≤ 15}
Q = {x : x is a positive integer and x 2 < 25}
R = {x : x is a positive integer and x ≤ 4}

Js: So if mapapansin niyo guys, we could only consider two sets as equal if and only if they have the
same elements. Ayan guys, natapos din. Odiba nakareview tayo kahit nagu-uno.
Ji: Oo nga, nice one jess sobrang thankyou!! Kaso teka lang mamshie (looks at steph), diba magmimeet
kayo ng jowa mo niyan?
S: Ay oo, kaso bukas pa naman yon. Since tapos na tayo magdiscuss and maglaro, magsiuwian na muna
tayo guys.
Jw: G ako dyan, tara guys uwi na muna tayo tas pahinga. See you tomorrow guys!!!
Ji: Sige guys, babye!!!
(Jw exits with Ji and R)
(Js exits with S)

Scene 2:
(The next day)
Verj waiting somewhere sa campus…
S: Huy babe, andiyan ka na pala!
V: Uy, hi babe. Kamusta laro niyo kahapon?
S: It was nice kasi nagka lesson pa kami on sets so napakaproductive naming maglaro diba?
Sa lahat ng nagu-uno kami lang nagdidiscuss ng lesson.
Jw: Alam niyo ngayong nakikita ko kayong dalawa as a couple, naiisip ko yung operations on sets.
S: Hala hala, bakit naman? Kasi parang may union kami ganon?
Jw: Tumpak, gurl!
S: Well, oo, masasabi nating may union kami ni Verj kasi we’re individuals with different characteristics
but since we’re together, parang pinagsama namin ugali namin kaya kami nagkakasundo ganon. Just like
sa sets, all sets have their own elements and can be joined together through union. Example…
Set A has {1, 5, 7, 9} while set B has {1, 2, 3, 4, 6, 8} if these sets were together or if union is
performed/observed, we can say that A ∪ B is {1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9}
V: Naks naman, galling talaga ng girlfriend ko!
Ji: Oo nga, Huy steph since andyan na din naman tayo sa usapang yan, sabihin mo na din yung ibang
operations, gurl!
S: Okay sige, next naman is intersection. Intersection consists of all elements that are both in A and B,
denoted by a symbol similar to an upside down letter “u”. Ang ibig sabihin lang non is that you’ll identify
the elements that both sets have in common.
Jw: Ahhhh, parang kayo ni Verj no mamsh? Kung may intersection sainyo, ibig sabihin hinahanap niyo
yung mga charasteristics na parehas kayo, okaya naman mga hobbies na pareho niyong naeenjoy.
Hayyyyyyyy sana all.
S: Tama yon, actually. Or to put it simply through examples…

If A = {2, 4, 6, 8, 10} and B = {1, 3, 8, 4, 6}. Then A ∩ B = {4, 6, 8}


Gets ba?
(tango lang mga girls ahex)

Js: Sige sige, ano pa ibang operations? Share mo na ‘yan gurl!


S: Okay sige, no problem.
V: Aba aba, matalino na nga, mabait pa. Girlfriend ko ‘yan! (basta humarot kayo or something)
S: Sus, osige, focus tayo. Next naman is complement. Which is the set of all elements that are in the
universal set U but are not in set A.
Jw: Ay teka feel ko knows ko ‘yan! Masakit yan mamsh eh, yung may mga bagay talaga na di kayo
magkakasundo ganon, okaya minsan conflicting sa inyong dalawa kaya wala kayong mahanap na
common ground… hayyyyy
S: Oo, pero simplehan naman natin Jew. Ang ibig sabihin lang ng complement is the elements that aren’t
present in set A but are present in the universal set are identified. Sa madaling salita, kung ano yung wala
sa isa, pero meron yung isa.
Jw: Ay shet mamsh, ang sakit!
S: Oh bakit nanaman?
Jw: Yung wala yung isa pero meron yung isa? Parang kapag di mo mapigilang icompare yung sarili mo
sa mga ex niya, grabe. Naiisip mo nalang, “Ano bang meron siya na wala ako?” ganon…
Ji: Hala teka lang jew, wag kang iiyak…. (pabiro)
Js: (comforts Jew ng pabiro din)
Jw: De okay lang ako guys. Wala lang ‘to. Sige Steph, pwede kaba magbigay ng example?
S: Sige sige, halimbawa…
If A = { 1, 2, 3, 4} and U = { 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8}
Complement of set A contains the elements present in universal set but not in set A. Hence, the elements
are {5, 6, 7, 8}

Jw: Okay, nice. Gets gets, meron pa ba mamsh?


S: May dalawa pa mamsh, kaya mo pa ba?
Jw: Sige lang Steph, kakayanin.
S: Osige, subtraction naman or set difference is the set of all elements in set A that are not in set B.
Denoted by A – B. Parang yung complement lang pero this time within the sets siya and not the universal
set. Parang removing all the elements that intersects between two sets.
Jw: Hala porket ‘di lang pareho sa ganung bagay reremove nalang ganon? Parang siya lang, porket di
kami nagkakasundo sa ibang mga bagay, niremove niya lang ako bigla sa buhay niya.
Ji: (comforting Jewel ng pabiro nanaman)
Js: Ayan na nga ba sinasabi ko eh, may hugot pa din hanggang matapos tong tinuturo ni Steph satin.
Ji: Osige na Steph, balik ka na dun sa tinuturo mo samin kanina. Bigay ka na ng example.
S: Okay sige tutal parang gets na gets niyo na rin naman yung definition, lalo na si Jewel. Example nalang
bibigay ko so halimbawa…
Given that
A = {a , b , f , g , h}
B = {f , g , a , k}
So, A - B = {b , h}
and B - A = {k}

S: Gets na ba guys? Keri na ba? May last one pa.


Jw: Okay sige, ano ba ‘yan Steph?
S: Last one guys is Symmetric Difference. Which uses a Venn diagram of two subsets A and B is a sub
set of U, denoted by A △ B and is defined by A △ B = (A – B) ∪ (B – A)
Para mas magets natin guys, kakailanganin ko ng papel para dito.
V: Ako na, sige. Syempre lagi akong ready pagdating diyan.
S: Awww thanks, babe! (omg bat ako kinikilig habang naiisip to)
S: So start na tayo….. (steph kaw na po bahala ituro ahex)

Js: Oh so ganun pala? Grabe nagets ko lalo dahil sa inyo guys, thank you!!
Ji: Onga, magaling ka pala magturo eh.
S: Wala yun guys. San pala kayo niyan? May gagawin ba kayo? Sama na kami ni Verj.. (pwede ring
alternate lite na iwan mom una si Verj ganon)
Jw: Thanks sa pagturo Steph, tara sige hang out muna tayo. (naglalakad na palay) Pero shet ang sakit
padin talaga… (transition to next scene)

You might also like