You are on page 1of 2

Lathalain

“Himig ng Pag-asa”

Sa bawat pag palo ng tambol na gawa mula sa yuping mga lata at sa pag kumpas ng tamboring
yari sa pinulot na tansan, ramdam ang kagustuhan ng mga paslit na maibalik ang paskong kanilang
kinagisnan.

Tanda ang malamig na hangin na ito na nga ang pasko. Kay sarap marinig ang mala anghel na
tinig ng mga musmos. Ito’y nagbibigay lakas sa matatanda na sikapin magpakatatag para sa kinabukasan
ng mga bata.

Ngayong pasko, wala mang pintong mapag sasabitan ng parol o bintanang mapapalamutian ng
kumukutikutitap na ilaw, nag kaisa naman ang bawat tahanan ng buong baryo.

Sabay sabay na nag noche Buena at ginunita ang pagkabuhay ni Hesus tanda ng muling pagkabuhay ng
kanilang pangarap.

“Nang Dahil sa Wheelchair”

“Mahiwagang Wheelchair” nakapagpapalaya ng nasasakdal.

Para sa mga may sala, marahil interesadong matuklasan kung papaano ito magagamit ngunit
para sa mga mamamayang uhaw sa hustisya, ay gugustuhing sunugin ang wheelchair na ito.

Pano nga ba ito gumagana? Simple lang. Magpanggap kang may sakit. Basta’t may pera sa bulsa at
malakas ang kapit, makakalusot sa parusang hated ng pagnanakaw.

Ngayong humaharap ang bansa sa malalaking suliranin, nawa’y din a maulit ang taktika ng mga
senador o konggresista. Kung may sala, gawing preso. Hindi sa malabahay na kulungan kundi sa lugar na
pantay pantay ang tingin sa mga lumabag ng batas.

“Inobasyon sa Makabagong Panahon”

Noon, pinagtiyatiyagaan ang paglanghap sa alikabaok ng yasa mula sa pisara. Kumukonsumo rin
ng maramiraming Kartolina at manila paper para sa pag uulat ng mga aralin.

Ngunit ngayon, nag level up na ang National Christian Life College kasabay sa pagpapatupad ng
K-12 kurikulum .

Ilan sa mga inobasyon ay ang paglalagay ng mga projector sa bawat klasrum. Di lang nagging
sosyal, natuto pa ang mga batang gumamit ng makabagong aplikasyon pandagdag kaalaman. Ang
maalikabapok na pisara ay napalitan ng mga white board dahil na rin sa “fully- airconditioned” na ang
bawat silid aralan.

Sino ba naming di maeengganyo? Garantisado na ang kalidad ng edukasyon, nahihikayat pa sa


pagaaral ang mga estudyante.
Diwa ng Pasko

Ang pasko sa bata’y pagtanggap ng regalo

Umaasag sa medyas may lamang Aguinaldo

Ito ang panahong pinakahihintay

Sa ilalim ng krismas tri bubuksang sabay sabay

Saan man lumingon puro mukha ni Santa Klaws

Kinaligtaan na ang pagkabuhay ng tagapagligtas.

Tayo’y tumatanggap ngunit di natin kaarawan

Iyan ang bagay na dapat maunawaan.

Tunay na diwa ng pasko hindi tungkol sa regalo

Kundi kung anong maihahandog sa kapwa tao.

Ito ang bagay na hinihiling ng Diyos

Upang siya’y nmasuklian kahit papano.

You might also like