You are on page 1of 10

1.

Pumili ng limang (5) tema mula sa “lights and shadows” ng kasalukuyang administrasyon na
sa tingin ninyo ay malaking hamon sa pagmimisyon ng simbahan. Talakayin ang mga ito nang
mabuti at ipakita kung anu-ano ang mga epekto nito para sa mga nasa laylayan ng ating
lipunan. Paano mo uunawain ang limang temang napili mo sa konteksto ng “Rejoice and Be
Glad”? Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang konteksto sa gawain ng pagteteolohiya.

 Limang Tema
o Kapayapaan
 pag-unlad ng BOL buhat ng pag-uusap sa pagitan ng gobyerno at ng
MILF; ngunit mayroon pa ring inklinasyon sa pakikidigma
 Tignan na lamang ang Marawi Siege kung saan umabot halos limang
buwan ang pakikidigma doon sa Marawi na nagresulta sa maraming
biktima (mapa sa sundalo, sa extremist group, o kahit mga sibilyan)
 Naging resulta rin ang pagkasira ng Siyudad ng Marawi at ang pagka
displaced ng marami sa ating mga kababayan
o Karapatang Pantao
 Ang kampanya ng gobyerno laban sa droga na nagresulta sa karahasan,
lalung-lalo na karahasan sa mga dukha na walang kalabanlaban
 Kahit papaano, ang mga human rights advocates ay hindi tumitigil sa
kanilang pagsasalita laban sa mga pang-aabuso na ito
o Kahirapan
 Lahat naman ng mga administrasyon ay nangangakong tugunan ang
isyu ng kahirapan
 Ang pagpapatupad ng TRAIN (Tax Reform for Acceleration and
Inclusion Law) ay nagdulot ng negatibong epekto sa buhay ng mga
mahihirap
 Kahit na masasabing may mga pamilya man ay exempted na sa
pagbabayad ng tax
 Ang mga mahihirap naman ang nape-perwisyo dahil sa malaking
pagtaas ng mga basic goods gaya na lamang ng bigas, at pati na rin ang
transportasyon
o Labor at mga migranteng manggagawa
 Sa pangkalahatan, ang administrasyon ay marami namang nagawa
para sa ikabubuti ng mga manggagawang Pilipino
 Katulad na lamang ng pag-aasikaso ng emergency employment para sa
mga naapektohan sa pagpapasara ng isla ng Boracay
 Ngunit mayroon pa rin mga bagay na tila salungat sa integral human
development
 Kagaya na lamang ng planong pagpapagawa ng natatanging
departamento na mag-aasikaso sa mga OFWs
 Tila nangangahulugan itong pagi-institutionalize sa isang “band-
aid solution” o ang pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang
bansa – bilang pantulong sa ekonomiya ng bansa
 Tila mas pinapanatili pa ng gobyerno ang ganitong sitwasyon
kaysa naman sa pagpapatibay ng mga industriya dito sa bansa
para mas mayroong trabaho na sapat para sa lahat ng Pilipino
o Kalusugan ng Bayan
 Sa temang ito, may mga pagunlad naman na naaayon sa integral
human development
 Kagaya na lamang ng pagpapagawa ng mga drug rehabilitation centers
sa tulong ng mga benefactors, sa larangan ng mental health naman ay
ang pagpapasa ng RA 11036 o yung mental health act na sumisikap na
gawing mas abot kaya ang mga serbisyo at mga gamot
 Ngunit mayroon pa ring mga kakulangan
 Sabi nga sa lights and shadows, kulang pa ang investment na
ginugugol sa rehabilitation ng mga taong may substance use
disorder
 Tila nakakalimutan nila na hindi nagtatapos ang kanilang tugon
sa isyu ng substance use/drug use sa pagpapatayo lamang ng
mga rehabilitation centers
 Maaalala rin natin ang isyu ng DengVaxia na maaaring may kaugnayan
sa pagbaba ng mga nagpapabakuna laban sa mga sakit na pwedeng
pigilan o ma prevent
 Ito ang lima lamang sa marami pang tema na may malaking hamon sa misyon ng
simbahan – itong mga tema na ito ay hamon at isang pagtawag sa atin na maging
contemplatives in action
o Na ating dapat sagutin ang tawag ng Panginoon sa atin na maging
tagapamagitan ng kapayapaan
o Na tayo maging tapat sa bokasyong ito lalung-lalo na sa panahon natin ngayon
na maraming mga isyu, mga patayan, mga panlalait atbp.
o Na tayo ay hindi lamang nagdadasal, kundi tumutugon at umaaksyon rin sa
ating pang-araw araw na buhay
 Hindi kapayapaan ang kawalan ng hidwaan dahil ang pagsuko o
pakikikutsaba sa kasamaan
 Tinatawag tayo na huwag matakot kung tayo ay pinag-uusig ng mga naghaharian sa
lipunan kung tayo ay nagiging totoo lamang sa ating bokasyon ng kapayapaan
o Imbis na tayo ay maging tahimik sa mga pang-aapi na nangyayari, tayo ay
tinatawag na magsalita, ipahayag na mali ang mga practice na ito
o Sabi nga sa Rejoice and Be Glad, huwag tayong matakot kung tayo ay
tinutuligsa alang-alang alang sa ginagawa natin kung ano ang tama
 Kung ating babalikan ang mga tema, sinasabi sa atin na kung ano man ang hindi sang-
ayon sa utos ng Diyos, tayo ay dapat umaksyon dito – isang aksyon na hindi
paghihiganti o pagiging masama
 At dahil nga ito ang mga nangyayari sa lipunan natin ngayon – nakikita natin ang
kahalagahan ng konteksto sa pagteteolohiya
o Mas nagiging mas angkop ang ating pagtugon kung ang pagtugon na ito ay
resulta ng pag-alam sa konteksto ng karanasan, pagsusuri at pagmumunimuni
nito

2. Ayon kay Alcuaz et al, paano ba dapat unawain ang katagang “down from the hill”? Ano ang
ugnayan ng sinulat nila sa artikulo ni Sobrino na pinamagatang “Awakening from the Sleep of
Inhumanity”? Sa liwanag ng dalawang babasahin na ito, paano puwedeng isabuhay ang
pagiging Atenista at Kristiyano sa kontemporaryong panahon?
- Ang katangang “down from the hill” ay inuunawa bilang isang pagtanggap at isang
hamon
o Pagtanggap na tayo ay may limitado na POV o punto de bista
o Isang hamon na tignan ang mga bagay ayon sa punto de bista ng mas
nakararami, ang mga mahihirap, mga inaapi
- Ang hamong ito ay nangangailangan na tayo, mga nasa pribilehiyong at matataas na
posisyon sa lipunan, na pumunta sa baba – kung nasaan ang mga tao
o Nangangahulugan rin ito ng pagbibitaw sa mga nakasanayan nating mga
“pribilehiyo” mga “comforts”
o Nang sa ganoon ay tunay nating matutunghayan ang kalagayan ng ating mga
kapwa Filipino
- At sa pagtunghay na ito, tayo ay inuudyok na magtaya sa lipunan – gawin ang kung
ano ang tama at makatarungan – mga bagay na madaling sabihin pero hindi madaling
gawin
- Gayundin ang artikulo ni Jon Sobrino na pinamagatang “Awakening from the sleep of
inhumanity”
o May pagtangggap na tayo ay nakatuon lamang sa sarili – ang inhumanity na
tinutukoy nito ay ang pagiging egostitikal ang pagiging makasarili
o At ang pagtatagpo natin sa mga mahihirap at inaapi ang nagpapagising o
nagpapamulat sa atin sa pagiging makasarili natin
 Kung dati, tayo ay nakikipag-kompetensiya pa sa iba kung sino ang may
mas mahirap na buhay atbp
 Pero sa ating pagkamulat, nakikita natin na hindi maikukumpara ang
paghihirap na dinadanas ng mga nasa laylayan kumpara sa
“paghihirap” na nararanasan ng mga nasa tuktok ng tatsulok ng
lipunan
 Sobrang napapawalang-bisa ang mga pakikibaka at
pagsusumikap ng mga tao sa kanilang pang-araw araw na
buhay
o Sa pagkamulat na ito, nakikita natin ang katotohanan – at may kaakibat itong
kahihinatnan, na kung ating itinatanggi ay nagpapakita na tayo ay nagbubulag-
bulagan lamang sa katotohanan
 At dahil alam natin ang katotohanan, ano na ang dapat nating gawin?
- Paggamit ng sirkulong pastoral, paggamit ng mga natututunan sa ating pag-aaral para
sa ikabubuti ng lipunan
o Katulad na lamang ng aking kurso, sikolohiya, maaaring ang mainam kong
gawin ay ang pagtugon sa mga isyu sa lipunan

3. Ano ang sirkulong pastoral? Ipaliwanag kung ano ang iba’t-ibang bahagi nito sa pamamagitan
ng pagbibigay ng kongkretong halimbawa. (Maaari ninyong gamitin dito ang mga “lights and
shadows” ng administrasyon ni Duterte.) Ano ang saysay nito sa konteksto ng Pilipinas?
- Sirkulong pastoral bilang isang pamamaraan ng pagteteolohiya
o Isang balangkas na gumagabay sa ating pagtugon
o Ang kabuuan ng pamamaraan na ito ay maituturing nating “inductive” o
“bottom-up” na approach na kung saan ay nagsisimula muna tayo sa mga
obserbasyon bago tayo dumating sa mga generalizations
o Sa gayon ay mayroon itong apat na bahagi:
- Karanasan
o Nagsisimula tayo sa experience o karanasan. Itinatanong natin, “Ano ba ang
nangyayari?”
o Ito ang pakikisangkot at pakikisalamuha sa araw-araw na buhay ng mga tao.
o Maliban na lamang sa aking imersyon, isang halimbawa nito ay ang mga
exposure trips ng organisasyon namin sa National Center for Mental Health sa
Mandaluyong City.
o Pumupunta kami sa pasilidad na ito at nakikipagugnayan sa mga nagtatrabaho
doon at sa mga pasyente ng nasabing pasilidad
o Dito naobserbahan ko na kulang na kulang sa mga pasilidad ang NCMH – at
sinasabi pa namang ito na ang pinaka malaking institusyon sa bansa
o Dito naobserbahan ko rin na kulang sila sa mga workers, pati na rin gamit at
gamot para sa mga pasyente
o Mayroon pa nga silang sinasabing “Holiday” kung saan ang ibig sabihin nito ay
nagbabawas sa budget at dahil nga doon hindi na sapat ang gamot  ang mga
taong na-admit sa institusyon ay mas prone na mag “act out”
o Reading the signs of the times “church should listen to, and learn from, the
world around it”
 Attend more closely to the world if it was to remain faithful to its
calling
- Pagsusuri
o Ang susunod na bahagi ay ang pagsusuri. Itinatanong natin dito, “Bakit ito
nangyayari?”
o Tinitignan natin ang posibleng mga dahilan, at posibleng mga kahihinatnan ng
ating naranasan
o Maaari nating tignan ang historical at structural na mga relasyon – ang mga
key actors, mga stakeholders, atbp
o Nang sa ganito ay mas nakikita natin ang mga pagsubok na pinagdadaanan ng
isang komunidad at gayundin ang mga oportunidad
- Pagmumunimuni
o Buhat ng pagtingin sa mga pagsubok at mga oportunidad, tayo ay pumupunta
sa kasunod na bahagi: pagmumunimuni
o Sa bahaging ito, itinatanong natin, “Ano ang sinasabi ng banal na kasulatan sa
sitwasyong ito?”
o Maaari nating tignan ang mga prinsipyo o alituntunin ng panlipunang turo ng
simbahan kagaya na lamang ng “dangal ng tao”
o Sa halimbawang mental health, at sa aking karanasan sa NCMH, hinahamon
ang komunidad na gumawa ng aksyon na magtataguyod sa dangal ng mga
taong nagtatrabaho doon at lalung-lalo na ang mga taong naka-confine sa
pasilidad
- Pagtugon
o Ang kasunod ng teolohikal na pagmumunimuni ay ang pagtugon
o Itinatanong natin, “Ano ang kailangan nating gawin?”
o Sa Lights & Shadows ng administrasyong Duterte, naipasa na ang RA 11036 o
ang Mental Health Act
 Na mas magbibigay ng mas abot kayang serbisyo
- Ngunit hindi dito nagtatapos ang sirkulong pastoral – matapos ang ating tugon,
nagkakaroon ulit tayo ng karanasan  at nang sa ganoon kasunod ang pagsusuri,
atbp
o May kamalayan na palaging hindi sapat ang ating mga tugon
- Saysay o meaning
o Nangangahulugan ito na dapat tayo ay gumawa ng mga tugon kasama ng mga
taong naaapektuhan ng mga isyung hinaharap natin ngayon
o Hindi pwedeng magpanggap tayo na alam natin ang mga paghihirap ng mga
dukha kung hindi naman talaga tayo nakisalamuha sa kanila, hindi tayo naging
sangkot sa kanilang buhay
o Sa paggamit ng sirkulong pastoral – sa pagtuon natin sa karanasan at
konteksto ng ating bansang ginagalawan, maaaring mas angkop at mas
makatao ang ating pagtugon
 Binibigyan natin ng kapangyarihan ang mga indibidwal, mga
komunidad na tumugon sa kanilang mga struggles – subsidiarity
o Isinasabuhay natin ang ating pananampalataya – nagiging contemplatives in
action tayo

4. Ipaliwanag ang kahulugan ng panlipunang turo ng simbahan. Pumili ng limang (5)


panlipunang dokumento ng simbahan na sa tingin mo ay may sinasabi sa kasalukuyang
nangyayari sa Pilipinas. Ipaliwanag ang bawat punto ng mga ito na may ugnayan sa atin. Sa
tingin mo, bakit mukhang paulit-ulit ang mga sinasabi ng simbahan sa iba’t-ibang panlipunang
isyu at paano ng aba mas magiging kabahagi ng buhay ng sambayanang Kristiyano ang
panlipunang doktrina ng simbahan?
- Ano ang panlipunang turo ng simbahan?
o Ito ay mga turo ng simbahan ukol sa buhay panlipunan, political (o buhay
estado), at ekonomikal
o Ang mga turong ito ay hindi optional; ito ay may awtoridad – ang mga ito ay
mga lupon ng doktrina, mga paniniwala ukol sa aspetong ekonomikal at sosyo
political na ang pangunahing basehan ay ang ebanghelyo
- Limang panlipunang dokumento
o Populorium Progresio
 Sa ensiklikal na ito binabatikos ang mga strukturang panlipunan at
ekonomikal na nagresulta sa hindi pagkakapantay-pantay
 Tayo ay hinahamon na makilahok sa integral human development lung
saan hindi lamang pag-unlad sa material/ekonomikal na aspeto kundi
pati na rin sa ispiritwal/interior na dimensyon
o Justitia in Mundo
 Kung saan tinatawagan ang komunidad na makiisa sa mga developing
countries
 Hindi pwedeng magbulag-bulagan na lamang ang mga bansang
nangingibabaw sa global economy
 Binibigyang diin ang hustisya bilang isang constitutive dimension
 Na kung saan kung hindi natin naisasagawa ang tama, kung
hindi tayo nagtatrabaho para sa hustisya, hindi talaga natin
ipinapahayag ang Ebanghelyo
 Hindi lamang isang “option” na gawin kung may oras ka –
sinasabihan tayong maggugol talaga ng oras, igugol ang ating
buhay sa pagtrabaho para sa hustisya
o Laborem Exercens (Pope John Paul II)
 Binibigyang diin sa ensiklikal nito ang kahalagahan ng paggawa bilang
pakikilahok sa co-creation kasama ang Manlilikha
 Pinapaalala sa atin na kailangan mas bigyang pahalaga ang
manggagawa kaysa sa kita
 Kailanganang protektahan ang mga karapatan ng manggagawa,
katulad ng pagkakaroon ng just wages, security of tenure, atbp.
o Caritas in Veritate (Pope Benedict XVI)
 Gabay dapat natin ang values ng pagmamahal, katotohanan, at
pagkakaisa – sa bawat aksyon na ating ginagawa
 Humuhugot ito sa Populorium Progresio kung saan hinahamon ang
lahat na tumugon sa mga isyu kung saan umuunlad ang human person
(hindi lamang materially/externally, kundi pati na rin
internally/spiritualy)
 Binibigyang diin rin ang pananagutan ng pandaigdigang komunidad sa
pagkakakaisa
 Pagbibigay pansin sa mga migranteng manggagawa, pagtulong
sa mga mahihirap na bansa
 Sa pamamaraan na nagtataguyod patungo sa integral human
development
 No country can expect to address the problems of migration by itself
o Laudato si
 Isang ensiklikal na tinatalakay ang kahalagahan ng ating kapaligiran
 Isa sa mga tema ng ensiklikal na ito ay ang kapaligiran at ang mga
mahihirap
 Sinasabi nito na hindi tamang umasa na sa ating pag
pagsamantalaha sa ating kapaligiran ay hindi tayo
maaapektuhan
 Lalung-lao na kung ang labis na maaapektuhan ay ang mga tao
na nasa laylayan – ang mga mahihirap
 Katulad na lamang ng karanasan ko sa aking hometown
 Maraming mga businessmen, mga kompanya na sumasagawa
ng illegal logging at illegal mining
 Kung kaya’y kapag umuulan sa bandang Bukidnon, posibleng
magkakaroon ng pagbaha sa “downtown”
 Eh hindi naman mga mayayaman ang nasasalanta ng bagyo, at
hindi rin naman ang mga mahihirap ang nakakakuha ng
benepisyo at tubo sa mga pagmimina ng mga kompanya
 Responsibilidad natin sa bawat isa, responsibilidad ng mga
estado na ipatupad ang mga policies na magpapangalaga sa
ating kapaligiran, magpapangalaga sa bawat indibidwal sa
komunidad
- Paulit ulit ang sinasabi ng Simbahan dahil paulit-ulit rin na ang tinatapakan ng mga
social, political at economical na mga isyu ng panahon ay ang dignidad ng bawat tao
- Mas magiging kabahagi ng buhay ng sambayanang Kristiyano ang panlipunang
doktrina ng simbahan sa pamamagitan ng sirkulong pastoral (o hindi kaya’y see judge
act method)
o Gamitin natin ang balangkas na ito para mas angkop ang ating pagtugon sa
mga isyu na ating hinaharap ngayon

5. Sa Hudaeong-Kristiyanong tradisyon, ano ang batayan ng dangal ng tao? Ano ang


pagkakatangi noon kumpara sa ibang pananaw at ideolohiya? Bakit hindi kaagad naging
kabahagi ng panlipunang turo ng simbahan ang karapatang pantao? Paano nauunaawaan ng
simbahan ang mga ito? (Ipaliwanag kung anu-ano ang pagkakatangi ng isang teolohikal na
pananaw tungkol dito.) Paano makaaambag ang simbahan sa kasalukuyang talakayan at
pagsasakongkreto ng karapatang pantao?
- Sa Hudaeong Kristiyanong tradisyon ang batayan ng dangal ng tao ay ang pagiging
kawangis niya ang Diyos
o We are created in the image and likeness of God
o Thus we all are equal in dignity
- Kaiba ito sa ibang pananaw at ideolohiya
o Halimbawa nalang ang kay Immanuel Kant kung saan ang tao ay may dangal
dahil sa katwiran o reason – na ang autonomy ang principle of basis ng
pagkatao
 Kung saan natin nakukuha ang respect for persons etc
o Sa Hudaeong Kristianong tradisyon, ang pundasyon ng dangal ng tao ay ang
pagiging kawangis natin ng Diyos
 Na makikita sa Henesis unang kabanata, bersikulo 26 hanggang 27
- Itong konsepto ng dangal ng tao ang naging pundasyon o basic principle ng human
rights o karapatang pantao
o Na sinasabing ang karapatang pantao ay likas sa bawat tao
o Ito ay hindi dapat labagin, ito ay hindi maikukuha sa isang tao
o Ito ay unibersal
- Hindi kaagad naging bahagi ng panlipunang turo ng simbahan ang karapatang pantao
dahil may pagpapahiwatig ito ng pagiging anti-clerical o anti-church
o Tinitignan ng simbahan na ang “liberty” na pinag-uusapan ng mga Pranses ay
absolute at walang hanggan
o Nangangahulugan ito ng pagiging “malaya mula sa Diyos” – na pwede nating
gawin kung ano ang ating gusto
o Error has no rights – ito lamang ang nanaig sa panahon noong French
Revolution
 Nangangahulugan ito na kung ano ang pinapaniwalaang totoo, at hindi
ito sinusunod, wala itong karapatan
- Pero dahil sa mga pagbabago sa Simbahan, unti-unti nitong naging bahagi ng turo ng
Simbahan ang usapin ng karapatang pantao
o Lalung-lalo na sa Pacem in Terris kung saan isinasaad dito na ang kapayapaan
ay hindi matatamo kung walang karapatang pantao
o Dito rin binigyan ng papuri ang Universal Declaration of Human Rights ng
United Nations
- Sa kasalukuyan, nauunawaan ng Simbahang Katoliko ang karapatang pantao bilang:
o Human rights are teleological.
 Na kabahagi ito ng ating telos na kung saan ay makapiling natin ang
Diyos
 Na dapat makatulong ang pagtataguyod ng karapatang pantao sa ating
telos
o Human rights are understood theologically.
 Nauunuwaan natin na ang karapatang pantao ay nagmula sa
pundasyon o principle na tayo ay kawangis ng Diyos
 At lahat, kabilang na ang karapatang pantao, ay galing sa Diyos
o Human rights emerge from human dignity.
 Likas sa bawat tao ang karapatang pantao dahil lahat ng tao ay may
dangal
o Human rights are communal.
 Hindi lamang ito nakatuon sa indibidwal. May hangganan ang
karapatan mo bilang isang indibidwal kung ikaw ay nakakahamak na sa
karapatan ng iba
 Kaya’y ang karapatang pantao ay nakatuon sa kapakanan ng
sambayanan
o Protection of human rights is inseparable from advancing culture of life.
 Hindi magkaiba ang pagtaguyod ng culture of life sa pagtanggol ng
karapatang pantao
- Makakaambag ang simbahan sa kasalukuyang talakayan at pagsasakongkreto ng
karapatang pantao sa pamamagitan ng
o Paggamit ng sirkulong pastoral – kailangan nitong tumuon sa karanasan ng
mga tao, suriin ang sitwasyon, pagmunimunihan at kung sa gayon ay gumawa
ng aksyon
 Kunyari na lamang ang kasalukuyang nangyayaring anti drug campaign
 Maaaring pagbutihin ng simbahan ang kanyang pakikilahok sa paggawa
ng mga interventions (faith based or community based)
 Binabalik niya ang dangal ng bawat tao
o Makaaambag rin ang simbahan sa palaging pagpapaalala sa komunidad sa
dangal ng bawat tao

6. Anu-ano ang batayang biblikal ng pagkiling at pagpanig ng simbahan sa mga dukha (Groody,
Clifford at Kammer)? Ayon sa kasalukuyang turo ng simbahan, bakit mahalaga ang pagkiling
na ito? Bakit mahalaga na mapalaya ang tao at bayan mula sa isang salaysay na nakaugat sa
imperyo tungkol sa isang salysay na tunay na mapagpalaya? Paano nauunawaan ng PCP II ang
ibig sabihin ng Simbahan ng mga Dukha? Sa tingin ninyo, bakit ito mahalaga sa kasalukyang
konteksto ng Pilipinas?
- Batayang biblical ng pagkiling at pagpanig ng simbahan sa mga dukha
o Kammer: ang bawat indibidwal ay ginawang kawangis ng Diyos ayon sa
Henesis
o Groody: ang pakikiugnay ni Hesus sa mga dukha ay nagpapakita na lahat ng
tao ay may dignidad
o Clifford: ang bawat tao ay ginawang kawangis ng Diyos
 Tayo ay may inaaasahang maging tagapangalag ng sangnilikha
 Lahat ng tao ay may dangal
o At dahil lahat ng tao ay may dangal – lahat ng tao ay may karapatan sa mga
kinakailangan niya para siya ay mabuhay – buhay na may dignidad
o Kaya tayo ay may obligasyon sa mga dukha
o Makikita rin ito sa Deuteronomic Code kung saan may pribilehiyo ang mga
Dukha
 Ang pagkakaroon ng sabbatical at jubilee years
- Mahalaga ang pagkiling at pagpanig sa mga dukha dahil ito ang nagpapakita ng ating
pagiging tapat sa Diyos
o Ang ating tungkulin at obligasyon sa mga dukha – ang mga anawim (balo, ulila,
dayuhan)
o Sinasabi pa sa artikulo ni Hammer, kung may mga napag-iiwanan sa ating
lipunan, kung nakakalimutan na natin ang mga dukha – nakakalimutan rin
natin ang Diyos
 Hindi natin pwedeng sabihing naniniwala tayo sa Diyos ngunit hindi
natin nabibigyang pansin ang paghihirap ng mga dukha
 Na ang Diyos ang nagbigay sa atin ng kung anuman ang meron tayo, at
tayo ay tinatawagan ring ibahagi ito sa mga nangangailangan
- Mahalaga na mapalaya ang tao at bayan mula sa isang salaysay ng imperyo patungo
sa isang salaysay na mapagpalaya
o Ang salaysay ng imperyo – mentalidad ng imperyalismo ay salungat sa
kalooban ng Diyos
 Ang pagkakaroon ng ganitong mentalidad ay nagagawang posible ang
mga pang-aabuso sa mga mahihirap
 Nagiging posible ang pagsawalang bahala sa mga bagay na importante
– nagiging makasarili ang mga tao na nabubuhay sa salaysay ng
imperyo
 Nakakalimutan nila ang utos ng Diyos, nakakalimutan nilang lahat ng
tao ay pantay-pantay lamang at nakatataas ang Diyos
o Kaya mahalaga na ang tao at bayan ay mapalaya sa ganitong mentalidad
 Para maisagawa natin ang kung ano ang nasa kalooban ng Diyos
 Dapat tayo maging malaya hindi lamang sa isang heyograpikal na
lokasyon (katulad na lamang ng pagkakaroon ng mga hari-harian) kundi
pati na rin pagiging malaya sa mentalidad na ito
 Ang pagiging malaya sa mentalidad o salaysay na ito ay
nangangahulugan ng isang conversion  pinipili nating mamuhay na
salungat sa imperyo
 Mula sa isang isang salaysay na nagpapa-alipin, patungo sa
isang salaysay na nagpapalaya
 Dito ating hinahamon ang mga kung ano ang kinagisnan sa
lipunan – mga strukturang mapang-alipin, mapang-abuso
 Kagaya na lamang ng paghamon ni Hesus sa lipunan – sa
kanyang pakikipagugnay sa mga dukha, kanyang napabaligtad
ang “value-structure” ng lipunan
- PCP II The church of the poor is a church:
o that embraces and practices the evangelical spirit of poverty;
o whose members and leaders have a special love for the poor - a love that is
not “an exclusive or excluding [love]... in such a way that there is no room in a
Christian’s heart for those who are not poor”;
o where the poor are not discriminated against and will not be deprived of the
spiritual goods of the Church;
o where pastors and leaders “will give preferential attention and time to those
who are poor, and will generously share of their own resources to alleviate
their poverty and make them recognize the love of the Lord for them despite
their poverty”; (PCP II, 125-129)

You might also like