You are on page 1of 2

Pagsulat ng Balita

Balita

Ang balita nakapagdaragdag sa atin ng karunungan at kaalaman tungkol sa ating


kapaligiran, nakapagpapalawak ng talasalitaan, nakapaghahatid ng lagay ng panahon,
nakapagdulot ng kasanayang makipag-ugnayan at nakapagpapa-isip sa atin.

Halimbawa ng Balita.

Babae, namatay sa Earthquake Drill (Vallery Mayames)

Namatay ang isang 19- taong gulang na babae habang 12 estudyante ang sugatan nang
magkaroon ng Earthquake Drill sa paaralan ng Saint Louis University kahapon ng
umaga ( November 12, 2016). Itinakbo ang babae sa hospital ngunit siya’y na dead-on-
arrival. Ayon sa mga nakakita, nadulas ang babae sa hagdanan habang bumababa at
natagpuang nakahandusay matapos ang Earthquake Drill.

Rodrigo Duterte, pangulong ‘serial killer’ (Laila Dugay)

Laman kahapon, ika-10 ng Oktubre ng iba’t ibang pahayagan at telebisyon ang isang
pahayagan ng French na tinatawag na ‘serial killer’ si Pangulong Duterte dahil sa
madugong kampanya nito kontra sa illegal na droga.

Ang paunang-pahinang balita ng pahayagang Liberation(nangungunang pahayagan ng


France) ay ang pinakabagong pamumuna mula sa ibang bansang media ng
administrasyong Dutertr kontra sa illega na droga. Laman din ng pahagang ito ang isyu
ng Davao death squad, ang pagbabalik-tanaw sa pagmumurs ng Pangulong Duterte sa
mga Santo Papa, kay Pangulong Obama ay kanyang pahayag tungkol sa mga Hudyo.

Sa isang pakikipanayam kay Interior Secretary Mike Sueno, sinabi niyang ang pagtawag
ng ‘serial killer’ kay pangulong Duterte ay sobra. “Hindi nila nauunawaan ang ating
sitwasyon”, dagdag niya.
Sa isang pahayag naman ni Spokeperson Ernesto Abella, sinabi niyang ang artikulo ay
nagpapakita ng irresponsible at kulang ng pagkakaintindi sa kalagayan ng ating bansa.

Sa kabila nito, marami pa rin ang natutuwa sa ginagawa ng pangulo. Tinuturing ng iba
na meseyanik o may divine mission ang pangulo para sa ating bansa.

Balik Eskwela! (KB Mar Bautista)

Matapos ang isang linggong pahinga at bakasyon ay balik nanaman sa normal ang takbo
ng mga pangyayari sa paaralan. Balik eskwela nanaman matapos ang
sembreak. Ngayon ay ika-siyam ng nobyembre ang ikatlong araw ng muling pagbabalik
ng mga mag-aaral ng San Luis sa klase. May mga nanghihinayang, may nalulungkot at
syempre may nasasabik nang makita si crush. Nalulungkot dahil balik eskwela na ule at
goodbye hometown nanaman, see you ule sa bakasyon. May mga nanghihinayang din
dahil kulang ang araw at oras na nakasama nila ang kanilang mga kamag-anak n asana
ay mas pinahaba pa ang bakasyon para masulit ang bonding sa bawat isa. Syempre may
mga nasasabik dahil heto na makikita ko nanaman si crush, kumusta na kaya siya?
Nasulit niya kaya ang bakasyon? Namiss niya rin kaya ako, kung sana’y alam din niya
pero ok na ule dahil nasisilayan ko na siya. Tulad ng dati ay nagsisimula ang araw sa
isang flag ceremony, luminya ng tuwid at umawit ng maayos para hindi
ipaulit. Pagbalik sa silid aralan, tuloy ang klase kasabay ng daldalan. Buong maghapon
sa paaralan, buong maghapong may matututunan, buong maghapong kulitan. Alas tres
ng na isang oras nalang ay makakauwi na, bukas muli mga kaeskwela.

You might also like