You are on page 1of 5

Noong unang panahon, may isang mag asawang di

pinalad na magkaroon ng anak. Lahat ng naipayong halamang


gamot sa kanila ay walang mabuting naidulot. Lubhang
malungkot ang mag-asawa.
Humingi sila ng payo sa isang nakatatanda. "Kung hindi
madaan sa anumang gamot, Dyos ang lapitan nyo".
Nagpasya silang lumapit kay Walian, isang esperitista. Ito ay
nagdasal upang humingi ng tulong sa diwata ng
pagdadalantao.
Laking tuwa ng mag-asawa ng ilang buwan lamang ay
nagsilang ang ginang ng isang malusog na babae.
Pinangalanan nila itong "Blunto". Si Blunto ay ubod ng ganda.
Bukod sa maganda ay napakasipag din nito. Bawat halamang
dinidiligan ni Blunto ay namumukadkad at kinagigiliwan.
Isang gabi habang minamasdan ang pamumukadkad ng mga
bulaklak ay tila isang panaginip ang nakita ng dalagita.
Isang makisig na lalaki na nakasakay sa lumilipad na puting
kabayo.
Ngunit maya maya lamang ay naglaho sa paningin nang
dalagita ang makisig na lalaki.
Hindi malaman ni Blunto kung ang nakita ay isang panaginip
lang.
Isang umaga habang nagdidilig ay bigla na lamang binulaga si
Blunto ng isang tinig.
Paglingon nya ay ang lalaking makisig sa panaginip ang nasa
harapan nya.
Nagpakilala ito at sinabing nanggaling pa sa napakalayong
lugar na mahirap puntahan ninuman. Naging palaisipan kay
Blunto ang pagkatao ng makisig na binata. Di na nya tinanong
kung ito ba ang nakita nya nung nakaraan.
Hindi na inusisa ng dalagita kung saan galing ang binata
sapagkat makausap lamang ito ay masaya na sya.
Laging hinihintay ni Blunto ang pag lubog ng araw sa
kadalihanang sa hapon ito dinadalaw ng binata. Umibig sya sa
misteryosong binata at ganoon din ito sa kanya.
Bata pa si Blunto upang tumanggap ng mangingibig, sapagkat
totoo ang nararamdaman ng binata, nag hintay ito ng ilang
taon bago tanggapin ang matamis na oo ni Blunto.
Nang sagutin ng dalaga ay ipinagtapat na ng binata ang
totoong pagkatao.
Sinabi ng binata na sya ay anak ng Haring Araw at Reyna
Buwan.
Inamin din nito na di panaginip ang nakita ng dalaga. Alam
din ng magulang ng binata ang nadarama sa dalaga.
Ngunit mariin ang tutol ng mga magulang ni Blunto sa pag
iibigan ng dalawa sapagkat ang dalaga ay parang
kabubukadkad na bulaklak pa lamang.
Nagawang magtanan ng magkasintahan ngunit bigo, kalaunay
ikinulong si Blunto ng magulang sa kwarto at itinaboy ang
binata.
Sa pag pupumilit ng binata ay nahabag din ang mga ito, ngunit
nagbigay ng isang kondisyon.
Ito ay ang makasal ang dalawa sa lupa bago isama sa kaitasan.
Naging payak ang kasal ni Blunto.
"Ama, Ina" mangiyak ngiyak na paalam ni Blunto sa
magulang bago sumakay ng puting kabayo na magdadala sa
kanila sa kaitasan.
Mahigpit na niyakap ng magulang si Blunto at matapat na
kinamayan ng mga ito ang ngayoy manugang.
Ilang araw ang lumipas ay naging malungkot ang mga
magulang ni Blunto, subalit tulad ng pangako ng anak ay
matatanaw nila ito sa kaitasan.
Ang mistulang arko ng mga bulaklak sa langit ay makukulay
na tila bahag ng hari.
At iyan ang alamat ng Bahaghari ng mga taga isla sa
Saranggani sa Mindanao.
Ang Alamat ng Bahaghari

You might also like