You are on page 1of 18

CONCEPCION CATHOLIC SCHOOL

CONCEPCION, TARLAC
SY 2016 - 2017

UNANG SEMESTRE

Sitwasyong Pangwika Sa Kabataan Sa Kasalukuyang Panahon

LINGUA FRANCA:
Jake P. Cortes
Ann Francesca C. Muñoz
Erlsus Jeinda B. Magcalas
John Mandy M. Dayrit
Karlo E. Pangilinan
Talaan ng Nilalaman

Pasasalamat i
Kabanata 1: Panimula 1
Kabanata 2: Kaugnay na Literatura 3
Kabanata 3: Disenyo ng Pag-aaral 6
Kabanata 4: Paglalahad at Pagkakahulugan ng mga Datos 11
Kabanata 5: Buod, Konklusyon at Rekomendasyon 13
Talasanggunian 16
Apendiks A: Talatanungan 17
Pasasalamat

Guro, mga mag-aaral, mga magulang at sa lahat-lahat ng mga taong tumulong, nagkontribusyon,

at nagbigay-suporta sa reyalisasyon ng pamanahong papel na ito. Isang matagumpay at makabuluhang

pamanahong papel ang siyang naging resulta. Instrumental, Interaksiyonal, Personal, Heuristiko at

Impormatibo ang mga naging gabay mula sa una hanggang sa huli.

Isang matamis na pasasalamat ang siyang hatid namin sa mga taong nakilahok upang matapos

ang pananaliksik na aming isinagawa; kay Bb. Jinkie Galindo, ang aming minamahal na guro dahil sa

walang sawang pagsuporta, pagtulong, pagagabay at pag-unawa sa amin habang isinasagawa namin

ang aming pananaliksik at lalong-lalo na sa pagbabahagi ng kaalaman ukol dito, sa mga rospondenteng

mag-aaral na pumunan sa aming mga katanungan sa isang panayam, mga magulang na buong unawa

kaming tinulungan at sinuportahan sa aming mga pangangailangan, sa mga kaibigang nagbigay lakas-

loob, sa aming kapwa mag-aaral na nagbahagi ng kanilang ideya at kaalaman tungkol sa aming

pananaliksik, at higit sa lahat sa Poong Maykapal , sa pagbibigay sa aming grupo ng determinasyon

upang maisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral sa aming pananaliksik, sa pagdinig sa aming mga

dalangin, sa mga pagpapala at pagbibigay sa amin ng kalakasan lalong-lalo na sa mga panahong kami ay

pinaghinaan ng loob na matapos ito sa takdang panahon.

Taos-pusong pasasalamat ang handog naming mga mananaliksik sa inyong lahat!


KABANATA 1

Panimula

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbigay daan sa pagkakaisa ng mamamayan at

nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t-ibang aspeto sa isang bansa. Bawat bansa ay nangangailan ng

sariling wika sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng bawat

mamamayan. Dahil kung ang mga tao ay hindi nagkakaintindihan at nagkakaisa, ang ekonomiya ay hindi

lalago o uunlad.

Mga Dayuhang sumakop sa ating Bansa, mga wikang umiral at mga bagong tradisyong

nagsulputan. Ilan lamang yang sa mga dahilan kung bakit dumaan sa napakahabang proseso ang wikang

Filipino. Dahil sa mga impluwensya ng mga dayuhan nagkaroon tayo ng mga iba’t-ibang Barayti ng wika,

nagsilabasan din ang mga dayuhang wika o wikang pandayuhan na sinasalita na rin ng mga Pilipino.

Hindi masama o walang masama sa pag-gamit ng mga ibang wika, ngunit kailangan huwag nating

hayaang maibsan ang sariling atin; tangkilikin at pagyamanin.

Ang daloy ng wikang Filipino sa kasalukuyang panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago.

Nauso narin ang mga pagpapaikli ng mga salita sa iba’t-ibang paraan, ilang halimbawa ay ang pag-gamit

ng akronim o pag-gamit ng mga letra sa nagrepresenta sa isang salita o tumatayo bilang kapalit ng salita.

Pinapalitan na rin ng mga makabagong salita ang mga salita na ginagamit noong unang panahon upang

mas madaling gamitin at mas magandang bigkasin at pakinggan. At isa pa ay ang paggamit ng mga

salitang balbal na pinakauso sa ngayon.

“Ang ating pambansang wika ay pahalagahan, kilalanin ang mahaba at makulay nitong

kasaysayan, alamin ang konsepto, elemento, at gamit sa Lipunan, taglay ng mga ito, sarili nating

pagkakakilanlan” (Pinagyamang Pluma; Pahina 7). Dumaan ang ating wika sa napakahabang proseso

para maituring wikang pambansa, pinag-isipan, pinag-aralan, at pati na rin mga panayaman na isinagawa.

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na natin naiisip ang mga iyon, atin nalang pinagwawalang bahala, kung
anong wikang ginagamit. Hindi na natin ito nabibigyan ng kahalagahan. Dahil doon sinasayang natin ang

mga pagod na kinaharap ng mga namuno sa pagtatakda ng wikang pambansa.

Napakahalaga ng wika para sa ating lahat, dahil ito ang instrumento na ginagamit sa

pakikipagkomunikasyon at transaksiyon. Hindi lang naman ang Wikang Filipino ang mahalaga para sa

ating mga Pilipino, pati na rin ang mga kinagisnang wika o mother toungue na ating ginagamit. Ngunit

dahil sa pag-labas-pasok ng mga dayuhan sa ating bansa, sa mga Pilipinong pumapasok sa migrasyon,

at sa pakikipagtransaksiyon na rin ng mga Filipino sa ibang bansa nagkaroon tayo ng kaalaman sa pag

gamit ng mga ibang wika. Hindi natin maipagkakait ang ating mga sarili sa pagkatuto ng ibang wika, dahil

sa kasalukuyan mas kailangan na nating makadiskubre ng mga bagong wika tulad na lamang ng Ingles

na tinaguriang Global Language na siyang pinakamadalas na gamitin ng mga tao sa sa iba’t-ibang sulok

ng mundo sa iba-ibang paraan; sa mga magasin, telebisyon, radio, mga produkto, dyaryo at marami pang

iba. Ngunit ang dapat lang nating pakatandaan at isiksik sa ating isipan na huwag nating kalimutan ang

kahalagahan ng ating sariling wika na syang ating sariling pagkakakilanlan.


KABANATA 2

Kaugnay Na Literatura
Nangarap nang minsan si Manuel L. Quezon,
Na ang wika niya’y magtibay-panahon,
Tumatag, tumimo sa bukas at ngayon,
Bigkasin ng masa, sa daang kalyehon.

Huwag mong biguin itong namayapa,


Ating patatagin ang tindig ng wika,
Lubusing mainam, bigkasin ng tama,
Ating palakasin ang igkas ng dila.

Sa pagsasalita’y gamitin ng lagi,


Kahit ang kausap – may islang na gawi,
Mahalagang usap at pagmumuni-muni,
Gamiting salita’y ang wika ng lahi!

Sa pagsasabi mo ng iyong damdamin,


Sa liyag na sinta’t ibig na giliwin,
Wikang Filipino ang iyong gamitin,
Mailalahad mo ang nais sabihin.
Sa kapwa tao na masasasalubong,
Sabayan ng ngiti ang “Magandang hapon.”
At tiyak na sigla ang hatid ng layon,
Siglang darating saan man dumoon.

Iyong salitain sa lahat ng dako,


Damdamin sa dibdib paindakin sa puso
Sapagkat iyan nga ‘y tatag at lakas mo
At pagpapatunay na ikaw’y Filipino.

Ang tula na ito ay hango sa akda ni Avon Adarna na pinamagatang “Palakasin Mo”.

Nangangahulugan lamang na dumaan muna sa butas ng karayom ang mga namumuno sa pamahalaan

noon, tulad ni Manuel L. Quezon upang maitakda ang Pamabansang Wika. Ngunit kung titignan natin sa

kasalukuyang panahon, napakalaki na ng pagbabago, tuluyan nang kinakalimutan ng mga Pilipino ang

kahalagahan ng ating wika. Huwag nating hayaang mauwi lahat sa wala ang pagsisikap na ibinigay ng

mga namuno sa pagtatakda ng ating sariling wika. Kailangan natin itong pahalagahan at tangkilin bilang

iisang dugong Pilipino upang lubos tayong magkaintindihan at magkaunawaan. Dahil kahit sa mga

simpleng paraan ng pagbati ibang wika ang siyang ginagamit, tulad nalamang ng pagsambit ng
“Magandang Umaga”. Ang wikang Filipino ang siyang magpapatunay na tayo ay Pilipino, kaya wag natin

itong tatalikuran kailanman.

Si Allaine (2012) Sa ngayon, hindi makakatapos ng pag-aaral ang isang Pilipino na wikang Filipino

pa lamang ang kayang salitain sapagka’t maraming termino sa agham, matematika, algebra, medisina,

trigonometri, at pisika ang wala pa ring katumbas o “counter-part” sa Filipino. Isa pa, ang mga kaalamang

ito ay hindi rin nagmula sa sarili nating bayan kaya karamihan ng mga aklat, ensayklopedia, at mga

diksyunaryo na ginagamit natin ngayon sa pag-aaral ay nakalimbag sa wikang Ingles. Panitikan pa

lamang ang aspeto ng wikang Filipino ang intelektwalisado sa ngayon.

“Magmula no’ng ako’y natutong umawit, nagkabuhay muli ang aking paligid, Ngayong batid ko na

ang umibig, sa sariling tugtugin o himig, sa isang makata’y maririnig, mga titik, nagsasabing, kay ganda

ng ating musika, kay ganda ng ating musika, ito ay atin, sariling atin, at sa habang buhay awitin natin”

hango sa awit ni Hajji Alejandro “Kay Ganda Ng Musika” (2010), kung tunay mang naghihingalo ang

bayan, wikang Filipino ang siyang gamot upang muling buhayin ang nanlulumong kalagayan ng mga

awiting Pilipino!

Ayon kay dating pangulong Gloria Arroyo “higit na bumilis ang pag-unlad ng Pilipinas noong

panahong mataas ang literacy rate ng bansa kaysa mga kapitbahay nating mga Asyano tulad ng

Thailand, Indonesia, at Singapore. Idinahilan din niyang ang malawak na pagpapalaganap ng Ingles sa

mga bansang ito ang siyang naging sanhi ng pagbulusok ng mga ekonomiya nito.”

Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na

nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa

hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa gaya ng inang sa atin ay nagpala.

4
KABANATA 3

Disenyo Ng Pag-aaral
Napatunayan ng mga mananaliksik at nabigyang linaw ang ginawang proyekto sa pamamagitan ng

pagharap ng mahabang proseso. Mga aklat na hinalungkat sa paghahanap ng mga bagong

impormasyon. Internet na pinagbasihan para sa dagdag kaalaman. Mga respondenteng mag-aaral na

tumulong para mapunan ang aming mga katanungan. Mula sa panimula hanggang sa Konklusyon

nagsalin-salin ang mga opinyon at ideya upang maitakda ang proyektong ito. Ang mga mananaliksik ay

naghanda rin ng sarbey kwestyuneyr na naglalayong makahanap ng mga datos upang malaman ang

sitwasyong pangwika sa kabataan sa kasalukuyang panahon.

Instrumento ng Pag-aaral

Nagsagawa ng isang sarbey ang mga mananaliksik na kung saan ito’y pinaghandaan at

pinagplanuhan ng grupo. Inihanda nila ang kanilang mga kwestyuneyr para sa mga respondenteng

sasagot sa mga katanungan. Unang hakbang, nagtanong ang mga mananaliksik para sa pangalang

ilalagay sa Questionaire Paper. Ikalawang hakbang, nagtanong ang mananaliksik mula sa una hanggang

sa huli. Ikatlong hakbang, ngayong na sa ka nila na ang mga datos, ito ngayon ay kanilang pag-aaralan at

bibigyang linaw para maintindihang mabuti. Ano na nga ba ang mga naging resulta ng mga mananaliksik

sa sarbey na kanilang isinagawa? Iisa-isahin ang mga katanungan upang maging klaro ang lahat-lahat.

Naging matagumpay ang pagsasarbey dahil sa mga respondenteng pinagtanungan na bumuo sa

pamanahong papel na ito.

Respondente ng Pag-aaral

Mga respondeteng kamag-aral at mga kaibigan na ginawan ng isang sarbey. Dalawampung respondente

na nasa 13-19 taong gulang na nagbigay kasagutan sa mga katanungan, 10 lalaki at 10 babae.

Triment ng Datos

Tanong Blg.1 A
100
90
80
70
60
50
40
30
20
10
0
FILIPINO ENGLISH TAGLISH

LALAKI BABAE

Ano ang

pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood mo? Anong wika ang ginamit sa palabas na ito?
Tanong Blg. 1 B

100
90
80
70
60
50
40
30
20
10
0
Na sa Wikang Filipino Na sa Wikang Ingles

LALAKI BABAE

Mas madalas
kabang manood ng pantelebisyong nasa Wikang Filipino o nasa Wikang Ingles?

Tanong Blg. 2 A

Ano ang pinakahuling pelikulang pinanood mo? Anong wika ang ginamit sa palabas na ito?

50
45
40
35
30
25
20
15
10
5
0
Ingles Filipino Iba pa

LALAKI BABAE
Tanong Blg. 2 B

70

60

50

40

30

20

10

0
Na sa Wikang Filipino Na sa Wikang Ingles

LALAKI BABAE

Mas madalas kabang


manood ng pelikulang nasa Wikang Filipino o nasa Wikang Ingles?

Tanong Blg. 3

80

70

60

50

40

30

20

10

0
Wikang Katutubo Sa Inyong Lugar Filipino Taglish

LALAKE BABAE

Anong wika ang mas

madalas ninyong gamitin sa inyong tahanan?

Tanong Blg. 4

Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino?


80

70

60

50

40

30

20

10

0
Mahalagang-mahalaga Mahalaga

LALAKI BABAE

Tanong Blg. 5

Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino?

90

80

70

60

50

40

30

20

10

0
Mahusay na mahusay Mahusay Hindi gaanong Mahusay

LALAKI BABAE
KABANATA IV

Paglalahad at Pagpapakahulugan sa mga Datos


Ang mga pag-aaral na ginampanan ng mga mananaliksik ay hindi naging madali para sa kanila.

Maraming mga suliranin ang hinarap bago ito maisagawa. Maraming mga katanungan ang bumalot sa

kanilang mga isip na inibig hanapin ng mga kasagutan nang sa gayon ay kanilang mapahusay at

maipaliwanag ng maayos ang kanilang isinagawang pag-aaral.

Mula sa katanungang “Anong wika ang ginamit sa pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood

mo?”. 85% ang sumagot na Filipino, 5% naman ay English at ang natitirang 10% ay Taglish ang siyang

ginamit na wika. Sa sumunod na katanungan na “anong mas madalas mong panoorin na palabas

pantelibisyon, nasa wikang Filipino o nasa wikang Ingles?”. Ang sumagot ng Wikang Filipino ay 85%,

samantalang ang sumagot sa Wikang Ingles ay 15% lamang.

Nasa wikang Filipino 17/20 (85%)


Nasa wikang Ingles 03/20 (15%)

Mula naman sa ikalawang katanungan na “Anong wika ang ginamit sa pinakahuling pelikulang

pinanood mo?”. 50% sa kanila ay Ingles, 25% ay Filipino at ang natitirang 25% ay para sa mga gumamit

ng iba pang wika, tulad ng Korean. Sa sumunod na katanungan na “Anong mas madalas mong panoorin

na pelikula , nasa wikang Filipino o nasa wikang Ingles?”. Ang sumagot na nasa Wikang Filipino ay 65%

at ang nasa Wikang Ingles naman ay 35%.

Nasa wikang Filipino 13/20 (65%)


Nasa wikang Ingles 07/20 (35%)

Mula sa katanungang “Anong wika ang madalas ninyong gamitin sa inyong tahanan?”. 70% sa

kanila ang ginagamit ay ang kanilang katutubong wika, tulad ng Kapampangan, waray-waray, Cebuano,

25% ay Filipino at ang nalalabing 5% ay Taglish.


Sa katanungang “gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino?”. Ang sumagot

ng Mahalagang-mahalaga ay 75%, ang sumagot naman ng mahalaga ay 25%.

Mahalagang-mahalaga 15/20 (75%)


Mahalaga 05/20 (25%)
Hindi gaanong mahalaga 00/20 (0% )
Hindi mahalaga 00/20 (0% )

At sa pinakahuling katanungan na “Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng Wikang Filipino?”. 85% ang

sumagot ng mahusay at ang 15% ay hindi gaanong mahusay.

Mahusay na mahusay 00/20 (0%)


Mahusay 17/20 (85%)
Hindi gaanong mahusay 02/20 (15% )
Sadyang di-mahusay 00/20 (0% )

KABANATA V

1
Buod, Konklusyon at Rekomendasyon
2
BUOD
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman kung ano na nga ba ang kalagayan ng ating

wika sa Makabagong Henerasyon, wikang itinakda sa loob ng napakahabang panahon. Na kung saan

ang pagbabago ng oras, buwan at taon ay kakambal ng pagbabago ng kalagayan ng wika.

Inilahad sa pag-aaral na ito na ang wika ay salamin ng bayan at siyang bumibigkis tungo sa

pagkakaisa ng mga mamamayan. Ang kaisipang ito ay isinaad ni Manuel Luis Quezon, ang tinaguriang

Ama ng Wikang Pambansa. Siya ang nanguna upang pagbuklurin ang mga Pilipino sa pamamagitan ng

isang wikang pambansa.

Mula sa isinagawang sarbey, napatunayan na may mga Pilipino pa rin ang nagbibigay halaga sa

ating wika. Ito pa rin ang ginagamit sa mga tahanan, sa paaralan at paglalakbay sa iba’t-ibang sulok ng

mundo sa pakikipagtalastasan upang lubos na magkaintindihan at magkaunawaan. Ngunit dahil sa


impluwensiya ng mga banyaga, marami na ang naganap na pagbabago na nakakaugalian na ng mga

Pilipino, at ang mga pagbabagong ito ang silang nagiging dahilan sa pag-iiba ng kalagayan ng wikang

pambansa. May mga Pilipino na rin na mas tinatangkilik ang mga Pelikulang nagmula sa mga ibang

bansa, na kung saan kaakibat nito ang mga makabagong pananaw na mabubuo sa mga isip ng mga

manonood, na nagiging dahilan ng pag-usbong ng mga bagong tradisyon ng mga Pilipino. Ang paggamit

ng Filipino ay mahigpit na ipinatupad sa buong bansa, ngunit dahil sa patuloy na pag-unlad ng

pamumuhay at pakikipag-ugnayan, hindi lamang sa kapuwa Pilipino kundi gayundin sa iba’t ibang lahi,

ang impluwensya ng iba’t ibang wika sa buong mundo ay hindi maitatanggi. Ang paggamit ng wika ay

hindi dapat limitahin. Kailangan itong payabungin at papagyamanin upang makaagapay sa mga

pagbabago at mapabilis ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan.

Nabigyan ng kasagutan ang mga katanungang gumugulo sa utak ng mga mananaliksik sa

pamamagitan ng isang sarbey. Mula sa 20 respondente na nagmula sa iba’t-ibang lugar na nasa edad 13-

19 nakabuo ng mga iba’t-ibang konklusyon ang mga mananaliksik. Dahil sa mga salitang na namutawi sa

kanilang bibig, napahayag nilang maayos ang kanilang mga Personal na kasagutan patungkol sa

kalagayan ng wika sa kasalukuyang panahon.

KONKLUSYON

Batay sa pagsusuring isingawa ang mga sumusunod na konklusyon ay nakuha:

1. Mas tinangkilik parin ng mga Pilipino ang mga palabas pantelebisyon na ang gamit na wika ay

Filipino.
2. Marami na ring mga kabataan na mas naiibigan ang panonood ng mga pelikulang pambanyaga,

ngunit mas nakakarami parin ang tumatangkilik sa mga pelikulang Pilipino dahil mas naiintindihan

ang ginagamit na wika dito.


3. Napakahalaga ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino, dahil ito ang sariling

pagkakakilanlan ng mga Pilipino.


REKOMENDASYON

Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon upang magkaintindihan ang lahat ng tao. Ang Wikang

Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Alamin ang mahaba at

makulay na kasaysayan ng wikang Filipino.

Ipakita sa mga mahal na mga bayaning nagbuhos ng kanilang panahon para lamang magkaroon

ng wikang pansarili, para maibuklod ang bansa at hindi ito mapasama sa mga bansang walang sariling

wika na nakikigamit lang ng wikang banyaga. Bilang mamamayang Pilipino, tangkilikin ang sariling wika,

sapagkat mahalaga ito sa pagkakaugnay ng isang bansa. Gamitin ito at ipalaganap dahil dito nasusukat

ang inyong pagiging Malaya. Tularan si Manuel L. Quezon, na nagsulong at nagtakda ng Filipino bilang

wikang pambansa hanggang sa kasalukuyan. Laging isaisip na saan mang daku ng daigdig, “Pilipino ako

kaya wikang Filipino ang gamit ko”. Ipagmalaki ang wikang gamit mo, hindi lamang sa buwan ng Agosto

kundi araw araw at bawat segundo. Gawin ang lahat nang ito hindi lamang sa salita kundi nang buong

pusong panggawa.
TALASANGGUNIAN

AKLAT:
Dayag, A.M., Del Rosario, M.G. Pinagyamang Pluma; Komunikasyon at Pananliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House, Inc., 2016: 7
Dayag, A.M., Del Rosario, M.G. Pinagyamang Pluma; Komunikasyon at Pananliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House, Inc., 2016: 119-120
MGA WEBSITES:

http://tagalog-tula-pilipinas.blogspot.com/2012/07/tatag-ng-wikang-filipino-lakas-ng-pagka.html?
m=1

http://wikangfilipinosahinaharap.blogspot.com/2012/03/wika-filipino-sa-makabagong-panahon.html

http://matanglawin02.tripod.com/isyu06/pitik_filipino.htm

https://kawika2010.wordpress.com/mga-sanaysay/ang-ating-awit/

1
APEKDIKS A
TALATANUNGAN

Pangalan (Opsiyonal):
Edad:
Kasarian:

Mga Katanungan:
1. Ano ang pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood mo?
______________________________________________________________
Anong wika ang ginamit sa palabas na ito?
______________________________________________________________
Mas madalas kabang manood ng pantelebisyong
nasa wikang Filipino o nasa wikang Ingles?

2. Ano ang pinakahuling pelikulang pinanood mo?


_______________________________________________________________
Anong wika ang ginamit sa palabas na ito?
______________________________________________________________
Mas madalas kabang manood ng pelikulang
nasa wikang Filipino o nasa wikang Ingles?

3. Anong wika ang mas madalas ninyong gamitin sa inyong tahanan?


wikang katutubo sa inyong lugar _________________________________
Filipino
Ingles
Taglish
4. Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino?
Mahalagang-mahalaga mahalaga
hindi gaanong mahalaga
hindi mahalaga
Bakit?__________________________________________________________

5. Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino?


mahusay na mahusay
mahusay
hindi gaanong mahusay
sadyang di-mahusay

You might also like