You are on page 1of 10

Sample Essay 5: Sino ang Aking Inspirasyon sa Buhay?

Posted on Oktubre 23, 2013


Ang sanaysay na ito ay isinulat ni Angela, isang maybahay na ALS Learner sa
Maynila. Nais niyang makapagtapos ng pag-aaral para mabigyan ng mas
magandang buhay ang kanyang dalawang anak.
Maraming dahilan kung bakit tayo ay kailangang magkaroon ng inspirasyon sa
buhay. Ang isa sa mga dahilang ito ay ang katotohanang sila ang ang nagbibigay
ng ibayong lakas sa atin upang malampasan ang mga hamon sa araw-araw.

Ang aking dalawang anak ang itinuturing kong inspirasyon sa aking buhay. Pareho
silang nasa elementarya ngayon. Si Angelo , ang aking panganay ay kasalukuyang
nasa ika-anim na baitang. Samantalang si Salvador, ang aking bunso ay
kasalukuyang nasa ika-limang baitang. Sila ang dahilan kung bakit nais kong
makapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Learning System
(ALS). Sa kasalukuyan ako ay nag-aaral ng mabuti upang makapasa sa darating na
Accreditation and Equivalency Test (A&E). Naniniwala ako na kapag ako ay
nakapasa sa pagsusulit na ito, magkakaroon ako ng mas malaking tsansa na
makahanap ng magandang trabaho.
Ang Aking Pangarap

Bata pa lang ako ay mahilig na akong magluto. Sa katunayan, palagi akong


nakasunod sa aking mga magulang sa tuwing sila ay nagluluto ng aming pagkain.
Dito ako nagsimulang mangarap na maging isang magaling na chef.

Iisa lang ang naiisip ko na paraan upang maabot ko ang aking pangarap. Ito ay
ang pag-igihan ko ang aking pag-aaral dito sa Alternative Learning System (ALS).
Pipilitin kong maipasa ang darating na Accreditation at Equivalency (A&E) Test na
talaga namang susubok sa aking kakayahan. Kapag nakapasa ako sa pagsusulit na
ito, ako ay magkakaroon na ng haykul diploma at maaari na rin akong makapasok
sa kolehiyo kung saan culinary arts ang kursong aking kukuhanin. Hindi ko na
hahayaang masira ng sobrang pakikipag-barkada ang aking pag-aaral kapag ako ay
nasa kolehiyo na. Gagagawin kong inspirasyon ang aking pamilya, lalong-lalo na
ang aking mga kapatid na sobrang natutuwa kapag ako ang nagluluto sa aming
bahay.

Kapag ako ay isang ng ganap na chef , ang unang-una kong gagawin ay ang
magpasalamat sa ating Panginoon sapagkat hindi ko maabot ang aking pangarap
kung hindi niya ako ginabayan sa aking pagbabagong-buhay at pag-aaral.
Magpapasalamt rin ako sa aking pamilya at mga guro na umagapay sa akin.
Bantas
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Jump to navigationJump to search

Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang


nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago .
Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga
pagbabago.
Pakisilip ang kasaysayan ng mga pagbabago kung ibigin
mong makipagugnayan sa tao na naglagay ng suleras na
ito. Kapag hindi nagkaroon ng mga pagbabago ang
artikulong ito sa loob ng ilang araw, pakitanggal na lamang
ang suleras na ito. Huwag sanang lagyan ito ng tanda ng
kahilingan sa pagburamaliban na lang kung hindi pa
nagkakaroon ng pagbabago ang pahina sa loob ng ilang
araw.

Ang mga bantas (punctuation) ay mga simbulo na nagpapakita ng kayarian at


kaayusan ng nakasulat na wika, pati na ang intonasyon at paghintong sandali
(pagtigil na sandali) na gagawin kapag nagbabasa nang malakas. Sa nakasulat
na Tagalog, ang bantas ay mahalaga upang maging malinaw ang kahalugan ng
mga pangungusap.[1]
Ang mga panuntunan ng pagbabantas ay pabagu-bago ayon
sa wika, lokasyon, rehistro at panahon (oras) at patuloy na umuunlad at
nagbabago. Ang ilang partikular na mga aspekto ng bantas ay may estilo at sa
kung sa gayon ay ayon sa pagpiling ginawa ng may-akda o ng patnugot. Ang mga
anyo ng wika na takigrapiko, katulad ng mga ginagamit sa pagsasatsatan sa
Internet at mga mensaheng teksto, ay maaaring may malawak na kakaibang
panuntunan.

Mga nilalaman
[itago]

 1Mga bantas
 2Paggamit ng iba't ibang mga bantas
o 2.1Tuldok
o 2.2Tandang Pananong
o 2.3Tandang Padamdam
o 2.4Kuwit
o 2.5Kudlit
o 2.6Gitling
o 2.7Tutuldok
o 2.8Tuldok-kuwit
o 2.9Panipi
o 2.10Panaklong
o 2.11Tutuldok-tuldok
 3Mga sanggunian

Mga bantas[baguhin | baguhin ang batayan]


Kabilang sa mga bantas ang mga sumusunod:

1. Tuldok o period (.)


2. Tandang Pananong o question mark (?)
3. Tandang Padamdam o exclamation point (!)
4. Kuwit o comma (,)
5. Kudlit o apostrophe (‘)
6. Gitling o hyphen (-)
7. Tutuldok o colon (:)
8. Tuldok-kuwit o semicolon (;)
9. Panipi o quotation mark (“”)
10.Panaklong o parenthesis ( )
11.Tutuldok-tutuldok o elipsis (…)

Paggamit ng iba't ibang mga bantas[baguhin | baguhin ang batayan]


Tuldok[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang tuldok (.) ay ginagamit na pananda:
A. Si Kylene ay isang magandang binibini.
B. Sa pangalan at salitang dinaglat. Mga halimbawa: (a) Si Gng. A.A. Jose ay
mahusay magturo. (b) Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang “Basic
Christian Living”.
C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng isang
balangkas, talaan.
Tandang Pananong[baguhin | baguhin ang batayan]
Ginagamit ang tandang pananong ( ? ):
A. Sa pangungusap na patanong. Mga halimbawa: (a) Ano ang pangalan mo? (b)
Sasama ka ba?
B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng
pangungusap. Mga halimbawa: (a) Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng
Republika ng Pilipinas.
Tandang Padamdam[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang bantas na tandang padamdam ( ! ) ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga,
parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin. Mga
halimbawa: (a) Mabuhay ang Pangulo! (b) Uy! Ang ganda ng bago mong
sapatos. (c) Aray! Naapakan mo ang paa ko.
Kuwit[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang kuwit ( , ) ay ginagamit sa ganitong mga kaparaanan:
A. Paghihiwalay ng isang sinipi.
B. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkaka-
uri. Halimbawa: Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy. Shana,
saan ka nag-aaral ngayon?
C. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-
pangkaibigan. Mga halimbawa:
Mahal kong Marie,
Nagmamahal,
Sa iyo kaibigang Jose,
Tapat na sumasaiyo,
D. Pagkatapos ng Oo at Hindi. Mga halimbawa: Oo, uuwi ako ngayon sa
probinsiya. Hindi, ayaw niyang sumama.
E. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno. Mga halimbawa: Si Andres
Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo. Si Pastor Arias, isang
mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo.
F. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at
lalawigan sa pamuhatan ng isang liham. Mga halimbawa:
Nobyembre 14, 2008
Project 8, Quezon City
G. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng
pangungusap. Halimbawa: Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa
sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda”.
Kudlit[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang kudlit ( ‘ ) ay ginagamit na panghalili sa isang titik na kina-kaltas.
Halimbawa: Siya’t ikaw ay may dalang pagkain. Ako’y isang mamamayang
Pilipino at may tungkuling mahalin at pangalagaan ang aking bayan.
Gitling[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang gitling ( - ) ay ginagamit sa loob ng salita sa mga sumusunod na
pagkakataon:
A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa:
araw-araw isa-isa apat-apat
dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila
masayang-masaya

B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay

nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng


ibang
kahulugan
Halimbawa:
mag-alis nag-isa nag-ulat
pag-ibig mang-uto pag-alis
may-ari tag-init pag-asa
C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa:
pamatay ng insekto - pamatay-insekto
kahoy sa gubat - kahoy-gubat
humgit at kumulang - humigit-kumulang
lakad at takbo - lakad-takbo
bahay na aliwan - bahay-aliwan
dalagang taga bukid - dalagang-bukid
Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang
kahulugan,
hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito.
Halimbawa:
dalagangbukid (isda)
buntunghininga

D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng
isang

bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang


pagbabago sa ispeling
Halimbawa:
maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino
pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique
mag-pal maka-Johnson mag-Sprite
mag-Corona mag-Ford mag-Japan

E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling


ay

nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng


buong
tanging ngalan
Halimbawa:
mag-Johnson magjo-Johnson
mag-Corona magco-Corona
mag-Ford magfo-Ford
mag-Japan magja-Japan
mag-Zonrox magzo-Zonrox
mag-India magi-India

F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.

Halimbawa:
ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina
ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata

G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.

Halimbawa:
isang-kapat (1/4)
lima’t dalawang-kalima (5-2/5)
tatlong-kanim (3/6)

H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang

bana o asawa.
Halimbawa:
Gloria Macapagal-Arroyo
Conchita Ramos-Cruz
Perlita Orosa-Banzon

I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.

Halimbawa:
Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino.

Tutuldok[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang tutuldok ( : ) ay ginagamit matapos maipapuna ang pagpapakilala sa
mga sumusunod na paliwanag, sa ganitong mga paraan:
A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod. Mga halimbawa:
Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas,
Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa.
B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-
pangangalakal. Mga halimbawa:
Dr. Garcia:
Bb. Zorilla:
C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang
dula, sa kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng
talaaklatan. Halimbawa: 8:00 a.m Juan 16:16
Tuldok-kuwit[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang tuldok-kuwit ( ; ) ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang
pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi
gumagamit ng pangatnig, sa ganitong mga paraan:
A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan
ng bating panimula ng liham pangalakal. Mga halimbawa: Ginoo; Bb;
B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap
kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig. Mga halimbawa: Kumain ka ng
maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan. Naguguluhan siya sa
buhay; iniisip nya ang magpatiwakal.
C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris
ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa. Mga halimbawa:
Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-
uukulan ng pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba
pa.
Panipi[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang mga panipi (“ ”) ay inilalagay sa unahan at dulo ng isang salita sa
ganitong mga kaparaanan:
A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o
ang tuwirang sipi. Halimbawa: “Hindi kinukupkop ang criminal,
pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.
B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan,
magasin, aklat at iba’t ibang mga akda. Halimbawa: Nagbukas na muli
ang “Manila Times”. Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”.
Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang “Anak Dalita”.
C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga. Halimbawa: Ang
binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer Programming”.
Panaklong[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang panakolong ( () ) ay ginagamit na pambukod sa salita o mga
salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga
ginamit sa pangu-ngusap na ito.
A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno. Halimbawa: Ang ating
pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.
B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang
kawastuhan. Halimbawa: Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa
bansang Turkey ay humigit-kumulang sa labindalawang libong (12,000)
katao.
C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon. Halimbawa:
Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )
Ito rin ay puwedeng gamitin sa matematika: Halimbawa:
24+(64÷8)-14=N 13+(25×29)=N
Tutuldok-tuldok[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang tutuldok-tuldok o elipsis (…) ay nagpapahiwatig na kusang ibinitin
ng nagsasalita ang karugtong ng nais na sabihin.
A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping
pahayag. Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng
pangungusap ay may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa
mga salitang nawawala ay sa hulihan ng pangungusap. Halimbawa:
Ipinagtibay ng Pangulong Arroy …
B. Sa mga sipi, kung may iniwang hindi kailangang sipiin. Halimbawa:
Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang …

You might also like