Professional Documents
Culture Documents
Bea: Magandang araw! Naranasan niyo na bang magutom dahil hindi nakakain ng
almusal? Ng pananghalian? O ng hapunan? Ang kwentong ipapahayag n gaming grupo
sa araw na ito ay tungkol sa isang asong gutom na gutom. Ang pamagat nito ay…
Giby: Ang kwentong ito ay orihinal na nagmula sa isang bansa sa Silangang Asya na
tinatawag na Japan. Halikayo! Alamin natin!
Giby: Isang hapon, nag-iikot ang isang Asong humahanap ng mabibiktima. Nalulungkot
siya sapagkat wala na siyang almusal, wala pa rin siyang tanghalian at kung mamalasin ay
baka wala rin siyang magiging hapunan.
Lihim na natuwa ang gutum na gutom na Aso sapagkat natanawan niyang sumulpot
sa talahiban ang isang malusug na malusog na Kuneho. Nagtago sa likod ng puno ng
banaba ang naglalaway na Aso. Nang mapalapit ang Kuneho ay ngingisingising lumabas
ang Aso.
Gamaliel: Magandang hapon sa iyo, Kuneho!
Bea: A, oo, nagpahangin lang ako sa itaas ka... kaya heto at puno na naman ng sariwang
hangin ang baga ko.
Giby: Nang mapansin ng Kunehong inilalapit na ng Aso ang matatalim na mga ngipin
upang sagpangin ang leeg niya ay humaririt na siya ng takbo.
Beatrice: Hoy, Aso. Malas ka at di mo nakuha ang iyong hapunan. Isang maliit na Kuneho
lang pinaalpas mo pa sa iyong mga kamay.
Gamaliel: Oo. Isang maliit na Kuneho lang. Pero pantawid gutom lang naman ang aking
ipinakikipaglaban. Ang ipinagtatanggol ng maliit na Kuneho ay buhay at kaligtasan.
(ibababa yung puppet sticks)
Giby: (lilitaw ang sock puppet ni giby) At diyan nagtatapos ang ating kwento. O,
nagustuhan niyo ba? Huwag natin kalimutan, lahat tayo ay may sari-sariling
pangangailangan, ngunit laging tatandaan, ang pansariling kaligtasan ay dapat
ipaglaban. Hanggang sa muli…