You are on page 1of 4

KABANATA I:

ANG PAGKAHUMALING SA KPOP NG MAG-AARAL SA IKA-SAMPUNG BAITANG


NG MATAAS NA PAARALAN NG SAN FRANCISCO

I. Introduksyon
Ang musika ng mga Pilipino ay tanyag sa pagkakaroon ng magandang mensahe ng
liriko at kahalihalinang ritmo. Biniyayaan tayo ng talento sa pag-awit maging sa paggawa ng
mga awitin. Matanda , binata, dalaga, maging ang mga bata ay mahilig sa pakikinig ng mga
awiting atin. Lumilpas ang panahon nagbabago ang takbo ng henerasyon at pag-unlad ng
makabagong teknolohiya nahuhumaling na rin ang mga Pilipino lalo na ang kabataan sa musika
na nagmula sa banyagang bansa.

Ang pinaka pumatok sa ating mga Pilipino ay ang Korean pop music o K-pop. Ang K-
pop ay mga awiting nagmula sa bansang Korea sa bahaging timog Korea. Dahil sa likas na hilig
ng mga Pilipino sa iba’t-ibang uri ng awitin 1aming1 nakuha ng K-pop ang atensyon ng mga
kabataang 1Pilipino. Sa website ng Suzetti.blogspot sinasabi ni Sue Kim na ang K-po ay
nagsimula sa bansa dahil sa pagpapalabas ng mga Korean drama sa telebisyon, mga music video
ng mga K-pop group sa MYX at maaring dahil na din sa ibang pinoy na gumagawa ng pangalan
sa industriya ng musika sa bansang Korea tulad na lamang ni Sandara Park na kasama sa mga
sikat na Korean girl group sa Korea na 2ne1. Ayon naman kay Sablan, ang buong mundo ay
humahanga at tumatangkilik sa K-pop dahil sa mga grupo ng mga kalalakihan at kababaihan sa
Korea na may magagandang mukha, hugis ng katawan, talentado, stylish pagdating sa
pananamit at magaling mag entertain ng mga tao. Mayroon din na tinatawag na Korean wave o
Hallyu ito ay tumutukoy sa pagkalat ng kultura ng timog Korea sa buong mundo hindi lamang sa
musika maging sa pagkain, pananamit at wika.

Sa mataas na paaralan ng San Francisco karamihan sa mga mag aaral 1aming1lar na sa


mga nasa ika-sampung 1aming1 ang nahuhumaling sa kanilang mga iniidolong K-pop group
tulad na lamang ng BTS, EXO, Blackpink, Twice at marami pang iba. Madalas nilang tugtugin at
kantahin ang mga awitin ng grupong ito at ginagaya na rin nila ang fashion ng kanilang mga
idolo. Higit pa 1amin pinag iipunan rin nila ang pagbili ng mga accessories na may simbolo at
mukha ng kanilang idolo at pambili ng ticket para sa concert at album na may malaking halaga
upang mabili Ito. Sa paglaganap nito sa ating bansa nagkakaroon 1naman negatibo at
positibong epekto ang pagkahumaling ng mga Pilipino 1pakikular na sa mga mag aaral ng San
Francisco High School. Kaya nais 1aming makapagbigay impormasyon gamit ang pagsasaliksik
na ito kung tama pa ba o umaabot na sa limitasyon ang pagkahumaling ng mga kabataang mag
aaral sa Korean Pop Music o mas kilala bilang K-pop.

II. Layunin sa Pag-aaral


Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan;

1. Anong meron sa kpop bakit ito kinahuhumalingan ng marami?


2. Ano-ano ang mabuti at masamang epekto ng kpop sa pag-aaral ng mga taga-hangang
estudyante?
3. Ano ang epekto ng Kpop sa personalidad ng mga mag-aaral?
a) Pananalita
b) Pagkilos
c) Pananamit

III. Konseptuwal na Balangkas

INPUT → PROSESO → OUTPUT

MGA MAG-AARAL NA BABAE


EPEKTO NG KPOP
SA IKA-SAMPUNG BAITANG
PAGGAWA NG KWESTYONER SA PAG-AARAL
SA MATAAS NA PAARALAN NG
NG MGA MAG-AARAL
SAN FRANCISCO

MGA MAG-AARAL NA BABAE EPEKTO NG KPOP


PAGSAGOT NG MGA TAGA-
SA IKA-SAMPUNG BAITANG SA MGA LENGGWAHE AT
TUGON SA
SA MATAAS NA PAARALAN NG SALITANG BINIBIGKAS
KUWESTONER
SAN FRANCISCO NG MAG-AARAL

MGA MAG-AARAL SA
EPEKTO NG KPOP
IBANG BAITANG SA MATAAS
SA PAGKILOS
NA PAARALAN NG
NG MGA MAG-AARAL
SAN FRANCISCO
IV. Kahalagahan sa Pag-aaral
Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay para maipabatid ang impormasyon tungkol
sa pagkahumaling ng mga mag-aaral sa K-pop.

Mag-maaral-ang kahalagahan ng pananaliksik na ito sa mga mag-aaral ay malaman ang mga


dahilan at epekto ng pagkahumalingan ng mga taga-hanga ng ganitong uri ng genre.

Magulang-maging ang mga magulang ay makakatulong din ito dahil malalaman nila na ang
mga epekto nito sa mga mag-aaral na lalo na sa mga nahuhumaling sa kpop upang disiplinahin
ang kanilang mga anak at makontrol ang paraan ng pagtangkilik ngmga kabataan sa K-pop
upang hindi ito maging sagabal sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Komunidad- Ang kahalagan ng pananaliksik na ito sa ating komunidad ay para makapagbigay


impormasyon sa maaring maging positibo o negatibong epekto ng K-pop sa musika, kultura at
maging sa sarili mismo natin.

V. Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa estudyante na nahuhumaling sa K-POP na nasa
ika-sampung baitang sa mataas na paaralan ng San Francisco, kung saan diskriptibong
pamamaraan ang gagamitin sa pagkuha ng impormasyon. Ito ay limitado lamang sa mga
estudyante sa ika-sampung baitang ng mataas na paaralan ng San Francisco.

VII. Depinisyon ng mga Terminolohiya

K-pop-ay isang kategoryang ng musika na binubuo ng hip hop, pop, rock at R&B na nagmula sa
Timog Korea.

K-pop Idols/K-artist- mga mang-aawit, mananayaw na siyang iniidolo ng mga taong


tumatangkilik sa kanila (kadalasan sila’y grupo, meron namang solo lang)

Media- paraan para makapahatid ng mga impormasyon, balita sa iba’t-ibang lugar gamit ang
internet.

Hallyu- ang biglaang pagkalat ng industriya ng Korea sa Asya.

Fandom- ay isang termino na ginagamit upang sumangguni sa isang grupo na may komon na
interesr binubuo ng mga tagahanga na nailalarawan sa pamamagitan ng isang pakiramdam ng
makiramay at pakikipagkaibigan sa iba na nagbabahagi ng isang karaniwang interes.
Korean Wav - isang neolohismo tumutukoy sa pagtaas sa popularidad ng South Korean Culture
mula pa noong 1990’s.

Neolohismo- ay isang bagong termino, salita, o parirala, na maaaring nasa proseso ng pagpasok
sa pangkaraniwang gamit, subalit hindi pa ganap na tanggap sa pang-araw araw na wika.

You might also like