You are on page 1of 2

Musika

Ayon sa Wikepedia.org ang KPop ay isang kategorya ng musika na binubuo ng electropop, hip hop, pop,
rock at R&B na nagsimula sa Timog Korea. Ang KPop ay naging popular sa kultura ng mga kabataan sa
buong mundo, na nagbunga ng laganap na interes sa pananamit at estilo ng mga iniidolong grupo ng
mga Koreyano at mga mang-aawit. Sa pamamagitan ng mga Facebook fan pages, iTunes, Twitter, at
music videos sa Youtube, ang abilidad ng KPop na maiparating sa mga dati’y hindi ma-abot-abot na mga
tagapakinig sa pamamagitan ng Internet ay naging mas madali. Ang mga ito ay naging daan upang ang
KPop maging isang tampok at popular na kategorya ng musika.Ayon din sa Wikipedia. Org, taong 1990 ng
nabuo at nagsimula ang KPop.

http://jhennyminho08.blogspot.com/2017/03/epekto-ng-k-pop-sa-mga-kabataan.html?m=1

Anime

Ayon sa mga psychologist, ang ikinikilos ng isang bata ay nababatay sa mga pangyayaring kanyang
naoobserbahan sa kanyang kapaligiran. Ang telebisyon, kung saan ipinapalabas ang iba’t-ibang programa
kasama na ang anime, ay mayroong malaking impluwensya sa mga batang may murang kaisipan. Kung
mayroon mang patnubay ng magulang, dapat ay sabihan ang kanyang anak sa mga nangyayari sa
kanyang pinapanuod upang ito’y maunawan ng bata

http://animeatkabataan.blogspot.com/2008/03/rebyu-ng-mga-pag-aaral_18.html?m=1

Komputer games

Ayon kay Edmund kam ang adiksyon ay ang sobrang paglalaro at hindi ito mapigilan. Ngunit bakit nga ba
hindi ito mapigilan? Maraming kabataan ang nagsasabing sila ay nababagot sa kanilang gawain, lalo na
sap ag aaral. Kaya naman ang paglalaro ng kompyuter ang nagbibigay sa kanila nang kasiyahan at
mapaglilibangan.

http://vhabhieboss.blogspot.com/2017/03/epekto-ng-online-games-sa-kabataan.html?m=1

Banyagang wika

Ayon kay Rom Peña, “Ang sariling wika ay hindi nakababawas ng katalinuhan at katanyagan kung
gagamitin sa iba’t ibang larangan.” Maraming kabataang Pilipino ang hindi masyadong gumagamit ng
wikang Filipino sa kanilang pakikipag-usap at paghahayag ng damdamin. Mababa ang tingin ng mga
kabataang ito sa Filipino, ang ating opisyal na wikang pambansa, samantalang mataas naman ang tingin
sa mga wikang dayuhan. Naniniwala silang mahinang wika ang Filipino kaysa ibang wika lalo na ang
Ingles. Ang mga kabataang ito ay nagsasabing ang Ingles ang susi ng kanilang tagumpay kaya’t sila ay
nagpapakadalubhasa rito. Nakakalungkot mang isipin na sa kasalukuyan ay mababa ang tingin ng lipunan
sa mga hindi nakakapagsalita at nakakaintindi sa wikang Ingles. Isang malaking pagkakamali na nag-ugat
sa sakop ng impluwensya ng wikang banyaga sa ating bansa.

http://jesusamarielubi.blogspot.com/2015/09/napaparam-na-katutubong-wika.html?m=1
Banyagang kasuotan

Sa panahon ngayon ang laki na ng pinagbago pagdatin sa pananamit. Ang isa sa dahilan nito ay ang
pagusbong ng social media lalo na sa kabataan. Dahil sila ang mas nahumaling sa social media. Kung ano
ang uso dapat ito nasusunod dahil sa panahon ngayon kapag hindi ka sunod sa uso hindi ka pasok sa
masa.

https://pinoykidsblog.wordpress.com/2016/10/19/pagbabago-ng-kasuotan-sa-pagdaan-ng-
panahon/amp/

You might also like