You are on page 1of 1

Base sa pelikulang aming napanuod,si Asiong Salonga ay namatay laban sa kamay ng kanyang kaibigan

gamit ang baril.Ika nga ni Asiong na ““Masarap mamatay sa kamay ng kaaway ngunit masakit mamatay
sa kamay ng kaibigan” iyan ang sinabi niya bago siya mawalan ng buhay sa kamay ng kanyang dating
kaibigan.Oo saksi tayo na klilala siya bilang isang lalaking siga ng tondo, mamamatay tao. Ngunit sakabila
noon ay may mabuti siyang puso at tumutulong sa kanyang kapwa kahit sa masamang paraan. Kahit pa
siya ay pumapaslang at nagnanakaw,ngunit siya ay mabuting anak at padre de pamilya.Sa
katunayan,marami tayong nakakalap na balita ukol sa paggamit ng baril sa mali at sa dahas na paraan na
kung saan ay talagang mali at labag sa batas.Sapagkat sa paggamit ng baril dapat may disiplina ang isang
tao kapag ginagamit ito at higit sa lahat ginagamit sa tama,hindi sa mali Higit sa lahat, atin ring isa isip na
ang tamang paggamit ng baril ay hindi dapat ginagamit sa dahas o anumang maling paraan..Dahil gaya
na lamang sa panahon ngayon na ating nababalitaan na may ilang mga tao na kapag nakahawak ng baril
ay nag-iiba ang takbo ng utak. Umaakyat ang yabang sa ulo at nalilimutan na ang sinumpaan hinggil sa
tamang paghawak ng baril. Nawawala na sa katinuan at kusa nang ipinakikita ang baril sa baywang para
ipantakot.Subalit kami ay nababahala na sana sa mga susunod na panahon maibsan na ang ganitong
pagkakataon nang sa gayon matuto ang mga tao na ang paggamit ng baril ay nangangailangan ng
disiplina dahil ang baril ay hindi basta basta ginagamit sa walang importansyang bagay o mga alitan man
dahil una sa lahat ang baril ay ipinagbabawal sa mga taong wala namang kaukulang gumamit nito
maliban na lamang kung ikaw ay isang pulis at ito ay dapat rehistrado ito para legal itong magagamit.

You might also like