You are on page 1of 1

Ligtas nga ba tayo sa mundong ating ginagalawan?

Protektado ba tayo sa mga


opisyal na taong may mga armas? Sa kasagutan kong ito ay wala tayong
kasiguraduhan sa ating kapayapaan na ating tinitirahan, masasabi nating ligtas
tayo ngunit masasabi din nating hindi. Ano ba ang tama at mali sa pagpatay? Ang
pagpatay ay pagnanakaw sa buhay ng isang tao na kahit pagbabalik-baliktarin
ang sitwasyon ay mali pa rin ito. Sa pamamagitan lamang ng isang pitik ng baril
ay maaari ng mawalan ng karapatan na mabuhay ang isang tao.

Sa parehong paraan ay may inilathalang artikulo noong Ika-Bente Uno ng


Disyembre taong Dalawang libo at dalawamput kung saan nakita ang pagpatay
ng isang pulis na pinagbabaril nito ang mag-inang Gregorio na walang kalaban-
laban at sa isang iglap lamang ay nawalan na ito ng karapatang mabuhay. Ito ay
walang hindi kapareho sa artikulong “Tama ang Tatay ni Chris” kung saan
walang habas na pinagbabaril nito ang isang lalaking nasa dalawampung taong
gulang lamang.

Sa nangyaring karahasan na ito ay mayroong mga ibang opisyal na gumagamit ng


armas sa maling paraan at mayroong mga ibang pulis na gumagamit ng baril sa
maling paraan na para bang hindi tao ang kanilang kaharap at tinatanggalan nila
ng karapatan para mabuhay. Gaya ng aking sinabi ay akin lamang lilinawin na
hindi ko nilalahat ang pulis sapagkat meron pa ring mga pulis at opisyal na kahit
may mga armas ay gumagawa ng kabutihan at ginagamit nila ito sa mabuting
paraan. Masasabi natin na ang mga taong matatapang ay ipaglalaban nila ang
kanilang sarili na tumatayo lamang sa kanilang mga sariling paa samantalang ang
mga taong duwag ay nagtatago sa likuran ng kanilang mga baril at bala saka ito
papaputukan sa kanilang taong kinatatakutan. Ang sanaysay ko na ito ay
inaasahan ko na maging mulat ang lahat ng tao sa karahasang ito.

You might also like