You are on page 1of 444

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika


Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
- Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng
pagkakataon upang maging maayos ang samahan.
- Kung saan pupunta

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin: Maayos na Pagpapaalam
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13 Teaching Guide
ph. 4; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.; Sulo ng Buhay sa Landas ng kabataan I pah. 59-61; Ulirang
Mag-aaral, Makadiyos Makabayan I pah. 55-56
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano mo maiiwasang masaktan ang damdamin ng iyong kasambahay?
Paano mo siya dapat tratuhin?
2. Pagganyak:
Itanong: Sinasabi ba ninyo kung saan kayo pupunta? Bakit?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Nagpaalam si Dennis na sasama siya sa pamimingwit sa ilog malapit sa Hulo. Nang matagal-tagal na
silang nakaalis ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Kaagad-agad na sinundan ng kanyang ama si Dennis. Tamang-tama ang kanyang pagdating dahil
hindi na sila halos makaalis sa umaapaw na ilog.
2. Pagtalakay:
1. Nagsabi ba si Dennis nang totoo kung saan siya pupunta?
2. Ano ang nagyaring hindi inaasahan?
3. Bakit hindi sila makaalis-alis sa kanilang kinalalagyan?
4. Nailigtas kaya sila ng ama ni Dennis?
5. Kung hindi kaya siya nagsabi nang totoo, ano kaya ang maaring nangyari sa kanya
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Tandaan: Sabihin ang totoo kung saan pupunta.
2. Paglalapat
Ipasagot ang tseklis sa mga bata. Lagyan ng √ ang hanay ng iyong sagot.
Gawain: Ginagawa Hindi
Ginagawa

1. Umaalis ka ng

bahay na hindi
nagpapaalam?
2. Nagsasabi ka
ng totoo kung saan
ka pupunta?

3. Nagpapaalam
na papasok sa
paaralan ngunit
namamasyal ka.

IV. Pagtataya:
Lutasin:
1. Pinababalik ka ng iyong guro sa paaralan upang tumulong sa paglilinis ng silid-aralan.Paano ka
magpapaalam sa iyong magulang?
2. Kinukumbida ka ng kaklase mo sa kanyang kaarawan. May gawain ka pa sa bahay. Paano ka
magpapaalam?

V. Takdang-aralin
Sinabi mo sa iyong nanay na ikaw ay pinaiwan ng guro at tinuruang magbasa kaya hindi ka nakauwi
agad. Ang totoo kayo ay naglaro ng mga kaibigan mo. Tama ba ang iyong ginawa?Bakit?

Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
- Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng
pagkakataon upang maging maayos ang samahan.
- Kung saan nanggaling
II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan
Aralin: Maayos na Pagpapaalam
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching Guide ph. 4; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Sulo ng Buhay sa Landas ng kabataan I pah. 59-61
Ulirang Mag-aaral, Makadiyos Makabayan I pah. 55-56
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Bakit mahalaga na sabihin ang tunay na pook na pupuntahan?
Kung di kaya sinabi ni Dennis ang totoong lugar na pinuntahan niya mailigtas kaya sila ng tatay niya?
2. Pagganyak:
Awit: Makinig at Sabihin

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento tungkol kay Mario.
Maagang gumising si Mario upang maghanda sa kanyang pagpasok. Hindi nagtagal siya ay
nagpaalam na.
Ang totoo, hindi siya pumasok sa paaralan. Kasama ang barkada, sila’y nagpunta sa mall. Doon sila
namasyal at naglaro.
Nag-aalala ang mga magulang ni Mario. Dumidilim na ay wala pa siya. Pagdating sa bahay, inusisa
siya at nagsabi nang totoo.
Nangako na hindi na niya uulitin ang nangyari. Pinatawad naman siya ng kanyang mga magulang.
2. Pagtalakay:
Sino ang bata sa kwento?
Saan nagpunta ang barkada nina Mario?
Bakit nagalit ang kanyang tatay?
Ano ang ginawa ni Mario matapos siyang makagalitan ng ama?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Tandaan: Sabihin ang totoo kung saan nanggaling.
2. Paglalapat
a. Medyo ginabi ng uwi si Lita galing sa paaralan. Paano ay nakipaglaro pa siya sa kaklase pagkatapos
ng kanilang klase. Pag-uwi sa bahay, sinabi niya na inuutusan pa siya ng guro na maglinis. Tama ba
ang ginawa niya?Bakit?
b. Galing si Ben sa bahay ng kaklase niya at naglaro sila ng holen buong araw. Tinanong siya ng
tatay kung saan siya galing. Sinabi niya na sa paaralan lamang siya nagpunta at maraming ipinagawa
ang guro niya kaya natagalan siya. Tama ba iyon?Bakit?

IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
1. Niyaya ka ng iyong kaibigan. Sumama ka nang di-nagpapaalam sa iyong magulang.
2. Sinasabi sa magulang ang kasama sa lakad.
3. Ipinaalam sa magulang ang oras ng pag-uwi.
4. Hindi umuuwi sa takdang oras na ibinibigay ng magulang.
5. Nagsabi kang kasama ang guro sa lakad ninyo, kahit hindi totoo.

V. Takdang-aralin
Iguhit ang iyong mukha sa iyong kwaderno at isulat sa ibaba. “Ako ay batang matapat lagi akong
magsasabi kung saan ako pupunta at kung saan ako galing.”

Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
- Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon
upang maging maayos ang samahan.
- sinasabi ang totoong gamit ng perang hinihingi

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin: Pagsasabi ng Totoong Gamit ng Perang Hinihingi
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching Guide ph. 4; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Sulo ng Buhay sa Landas ng kabataan I pah. 59-61
Ulirang Mag-aaral, Makadiyos Makabayan I pah. 57-58
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Bakit mahalaga na maayos kang magpaalam kung saan mo nais magpunta?
2. Pagganyak:
Kanino ka humihingi ng pera?
Sinasabi mo ba ba kung saan mo ito gagamitin?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento tungkol kay Jeb.
Naisip ni Jeb na bumuli ng laruan para sa kapatid niyang magdaraos ng kaarawan. Ngunit wala
siyang pera.“Inay, nais kop o sanang bumuli ng laruan para kay Nina.”
“Naku, araw pa naman ng tyanggi ngayon. Husto lamang ang perang pamalengke ko para sa isang
lingo.
Kung talagang kailangan mo ay ibabawas ko sa pamamalengke ang kailangan mo,” ang napapailing
na ina.
“Huwag po muna ngayon.” Sabi ni Jeb.
2. Pagtalakay
1. Sinabi ba ni Jeb ang tunay na gamit ng perang hinihingi niya?
2. Kaya ban g ina na ibinigay ang perang kailangan niya? Bakit?
3. Ano ang sinabi ni Jeb na ikinasiya ng ina?
4. Tama ba ang ginawa ni Jeb? Bakit?
5. Nais ba ninyong tularan si Jeb? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Bakit dapat mong sabihin ang totoong gamit ng perang iyong hinihingi?
Tandaan: Laging sabihin ang totoong gamit ng perang iyong hihingin.
2. Paglalapat:
Ipasadula ang pangyayari sa mga bata .

IV. Pagtataya:
Lutasin:
1. Nanghihingi si Kevin ng pera sa nanay niya.Sinabi niya na ibibili daw niya ito ng proyekto pero teks
lang ang binili niya. Tama ba iyon?Bakit?
2. Gusto ni Ben na bumili ng bagong lapis dahil maikli na ang ginagamit niyang lapis. Sinabi niya sa
nanay na kung maari bang bigyan siya ng pambili dahil nahihirapan na siyang gamitin ang maikling
lapis. Tama ba ang ginawa niya?Bakit?

V. Takdang-aralin:
Buuin ang tugma.

Ang batang matapat ay _______ng lahat.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Unang Markahan
Unang Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
- Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon
upang maging maayos ang samahan.
- Nagsasabi ng tunay na halaga ng binili
II. Paksang Aralin :Pagmamahal at Kabutihan
Aralin: Pagsasabi ng Tunay na Halaga ng Binili
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching Guide ph. 4; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Sulo ng Buhay sa Landas ng kabataan I pah. 59-61
Ulirang Mag-aaral, Makadiyos Makabayan I pah. 59
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Pinabili si Roy ng kuya niya sa tindahan,
Dinagdagan niya ng dalawang piso ang binili niyang suka.Tama ba ang ginawa niya?Bakit?
2. Pagganyak:
Anu-ano ang mga bagay na pinagkakagastahan mo sa paaralan?
Kumakasya ba ang baong binibigay sa iyo ng iyong magulang?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Gusto ni Milo na makasali sa paglalaro sa mga kaklase niya pero wala siyang pambili ng goma.
Alamin natin kung ano ang gagawin niya.
Tama! Makakasali na ako sa paglalaro ng aking mga kaklase.
“Sasabihin ko sa nanay na P15.00 ang halaga ng pinabili niya sa akin. May sosobra akong
piso.“Tuwang-tuwa si Milo.Bumili siya ng pisong goma.
Nakipagpitikan siya ng goma sa mga kaklase. Hanggang maubos ang goma. Pagkabigay niya ng
mantika sa nanay niya, hindi ito nagustuhan ng nanay niya. “Bakit kakaunti lamang ito?”Bukas ay
pupunta ako sa tindahan upang magtanong.” Natakot si Milo at napilitan siyang ipagtapat ang tunay na
halaga ng mantika. “Inay, hindi ko nap o uulitin ang aking ginawa.”
2. Pagtalakay:
1. Ano ang binalak ni Milo sa ipinabili ng nanay niya?
2. Ano ang ginawa niya sa sobrang pera?
3. Ano kaya ang mangyayari kapag tinanong ng nanay niya ang binilhan niya?
4. Ano kaya ang gagawin ng ina sa kanya?
5. Tama ba ang ginawa niya? Bakit?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Bakit mo dapat sabihin ang tunay na halaga ng bagay na iyong binili?
Tandaan: Magsabi ng totoo. Laging sabihin ang tunay na halaga ng bagay na binili.
2. Paglalapat
Lutasin:
Sinabi ng guro ninyo na may babayaran kayong piso para sa Xerox copy ng inyong babasahin.
Parang gusto mong sabihing limampiso para may ibibili ka ng laruan. Ano ang iyong huling pasya?
IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
1. Sabihin ang totoong halaga ng pinagbabayaran ng guro sa magulang.
2. Dagdagan ang halaga ng pinananayaran ng guro sa magulang.
3. Sabihin ang totoong dahilan kapag hihingi ng pera sa magulang.
4. Mangupit ng pera sa pitaka ng nanay kapag hindi ka pinagbigyan sa hinihingi.
5. Huwag sasama ang loob kung hindi kaya ng iyong magulang na bigyan ka ng hinihingi mong pera o
bagay.
V. Takdang-aralin
Lutasin: May binili ka sa tindahan. Nang pauwi kana, napansin mo na sobra pala ng limampiso ang
sukli sa iyo. Ano ang gagawin mo?

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin:
- Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon
upang maging maayos ang samahan.
- isinasauli ang sobrang sukli.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin: Pagsasabi ng Tunay na Halaga ng Binili
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching Guide ph. 4; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Sulo ng Buhay sa Landas ng kabataan I pah. 59-61
Ulirang Mag-aaral, Makadiyos Makabayan I
pah. 59--60
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Bakit mo kailangang sabihin sa iyong magulang ang tunay na halaga o presyo ng bagay na bibilin
mo?
2. Pagganyak:
Naranasan mo na ba na makatanggap ng labis o sobrang sukli? Ano ang ginawa mo?Bakit?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Sa Kantina
Oras ng rises, nakapila ang mga bata habang bumibili ng merienda sa kantina. Puto at jus ang binili
ni Janine.
Nagbayad siya ng limampiso para sa puto at limampiso para sa jus. Nakabalik na siya sa silid-aralan
nang mapansin niya na sobra ng limampiso ang naisukli ni Ate Tere sa kanya. Dali-daling bumalik sa
kantina si Janine at isinauli ang sobrang sukli. Dahil sa kanyang ginawa, nahirang siyang” Star Kid.”
Yon ang ibinibigay sa mga batang tulad niya na nagpapakita ng katapatan sa kanilang paaralan.
Tuwang-tuwa ang guro ni Janine sa kanya.
1. Pagtalakay
1. Anong oras naganap ang kwento?
2. Bakit nagbalik si Janine sa kantina?
3. Anong ugali ang ipinakita ni Janine?
4. Ano ang nagging gantimpala niya?
5. Kaya mo bang gayahin si Janine?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Ano ang dapat mong gawin sa labis o sobrang sukli?
Tandaan: Isauli ang sobrang sukli.
2. Paglalapat
Lutasin:
Pinabili kayo ng inyong guro ng aklat-sanayan sa halagang limampiso. Binigyan ka ng nanay ng
sampung piso.
Ano ang iyong gagawin sa sukli?

IV. Pagtataya:
Pakinggan: Ang Batang Matapat
Minsang inutusan
Ang batang si Juan
Para bumili ng ulam
Doon sa tindahan.

Halaga ng binili
Totoong sinabi
Pati na ang sukli
Kanyang isinauli.
Sagutin:
1. Sino ang batang nautusan?
2. Ano ang bibilin niya?
3. Saan siya bibili?
4. Ano ang isinauli niya?
5. Anong uri ng bata si Juan?

V. Takdang-aralin
Isaulo.Ako ay natatangi. Ang bawat batang katulad ko ay may kakayahan. Pauunlarin ko ang aking
sarili.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.
BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin
- Naipakikita ang pagmamahal sa pagbasa sa pamamagitan ng pakikinig sa kwento.
- Nakapakikinig na mabuti sa binasang kwento.
- Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at
pagsasakilos.
- Nakikilahok sa talakayan pagkatapos ng kwentong napakinggan.
- Nababalikan ang mga detalye sa kwentong nabasa o narinig.
II. PaksangAralin: “Si Lili”
A. Talasalitaan: Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan,
pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Pagkilala ng Ngalan ng Pook
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Llat Yy sa Iba pang Titik na
napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ll at Yy
I. Sanggunian: K-12 Curriculum MTB – MLE Teaching Guide p. 3-5
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ll/Yy, plaskard
III. Pamamaraan:
A. Gawain Bago Bumasa:
1. Paghahawan ng balakid:
Lila pinsan lantsa letsugas laso tumana
2. Pagganyak:
Magpakita ng larawan ng batang babae na may lilang laso?
Ano ang masasabi ninyo sa bata sa larawan?
Ano ang nakalagay sa kanyang buhok?
3. Pangganyak na tanong:
Bakit kaya mahilig si Lili sa lilang laso?
4. Pamantayan sa Pakikinig sa Kwento
B. Gawain Habang Bumabasa
1. Pagbasa ng Guro sa kwento.
“ Si Lili”
Si Lili ay mahilig sa laso. Lima ang lila niyang laso. Binigay ito sa kanya ng kanyang Lola Lita
noong kaarawan niya. Alam kasi ng lola niya na mahilig siya sa mga laso.
Isang araw, nagpunta si Lili sa Laguna kasama ng kanyang lola. Masayang-masaya silang
sinalubong ng kanyang mgapinsang sina; Lara,Lena, Liza, Lori at Lulu.
Inaya si Lili ng mga pinsan na mamasyal at mamitas ng mga gulay sa tumana. Nanguha sila ng
labanos at letsugas. Pumitas din sila ng bulaklak na lotus.
Sa lantsa sila sumakay nang sila ay umuwi. Sa likod ng lantsa naupo si Lili. Sa lakas ng hangin
nilipad ang lilang laso sa kanyang ulo.
2. Talakayan:
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento??
2. Ano ang kinahihiligan ni Lili?
3. Sino ang nagbigay sa kanya ng laso?
4. Saan sila nagpunta at namitas ng mga gulay?
5. Ano sa palagay mo ang gagawin ni Lili sa nilipad niyang laso?
C. Gawain Matapos Bumasa:
1. Ipasakilos ang ilang mga mahahalagang bahagi ng kwento.
2. Ipaguhit ang mga gulay at bulaklak na napitas.

IV. Pagtataya:
Balikan ang mga detalye sa kwentong narinig. Ikahon ang wastong salita.
1. Si Lili ay mahilig sa ( laso, libro, lobo, lollipop)
2. (Pula, Dilaw, Asul, Lila) ang kulay ng kanyang laso.
3. Nagpunta si Lili sa Laguna kasama ang kanyang (ina, lola, guro, pinsan)
4. Namitas sila ng labanos at ( sitaw, bataw, letsugas, langka) sa tumana.
5. Dahil sa lakas ng hangin habang nakasakay sa lantsa nahulog ang (tsinelas, hikaw, suklay, laso) ni
Lili.

V. Kasunduan:
Iguhit at kulayan ang mga laso ni Lili.

Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Layunin
- Nagagamit ang pantukoy na Ito sa pangungusap.

II. PaksangAralin: “Si Lili”


A. Talasalitaan: Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan,
pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa Pantukoy na Ito sa pangungusap.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Ll at Yy sa Iba pang Titik na
napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita: Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ll at Yy
I. Sanggunian: K-12 Curriculum MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ll/Yy plaskard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Sino ang mahilig sa laso?
Bakit naalis sa buhok ni Lili ang kanyang laso?
Nagpumilit pa kaya si Liling makuha ang lasong nilipad ng hangin?
2. Pagganyak:
Laro: Utos Ni Pedro:
Sa larong ito mag-uunahan ang mga bata sa pagdadala gamit na hihilingin ng guro na dalin sa
kanya.
Hal. Utos ni Pedro magdala ng lilang krayola.
Ang unang batang makakapagdala ang siyang panalo.

B. Paglalahad:
Ilahad ang mga pangungusap hango sa napakinggang kwento. (Gumamit ng larawan para sa bawat
pangungusap.)
Ito ay laso.
Ito ay lotus.
Ito ay labanos.
Ito ay lobo.
Itanong; Ilan ang lasong tinutukoy ng bata? Nasaan ang laso? (Gawin sa iba pang pangumngusap)

C. Paglalahat:
Anong pantukoy ang ginagamit para sa isang bagay na hawak o malapit sa nagsasalita?
Tandaan: Ito ang ginagamit sa pagtukoy sa isang bagay na hawak o malapit sa nagsasalita.

D. Paglalapat:
Pakuhanin ng isang gamit ang mga bata sa kanilang bag o silid-aralan at ipagamit ang ito sa
pangungusap.
Gamitin ang Ito ay ______.

IV. Pagtataya:
Tawaging isa-isa ang mga bata.
Pagbigayin ng pangungusap gamit ang batayang:
Ito ay _________________________.

V. Kasunduan:
Sumulat ng pangungusap tungkol sa larawan.
Gamitin ang: Ito ay ______________.
1. Batang may hawak na bulaklak.
2. Babaeng may dalang basket.
3. Lalaking may hilang kabayo.
Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin
- Nakikilala at nabibigkas ang tunog ng titik Yy sa iba pang titik na napag-aralan na.
- Naiuugnay ang mga salita sa angkop na larawan.
- Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.
- Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.
II. PaksangAralin: “Si Lili”
A. Talasalitaan: Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan,
pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa Pantukoy na Ito sa pangungusap.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Ss at Ii sa Iba pang Titik na napag-
aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ll at Yy
I. Sanggunian: K-12 Curriculum MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ll/Yy plaskard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Sinu-sino ang mga bata sa kwentong, “Si Lili”?
Ano ang kanilang ginawa?
2. Pagganyak:
Laro: Ipaayos nang mabilis ang pira-pirasong larawan ng laso. Kung aling pangkat ang unang
makabuo ang siyang mananalo.
Anong bagay ang nabuo ninyo sa larawan?
Anong simulang titik ng laso?
B. Paglalahad:
Ilahad ang mga larawang may simulang tunog na Ll.
Bigkasin ang ngalan ng bawat larawan;
Lobo laso lalaki Lily lapis lata lamok
Pabilugan ang simulang titik ng bawat ngalan ng larawan.
Saang titik nagsisimula ang bawat larawan?

C. Paglalahat:
Ano ang tunog ng titik Ll?

D. Paglalapat:
Pagbuo ng mga pantig, salita, parirala, pangungusap at kwento: Gamit ang mga titik na napag-aralan
na: Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, at Ll
Pagsamahin ang mga titik at bumuo ng:
Pantig:
Ma me mi mo mu
Sa se si so su
Ba be bi bo bu
Ta te ti to tu
Ka ke ki ko ku
La le li lo lu
Parirala:
Ay luma
Sa labas
Tumakbo
Kasama ng
Tatakbo
Sila ay
Sa labi
Pangungusap:
Ang lobo sa labas ay sa lalaki.
Ang limos ng lalaki ay malaki.
Si Eba ay mabilis tumakbo.
Ang lata sa lote ay sa kambal.
IV. Pagtataya:
Iugnay ang salita sa angkop na larawan.
Salita Larawan
1. laso
2. lobo
3. lagare
4. libro
5. lapis

V. Kasunduan:
Gumuhit ng 5 salitang may simulng titik na Ll.

Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.
BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin
- Nakikilala at nabibigkas ang tunog ng titik Llat Yy sa iba pang titik na napag-aralan na.
- Naiuugnay ang mga salita sa angkop na larawan.
- Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.
- Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.
II. PaksangAralin: “Ang Yoyo ni Yeyet”
A. Talasalitaan:Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at
pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa Pantukoy na Ito sa Pangungusap.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Ss at Ii sa Iba pang Titik na napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ll at Yy
I. Sanggunian: K-12 Curriculum MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ll/Yy plaskard
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Lagyan ng / ang larawang may simulang titik na Ll.
Laso manok lata langaw lobo lalaki
2. Pagganyak:
Anong laruan ang hanihila para tumaas at bumaba?
Marunong ka bang maglaro nito?
B. Paglalahad:
1. Iparinig ang kwento: “Ang Yoyo ni Yeyet”
Si Yeyet ay mayroong yoyo. Bigay ito sa kanya ni Yaya Yoly. Pula ang yoyo ni Yeyet. Isang araw, sumakay
si Yeyet sa yate. Habang naglalakbay, kumain siya ng yema at uminom ng Yakult.
Si yaya Yoly naman ay nagyoga.Si Yeyet ay masayang naglaro ng kanyang yoyo.
2. Ipapili sa mga bata ang mga salitang may simulang titik na Yy. Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
Yoyo Yeyet yaya Yoly yate yema Yakult yoga
Ano ang simulang titik ng mga salita sa pisara.
Pabilugan ang simulang titik ng bawat salita sa mga bata.
C. Paglalahat:
Ano ang tunog ng titik Yy?
D. Paglalapat:
Pagbuo ng mga pantig, salita, parirala, pangungusap at kwento:
Pantig; Gamit ang mga titik na napag-aralan na: Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, Ll at Yy
Pagsamahin ang mga titik at bumuo ng:
Pantig:
Ma me mi mo mu Sa se si so su
Ba be bi bo bu Ta te ti to tu
Ka ke ki ko ku La le li lo lu
Ya ye yi yo yu
Salita:
Yaya, yeso, tayo, biya, yema, taya, maya, saya, Masaya, malaya, may, kulay, suhay, yayo , buhay,
tulay, kilay, atay
Parirala:
Kay yaya , ang yeso, ang mga yema ,
may maya , tulay na, atay at kilay, ang buhay
Pangungusap:
1. Masaya ang buhay. 2. May biya at yema sa mesa.
3. Paano tumayo ang aso? 4. Sino ang Malaya na?
5. Ano ang kulay ng atay? 6. Bakit masaya ang maya?
7. Si Yayo ay may Yakult. 8. Malaki ang atay ng bibe.
9. Kasama ni yeyet ang yaya niya.
10. May suhay ang kubo. 11. Lima ang yoyo ko.
12. May yelo sa baso. 13. May kulay ang nata.
Kwento:
May yoyo si Roy.Asul ito. Masaya siya sa yoyo niya. Sina Yayo, Yani at Aysa ay may yoyo rin.
1. Sino ang may yoyo?
2. Ano ang kulay nito?
3. Ano ang hugis nito?
IV. Pagtataya:
Ikahon ang tamang salita para sa larawan.
1. larawan ng yate yate yoyo yema
2. larawan ng yoyo yema yaya yoyo
3. larawan ng Yakult Yakult yaya yoyo
4. larawan ng yeso yeso yoyo yema
5. larawan ng yaya yema yaya yoyo
V. Kasunduan:
Pagsanayang basahin sa bahay ang kwentong napag-aralan ngayon.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Layunin
- Nasusulat ang malaki at maliit na titik Ll at Yy

II. PaksangAralin: Wastong Pagsulat ng mga Titik Ll at Yy.


A. Talasalitaan: Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan,
pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Pagkilala ng Ngalan ng Pook
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Ll at Yy sa Iba pang Titik na
napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ll at Yy
I. Sanggunian: K-12 Curriculum MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ll/Yy, plaskard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang unang tunog ng mga larawan?
(Ll at Yy)
Laso yema lobo yeso lawin yaya
2. Pagsasanay kaugnay sa mga napag-aralan na titik.

Pagsasanay 1- Pagbuo ng mga pantig gamit ang mga titik na napag-aralan na:
Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, Ll at Yy

Pagsasanay 2 – Iugnay ang larawan sa tamang salita.


Larawan Salita
Laso langaw
Yate yakult
Lima yate
Yakult laso
langaw lima

Pagsasanay 3
Magpaligsahan sa Pagbasa ng parirala na nasa plaskard.

Pagsasanay 4
Pagguhit ng mga larawan na may simulang titik Ll at Yy.

IV. Pagtataya:
Pagsulat ng titik Ll at Yy

Ll Ll Ll Ll Ll

Yy Yy Yy Yy Yy

V. Kasunduan:
Pagsanayang basahin sa bahay ang kwentong napag-aralan ngayon.

Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa Filipino I
Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Unang Araw)

I. Layunin
Nakikibahagi sa pagkanta ng “Ako ay may Lobo”

II. Paksa: Pagkalinga sa isa’t isa sa aming tahanan at kapaligiran; kaligtasang pampamilya
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang sarili; naibabahagi sa iba ang mga
pangsariling hilig at gusto.
2. Gramatika: Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay.
3. Phonological Awareness: Natutukoy kung magkakatugma o hindi ang isang pares ng salita.

Mga kagamitan: tsart ng awit na “Ako ay may Lobo?” Gabay ng Guro pah. 37

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya
Saan makikita ang inyong higaan sa inyong tahanan?

2. Tukoy-Alam
Mayroon ka bang paboritong bagay
Ano ito?Saan mo ito itinatago?

3. Tunguhin
Sabihin ngayong araw ay aawitin natin ang isang awit tungkol sa isang bata at sa paborito niyang
bagay.

4. Paglalahad
Pag-awit ng mga bata.
Ako ay may Lobo
Ako ay may Lobo
Lumipad sa langit
Di ko na nakita
Pumutok nap ala.

Sayang ang pera ko


Binili ng lobo
Sa pagkain sana
Nabusog pa ako.

5. Pagtuturo at Paglalarawan
Gamit ang tunay na lobo. Ipatong ito sa mesa. Sabihin: Ang lobo ay nasa ibabaw ng mesa.
Nasaan ang lobo?
Gamitin ang batayang pangungusap:
Nasa _____ang lobo.
IV. Pagtataya:
A. Ipaawit ang” Ang Lobo” nang pangkatan.
B. Ilagay ang lobo sa iba’t ibang lugar at ipatukoy ito sa mga bata.
Nasa _____ang lobo.

V. Takdang Aralin
Iguhit ang isa sa mga bagay na paborito mo.
Kulayan ito.

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Unang Linggo
(Pangalawang Araw)

I. Layunin
Natutukoy ang mga salitang magkakatugma;
Nakapagbibigay ng katugmang salita ng paboritong bagay.

II. Paksa: Pagkalinga sa isa’t isa sa aming tahanan at kapaligiran; kaligtasang pampamilya
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang sarili; naibabahagi sa iba ang mga
pangsariling hilig at gusto.
2. Gramatika: Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay.
3. Phonological Awareness: Natutukoy kung magkakatugma o hindi ang isang pares ng salita.

Mga kagamitan: tsart ng awit na “Ako ay may Lobo?” Gabay ng Guro pah. 37

III. Pamamaraan:
1. Balik-aral:
Ipaawit muli sa klase ang “Ako ay may Lobo”
Anong salita ang katunog ng salitang lobo?
ako langit pumutok

2. Tunguhin
Sabihin ngayong araw ay aalamin natin ang mga salitang magkakatugma.

3. Paglalahad:
Iparinig ang awit:
Ang Inahing Manok
(Tono: Leron-Leron)
Ang inahing manok kanina’y pumutak
Putak, putak, putak
Ako ay nagulat, nang ako’y manaog
Tiningnan ko’ng pugad
Naroo’y bagong itlog
Kaykinis ng balat.

4. Pagtuturo at Paglalarawan
Ating piliin ang mga salitang magkatugma sa awit.
nagulat - balat
Magbigay ng iba pang halimbawa ng mga salitang magkatugma.

5. Kasanayang Pagpapayaman
Laro : Tambalang Gawain
Umisip ng paborito mong bagay
Pagbigayin ng salitang katugma nito ang kapareha mo.
Halimbawa:
Bata 1 : kasoy
Bata 2 : baboy
Bata 1: bulaklak
Bata 2: anak

IV. Pagtataya:
Hanapin sa Hanay B ang katugma ng mga paboritong bagay sa Hanay A.

Hanay A Hanay B
Paborito Katugmang Salita
1. Lobo bulate
2. Ibon palaka
3. tsokolate salamat
4. Manika balon
5. Aklat pabo

V. Kasunduan:
Sumulat ng salitang katugma ng salita sa kaliwa:
1. Unan
2. Sitaw
3. bukid

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa Filipino I
Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin
Nailalarawan ang sarili at nasasabi kung paano sila nakatutulong sa pag-aalaga sa mga gamit sa ating
tahanan.

II. Paksa: Pagkalinga sa isa’t isa sa aming tahanan at kapaligiran; kaligtasang pampamilya
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang sarili; naibabahagi sa iba ang mga
pangsariling hilig at gusto.
2. Gramatika: Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay.
3. Phonological Awareness: Natutukoy kung magkakatugma o hindi ang isang pares ng salita.

Mga kagamitan: tsart ng awit na “Ako ay may Lobo?” Gabay ng Guro pah. 37

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Iniingatan ninyo ba ang mga kagamitan sa inyong tahanan?

2. Tunguhin
Sabihin ngayong araw ay pag-uusapan natin ang mga paraan sa pangangalaga sa mga gamit sa ating
tahanan.

3. Paglalahad
Sa inyong palagay, sa awit na Ako ay may Lobo, bakit kaya nakalipad ang lobo ng bata, iningatan
kaya niya ito?
Kung kayo ang bata, paano ninyo iingatan ang lobo para hindi ito lumipad?

4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Magbigay ng mga kagamitang makikita sa tahanan.
telebisyon mesa kama upuan silya bentilador kompyuter

5. Kasayanang Pagpapayaman
Paano ninyo inaalagaan ang mga paborito ninyong bagay?
Tawaging isa-isa ang mga bata.
Hal. Manika – inilalagay sa tamang lalagyan pagtapos laruin

6. Kasanayang Pagkabisa
Ipasabi sa mga bata kung paano nila inaalagaan ang mga bagay sa tahanan na ibinigay nila.
Hal. Silya – pinupunasan
Kompyuter – inaalis sa saksak pagkatapos gamitin
IV. Pagtataya:
Lagyan ng / kung nagpapakita ng pangangalaga ng mga gamit sa tahanan. X ang hindi.
___1. Bukas-sara si Alvin sa kanilang ref.
___2. Tinotodo ni Jane ang bukas ng radio.
___3. Pinapatay ni Bea ang ilaw kung walang gumagamit.
____4. Tinutuwad-tuwad ni Ruffa ang silya.
____5. Naglulundagan ang mga bata sa malambot na kama.

V. Kasunduan:
Sumulat ng 2 paraan kung paano mo inaalagaan ang mga gamit sa sarili ninyong tahanan.

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin
Natutukoy ang angkop na kinalalagyan ng mga bagay sa tahanan;
Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng mga bagay sa pangungusap

II. Paksa: Pagkalinga sa isa’t isa sa aming tahanan at kapaligiran; kaligtasang pampamilya
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang sarili; naibabahagi sa iba ang mga
pangsariling hilig at gusto.
2. Gramatika: Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay.
3. Phonological Awareness: Natutukoy kung magkakatugma o hindi ang isang pares ng salita.

Mga kagamitan: larawan ng iba’t ibang bagay sa tahanan; Gabay ng Guro pah. 37
III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Alam mo ba kung saan makikita ang mga bagay sa inyong tahanan?
2. Tunguhin
Sabihin ngayong araw ay aalamin natin ang angkop na kinalalagyan ng mga bagay sa tahahan;
.3. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng isang tahanan. Isa-isahing ipakita at ipatukoy sa mga bata ang iba’t ibang
bahagi nito:
Sala o silid-tanggapan, silid-tulugan, silid-kainan, silid-lutuan, palikuran.
4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Hayaang pagtambalin ng mga bata ang larawan ng bahagi ng tahanan at panglan nito.
Hal. Silid-tulugan – larawan ng kwarto

5. Kasayanang Pagpapayaman
Pangkatang Gawain
Idikit sa ibat-ibang bahagi ng silid-aralan ang mga pangalan ng mga bagay sa tahanan at ang mga
larawan ng kinalalagyan nito. Hayaang ilagay ng mga bata ang gamit sa tamang lugar na
kinalalagyan ng mga ito.
Pangkat 1 – silid-tulugan
Pangkat 2 – Kusina
Pangkat 3 – silid-lutuan
Pangkat 4 - palikuran
6. Kasanayang Pagkabisa
Buuin ang pangungusap:
Nasa ______ang _____.
Nasa silid-tulugan ang unan.

IV. Pagtataya:
A. Isulat kung saan makikita ang bawat bagay sa tahanan.
1. kumot
2. Plato
3. Tabo
4. Kaldero
5. telebisyon

B. Tukuyin ang kilalagyan ng bawat bagay.


1. Nasa kahon ang bola.
Nasaan ang bola?_______
2. Nasa silid-kainan ang silya.
Nasaan ang silya?________
3. Nasa basket ang mga prutas.
Nasaan ang mga prutas?_____
4. Nasa pensilkeys ang lapis.
Nasaan ang lapis?_________
5. Nasa sulok ang walis.
Nasaan ang walis?__________

V. Takdang Aralin
Iguhit ang sagot.
Plato sa mesa
Bulaklak sa plorera.

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa Filipino I
Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ika-limang Araw)

I. Layunin
Nasasagot ang tanong na “Nasaan?”

II. Paksa: Pagkalinga sa isa’t isa sa aming tahanan at kapaligiran; kaligtasang pampamilya
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang sarili; naibabahagi sa iba ang mga
pangsariling hilig at gusto.
2. Gramatika: Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay.
3. Phonological Awareness: Natutukoy kung magkakatugma o hindi ang isang pares ng salita.

Mga kagamitan: larawan ng iba’t ibang bagay sa tahanan; Gabay ng Guro pah. 37

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Ano ang ginagawa mo para makita ang isang bagay na nakatago?

2. Tunguhin
Sabihin ngayong araw ay sasagutin natin ang tanong na “Nasaan?”

3. Paglalahad
Basahin ang bawat pangungusap tungkol sa larawan.
Nasa palengke ang nanay.
Nasa tapat ng barangay hall ang parada.
Nasa tindahan ang timbangan.
Nasa Maynila ang tatay.
Nasa ilalim ng silong ang pugad.

4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Ano ang isinasagot natin sa tanong na , “Nasaan?” o Saan?
Ipabigay ang sagot sa bawat tanong:
Nasaan ang ____?
Nasa palengke ang nanay.
Nasa tapat ng barangay hall ang parada.
Nasa tindahan ang timbangan.
Nasa Maynila ang tatay.
Nasa ilalim ng silong ang pugad.

5. Kasanayang Pagpapayaman
Laro: Nasaan? Papikitin lahat ang mga bata at saka magtago ng isang bagay.
Itatago ng guro ang isang bagay sa silid-aralan.
Ipahahanap ito sa mga bata. May puntos ang unang makakita sa bagay na itinago.]
IV. Pagtataya:
Sagutin: Nasaan ang?
1. Bulaklak sa hardin
2. Itlog sa pugad
3. Aklat sa bag
4. Bata sa ilalim ng puno
5. Pera sa bulsa

V. Takdang Aralin
Isulat kung nasaan makikita ang bawat bagay:
1. Buwan
2. Uod
3. Palay
4. Isda
5. ibon

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Unang Araw)

I. LAYUNIN:
Nakapaghahambing ng mga tradisyon at nakagawiang gawain ng pamilya noon at ngayon.

II. PAKSANG-ARALIN: Ang Aking Pamilya


A. Aralin 1: Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 7; Teacher’s Guide pp. 3-4 Activity Sheets pp. 3-5
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Muling ipaalala ang mga nagbago at hindi nagbago sa buhay ni Aya.
Nagbago ba ang mga itsura nila Aya?

2. Pagganyak:
Awit: Mag-anak

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong: May nagbago ba at di nagbago sa buhay ng pamilya mo noon at ngayon?

2. Paglalahad:
Ipasuri ang mga tradisyon o nakaugaliang gawain ng mga-anak:
Noon: Ngayon:

Naglalaro ng piko. Naglalaro ng


kompyuter

Hindi na nagdarasal ng
Nagdarasal ng orasyon orasyon ang pamilya

Nanonood ng TV
Nagbabasa ng mga

kwento
Nagtatrabaho na din
ina
Nasa bahay ang ina

3. Pagtalakay:
Hayaang paghambingin ng mga bata ang tradisyon ng mag-anak noon at ngayon.

4. Paglalahat:
Anu-ano ang mga bagay na nagbago at di-nagbago?
Tandaan: May mga bagay na nagbabago at nagpapatuloy o hindi nagbabago sa buhay ng isang
pamilya.

5. Paglalapat:
Pagbigayin pa ang mga bata ng mga nakagawiang gawain ng pamilya noon at ngayon.

IV. Pagtataya:
Paghambingin ang mga tradisyon at nakagawiang gawain ng pamilya noon at ngayon.
1. Sa pagdarasal
2. Sa pagpapagawa ng bahay
3. Sa pagluluto
4. Sa mga pinapasyalang pook
5. Sa mga nilulutong pagkain

V. Kasunduan:
Magbigay ng isang tradisyon ng iyong pamilya noon at ngayon.

Puna:
_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ______ang nagpakita ng _____na
bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikalawang Araw)

I. LAYUNIN:
Nakapaghahambing ng kwento ng sariling pamilya sa kwento ng pamilya ng mga kamag-aaral.

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8; Teacher’s Guide pp. 3-4; Activity Sheets pp. 3-5
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga nagbago at di nagbagong gawain ng iyong pamilya noon at ngayon?
2. Pagganyak:
Magpakita ng larawan ng dalawang mag-nak. Hayaang paghambingin ng mga bata ang mga nakikita
nila sa larawan.
Aling pamilya ang may maraming kasapi?
Ano ang tawag natin dito?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anu-ano ang pagakakaiba at pagakakatulad ng iyong pamilya at pamilya ng iyong kamag-aaral?

2. Paglalahad:
Gawain na ibinigay isang araw pa bago isagawa:
Bigyan ang mga bata ng kopya ng kanilang sasagutan. Maaring tulungan o gabayan ang mga bata sa
pagbigay ng mga hinihinging impormasyon.
Ako ay nabibilang sa pamilya_______(apelyido)
Binubuo ang aking pamilya ng ___na kasapi.
Nakatira ang aming pamilya sa _________
Ang tatay ko ay isang__________
Ang nanay ko ay isang___________
Ang paborito naming ginagawa nang sama-sama ay ____________________
Ang aming pamilya ay _________(katangian)

3. Pagtalakay:
May napansin ka bang pagkakatulad at pagkakaiba ng iyong pamilya at pamilya ng iyong kamag-
aaral?

IV. Pagtataya:
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.
Ibahagi ang kwento ng iyong pamilya.
Batay sa inyong mga ibinahagi.
Tingnan ang tsart sa pah. 124 ng Pupils’ Activity Sheet.

V. Kasunduan:
Isulat ang mga pangalan ng iyong kamag-aaral na may pagkakahawig sa ilang impormasyon sa iyong
pamilya.

Puna:
_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____
na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikatlong Araw)
I. LAYUNIN:
Napahahalagahan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pamilya.

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8; Teacher’s Guide pp. 3-4; Activity Sheets pp. 3-5
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ilan sa inyo ang pareho ang bilang ng mga kasapi ng pamilya?
Ilan sa inyo ang magsasaka ang ama?

2. Pagganyak:
Laro; Pangkatan
Lahat ng may parehong impormasyon tungkol sa kanyang pamilya ang magsasama-sama.
Hal. May limang kasapi ang mag-anak
Naghahanapbuhay ang ina, atbp.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Mahalaga ba na malaman ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pamilya? Bakit?

2. Paglalahad:
Ipakita ang talaan ng impormasyon ng isang pangkat sa pisara na binubuo ng limang kasapi.
Hayaang paghambingin ng mga bata ang mga impormasyon.

3. Paglalahat:
Bakit mahalaga na malaman ninyo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pamilya?

4. Paglalapat:
Hayaang bumuo ng pangkat ang mga batang may pagkakatulad ang mga impormasyon sa pamilya.
Gayundin ang mga bata na may pagkakaiba.

IV. Pagtataya:
Sagutin : Tama o Mali
1. Lahat ng pamilya ay pare-pareho ang bilang mga kasapi.
2. May mga pamilyang kaunti ang kasapi.
3. Ang mga pamilyang may hanapbuhay ay maginhawa ang buhay.
4. Iba-iba man ang laki ng pamilya ay masaya naman.
5. Mas maraming pangangailangan ang inihahanda ng malalaking pamilya.

V. Kasunduan:
Paghambingin ang iyong pamilya sa pamilya ng iyong kapit-bahay.

Puna:
_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____
na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
Naiisa-isa at nauuri ang mga pangunahing pangangailangan ng mag-anak
- pagkain

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4; Activity Sheets pp. 3-5
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang pagkakaiba ng malaki at maliit na mag-anak?
2. Pagganyak:
Awit: Pangangailangan

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anu-ano ang mga pangunahing pangangailangan ng isang mag-anak upang lahat ng kasapi ay maging
malusog?

2. Paglalahad:
Ipabigkas ang tugma:
Isa, dalawa: Mag-anak na masaya.
Tatlo , apat: Kaunti ang anak.
Lima, anim: Kayang pakainin.
Pito , walo: Laging salu-salo
Siyam, sampu: Mag-anak ay magkakasundo.

3. Pagtalakay:
Anong uri ng mag-anak ang nabanggit sa tugma?
Ilan ang mga anak?
Anong pangangailangan ang kayang ibigay sa mga anak?

4. Paglalahat:
Anong pangangailangan ng mag-anak ang dapat na matugunan nang sapat?
Tandaan: Bawat mag-anak ay dapat na mabigyan ng sapat na pagkain ang mga kasapi upang maging
malusog.

5. Paglalapat:
Ikahon ang mga pagkaing mabuti at makapagpapalusog sa isang pamilya.

Prutas gulay karne mais kamote

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang mga pagkaing makapagpapalusog sa mag-anak.
1. pansit
2. kanin
3. gulay
4. pisbol
5. puro karne lang

V. Kasunduan:
Gumuhit ng mga masusustansiyang pagkain sa inyong notebook.

Puna:
_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____
na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikalimang Araw)

I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
Naiisa-isa at nauuri ang mga pangunahing pangangailangan ng mag-anak
- kasuotan

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8; Teacher’s Guide pp. 3-4; Activity Sheets pp. 3-5
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anong pangangailangan ang dapat na matugunan nang sapat para sa pamilya?
2. Pagganyak:
Awit: Pangangailangan

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Paano mo pinangangalagaan ang iyong katawan sa labis na init o lamig?

2. Paglalahad:
Magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang kasuotan: pang-araw-araw, pantulog, pangtrabaho,
uniporme, pang-espesyal na okasyon.

3. Pagtalakay:
Kailan ninyo isinusuot ang ganitong uri ng kasuotan?
Alin ang isusuot mo kung maiinit ang panahon?

4. Paglalahat:
Anong pangangailangan ng mag-anak ang nagbibigay proteksiyon sa mga katawan ng mga kasapi?
Tandaan: Bawat mag-anak ay dapat na mabigyan ng angkop na kasuotan upang mapangalagaan ang
katawan sa init o lamig.

5. Paglalapat:
Gumuhit ng isang halimbawa ng kasuotan na gusto mo.

IV. Pagtataya:
Aling kasuotan ang dapat mong isuot kung:
1. matutulog ka na.
2. magsisimba ka
3. mamasyal ka
4. makikipaglaro ka sa kalye
5. papasok ka na sa eskwela

V. Kasunduan:
Gumupit ng mga larawan ng ibat-ibang uri ng kasuotan.

Puna:
_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____
na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa Matematika
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Unang Araw)

I. Mga layunin
Natutukoy ang 1st, 2nd, 3rd hanggang 10thna bagay mula sa hanay ng mga bagay.
Nakikiisa sa mga pangkatang gawain.
Nakaguguhit ng mga larawan ng bagay para maipakita ang mga bilang na ordinal.
II. Paksa
A. Aralin : Pagtukoy sa mga Bilang ng 1st, 2nd, 3rd hanggang 10th sa hanay ng mga bagay.
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. 101
C. Kagamitan: larawan ng 10 bata
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto: Pagtukoy sa mga Bilang na Ordinal
mula Una hanggang pangsampu.(1st-10th)
III. Pamaraan
A. Paghahanda
1. Pagganyak
Awit: Sampung Batang Pilipino
(Tono: Ten Little Indians)
Isa, dalawa, tatlong Pilipino.
Apat, lima, anim na Pilipino
Pito, walo, siyam na Pilipino.
Sampung batang Pilipino.

B. Paglalahad:
1. Iparinig ang maikling kwento:
Ang mga bata sa baitang isa Pangkat Jose Rizal ay
nagkaroon ng maikling palatuntunan. Sampung bata ang Mansanas lobo puno bag payong
magsusuot ng kanilang paboritong kasuotan. Sila ay isa- Basket kendi dahon bulaklak atis
isang tatayo sa inyong harapan upang inyo silang makilala.
(Gumamit ng cut-out ng 10 bata na may iba’t ibang kasuotan at isa-isa itong ipakat sa pisara)
Sa ilalim ng cut-out ilagay ang bilang na ordinal mula pang-una hanggang pang-sampu at pangalan ng
bata.
Bag lapis pantasa pambura pensilkeys

Hal. Krayola ruler papel notbuk aklat


Maria Ana
Pang-una Pangalawa
1st 2nd
2. Itanong: Sino sa mga kalahok ang unang nagpakilala? Pangalawa?
3. Anong bilang ang ginamit sa ilalim ng bawat kalahok sa paligsahan?

C. Pagsasagawa ng Gawain
1. Laro: Pangkatin ang mga bata sa 3 pangkat.
Bigyan ang bawat pangkat ng ordinal na bilang sa kard 1st -10th. Sa hudyat ng guro itatambal ng mga
bata ang bilang na hawak sa mga bagay na nakahilera sa mesa upang ipakita ang posisyon ng nasabing
bagay.
D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin
Itanong: Ano ang nasa unang bagay? Pangalawa?Pangatlo?
Anong bilang ang ginamit upang tukuyin ang kinaroroonan o posisyon ng bagay sa hanay ng
maraming bagay?
E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan
1. Tingnan ang salitang :
B L A C K B O A R D
Alin ang unang titik?
Anong titik ang pangatlo?
Ang C ba ang ikalimang titik?
2. Paglalahat:
Gumagamit tayo ng mga bilang na ordinal upang ipakita ang posisyon o kinalalagyan ng isang bagay
mula sa hanay ng mga bagay.
Isinusulat ang simbulo ng bawat bilang tulad ng:
1st, 2nd, 3rd, 4th, 5th, 6th, 7th, 8th, 9th 10th
Paano kayo gumawa kasama ng iyong pangkat? Nakiisa ka ba sa mga kasama mo?

IV. Pagtataya:
Kulayan ang bagay na sinasabi sa iba
1. 4th na bagay
2. 9th na bagay
3. 1st na bagay
4. 6th na bagay
5. 3rd na bagay

V. Takdang Aralin
Iguhit ang tamang bagay na tinutukoy.
1. 3rd na bagay
2. 8th na bagay

Puna:
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa Matematika
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Mga layunin
Nababasa ang mga bilang na ordinal 1st, 2nd, 3rd hanggang 10th sa hanay ng mga bagay.
Napananatili ang kaayusan habang gumagawa ng gawain.

II. Paksa
A. Aralin 1: Pagbasa ng mga Bilang na Ordinal
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. 101-102
Pupils’ Activity Shet pp.
C. Kagamitan: cut-out ng 10 bata/bagay/prutas
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:
Nahihinuhang konsepto: Pagbasa ng bilang na ordinal.
E. Pagpapahalaga: Kaayusan

III. Pamaraan
A. Paghahanda Tandang , aso, pusa, pagong, ibon
1. Pagganyak
Ano ang ginagawa ninyo kung maraming bata ang bumibili sa Kabayo,
kantina?baka, kalabaw, bibe, kuneho
Bakit kailangan mong mahintay sa iyong pagkakataon?
Ano ang maaring mangyari kung magtutulakan at magkakagulo ang mga bata sa pagbili sa kantina?

B. Paglalahad:
1. Tumawag ng 10 bata at hayaang pumila sila sa harap ng klase.
Hayaang pangalanan ng mga bata ang kanilang kamg-aaral.
Itanong: Sino ang nasa unahan ng pila? Pangalawa?
Ipakita ang bilang na ordinal sa simbulo at salita.
2. Gumamit ng 10 cut-outs ng prutas at gamitin ang katulad na pamamaraan.
Hayaang basahin ng mga bata ang bilang na ordinal sa simbulo at sa salita.

C. Pagsasagawa ng Gawain
Magkaroon ng paligsahan.
Ipakita ang pangkat ng 10 bagay.
Hayaang magkontes sa pabilisan sa paglalagay ng bilang ordinal ang 3 pangkat. Ang unang pangkat
na makatapos ang siyang panalo.
D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin
Pang-ilan ang bola?Bisekleta?Lobo?
Paano kayo ninyo naipanalo ang laro?
Naghintay ka ba ng iyong pagkakataon para makasagot?

E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


1. Ipakita ang plaskard ng mga numerong ordinal sa simbulo. Ipabasa nang pangkatan.
2. Ipakita ang plaskard ng bilang ordinal sa salita at ipabasa din nang pangkatan.

F. Paglalahat
Ano ang sinasabi ng mga bilang na ordinal?
Paano natin binabasa ang mga bilang na ordinal?
IV. Pagtataya:
A. Maghanay ng 10 cut-out ng hayop.
Ano ang posisyon ng bawat hayop?
Isulat ang tamang posisyon ng bawat hayop.
(Gumamit ng larawan)
1. pagong__
2. kuneho__
3. baka___
4. bibe___
5. aso____

B. Isulat ang wastong bilang na ordinal para sa may salungguhit na bagay sa pangkat.
1. SSSSSSSSSS
2. MMMMMMMMMM
3. XXXXXXXXXX
4. HHHHHHHHHH
5. YYYYYYYYYY

V. Takdang Aralin:
Basahin ang salita.Isulat ang simbulo.
Ikalawa____
Ikatlo_____
Ika-apat____
Ika-lima_____

Puna:
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin
Banghay Aralin sa Matematika
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Mga layunin
Naisusulat ang mga bilang na ordinal 1st, 2nd, 3rd hanggang 10th sa hanay ng mga bagay.
Napananatili ang kaayusan habang gumagawa ng gawain.

II. Paksa
A. Aralin 1: Pagsulat ng mga bilang Ordinal
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. 10
Pupils’ Activity Shet pp. 17-22
C. Kagamitan: mga pamilang(stik, hole, etc.)
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:
Nahihinuhang konsepto : Pagsulat ng mga Bilang na Ordinal.

III. Pamaraan
A. Paghahanda
1. Pagganyak
Paligsahan sa pagbasa ng bilang na ordinal.

B. Paglalahad:
1. Tumawag ng 10 bata at hayaang pumila sila sa harap ng klase.
Hayaang pangalanan ng mga bata ang kanilang kamg-aaral.
Itanong: Sino ang nasa unahan ng pila? Pangalawa?
Ipakita ang bilang na ordinal sa simbulo at salita.
2. Gumamit ng 10 cut-outs ng laruan at gamitin ang katulad na pamamaraan.
Hayaang basahin at isulat ng mga bata ang bilang na ordinal sa simbulo at sa salita.

C. Pagsasagawa ng Gawain
Magkaroon ng paligsahan.
Ipakita ang pangkat ng 10 gulay.
Hayaang magkontes sa pabilisan sa paglalagay ng bilang ordinal ang 3 pangkat. Ang unang pangkat
na makatapos ang siyang panalo.

D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin


Pang-ilan ang ampalaya?repolyo? sitaw?
Paano kayo ninyo naipanalo ang laro?
Naghintay ka ba ng iyong pagkakataon para makasagot?

E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


1. Ipakita ang plaskard ng mga numerong ordinal sa simbulo. Ipabasa nang pangkatan.
2. Ipakita ang plaskard ng bilang ordinal sa salita at ipabasa din nang pangkatan.
3. Magdikta ng mga bilang ordinal.
Ipasulat ito nang wasto sa mga bata.

F. Paglalahat
Ano ang sinasabi ng mga bilang na ordinal?
Paano natin binabasa at isinusulat ang mga bilang na ordinal?
IV. Pagtataya:
Isulat ang wastong bilang na ordinal para sa may salungguhit na bagay sa pangkat.
1. WWWWWWWWWW
2. OOOOOOOOOO
3. LLLLLLLLLL
4. RRRRRRRRRR
5. PPPPPPPPPP

V. Takdang Aralin:
Basahin ang salita.Isulat ang simbulo.
Ikapito____
Ikawalo_____
Ikasiyam____
Ikasampu _____

Puna:
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ika-apat Araw)

I. Mga layunin
Nasasabi ang posisyon ng isang bagay gamit ang pamilang na ordinal 1st hanggang 10th mula sa
ibinigay na batayan.

II. Paksa
A. Aralin 1: Ordinal Numbers 1st -10th
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. 16
Pupils’ Activity Shet pp. 25-26
C. Kagamitan: mga pamilang(stik, hole, etc.)
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:
Nahihinuhang konsepto: Ordinal Numbers 1st -10th

III. Pamaraan
A. Paghahanda
1. Pagganyak:
Ipagamit ang show-me-board.
Magkaroon ng laro sa pagtatambal ng salita at simbulo gamit ang ordinal na bilang.

B. Paglalahad:
1. Gumamit ng tunay na bagay o larawan.
Maghilera ng 10 bagay sa mesa.
Hayaang lagyan ng angkop na bilang na ordinal ang bawat bagay.
Bagay Salita Simbulo
Hal. Mais – pang-una 1st
Kamote – pangalawa 2 nd

(Gawin hanggang 10th)


2. Tanungin ang mga bata.
Ilang mga bagay ang nahanay sa harap?
Ano ang posisyon ng aklat?
Pang-ilan ang bag?

C. Pagsasagawa ng Gawain:
Magbigay ng pangkatang pagsasanay.
Bigyan ang bawat pangkat ng talaan ng mga bagay(larawan ang gamitin) .
Hayaang tukuyin nila ang posisyon ng bawat bagay sa hanay.

D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin


Ano ang ginamit mong bilang?
Paano mo nalaman ang posisyon ng isang bagay?

E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


Ipabasa at ipasulat muli ang mga bilang ordinal sa mga mag-aaral.

F. Paglalahat
Ano ang sinasabi ng mga bilang na ordinal?
Paano natin binabasa at isinusulat ang mga bilang na ordinal?

IV. Pagtataya:
Pasalita:Magpakita ng 10 bagay sa harap. Ipasabi ang posisyon ng bagay na ituturo ng guro.

V. Takdang Aralin
Gumuhit ng 10 bagay na nakikita sa inyong tahanan. Lagyan ito ng bilang ordinal 1st hanggang 10th.

Puna:
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin
Banghay Aralin sa Matematika
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ika-limang Araw)

I. Mga layunin
Nasasabi ang posisyon ng isang bagay gamit ang pamilang na ordinal 1st hanggang 10th mula sa
ibinigay na batayan.

II. Paksa
A. Aralin 1: Ordinal Numbers 1st -10th
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. 21
Pupils’ Activity Shet pp. 28
C. Kagamitan: larawan ng mga hayop
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan:
Nahihinuhang konsepto : Ordinal Numbers 1st -10th

III. Pamaraan
A. Paghahanda
1. Pagganyak
Awit: Sampung Chikadee

2. Balik-aral
Pagbasa at pagsulat ng bilang na ordinal 1st hanggang 10th sa salita at simbulo.

B. Paglalahad:
1. Iparinig ang kwento:
Isang araw, kasama ni Jayson ang kanyang pamilya sa pamamasyal sa zoo. Marami silang nakitang
hayop doon.
Idikit sa pisara ang larawan ng hayop habang isa-isa itong sinasabi:
Leon, zebra, tigre, unggoy, oso, agila, sawa, elepante, buwaya at ostrich.

2. Tanungin ang mga bata.


Ilang hayop ang nakita nila Jayson?
Pangalanan ninyo nga ang mga hayop sa hanay?

C. Pagsasagawa ng Gawain
Laro: Isa-isang ipapili ang mga hayop na nakita
ni Jayson sa paskilan.

D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin


Paano ninyo nakuha ang inyong sagot.
Ano ang ginawa ninyo?
Saang banda kayo nagsimula sa pagtukoy at pagbilang sa mga bagay sa hanay?

E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


1. Isulat ninyo ang sagot sa patlang.

M A T E M A T I K A
a. Anong titik pang-walo?
b. Ano ang posisyon ng titik M?

F. Paglalahat
Ano ang tawag natin sa mga bilang na ginamit?
Ano ang sinasabi ng ordinal na bilang?

IV. Pagtataya:
Ipagawa ang ang Gawain sa pahina 108 ng Teaching Guide sa math.

V. Takdang Aralin
Gawin ang Worksheet bilang 3 sa pahina 108 TG.

Puna:
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin
Banghay Aralinsa MUSIC
Music
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Unang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Napaghahambing ang kaaya-ayang tunog at di-kaaya-ayang tunog.

II. Paksa:
Kaaya-ayang Tunog , Di-Kaaya-ayang Tunog Uri ng Tunog
Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4
Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Acitivity Sheet pp. 1-2
Kagamitan: larawan ng mga nakakalikha ng tunog

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Bakit mahalaga ang ating tenga?
Anu-ano ang mga nakalilikha ng tunog?

2. Pangganyak:
Orkestra ng mga Tunog
Pangkatang Gawain:
Pangkat 1 – Tunog ng Tao
Pangkat 2 - Tunog ng Hayop
Pangkat 3 - Tunog ng Sasakyan
Pangkat 4 - Tunog ng Laruan

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Magpakita ng larawan ng bata na tukop ang kanyang dalawang tainga.
Ano sa palagay ninyo ang problema ng batang ito?
2. Pag-usapan ang mga tunog na kaaya-aya at mga pinagmulan nito.
Pag-usapan din ang mga tunog na di-kaaya-aya.
3. Pagbigayin ang mga bata ng halimbawa.

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Aling tunog ang mas mabuti sa ating pandinig?
Tandaan: May dalawang uri ng tunog:
Kaaya-aya at di-kaaya-aya.
Ang mga kaaya-ayang tunog ay mabuti sa ating pandinig.
Ang di-kaaya-ayang tunog ay maaring makapagdulot ng sakit sa ating pandinig.

2. Pagsasanay:
Pumili ng dalawang bagay na magkapares.
Paghambingin ang mga ito.
Hal. Malambing na Musika at kulog

IV. Pagtataya:
Ilagay ang bawat halimbawa ng tunog sa angkop na hanay.

Kaaya-ayang Tunog Di-Kaaya-ayang Tunog


Dumarating na tren Awit ng Pag-ibig
Umiiyak na sanggol Pinaandar na motorsiklo
Nakikipag-usap sa kaibigan Paswit
Nanonood ng orchestra Ambulansiya
Gumugulong na malaking bato Paggigitara

V. Kasunduan:
Gumuhit ng isang bagay na nakakalikha ng kaaya-ayang tunog at isang bagay na nakakalikha ng di-
kaaya-ayang tunog.

Puna:
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

Banghay Aralinsa MUSIC


Music
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikalawang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Naiguguhit ang staff nang wasto.

II. Paksa:
Ang Staff (Sulatan ng mga Nota sa Musika)
Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4
Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
Kagamitan: larawan ng staff

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Anu-ano ang dalawang uri ng tunog?

2. Pangganyak:
Magpakita ng mga tuldok.
Hayaang makagawa ng linya ang mga bata sa pag-uugnay sa mga tuldok.
Hal.
Anu-anong uri ng linya ang mabubuo pag pinagdugtong ang mga tuldok?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Magpakita ng halimbawa ng staff.

2. Pagtalakay:
Ilang linya ang bumubuo sa staff?
Ilang pagitan?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Tandaan: Ang Staff ay binubuo ng limang linya at apat na pagitan. Ito ang nilalagyan ng mga
simbulo sa musika.
2. Pagsasanay:
Ikonekta ang mga putol-putol na guhit upang makabuo ng staff.

IV. Pagtataya:
Gumawa ng sarili mong staff.Gumamit ng ruler upang matuwid ang mga guhit.

V. Kasunduan:
Gumuhit ng staff sa notebook sa musika.

Puna
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa EDUKASYON sa PAGPAPALAKAS ng KATAWAN
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
Naikikilos ang leeg at mga kamay.

II. Paksa: Kakayahan sa Pangangasiwa ng Katawan


Aralin: Mga Kilos ng Leeg at mga Kamay
Sanggunian: Gabay na Kurikulum sa K-12 sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng katawan sa baitang I;
Pupils’ Acitivity Sheet in Grade I pah. 20; Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan I pp. 19-24
Kagamitan; larawan na nagpapakita ng mga kilos ng leeg at mga kamay
Integrasyon, Sining, Matematika at Musika

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Balik-aralan natin ang mga bahagi ng katawan.Nasaan ang iyong leeg?
Nasaan ang iyong mga kamay?

2. Pagganyak
Awit: Ako ay May Ulo
Ako ay may ulo na aking ginagalaw
Aking ginagalaw (2x)
Ako ay may ulo na aking ginagalaw
Salamat sa Maykapal.

B. Panlinang na Gawain
1. Ipaliwanag:
Ang leeg at mga kamay ay dapat mag-ehersisyo.
Tayo ay magiging malakas.Ang bahaging ito ng ating katawan ay mahalaga.
May kanya-kanyang gamit ang mga bahagi ng ating katawan.Ikinilos natin ang bawat bahagi ng ating
katawan.

2. Gawain:
Panimulang Ayos
Tumayo nang tuwid at magkalayo ang mga paa.
Ilagay ang kamay.
Ihilig ang leeg sa kanan.
Ibalik sa panimulang ayos.
Pagpalakpak ng Kamay sa Harap at sa Likod
Panimulang Ayos
Tumayo nang tuwid na nakababa ang mga bisig.
a. Ipalakpak ang mga kamay sa unahan pantay sa balikat.
b. Ipalakpak ang mga kamay sag awing likuran.
3. Paglalahat:
Ang ating leeg at mga kamay ay naikikilos sa iba’t ibang paraan.
Ang pag-uunat ng leeg ay magpapakilos dito. Naigagalaw mo ang iyong leeg sa kanan. Naigagalaw
mo ito sa kaliwa.
Ang pagpalakpak ng mga kamay ay nagpapalakas ng mga kamay.

4. Pagsasanay
Pangkatang Pagpapakitang Kilos

IV. Pagtataya
Ano ang kilos ng bahagi ng iyong katawan?
1. ulo a. naikikiling
b. naihahawak
2. leeg a. naiuunat
b. naihahawak
3. kamay a. nailalakad
b. naititikom
4. tuhod a. naibanbaluktot
b. naituturo
5. braso a. naihahawak
b. nailuluhod

V. Kasunduan
Pag-aralan ang iba’t ibang kilos ng Leeg at mga Kamay.

Puna
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin saART


Pinagsanib na Aralin sa art at Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang ginagamit sa art.
Nakagagawa ng mga kulay sa pamamagitan ng paghahalo ng mga ito.
Nakagagawa ng color wheel.
Nakikilala at natutukoy ang mga kulay na nakikita sa kalikasan.
Nagagamit ang man-made na mga kulay para gayahin ang mga kulay sa kalikasan.
II. Paksang Aralin: Panimulang Aralin sa Kulay: Pangunahing Kulay
A. Talasalitaan
Primary Colors: Red , blue, Yellow
Secondary Colors; green. Violet, orange
B. Elemento at Prinsipyo
Shape, line
C. Kagamitan
Crayons at least 6 colors, cartolina
D. Sanggunian: K-12 Art
Teacher’s Guide pp. 29-30 Pupils; Activity Sheet pp. 14-15

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak
Magpakita ng larawan?
Ipasabi ang mga kulay na kanilang nakikita sa larawan.

2. Laro: Bring Me Game


Magsasabi ang guro ng kulay na dadalin ng bata.
Ang pangkat na maraming madadala ayon sa utos ng guro ang siyang mananalo.

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain:
Gumamit ng asul at dilaw na krayola.
Ikaskas ang asul nang magaan sa puting papel. Sa ibabaw ng kulay na asul, ikaskas nang magaan ang
kulay dilaw.
Anong panibagong kulay ang nabuo mo?
(Gawin ang katulad na pamamaraan sa:
Pula+ asul
Dilaw+Pula
Anu-anong mga bagong kulay ang nabuo?

C. Pagpoproseso ng Gawa:
1. Paano nakabubuo ng berdeng kulay?
Lila o ube?Orange o dalandan?

2. Ilarawan ang kulay na nabuo ninyo.

IV. Pagtataya:
Pagawain ang mga bata ng color wheel ayon sa natutuhang mga kulay.

V. Kasunduan:
Ano kaya ang maaring mangyari kung lahat ay kukulayan o gagamitan ng itim na kulay?

Puna
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa HEALTH
Pinagsanib na aralin sa Science at Art
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ika-limang Araw)

I. Layunin:
- Naipakikita ang wastong paghuhugas ng mga kamay :
- Pagkatapos gumamit ng palikuran

II. Paksang Aralin: Paghuhugas ng Kamay


A. Malinis na Kamay
B. Kagamitan: tubig at sabon, bimpo
C. Sanggunian: k-12 Health Curriculum Guide
page 17; Modyul 1, Aralin 1 pah 3-4
Pupils’ Activity Sheet pp. 15-16

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Laro: Ituro Mo (Touch Me) Game
Humarap sa kapareha. Sa hudyat ng guro ituturo ang bahagi ng katawan ng kapareha.

2. Pagganyak:
Awit: I Have Two Hands

B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad:
Itanong: Narinig na ba ninyo ang salitang germs o mikrobyo?
Alam ninyo ba kung saan ito galing at paano ito nakukuha?
Paano ito naisasalin?
Paano ito maiiwasan?
2. Iparinig ang awit na
“Ako ay May Mga Kamay”
(Tono: Maliliit na gagamba)
Ako’y may mga kamay
Na kaliwa at kanan
Itaas mo man ito’y
Malinis naman
Ipalakpak, ipalakpak
Itong mga kamay
Ipalakpak, ipalakpak
itong mga kamay

3. Talakayin ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay.


Kapag naghuhugas ng ating mga kamay tayo ay gumagamit ng tubig at sabon.

4. Paglalahat
Tandaan: Maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran upang maiwasan ang pagkalat ng
mikrobyo na nakapagdudulot ng sakit.
5. Pagsasanay:
Awit: I Have Two Hands

IV. Pagtataya:
Pangkatang Pagpapakitang Kilos ng wastong paghuhugas ng kamay.

V. Kasunduan:
Ugaliing maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran.

Puna
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Unang Araw)
I.Layunin:
- Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng
pagkakataon upang maging maayos ang samahan.
- Kung kumuha ng hindi kanya

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


I. Aralin: Dula-dulaan
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 57-60
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang dapat mong gawin kung nakatanggap ka ng sobrang sukli?
2. Pagganyak:
Paano kung kailangan mo ng isang bagay at wala ka nito, ano ang gagawin mo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Dula-Dulaan
Lena: Ate, maari ko bang mahiram ang iyong bag?
Ate: Oo, Lena kunin mo na sa silid.
(Kinuha ni Lena ang bag sa silid ng ate)
Kinabukasan, isinauli na ni Lena ang bag sa
Ate.
Lena: Ate, narito na ang iyong bag.
Salamat!
Ate: Walang anuman, Lena. Mabuti at
Isinauli mo agad. Gagamitin ko nga iyan bukas.

2. Pagtalakay
Kailan isinauli ni Lena ang bag?
Nagpasalamat ba siya? Bakit?
Sa palagay mo ba iningatan niya ang bag ng ate niya?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Ano ang dapat mong gawin sa bagay na hindi sa iyo?
Tandaan: Kung ang bagay na hiniram
Ay iyong iingatan
Asahan mong mauulit pa
Ang iyong panghihiram.
At huwag kalilimutan
Ang pasasalamat
Natutuwa ang may-ari
Sa taong nagsasauli.
D. Paglalapat
Ipasakilos ang dula-dulaan sa mga bata.
IV.Pagtataya:
Lagyan ng / kung tama at x kung mali.
1. Hiniram ni Lucy ang lapis ng ate. Hindi pinag-ingatan. Nawala sa paaralan.
2. Ang sapatos ni Kuya. Hiniram ni Hernan. Hinubad sa palaruan, hindi natagpuan.
3. Hiniram na damit. Isinauli pagkagamit. Mayroong bahaging punit. Pinalitan ng kapalit.
4. Laruang nasira. Di naman sinasadya. Sa may-ari ipinakita. At hindi kinaila.
5. Sa kapitbahay ay nanghiram. Ginamit sa paaralan. At nang magsolian. Nagpasalamat sa hiniraman.

V. Takdang-aralin
Isaulo. Ang Tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Layunin:
- Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng
pagkakataon upang maging maayos ang samahan.
- Mga pangyayari sa paaralan na nagbunga ng di pagkakaintindihan.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


II. Aralin: Ang Lapis
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 57-60
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Sagutin ng Oo o Hindi
Isinasauli ko ba ang mga bagay na aking hiniram?
Iniaayos ko ba ang bagay na aking hiniram bago isauli?
Pinapalitan/binabayaran ko ba ang nawala/nasirang bagay na aking hiniram?
Nagpapasalamat ba ako sa may-ari ng bagay na aking hiniram?
2. Pagganyak:
Bakit kung minsan ay di maiwasan na kayo ay napagsasabihan o napapagalitan sa paaralan?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Isang araw, habang nagtuturo ang guro na si Ginang Santos, bigla na lamang umiiyak ang isa sa
kanyang mga mag-aaral. Napahinto sa kanyang sinasabi ang guro. Inusisa niya ang dahilan ng pag-
iyak ni Vivian. Nahulog pala angbagong lapis niya sa ilalim ng desk agad itong pinulot ng katabi
niya at itinago. Nang tanungin ng guro kung bakit agad itinago ni Renier ang lapis ay sa dahilang
napagkamalan niya itong lapis niya dahil magkamukha sila ng lapis ni Vivian. Agad naming nagsori
si Renier kay Vivian at muling nagkasundo ang dalawa.
2. Pagtalakay
Bakit napahinto ang guro sa pagtuturo?
Ano ang dahilan at umiyak si Vivian?
Totoo bang kinuha ni Renier ang lapis?Bakit?
Naayos ban g guro ang hindi pagkakaintindihan ng dalawang bata?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Ano ang dapat mong gawin sa bagay na hindi sa iyo?
Tandaan: Isauli sa tunay na may-ari ang anumang bagay na napulot..

D. Paglalapat
Ipasakilos ang kwento sa mga bata.

IV.Pagtataya:
Tama o Mali
___1. Hindi sinasadya napunit ni Marco ang aklat ni Emily. Agad hinampas ni Emily si Marco.
___2. Tinutukso palagi ni Bea ang katabi kaya nag-away silang dalawa.
___3. Kinain ni Kiray ang baong tinapay ni Ashley. Hindi naman siya nagpaalam.
___4. Di sinasadyang napatid ni Rex si Ben nang tumayo ito para pumunta sa CR. Nagsori si Rex at
tinanggap naman ito ni Ben.
____5. Tayo nang tayo si Alex kaya natabig niya ang tubig sa water jug ni Roy. Nagsori siya pero bigla
siyang sinuntok ni Roy.
V. Takdang-aralin
Isaulo. Ang Tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
- Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng
pagkakataon upang maging maayos ang samahan.
- Nasasabi agad ang nagawang pinsala nang hindi tinatanong.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


III. Aralin: Mag-iingat na Ako!
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 61-62
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang gagawin mo kung may nagawa ka ng pagkakamali sa isa sa mga kamag-aaral mo sa
paaralan? Bakit?
2. Pagganyak:
Awit: Makinig at Sabihin
(Tono: Farmer in the Dell)
Makinig at sabihin (2x)
Sige humayo ka, makinig at sabihin.
Magsabi ng totoo (2x)
Sige humayo ka magsabi ng totoo.
Gumawa ng mabuti,
gumawa ka ng tama
Sige humayo ka gumawa ng maganda.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Mag-iingat na Ako
“Inay, nabasag ko po ang isang pinggan.” Pagtatapat ni Arturo.“Ano ba ang nangyari?” ang
tanong ng ina ni Arturo.“Natabig kop o sa mesa sa aking pagmamadali.” Ang sagot ni Arturo.“Anak,
sana mag-iingat ka sa iyong pagkilos upang hindi maubos an gating mga kasangkapan,” ang payo ng
ina. “Inay, sa uulit po, mag-iingat na ako.
1. Pagtalakay
Anong uri ng bata si Arturo?
Malalaman din kaya ng nana yang nagyari kung hindi nagtapat si Arturo?

B. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Ano ang dapat mong gawin kung may nagawa kang pinsala?
Tandaan: Magsabi agad ng nagawang pinsala at tanggapin ang anumang parusang igagawad.

C. Paglalapat
Nagliligpit ng baso si Lina. Hindi sinasadya, dumulas ang baso na sinasabon niya at ito ay nabasag.
Alin kaya ang dapat niyang sabihin sa ina?
a. Hindi ko alam bakit nabasag yan.
b. Ginulat kasi ako ng pusa kaya nabasag.
c. Dumulas po kasi sa kamay ko habang sinasabon ko.
IV.Pagtataya:
Tama o Mali
___1. Ipagtapat agad ang nagawang mali o pinsala.
___2. Ibintang sa iba ang nagawang kasalanan.
___3. Ipagpaliban angpagtatapat ng nagawang pinsala baka ito ay hindi na mapansin.
___4. Huwag aminin ang nagawang pinsala.
___5. Aminin nang maluwag sa dibdib ang nagawang pinsala kahit ano ang maaring maging parusa mo.

V. Takdang-aralin
Lutasin:
Nahulog sa duyan ang iyong batang kapatid. Ikaw ang nag-aalaga nito. Sasabihin mo ba ito sa
nanay? Bakit?

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ika-apat na Araw)
I.Layunin:
- Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng
pagkakataon upang maging maayos ang samahan.
- Nakahihingi ng paumanhin sa mga pagkakasala o pagkakamali.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


IV. Aralin: Paghingi ng Paumanhin
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 71-73
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Bakit dapat na sabihin agad ang nagawang pinsala?
2. Pagganyak:
Awit: Makinig at Sabihin
(Tono: Farmer in the Dell)
Makinig at sabihin (2x)
Sige humayo ka, makinig at sabihin.
Magsabi ng totoo (2x)
Sige humayo ka magsabi ng totoo.
Gumawa ng mabuti,
gumawa ka ng tama
Sige humayo ka gumawa ng maganda.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Paghingi ng Paumanhin
Naglalaro sina Michael at ang kanyang mga kaklase sa bakuran ng paaralan.Napalakas ang hagis ng
bola at tinamaan ni James ang bintana ng silid-aralan. Lumapit siya agad sa kanyang guro.
“Pasensiya nap o. Hindi kop o sinasadya. Hindi nap o mauulit,” wika ni Michael. Tinanggap ng
kanyang guro ang paghingi niya ng paumanhin pagkatapos silang pangaralan.
2. Pagtalakay
Sinu-sino ang naglalaro?
Saan sila naglalaro?
Ano ang tinamaan ni James?
Ano ang agad niyang ginawa?
Ano ang kanyang ipinangako?

B. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Ano ang dapat mong hingin kung may nagawa kang pinsala?
Tandaan: Humingi ng paumanhin sa mga nagawang pagkakasala o pagkakamali.
C. Paglalapat
Hindi sinasadyang napunit ni Mario ang pinabiling dyaryo ng kanyang tatay. Ano ang dapat niyang
gawin?

IV.Pagtataya:
Lutasin:
1. Inutusan kang bumili ng mantika sa tindahan. Pagdating mo sa tindahan ang laking gulat mo at nawala
na ang hawak mong pera. Ano ang gagawin mo?
2. Hindi mo sinasadyang matapakan ang paa ng iyong kaklase. Ano ang gagawin mo?

V. Takdang-aralin
Buuin: Ang batang matapat, _____ng lahat.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikalimang Araw)
I.Layunin:
- Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat ng
pagkakataon upang maging maayos ang samahan.
- Inaamin ang pagkasira o Pagkabasag ng Isang bagay
II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan
V. Aralin: Pag-amain sa Di Sinasadyang Pagkasira o Pagkabasag ng Isang bagay
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 71-73
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang dapat mong hingin kung may nagawa kang pagkakasala? O pinsala?
2. Pagganyak:
Awit: Makinig at Sabihin
(Tono: Farmer in the Dell)
Makinig at sabihin (2x)
Sige humayo ka, makinig at sabihin.
Magsabi ng totoo (2x)
Sige humayo ka magsabi ng totoo.
Gumawa ng mabuti,
gumawa ka ng tama
Sige humayo ka gumawa ng maganda.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Pag-amin sa Di Sinasadyang Pagkasira o Pagkabasag ng Isang Bagay
Nag-iisa si Jeb na naglilinis ng kwarto. Hindi sinasadya ay natabig niya ang plorera. Nabasag ito at
nabasa pa ang sahig.
Sa darating ang kanyang guro at nakita niya ang basag na plorera. Magandang umaga po, Bb.
Cruz. Ikinalulungkot ko pong sabihin sa inyo na natabig ko po ang plorera. Ito ay nabasag. Natuwa
sa kanya ang guro. Humanga pa ito sa kanyang katapatan.
2. Pagtalakay
Ano ang nangyari habang naglilinis si Jeb?
May nakakita bas a kanya? Kahit walang nakakita sa kanya sinabi ba niya ang totoo sa guro?
Bakit natuwa at humanga pa ang guro niya sa kanya?
Ikaw, nakasira o nakabasag ka nab a nang hindi mo sinasadya? Ano ang ginawa mo?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Ano ang dapat mong gawin kung may nagawa kang pinsala?
Tandaan: Aminin kung ikaw ang dahilan ng di sinasadyang pagkasira/pagkabasag ng isang bagay.

D. Paglalapat
Ipasadula ang pangyayari.
IV.Pagtataya:
Lutasin:
Naglalaro kayo ng kapatid mo. Hindi sinasadya ay nasagi mo at nabasag ang nakadispley na pigurin
sa mesang nasa tabi ng sala set. Ano ang sasabihin mo sa iyong ina pagdating niya mula sa palengke?

V. Takdang-aralin
Buuin: Walang lihim na hindi _______.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.
BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin
- Naipakikita ang pagmamahal sa pagbasa sa pamamagitan ng pakikinig sa kwento.
- Nakapakikinig na mabuti sa binasang kwento.
- Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos.
- Nakikilahok sa talakayan pagkatapos ng kwentong napakinggan.
- Nababalikan ang mga detalye sa kwentong nabasa o narinig.
II. PaksangAralin: “Si Nina at Si Yaya Naty”
A. Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit ng mga Panghalip na Kami at Sila
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Nn at Gg sa Iba pang Titik na napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Nn at Gg
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 3-5
Bright Part I pah. 112-123
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Nn/Gg, plaskard
III. Pamamaraan:
A. Gawain Bago Bumasa:
1. Paghahawan ng balakid:
Yaya probinsiya nawalay hinaplos
2. Pagganyak:
Sino ang nag-aalaga sa bata sa bahay?
Paano kung may hanapbuhay ang nanay, sino ang nag-aalaga sa bata?
Ipakita ang big book at hayaang magbigay ang mga bata ng kanilang paglalarawan sa mga nakikita dito.
3. Pangganyak na tanong:
Ano ang gusto ninyong malaman ang aking kwento?
Paano inaalagaan ni Yaya Naty si Nina?
4. Pamantayan sa Pakikinig sa Kwento
B. Gawain Habang Bumabasa
1. Pagbasa ng Guro sa kwento.
“Si Nina at Yaya Naty”
Umalis ang nanay at tatay ni Nina. Nagtungo sila sa probinsiya para dalawin ang Lolo at lola sa bukid.Habang wala
ang mag-asawa, naiwan si Nina sa kanyang Yaya Naty.
Sa umaga, pinaliguan ni Yaya Naty si Nina. Pagkatapos, ipinaghanda niya ito ng agahan; kanin, pritong isda at may
papaya pa. Pagkatapos kumain ng agahan, nagpunta na si Nina sa hardin kasama ng kanyang mga kaibigan upang
maglaro. Naglaro sila ng taguan, at saluhan ng dahon.
Nang matapos ang kanilang paglalaro nag-siuwi na ang mga kaibigan ni Nina.“Halika ka na Nina, “ ang tawag ng
yaya. Oras na para kumain ng hapunan. Binigyan ng yaya si Nina ng kanin, nilagang baka at katas ng dalandan.
Pagkatapos linisin at bihisan ng yaya si Nina, handa na siya sa pagtulog. Subalit hindi pa inaantok si Nina.
Ipinagtimpla siya ni Yaya Naty ng gatas para raw makatulog na siya.
Lumipas pa ang ilang oras ay gising pa rin si Nina. Hinihintay niya ang kanyang nanay at tatay.“Yaya Naty kelan
darating si nanay at tatay?” tanong ni Nina. “Huwag kang mag-alala, darating din sila kaagad.” Sabi ng yaya.Sige
aawitan kita para makatulog ka na.Subalit hindi pa rin makatulog si Nina.Hindi siya makatulog kapag wala ang kanyang
nanay at tatay. Ngayon lamang siya nawalay sa kanila.
“Alam ko na, babasahan na lang kita ng mga paborito mong kwento,” sabi ng Yaya.“Sige po yaya, gusto ko po yan.”
Sabi ni Nina.Ganoon nga ang ginawa ng yaya. Hindi pa man natatapos ang kwento ay napansin niya na nakatulog na si
Nina. Hinaplos-haplos ng yaya ang buhok ng natutulog na si Nina .
2. Talakayan:
Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento??
Saan nagpunta ang tatay at nanay?
Kanino naiwan si Nina?
Paano inalagaan ni Yaya Naty si Nina habang wala ang kanyang nanay at tatay?
C. Gawain Matapos Bumasa:
1. Ipasakilos ang ilang mga mahahalagang bahagi ng kwento.
2. Ipaguhit ang mga pagkaing inihanda ni Yaya kay Nina.
3. Iguhit ang mukha ni Nina habang wala ang kanyang nanay at tatay
(Magkaroon ng talakayan/pagpapaliwanag ng mga bata sa kanilang mga ginawa)
IV. Pagtataya:
Balikan ang mga detalye sa kwentong narinig. Ikahon ang wastong salita.
1. Si (Nina, Nena, Nita) ay may yaya.
2. Nagpunta sa (Amerika, probinsiya, Maynila) ang kanyang tatay at nanay.
3. Inalagaan si Nina ng kanyang ( lola, tita, yaya)
4. Hindi makatulog si Nina dahil (naiinitan siya, naaalala niya ang magulang niya, naguguton siya)
5. Binasahan ni yaya Naty ng (kwento, awit, balita) si Nina para siya makatulog.
V. Kasunduan:
Punan ang Venn Diagram ng mga kailangang impormasyon tungkol sa iyo.
Agahan ni Nina Agahan Ko

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikalawang Araw)
I.Layunin
Nagagamit ang mga panghalip na Kami at Sila.
II. PaksangAralin: “Si Nina at si Yaya Naty”
A. Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit ng Panghalip na Kami at Sila
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Nn at Gg sa Iba pang Titik na napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Nn at Gg
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Nn/Gg plaskard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Sino ang nag-alaga kay Nina habang nasa probinsiya ang nanay at tatay niya?
Bakit hindi makatulog si Nina?
2. Pagganyak:
Laro: Ipaayos ang mga pangyayari sa kwento ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
Umiinom si Nina ng gatas.____
Tulog na tulog na si Nina._____
Binabasahan ni Yaya Naty ng kwento si Yaya Naty.____
Inaawitan ni Yaya Naty si Nina para makatulog._____

B. Paglalahad:
Ilahad ang mga pangungusap:
Ako, si Nita at Nilda ay naglalaro ng taguan.
Kami ay masayang naglaro.
Sina Nilda, Nena at Nita ay nagtago.
Sila ay nagtakbuhan sa hardin.
Sina tatay at nanay ay aalis.
Sila ay pupunta sa probinsiya.
Sinu-sino ang mga naglalaro?
Ano ang nilalaro nila?
Sinu-sino ang aalis?
Anong panghalip ang ginamit kasama ang nagsasalita?
Anong Panghalip ang ginamit para sa mga taong pinag-uusapan.
C. Paglalahat:
Ang mga salitang ipinapalit sa pangalan ng tao ay tinatawag na panghalip.
Tandaan:
Ang Tayo at Sila ay mga panghalip.
Ginagamit ang panghalip na Tayo para sa dalawa o higit pang mga tao kasama ang nagsasalita.
Ginagamit ang panghalip na Sila para sa dalawa o higit pang tao na pinag-uusapan.
D. Paglalapat:
Gamitin ang Kami o Sila upang mabuo ang pangungusap.
Nanay at bata sa kusina

Si nanay at ako ay nasa kusina.


____ay nasa kusina.

3 babae patungo sa paaralan

Magkakasamang naglalakad sina Ric. Ton, at Ed.


_____ay patungo sa paaralan.
IV. Pagtataya:
Punan ng Kami o Sila ang patlang.
1. pamilyang sama-samang nagsisimba
Sina tatay, nanay at ako ay nagsisimba.
_____ay nagpapasalamat sa Diyos.
2. 2 bata na bumibili ng sorbetes
Sina Nitoy at Popoy ay mahilig sa sorbetes.
_____ay kumakain ng sorbets sa apa.
3. 2 bata nakikinig sa guro
Sina Mar at Marianne ay nakikinig sa guro.
_____ay tahimik na nakikinig.
4. 1 babae at 1 lalaki umiinom ng gatas
Si Ate Lita at ako ay umiinom ng gatas.
____ay malusog at maliksi.
5. 2 babae naghuhugas ng plato
Si Pia at ako ay naghuhugas ng plato.
____ay maingat para hindi makabasag.
V. Kasunduan:
Gumuhit ng 5 larawan may simulang tunog/titik na Nn sa iyong kwaderno.

Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin
Nakikilala at nabibigkas ang tunog ng titik Nn sa iba pang titik na napag-aralan na.
Naiuugnay ang mga salita sa angkop na larawan.
Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.
Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.
II. PaksangAralin: “Si Nina at si Yaya Naty”
A. Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at
pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa Pantukoy na Ito sa pangungusap.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Ss at Ii sa Iba pang Titik na napag-
aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Nn at Gg
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Nn/Gg plaskard
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Sinu-sino ang mga tauhan sa kwentong ating binasa?
2. Pagganyak:
Awit: Ako ang Kapitbahay Mo
Pahulaan: Katulong ako ng doktor sa panggamot ng mga maysakit. Sino ako?
B. Paglalahad:
Ilahad ang mga larawang may simulang tunog na Nn.
Bigkasin ang ngalan ng bawat larawan;
Nene noyog nota nars , nanay nunal
Pabilugan ang simulang titik ng bawat ngalan ng larawan.
Saang titik nagsisimula ang bawat larawan?
C. Paglalahat:
Ano ang tunog ng titik Nn?
Awitin: Ano ang tunog ng titik Nn.
/Nn/ ay may tunog na /en/. Imustra sa bibig.
D. Paglalapat:
Pagbuo ng mga pantig, salita, parirala, pangungusap at kwento: Gamit ang mga titik na napag-aralan
na: Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, ,Ll at Nn
Pagsamahin ang mga titik at bumuo ng:
Pantig:
Ma me mi mo mu
Sa se si so su
Ba be bi bo bu
Ta te ti to tu
Ka ke ki ko ku
La le li lo lu
Na ne ni no nu
Parirala:
Nita at Nini
Nena at Nila
Tina at Lina
Lino at Nina
Tunog ng nota
Mga abaniko
Ang baon
Sina nana at tatay
Pangungusap:
Sina Nita at Nini ang nasa bayan.
May abaniko sa banig.
Paano niluto ang nata?
Makulay ang abaniko.
Mataas ang tunog ng nota.
Sino ang binibini?
IV. Pagtataya:
Iugnay ang salita sa angkop na larawan.
Salita Larawan
1. Nars niyog
2. Niyog nunal
3. Nanay nars
4. Nota nanay
5. Nunal nota
V. Kasunduan:
Gumuhit ng 5 salitang may simulng titik na /Gg/.

Puna:

___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin
Nakikilala at nabibigkas ang tunog ng titik Nn at Gg sa iba pang titik na napag-aralan na.
Naiuugnay ang mga salita sa angkop na larawan.
Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.
Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.
II. PaksangAralin: “Ang Munting Gamu-gamo”
A. Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa mga Panghalip na Kami at Sila
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Nn at Gg sa Iba pang Titik na napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Nn at Gg
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ll/Yy plaskard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Lagyan ng / ang larawang may simulang titik na Nn
Bola nanay laso sili nota nunal nars
2. Pagganyak:
Ano ang ginagawa ng nanay bago siya umalis ng bahay?
Sino ang kanyang pinagbibilinan?
Sinusunod naman kaya ng anak ang bilin ng nanay?
Ano kaya ang mangyayari kung hindi susundin ang bilin ng nanay?
B. Paglalahad:
1. Iparinig ang kwento: “Munting Gamu-gamo”
Isang munting Gamu-gamu ang tuwang-tuwa sa liwanag ng isang nakasinding gasera. Gustong-gusto niya ang liwanag na
taglay nito. Paikot-ikot siyang lumilipad dito. Napansin ng inang Gamu-gamo ang ginagawa ng anak.
“Huwag na huwag kang lalapit sa liwanag. Masusunog ang iyong pakpak,” kabilinbilinan ng ina sa munting gamu-gamo.
Subalit talagang gustong-gusto ng maliit na gamu-gamo ang liwanag. Nagpatuloy siya sa paglipad at pag-ikot sa gaserang
may liyab. Maya-maya, napasigaw siya at biglang nadikit ang kanyang pakpak sa apoy. Walang nagawa ang Inang Gamu-
gamo kundi mapaiyak sa sinapit ng anak.
2. Pagtalakay
Tungkol saan ang kwento?
Bakit napahamak ang Munting Gamu-gamo?
Anong aral ang natutuhan mo sa kwento/
3. Anong kulisap ang matigas ang ulo?
Saan siya binawalang lumapit ng ina?
Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.
Gamu-gamo gasera
Ano ang simulang titik/tunog ng mga salita sa pisara.
Pagbigayin pa ang mga bata ng iba pang halimbawa ng mga salitang may simulang tunog na Gg:
Gatas Gemo ginatan goma guro
C. Paglalahat:
Ano ang tunog ng titik Gg?
D. Paglalapat:
Pagbuo ng mga pantig, salita, parirala, pangungusap at kwento:
Pantig; Gamit ang mga titik na napag-aralan na: Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, Ll , Yy , Nn at Gg.
Pagsamahin ang mga titik at bumuo ng:
Pantig:
Ma me mi mo mu
Sa se si so su
Ba be bi bo bu
Ta te ti to tu
Ka ke ki ko ku
La le li lo lu
Ya ye yi yo yu
Na ne ni no nu
Ga ge gi go gu
Salita:
Gata, gabi, gala, gana, gitna, gamu-gamo, goma, gansa, galak, balag, bantayog, gusto, tubig, banig, sago, gulaman,
gora, hilig, sahig
Parirala:
Gatas at gabi, gamu-gamo at gagamba, ang gansa, may gatas, gusto sa sahig, tulog sa banig
Pangungusap:
Malasa ang gabi sa gata.
Malamyos ang tunog ng lata.
Madumi ang gagamba.
Anim ang gansa sa ilog.
May ginto sa sahig.
Matamis ang sago at gulaman.
Kwento:
Ang Gitara
Si Gina ay iisa-isa sa kubo. Nilalaro niya ang manika.
Maya-maya ay nakita Ni Gina ang gitara. Sa kuya niya ang gitara. Nilaru-laro niya ito. Nasira ang gitara. Lumuha si
Gina. Nahihiya siya sa kuya niya.
Sino ang nag-iisa?
Ano ang nilalaro niya?
Bakit siya lumuha?

IV. Pagtataya:
Ikahon ang tamang salita para sa larawan.
1. larawan ng goma goma gora gota
2. larawan ng guro nanay ate guro
3. larawan ng gansa manok gansa bibe
4. larawan ng gagamba gamu-gamo lamok gagamba
5. larawan ng gunting kutsilyo gunting lagare

V. Kasunduan:
Pagsanayang basahin sa bahay ang kwentong napag-aralan ngayon.
Puna:

___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Layunin
Nasusulat ang malaki at maliit na titik Nn at Gg

II. PaksangAralin: Wastong Pagsulat ng mga Titik Nn at Gg


A. Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at
pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit ng Panghalip ng Kami at Sila
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Gg at Nn sa Iba pang Titik na
napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Nn at Gg
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Nn /Gg , plaskard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang unang tunog ng mga larawan?
(Nn at Gg )
Nanay gunting nars gansa gora goma
2. Pagsasanay kaugnay sa mga napag-aralan na titik.
Pagsasanay 1- Pagbuo ng mga pantig gamit ang mga titik na napag-aralan na:

Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, Ll,,Yy, Nn at Gg

Pagsasanay 2 – Iugnay ang larawan sa tamang salita.

Larawan Salita
1
Nars
Goto
Gatas
Nanay
nunal

Pagsasanay 3
Magpaligsahan sa Pagbasa ng parirala na nasa plaskard.

Pagsasanay 4
Pagguhit ng mga larawan na may simulang titik Nn at Gg.

IV. Pagtataya:
Pagsulat ng titik Nn at Gg
Nn Nn Nn Nn Nn
Gg Gg Gg Gg Gg

V. Kasunduan:
Pagsanayang basahin sa bahay ang kwentong napag-aralan ngayon.

Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa Filipino I
Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikalawang inggo
(Unang Araw)

I. Layunin
Nasasagot ang mga tanong na: “Saan mahahanap ang mga gulay sa kuwento?”

II. Paksa: Pangangalaga sa Sarili at Kapaligiran; Paghuhugas ng mga Kamay at Paa


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang sarili; naibabahagi sa iba ang mga
pangsariling hilig at gusto.
2. Gramatika: Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay.
3. Phonological Awareness: Natutukoy kung magkakatugma o hindi ang isang pares ng salita.
Mga kagamitan: mga bagay na ginagamit sa paglilinis ng katawan

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya
Laro: Unahan sa paghanap ng mga bagay (Cut-out) na ginagamit sa paliligo.
Isagot ang batayang tanong na:
“Nasaan mo nahanap ang _____?”

2. Tukoy-Alam
Ano ang ginagawa ninyo bago kayo matulog?

3. Tunguhin
Sabihin ngayong araw ay aalamin natin kung ano ang hindi ginawa ng bata sa kwento kay’t may
nahanap siyang mga gulay kung saan-saan. Saan kaya ito?

4. Paglalahad
Iparinig ang kwento na
“Ayaw Maligo ni Delay”
Kung may ayaw na ayaw gawin ang batang si Delay, ito ay ang paliligo. Paano kasi ay takot siya
sa tubig. Kahit napapagalitan na siya ng kanyang ina ay panay pa din ang gawa niya ng dahilan
huwag lamang siyang makapaligo. Dikit-dikit at malagkit at kanyang buhok. Mainit ang pakiramdam
ng kanyang balat.May maasim na amoy na rin ang kanyang katawan. Kahit anong utos at sabi ng
nanay, ayaw pa rin siyang pakinggan ng anak.
Isang araw, napatingin si Delay sa salamin. Bigla itong napasigaw. “Naku, ano ito? Bakit may
tumutubong halaman sa likod ng tainga ko.?” Maya-maya, lalong nanlaki ang mata ni Delay ng
makita na may tumubo ring halaman sa kanyang batok. Napaiyak siya dahil kahit sa kanyang noo ay
may tumubo rin dahon. “Bakit nagkakaganito ako?” tanong niya sa sarili.
Maya-maya, narinig niya ang isang tinig, “Di mo ba alam Delay, gustong gusto ng mga halaman
na tumutubo sa mga banil o libag?” Lalong dadami ang mga halamang tutubo sa iyong katawan
habang hindi ka naliligo dahil gustong –gusto ng mga halaman sa makapal na libag.” Nagsisigaw si
Delay. Maliligo na po ako! Delay, Delay gising, anak nananaginip ka. Mula noon nagbago na si
Delay. Naging malinis na siya sa kanyang katawan.

5. Talakayan:
Sino ang batang tamad maligo?
Bakit ayaw niyang maligo?
Ano ang tumubo sa kanyang katawan?

6. Pagtuturo at Paglalarawan:
Tambalang Gawain: Laro
Bawat bata ay hahanap ng kapareha niya. Gamit ang isang gulay (cut-out o plastic) susundin ang
sasabihin ng guro.
“May tumubong gulay sa (posisyon) (bahagi ng katawan).
May tumubong gulay sa likod ng tainga.

IV. Pagtataya:
Gamit ang isang gulay, imumustra ng guro kung saang bahagi ng katawan ito tumubo.
Sasagutin naman ng mga bata ang tanong na: Saan mahahanap ang mga gulay sa kuwento?

V. Takdang Aralin
Iguhit ang batang tinubuan ng gulay sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Puna :
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Linggo
(Pangalawang Araw)

I. Layunin
Nakapagbabahagi ng sariling karanasan ukol sa paglilinis ng katawan.

II. Paksa: Pangangalaga sa Sarili at Kapaligiran; Paghuhugas ng mga Kamay at Paa


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang sarili; naibabahagi sa iba ang mga
pangsariling hilig at gusto.
2. Gramatika: Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay.
3. Phonological Awareness: Natutukoy kung magkakatugma o hindi ang isang pares ng salita.
Mga kagamitan: mga bagay na ginagamit sa paglilinis ng katawan

III. Pamamaraan:
1. Balik-aral:
Pahulaan:
Dumi mo’y aking tinatanggal
Sa tulong ng tubig na pambanlaw.
Ano ako?
Sa tulong ng tubig at sabong mabula.

2. Tunguhin
Sabihin ngayong araw ay malalaman natin kung paano ang tamang paglilinis ng ating katawan.

3. Paglalahad:
Iparinig ang tula.
Kung nais mong ikaw ay bumango
Maligo ka sa banyo
Kung nais mong ikaw ay gumanda
Maghilamos ka tuwing umaga.

Ako’y naliligo araw-araw


Upang wala akong amoy sa katawan
Malinis, maganda at mabango
Kahit na ako’y halikan mo.

Maligo ka araw-araw
Mabuti ito sa katawan
Pawis, dumi’y mawawala
Sa tulong ng tubig at sabong mabula.

4. Pagtuturo at Paglalarawan
Ipakita ang tsart na nagpapakita ng mga hakbang sa paglilinis ng katawan. Talakayin ang
kahalagahan ng bawat hakbang.

5. Kasanayang Pagpapayaman
Pangkatang Pagbigkas:
Batang malinis sa katawan
Araw-araw pinaliliguan
Malinis, magaan ang pakiramdam
Malayo sa sakit at karamdaman.

IV. Pagtataya:
Maglaro ng “Hot Potato” kung sino ang makakahawak sa Hot potato ang siyang magbabahagi ng
karanasan ukol sa paglilinis ng katawan.

V. Kasunduan:
Gumuhit ng mga bagay na ginagamit sa paliligo sa inyong kwaderno.

Puna:

____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa Filipino I
Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin
Natutukoy kung magkatugma o hindi ang isang pares ng salita.

II. Paksa: Pangangalaga sa Sarili at Kapaligiran; Paghuhugas ng mga Kamay at Paa


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang sarili; naibabahagi sa iba ang mga
pangsariling hilig at gusto.
2. Gramatika: Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay.
3. Phonological Awareness:Natutukoy kung magkakatugma o hindi ang isang pares ng salita.
Mga kagamitan: mga bagay na ginagamit sa paglilinis ng katawan

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Ano ang ibig sabihin ng mga salitang magkatugma?

2. Tunguhin
Sabihin ngayong araw ay tutukuyin natin ang mga salitang magkatutugma.

3. Paglalahad
Muling balikan ang tulang napag-aralan.
Ilahad ito sa tsart at hayaang piliin ng mga bata ang mga salitang magkakatugma tulad ng:

Bumango - banyo
Gumanda – umaga
Mabango- mo
Mawawala- mabula

4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Pagbigayin ang mga bata ng mga salitang katugma ng:
Bimpo
Tuwalya
Sabon
Tubig
Sepilyo
Tabo

5. Kasayanang Pagpapayaman
Pumalakpak kung ang pares ng salitang sasabihin ko ay magkatugma.
Sabon –ibon
Tuwalya – tulya
Bimpo - tubig

6. Kasanayang Pagkabisa
Laro: Hanapin Mo
Bigyan ng mga salita sa plaskard ang mga bata. (apat na pares) sa hudyat ng guro hayaang hanapin ng
mga bata ang katugma ng hawak niyang salita. Ang unang pares na makakabuo ng magkatugmang
salita ang siyang panalo.

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / kung magkatugma ang pares ng salita. Lagyan ng X kung hindi.
___1. Sabon-kolon
___2. Tubig – bibig
___3. Bimpo – upo
___4. Tuwalya – pabango
___5. Syampu – gel

V. Kasunduan:
Sumulat ng 2 pares ng salitang magkatugma sa iyong kwaderno.

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin
Naisasalaysay muli ang kwentong “Ayaw Maligo ni Delay”

II. Paksa: Pangangalaga sa Sarili at Kapaligiran; Paghuhugas ng mga Kamay at Paa


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang sarili; naibabahagi sa iba ang mga
pangsariling hilig at gusto.
2. Gramatika: Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay.
3. Phonological Awareness:Natutukoy kung magkakatugma o hindi ang isang pares ng salita.
Mga kagamitan: mga bagay na ginagamit sa paglilinis ng katawan

III. Pamamaraan:
1.Paunang Pagtataya:
Anu-ano ang mga mahahalagang pangyayari ang naganap sa kwento?

2. Tunguhin
Sabihin ngayong araw ay susubukin nating ikwento muli ang kwentong “Ayaw Maligo ni Delay”.

3. Paglalahad
Gabayan ang mga bata na balikan ang kwento sa pamamagitan ng pamatnubay ng mga tanong.
Bigyang pagkakataon ang mga bata na makapagbahagi ng bahagi ng kwentong natandaan niya.(Round-
Robin)

4. Kasayanang Pagpapayaman
Pangkatang Gawain:
Papiliin an glider ng bawat pangkat ng bahagi ng kwento na nais nilang isadula.

6. Kasanayang Pagkabisa
Pagbabahagi ng paboritong tagpo sa kwento.

IV. Pagtataya:
Muling isalaysay ang kwento sa pamamagitan ng pagguhit sa paboritong tagpo sa kwento.

V. Kasunduan:
Buuin ang tugma:
Ang kalinisan ay ___________.

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Layunin
Nahahanap ang mga itinagong gamit sa paliligo ng guro; Nasasagot ang tanong na: “Nasaan
nahanap ang ____?”

II. Paksa: Pangangalaga sa Sarili at Kapaligiran; Paghuhugas ng mga Kamay at Paa


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang sarili; naibabahagi sa iba ang mga
pangsariling hilig at gusto.
2. Gramatika: Natutukoy ang mga salitang nagsasabi ng posisyon ng isang bagay.
3. Phonological Awareness: Natutukoy kung magkakatugma o hindi ang isang pares ng salita.
Mga kagamitan: mga bagay na ginagamit sa paglilinis ng katawan
III. Pamamaraan:
1.Paunang Pagtataya:
Ano ang gagawin mo para makita ang bagay na gusto mong Makita?

2. Tunguhin
Sabihin ngayong araw ay susubukin nating tukuyin ang posisyon ng mga bagay sa loob at labas ng
silid-aralan.

3. Paglalahad
Ipakita ang sabon sa ibabaw ng mesa.
Itanong; Nasaan ang sabon?
Maglagay ng iba pang gamit pampaligo sa iba’t ibang posisyon at ipasabi ang kinalalagyan nito.

4. Kasanayang Pagpapayaman
Loop a word: Hanapin ang mga salita na nagsasabi ng mga gamit pampaligo.
Bilugan ang mga ito.

bimpo unan kahoy shampoo tubig


langis sabon

5. Kasanayang Pagkabisa
Pagguhit ng mga bata sa mga gamit pampaligo.

IV. Pagtataya:
Laro: Nasaan mo nahanap ang ____?
Pabilisan sa paghanap ng mga gamit pampaligo na itinago ng guro.
Bawat makakita ay sasagutin ang tanong sa itaas.

V. Kasunduan:
Iguhit mo ang paborito mong tagpo sa kwento.

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Unang Araw)

I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Naiisa-isa at nauuri ang mga pangunahing pangangailangan ng mag-anak
- tirahan

II. PAKSANG-ARALIN:
. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 110-112
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anong uri ng kasuotan ang kailangan mo isuot kung:
malamig ang panahon?
papasok ka sa paaralan?
maalinsangan?
umuulan?
2. Pagganyak:
Tula: ANG AMING TAHANAN
Ang aming tahana’y
tunay na maganda
Maliit po lamang
ngunit kaaya-aya.
May mga halaman,
bulaklak, at iba pa.
Mayroong gulayan,
prutas na hinog na.

Sa bandang likuran
ay may palaruan
Dito kaming lahat
ay nagtatakbuhan.
Sa tagliran nama’y
mayroong hayupan.
May bibe po’t manok
alaga sa palay.

Bagama’t maliit
ang aming tahanan,
punung-puno naman
ng kaligayahn
Si Mommy, si Daddy
ay nagmamahalan.
Si ate’t si Ditse
ay nagbibigayan.
Anong uri ng tahanan ang nabanggit sa tula?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Paano nakakapamuhay nang maayos ang iyong mag-anak?
2. Paglalahad:
Magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang tirahan : Hayaang magbigay ang mga bata ng kanilang obserbasyon
at kuro-kuro tungkol ditto.
3. Pagtalakay:
Alin sa mga larawang ito ang katulad ng tahahan ninyo?
Paano ninyo pinahahalgahan ang inyong tirahan?
Ipakita ang larawan ng mag-anak na nakatira sa kariton.
Ano kaya ang maaring mangyari kung walang tirahan ang mag-anak? Magiging maayos kaya ang kanilang
araw-araw na pamumuhay?
Komportable kaya nilang magagawa ang kanilang gampanin?
4. Pagpapahalaga:
Maliit o malaki man ang tirahan dapat natin itong pahalagahan at ipagmalaki.
5. Paglalahat:
Anong pangangailangan ng mag-anak ang nagbibigay proteksiyon sa mga kasapi laban sa ulan at matinding
sikat ng araw at kapahamakan sa lansangan?
Tandaan:
Bawat mag-anak ay dapat na mabigyan ng maayos na tirahan upang mailigtas sa anumang uri ng kapahamakan.
6. Paglalapat: Iguhit ang tirahan na ibig mo.
IV. Pagtataya:
Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang kailangan natin araw-araw?
a. Sasakyan b. alahas c. pagkain
2. Ano ang nagbibigay proteksiyon sa atin laban sa sakit na dulot ng paiba-ibang panahon?
a. Tirahan b. pagkain c. laruan
3. Anong isusuot mo kung panahon ng tag-init?
a. Kapote b. yuniporme c. sando
4. Bahagi ito ng tahanan kung saan natutulog ang mag-anak.
a. Silid-tulugan b. kusina c. palikuran
5. Sa inyong tahanan ditto nagluluto ang nanay.
a. Palikuran b. kusina c. sala

V. Kasunduan:
Gumupit ng mga larawan ng ibat-ibang uri ng pangunahing pangangailangan ng mag-anak. Idikit sa iyong
kwaderno.

Puna:_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin
ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikalawang Araw)
I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Naiisa-isa at nauuri ang mga iba pang pangangailangan ng mag-anak
- Malinis na tubig
II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 110-112
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga pangunahing pangangailangan ng mag-anak?
2. Pagganyak:
Tugma:
Tubig
Lahat halos ng gawain
Tubig ang kailangan natin
Huwag hayaang ito’y masayang
Nang di tayo maubusan.
Anong mahalagang pangangailangan natin ang nabanggit sa tugma?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anu-anong mga gawain ang nangangailangang gamitan ng tubig?
Maginhawa kayang makakapamuhay ang mag-anak kung walang malinis na tubig?
2. Paglalahad:
Sabado noon at abalang-abala ang nanay sa paglalaba. Pagkatapos niyang maglaba at maisampay ang
damit ay nagpahinga na siya.ang sabi niya bago matulog, “Sarah, sandali na lamang at matutuyo na ang
mga damit. Bago ka makipaglaro ay isilong mo muna ang sinampay.
“Opo, Inay,” sagot ni Sarah. Ilang saglit pa ay tuyo na ang mga sinampay. Sinamsam ni Sarah ang
mga ito at siyang pagdating naman ng kanyang kalaro. Naglalaro na sila nang biglang bumuhos ang
ulan.
3. Pagtalakay:
Anong mahalagang gawain ang ginawa ng nanay?
Paano kaya ang mangyayari kung hindi malalaban an gang ating kasuotan? Magiging komportable
kaya tayong makakakilos araw-araw?
Anu-ano pa ang mga gawain sa tahan na nangangailangan ng tubig?
4. Pagpapahalaga:
Paano ka makakatulong sa pagtitipid ng tubig?
Paano mo mapangangalagaan ang mga bahaging tubig sa iyong pamayanan tulad ng sapa, ilog?
5. Paglalahat:
Anong iba pang pangangailangan ng mag-anak ang dapat nating pahalagahan at tipirin?
Tandaan:
Kailangan ng mag-anak ng tubig upang magawa ang iba’t ibang gawain sa tahanan. Kailangan din ng
bawat kasapi ng malinis na tubig na maiinom upang makaiwas sa pagkakaroon ng karamdaman.
6. Paglalapat:
Ano ang dapat mong gawin upang makatipid sa paggamit ng tubig kung ikaw ay:
Nagsesepilyo?
Naliligo?
Nagdidilig ng halaman?
Naglalaba?
Naghuhugas ng plato?

IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
___1. Tubig ay mahalaga kaya di dapat mag-aksaya.
___2. Walong baso ng tubig ang dapat inumin ng bawat kasapi ng mag-anak araw-araw.
___3. Ang malinis na tubig ay nakapagdudulot ng sakit.
___4. Maraming gawain ang ginagamitan ng tubig.
___5. Mamamatay ang lahat ng may buhay kung walang tubig.

V. Kasunduan:
Isaulo ang tugma tungkol sa tubig at humanda sa pagbigkas sa harap ng klase bukas.

Puna:_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikatlong Araw)
I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Naiisa-isa at nauuri ang mga iba pang pangangailangan ng mag-anak
- Kuryente o elektrisidad
II. PAKSANG-ARALIN:
. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 110-112
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Tama o Mali
-Mahalaga ang tubig.
-Isara ang gripo kung hindi na ginagamit.
-Gumamit ng baso kung nagsisispilyo.
-Isang basong tubig ang kailangang inumin ng bawat kasapi ng mag-anak.
-Magtipid sa paggamit ng tubig.
2. Pagganyak: Makikiisa ako palagi sa pagtitipid ng kuryente.
Anu-anong mga kagamitan o kasangkapan ang
mayroon sa inyong tahahan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anong mahalagang bagay ang nagpapaandar o nagpapagana sa iba’t ibang kasangkapan sa tahahan?
2. Paglalahad:
. Ipakita ang larawan ng ibat-ibang kagamitan sa tahanan tulad ng : Telebisyon, ref, electric fan,
kompyuter, oven, washing machine, atbp.
Hayaang magbigay ang mga bata ng kanilang pagbabahagi sa mga karanasan sa paggamit ng mga bagay
na nabanggit.
3. Pagtalakay:
Ano ang nagpapagana o nagpapaandar sa mga kasangkapang ito sa ating tahanan?
4. Pagpapahalaga:
Paano ka makakatulong sa pagtitipid ng kuryente?

5. Paglalahat:
Anong iba pang pangangailangan ng mag-anak ang dapat nating pahalagahan at tipirin?
Tandaan:
Kailangan ng mag-anak ng kuryente upang magawa ang iba’t ibang gawain sa tahanan. Ang mga
kasangkapang ginagamitan ng kuryente ay nakakatutulong upang mapagaan at mapabilis ang mga
gawain sa tahanan.
. Paglalapat:
Lutasin: Matutulog na si Ana. Hindi na niya kailangan ang ilaw. Ano ang dapat niyang gawin? Bakit?

IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
___1. Bukas-sara si Albert sa refrigerator.
___2. Iniwanan ni Angie na bukas ang ilaw kahit tulog na siya.
___3. Pinapatay ni Jun ang TV kung tapos na siyang manood?
___4. Buong araw ginagamit ni Gina ang kompyuter.
___5. Sabay-sabay mamalantsa ang ate ng mga damit .

V. Kasunduan:
Iguhit ang sarili habang gumagamit ng isang kagamitan na ginagamitan ng kuryente.
Sa ilalim ng larawan isulat ang isang pangako.

Puna:_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng ___na


bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Naiisa-isa at nauuri ang mga iba pang pangangailangan ng mag-anak
- Malinis na kapaligiran
- Malinis na hangin

II. PAKSANG-ARALIN:
. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 110-112
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-anong mga kasangkapang de-kuryente ang ginagamit sa ating mga tahanan?
Paano ka makakatulong sa pagtitipid sa kuryente kung gumagamit ka ng mga kasangkapang de-
kuryente sa inyong tahanan?
Bakit kailangan mong makiisa sa pagtitipid sa kuryente?
2. Pagganyak:
Magpakita ng larawan ng isang pamayanan na marumi.
Isang pamayanan na malinis.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Saang pamayanan mo ibig manirahan? Bakit?
2. Paglalahad:
Ilahad ang isang awit: Tingnan ang kopya sa Alab ng Puso I pah. (Mas makabuluhan kung
makakagamit ng kaset at iparinig ang awit)
Ano ang nangyari sa kapaligiran ayon sa awit?
3. Pagtalakay:
Anu-anong mga gawain ng mga mag-anak ang nagpaparumi sa Hangin?
4. Pagpapahalaga:
Paano ka makakatulong sa pagpapanatiling malinis ang paligid?

5. Paglalahat:
Anong iba pang pangangailangan ng mag-anak ang dapat nating pangalagaan?
Tandaan:
Kailangan ng mag-anak ng malinis na hangin upang makapamuhay nang maayos at maginhawa at
malayo rin sa anumang uri ng karamdaman.
. Paglalapat:
Lutasin: Nakita mo na nagsisiga ang ate mo. Sinusunog niya ang mga plastic na pinagbalutan ng mga
binili niya sa palengke. Ano ang gagawin mo?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang mga gawain ng mag-anak na nakakatutulong sa pagpapanatiling malinis ang hangin.
X ang hindi.
__1. Pagtatanim ng mga halaman.
__2. Pagsusunog ng mga basura.
__3. Pag-iwas sa paggamit ng mga pangspray sa buhok.
__4. Pagtitipid sa paggamit ng sasakyang gumagamit ng gasoline at kurudo.
__5. Paglilinis ng bakuran.

V. Kasunduan:
Iguhit ang isang malinis na kapaligiran na ibig mong tirahan.
.

Puna:
_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____
na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikalimang Araw)
I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Naiisa-isa at nauuri ang mga iba pang pangangailangan ng mag-anak
- Malinis na kapaligiran

II. PAKSANG-ARALIN:
. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 110-112
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Magbigay ng mga Gawain ng mag-anak na napakagpaparumi sa hangin.
Paano maiiwasan ang mga gawaing nabanggit?

2. Pagganyak:
Tugma: Halinang Magtanim
Halinang magtanim
Duhat, mangga’t balimbing
Bunga’y kaysarap kainin
Sa malamig nilang lilim.
Nakakain na ba kayo ng mga prutas na nabanggit sa tugma?
Anong gawain ang hinihikayat ang lahat na gawin sa tugma?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Makakapamuhay kaya ang isang mag-anak kung marumi ang kanilang paligid?
2. Paglalahad:
Muling balikan ang awit na napakinggan.
Ano ang nangyari sa dating malago at makapal na mga puno sa ating kagubatan?
3. Pagtalakay:
Anu-anong mga gawain ng mga mag-anak ang nagpaparumi sa lupa?
4. Pagpapahalaga:
Paano ka makakatulong sa pagpapanatiling malinis ang paligid?

5. Paglalahat:
Anong iba pang pangangailangan ng mag-anak ang dapat nating pangalagaan?
Tandaan:
Kailangan ng mag-anak ng malinis na lupa upang makapamuhay nang maayos at maginhawa at malayo
rin sa anumang uri ng karamdaman.
. Paglalapat:
Lutasin:
Anong gawain ng mga mag-anak ang nagdudulot ng pagkasira ng mga puno sa ating paligid?
Paano ito maiwawasto at malulunasan?
Pagpapahalaga: Paano ka makakatulong sa pagpapanatiling malinis ang mga anyong lupa sa bansa?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang mga gawain ng mag-anak na nakakatutulong sa pagpapanatiling malinis ang lupa. X
ang hindi.
__1. Pagtatanim ng mga halaman.
__2. Pagtatapon kung saan-saan lang.
__3. Pagbubukud-bukod ng mga basura sa uri na nabubulok at di-nabubulok.
__4. Pagtatanim sa mga bakanteng lote.
__5. Pagwawalis ng paligid.

V. Kasunduan:
Maglista ng mga basura ayon sa uri:
Nabubulok Di-nabubulok
1.
2.

Puna:
_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____
na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa Matematika
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
(Unang Araw)

I. Mga layunin
Napagsasama ang dalawang pangkat ng mga bagay na may bilang na 1-9.
Nagagamit ang mga bagay sa paggawa ng set o pangkat ng mga bagay
Nakapamimili nang mabuti.
II. Paksa
A. Aralin 1: Pagsasama ng mga Bagay mula 1-9
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28
Lesson Guide in Elem . Math pah. 119-127
C. Kagamitan: larawan ng mga bagay
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto : Pagsasama ng mga bagay na may
bilang 1-9
Pagpapahalaga: Pagpapasalamat
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Ilahad ang mga barya at papel na pera na napag-aralan na.
Tumawag ng mga bata at hayaang ibigay ang halaga ng mga set ng barya at papel na pera na ipakikita
ng guro.
Hal. Magkano ang pera mo kung mayroon kang:
P20 P20 P5 P1 P1 25c 25c_______
2. Balik-aral
Tumawag ng isang bata. Sabihan ito na kumuha ng mga gamit niya sa bag.
Ano ang mga gamit na nakuha ni Bea?
3 notbuks ang tawag sa mga gamit na ito ay set ng notebooks.
B. Paglalahad:
1. Iparinig ang kwento:
Isang araw, nagpunta ang nanay sa pamilihan. Bumili siya ng isada, karne at mga gulay. Bumili rin
siya ng pasalubong para sa kanyang mga anak na sina Dino at Danica.
Hulaan ninyo kung ano ang pasalubong ng nanay sa kanyang mga anak.
Pinasasalubungan din ba kayo ng inyong nanay?
Ano ang sinasabi ninyo kung nakakatanggap ng pasalubong?
C. Pagsasagawa ng Gawain
Narito ang pasalubong ng nanay kay Dino at Danica.
Ipakita ang cut-out.
Dino 1 mansanas
Danica 1 mangga
Kung kayo ang makakatanggap ng pasalubong alin ang mas gugustuhin mo, prutas o kendi? Bakit?
Ano ang pasalubong para kay Dino? Para kay Danica?
Pagsamahin natin ang pasalubong nila.
(1 mansanas) (isang mangga)
(isang mansanas isang mangga)
Anong bagong pangkat o set ang nabuo nang pinagsama ang kay Dino at kay Danica?
D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin
Magbigay ng mga tunay na bagay sa mga bata.
Hayaang bumuo ang mga bata ng bagong set sa pagsasama ng mga bagay.
Hal. 2 bola at 3 holen ( 2 bola , 3 holen)
E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan
Pagtambalin ang bagong set na mabubuo kung pagsasamahin ang mga
Mga bagay na Pinagsama Mabubuo na bagong set
1. 4 na bola at 2 bola a. 1silya,1 mesa
2. 3 sorbetes at 3 sorbetesb. 1puno. 1 kubo
3. 2 payong at 1 payong c. 3 sorbetes, 3 sorbetes d. 4bola, 2 bola
4. 1 silya at 1 mesa e. 2 payong, 1 payong
5. 1 puno at 2 kubo
F. Paglalahat
Paano tayo nakabubuo ng bagong set?
Ano ang ginagawa natin sa mga laman ng mga set?
Tandaan:
Makabubuo tayo ng bagong set kung pagsasamahin natin ang mga laman ng dalawang set.
G. Paglalapat:
Iguhit ang bagong set na mabubuo sa ( ).
(1 bangus) at ( 3 bangus) ( )
IV. Pagtataya: Gumamit ng larawan
Ano ang bagong set na mabubuo? Iguhit ito.
1. (1bola) at (1 lobo) ( )
2. (1 lapis) at (1 aklat) ( )
3. ( 2 payong) at ( 1 payong) ( )
4. ( 4 paru-paro) at (4 bulaklak) ( )
5. ( 3 babae) at (6 na lalaki) ( )
V. Takdang Aralin
Gumuhit ng isa pang set at pagsamahin ang laman sa bagong set.
( ) at ( ) ( )
Puna:
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkatuto
ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Mga layunin
Naipakikita ang ugnayan ng pagsasama ng mga set sa addition ng mga bilang.
Naisusulat ang wastong number stories.
Nakagagawa nang maayos kasama ng ibang bata.
II. Paksa
A. Aralin 1: Pagpapakita ng Ugnayan ng Pagsasama ng mga Set at Addition
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28
Lesson Guide in Elem . Math Pah. 119-127
C. Kagamitan: larawan ng mga bagay
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Pagpapakita ng Ugnayan ng Pagsasama ng mga Set at Addition
Pagpapahalaga: Pakikisalamuha nang maayos sa iba.
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: Bumuo ng 2 pangkat na may tig-5 miyembro. Bigyan ng card ang bawat bata sa unang pangkat
na may mga nakaguhit na bagay.
Bigyan naman ng card ang bawat bata sa kabilang pangkat ng may bilang. Hayaang pag-ugnayin ng mga bata
ang mga bagay at tamang bilang nito.
2. Balik-aral
Gamitin nag show-me-board
Ipaguhit sa mga bata ang bagong set na mabubuo kung pagsasamahain ang mga:
3 puno at 3 kubo ( )
2 papaya at 5 mangga ( )
B. Paglalahad:
Iparinig ang awit: Tono; Jack en Jill
Ken and Ann went to the store
To buy pencils and paper
Put the items together
Now, tell us what’s the answer.(pencils and paper)
(Repeat)
C. Pagsasagawa ng Gawain
1. Sinu-sino ang mga bata sa awit?
Ano ang binili nila?
Ano ang ginawa nila sa mga bagay na kanilang binili?
Ano ang nabuo nilang bagong set?
Isulat sa pisara ang sagot.
( 2 lapis) at (1 papel) (2 lapis 1papel)
Ilang lapis ang nabili? Isulat ang bilang sa ilaim ng larawan. Ilan ang papel? Anong salita ang kanilang ginamit
sa pagsasama?(at)
2 at 1 ay 3 ang tawag dito ay number sentence.
3. Magpakita pa ng halimbawa
2 bituin at 1 araw ay (2 bituin ,1 araw)
2 at 1 ay 3 2+1=3
D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin
Magpakita ng larawan. Sumulat ng number sentence ayon dito.
Gamitin: Larawan ng mama na may hawak na 5 lobo. 3 bata, 2 ibon 4 na bulaklak.
__bulaklak at __bata = _____
4+3=7
E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan
Gamit ang show-me-board. Hayaang isulat ng mga bata ang number sentence para sa bawat set na ipapakita
ng guro.
Hal. 3 lalaki at 5 babae 3 + 5 = 8
F. Paglalahat
Anong salita ang ginagamit sa pagsasama ng mga set?
Paano tayo sumusulat ng number sentence?
Tandaan:
Ang number sentence ay isinusulat sa pamamagitan ng pagbilang sa laman ng unang set at sa laman ng
pangalawang set. Pagsasamahain ang mga laman ng 2 set para makabuo ng bagong set. Ginagamit ang + plus
at = equal na simbulo.
G. Paglalapat:
Itambal ang number sentence para sa bawat set.
Tingnan ang Gawain sa pisara.
IV. Pagtataya: Gumamit ng larawan
Bilugan ang tamang number sentence.
1. 3 ibon at 4 na paru-paro
a. 3 + 3 =
b. 4 + 4 =
c. 3 + 4 =
2. 1 bola at 1 bat
a. 1+ 1 =
b. 2 + 1 =
c. 3 + 1 =
3. 5 bola at 5 lobo
a. 4 + 5
b. 5 + 5
c. 3 + 5
4. 2 bata at 6 na matanda
a. 2 + 6
b. 4 + 2
c. 4 + 4
5. 1 kotse at 3 jip
a. 2 + 2
b. 1 + 3
c. 4 + 0
V. Takdang Aralin
Iguhit ang set. Sumulat ng number sentence.
1. 4 na bag at 2 lalaki
2. 6 na butuin at 1 buwan
Puna:
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Mga layunin
Napagsasama ang dalawang isahang-digit na numero na may kabuuang bilang na 6 pababa.
Nakagagawa ng mga addition combinations gamit ang pamilang o counters.
Nakalakahok nang buong sigla sa mga gawain.
II. Paksa: Pagsasama ng Dalawang isahang digit na bilang na may kabuuang bilang na anim pababa.
A. Aralin 1:
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28
Lesson Guide in Elem Math I pah. 127-130
C. Kagamitan: larawan ng mga bagay
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Pagsasama ng Dalawang isahang digit na bilang na may kabuuang bilang na anim pababa.
Pagpapahalaga: Pakikisalamuha nang maayos sa iba.
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: Pagsamahin ang 2 set at bumuo ng bagong set gamit ang counters.
2. Balik-aral
Magpakita ng domino card . Hayaang magbigay ang mga bata ng addition sentence tungkol dito.
Hal.
OOO I OOOO
3+4=
3. Paganyak:
Awit: 1 and 1 , 2
2 and 2 , 4
3 and 3, are 6 for me
4 and 4, 8
5 and 5, 10
Little fingers of my hand.
Iyan ang Gawain natin ngayon.
Pagsasamahin natin nag mga bilang.

B. Paglalahad:
Gamit ang counters, hayaang bumuo ang mga bata ng number combinations na magbibigay ng
kabuuang bilang na anim pababa.
1+1 = 2 1+2 = 3 1+ 3 = 4
C. Pagsasagawa ng Gawain
Anu-anong bilang ang pagsasamahin para sa:
2? 3? 4? 5? 6?
D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin
Sabihin: Gumagamit tayo ng mga kataga sa Matematika tulad ng :
1 + 1 ay tinatawag na addends
+ plus sign
= equal sign
E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan
Pangkatang Gawain:
Pangkat 1 – Sum of 2
1 + ___ = 2
2 + ___= 2
__+ 1 = 2
__+ 2 = 2
Pangkat 2 – Sum of 3
Pangkat 3 – Sum of 4
Pangkat 4 – Sum of 5
Pangkat 5 – Sum
F. Paglalahat:
Ilang kombinasyon ang nabubuo para sa 2?3?4?5? at 6?
Anong salita ang addends?
Ano ang gamit ng plus (+)?
Ano ang gamit ng equal sign( =)?
Nakisali ka ba nang aktibo sa Gawain ng iyong pangkat?
Tandaan:
Ang addends ay ang dalawang bilang na pinagsasama.
Ang plus sign (+) ay simbulong ginagamit sa addition o pagsasama.
Ang equal sign ay simbulong ginagamit para sa sagot.
Ang sum ay ang sagot sa addition.
G. Paglalapat:
Laro: Unahan sa Pagbibigay ng number combinations sa sum na ibibigay ng guro.
IV. Pagtataya:
Isulat ang nawawalang bilang.
1. 1 + __=2
2. 2 + __= 3
3. __+ 5 = 6
4. 6 + __= 6
5. __+ 3 = 5

V. Kasunduan:
Bumuo ng number combinations para sa sum ng 7 at 8 sa iyong kwaderno.
Puna:
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Mga layunin
Napagsasama ang dalawang isahang-digit na numero na may kabuuang bilang na 7 hanggang 10..
Nabubuo ang addition combinations sa addition table.
Nalilinang ang pagkakaisa sa lahat ng pangkatang gawain.
II. Paksa: Pagsasama ng Dalawang isahang digit na bilang na may kabuuang bilang na 7 hanggang 10.
A. Aralin 1:
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28
Lesson Guide in Elem Math I pah. 127-130
C. Kagamitan: larawan ng mga bagay
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Pagsasama ng Dalawang isahang digit na bilang na may kabuuang bilang na 7 hanggang 10.
Pagpapahalaga: Pakikisalamuha nang maayos sa iba.
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: hanapin ang kapareha.
Gumamit ng domino cards at plaskard ng numero.
Hayaang pagtambalin ng mga bata ang domino cards at tamang number sentence tungkol dito.
2. Balik-aral
Gamit ang plaskard, magbalik-aral sa mga addition combinations para sa sum ng 6 pababa.
4. Paganyak:
Awit: 1 and 1 , 2
2 and 2 , 4
3 and 3, are 6 for me
4 and 4, 8
5 and 5, 10
Little fingers of my hand.
B. Paglalahad:
Magpakita ng mga plaskard na may bilang na
7, 8, 9, 10
Anu-anong bilang ang nakikita ninyo?
Gamit ang inyong counters, bubuo tayo ng mga number combinations para sa sum ng 7, 8, 9, 10.
Anu-anong 2 bilang ang makapagbibigay ng sum ng 7? 8? 9? 10?
1+6 6+1
2+5 5+2
3+4 4+3
7+0 0+7
Gayahin lamang ang proseso para sa sum ng 8, 9, at 10.
C. Pagsasagawa ng Gawain
Anu-anong bilang ang pagsasamahin para sa:
7? 8? 9? At 10?
D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin
Sabihin: Gumagamit tayo ng mga kataga sa Matematika tulad ng :
1 + 1 ay tinatawag na addends
+ plus sign
= equal sign
E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan
Pangkatang Gawain:
Pangkat 1 – Sum of 7
Pangkat 2 – Sum of 8
Pangkat 3 – Sum of 9
Pangkat 4 – Sum of 10
F. Paglalahat:
Ilang kombinasyon ang nabubuo para sa 7?8?9? 10?
Anong salita ang addends?
Ano ang gamit ng plus (+)?
Ano ang gamit ng equal sign( =)?
Nakisali ka ba nang aktibo sa gawain ng iyong pangkat?
Tandaan:
Ang addends ay ang dalawang bilang na pinagsasama.
Ang plus sign (+) ay simbulong ginagamit sa addition o pagsasama.
Ang equal sign ay simbulong ginagamit para sa sagot.
Ang sum ay ang sagot sa addition.
G. Paglalapat:
Magbigay ng mga addition combinations para mabuo ang addition table. Sa ibaba.
+ 0 1 2 3 4 5

1 3

2 3

4 6
5

IV. Pagtataya:
Isulat ang nawawalang bilang.
1. 2+6=
2. 5+4=
3. 9+1=
4. 5+5=
5. 5+2=

V. Kasunduan:
Gumawa ng sariling plaskards na may sum ng 6 hanggang 10. Humanda sa paligsahan sa susunod na
pagkikita.

Puna:
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Mga layunin
Napagsasama ang dalawang isahang-digit na numero na may kabuuang bilang na 11 hanggang 18.
Nabubuo ang addition combinations sa addition table.
Nalilinang ang pagkakaisa sa lahat ng pangkatang gawain.
II. Paksa: Pagsasama ng Dalawang isahang digit na bilang na may kabuuang bilang na 11 hanggang 18
A. Aralin 1:
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28
Lesson Guide in Elem Math I pah. 132-135
C. Kagamitan: larawan ng mga bagay
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Pagsasama ng Dalawang isahang digit na bilang na may kabuuang bilang na 11 hanggang 18.
Pagpapahalaga: Pakikisalamuha nang maayos sa iba.
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: Ipakita Mo
Gamit ang plaskard hayaang magpabilisan ang mga bata sa pagbigay ng sagot mula sa addition
combination na ipapakita ng guro.
2. Balik-aral
Magkaroon ng Paligsahan:
Babae laban sa mga lalaki
Pagsasama ng isahang digit na may sum na 7-10.
5. Paganyak:
Awit: Sampung Chikadee
B. Paglalahad:
1. Gamit ang pamilang hayaang makapagbigay ang mga bata ng dalawang bilang (kombinasyon) na pag
pinagsama ay may katumbas na 11.
Isulat sa pisara ang mga sagot na ibibigay ng mga bata.
10+1 8+3
11+0 7+4
9+2 6+5
(Katulad na pamamaraan ang gamitin para sa sum ng 12 hanggang 18)
2. Magpakita ng sum 11 hanggang 18 sa pisara.
Sums of :
11 12 13 14 15 16 17 18
Tumawag ng bata at papiliin ng card na may kombinasyong bilang. Ipalagay ito sa tamang hanay ng sagot.
Hal. 8 + 7 Ilalagay sa tapat ng 15.

C. Pagsasagawa ng Gawain
Anu-anong bilang ang pagsasamahin para sa:
11? 12? 13? At 18?
D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin
Sabihin: Gumagamit tayo ng mga kataga sa Matematika tulad ng :
1 + 1 ay tinatawag na addends
+ plus sign
= equal sign
E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan
Pangkatang Gawain:
Pagbigayin ang mga bata ng mga kombinasyong bilang para sa sagot na:
Pangkat 1 – Sum of 11-12
Pangkat 2 – Sum of 13-14
Pangkat 3 – Sum of 15-16
Pangkat 4 – Sum of 17-18
F. Paglalahat:
Ilang kombinasyon ang nabubuo para sa 7?8?9? 10?
Anong salita ang addends?
Ano ang gamit ng plus (+)?
Ano ang gamit ng equal sign( =)?
Nakisali ka ba nang aktibo sa gawain ng iyong pangkat?
Tandaan:
Ang addends ay ang dalawang bilang na pinagsasama.
Ang plus sign (+) ay simbulong ginagamit sa addition o pagsasama.
Ang equal sign ay simbulong ginagamit para sa sagot.
Ang sum ay ang sagot sa addition.

G. Paglalapat:
Paramihan sa pagpitas ng bunga. Pag tama ang sagot kanya na ang bunga. Ilagay sa hugis mangga o mansanas
ang mga bilang.

8+3 6+7 8+8 4+7 +8+4 9+5


IV. Pagtataya:
Pagsamahin at isulat ang sagot sa patlang.
1. 5+8
2. 7+9
3. 8+3
4. 9+2
5. 6+6
6. 8+9
7. 5+9
8. 9+9
9. 8+6
10. 5+6

V. Kasunduan:
Gumawa ng sariling plaskards na may sum ng 11 hanggang 18. Humanda sa paligsahan sa susunod na
pagkikita.

Puna:
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin
Banghay Aralinsa MUSIC
Music
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Unang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Naiguguhit ang G-clef nang wasto.

II. Paksa: Ang G-clef o Treble Clef

Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4


Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
Kagamitan: larawan ng staff

III.Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang staff?
Ilang guhit ang bumubuo dito?
Ilang espasyo?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Sa musika may mga simbulong iginuguhit o isinusulat sa loob ng staff.
Ipakita ang halimbawa ng G-cleffsa mga bata.
Ito ay tinatawag na G-cleffo Trebel clef.
2. Pagtalakay:
Saang panig ng staff nakikita ang G-clef?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Tandaan: Ang G-clef ay tinatawag din Treble clef. Ito ay isinusulat sa gawing kaliwa ng staff.
1. Pagsasanay:
Ikonekta ang mga putol-putol na guhit upang makabuo ng G-clef.

IV. Pagtataya:
Pagguhit ng G-clef ng mga bata.

V. Kasunduan:
Gumuhit ng G-clef sa notebook sa musika.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
Banghay Aralinsa MUSIC
Music
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikalawang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Naiguguhit ang F-clef nang wasto.

II. Paksa: Ang F-clef o Bass Clef

Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4


Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
Kagamitan: larawan ng staff

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Pagguhit ng G-clef

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Sa musika may mga simbulong iginuguhit o isinusulat sa loob ng staff.
Ipakita ang halimbawa ng F-clef sa mga bata.
Ito ay tinatawag na G-clef o Bass clef.
2. Pagtalakay:
Saang panig ng staff nakikita ang F- clef?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Tandaan: Ang F-clef ay tinatawag din Bass clef. Ito ay isinusulat sag awing kaliwa ng staff.
2. Pagsasanay:
Ikonekta ang mga putol-putol na guhit upang makabuo ng F-clef

IV. Pagtataya:
Pagguhit ng F-cleff ng mga bata.
V. Kasunduan:
Gumuhit ng F-cleff sa notebook sa musika.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin saEDUKASYON SA PAGPAPALAKAS NG KATAWAN


Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
Naikikilos nang sabay ang magkabilang bahagi ng katawan.

II. Paksa: Kakayahan sa Pangangasiwa ng Katawan


Aralin: Pagkilos nang Sabay ang Magkabilang Bahagi ng Katawan
Sanggunian: Gabay na Kurikulum sa K-12 sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng katawan sa baitang I
Pupils’ Acitivity Sheet in Grade I pah. 20
Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan I pp. 25-30
Kagamitan; larawan na nagpapakita ng mga kilos ng bahagi ng katawan na naikikilos nang sabay.
Integrasyon, Sining, Matematika at Musika

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Muling isagawa ang mga kilos na nagagawa ng leeg at mga kamay.
2. . Pagganyak
Awit: Ako ay Maliit na Pitsel
Ako ay maliit na pitsel.
Heto ang tainga
Heto ang bibig.
Pag ako’y puno ng inumin
Isalin at ubusin.
(Bigyan ng angkop na galaw o kilos)
B. Panlinang na Gawain
1. Ipaliwanag:
Tayo ay may dalawang kamay. Mayroon din tayong dalawang paa. Ito ang mga bahagi ng katawan
natin na magkabila. Ito ay naikikilos natin ng sabay.

2. Gawain: (Imumustra ng guro sa harap)


a. Pagtaas ng dalawang kamay
b. Pag-unat ng dalawang kamay
c. pag-imbay ng dalawang kamay
d. Pagbaluktot ng dalawang kamay
Paglundag ng dalawang paa.
Pagtakbo ng dalawang paa.
Pagtaas ng dalawang paa hanabg nakaupo.
Pagtikom ng dalawang paa habang nakaupo.
3. Paglalahat:
Ano ang mabuting naidudulot ng pagkilos nang sabay sa mga bahagi n gating katawan?
Tandaan:
Tayo ay may dalawang kamay. Mayroon din tayong dalawang paa. Ang mga ito ay ang magkabilang
bahagi ng ating katawan. Ito ay ating ikinikilos. Ito ay ating ikinikilos nang sabay. Masaya tayo kung
ikinikilos natin ang magkabilang bahaging ito ng ating katawan.

4. Pagsasanay
Pangkatang Pagpapakitang Kilos

IV. Pagtataya
Gawin: A
1..Pagtaas ng dalawang kamay
2. Pag-unat ng dalawang kamay
3. Pag-imbay ng dalawang kamay
4. Pagbaluktot ng dalawang kamay
Gawin B:
1. Paglundag ng dalawang paa.
2. Pagtakbo ng dalawang paa.
3. Pagtaas ng dalawang paa hanabg nakaupo.
4. Pagtikom ng dalawang paa habang nakaupo.

V. Kasunduan
Pag-aralan ang iba’t ibang kilos na natutuhan sa bahay.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
Banghay Aralin saART
Pinagsanib na Aralin sa art at Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salitang ginagamit sa art.
Nakagagawa ng mga kulay sa pamamagitan ng paghahalo ng mga ito.
Nakikilala at natutukoy ang mga kulay na nakikita sa kalikasan.
Nagagamit ang man-made na mga kulay para gayahin ang mga kulay sa kalikasan.

II. Paksang Aralin: Panimulang Aralin sa Kulay: Pangunahing Kulay


A. Talasalitaan
Primary Colors: Red , blue, Yellow
Secondary Colors; green. Violet, orange
B. Elemento at Prinsipyo Shape, line
C. Kagamitan
Crayons at least 6 colors, cartolina
D. Sanggunian: K-12 Art
Teacher’s Guide pp. 29-30
Pupils; Activity Sheet pp. 14-15

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak
Iparinig ang kwento sa Big Book “Asul na Araw”
Anong kulay ang nabanggit sa kwento?
2. Laro: Bring Me Game
Magsasabi ang guro ng kulay na dadalin ng bata.
Ang pangkat na maraming madadala ayon sa utos ng guro ang siyang mananalo.

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain:
Ibigay ang pangalawang kulay na mabubuo:
Pula + dilaw=_____
Dilaw + asul =_____
Asul + pula = ______

C. Pagpoproseso ng Gawa:
1. Paano nakabubuo ng berdeng kulay?
Lila o ube? Orange o dalandan?

1. Ilarawan ang kulay na nabuo ninyo.


IV. Pagtataya:
Kulayan ang mga lobo gamit ang mga pangalawang kulay na nabuo.

V. Kasunduan:
Ano kaya ang maaring mangyari kung lahat ay kukulayan o gagamitan ng itim na kulay?

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa HEALTH


Pinagsanib na aralin sa Science at Art
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ika-limang Araw)

I. Layunin:
- Naipakikita ang wastong paghuhugas ng mga kamay :
- Pagkatapos pakainin ang alagang hayop tulad ng tuta
II. Paksang Aralin: Paghuhugas ng Kamay
A. Malinis na Kamay
B. Kagamitan: tubig at sabon, bimpo
C. Sanggunian: k-12 Health Curriculum Guide
page 17
Modyul 1, Aralin 1 pah 3-4
Pupils’ Activity Sheet pp. 15-16

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Laro: Ituro Mo (Touch Me) Game
Humarap sa kapareha. Sa hudyat ng guro ituturo ang bahagi ng katawan ng kapareha.
2. Pagganyak:
Awit: I Have Two Hands

B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad:
Itanong: Narinig na ba ninyo ang salitang germs o mikrobyo?
Alam ninyo ba kung saan ito galing at paano ito nakukuha?
Paano ito naisasalin?
Paano ito maiiwasan?
2. Iparinig ang awit na
“Ako ay May Mga Kamay”
(Tono: Maliliit na gagamba)
Ako’y may mga kamay
Na kaliwa at kanan
Itaas mo man ito’y
Malinis naman
Ipalakpak, ipalakpak
Itong mga kamay
Ipalakpak, ipalakpak
itong mga kamay.
3. Talakayin ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay.
Kapag naghuhugas ng ating mga kamay tayo ay gumagamit ng tubig at sabon.

4.Paglalahat
Tandaan: Maghugas ng kamay pagkatapos pakainin ang alagang hayop upang maiwasan ang
pagkalat ng mikrobyo na nakapagdudulot ng sakit.

5.Pagsasanay:
Awit: I Have Two Hands

IV. Pagtataya:
Pangkatang Pagpapakitang Kilos ng wastong paghuhugas ng kamay.

V. Kasunduan:
Ugaliing maghugas ng kamay pagkatapos pakainin ang alagang hayop.

Puna
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Unang Araw)

I.Layunin:
- Naipakikita ang pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng pangangailangan.
- Kalamidad (sunog)

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin: “Ang Sunog”
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 21-22
Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa pah. 16
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Sagutin: Tama o Mali
__Itago kaagad ang nabasag na bagay upang makaiwas na mapagalitan.
__Aminin at humingi ng paumanhin.
__Ituro ang iba sa nagawang kasalanan.
__Ang batang matapat ay kinagigiliwan ng lahat.
__Angkinin na lang ang sobrang sukli.
2. Pagganyak:
Awit: Ako ang Kapitbahay
Pinapatay ko ang sunog.
Sinong kapitbahay ako?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
“Ang Sunog”
Katatapos pa lamang ng malaking sunog sa malapit kina Loleng. Nakita ni Loleng ang kaawa-
awang kalagayan ng mga nasunugan. Barung-barong lamang ang kanilang tahanan. Anong
dudumi ng kanilang mga damit! Natutulog sila ng walang kumot. Mga karton lamang ang
kanilang banig.
Umuwi si Loleng at pinili niya ang maliliit niyang damit upang ibigay sa mga nasunugan

2. Pagtalakay:
a. Sino ang bata sa kwento?
b. Anong kalamidad ang nangyari malapit sa kanilang lugar?
c. Anong nakaaawang kalagayan ng mga nasunugan ang nakita niya?
d. Paano ipinakita ni Loleng ang kanyang pagmamahal at kabutihan sa kapwa?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng
pangangailangan?
Tandaan:
Kaibiga’y ating kailangan
Sa hirap at ginhawa ng buhay
Tayo’y kanilang matutulungan
Sa oras ng kagipitan.
Paglalapat
Ipasadula ang pangyayari.

IV.Pagtataya:
Lutasin:
Kung malapit din sa bahay ninyo ang mga taong nasunugan, anong tulong ang maari mong ipagkaloob sa
kanila?

V. Takdang-aralin
Isaulo ang tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikalawang Araw)
I.Layunin:
- Naipakikita ang pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng pangangailangan.
- Kalamidad ( bagyo at baha)

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin: “Mga Ulirang Bata”
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 21-22
Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa pah. 16
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Anong tulong ang ibinigay ni Loleng sa kanyang mga kapitbahay?
Anong mabuting ugali ang ipinakita ni Loleng?
Kaya mo bang tularan o gayahin ang ginawa ni Loleng?
2. Pagganyak:
Ano sa palagay ninyo ang dahilan at bakit nagkakaroon ng malalaking pagbaha sa iba’t ibang
lugar sa ating bansa?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
“Mga Ulirang Bata”
Isang malakas na bagyo ang dumating sa bansa noong Nobyembre, 2009. Nagsanhi ito ng
malaking pagbaha. Maraming lugar ang nalubog at maraming buhay ang nasawi.
Maraming paaralan din ang napinsala. Isa sa mga ito ang paaralan kung saan nag-aaral si Betina.
Nalubog lahat ng kanilang kagamitan.
Nabasa ang mga aklat.
Agad tinawag ni Betina ang kanyang mga kamag-aaral at tinulungan nilang maglinis ang mga guro.
Kanya-kanya sila ng lugar na nilinis kaya naman agad na naibalik sa dati ang ayos ng kanilang silid
aralan. Tuwang-tuwa ang kanilang guro sa ginawang tulong ng mga bata.
Sa araw ng Pagkilala binigyan sila ng parangal ng punong-guro bilang mga ulirang mga bata.
2. Pagtalakay:
a. Sinu-sino ang mga bata sa kwento?
b. Anong kalamidad ang nangyari sa kanilang lugar?
c. Anong tulong ang ginawa ni Betina at mga kaibigan niya para sila makatulong?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng
pangangailangan?
Tandaan:
Kaibiga’y ating kailangan
Sa hirap at ginhawa ng buhay
Tayo’y kanilang matutulungan
Sa oras ng kagipitan.
Paglalapat
Ipasadula ang pangyayari.

IV.Pagtataya:
Lagyan ng / ang mga bagay na maari mong gawin upang makatulong sa mga taong nasa oras ng
kagipitan.
__ Magbigay ng mga pagkain at damit
__ Manood ng mga nababaha.
__ Tumulong sa paglilinis.
__ Sisihin ang mga tao.
__ Magkaloob ng tulong pinansiyal.

V. Takdang-aralin
Anu-anong paghahanda ang dapat gawin kung may paparating na kalamidad? Maglista ng 5.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
- Naipakikita ang pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng pangangailangan.
- Pagtulong sa kaibigan

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin: “Tunay na Magkaibigan”
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 148-149
Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa pah. 16
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Magbigay ng mga tulong na maari mong ibigay sa mga taong nangangailangan nito sa oras ng
kalamidad tulad ng baha.
2. Pagganyak:
Inuubos mo ba lahat ang baong ibinibigay sa iyo ng iyong nanay?
Bakit?
Bakit kailangang mag-ipon?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
“Tunay na Magkaibigan”
Sina Langgam at Tipaklong ay magkaibigan. Si Langgam ay masipag. Si Tipaklong ay tamad.
Araw-araw ay naghahakot ng pagkain mula sa bukid si Langgam. Si Tipaklong naman ay umaawit at
sumasayaw sa buong maghapon.
Dumating ang tag-ulan. Gutom na gutom si Tipaklong. Si Langgam ay busog na busog sa dami ng
nakaimbak na pagkain.
“Kaibigang Langgam, maawa ka naman sa akin. Wala akong makain,” ang umiiyak na sabi ni
Tipaklong.
“Halika, kaibigang Tipaklong. Heto ang aking mga pagkain,” pagmamalaki ni Langgam, sabay abot ng
pagkain sa kaibigan.
“Salamat, kaibigan. Nagsisisi na ako, kung nagtrabaho lamang ako, sana’y marami rin akong pagkaing
naipong tulad mo,” ang malungkot na wika ni Tipaklong.
2. Pagtalakay:
a. Sinu-sino ang magkaibigan?
b. Ano ang Gawain nila araw-araw?
c. Anong tulong ang ginawa ni Langgam para sa kaibigan?
d. Sa iyong palagay, magbago na kaya si Tipaklong?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng
pangangailangan?
Tandaan:
Kaibiga’y ating kailangan
Sa hirap at ginhawa ng buhay
Tayo’y kanilang matutulungan
Sa oras ng kagipitan.
Paglalapat
Ipasadula ang pangyayari.

IV.Pagtataya:
Lutasin:
Nakita mong umiiyak ang kaklase mo. Nawala pala ang baon niyang bente pesos. Nagugutom siya
pero wala siyang perang pambili sa kantina. Ano ang gagawin mo?

V. Takdang-aralin
May nakita kang batang tinutukso ng mga kapwa bata. Paano mo siya tutulungan?

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
- Naipakikita ang pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng pangangailangan.
- Pagtulong sa kaibigan

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin: “Si Langgam at si Kalapati”
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 148-149
Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa pah. 16
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano tinulungan ni Langgam si Tipaklong?
2. Pagganyak:
Awit: Ang mga Ibon
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
“Si Langgam at si Kalapati”
Isang mainit na tanghaling tapat. Isang langgam na uhaw na uhaw ang nagtungo sa ilog.
Dahan-dahan siyang pumunta sa gilid upang makainom subalit nadulas siya at tuloy-tuloy na nahulog sa
tubig. Kawag nang kawag si Langgam dahil hindi siya marunong lumangoy.
Sa di kalayuan, isang kalapati na nakadapo sa isang sanga ng mataas na puno ang nakakita kay Langgam.
Agad itong kumuha ng isang dahon sa pamamagitan ng kanyang tuka. Inihulog ang dahon sa tapat ni
Langgam. Agad naming sumakay si Langgam sa dahon at siya’y nakaligtas sa pagkalunod.
Nagpasalamat siya kay Kalapati.
Isang hapon, habang nakadapo si Kalapati sa isang sanga, isang mangangaso ang akmang babaril sa
kanya. Nakita ito ni Langgam. Agad siyang umaakyat sa binti ng lalaki at kinagat ng buong lakas ang
mama. Napasigaw ito at narinig ni Kalapati kaya nakalipad ito palayo.
Nang magkita ang magkaibigan pinasalamatan din ni Kalapati si Langgam sa pagliligtas sa buhay niya.
2. Pagtalakay:
a. Sino ang uhaw na uhaw?
b. Paano iniligtas ni Kalapati si Langgam?
c. Anong kapahamakan ang nakaambang mangyari kay Kalapati?
d. Paano nailigtas ni Langgam ang Kalapati?
e. Anong aral ang natutuhan mo sa kwento?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng
pangangailangan?
Tandaan:
Kaibiga’y ating kailangan
Sa hirap at ginhawa ng buhay
Tayo’y kanilang matutulungan
Sa oras ng kagipitan.
Paglalapat
Ipasadula ang pangyayari.

IV.Pagtataya:
Tama O mali
___1. Uhaw na uhaw si Kalapati.
___2. Kinagat ni Langgam si kalapati.
___3. Hinulugan ng dahon ni Kalapati si Langgam.
___4. May gusting bumaril kay Langgam.
___5. Mabuti ang pagtulong sa kapwa sa oras ng kagipitan.

V. Takdang-aralin
Iguhit ang isang tagpo sa kwento na ibig mo.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikalimang Araw)
I.Layunin:
- Naipakikita ang pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng pangangailangan.
- Pagtulong sa alagang hayop

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin: “Ang Kabayo ni Pule”
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 93
Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa pah. 16
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Tama o Mali
__Si Langgam ay muntik ng malunod.
__Si Kalapati ang tumulong kay langgam.
__May ibig bumaril kay Langgam.
__Hinulugan ng dahon ni Kalapati si Langgam.
__Nagtulungan ang magkaibigan.
2. Pagganyak:
Awit: Tayo’y Sumakay sa Kabayo
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
“Ang Kabayo ni Pule”
Si Pule ay may kabayo. Ito ay nakatali sa isang puno. Umulan nang malakas. Basang-basa ang kabayo.
Takot na takot ito sa kidlat at kulog. Damba nang damba ang kabayo. Isinilong ni Pule sa kural ng mga
hayop ang kabayo.
Natahimik ang kabayo.
2. Pagtalakay:
a. Sino ang may kabayo?
b. Bakit nagdadamba ang kabayo?
c. Saan inilagay ni Pule ang hayop?
d. Bakit kaya natahimik ang kabayo ng isilong ni Pule?
e. Bakit kaya ginawa niPule iyon sa kanyang alaga?
f. Anong aral ang natutuhan mo sa kwento?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa alagang hayop sa lahat ng pagkakataon at sa
oras ng pangangailangan?
Tandaan:
Ang taong may damdaming
Marunong masaktan
Marunong umunawa
Sa kapwa may buhay.
Paglalapat
Paano mo ipinakikita ang pagmamahal at pag-aalaga sa iyong alagang hayop sa bahay.

IV.Pagtataya:
Lutasin:
Naglalakad ka nang bigla kang makarinig ng iyak ng isang kuting. Nakita mo itong basa at ginaw na
ginaw.
Ano ang gagawin mo?

V. Takdang-aralin
Iguhit ang alaga mong hayop sa nbahay at kung paano mo ito inaalagaaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin
Naipakikita ang pagmamahal sa pagbasa sa pamamagitan ng pakikinig sa kwento.
Nakapakikinig na mabuti sa binasang kwento.
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at
pagsasakilos.
Nakikilahok sa talakayan pagkatapos ng kwentong napakinggan.
Nababalikan ang mga detalye sa kwentong nabasa o narinig.
II. PaksangAralin: “Si Ricong Magikero”
A. Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Pagkilala sa mga Salitang Kilos
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Rr at Pp sa Iba pang Titik na napag-
aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Rr at Pp
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 3-5
Bright Part I pah. 112-123
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Rr /Pp plaskard
III. Pamamaraan:
A. Gawain Bago Bumasa:
1. Paghahawan ng balakid:
Magikero , pambihira panauhin
2. Pagganyak:
Nakapanood nab a kayo ng magic?
Hayaang magkwento ang mga bata sa kanilang karanasan.
1. Pangganyak na tanong:
Ano ang gusto ninyong malaman ang aking kwento. Anu-anong mga bagay ang lumabas sa maliit na
kahon ni Rico
4. Pamantayan sa Pakikinig sa Kwento
B. Gawain Habang Bumabasa
1. Pagbasa ng Guro sa kwento.
“Si Ricong Magikero”
Si Rico ay may kakayahang magmagic.
Sa mga pagtitipon tulad ng kaarawan, siya ang nagiging sentro ng atensiyon ng mga panauhin dahil sa
pambihira niyang kakayahan. Tuwang –tuwa ang mga bata sa mga ipinakikita niyang magic.
May isang maliit na kahon si Rico. Tinakpan niya ito ng panyong rosas. Maya-maya, dumukot na si
Rico sa kanyang mahiwagang kahon; robot ang kanyang nakuha. Tuwang-tuwa si Ron-Ron nang
iabot ni Rico ang robot sa kanya. Sumunod naman ay isang relo. Iniabot niya ito kay Rosa. Muling
dumukot si Rico , isang ruler naman ang nakuha niya at ibinigay kay Roy. Pagkatapos ay isang rosas
naman para sa kanyang Tiya Roma, panghuli , isang raketa na ibinigay niya sa kanyang Tiyo Robert.
Tuwang-tuwa ang lahat sa mga regalo na nakuha ni Rico sa kanyang magic box.
2. Talakayan:
Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento??
Anong kakayahan mayroon si Rico?
Anu-ano ang mga bagay na nakuha niya sa maliit niyang kahon?
Nakapagbigay ban g katuwaan sa iba si Rico?
Paano?
C. Gawain Matapos Bumasa:
1. Ipasakilos ang ilang mga
mahahalagang bahagi ng kwento.
2. Ipaguhit ang mga bagay at kung kanino ibinigay ni Rico.
(Magkaroon ng talakayan/pagpapaliwanag ng mga bata sa kanilang mga ginawa)
IV. Pagtataya:
Balikan ang mga detalye sa kwentong narinig. Ikahon ang wastong salita.
1. Si Rico ay isang ( mekaniko, magikero, minero).
2. Mayroon siyang isang maliit na ( sobre, kahon, sako)
3. Ibinigay ni Rico kay Ron-ron ang ( ruler, robot, rosas)
4. Si tiyo Robert ay nakatanggap ng ( raketa , ruler, relo)
5. Bawat isa ay nakatanggap ng ( reklamo, regalo, rekado) mula kay Rico.
V. Kasunduan:
Punan Pumili ng isang bagay na gusting makuha sa magic box ni Rico. Kulayan ito.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan
ng pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Unang Linggo
(Ikalawang Araw)
I.Layunin
Nagagamit ang mga pantukoy na Iyan at Iyon.
II. PaksangAralin: “Si Ricong Magikero”
A. Talasalitaan:Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan,
pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit ng Pantukoy na Iyan at Iyon
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Rr at Pp sa Iba pang Titik na
napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Rr at Pp
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Rr /Pp plaskard
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Wastong Gamit ng Ito.
Kumuha ng isang bagay sa iyong bag at gamitin ang Ito sa pangungusap.
Hal. Ito ay lapis.
Ito ay notbuk.
Ito ay bag.
2. Pagganyak:
Ipaayos ng sunod-sunod ayon sa pagkakakuha ni Rico sa kahon ang mga bagay sa paskilan.
Aling bagay ang unang nadukot ni Rico mula sa kanyang kahon? Pangalawa? Pangatlo? Huli?

B. Paglalahad:
Ilahad ang mga pangungusap:(Gumamit ng ilustrasyon o larawan)
Ito ang bago kong lapis.
Iyan ba ang alaga mong aso?
Iyon ang bahay namin sa tabi ng poste.
Ilan ang bagay na hawak ng bata sa unang pangungusap? Ano ang ginamit niyang pantukoy?
Nasaan ang alagang aso? Ano ang ginamit na pantukoy sa pagtatanong?
Nasaan ang bahay na itinuturo?
C. Paglalahat:
Anu-anong pantukoy ang ginagamit natin?
Kailan ginagamit ang Ito? Iyan? Iyon?
Tandaan:
Ang pantukoy na Ito ay ginagamit kung hawak ng nagsasalita ang isang bagay.
Ginagamit ang Iyan kung malapit sa kausap ang isang bagay na tinutukoy.
Ginagamit ang Iyon kung malayo sa nag-uusap ang bagay na tinutukoy.
D. Paglalapat:
Punan ng Ito, Iyan , o Iyon ang patlang upang mabuo ang bawat pangungusap.
Hawak ang lobo. ____ay lobo.
Itinuturo ang eroplano sa kausap. ___ay eroplano.
IV. Pagtataya:
Punan ng Iyan o Iyon ang patlang.
1. Hawak ng kausap ang bola.
_______ba ang bago mong bola?
2. Itinuturo ang puno .
____ang puno ng Narra.
3. Itinuturo ang simbahan.
____ang simbahan namin.
4. Itinuturo ang silya ng kausap.
____ba ang bago mong silya?
5. Itinuturo ang LRT.
____ ang LRT na gusto kong masakyan.
V. Kasunduan:
Sumulat ng 5 pangungusap gamit ang Iyan at 5 gamit ang Iyon sa iyong notebook bilang 2.

Puna:___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan
ng pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin
Nakikilala at nabibigkas ang tunog ng titik Rr sa iba pang titik na napag-aralan na.
Naiuugnay ang mga salita sa angkop na larawan.
Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.
Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.
II. PaksangAralin: “Si Ricong Magikero”
A. Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa Pantukoy na Iyan at Iyon sa pangungusap.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Rr at Pp sa Iba pang Titik na napag-
aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Rr at Pp
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Rr /Pp plaskard
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Sinu-sino ang mga tauhan sa kwentong ating binasa?
2. Pagganyak:
Ano ang tunog ng motorsiklo?
Magdaos ng laro: Pahabaang tunog ng motrsiklo.
Brrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr.
B.. Paglalahad:
Ilahad ang mga larawang may simulang tunog na Rr
Bigkasin ang ngalan ng bawat larawan;
Rosas, ruler, raketa, relo, Roy, Rico, Robert
Pabilugan ang simulang titik ng bawat ngalan ng larawan.
Saang titik nagsisimula ang bawat larawan?
A. Paglalahat:
Ano ang tunog ng titik Rr?
Awitin: Ano ang tunog ng titik Rr.
/Rr/ ay may tunog na /ar/. Imustra sa bibig.
B. Paglalapat:
Pagbuo ng mga pantig, salita, parirala, pangungusap at kwento: Gamit ang mga titik na napag-aralan
na: Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, ,Ll ,Yy, Nn, Gg, Rr
Pagsamahin ang mga titik at bumuo ng:
Pantig:
Ma me mi mo mu
Sa se si so su
Ba be bi bo bu
Ta te ti to tu
Ka ke ki ko ku
La le li lo lu
Na ne ni no nu
Ya ye yi yo yu
Ga ge gi go gu
Ra re ri ro ru
Parirala:
may rimas
ang relo
ang raketa
Mga rosas
ruler na pula
mabilis na karitela
aral at laro
ang kartero
may harana
sira na karatula
Pangungusap:
Ang mga guya ay matataba.
Ang rimas ay nasa mesa.
Nakasabit ang relo.
Ang mga raketa ay nakatago.
Mabilis ang takbo ng karetela.
May laro ang mga kartero.
May harana sa bahay nina Lulu.
Nasira ang karatula sa dingding.
Malaki ang barako.
IV. Pagtataya:
Iugnay ang salita sa angkop na larawan.
Salita Larawan
1. Robot relo
2. Rosas resibo
3. Relo rosas
4. Ruler robot
5. resibo ruler
V. Kasunduan:
Gumuhit ng 5 salitang may simulng titik na /Pp/.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.
BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin
Nakikilala at nabibigkas ang tunog ng titik Rr at Pp sa iba pang titik na napag-aralan na.
Naiuugnay ang mga salita sa angkop na larawan.
Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.
Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.
II. PaksangAralin: “Tayo nang Umakyat”
A. Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa mga Pantukoy na Iyan at Iyon
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Rr at Pp sa Iba pang Titik na napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Rr at Pp
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 27
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Rr/Pp plaskard
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Lagyan ng / ang larawang may simulang titik na Rr
Robot gunting yema rosas relo raketa
2. Pagganyak:
Awit: Leron Leron
Saang puno umakyat ang bata sa awit?
Ano ang nagyari sa sanga?
B.. Paglalahad:
1. Iparinig ang kwento: “Tayo Nang Umakyat”
Umakyat ng puno ng mangga si Roy. Pumitas siya ng mga bungangkahoy. Maya-maya’y nagulat si Roy.
Nabali ang sanga ng kahoy. “Aray!” ang sigaw ni Roy.
2. Pagtalakay
Tungkol saan ang kwento?
Anong puno ang inakyat ni Roy/
Bakit kaya siya napasigaw ng “Aray?”
3. Magpakita ng mga salitang may simulang titik na Pp
Hayaang tukuyin ng mga bata ang mga bagay na may simulang tunog na /Pp/
Paso , pato, papaya, pabo, palaka, paying, pagong, puso,
Pera, pisara, pitaka, pula, pusali
C. Paglalahat:
Ano ang tunog ng titik Pp
D. Paglalapat:
Pagbuo ng mga pantig, salita, parirala, pangungusap at kwento:
Pantig; Gamit ang mga titik na napag-aralan na: Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, Ll , Yy , Nn ,
Gg, Rr, Pp
Pagsamahin ang mga titik at bumuo ng:
Pantig:
Ma me mi mo mu
Sa se si so su
Ba be bi bo bu
Ta te ti to tu
Ka ke ki ko ku
La le li lo lu
Ya ye yi yo yu
Na ne ni no nu
Ga ge gi go gu
Ra re ri ro ru
Pa pe pi po pu
Salita:
Apo, api,papa, pata, pasa, para, paha, pala, pana, papaya, ipis, upa, upo, opo, Pepe, pera, pesa, poso,
puto, puro, pugita, pusali, pamana, pilik, pareho, pasada
Parirala:
May kappa, mga apa, malasa na pata, pala at lupa, mapula na papaya, patay na ipis, mahaba na upo,
marami nap era, puno ng mangga, nabali na sanga, ay umakyat, umakyat sa puno
Pangungusap:
May kappa ang reyna.
Ang pata ay masarap.
Mapula ang papaya at makopa.
Patay ang ipis sa sahig.
Mahaba ang upo.
Mapait ang ampalaya.
Mapuputi ang mga puto.
Marami ang pera ni Ama sa pitaka.
Kwento:
“Tayo Nang Umakyat”
Umakyat ng puno ng mangga si Roy.
Pumitas siya ng mga bungangkahoy. Maya-maya’y nagulat si Roy. Nabali ang sanga ng kahoy.
“Aray!” ang sigaw ni Roy.
IV. Pagtataya:
Isahang ipabasa sa mga bata ang kwento.
V. Kasunduan:
Pagsanayang basahin sa bahay ang kwentong napag-aralan ngayon.

Puna:___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng pagkakatuto ng
aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin
Nasusulat ang malaki at maliit na titik Rr at Pp

II. PaksangAralin: Wastong Pagsulat ng mga Titik Nn at Gg


A. Talasalitaan:
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at
pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit ng Pantukoy na Iyan at Iyon sa Pangungusap
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Rr at Pp sa Iba pang Titik na
napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Rr at Pp
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Rr /Pp , plaskard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang unang tunog ng mga larawan?
(Rr at Pp )
Robot, puso, raketa, pitaka, piso, relo
2. Pagsasanay kaugnay sa mga napag-aralan na titik.

Pagsasanay 1-
Pagbuo ng mga pantig gamit ang mga titik na napag-aralan na:
Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, Ll,Yy, Nn,Gg, Rr at Pp

Pagsasanay 2 – Iugnay ang larawan sa tamang salita.


Larawan Salita
1
Papaya
Relo
Puto
Rosas
Pata

Pagsasanay 3
Magpaligsahan sa Pagbasa ng parirala na nasa plaskard.

Pagsasanay 4
Pagguhit ng mga larawan na may simulang titik Rr at Pp.

IV. Pagtataya:
Pagsulat ng titik Rr at Pp
Rr Rr Rr Rr Rr
Pp Pp Pp Pp Pp

V. Kasunduan:
Pagsanayang basahin sa bahay ang kwentong napag-aralan ngayon.

Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Unang Araw)

I. Layunin
Nakapagbibigay ng katugma ng salitang ibinigay ng guro sa wikang Filipino.

II. Paksa: Ang Aking Pamayanan – pangangalaga sa kapaligiran.


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang mga kasama sa tahanan.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “loob at labas” sa isang pangungusap.
3. Phonological Awareness:
Naibibigay ang isang salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro.
Mga kagamitan: Kwento: “Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan”; mga larawan ng
tauhan at iba’t ibang gamit na makikita sa kuwento.

III. Pamamaraan:
1.Paunang Pagtataya:
Ano ang tawag natin sa dalawang salita na may parehong tunog sa hulihan ng salita?
Hal. Manok-palayok
2. Tukoy-alam:
Malinis ba ang inyong bahay?
Anu-ano ang inyong ginagawa para mapanatiling malinis ang inyong bahay?
3. Tunguhin
Sabihin ngayong araw ay makikinig tayo sa isang kwento tungkol sa pag-aalaga sa ating
kapaligiran. Pagkatapos magbibigay ako ng mga salitang hango o galing sa kwento at magbibigay naman
kayo ng mga salitang katugma ng mga salitang sasabihin ko.

4. Paglalahad
1. Ipaalala ang mga Pamantayan sa Magalang na Pakikinig sa mga bata.
2. Pagbasa ng kwento ng guro.
“Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan”
Ni Rene O. Villanueva
Adarna House
1. Pagtalakay
Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
Saan naganap ang kwento?
Ano ang nangyari sa halamanan ni Emang Engkantada?
Paano naparusahan ang tatlong haragan?
2. Pagtuturo at Paglalarawan:
Magpakita ng mga larawan (cut-out) ng mga tauhan sa kwento, mga bagay o lugar na nabanggit sa
kwento.
Pagbigayin ang mga bata ng salitang katugma ng mga ngalan na ibibigay ng guro.
Hal. Pol – putol ,sipol
Pat – kalat, sibat
Paz - waldas , labas
3. Paglalahat:
Ang salitang may parehong tunog sa hulihan ng salita ay tinatawag na salitang magkatugma.
5. Kasanayang Pagpapayaman
Laro: Pumitas ng Bunga
Paramihan sa bungang mapipitas.
Bawat bunga ay may nakasulat na salita na galing sa kwento . Hahanapin ng mga bata ang pares ng
salitang magkatugma.
Hal. Bakuran - halaman

6. Kasanayang Pagkabisa
Pumalakpak ng isa kung magkatugma ang pares ng salita at dalawang palakpak kung hindi.
Pol – asarol
Pat – puno

IV. Pagtataya:
Magbigay ng salitang katugma ng bawat salita sa ibaba.
1. tatlo
2. basura
3. hangin
4. gubat
5. pananim
6.
V. Kasunduan:
Iguhit ang bakuran ni Emang Engkantada

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Layunin
Nasasabi ang kaibhan ng loob at labas.
Natutukoy kung ang isang bagay ay nasa loob o labas.
Natutukoy ang mga salitang magkatugma.

II. Paksa: Ang Aking Pamayanan – pangangalaga sa kapaligiran.


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang mga kasama sa tahanan.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “loob at labas” sa isang pangungusap.
3. Phonological Awareness:
Naibibigay ang isang salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro.
Mga kagamitan: Kwento: “Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan”; mga larawan ng
tauhan at iba’t ibang gamit na makikita sa kuwento.
III. Pamamaraan:
1.Paunang Pagtataya:
Ano ang tawag natin sa dalawang salita na may parehong tunog sa hulihan ng salita?
2. Tukoy-alam:
Itaas ang iyong kanang kamay? Kaliwa?
Ituro mo ang itaas/Ibaba.
Alin ang harap/likod?
3. Tunguhin
Sabihin ngayong araw ay tutukuyin natin ang kinalalagyan ng isang bagay – kung ito ay nasa
loob o sa labas. Susubukin din nating alamin kung ang mga pares ng salita ay magkatugma.

4. Paglalahad
1. Magpalaro ng “Open the Basket”
( Tingnan ang pamamaraan ng laro sa pah. 44 ng
Gabay ng Guro sa Filipino )

5.Pagtuturo at Paglalarawan:
Gamit ang mga salita sa plaskard. Ipahanap sa mga bata ang pares ng magkatugmang salita. Kung
magkatugma ilagay sa loob ng basket, kung hindi sa labas ng basket.

6. Paglalahat:
Ang salitang loob at labas ay nagsasabi ng kinalalagyan ng isang bagay o maraming bagay.
1. Kasanayang Pagpapayaman
Tukuyin ang kilalalagyan ng bagay.
Sabihin kung nasa loob o nasa labas.
Larawan ng aklat sa labas ng bag
Larawan ng itlog sa pugad
Larawan ng pera sa loob ng pitaka

7. Kasanayang Pagkabisa
Laro: Ilagay sa loob ng basket kung magkatugma ang pares ng mabubunot na salita. Ilagay sa labas ng
basket kung hindi.

IV. Pagtataya:
Isulat sa loob ng kahon kung ang pares ng salita ay magkatugma. Isulat sa labas sa labas ng kahon
kung hindi.
1. Dahon –kahon
2. Mais – ipis
3. Basura – puno
4. Gubat - sibat
5. Tanim - anim

V. Kasunduan:
Sumulat ng 5 pares ng salitang magkatugma sa loob ng tatsulok. At 5 pares ng di- magkatugmang
salita sa labas ng parihaba.

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin

Natutukoy kung tama ang gamit ng “loob at labas” sa pangungusap.

II. Paksa: Ang Aking Pamayanan – pangangalaga sa kapaligiran.


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang mga kasama sa tahanan.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “loob at labas” sa isang pangungusap.
3. Phonological Awareness:
Naibibigay ang isang salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro.
Mga kagamitan: Kwento: “Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan”; mga larawan ng
tauhan at iba’t ibang gamit na makikita sa kuwento.

III. Pamamaraan:
1.Paunang Pagtataya:
Anu-anong salita ang nagsasabi ng kinalalagyan ng isang bagay o maraming bagay?

2. Tunguhin
Sabihin ngayong araw ay susubukin nating gamitin sa tamang pangungusap ang mga salitang
“loob at labas”.

3. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng mga bagay, tao o hayop na makikita sa loob at labas ng isang pook.
Hal. Manok sa loob ng kulungan.
Bata sa loob ng silid-aralan.
Lapis sa loob ng bag.
Itanong: Nasaan mahahanap ang _____?
Hayaang sagutin ng mga bata ang bawat tanong ayon sa larawang ipinakita.

4. Paglalahat:
Ang salitang loob at labas ay nagsasabi ng kinalalagyan ng isang bagay o maraming bagay.
5. Kasanayang Pagpapayaman
Magbigay ng pangungusap tungkol sa larawan.
Gamitin ang mga salitang “loob at Labas”
Hal. Larawan ng bata sa loob ng kuna.
Larawan ng lobo sa labas ng bintana.
Larawan ng ibon sa loob ng kulungan.
IV. Pagtataya:
Lagyan ng / kung tama ang pangungusap na tumutukoy sa kinalalagyan ng bagay. X kung hindi.
1. Larawan ng bola sa loob ng kahon.
__Nasa loob ng kahon ang bola.
2. Larawan ng lalaki sa labas ng kubo.
__Nasa loob ng kubo ang mama.
3. Larawan ng baboy sa loob ng kulungan.
__Nasa loob ng kulungan ang baboy.
4. Larawan ng singsing sa loob ng sobre.
__Nasa loob ng sobre ang singsing.
5. Larawan dyip sa labas ng bakod.
__Nasa loob ng bakod ang dyip.

V. Kasunduan:
Gamitin sa pangungusap.
Nasa loob ng kwarto
Nasa labas ng paaralan

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin
Nakapagbibigay ng tamang pangungusap gamit ang “loob at labas”.

II. Paksa: Ang Aking Pamayanan – pangangalaga sa kapaligiran.


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang mga kasama sa tahanan.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “loob at labas” sa isang pangungusap.
3. Phonological Awareness:
Naibibigay ang isang salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro.
Mga kagamitan: Kwento: “Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan”; mga larawan ng
tauhan at iba’t ibang gamit na makikita sa kuwento.

III. Pamamaraan:
1.Paunang Pagtataya:
Anu-anong salita ang nagsasabi ng kinalalagyan ng isang bagay o maraming bagay?

2. Tunguhin
Sabihin ngayong araw ay gagawa tayo ng mga pangungusap kung saan gagamitin natin ang mga
salitang “loob at labas”.

3. Paglalahad
Magpakita ng mga larawan na nagpapakita ng wastong gamit ng mga salitang “loob at labas” sa
pangungusap.

4. Paglalahat:
Ang salitang loob at labas ay nagsasabi ng kinalalagyan ng isang bagay o maraming bagay.

5. Kasanayang Pagpapayaman
Gamit ang Treasure Box pabunutin ang mga bata ng salita at ipagamit ito sa pangungusap gamit ang
salitang sa “loob at labas”

IV. Pagtataya:
Pangkatin ang mga bata sa 3 pangkat.
Bigyan sila ng Manila Paper at pasulatin ang bawat pangkat ng 2 pangungusap gamit ang “loob” at
“labas”.
Tawagin ang bawat lider ng pangkat upang iulat ang gawa ng grupo.

V. Kasunduan:
Gamitin sa pangungusap.
Nasa loob ng opisina
Nasa labas ng mall

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin
Nakapagbibigay ng salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro.

II. Paksa: Ang Aking Pamayanan – pangangalaga sa kapaligiran.


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang mga kasama sa tahanan.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “loob at labas” sa isang pangungusap.
3. Phonological Awareness:
Naibibigay ang isang salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro.
Mga kagamitan: Kwento: “Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan”; mga larawan ng
tauhan at iba’t ibang gamit na makikita sa kuwento.

III. Pamamaraan:
1.Paunang Pagtataya:
Aling salita ang katugma ng mata?

2. Tunguhin
Sabihin ngayong araw ay magbibigay kayo ng salitang katugma ng salitang sasabihin ko.

3. Paglalahad
Iparinig/ipabasa ang tugma
Ang Mga Prutas at Gulay Bow!
Sa ating bakuran,
Mga prutas at gulay ay matatagpuan;
May santol, atis, kaymito, at mangga,
Balimbing, bayabas, saging at papaya,
Talong, okra, sitaw, kalabasa,
Kamatis, petsay, upo at mustasa,
Sa ating katawan ay nagpapasigla.

4. Pagtalakay:
Anu-anong mga prutas at gulay ang nagpapasigla?
Bakit mahalaga sa ating katawan ang pagkain ng mga prutas at gulay?
Alin-aling salita ang magkatugma sa tula?

4. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga salitang pareho ang tunog sa hulihan ng salita?

5. Kasanayang Pagpapayaman
Itambal ang salita sa hanay A na katugma ng salita sa hanay B.

Hanay A Hanay B
Kamatis atis
Talong ubas
Mustasa kalabasa
Bayabas tahong
Sayote kamote

IV. Pagtataya:
Tawaging isa-isa ang mga bata. Pagbigayin ng salitang katugma ng salitang sasabihin niya.
V. Kasunduan:
Magbigay ng katugma ng:
1. Tao
2. Palay
3. Sisiw
4. payong
5. silya

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Unang Araw)
I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Naiisa-isa at nauuri ang mga iba pang pangangailangan ng mag-anak
- Tahimik na pamayanan

II. PAKSANG-ARALIN:
. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 137-139
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang mabuting gawin sa mga bakanteng lote o lupa sa ating pamayanan?
Anu-ano ang mga maari mong gawin upang mapanatiling malinis ang inyong pamayanan?
2. Pagganyak:
Ano ang tungkulin ng isang sundalo? Pulis?
Sa pamayanan o isang barangay, sino ang nagpapanatili ng katahimikan?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Saan mo ibig manirahan, sa magulo o tahimik na pamayanan?
2. Paglalahad:
Ipakita ang larawan ng isang tahimik na pamayanan at isang magulong pamayanan.
Paghambingin natin ang dalawang pamayanang ito.
Pamayanan A (Tahimik)
Lahat ay naglilinis.
Tulong-tulong sa pag-aayos ng paligid.
Lahat ng bakuran ay may pananim.
Bata at matatanda at magkakasundo.
Lahat ay masayang namumuhay.

Pamayanan B (Magulo)
May nagsusugal.
May nag-iinuman at nag-aaway sa kalye.
Ang mga babae ay nagkukutuhan at nagtsitsismisan.
Marurusing ang mga batang naglisaw sa kalye.
3. Pagtalakay:
Sa aling pamayanan mo ibig manirahan? Bakit?
4. Pagpapahalaga:
Paano ka makakatulong sa pagpapanatiling tahimik ng inyong pamayanan?
5. Paglalahat:
Anong iba pang pangangailangan ng mag-anak ang dapat nating makamit o makamtan?
Tandaan:
Kailangan ng mag-anak ng tahimik na pamayanan.
Kailangan ang pagkakaisa at pagtutulungan upang magkaroon ng isang tahimik na pamayanan.
.6. Paglalapat:
Pangkatang Gawain:
Ipasadula:
1- Naglilinis na magkakapit-bahay
2- Nagkakaingay na mga bata sa lansangan habang naglalaro
3- Mga kabataang nakikipag-away.
4- Mga amang nag-iinuman
6. Pagpapahalaga:
Lutasin:
Bilang isang bata paano ka makakatulong sa pagpapanatili ng katahimikan sa inyong pamayanan?

IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
__1. Kapitan ang tawag sa puno ng barangay.
__2. Tumutulong ang mga barangay tanod sa pagbabantay sa katahimikan ng pamayanan.
__3. Masayang manirahan sa tahimik na barangay.
__4. Tahimik ang barangay na maraming nag-iinuman.
__5. Tahimik ang barangay kung nag-iinggitan ang mga mamamayan.

V. Kasunduan:
Gumuhit ng isang tahimik na barangay.

Puna:
_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____
na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikalawang Araw)
I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Nailalarawan ang mga gawain ng mag-anak na tumutulong sa pagtugon sa pangunahing
pangangailangan.
II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 113
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anong uri ng pamayanan ang dapat tirhan ng mag-anak?
2. Pagsasanay:
Pagbigkas ng tula: Kaming Mag-anak
3. Balik-aral:
Pumalakpak kung ang Gawain ay nakatutulong sa pangunahing pangangailangan ng mag-anak.
Yumuko kung hindi.
Tumutulong si Pepe sa pag-aani ng gulay.
Nautusan si Linong bumili ng asin sa tindahan ngunit hindi niya pinansin ang nanay.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anu-ano ang mga gawain ng mag-anak na nakatutulong sa pagtugon sa kanilang mga
pangunahing pangangailangan?
2. Pagganyak:
Ang Karpintero
Lagi akong nagpukpok, lagare nang lagare.Lalo na’t kung may bahay na pilit na niyayari.
Mahirap man ang buhay ko, walang yaman sa mundo.
Ngunit natutulungan ko ang maraming tao.
Ano kaya ang hanapbuhay ng taong nagsasalita sa tula?
3. Paglalahad:
Ipakita ang mga larawan ng iba’t ibang gawain ng mag-anak:
- Mga taong nagtatanim ng palay
- Mag-anak na negosyanye
- Mag-anak na may iba’t ibang pananim sa paligid ng bahay
- Mag-anak na may restawran
- Mag-anak na may hayupan (baboy, manok, etc.)
- Mag-anak na namamasukan sa opisina, pagawaan
- Mag-anak na nangingisda
4. Pagtalakay:
Paano kaya nakatutulong ang masipag na magsasaka, negosyante, mangingisda , kusinero?
Dktor?drayber? atbp.
5. Paglalahat:
Paano natutugunan ng mag-anak ang mga pangunahing pangangailangan?
Tandaan:
May iba’t ibang Gawain o hanapbuhay ang mag-anak upang matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan.
6. Paglalapat:
A. Anim na taon na sina Lino, Mina at Lito. Handan a silang mag-aral sa paaralan. Sino ang
makakatugon sa kanilang pangangailangan?
B. Pagpapakitang-kilos ng mga Gawain:
Pagtatanim ng palay
Panghuhuli ng isda
IV. Pagtataya:
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Siya ang naghuhuli ng isda at iba pang yamang tubig.____
2. Siya ang nagtuturo sa mga bata sa paaralan.
3. Siya ang nagkukumpuni o gumagawa ng mga sirang bahay at iba pang kasangkapang yari sa
kahoy._____
4. Siya ang gumagamot at nagbibigay lunas sa maysakit.______
5. Siya ang gumagawa ng sapatos, tsinelas, bag, at sinturon._____
V. Kasunduan:
Gumawa ng isang album ng mga hanapbuhay sa pamayanan bilang proyekto..

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikatlong Araw)
I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Nasasabi ang kahalagahan ng pagtutulungan ng babae at lalaki sa pagtugon sa pangunahing
pangangailangan.

II. PAKSANG-ARALIN:
. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 113
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
a. Sabihin ang gawain ng bawat kasapi ng mag-anak sa tahanan.
b. Role Playing ng mga gawaing bahay
3.Balik-aral:
Sino ang tumutulong sa atin?
Kapag maysakit?
Sa pagtatanim ng palay?
Sa pananahi ng damit na pambabae?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Paano nagtutulungan ang mag-anak sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan?
2. Pagganyak:
Awit: Tayo’y Magtulungan
Lalaki: Ano ba ang ginagawa mo,
O minamahal kong Neneng?
Babae: Nagluluto, nagluluto
Ng ating pagkain!
O halina, o halina
Ako’y iyong tulungan.
Lalaki: Kayang-kaya kitang tulungan,
O mahal kong Neneng.
Babae: Ano ban’g ginagawa mo,
O mahal kong Pepe?
Lalaki: Nagsusulsi, nagsusulsi
Ng punit na medyas.
Lalaki at Babae: O halina, o halina
Tayo’y magtulungan.
Tungkol saan ang awitin?
3. Paglalahad:
Pabunutin an glider ng pangkat.
Bigyan ng konting panahon ang mga bata upang makapaghanda sa pagsasadula:
Paglalaba
Pagtitinda
Paglilinis
Pagluluto
pananahi
4. Pagtalakay:
Alin-aling mga gawain ang maaring pagtulungan ng mga babae at lalaki?
Mayroong din bang mga gawain na hindi maaring pagtulungan ng babae at lalaki?
5. Paglalahat:
Bakit kailangang pagtulungan ng mga babae at lalaki ang mga gawain?
Anu-anong mga Gawain ang maaring pagtulungan ng mga babae at lalaki?
Tandaan:
May mga gawaing maaring pagtulungan ng babae at lalaki. Pinagtutulungan ang mga Gawain upang
matapos kaagad ang mga ito.
.6. Paglalapat:
Naglalaba ang nanay sa poso. Paano tutulungan ng tatay, ate at kuya ang nanay?

IV. Pagtataya: Pasalita:


Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Maglalako ng paninda sina Nena at Lino. Basket at bilao ang gamit nila.Paano sila
magtutulungan?
2. Hawak ni Roman ang bunot at walis. Maglilinis siya ng silid-aralan. Nakita siya ni Mona. Ano
ang gagawin ni Mona?
3. Tuyong-tuyo at maraming nakapaligid na damo sa mga halaman nina Ben at Lorna.
Paano sila magtutulungan upang mata[pos ang gawain?

V. Kasunduan:
Itala ang mga gawaing maaring pagtulungan ng babae at lalaki.

Puna:_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Natatalakay kung paano natutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mag-anak.

II. PAKSANG-ARALIN:
. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 113
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Ipabigkas ang tula:
Ang Mag-anak
Nanay:
Mananahi, magluluto,
Mag-aalaga, maglilinis
Gawain ko ay walang patid.
Kaya ang boses ko ay matinis.
Sa umaga’y inihahanda
Pagkain ng mga bata
Inaasikaso kahit ang matatanda
Ako’y inang pinagpala.
Tatay:
Sa araw-araw, ako’y pumapasok
Naghahanapbuhay nang lubos.
Pagkain, damit, at baon sa pagpasok
Pinaghahandaan ko nang lubos.
Anak:
Ako’y batang mabait,
Sumusunod, naglilinis,
Naglalaro, nag-aaral,
Gumagalang sa magulang.
Kahit ako’y maliit pa,
Laging kasama ang ama at ina
Nagmamahal sa kanila.
3.Balik-aral:
Nag-aasikaso siya sa bahay at nag-aalaga ng mga anak. Sino siya?
Tumutulong siya sa nanay sa mga gawaing-bahay. Sino siya?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Paano nagtutulungan ang mag-anak sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan?
2. Paglalahad:
Ipakita ang mga larawan na nagpapakita ng iba’t ibang gawain ng mga kasapi ng mag-anak sa
pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan.
3. Pagtalakay:
Anu-anong mga gawain ang ginagawa ng bawat kasapi ng mag-anak upang matugunan ang
pangangailangan nila?
5. Paglalahat:
Bakit kailangang pagtulungan ng mga babae at lalaki ang mga gawain?
Anu-anong mga Gawain ang maaring pagtulungan ng mga babae at lalaki?
Tandaan:
Nagtutulungan ang mag-anak upang mapagkasya at matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
.6. Paglalapat:
May maliit na tindahan si Aling Rosa. Abala siya sa pagluluto. Paano siya matutulungan ng kanyang
anak na si Lea?

IV. Pagtataya
Lagyan ng / ang mga gawaing nakakatutulong sa pagtugon ng pamilya sa kanilang pangangailangan X
ang hindi.
__1. Nagtatanim ng mga gulay sa bakuran ang tatay.
__2. Nag-aalaga ng mga manok ang nanay sa bakuran.
__3. Naglalaro ang mga anak mgahapon sa kalye.
__4. Nagtitinda ng kakanin si Jose.
__5. Iniipon ni Ana ang mga basyong bote at lata at saka niya ipinagbibili.

V. Kasunduan:
Ano ang iba pang pinagkakakitaan ng iyong nanay at tatay sa bahay bukod sa kanilang hanapbuhay.
Interbiyuhin ang mga magulang. Humanda sa pagbabahagi bukas sa klase.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikalimang Araw)
I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Nasasabi na ang bawat kasapi ng mag-anak ay may bahaging dapat gampanan sa pagtugon sa
mga pangunahing pangangailangan.

II. PAKSANG-ARALIN:
. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 113
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Awit: Bahay Kubo
3.Balik-aral:
Pumalakpak kung nakatutulong sa pagtugon sa pangunahing pangangailangan ang Gawain at
huwag kung hindi.
pangangapitbahay maghapon
pagtatanim ng mga gulay sa bakuran
pagtitinda ng mga kakanin
pagtulog sa bahay maghapon
pagsusugal
paghahayupan
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Ano ang gawaing ginagampanan mo sa bahay?
2. Paglalahad:
Ipakita ang larawan ng mag-anak na may kanya-kanyang gawaing ginagampanan:
Tatay – nagkukumpuni ng bubong
Nanay – nagluluto ng pagkain ng pamilya

Kuya – nagpapakin ng mga hayop


Ate – naglilinis ng bahay
Bunso – nagpupunas ng mesa

3. Pagtalakay:
Sinu-sino ang mga gumagawa ng mga gawain?
Lahat ba sila ay gumagawa?
Ano ang masasabi ninyo tungkol dito?
4. . Paglalahat:
Ano ang gampanin ng bawat kasapi ng mag-anak?
Tandaan:
Bawat kasapi ng mag-anak ay may gampanin..
6. Paglalapat:
Lutasin:
Maraming Gawain ang nanay. Hindi pa siya nakapagsasaing. Ano ang gagawin mo?
Ginagawa ni Tata yang bubong ng bahay. Wala siyang taga-abot ng mga gamit. Wala ka naming
ginagawa. Ano ang gagawin mo?

IV. Pagtataya
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Naglalaba ang nanay nang dumating ka galling sa paaralan. Wala siyang katulong sa
pagsasampay ng nilabhan. Ano ang gagawin mo?
a. Matutulog ka na lang
b. Aaalis ka
c. Iaabot mo kay nana yang nilabhan
2. Naglalaro kayo ng mga kaibigan mo. Nakita mo na ginagawa ng tatay ang bakod ninyo. Ano ang
gagawin mo?
a. Tutulong sa tatay
b. Magtatago para di mauutusan
c. Di papansinin ang tatay

V. Kasunduan:
Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng pagtutulungan ng mga kasapi ng pamilya.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikatlong Linggo
(Unang Araw)

I. Mga layunin
Naipapakita na kahit na anong bilang kapag isinama sa sero ay di madadagdagan.
Nakapagbibigay ng addition combinations na ___+0
Nagpapakita ng katapatan sa paggawa.

II. Paksa: Pagpapakita na Kahit na Anong Bilang Kapag Isinama sa 0 ay hindi Madagdagdagan.
A. Aralin 1:
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28
Lesson Guide in Elem Math I pah. 135-137
C. Kagamitan: larawan ng mga bagay
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Pagpapakita na Kahit na Anong Bilang Kapag Isinama sa 0 ay hindi Madagdagdagan.
Pagpapahalaga: Pagpapakita ng katapatan sa anumang gawain..

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda: Paligsahan (Dalawahan)
Plaskards Drill
Bawat tamang sagot , pahakbangin ang bata hanggang sa makarating sa finish line. Bigyan ng gantimpala
ang batang mananalo.
2. Balik-aral
Pangkatang Gawain
Laro: Unahan sa pagbuo ng addition table
+ 0 1 2 3 4 5

1 3

2 3

4 6

3. Pagganyak:
Ipakita ang 2 kahon. Pahulaan sa mga bata ang laman ng mga ito.

B. Paglalahad:
Ipakita gamit ang paglalarawan. (Visualization)
Nanghuli ng isda sina Ana at Bea. Limang tilapia ang nahuli ni Bea. Walang kumagat sa pamingwit ni
Ana kaya malungkot siya.

C. Pagsasagawa ng Gawain
Ating igawa ng number combination ang mga bilang na nabanggit sa kwento.
Ilan ang nahuling isda ni Bea?
Ilan ang kay Ana?

D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin


5+0=5
Ilang lahat ang nahuli nilang isda?
Bakit lima lang?
Bakit hindi nadagdagan?
Ano ang katumbas ng sero?

E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


Pangkatang Gawain:
Pabilisan sa pagbibigay ng sagot.
0+ 6 0+2 0+0 9+0 0+10

F. Paglalahat:
Ano ang nagyayari sa bilang kung isasama sa sero?
Bakit hindi ito nadadagdagan?

G. Paglalapat:
Laro: Relay Game

IV. Pagtataya:
Ibigay ang sagot.
1. 1+0
2. 2+0
3. 3+0
4. 4+0
5. 5+0

V. Kasunduan:
Isama ang sero sa;
Add 1 2 3 4 5 6 7 8 9
0 to

Sagot

Puna:
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikatlong Linggo
(Pangalawang Araw)

I. Mga layunin
Naipapakita na kahit na pagpalitin ang lugar ng dalawang addends o pinagsasamang bilang ay hindi
magbabago ang sagot.
Nakasusulat ng 2 addition sentence
Nagpapakita ng kaayusan at kalinisan sa pagguhit ng mga set.

II. Paksa: Pagpapakita na Kahit na Pagpalitin ang Lugar ng Addends hindi Magbabago ang Sagot
A. Aralin 1:
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28
Lesson Guide in Elem Math I pah. 137-140
C. Kagamitan: larawan ng mga bagay
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Pagpapakita na Kahit na Pagpalitin ang addends ay Hindi Magbabago ang Sagot.
Pagpapahalaga: Pagpapakita ng katapatan sa anumang gawain..

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda: Paligsahan (Dalawahan)
Plaskards Drill sa Sum ng 11-18
Bawat tamang sagot , pahakbangin ang bata hanggang sa makarating sa finish line. Bigyan ng gantimpala
ang batang mananalo.
2. Balik-aral
Laro: Matching Game
Maghanda ng plaskard na katulad ng sa domino.
At plaskard na bilang (addition sentence).
Hayaang pagtambalin ng mga bata ang domino at addition sentence nang wasto.
3. Pagganyak:
Awit: One and One , Two
B. Paglalahad:
Ipakita gamit ang paglalarawan. (Visualization)

Anong addition sentence ang maibibigay mo para sa set na ito?


Anu-ano ang addends? Ano ang sagot?
2+ 4 = 6

Anu-ano ang addends?


Ano ang sagot?
May nadagdag ba?
Nagbago ba ang sagot?
C. Pagsasagawa ng Gawain
Paguhitin ang mga bata ng 2 set na may katumbas na number story para sa bawat set.
Ipakita na naiba ang pwesto ng addends.
D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin
Ano ang natuklasan ninyo sa inyong gawa?
May nabago ba sa inyong sagot?
E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan
Pangkatang Gawain:
Pabilisan sa pagbibigay ng sagot.
Pagpalitin ang pwesto ng addends at ibigay ang sagot.
3+5 = 5+3 = 6+4 = 4+6 =
F. Paglalahat:
Ano ang nangyayari sa sagot kapag ipinagpapalit ang lugar ng addends?
G. Paglalapat:
Iguhit sa isang domino card ang bilang ng iyong pamilya.
Ang tatay at nanay sa unang hati at ang mga anak sa pangalawang hati. Lagyan ng addition story. Tapos
pagpalitin ng lugar ang dalawang addends.

May nabago ba sa iyong sagot?


IV. Pagtataya:
A. Kumpletuhin ang ang mga sumusunod na addition sentence.
1. 1+2 = 2+___=3
2. 3+2 = ___+3 = 5
3. 5+3 = 5+__=8
4. 7+2 = 2 +__=9
5. 5+8 =__+5 = 13
B. Sumulat ng 2 addition sentence para sa mga sumusunod na sets.

V. Kasunduan:
Sumulat ng 5 addition sentence. Pagpalitin ang addends at lagyan ng tamang sagot.

Puna:
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Mga layunin
Napagsasama ang tatlong isahang-digit na numero na may kabuuang bilang na 18 sa paraang pahiga.
Naisusulat ang addends at natutuklasan ang “magic sums”.
Nagpapakita ng kawastuan sa pagsasama ng mga bilang.
II. Paksa: Pagsasama ng Tatlong isahang digit na bilang na may kabuuang bilang na 18 sa Pahigang
Paraan.
A. Aralin 1:
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28
Lesson Guide in Elem Math I pah. 141-143
C. Kagamitan: larawan ng mga bagay
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Pagsasama ng Tatlong isahang digit na bilang na may kabuuang bilang na 18 sa paraang Pahiga.
Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: Paikutin ang Roleta ng Bilang at ibigay ang tamang sagot. (Sums of 6-18)
2. Balik-aral
Gamit ang Show-Me-Board
Pagbigayin ang mga bata ng angkop na addition sentence para sa Domino Card na ipapakita ng guro.
3. Paganyak:
Nakapunta nab a kayo sa Zoo?
Anu-anong mga hayop ang nakita ninyo doon?
B. Paglalahad:
1. Gamit ang cut-outs ng mga hayop , ilahad ang aralin tungkol sa mga hayop na nakita ng mga bata sa
kanilang pamamasyal.
Nagtungo sa zoo ang mga bata sa unang baiting.
Nakakita sila ng 5 ibon, 4 na unggoy, at 3 lion.
Ilang lahat ang mga hayop na nakita ng mga bata sa zoo?
Pag-aralan natin ang pinakamabilis na paraan kung paano natin mapagsasama ang mga hayop sa zoo.
Ipaskil ang cut-out ng mga hayop sa ilalim ipaskil ang bilang.
5 ibon 4 unggoy 3 lion
5 + 4 + 3
Ilan ang addends?
Alin ang una nating pagsasamahin para makuha ang sagot? (2 addends muna)
Ipakita: 5 + 4 = 9
Ano ang susunod na hakbang?
Isama ang sagot sa natitirang addend na 3.
9 + 3 = 12
(Magbigay pa ng sapat na halimbawa hanggang makuha ng bata ang konsepto)
C. Pagsasagawa ng Gawain
Hanapin ang magic sum.
1 2 4

2 5 0

4 0 3

3 2 4

1 6 2

5 1 3

D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin


Nakuha ninyo ba ang tamang sagot?
Paano?
E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan
Paramihan ng isdang mabibingwit ang bawat pangkat.
Sa hugis isda na cut-out. Magsulat ng 3 1-digit na bilang . Ipasagot ito sa mga bata nang pabilisan.
Ang pangkat na maraming masasagot nang wasto ang panalo.
F. Paglalahat:
Paano natin pinagsasama ang tatlong isahang digit na mga bilang?
Tandaan:
Pagsamahin muna ang unang dalawang addends at isama ang sagot sa natitirang addend para makuha ang
kabuuang bilang.
G. Paglalapat:
Pasagutin nang pangkatan sa pisara ang mga bata. (limahan)
2+4+6 = 7+2+1= 9+0+6= 4+2+8=
IV. Pagtataya:
Pagsamahin:
1. 2+8+6=
2. 4+6+2=
3. 5+5+8=
4. 7+0+6=
5. 7+1+3=
V. Kasunduan:
Kumpletuhin ang bilang sa kahon para ang sagot sa lahat ng kolum ay pareho.
3 ? 4

1 6 2

? 1 ?

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Mga layunin
Napagsasama ang tatlong isahang-digit na numero na may kabuuang bilang na 18 sa paraang patayo.
Naisusulat ang addends at natutuklasan ang “magic sums”.
Nagpapakita ng kawastuan sa pagsasama ng mga bilang.
II. Paksa: Pagsasama ng Tatlong isahang digit na bilang na may kabuuang bilang na 18 sa Patayong
Paraan.
A. Aralin 1:
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28
Lesson Guide in Elem Math I pah. 141-143
C. Kagamitan: larawan ng mga bagay
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Pagsasama ng Tatlong isahang digit na bilang na may kabuuang bilang na 18 sa paraang Pahiga.
Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: Paikutin ang Roleta ng Bilang at ibigay ang tamang sagot. (Sums of 6-18)
2. Balik-aral
Gamit ang Show-Me-Board
Pagbigayin ang mga bata ng angkop na addition sentence para sa Domino Card na ipapakita ng guro.
2. Pagganyak:
Ano ang paboritong mong prutas?
Bakit mahalaga ang pagkain ng prutas?
Paano nakatutulong ang pag-inom ng katas ng prutas sa ating katawan?
B. Paglalahad:
1. Gamit ang cut-outs ng mga prutas , ilahad ang aralin tungkol sa mga prutas na binili ng nanay para sa
kanyang mga anak.
Galing sa palengke ang nanay. Halika, ating alamin ang mga pinamili niya.
Wow! 5 na mangga, 2 papaya at 4 na atis. Paborito ko itong lahat. Ang sasarap.
Pagsamasamahin natin ang mga prutas na binili ng nanay sa pahigang paraan.
5+ 2 + 4 = N
Ilan ang addends? Alin ang uunahin nating pagsamahin? Alin ang huli?
Tumawag ng isang bata para ipakita ang pagsagot sa pisara.
Narito ang isa pang paraan ng pagsasama ng tatlong isahang digit na mga bilang.
Maari nating itayo ang mga bilang.
Pahiga Patayo
5+ 2 + 4 = N 5
2
_+ 4___
Paghambingin natin ang dalawang paraang ginamit.
Sa patayong paraan, aling simbulo ang hindi na ginamit? (=) Ano ang ipinalit? (guhit)
Sa patayong paraan ilang plus na simbulo ang ginamit? (isa na lang).
Paano isinulat ang mga bilang?
(isang hanay na tapat-tapat)
Aling addends ang uunahing pagsamahin? Huli?
Isulat nang patayo at pagsamahin ang mga bilang na sumusunod:
2+6+4 8+0+9 3+8+6
C. Pagproseso sa Resulta ng Gawin
Nakuha ninyo ba ang tamang sagot?
Paano?
F. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan
Pangkatang pasagutin ang mga bata sa pisara.
(Bigyan-pansin kung nasusunod ng mga bata ang pagsama sa dalawang addends muna at saka ang natitira
para makuha ang sagot.)
D. Paglalahat:
Paano natin pinagsasama ang tatlong isahang digit na mga bilang? Ano pa ang iba pang paraan ng
pagsasama ng mga bilang?
Tandaan:
Pagsamahin muna ang unang dalawang addends at isama ang sagot sa natitirang addend para makuha ang
kabuuang bilang.
E. Paglalapat:
Pangkatang Gawain:
Bigyan ng 5 aytem ang bawat pangkat na kanilang sasagutin.
Ang unang pangkat na maraming tamang sago tang siyang panalo.
IV. Pagtataya:
Pagsamahin:
1. 7 2. 5 3. 6 4. 2 5. 7
4 4 2 9 7
+6+3+8+0+4
V. Kasunduan:
Isulat nang patayo at pagsamahain:
4+5+7 9+5+4 5+2+2 8+0+7 5+8+5

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Mga layunin
Naipakikita na ang pag-iiba ng pangkat ng tatlo o higit pang addends ay nakatutulong para mas
mapadali ang pagtutuos.

II. Paksa: Pagpapangkat ng Tatlo o Higit Pang Addends


A. Aralin 1:
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28
Lesson Guide in Elem Math I pah. 141-143
C. Kagamitan: larawan ng mga bagay
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Naipakikita na ang pag-iiba ng pangkat ng tatlo o higit pang addends ay nakatutulong para mas mapadali
ang pagtutuos.
Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: Kangaroo Jump
(Sums 6-18)
2. Balik-aral
Gamit ang Show-Me-Board
Hayaang ipakita ng mga bata ang wastong sagot para sa mga kombinasyon ng mga bilang na may tatlong
isahang addends.
3.Pagganyak:
Awit: Sampung Batang Pilipino

B. Paglalahad:
1. Laro: Number Kids
Kabitan ng malalaking numero na 0-9 ang 9 na piling mga bata. Tatawagin ng guro ang 3
numero. Hihilera sila sa harap at tutuusin naman ng buong klase ang kabuuang bilang na suot
nila. Bigyan ng premyo ang makasasagot nang wasto.

2. Pagpoproseso ng Gawain:
Ilan ang addends? Alin ang uunahin nating pagsamahin? Alin ang huli?
Tumawag ng isang bata para ipakita ang pagsagot sa pisara.
Hal. 5+3+6= 5+3+6
( 5+3) + 6 5+ (3+6)
8 + 6 = 14 5+ 9 = 14
Nagbago ba ang sagot nang ibahin ang pangkat ng addends?

C. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


Pangkatang pasagutin ang mga bata sa pisara.
(Bigyan-pansin kung nasusunod ng mga bata ang pagsama sa dalawang addends muna at saka ang natitira
para makuha ang sagot.)

D. Paglalahat:
Paano natin pinagsasama ang tatlong isahang digit na mga bilang? Ano pa ang iba pang paraan ng
pagsasama ng mga bilang? Paano mapapadali ang pagtutuos?
Tandaan:
Maaring ibahin ang pangkat ng mga addends para mapadali ang pagtutuos.

E. Paglalapat:
Pangkatang Gawain:
Bigyan ng 5 aytem ang bawat pangkat na kanilang sasagutin.
Ang unang pangkat na maraming tamang sagot ang siyang panalo.

IV. Pagtataya:
Pagsamahin:
1. 4+5+8
2. 6+4+2
3. 9+0=9
4. 4+7+8
5. 5+6+2

V. Kasunduan:
Tuusin:
8+(3+6) (4+5) + 3 (1+9)+(4+7)

Puna
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

Banghay Aralinsa MUSIC


Music
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Unang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art
I. Layunin
Nakikilala ang mga nota.
Naiguguhit ang nota sa staff nang wasto.

II. Paksa: Ang Nota

Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4


Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
Kagamitan: larawan ng staff

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano natin iginuguhit ang G-clef? F-clef?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Sa musika may mga simbulong iginuguhit o isinusulat sa loob ng staff.
Ipakita ang halimbawa ng mga nota.
Ang mga nota ay may iba’t ibang anyo.

Whole note
Half note
Quarter note
Eighth note

2. Pagtalakay:
Saan isinusulat ang mga nota?
Ano ang ipinahihiwatig ng mga nota?
Anu-ano ang mga uri ng nota?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Tandaan: Ang mga nota ay mga simbulo na inilalagay sa staff at nagpapahiwatig ng tunog/tono.
2. Pagsasanay:
Pagguhit ng mga nota base sa modelo.

IV. Pagtataya:
Pagguhit ng mga nota sa staff base sa halimbawa.

V. Kasunduan:
Iguhit ang mga natutuhang uri ng mga nota sa music notebook.
Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralinsa MUSIC


Music
Ikalawang Markahan
Ikalawang Linggo
(Ikalawang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Natutukoy ang mga bahagi ng nota.

II. Paksa: Mga Bahagi ng Nota

Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4


Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
Kagamitan: larawan ng staff

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Anu-ano ang iba’t ibang uri ng nota?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Ang nota ay may mga bahagi.
Magpakita ng eighth note sa pisara.
Lagyan ng label ang mga bahagi nito.
Hook, stem , head
2. Pagtalakay:
Anu-ano ang mga bahagi ng isang nota?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Tandaan: Ang mga bahagi ng nota ay hook, stem at head.
2. Pagsasanay:
Pagguhit ng nota sa hangin, sa desk, sa papel.

IV. Pagtataya:
Tukuyin ang mga bahagi ng nota.
Ilagay ang pangalan ng bawat bahagi nito.

V. Kasunduan:
Gumuhit ng eighth note sa notebook sa musika.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin saEDUKASYON SA PAGPAPALAKAS NG KATAWAN


Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
Naisasagawa ang pagkilos sa sarili at panlahatang lugar na gumagamit ng antas.

II. Paksa: Kakayahan sa Pangangasiwa ng Katawan


Aralin: Mga Kilos na Gumagamit ng Antas
Sanggunian: Gabay na Kurikulum sa K-12 sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng katawan sa baitang I
Pupils’ Acitivity Sheet in Grade I pah. 20
Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan I pp. 31-36
Kagamitan: larawan na nagpapakita ng mga kilos ng bahagi ng katawan sa panlahatang lugar.
Integrasyon, Sining, Matematika at Musika

III. amamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Muling isagawa ang mga kilos na sabay ang magkabilang bahagi ng katawan.
2. Pagganyak
Awit: Tayo’y Sumakay sa Kabayo
(Bigyan ng angkop na galaw o kilos)

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Alam mo nab a ang pagkilos sa sarili? Alam mo na ba ang pagkilos sa panlahatang lugar na
gumagamit ng antas?
Paano ang pagkilos na iyon?
Naikikilos natin ang mga bahagi ng ating katawan. Naikikilos natin ang ating sarili. Nakakakilos
tayo sa panlahatang lugar.
Ano ba ang panlahatang lugar?
Mahirap ba itong gawin? Alamin natin.

2. Gawain: (Imumustra ng guro sa harap)


Mga Kilos sa Sarili at Panlahatang Lugar na may Antas
1. Pagdya-jogging
2. Lakad patingkayad sa mataas na lugar
3. Lakad patiyad sa mataas na lugar
4. Karaniwang lakad sa katamtamang lugar
5. Lakad patakbo sa mataas na lugar
6. Lakad patingkayad sa mababang lugar
3. Paglalahat:
Ano ang mabuting naidudulot ng ganitong uri ng pag-eehersisyo sa ating katawan?
Tandaan:
Ang pagkilos sa sarili at sa panlahatang lugar na may antas ay mabuting ehersisyo. Ang ehersisyong
ito ay mahalaga. Pinalalakas at pinasisigla ang ating katawan ng ganitong uri ng ehersisyo.

4. Pagsasanay
Pangkatang Pagpapakitang Kilos

IV. Pagtataya
Ipagawa nang pangkatan:
1. Pagdya-jogging
2. Lakad patingkayad sa mataas na lugar
3. Lakad patiyad sa mataas na lugar
4. Karaniwang lakad sa katamtamang lugar
5. Lakad patakbo sa mataas na lugar
6. Lakad patingkayad sa mababang lugar

V. Kasunduan
Pag-aralan ang iba’t ibang kilos na natutuhan sa bahay.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin saART


Pinagsanib na Aralin sa art at Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:
Natutukoy ang mga pangunahin at pangalawang kulay.

II. Paksang Aralin: Panimulang Aralin sa Kulay: Pangunahing Kulay


A. Talasalitaan
Primary Colors: Red , blue, Yellow
Secondary Colors; green. Violet, orange
B. Elemento at Prinsipyo
Shape, line
C. Kagamitan
Crayons at least 6 colors, cartolina
D. Sanggunian: K-12 Art
Teacher’s Guide
pp. 29-30
Pupils; Activity Sheet pp. 14-15

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagganyak
Pagbuo ng puzzle ( Bahaghari)
Anu-anong mga kulay ang nakikita sa rainbow?
2. Awit: Red and Yellow

B. Panlinang na Gawain
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga pagunahing kulay?
Pagbigayin ang mga bata ng mga bagay sa paligid na may mga kulay na dilaw, pula at asul.
Paano naman nabubuo ang mga panagalawang kulay?

C. Pagpoproseso ng Gawa:
1. Paano nakabubuo ng berdeng kulay?
Lila o ube? Orange o dalandan?

2. Ilarawan ang kulay na nabuo ninyo.

IV. Pagtataya:
Tingnan ang bagay. Isulat ang A kung ito ay may pangunahing kulay at B kung ito ay may
pangalawang kulay.
1. Asul na lobo__________
2. Lila na bag____________
3. Pulang rosas___________
4. Berdeng medyas _______
5. Dilaw na ipit___________

V. Kasunduan:
Gumuhit ng mga bagay na may pangunahing kulay at pangalawang kulay sa isang putting papel.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa HEALTH


Pinagsanib na aralin sa Science at Art
Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo
(Ika-limang Araw)

I. Layunin:
- Nasasabi kung kailan dapat hugasan ang mga paa.
- Naisasagawa ang paghuhugas ng mga paa
- Kung marumi

II. Paksang Aralin: Paghuhugas ng Kamay


A. Malinis na Paa
B. Kagamitan: tubig at sabon, bimpo
C. Sanggunian: k-12 Health Curriculum Guide
page 17
Modyul 1, Aralin 1 pah 28
Pupils’ Activity Sheet pp. 15-16

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Kailan mo dapat hugasan ang iyong mga kamay?
2. Pagganyak:
Awit: Ituro ang Paa

B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad:
Ipakita ang larawan ng isang bata na nakalusong sa baha.
Tingnan si Biboy. Naglalaro siya sa baha.Ang dumi-dumi niya.
Ano ang dapat niyang gawin pagkatapos maglaro?
Dapat bang maglaro si Biboy sa tubig-baha?Bakit?

2. Pagtalakay:
Talakayin ang kahalagahan ng paghuhugas ng paa.
Kapag naghuhugas ng ating mga paa tayo ay gumagamit ng tubig at sabon.
2. Paglalahat
Tandaan: Maghugas ng mga paa kapag ito ay marumi.

3. Pagsasanay:
Maghilamos ka na Sana

IV. Pagtataya:
Pangkatang Pagpapakitang Kilos ng wastong paghuhugas ng paa.

V. Kasunduan:
Ugaliing maghugas ng paa kapag marumi ang mga ito.
Bakatin ang mga paa sa puting papel.
Isulat sa ilalim ng guhit.
Huhugasan ko ang aking mga paa kapag marumi.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Unang Araw)
I.Layunin:
- Naipakikita ang pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng pangangailangan.
- Pagtulong sa kaibigan

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin: “Ang Leon at ang Daga”
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Pangalawang Hakbang sa Pagbasa pah. 24
Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa pah. 16
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano tinulungan ni Pule ang alaga niyang kabayo?
Nagpakita ba siya ng pagmamahal sa kanyang alaga?

2. Pagganyak:
Sino ang tinatawag na hari ng kagubatan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
“Ang Leon at ang Daga”
Sa kagubatan ay maraming hayop. Isang araw, biglang nagising ang Leon dahil sa isang maliit na
daga na tumakbo sa katawan niya. Hinuli niya ang daga at binalak kainin ito.
Daga: “Huwag po ninyo akong kainin. Patawarin at pakawalan po ninyo ako. Baka po matulungan
ko kayo sa ibang araw.”
Napatawa ang Leon.Pinakawalan niya ang daga.Hindi nagtagal ay nahuli ng isang mangangaso ang
Leon. Itinali ito sa puno. Naghanap ng sasakyan ang tao para madala ang Leon sa zoo. Dumaan ang
maliit na daga. Nginatngat niya ang lubid na nakatali sa puno. Nakawala ang Leon at pinasalamatan
niya ang daga.

2. Pagtalakay:
a. Sino ang mahimbing na natutulog?
b. Bakit ito biglang nagising?
c. Ano ang binalak na gawin ng Leon sa daga?
d. Sino ang nakahuli sa Leon?
e. Paano siya nailigtas ng daga?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng
pangangailangan?

Tandaan:
Kaibiga’y ating kailangan
Sa hirap at ginhawa ng buhay
Tayo’y kanilang matutulungan
Sa oras ng kagipitan.

2. Paglalapat
Lagyan ng / kung totoong naganap sa kwento. X ang hindi.
- Natutulog ang isang maliit na daga.
- Nahuli ng mangangaso ang Leon.
- Nginatngat ng daga ang lubid at nakawala ang Leon.
- Namatay ang daga.
- Naging magkaibigan ang dalawa.

IV.Pagtataya:
Tama O mali
___1. Kahit maliit ay makakatulong din sa kapwa.
___2. Lahat tayo ay nangangailangan ng karamay sa oras ng kagipitan.
___3. Dapat nating tulungan ang mga kaibigan lang natin.
___4. Ang pagtulong sa kapwa ay gawaing marangal.
___5. Maari tayong humingi ng bayad kung tayo ay tutulong..

V. Takdang-aralin
Iguhit ang isang tagpo sa kwento na ibig mo.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ikalawang Araw)
I.Layunin:
- Naipakikita ang pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng pangangailangan.
- Pagtulong sa kaibigan

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin: “Tunay na Matulungin”
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Likha I Wika at Pagbasa I pah. 15.
Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa pah. 16
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Tama o Mali
-Tumulong sa kapwa na walang hinihintay na kapalit.
-Ang pagtulong sa kapwa ay mabuting gawain.
-Piliin lamang ang mga taong dapat tulungan
2. Pagganyak:
Ano ang naramdaman mo nang unang beses ka pa lang nakapunta sa paaralan?
Bakit ayaw mong magpaiwan sa iyong nanay?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
“Tunay na Matulungin”
Unang araw ng pasukan. Maagang dumating sa paaralan si Ben. Umupo siya sa isang mahabang upuan.
Maya-maya, mayroon siyang napansin.
“Aba, bakit kaya umiiyak ang batang iyon?” Lalapitan ko siya.” Sabi ni Ben.
“Magandang umaga sa iyo.Mayroon ba akong maitutulong?Ako si Ben Santos.Greyd 1 ako.
“Ako si Mara Abad.Greyd 1 din ako.Natatakot ako.Bago akong mag-aaral dito.
Hindi ko alam ang silid-aralan ko.” Sabi ni Mara.
“Huwag kang mag-alala. Halika, sasamahan kitang hanapin ang iyong silid-aralan., sabi ni Ben.
“Totoo?Tutulungan mo ako?“ tanong ni Mara.
“Oo , Mara. Alam mo magaganda ang mga silid-aralan ditto. Mababait din ang mga guro at mag-aaral.”
Dagdag pa ni Ben.
“Natutuwa ako. Tiyak na sasaya ako rito. Salamat, Ben sa tulong mo.” Ani Mara.
2. Pagtalakay:
a. Sino ang maagang dumating sa paaralan?
b. Ano ang kanyang napansin?
c. Bakit umiiyak ang bata?
d. Paano niya tinulungan si Mara?
e. Kaya mo bang gayahin ang ginawa niya?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng
pangangailangan?
Tandaan:
Kaibiga’y ating kailangan
Sa hirap at ginhawa ng buhay
Tayo’y kanilang matutulungan
Sa oras ng kagipitan.

D. Paglalapat
Ipasakilos ang mga tagpo sa mga bata.

IV.Pagtataya:
Ikahon ang tamang sagot.
1. Maagang dumating si Ben sa
( paaralan, palaruan, parke).
2. Lumapit siya kay ( Marla, Mara, Mila).
3. Ang dalawang mag-aaral ay parehong nasa greyd ( 1, 2, 3)
4. Sasamahan ni Ben ang bagong mag-aaral na:
(humiram ng aklat, bumili ng pahgkain, hanapin ang silid-aralan).
5. Si Ben ay nagpakita ng pagiging( matipid, magalang, matulungin).
V. Takdang-aralin
Iguhit ang isang tagpo sa kwento na ibig mo.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ikatlong Araw)
I.Layunin:
- Naipakikita ang pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng pangangailangan.
- Pagtulong sa kapwa

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin: “Batang Maawain”
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Likha I Wika at Pagbasa I pah. 15.
Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa pah. 16
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano tinulungan ni Ben ang bagong mag-aaral sa kanilang paaralan?
Anong mabuting ugali ang ipinakita niya?
Kaya mo ba siyang gayahin?
2. Pagganyak:
Magkano ang baon na ibinibigay sa inyo ng nanay mo?
Anu-anong pagkain ang inihahanda niya para sa rises mo?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
“Batang Maawain”
Kaysaya-saya ni Nena
Sa kanyang paglakad
Pagkat baon niya
Ay putong masarap
Subalit nasalubong
Batang umiiyak
Na ang pagkaguton
Sa mukha ay bakas.

Agad iniabot
Ang baong pagkain
At ang baong piso’y
Ibinigay pa man din
Kaya noong rises
Di na siya kumain.
Subalit masaya
Kanyang damdamin.

2. Pagtalakay:
a. Sino ang naglalakad na masaya?
b. Sino ang nasalubong niya?
c. Bakit umiiyak ang bata?
d. Paano tinulngan ni Nena ang bata?
e. Kaya mo bang gayahin ang ginawa
niya?
f. Bakit kaya Masaya naramdaman ni Nena?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng
pangangailangan?
Tandaan:
Kaibiga’y ating kailangan
Sa hirap at ginhawa ng buhay
Tayo’y kanilang matutulungan
Sa oras ng kagipitan.

D. Paglalapat
Ipabigkas ang tula nang pangkatan.

IV.Pagtataya:
Sagutin:
Paano natin maipapakita ang pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon?

V. Takdang-aralin
Iguhit ng sarili habang nagbibigay ng tulong sa isang kapwang nangangailangan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ika-apat naAraw)
I.Layunin:
- Naipakikita ang pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng pangangailangan.
- Pagtulong sa kapwa

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin: “Ang Bulag at Ang Pilay”
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah.
Likha I Wika at Pagbasa I pah. 367-369
Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa pah. 16
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano ipinakita ni Nena ang pagmamahal sa kapwa nang masalubong niya ang batang umiiyak at gutom?
Kaya mo bang tularan ang ginawa ni Nena?
2. Pagganyak:
Nakakita nab a kayo ng mga taong may kapansanan?
Anu-anong kapansanan mayroon sila?
Paano nyo sila dapat tratuhin o pakisamahan?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
“Ang Bulag at Ang Pilay”
Noon, may isang haring magdiriwang ng kaarawan. Ipinatawag niya ang kanyang mga mga utusan para
magpahanda ng malaking piging o handaan.“Gusto kong makasalamuha ang maraming panauhin.Pabahain
ninyo ng maraming pagkain at inumin. Hahandugan ko ng aginaldo ang bawat dadalo sa aking
kaarawan.Agad ipinarating ng mga utusan sa lahat ng mga tao sa kaharian ang paanyaya ng hari.
Nang makita nila ang isang bulag at isang pilay, naisip nilang biruin ang mga ito.“Bulag, Pilay , heto ang
imbitasyon. Dumalo kayo sa kaarawan ng hari sa Linggo. Huwag kayong mawawala sa party.Napakaraming
pagkain at inumin. May naghihintay pa na regalo sa inyo ang hari.
“Sayang naman!”malungkot na sabi ng bulag na lalaki. “Hindi tayo makakadalo sa piging. Pilay ka at
hindi mo kayang lumakad hanggang sa palasyo. Ako naman ay bulag hindi ko makikita ang daan.”Aha!
May mungkahi ako sa iyo. Mabuti pa ay pasanin mo ako.malakas ka at makakalakad kahit malayo. Ako
naman ang magtuturo sa iyo ng daan patungong palasyo.Malilinaw ang aking mga mata,” sabi ng pilay sa
bulag. Agad namang pumayag ang bulag sa mungkahi.Tulad nga ng napagkasunduan ng dalawa pinasan ng
bulag ang pilay, at ang pilay ang nagturo sa bulag ng daan. Makalipas ang mahabang paglalakad, nakarating
din sila sa palasyo. Masayang nakibahagi sa napakalaking piging ang bulag at ang pilay. Kumain sila nang
kumain hanggang mabusog. Tumanggap pa sila pareho ng regalo mula sa hari.Masaya ang dalawa habang
sila ay pauwi.
“Salamat kaibigan wika ng pilay sa bulag.Salamatsa pagpasan mo sa akin.Salamat din sa pagiging mata ko
paglalakad, sagot ng bulag.
“Mabuti at tayo’y natulungan, “usal ng pilay. “Oo, nga” sabi ng bulag.
2. Pagtalakay:
a. Sino ang nag-aanyaya sa mga tao?
b. Bakit magkakaroon ng marangyang piging sa palasyo?
c. Bakit malungkot ang bulag at pilay?
d. Paano nakadalo sa piging ang dalawa?
e. Anong mabuting ugali ang natutuhan mo sa kwento?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng
pangangailangan?
Tandaan:
Kaibiga’y ating kailangan
Sa hirap at ginhawa ng buhay
Tayo’y kanilang matutulungan
Sa oras ng kagipitan.

D. Paglalapat
Ipasakilos ang mahahalagang tagpo sa kwento.

IV.Pagtataya:
Tama o Mali
1. Dapat iwasan ang mga taong may kapansanan.
2. May kapansanan man ay may pakinabang din.
3. Kailangan natin ang tulong ng iba.
4. Masaya ang taong tumutulong sa kapwa.
5. Ang pagtutulungan ay gawaing mabuti.

V. Takdang-aralin
Iguhit ng sarili habang nagbibigay ng tulong sa isang kapwang nangangailangan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ikalimang Araw)
I.Layunin:
- Naipakikita ang pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng pangangailangan.
- Pagtulong sa kapwa

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin: “Si Wigan”
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 80-81
Likha I Wika at Pagbasa I pah. 367-369
Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa pah. 16
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano nakadalo ang bulag at ang pilay sa piging ng hari?
Anong mabuting ugali ang ipinakita ng dalawa?
2. Pagganyak:
Magpakita ng larawan ng isang batang Ifugao.
Kilala ba ninyo ang batang ito?
Saang pangkat ng mga Pilipino kaya siya kabilang?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
“Si Wigan”
Isang batang Ifugao si Wigan. Mahal niya ang kanyang mga kababayan lalo na ang mga batang
Ifugao. Sa kanilang barangay, maraming bata ang may sakit dahil sa kakulangan sa pagkain.
Gustung-gusto niyang tumulong sa mga batang katulad niya subalit wala siyang kakayahan. Ang
tangi niyang magagawa ay ibahagi ang kanyang pagkain sa kanyang mga kapitbahay.
Hinahati niya ito at ibinibigay sa mga bata. Namimigay din ang kanyang ate ng mga napitas na
gulay mula sa kanyang gulayan. Ilan sa mga ito ay malunggay at sibuyas. Isasahog niya ito sa gulay
na mais at munggo. Tumutulong si Wigan na maihanda ito. Pinakakain nila ang mga batang walang
ba

2. Pagtalakay:
a. Sino si Wigan?
b. Ano ang maganda niyang katangian?
c. Kung ikaw si Wigan, paano mo matutulungan ang mga batang maysakit?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng
pangangailangan?

Tandaan:
Kaibiga’y ating kailangan
Sa hirap at ginhawa ng buhay
Tayo’y kanilang matutulungan
Sa oras ng kagipitan.
D. Paglalapat
Bilang isang bata, paano ka makakatulong sa kapwa mo katulad ng ginawa ni Wigan?

IV.Pagtataya:
Lagyan ng / kung ginagawa mo at x kung hindi.
__1. Ipinagagamit ko ang aking mga laruan sa aking mga kalaro.
__2. Kung nakakakita ako ng batang umiiyak, tinatanong ko ang dahilan. Pinatatawa ko.
__3. Namimigay ako ng aking gamit para sa mga nangangailangan.
__4. Hinahatian ko ng baon ang kaklase kong walang baon.
__5. Tumutulong ako sa abot ng aking makakaya.

V. Takdang-aralin
Iguhit ng sarili habang nagbibigay ng tulong sa isang kapwang nangangailangan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin
Nasasabi ang kahalagahan ng pagtatanim ng puno
Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa saknong sa tulong ng mga larawang pinagtambal
Nakikinig na mabuti sa tulang babasahin
Nahuhulaan kung tungkol saan ang tula batay sa sariling karanasan.
Nakagagawa ng hinuha tungkol sa nagyayari batay sa pagkakasunud-sunod na pangyayari sa tula.
II. PaksangAralin: “Magtanim ng Puno”
A. Talasalitaan:Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa saknong sa tulong ng mga larawang pinagtambal.
B. Pagbigkas na Wika: Pakikinig na mabuti sa tulang babasahin.
C. Pag-unawa sa Binasa: Pahuhulaan kung tungkol saan ang tula batay sa sariling karanasan
. Paghinuha tungkol sa mangyayari sa mangyayari batay sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa tula.
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Pagkilala sa mga Panghalip na ginagamit sa pangungusap.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto – NG/G
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik NG at G
H. Sanggunian: K-12 CurriculumMTB-MLE Teaching Guide pp. 220-222
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na NG /Gg plaskard; Tsart ng tula
III. Pamamaraan:
A. Gawain Bago Bumasa:
1. Paghahawan ng balakid:
Pagtambalin ang mga larawan at angkop sa salita sa plaskard.
Puno magulang pala mestra legadera bakuran
2. Pagganyak:
Gamit ang paraang Webbing, linangin ang mga salitang Magtanim ng Puno.
Magpakita ng isang puno at hayaang magbigay ang mga bata ng mga paglalarawan tungkol dito. Isulat sa
pisara ang mga sagot ng bata.
Hal
Larawan ng puno matabang lupa
3.Pangganyak na tanong:
Ano ang maaari nating gawin sa bakuran upang mapaunlad an gating bayan?
4. Pamantayan sa Pakikinig sa Tula
B. Gawain Habang Bumabasa
1. Pagbasa ng Guro sa Tula.
“Magtanim ng Puno”

Si Mario’t si Nelson Ang kay Nelson naman

Agad nagkasundo Para raw sa kanya

Na sila’y sasamang Punong itinanim

Magtanim ng puno Iaalay niya

Ang sabi ni Nelson Sa kanyang magulang

Kasabay ng turo Kapatid at maestro

“Dalhin mo ang pala Sapagkat ibig niyang

Na bilin ng guro.” Sila’y lumigaya.

Ang kay Mario namang Ikaw, Siya, kayo

Sagot kapagdaka Tayo na’t partisan


“Dadalhin ko na rin Si Mario’t si Nelson

Pati rigadera, Sa gawang mainam

Sasabihin ko rin Taniman ng puno

Sa mga kasama An gating bakuran

Ibang kasangkapan Upang matulungang

Sila ay magdala.” Umunlad ang bayan.

Sabi pa ni Mario

Nang buong taimtim

Itong mga puno’y

Aking itatanim

Pag ito’y namunga

Aking pipitasin

At ihahandog ko

sa nanay kong giliw

2. Talakayan:
Tungkol saan ang tula?
Bakit mahalaga ang magtanim ng puno?
C. Gawain Matapos Bumasa:
1. Pangkatang Gawain
Pangkat 1 – Iguhit mo(Damdamin ng tauhan pagkatapos magtanim ng puno)
Pangkat 2 - Ay Kulang
Pagbuo ang puzzle ng puno
Pangkat 3 – Bumilang Ka – Ipabilang ang mga punong naitanim sa tula
IV. Pagtataya:
Mahalaga ba ang pagtatanim ng puno? ____
Lagyan ng / ang nagpapakita ng kahalagahan ng pagtatanim ng puno. X ang hindi.
___1.Nagbibigay ng lilim.
___2. Nagpapasikip sa bakuran
___3. Pumipigil sa pagbaha at pagguho ng lupa
___4. Nagbibigay ng pagkain
___5. Nagsisilbing tirahan ng mga ibon
V. Kasunduan:
Itala sa iyong kwaderno ang mga punong nakatanim sa inyong bakuran. Tumulong sa pag-aalaga sa mga
puno.
Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.
BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Ikalawang Araw)
I.Layunin
Nakikilala ang mga panghalip na ginagamit sa pangungusap.

II. PaksangAralin: “Magtanim ng Puno”


A. Talasalitaan:Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa saknong sa tulong ng mga larawang
pinagtambal.
B. Pagbigkas na Wika: Pakikinig na mabuti sa tulang babasahin.
C. Pag-unawa sa Binasa: Pahuhulaan kung tungkol saan ang tula batay sa sariling karanasan
. Paghinuha tungkol sa mangyayari batay sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa tula.
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Pagkilala sa mga Panghalip na ginagamit sa pangungusap.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto – NG/G
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik NG at G
H. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 220-222
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na NG /Gg plaskard
Tsart ng tula

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Ipaayos ang mga larawan ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga saknong sa tula. Lagyan ng bilang 1-
5
2. Pagganyak:
Iparinig ang tula. (Kung kaya na ipabasa)
Ako, Sila, Kayo
Ako, sila, kayo
Ay mga Pilipino
Lahi ay dakila
Pilipino ang wika
Na sinasalita.
Tungkol saan ang tula?

B. Paglalahad:
Ipapansin sa mga bata ang mga salitang nakalimbag ang pagkakasulat sa tsart ng tula.
Ipapili ang mga ito at isulat sa pisara.
Sila’y ko sila mo kong niya akin
Alam mo ba ang tawag sa mga salitang ito?
Ang mga ito ay tinatawag na mga panghalip.
Ang panghalip ay mga salitang inihahalili o ipinapalit sa pangngalan upang mabawasan ang paulit-
ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan.
Hal.Si Ana ay bumili ng tinapay.
Siya ay bumili ng tinapay.
Sina Ana at Lita ay nagbabasa sa silid-aklatan.
Sila ay nagbabasa sa silid-aklatan

C. Paglalahat:
Ano ang panghalip?
Tandaan:
Ang panghalip ay mga salitang inihahalili o ipinapalit sa pangngalan upang mabawasan ang paulit-
ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan.

D. Paglalapat:
Laro: Pair Share
Ipapili ang mga panghalip sa loob ng kahon.
Rosas paso sila payong tayo relo ako
kayo E. Malayang Pagsasanay
Pumili ng isang panghalip sa kahon at gamitin
sa pangungusap.
Tayo sila kayo ikaw siya ako

IV. Pagtataya:
Ikahon ang panghalip na ginamit sa pangungusap.
1. Si Kevin ay anim na taon na.Siya ay nasa unang baiting na.
2. Tayo ba ang magbubunot ng mga damo?
3. Ako na alng ang magdidilig ng halaman.
4. Sina Kim, Bea, at Lisa ay masisipag.Sila ay naglilinis ng silid-aralan.
5. Jana, Rhianne, VJ, kayo ba ang nagsara ng mga bintana kahapon?
6.
V. Kasunduan:
Gamitin sa pangungusap:
Ako Siya Kami Tayo Sila Ikaw

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan
ng pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Ikatlong Araw)
I.Layunin
Nakikilala ang letra mula sa ibinigay na salitaNabibigkas ang tamang tunog ng alpabeto – NG/Gg
Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.
Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.

II. PaksangAralin: Titik Ngng/Gg


A. Talasalitaan:Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa saknong sa tulong ng mga larawang pinagtambal.
B. Pagbigkas na Wika: Pakikinig na mabuti sa tulang babasahin.
C. Pag-unawa sa Binasa: Pahuhulaan kung tungkol saan ang tula batay sa sariling karanasan
Paghinuha tungkol sa mangyayari batay sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa tula.
Pagbabalik-aral sa mga detalye ngkwentong nabasa o narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Pagkilala sa mga Panghalip na ginagamit sa pangungusap.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto – NG/G
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik NG at G
H. Sanggunian: K-12 CurriculumMTB-MLE Teaching Guide pp. 220-222
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na NG /Gg plaskard; Tsart ng tula

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Laro: Pag-aayos ng Pantig (karera)
Pabilisan ang dalawang pangkat sa pag-ayos ng mga pantig upang makabuo ng salita.
Hal. Sas-ro ta-so-re si-bo-re ler-ru
Ang pangkat na maraming mabubuong salita ang siyang panalo.
2. Pagganyak:
Ipabuo ang puzzle sa bawat grupo.
Anong bahagi ng halaman ang nabuo ninyo? (bunga)
B. Paglalahad:
Anong uri ng puno ang ibig mong itanim?
Magpakita ng larawan ng isang puno.
Aling bahagi ng puno ang nagsisilbing pagkain natin?
Ano ang huling tunog ng salitang bunga?
Ipakita: Ito ay larawan ng ngipin (teeth)
Magpakita ng larawan at salitang may simulang titik na NGng
Ngipin nguya ngiti nganga nguso
ngilo ngata ngalangala
Anong tunog ang naririnig ninyo sa unahan ng mga salita?
C. Paglalahat:
Anong letra ang pinag-aralan natin nagayon?
Ano ang tunog ng Ng/ng?
D. Paglalapat:
Pagbuo ng mga pantig, salita, parirala, pangungusap at kwento: Gamit ang mga titik na napag-aralan na: Mm,
Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, Ll ,Yy, Nn, Gg, Rr, Ng
Pagsamahin ang mga titik at bumuo ng:
Pantig: Parirala:

Ma me mi mo Puno ng mangga
mu
Umakyat sa puno
Sa se si so su
Nabali ang sanga
Ba be bi bo
bu Sa langka

Ta te ti to tu Pangungusap:

Ka ke ki ko Nabungi ang
ku ngipin ni Angel.

Nabungi ang
La le li lo lu ngipin.

Na ne ni no nu Nabungi

Ya ye yi yo yu

Ga ge gi go
gu

Ra re ri ro ru

Nga nge ngi


ngo ngu

Kwento:
“Tayo Nang Umakyat”
Umakyat ng puno ng mangga si Roy.Pumitas siya ng mga bungangkahoy. Maya-maya’y nagulat si Roy.Nabali
ang sanga ng kahoy. “Aray!” ang sigaw ni Roy.
E. Pagsasanay:
Iugnay ang salita sa angkop na larawan.
1. mangga
2. sanga
3. gulong
4. banga
5. ngipin

IV. Pagtataya:
Iugnay ang salita sa angkop na larawan.
Salita Larawan
1. sanga
2. bunga
3. nganga
4. ngipin
5. nguso

V. Kasunduan:
Bilugan ang mga salitang may letrang NG/ng sa hanay ng mga salita.
Ngata retaso langka
Resibo bingi raketa
Basura sanga bungo
Munggo ngawa aral
Tangkay lungga pareho
Gumuhit ng 5 salitang may simulng titik na /Pp/.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin
BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Ika-apatnaAraw)
I.Layunin
Nakikilala ang letra mula sa ibinigay na salita
Nabibigkas ang tamang tunog ng alpabeto – Dd
Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.
Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.

II. PaksangAralin: Titik Dd


A. Talasalitaan:Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan,
pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa Pantukoy na Iyan at Iyon sa pangungusap.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Rr at Pp sa Iba pang Titik na
napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita:Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ng/Dd
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ng/Dd plaskard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Laro: Pagbuo ng puzzle
Mga larawang may simulang titik na Ng/Dd
2. Pagganyak:
Awit: Ano ang tunog ng titik Ng? Dd

B. Paglalahad:
Ipakita sa plaskard ang mga letrang napag-aralan na:
Mm Aa Ss Ii Oo Ee Bb Uu Tt Kk Ll Yy Nn Gg Rr Pp Ng Dd

C. Paglalahat:
Anong letra ang pinag-aralan natin nagayon?
Ano ang tunog ng Dd?Ng?

D.Paglalapat:
Pagbuo ng mga pantig, salita, parirala, pangungusap at kwento: Gamit ang mga titik na napag-aralan
na: Mm, Aa, Ss, Ii, Oo, Ee, Bb, Uu, Tt, Kk, ,Ll ,Yy, Nn, Gg, Rr, Ng, Dd
Pagsamahin ang mga titik at bumuo ng:
Pantig: Parirala:

Ma me mi mo mu Ang daga

Sa se si so su Sa lungga

Ba be bi bo bu Daga pala

Ta te ti to tu Ay daga
Ka ke ki ko ku Takot sa pusa

La le li lo lu Pangungusap:

Na ne ni no nu Darating na sina Dan at


Damian.
Ya ye yi yo yu
Ang daga ay takot sa
Ga ge gi go gu pusa.
Ra re ri ro ru Pumasok ang daga sa
Nga nge ngi ngo ngu lungga.

Da de di do du

Kwento:
Aba, Daga Pala?
Daga, natakot sa pusa.
Tumakbo at pumasok sa lungga
Pusa, di nakita ang daga
O kay tanga namang pusa

E. Pagsasanay:
Iugnay ang salita sa angkop na larawan.
1. daga
2. dagat
3. duyan
4. dila
5. damit

IV. Pagtataya:
Isulat ang nawawalang letra sa patlang.
1. ___aing
2. ___ugo
3. ___oktor
4. ___alawa
5. ___aliri

V. Kasunduan:
Basahin at iguhit:
1. Dahon
2. Dilis
3. Duhat\
4. Duyan
5. Dila

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan
ng pagkakatuto ng aralin
BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Ikalimang Araw)
I.Layunin
Nakasusulat gamit ang komportable at mahusay na mahigpit na pagkakahawak ng lapis
Nakasusulat ng malaki at maliit na letrang Ng/Dd

II. PaksangAralin: Titik Ng/Dd


A. Talasalitaan:Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan,
pagpapahiwatig, at pagsasakilos
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa Talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa: Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit sa Pantukoy na Iyan at Iyon sa pangungusap.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Titik Rr at Pp sa Iba pang Titik na
napag-aralan na.
F. Kaalaman sa Aklat at Paglimbag: Pagkakaiba ng Titik sa Salita
G. Pagkilala sa Salita: Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ng/Dd
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB – MLE Teaching Guide p. 73-80
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ng/Dd plaskard

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Laro: Pagbuo ng puzzle
Mga larawang may simulang titik na Ng/Dd
2. Pagganyak:
Awit; Ano ang tunog ng titik Ng? Dd
B. Paglalahad:
Ipakita sa plaskard ang mga letrang napag-aralan na:
Mm Aa Ss Ii Oo Ee Bb Uu Tt Kk Ll
Yy Nn Gg Rr Pp Ng Dd
C. Paglalahat:
Anong letra ang pinag-aralan natin nagayon?
Ano ang tunog ng Dd?Ng?

D.Paglalapat:
Ipabasa ang talata.
Pinutol ni Dodong ang mga damo sa bukid.
Tinulungan niya si Kuya Dan.
Kasama nila ang nanay at tatay.
Naging malinis ang tanimang bukid.
Nagtanim ang tatay ng dalandan, mais at kundol.
Masipag na bata sina Dodong at Kuya Dan.
1. Sino ang pumutol ng mga damo sa bukid?
2. Sinu-sino ang tumulong sa kanya?
3. Bakit pinutol ni Dodong ang mga damo sa bukid?
4. Anu-ano ang itinanim ng tatay?
5. Nabuhay kaya ang mga itinanim ng tatay? Bakit?

E. Pagsasanay:
Kulayan ng dilaw ang kahong may letra o pantig na tulad ng nasaunang kahon.
Nga la nga wa ma

Ad am ah as ad

Ng h ng D s

Da Ha ra da na

ang ab ak ang at

IV. Pagtataya:
Bilugan ang simulang letra ng larawan.
1. Ngiti ng l d
2. Dila h d w
3. Dagta w s d
4. Dalaga d k y
5. Ngipin y ng d

V. Kasunduan:
Isulat:
Ng Ng Ng Ng Ng
Dd Dd Dd Dd Dd

Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Unang Araw)

I. Layunin
Nasasagot ang tanong na “Ano ang ibig sabihin ng pangalan ng ating pamayanan?”
II. Paksa: Ang Kasaysayan ng Aming Pamayanan
(Ano ang pinagmulan ng pangalan ng aming pamayanan)
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang mga natatanging kaibigan sa
paaralan.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “loob at labas” sa isang pangungusap.
3. Phonological Awareness: Naibibigay ang isang salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro.
Mga kagamitan: Kwento: “Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan”; mga larawan ng tauhan at
iba’t ibang gamit na makikita sa kuwento.

III. Pamamaraan:
1.Paunang Pagtataya:
Anu-ano ang mga makikita sa ating pamayanan?
Ano ang gusto mo tungkol sa ating pamayanan?

2. Tukoy-alam:
Tahimik ba sa inyong pamayanan?
Magbigay kayo ng mga katangian ng inyong pamayanan?

3. Tunguhin
Alam ba ninyo kung bakit____ang tawag sa ating lugar?
Ngayong araw, aalamin natin.

4. Paglalahad
Ikwento ang kasaysayan ng sariling pamayanan.
Alamin ninyo kung bakit naging ___ang tawag sa ating barangay.

5. Pagtalakay
Bakit tinawag na Camias an gating barangay batay sa narinig ninyong kwento?

6. Pagtuturo at Paglalarawan:
Ano ang inyong pananaw tungkol sa ibinigay na pangalan sa ating barangay?

7. Paglalahat:
Saan galling ang pangalan na Camias?

8. Kasanayang Pagpapayaman
Piliin ang mga cut-outs ng mga bagay na makikita sa ating pamayanan.

9. Kasanayang Pagkabisa
Ipaguhit sa mga bata ang sariling pamayanan.

IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
1. May mga sinehan sa ating pamayanan.
2. Ang ibig sabihin ng Camias ay ____.
3. Tahimik ang pamayanan ng Camias.
4. Maunlad ang pamayanan kung masisipag ang mamamayan.
5. May paaralan din sa ating pamayanan.

V. Kasunduan:
Iguhit sa inyong kwaderno ang mga nakikita sa pamayanan.
Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Ikalawang Araw)

I. Layunin
Nakapagbibigay ng opinion tungkol sa napakinggang pinagmulan ng pangalan ng pamayanan.

II. Paksa: Ang Kasaysayan ng Aming Pamayanan


(Ano ang pinagmulan ng pangalan ng aming pamayanan)
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang mga natatanging kaibigan sa
paaralan.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “loob at labas” sa isang pangungusap
3. Phonological Awareness:Naibibigay ang isang salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro.
Mga kagamitan: Kwento: “Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan”; mga larawan ng tauhan at
iba’t ibang gamit na makikita sa kuwento.

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Anu-ano ang mga makikita sa ating pamayanan?
Ano ang gusto mo tungkol sa ating pamayanan?

2. Tukoy-alam:
Tahimik ba sa inyong pamayanan?
Magbigay kayo ng mga katangian ng inyong pamayanan?

3. Tunguhin
Angkop ba ang pangalan ng lugar natin para dito?
Kung kayo ay bibigyang pagkakataon, babaguhin ba ninyo ito? Ano?

4. Paglalahad
Gamit ang isang Concept Web ipabigay sa mga bata ang kanilang naiisip kapag sinasabi ang
___(pangalan ng pamayanan)

5. Pagtalakay
Magtanong tungkol sa nabuong concept web
6. Pagtuturo at Paglalarawan
Sagutin: Tama o Mali
1. Maraming tao ang nakatira sa ating pamayanan.
2. May mga patayan at awayan sa ating pamayanan.
3. Lahat ng tao sa pamayanan ay mayayaman.
4. Ang pamayanan ng Camias ay pinamumunuan ng kapitan.

7. Paglalahat:
Saan galing ang pangalan na Camias?

8. Kasanayang Pagpapayaman
Masaya ka ba bilang isang mamayan ng pamayanan ng Camias?Bakit?

9. Kasanayang Pagkabisa
Kung mabibigyan kayo ng pagkakataon anu-ano ang mga gusto mong maidagdag sa inyong
pamayanan?

IV. Pagtataya:
Pagtambalin ang larawan ng mga bagay sa pamayanan at larawan nito.
Pangalan Larawan
1. simbahan
2. parke
3. barangay hall
4. health center
5. paaralan

V. Kasunduan:
Sumulat ng 3 pangungusap na maglalarawan sa iyong pamayanan.

Puna: ____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin
Nakapagbibigay ng pangungusap gamit ang salitang “loob at labas”

II. Paksa: Ang Kasaysayan ng Aming Pamayanan


(Ano ang pinagmulan ng pangalan ng aming pamayanan)
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang mga natatanging kaibigan sa
paaralan.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “loob at labas” sa isang pangungusap.
3. Phonological Awareness: Naibibigay ang isang salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro.

Mga kagamitan: Kwento: “Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan”; mga larawan ng tauhan at
iba’t ibang gamit na makikita sa kuwento.

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Anu-ano ang mga makikita sa ating pamayanan?
Ano ang gusto mo tungkol sa ating pamayanan?

2. Tukoy-alam:
Tahimik ba sa inyong pamayanan?
Magbigay kayo ng mga katangian ng inyong pamayanan?

3. Tunguhin
Ngayong araw, susubukin nating gamitin sa tamang pangungusap ang mga salitang “loob at
labas”.

4. Paglalahad
Ipakita ang mga bagay na makikita sa loob ng isang pamayanan. Ipaisa-isa ang mga ito sa mga
bata. Ipatukoy din ang mga bagay na makikita sa labas ng bawat pook.
Hal.Sa loob ng paaralan
Mga guro
Mga mag-aaral
Mga aklat, atbp.
Sa labas ng paaralan
Mga sasakyan
Mga aso
Mga tao, atbp
5. Pagtalakay:
Anu-ano ang mga nakikita sa loob at sa labas ng paaralan?

6. Pagtuturo at Paglalarawan:
Magpakita ng mga larawan na nagpapakita ng kinalalagyan ng mga bagay sa loob at labas.
Tanungin ang mga bata kung ano ang kanilang opinion tungkol dito.

7. Paglalahat:
Bakit mahalaga na nasa tamang lugar ang bawat bagay?

8. Kasanayang Pagpapayaman
Laro: Tama o Mali
Hatiin sa dalawang pangkat ang mga bata.
Hayaang pumila sila sa hanay na may Tama o Mali batay sa ipapakitang posisyon ng bagay.

9. Kasanayang Pagkabisa
Magguhit ng mga bagay na nasa loob at sa labas ng inyong bahay.

IV.Pagtataya:
Pagbigayin ang mga bata ng pangungusap gamit ang salitang “loob at labas”

V. Kasunduan:
Isulat kung sa loob o sa labas matatagpuan ang bawat bagay sa paaralan.
1. Flagpole
2. desk

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin
Nakapagbibigay ng salitang katugma ng salitang naibigay ng kaklase.

II. Paksa: Ang Kasaysayan ng Aming Pamayanan


(Ano ang pinagmulan ng pangalan ng aming pamayanan)
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang mga natatanging kaibigan sa
paaralan.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “loob at labas” sa isang pangungusap.
3. Phonological Awareness:Naibibigay ang isang salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro.

Mga kagamitan: Kwento: “Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan”; mga larawan ng tauhan at
iba’t ibang gamit na makikita sa kuwento.

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Ano ang tawag sa dalawang salita na may parehong tunog ang huling pantig?
2. Tukoy-alam:
Alam mo ba ang pangalan ng bansa mo?
3. Tunguhin
Ngayong araw, susubukin natin ang galing ng bawat isa sa pag-iisip ng magkatugmang salita.
4. Paglalahad
Iparinig ang tugma:
Bansa mo, Bansa Ko
Pilipinas ang bansa.
Nitong lahing Pilipino
Luzon, Visayas, Mindanao
Magkaisa tayo
5. Pagtalakay:
Anu-ano ang mga salitang magkakatugma na narinig ninyo. Isulat sa pisara ang sagot ng mga
bata.
Pilipino - tayo
6. Pagtuturo at Paglalarawan:
Magbigay ng salitang katugma ng salitang mabubunot mo mula sa “Magic Box”
Hal. Buhok - ______
7. Paglalahat:
Ano ang salitang magkatugma?
8. Kasanayang Pagpapayaman

Laro: Hanapin ang katugma ng bawat salita sa kaliwa. Ikahon ito.


Hal.Kayumanggi = bungi buhok batok noo
9. Kasanayang Pagkabisa
kahon ang salitang magkatugma mula sa tula.
Mahal kong Pilipinas
Sa yaman ay sagana
Yamang bundok, tubig, lupa
Para sa kaunlaran ng bansa.

IV.Pagtataya:
Pagtambalin ang pangalan ng dalawang larawan na magkatugma.
1. Santol anay
2. Aklat ilog
3. Nanay bukol
4. Itlog saka
5. Baka balat

V. Kasunduan:
Sumulat ng 3 pares ng salitang magkatugma.

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Ikalimang Araw)

I. Layunin
Nakapagbibigay ng isa o dalawang pangungusap tungkol sa pamayanan.

II. Paksa: Ang Kasaysayan ng Aming Pamayanan


(Ano ang pinagmulan ng pangalan ng aming pamayanan)
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalarawan ang mga natatanging kaibigan sa
paaralan.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “loob at labas” sa isang pangungusap.
3. Phonological Awareness: Naibibigay ang isang salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro.

Mga kagamitan: Kwento: “Si Emang Engkantada at ang Tatlong Haragan”; mga larawan ng tauhan at
iba’t ibang gamit na makikita sa kuwento.

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Ano ang masasabi mo sa inyong pamayanan?

2. Tukoy-alam:
Kaya mo bang ilarawan ang iyong pamayanan gamit ang pangungusap?

3. Tunguhin
Ngayong araw, aalamin natin kung ano ang paborito nating gawain sa pamayanan.
4. Paglalahad
Ipabasa ang tula:
Pagtutulungan
Ang pagtutulungan
Lubhang kailangan
Panatilihin ito
Sa pamayanan

Ang anumang bagay


Na may kahirapan
Pag pinagtulungan
Nagiging magaan.

5. Pagtalakay:
Anu-anong mga gawain ang kailangan ng pagtutulungan sa isang pamayanan?

6. Pagtuturo at Paglalarawan:
Magpakita ng larawan ng mga Gawain sa pamayanan at pagbigayin ng pangungusap ang mga
bata tungkol ditto.
Hal.
Nagtatanim ang mga tao sa aming pamayanan.
7. Kasanayang Pagpapayaman
Ipasakilos ang mga gawaing ginagawa ng mga tao sa isang pamayanan.

IV.Pagtataya:
Sumulat ng tig-dalawang pangungusap tungkol sa inyong pamayanan.

V. Kasunduan:
Isaulo ang tula na “Pagtutulungan”

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Unang Araw)

I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Nasasabi ang kahalagahan ng pagsasagawa ng bahaging dapat gampanan ng bawat miyembro ng
pamilya sa pagtugon sa pangunahing pangangailangan.
II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 113
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Awit: Magtanim ay Di Biro (Isakilos)
Anong Gawain ang nabanggit sa ating inawit?
Sinu-sino ang maaring gumanap sa gawaing ito?
3. Balik-aral:
Alin –aling mga Gawain ang maaring pagtulungan ng babae at lalaki?
- paglilinis
-pagluluto
-pag-aararo
-pagtitinda

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Ano ang mangyayari kung hindi gagampanan ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang gawain?

2. Paglalahad:
A. Awit: Ang Aming Mag-anak
(Tono: Leron-leron)
Ang aming mag-anak
Ay laging masaya
Kaya bawat isa
Tulong-tulong twina.
Magulang, mga anak
Dito’y gumagawa,
Upang aming kamtin
Ang aming layunin.
Ano ang ginagawa ng mag-anak upamg makamit ang layunin?
B. Ilahad ang mga larawan na nagpapakita ng mga gawain ng mag-anak sa pagtugon ng pangunahing
pangangailangan, mag-anak na:
- Naglilinis
- Nagtatanim
- Natutulong-tulong sa pagluluto
- Nagkukumpuni ng bakod
- Sabay-sabay sa pagpasok
3. Pagtalakay:
Sinu-sino ang mga gumagawa ng mga gawain?
Nakakatipid ba ang mag-anak kung sila-sila lamang ang gumagawa ng mga gawain?
4. Paglalahat:
Ano ang ginagawa ng mag-anak upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan?
Tandaan:
Nagtutulong-tulong ang bawat kasapi ng mag-anak upang matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan.
5. Paglalapat:
Ipasadula:
Paglilinis at pag-aayos ng mag-anak ng buong kabahayan
Pagpapaligo at pagpapakain ng mag-anak sa mga alagang hayop
Pagluluto ng mga ititindang kakanin

IV. Pagtataya
Lagyan ng / kung ginagawa mo ang Gawain at x kung hindi.
1. Tumutulong sa paglilinis ng bahay.
2. Nagpapakain ng alagang hayop.
3. Nagtatago para di mauutusan.
4. Nagtatanim ng mga gulay sa bakuran.
5. Nakasimangot kapag nauutusan.

V. Kasunduan:
Sumulat ng limang Gawain na ginagampanan mo sa inyong tahanan bilang batang kasapi ng mag-
anak.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ikalawang Araw)

I. LAYUNIN:
Nakatutugon sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng pamilya
- Naisasagawa nang kusang-loob ang mga bahaging dapat gampanan bilang kasapi ng mag-anak sa
pagtugon ng pangunahing pangangailangan.
II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 113
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Anu-anong mga gawaing ang ginagawa ninyo sa inyong tahanan?
3. Balik-aral:
Sagutin: Tama ba o mali?
- Tinapos ni Lito ang kanyang gawaing-bahay bago maglaro.
- Maglaro muna bago sundin ang utos ng nanay.
- Hindi muna gagawin ang Gawain malayo pa naman ang pasahan.
- Hindi muna maglilinis ng bahay kasi wala naming bisitang darating.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Ano ang nadarama mo kapag ginagampanan mo nang kusang-loob ang iyong mga gampanin sa
tahanan?
2. Paglalahad:
a. Awit: Ang mga Gawain Ko
Sa umaga paggising
Akin munang liligpitin
Mga gamit ko sa pagtulog
Nang may kusa at magandang loob.
Ano ang sinasabi sa awitin?
b. Paglalahad:
Pagpapaliwag ng guro sa gawain:
Paggawa ng poster na naglalarawan ng mga gawain ng mga batang tulad ninyo.
c. Pag-uulat ng bawat pangkat sa kanilang nagawa.
3. Paglalahat:
Anu-anong mga Gawain sa tahanan ang dapat mong gawin nang kusang-loob?
Tandaan:
Maraming gawaing dapat isagawa nang kusang-loob gaya ng paglilinis ng bahay, pag-aalaga ng
nakababatang kapatid at iba pa.
4. Paglalapat:
Lutasin:
Biglang tinawag sa pulong ng inyong barangay ang iyong nanay. Hindi pa siya nakakalinis,
nakakaligpit ng mga gamit at maraming hugasing pinggan.
Ano ang gagawin ninyong magkapatid?
IV. Pagtataya
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Wala ng tubig sa pitsel. Ano ang iyong gagawin?
a. Uutusan mo ang iyong kapatid.
b. Hihintayin mong utusan ka ng iyong nanay.
c. Lalagyan mo na ng tubig ang pitsel.
2. Marami kang takdang-aralin. Ano ang gagawin mo?
a. Gagawin mo agad ang takdang-aralin
b. Ipagagawa mo sa iyong kaklase
c. Mangongopya ka sa iyong kaklase
3. Nakita mong may basura sa ilalim ng desk mo. Ano ang iyong gagawin?
a. Ilalagay mo sa desk ng iyong kaklase ang basura.
b. Kukunin mo ang basura at ilalagay sa basurahan.
c. Pababayaan mo na lang nakakalat ang basura.
4. Wala ang nanay mo, biglang dumilim ang langit.Ano ang gagawin mo sa mga sampay?
a. Hahayaan na lang.
b. Hintaying isilong ng nanay
c. Ipasisilong sa kapitbahay
5. Nagugutom na ang kapatid mo, wala pa ang nanay mo.Ano ang gagawin mo?
a. Di mo siya papansinin
b. Ikukuha mo ng pagkain ang kapatid mo
c. Hahayaan mo na lang magutom

V. Kasunduan:
Iguhit ang sarili habang gumagawa ng kusang-loob ng isang gawain.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ikatlong Araw)

I. LAYUNIN:
- Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba’t ibang sitwasyon ng pang-
araw-araw na pamumuhay na pamilya
- Inililigpit ang higaan

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 113
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Tama o Mali
Gumawa ng gawain kahit hindi inuutusan.
Naghihingi ng bayad bago sumunod sa utos.
Nangangapit-bahay para makaiwas sa utos
3. Balik-aral:
Paano nakakatulong ang paggawa ng kusa ng mga gawain?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anu-ano ang mga dapat at di-dapat gawin sa loob ng inyong bahay?

2. Paglalahad:
Magpakita ng larawan ng batang nagliligpit ng hinigaan/pinagtulugan.
Itanong: Ginagawa mo ba ang gawaing ito sa inyong tahanan?
Bakit mo ito ginagawa sa inyong tahanan?
Ano ang mangyayari kung bigla ka na lamang aalis nang hindi inililigpit ang iyong
pinagtulugan?
.
C. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga nakatatandang
kasapi ng pamilya?
Tandaan:
Tuntunin ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya.
Tulad ng pagliligpit ng sariling higaan.

D. Paglalapat:
Ipasakilos ang wastong pagliligpit ng higaan nang pangkatan.

IV. Pagtataya
Iguhit ang sarili habang nagliligpit ng higaan.

V. Kasunduan:
Tandaan: Dapat sundin ang tuntunin sa tahanan tulad ng pagliligpit ng higaan.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng a

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Ika-apat naAraw)

I. LAYUNIN:
- Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba’t ibang sitwasyon ng pang-
araw-araw na pamumuhay na pamilya
- Pag-ubos sa pagkain inihanda

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 3-4
Activity Sheets pp. 3-5
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 113
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa matematika at sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Ipaayos ang mga salita upang mabuo ang pangungusap.

Pinagtulugan iligpit ang hinigan

Anong tuntunin sa tahanan ang nabuo ninyo?


Sinusunod ba ninyo ito?Bakit?

3. Balik-aral:
Ano ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anu-ano ang mga dapat at di-dapat gawin sa loob ng inyong bahay?

2. Paglalahad:
Magpakita ng larawan ng batang kumakain sa mesa.
Itanong: Napapansin ba ninyo ang plato ng bata? May itinira ba siyang pagkain?

Ginagawa mo rin ba ang kanyang ginawa?

Bakit mo ito ginagawa sa inyong tahanan?


Ano ang mangyayari kung hindi mo uubusin ang pagkaing inihanda ng iyong nanay?
.
C. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga nakatatandang
kasapi ng pamilya?
Tandaan:
Tuntunin ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya.
Tulad ng pag-ubos sa inihandang pagkain

D. Paglalapat:
Naimbita kayo sa bahay ng lola mo. Masarap ang meriendang inihanda para sa inyo. Nakita mo na
punong-puno ang plato ng ate mo sa kinuha niyang pagkain. Tama ba ito?Bakit?

IV. Pagtataya
Lagyan ng / ang mga gawaing ginagawa mo. X ang hindi.
___1.Pinagtatabi ang kutsara at tinidor pagkatapos kumain.
___2. Ibinabalik ang upuan sa dating ayos.
___3.Kumukuha lamang ng pagkaing kayang ubusin.
___4.Kumakain nang maayos.
___5.Namimili ng pagkain.

V. Kasunduan:
Tandaan:
Dapat sundin ang tuntunin sa tahanan tulad ng pag-ubos ng inihandang pagkain..

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ikalimang Araw)
I. LAYUNIN:
- Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba’t ibang sitwasyon ng pang-
araw-araw na pamumuhay na pamilya
- Kumain ng masustansiyang pagkain

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 124-126
Activity Sheets pp. 130-136
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 113
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Magbigay ng mga tuntunin sa tahanan na sinusunod mo.
3. Balik-aral:
Ano ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anu-ano ang mga dapat at di-dapat gawin sa loob ng inyong bahay?
2. Paglalahad:
Magpakita ng larawan ng mga masusustansiyang pagkain.
Ipatukoy sa mga bata ang mga ito.

C. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga nakatatandang
kasapi ng pamilya?
Tandaan:
Tuntunin ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya.
Tulad ng pagkain nang masustansiyang pagkain.

D. Paglalapat:
Laro: Ipapili sa mga bata ang mga masusustansiyang pagkain sa paskilan.

IV. agtataya
Piliin ang mga masusustansiyang pagkain na dapat ninyong kainin.
__1. Prutas
__2. Gulay
__3. Kendi
__4. Chichiria
__5. Karne

V. Kasunduan:
Tandaan:
Dapat sundin ang tuntunin sa tahanan tulad ng pagkain ng masustansiyang pagkain.
Gumuhit ng masusustansiyang pagkain.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin
Banghay Aralin sa Matematika
Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Unang Araw)

I. Mga layunin
Nakapagsasama sa isip ng dalawa hanggang tatlong 1-digit na mga bilang na may sagot na hanggang
18

II. Paksang-Aralain:
A. Aralin 1: Adding Mentally
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28
Lesson Guide in Elem Math I pah. 147-148
C. Kagamitan: plaskard
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Nakapagtutuos sa isip lamang.
Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: Spinning the Roulette
(Sums 6-18)
2. Balik-aral
Gamit ang Show-Me-Board
Ibigay ang sagot.
(3+6) + 4
3 + (6+7)
7 + (6+5)
3. Pagganyak:
Awit: One and One two
Ngayong araw ay matutuhan ninyo ang ibang paraan ng pagsasama ng mga bilang na hindi
gumagamit ng papel na tuusan.
Ang tawag sa paraang ito ay mental math o isip lamang ang gagamitin sa pagkuha ng sagot.

B. Paglalahad:
1. Sa pamamagitan ng laro nang dalawahan o magkapera gamit ang mga daliri ibibigay ng mga bata
ang tamang sagot sa addition sentence na ibibigay ng guro. Maari nilang pagdikitin ang mga
daliri upang mabilis na maibigay ang sagot.
Hal. 8 + 6 = ____
Walong daliri ng unang bata at 6 na daliri naman ng kapareha.
Gumamit ba tayo ng lapis at papel?
3. Ngayon naman, isip lamang natin an gating gagamitin sa pagbigay ng tamang
sagot sa mga sumusunod na mga addition sentence.
1+4= 7+2= 6+3 =
2 + (3+3) 4 + (5+5)
3. Pagpoproseso ng Gawain:
Paano mo naibigay ang tamang sagot?

C. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


Pangkatang pasagutin ang mga bata sa harap ng klase.

D. Paglalahat:
Anong pamamaraan an gating ginamit sa pagkuha ng tamang sagot?
Tandaan:
Maaring isip lamang an gating gamitin sa pagkuha ng sagot.

E. Paglalapat:
Magdaos ng Paligsahan: Boys vs. Girls
Adding Mentally

IV. Pagtataya:
Isulat sa sagutang papel ang sagot sa ididikta kong mga bilang.

Padikta:
1. 4 +3
2. 2 + 8
3. 1 + 7
4. 6 + 4
5. 8 + 7

V. Kasunduan:
Gumawa ng 10 piraso ng plaskard na may sagot hanggang 18. Pagsanayan sa isip na ibigay ang mga
sagot.

Puna
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Ikalawang Araw)

I. Mga layunin
Napagsasama ang 1 hanggang 2 –digit na Numero na may sagot hanggang 99 (without regrouping)

II. Paksang-Aralin:
A. Aralin 1: Adding 1- to 2-digit Numbers with Sum through 99 without Regrouping
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28
Lesson Guide in Elem Math I pah. 147-148
C. Kagamitan: plaskard
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Naipakikita na ang pag-iiba ng pangkat ng tatlo o higit pang addends ay nakatutulong para mas mapadali
ang pagtutuos.
Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Pagsasama ng dalawa o tatlong 1-digit na bilang gamit ang plaskard
2. Balik-aral
Gamit ang Place Value Chart ilagay sa tamang hanay ang mga sumusunod na mga bilang:
Bilang Sampuan Isahan
17
29
57
78
3.Pagganyak:
Laro: Finding Partner
Dalawang pangkat ng mga manlalaro

Pangkat A hawak ang addition sentence


Pangkat B hawak naman ang sagot.

Sa hudyat ng guro, magtutuos sa isip ang mga manlalaro at hahanapin ang kapareha na may hawak
ng tamang sagot.

B. Paglalahad:
1. Pagsamahin natin:
45 IIIIIIIIII IIIIIIIII IIIIIIIII IIIIIIIII IIIII
+ 2 II
40 + 7 = 47

Maiksing paraan:
45
+ 2
47

2. Pagpoproseso ng Gawain:
Alin ang unang digit na pagsasamahin?
Alin ang pangalawang digit na pagsasamahin?

C. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


53 26 67
+ 3+ 2 +21

D. Paglalahat:
Paano ang pagsasama ng isa o dalawang digit na bilang?

Tandaan:
Pagsamahin muna ang hanay ng isahan.
Pagsamahing susunod ang sampuan.

E. Paglalapat:
Pagsamahain:
22 56
+ 44+ 23

IV. Pagtataya:
Gawin: Isulat nang patayo at pagsamahin
1. 11 + 3
2. 24 + 5
3. 32 + 3
4. 65 + 34
5. 76 + 23

V. Kasunduan:
31 42 26
+ 5+ 4+ 4

Puna
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Ikatlong Araw)

I. Mga layunin
Napagsasama ang 1 hanggang 2 –digit na Numero na may sagot hanggang 99 (without regrouping)
II. Paksang-Aralin
A. Aralin 1: Adding 1- to 2-digit Numbers with Sum through 99 without Regrouping
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28
Lesson Guide in Elem Math I pah. 147-148
C. Kagamitan: plaskard
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Naipakikita na ang pag-iiba ng pangkat ng tatlo o higit pang addends ay nakatutulong para mas mapadali
ang pagtutuos.
Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Pagsasama ng dalawa o tatlong 1-digit na bilang gamit ang plaskard
2. Balik-aral
Gamit ang Place Value Chart ilagay sa tamang hanay ang mga sumusunod na mga bilang:
Bilang Sampuan Isahan
34
51
80
3.Pagganyak:
Laro: Finding Partner
Dalawang pangkat ng mga manlalaro

Pangkat A hawak ang addition sentence

Pangkat B hawak naman ang sagot.

Sa hudyat ng guro, magtutuos sa isip ang mga manlalaro at hahanapin ang kapareha na may hawak
ng tamang sagot.
B. Paglalahad:
1. Pagsamahin natin:
52 = 10 10 10 10 10 0 0
+ 31 =10 10 10 0
83 50 + 30 (2+1)

2. Pagpoproseso ng Gawain:
Alin ang unang digit na pagsasamahin?
Alin ang pangalawang digit na pagsasamahin?

D. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


34 22 63
+ 12+ 44+ 15

E. Paglalahat:
Paano ang pagsasama ng isa o dalawang digit na bilang?

Tandaan:
Pagsamahin muna ang hanay ng isahan.
Pagsamahing susunod ang sampuan.

F. Paglalapat:
Pagsamahain:
24 18 30 42
+ 12+50+ 50+ 33

IV. Pagtataya:
Gawin: Isulat nang patayo at pagsamahin
1. 23 + 33
2. 44 + 21
3. 70 + 16
4. 55 + 21
5. 53 + 22

V. Kasunduan:
Pagsamahin:
45 + 23 20 + 60 33 + 22

Puna
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Ika-apat naAraw)

I. Mga layunin
Napagsasama ang 1 hanggang 2 –digit na Numero na may sagot hanggang 99 (with regrouping)

II. Paksang-Aralin
A. Aralin 1: Adding 1- to 2-digit Numbers with Sum through 99 with Regrouping
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28
Lesson Guide in Elem Math I pah. 152-154
C. Kagamitan: plaskard
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Naipakikita na ang pag-iiba ng pangkat ng tatlo o higit pang addends ay nakatutulong para mas mapadali
ang pagtutuos.
Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: Picking Fruits Game
Maghanda ng cut-outs ng prutas.Sa likod ng prutas magsulat ng addition sentence. Papitasin at
ipasagot sa mga bata. Pag tama ang sagot ibigay ang prutas bilang premyo.

2. Balik-aral:
Paano natin pinagsasama ang isa o dalawang digit na bilang? Alin ang inuuna?

3.Pagganyak:
Ipakita ang larawan ng tindahan ng lola.
Lola’s Fruit Stand
7 pakwan 4 na dalanghita 10 mansanas
12 na saging 8 papaya
Kumakain ba kayo ng prutas?
Saan kayo bumibili?
Anu-anong prutas ang mabibili sa tindahan ni Lola?

B. Paglalahad:
1. Narito ang listahan ng mga prutas na ating mabibili sa tindahan ni Lola:
28 oranges
27 mangoes
7 watermelons
38 Apples
43 Banana

2. Pagpoproseso ng Gawain:
Ilan ang mga mansanas? 38
Ilan ang magiging kabuuang bilang kung magdadagdag pa tayo ng 7?

1
38 = 10 10 0 00 0 0 0 0 0 10
+ 7
45 0 0 0 0 0 0 0

Unahing pagsamahin ang isahan.


Kapag nakabuo na ng sampu ilagay sa ihanay ng sampuan. Ilagay sa hanay ng isahan ang mga
isahang matitira.
C. Paglalahat:
Paano ang pagsasama ng isa o dalawang digit na bilang with regrouping?

Tandaan:
Pagsamahin muna ang hanay ng isahan.
Pagsamahing susunod ang sampuan.
Pagnakabuo ng sampuan ilagay sa hanay ng sampuan.
Ilagay sa hanay ng isahan ang isahan.

D. Paglalapat:
Pagsamahain:
59 34 35 78
+ 12+58+ 56+ 55

IV. Pagtataya:
Gawin: Isulat nang patayo at pagsamahin
1. 35 + 67
2. 26 + 28
3. 18 + 33
4. 21 + 49
5. 49 + 19

V. Kasunduan:
Pagsamahin:
67 + 13 45 + 25 58 + 22

Puna
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Ikalimang Araw)
I. Mga layunin
Napagsasama ang 1 hanggang 2 –digit na Numero na may sagot hanggang 99
(withand without regrouping)

II. Paksang-Aralin:
A. Aralin 1: Adding 1- to 2-digit Numbers with Sum through 99 with Regrouping
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28
Lesson Guide in Elem Math I pah. 152-154
C. Kagamitan: plaskard
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Naipakikita na ang pag-iiba ng pangkat ng tatlo o higit pang addends ay nakatutulong para mas mapadali
ang pagtutuos.
Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: Picking Fruits Game
Maghanda ng cut-outs ng prutas.
Sa likod ng prutas magsulat ng addition sentence. Papitasin at ipasagot sa mga bata.
Pag tama ang sagot ibigay ang prutas bilang premyo.
2. Balik-aral:
Paano natin pinagsasama ang isa o dalawang digit na bilang? Alin ang inuuna?

3. Pagganyak:
Magpakita ng larawan ng mga batang iskawts.
May 45 na lalaking iskawts at 38 babaeng iskawts ang sumali sa camping.
Ilang lahat ang mga batang iskawts kung pagsasama-samahin natin?
B. Paglalahad:
1. Isulat sa pisara ang bilang ng mga lalaki at babaeng iskawts.

45 – lalaki
38 – babae
? iskawts

2. Pagpoproseso ng Gawain:
Ilan ang mga lalaking iskawts?
Ilan ang mga babaeng iskawts?
Ilagay sa place value chart ang mga numero upang ipakita ang halaga ng bawat digit.
Sampuan Isahan
1
4 5
+3 8
8 3

Unahing pagsamahin ang isahang digit, pag nakabuo ng sampuan, ilagay ang digit sa itaas ng bilang
sa digit ng sampuan. Isama sa pagsasamahing mga bilan
C. Paglalahat:
Paano ang pagsasama ng isa o dalawang digit na bilang with regrouping?

Tandaan:
Pagsamahin muna ang hanay ng isahan.
Pagsamahing susunod ang sampuan.
Pagnakabuo ng sampuan ilagay sa hanay ng sampuan.
Ilagay sa hanay ng isahan ang isahan.

D. Paglalapat:
Tawagin nang pangkatan sa pisara ang mga bata.
Pasagutin ng mga pagsasanay na may 1-2 digit with and without regrouping.

IV. Pagtataya:

Isulat nang patayo at pagsamahin:


1. 56 + 45
2. 23 + 47
3. 34 + 37
4. 17 + 69
5. 25 + 26
V. Kasunduan:
Lutasin:
May 26 na lalaki at 18 na babae sa Grade I Science Class. Ilang lahat ang mga batang mag-aaral sa
nasabing seksyon?

Puna
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

Banghay Aralinsa MUSIC


Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Unang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Nakikilala ang mga iba’t ibang nota.
Naiguguhit ang nota sa staff nang wasto.
Nakikilala ang pamilya ng mga nota.

II. Paksa: Ang Nota

Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4


Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
Kagamitan: larawan ng staff

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano natin iginuguhit ang nota?
Anu-ano ang mga bahagi ng nota?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Sa musika may mga simbulong iginuguhit o isinusulat sa loob ng staff.
Ang mga nota ay nabibilang sa isang malaking pamilya tulad natin. Sama-sama sila at
nagtutulungan upang makabuo ng isang magandang tunog tulad ng musika.
Ipakita ang larawan’ilustrasyon ng Note’s Family
Lolo Do, Lola Re , Nanay Mi, Tatay Fa
Kuya So , Ate La , at Baby Ti

2. Pagtalakay:
Saan isinusulat ang mga nota?
Ano ang ipinahihiwatig ng mga nota?
Ilan lahat ang mga nota?
Anu-ano ang mga pangalan ng mga nota?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Tandaan: Ang mga nota ay mga simbulo na inilalagay sa staff at nagpapahiwatig ng tunog/tono.
Ang Pamilya ng mga Nota ay:
Do, Re, Mi, Fa, So, La, Ti, Do

2. Pagsasanay:
Sabihin ang pangalan ng nota batay sa larawang ipapakita.

IV. Pagtataya:
Pagtambalin ang ngalan ng nota sa larawan.

V. Kasunduan:
Iguhit ang mga natutuhang uri ng mga nota sa music notebook.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralinsa MUSIC


Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Ikalawang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Nakikilala ang mga notes syllables.

II. Paksa: 7 Note Syllables


Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4
Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
Kagamitan: larawan ng staff

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ilan ang bumubuo sa pamilya ng nota?
Sinu-sino ang mga ito?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Ipakilala ang 7 Notes Syllables
Sabihin: DO, RE, MI, FA, SO, LA, TI, DO
Ay tinatawag na 7 note syllables.
Ating alamin ang kanilang kinalalagyan sa staff.
Ipakita ang 7 note syllables sa loob ng staff.

2. Pagtalakay:
Anu-ano ang mga 7 note syllables?
Saan guhit nakalagay si Fa?Re?

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Tandaan: DO, RE, MI, FA, SO, LA, TI, DO
Ay tinatawag na 7 note syllables.

D. Pagsasanay:
Magpakita ng staff. Ipaguhit sa loob ang nota sa tamang lalagyan.

IV. Pagtataya:
Iguhit ang G-clef at 7 notes sa loob ng staff.

V. Kasunduan:
Isulat ang syllable names ng mga notang ito. (tingnan sa pisara ang staff na may nota)

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng arali

Banghay Aralin saEDUKASYON SA PAGPAPALAKAS NG KATAWAN


Ikalawang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
Naikikilos nang sabay ang paa at kamay.

II. Paksa: Kakayahan sa Pangangasiwa ng Katawan


Aralin: Mga Kilos na Gumagamit ng Antas
Sanggunian: Gabay na Kurikulum sa K-12 sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng katawan sa baitang I
Pupils’ Acitivity Sheet in Grade I pah. 20
Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan I pp. 37-41
Kagamitan: larawan na nagpapakita ng mga kilos ng bahagi ng katawan sa panlahatang lugar.
Integrasyon, Sining, Matematika at Musika
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ipagawa nang pangkatan:
1. Pagdya-jogging
2. Lakad patingkayad sa mataas na lugar
3. Lakad patiyad sa mataas na lugar
4. Karaniwang lakad sa katamtamang lugar
5. Lakad patakbo sa mataas na lugar
6. Lakad patingkayad sa mababang lugar

2. Pagganyak
Awit: Tayo’y Sumakay sa Kabayo
(Bigyan ng angkop na galaw o kilos)

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Naiikot mo ba ang kanang kamay mo?
Naitataas mo ba ang kaliwang kamay mo?
Ikaw ba ay nakakapadyak na sa kaliwang paa?
Alam mo ba ang pagsipa sa kaliwang paa?

2. Gawain: (Imumustra ng guro sa harap)


7. Pagpapaikot ng kanang kamay sabay padyak sa kaliwang paa.
Panimulang Ayos:
Tumayo nang tuwid.
Iikot ang kanag kamay.Ipadyak ang kaliwang paa.
Itaas ang kaliwang kamay.Isipa ang kanang paa.

3. Paglalahat:
Ano ang mabuting naidudulot ng ganitong uri ng pag-eehersisyo sa ating katawan?

Tandaan:
Ang pag-ikot ng kanang kamay at pagpadyak ng isang paa ay naisasagawa.Ang pagtaas ng kaliwang
kamay at pagsipa ng kanang paa ay naisasagawa rin. Ang ganitong ehersisyo ay nagpapalakas rin ng
mga binti at pati na rin mga tuhod. Ang mga kamay at mga paa ay naikikilos nang paikot at pataas.

4. Pagsasanay
Pangkatang Pagpapakitang Kilos

IV. Pagtataya
Kilalanin ang mga kilos ng mga batang nasa larawan.

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. A. iniikot ang kanang kamay
B. nakabaluktot ang kanang kamay
2. A. nakapadyak ang kaliwang paa
B. nakaunat ang kaliwang paa

V. Kasunduan
Pag-aralan ang iba’t ibang kilos na natutuhan sa bahay.

Puna
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin saART


Pinagsanib na Aralin sa art at Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Ika-apat na Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:
Nakikilala ang mga pangunahin
at pangalawang kulay.

II. Paksang Aralin: Panimulang Aralin sa Kulay:


Pangunahing Kulay
A. Talasalitaan
Primary Colors: Red , blue, Yellow
Secondary Colors; green. Violet, orange
B. Elemento at Prinsipyo Shape, line
C. Kagamitan
Crayons at least 6 colors, cartolina
D. Sanggunian: K-12 Art
Teacher’s Guide pp. 29-30
Pupils; Activity Sheet pp. 14-15

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ano ang ibig sabihin ng bawat titik sa ROYGBIV?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Anu-ano ang mga pangunahing kulay?
Pagbigayin ang mga bata ng mga bagay sa paligid na may mga kulay na dilaw, pula at asul.
Paano naman nabubuo ang mga panagalawang kulay?

C. Pagpoproseso ng Gawa:
1. Pagkulayin ang mga bata ng mga larawang ginagamitan ng pangunahin at pangalawang kulay.

IV. Pagtataya:
Sagutin nang wasto.
1. Alin ang pangunahing kulay?
Pula lila asul dalandan dilaw berde
2. Ikahon ang pangalawang kulay
Berde dilaw asul
Dalandan lila pula
3. Pula + dilaw = _____
4. Dilaw + ____= berde
5. Anu-ano ang mga kulay ng watawat ng Pilipinas__________________

V. Kasunduan:
Gumuhit ng mga bagay na may pangunahing kulay at pangalawang kulay sa isang puting papel.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa HEALTH


Pinagsanib na aralin sa Science at Art
Ikalawang Markahan
Ika-apat naLinggo
(Ika-limang Araw)

I. Layunin:
- Naipakikita ang wastong paghuhugas ng mga kamay :
- Pagkatapos pakainin ang alagang hayop tulad ng tuta

II. Paksang Aralin: Paghuhugas ng Kamay


A. Malinis na Kamay
B. Kagamitan: tubig at sabon, bimpo
C. Sanggunian: k-12 Health Curriculum Guide
page 17
Modyul 1, Aralin 1 pah 3-4
Pupils’ Activity Sheet pp. 15-16

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Laro: Ituro Mo (Touch Me) Game
Humarap sa kapareha. Sa hudyat ng guro ituturo ang bahagi ng katawan ng kapareha.

2. Pagganyak:
Awit: I Have Two Hands

B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad:
Itanong: Narinig na ba ninyo ang salitang germs o mikrobyo?
Alam ninyo ba kung saan ito galing at paano ito nakukuha?
Paano ito naisasalin?
Paano ito maiiwasan?

8. Iparinig ang awit na


“Ako ay May Mga Kamay”
(Tono: Maliliit na gagamba)
Ako’y may mga kamay
Na kaliwa at kanan
Itaas mo man ito’y
Malinis naman
Ipalakpak, ipalakpak
Itong mga kamay
Ipalakpak, ipalakpak
itong mga kamay.

9. Talakayin ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay.


Kapag naghuhugas ng ating mga kamay tayo ay gumagamit ng tubig at sabon.

10. Paglalahat
Tandaan: Maghugas ng kamay pagkatapos pakainin ang alagang hayop upang maiwasan ang
pagkalat ng mikrobyo na nakapagdudulot ng sakit.

11. Pagsasanay:
Awit: I Have Two Hands

IV. Pagtataya:
Pangkatang Pagpapakitang Kilos ng wastong paghuhugas ng kamay.

V. Kasunduan:
Ugaliing maghugas ng kamay pagkatapos pakainin ang alagang hayop.
Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Unang Araw)

I.Layunin:
- Naipakikita ang pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng pangangailangan.
- Pagtulong sa kapwa

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin: Pagbabahagi ng mga Kagamitan sa Kapwa
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 4
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85
Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa pah. 16
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano tinulungan ni Wigan ang mga batang maysakit?
2. Pagganyak:
May mga kagamitan ka bang hindi mo na ginagamit?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Magpakita ng larawan ng mga taong tumutulong at nagbibigay ng relief goods tulad ng mga
lumang damit.
Nagbabahagi ka ba ng mga kagamitan mo na hindi mo na ginagamit? Kabilang sa mga ito ang
damit, laruan at iba pa.
Ano ang nararamdaman mo sa ginagawa mong pagtulong sa kapwa?

2.Pagtalakay:
Anu-ano ang mga bagay na hindi mo na ginagamit?
Kanino mo ito pinamamahagi?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng
pangangailangan?

Tandaan:
Kaibiga’y ating kailangan
Sa hirap at ginhawa ng buhay
Tayo’y kanilang matutulungan
Sa oras ng kagipitan.

2.Paglalapat
May mga bagay ka bang hindi ginagamit?
Gumawa ng listahan kung kanino mo ito ibibigay.

Bagay na Ibibigay Pangalan ng Bibigyan


1.
2.
3.
4.
5.

IV.Pagtataya:
Iguhit ang kung ginagawa mo at kung hindi.

_____1. Ibinabahagi ko ang baon kong pagkain sa mga kaklase kong walang baon.
_____2. Pinahihiram ko ng kagamitan sa paaralan ang mga kaklase kong walang gamit.
_____3. Ibinabahagi ko ang mga gamit at laruan kong hindi na ginagamit sa mga batang
nangangailangan.
_____4. Tumutulong ako sa pagbabahagi ng mga pagkain sa mga biktima ng kalamidad.
_____5. Binibigyan ko ng pagkain o laruan ang mga batang namamalimos sa kalye.

V. Takdang-aralin
Iguhit ang mga bagay na naipamahagi mo sa iyong kapwa bilang pagtulong sa kanila.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikalawang Araw)

I.Layunin:
- Naisasagawa ang iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin tulad ng:
- Sumusunod kaagad kapag inuutusan ng kasapi ng pamilya

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin2: Ako ay Magalang sa Lahat
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 18-19
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85
Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa pah. 16
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Magbigay ng isang paraan ng pagtulong sa kapwa?
2. Pagganyak:
Ano ang ginagawa mo kapag inuutusan ka?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento.
Si Tim ay mabait na bata. Palagi siyang tumutulong sa mga gawaing bahay. Isang araw ay
nasira ang kulungan ng kanilang aso.Kinukumpuni ito ng tatay niya. Siya ang nag-aabot ng kahoy,
pako at kumukuha ng gamit sa bahay. Siyang-siya siya sa pagtulong sa kanyang ama.
Maya-maya ay heto na ang nanay niya at marami ring ipinagagawa sa kanya. Hindi nakita sa
kanya ang pagsimangot o pagdabog kahit sunud-sunod ang nagging utos sa kanya.

2. Pagtalakay:
Ano ang masasabi mo tungkol kay Tim?
Ano ang naitulong niya sa kanyang ama?
Tumulong din ba siya sa kanyang ina?
Paano niyang nagagawa ang sumunod sa lahat ng utos nang maluwag sa kanyang kalooban?
Nais mo bang tumulad kay Tim?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo maipapakita ang iyong pagiging masunurin sa iyong mga magulang?

Tandaan:
Ang pagsunod sa magulang ay magandang kaasalan.

2. Paglalapat
Isa-isahin ang gawain mo sa bahay.

IV.Pagtataya:
Lutasin:
Paano mo maipapakita ang pagiging masunurin sa sitwasyong ito?
Marami kang ginagawang proyekto sa paaralan.
Maya-maya ay tinawag ka ng ate mo para utusang walisan ang silid. Ano ang gagawin mo?

V. Takdang-aralin
Tapusin ang tugma:

Ang batang masunurin ay laging________.(pagpapalain)

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikatlong Araw)
I.Layunin:
- Naisasagawa ang iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin tulad ng:
- Pagtulong sa anumang gawain sa bahay

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin2: Ako ay Magalang sa Lahat
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 18-19
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85
Pagpapaunlad ng Kakayahan sa Pagbasa pah. 16
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang tawag sa batang madaling tumatalima sa anumang utos?
2. Pagganyak:
Tumutulong ka ba sa mga gawaing bahay?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento.
Ang Batang Masipag
Sa bahay nila ay lagi mo siyang makikitang may ginagawa.Nagwawalis at nagdidilig ng halaman.
Nagpupunas din siya ng mga alikabok sa sopa.Pagkatapos ng Gawain ay hindi niya nalilimutang mag-
aral.
Nagbabasa siya ng mga kuwento.Nagsusulat ng pangalan. At kung minsa’y nagdrodrowing at
nagkukulay. Kay sipag talaga ni Tina. Tuwang-tuwa tuloy ang kanyang ina’t ama.Masipag ka rin ba?
Katulad ka rin ba ni Tina.

2. Pagtalakay:
Ano ang masasabi mo tungkol kay Tim?
Ano ang naitulong niya sa kanyang ama?
Tumulong din ba siya sa kanyang ina?
Paano niyang nagagawa ang sumunod sa lahat ng utos nang maluwag sa kanyang kalooban?
Nais mo bang tumulad kay Tim?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo maipapakita ang iyong pagiging masunurin sa iyong mga magulang?
Tandaan:
Ang pagsunod sa magulang ay magandang kaasalan.
2. Paglalapat
Isa-isahin ang gawain mo sa bahay.

IV.Pagtataya:
Lutasin:
Paano mo maipapakita ang pagig-ing masunurin sa sitwasyong ito?
Marami kang ginagawang proyekto sa paaralan.
Maya-maya ay tinawag ka ng ate mo para utusang walisan ang silid. Ano ang gagawin mo?

V. Takdang-aralin

Tapusin ang tugma:

Ang batang masunurin ay laging________.(pagpapalain)


Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ika-apat na Araw)

I.Layunin:
- Naisasagawa ang iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin tulad ng:
- Pakikinig nang masusi sa panuto para sa gawain.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin2: Ako ay Magalang sa Lahat
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 18-19
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85
Ulirang Mag-aaral, Makadiyos, Makabayan I pah. 125
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang magandang naidudulot ng pagtulong ng mga bata sa mga gawaing-bahay?
2. Pagganyak:
Nasusunod mo ba ang mga panuto na itinakda mo para sa iyong gawain?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento.
“Paulo, narito ang mga bagong tubong halaman na itinanim natin,” pagpapakita ng tatay sa maliliit
na halaman kay Paulo.Ilalagay ko na ang mga ito sa kani-kanilang plot. Itatanim natin ito habang
maaga pa.
Tatakpan natin ng saha ng saging upang hindi malanta sa sikat ng araw. Didiligin
Natin ng kaunting tubig lamang upang hindimalunod ang mga tanim. Lagi mong titingnan baka
may mga kulisap o hanip sa paligid. Aalagaan mo ito araw-araw bago ka pumasok.”
“Opo, Itay,” ang madaling sagot ni Paulo.

2. Pagtalakay:
Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
Anong gawain ang ipinagagawa ng tatay kay Paulo?
Anu-ano ang mga hakbang para isagawa niya ang mga gawain?
Sa iyong palagay masusunod kaya ni Paulo ang bilin ng ama?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo maipapakita ang iyong pagiging masunurin sa iyong mga magulang?
Tandaan:
Ang pagsunod sa magulang ay magandang kaasalan.
Makinig na mabuti sa panuto at sundin ang mga ito.
2. Paglalapat
Sundin ang mga sumusunod na panuto.
1. Kumuha ng isang malinis na papel.
2. Isulat ang pangalan sa unang linya.
3. Gumuhit ng isang tatsulok sa loob ng malaking bilog.

IV.Pagtataya:
Lagyan ng / ang nagpapakita ng masusing pakikinig at mabuting pagsunod.
__1. Tumitingin sa nagsasalita.
__2. Iniiwasang gumawa ng ibang bagay kung may nagpapaliwanag.
__3. Nakikipag-usap sa katabi hanabg nakikinig sa ibinibigay na panuto.
__4. Tayo nang tayo habang may nagpapaliwanag.
__5. Nakikinig na mabuti sa nagsasalita.

V. Takdang-aralin
Tapusin ang tugma

Magagawa nang wasto ang anumang gawain kung ang mga panuto’y ating_______.(susundin)

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikalimang Araw)
I.Layunin:
- Naisasagawa ang iba’t ibang paraan ng pagiging masunurin tulad ng:
- Pakikinig nang masusi sa panuto para sa gawain.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin2: Ako ay Magalang sa Lahat
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 18-19
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 151
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang tawag sa mga hakbang na dapat isagawa kung may gawain?
Bakit mahalaga na sumunod sa mga panuto?
Ano kaya ang maaring mangyayari kung hindi susundin ang panuto?
2. Pagganyak:
Laro: Utos ni Pedro
Magbibigay ang guro ng panuto.
Pagsinabi ko na Utos ni Pedro tumayo.
Lahat ay tatayo. Pero kung wala ang mga salitang Utos ni Pedro o hindi kumpleto ang
pangungusap huwag susunod.
Halimbawa tumayo lang.
Handa na ba kayo?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Iparinig ang kwento.
“Paggawa ng Paikot
Ang aralin sa klase ay paggawa ng paikot.Nagpapaliwanag sa paraan ng paggawa ng paikot guro.
Ngunit karamihan sa mga mag-aaral ay gumuguhit, nagtutupi ng papel at nagdidikit maliban kay
Rogelio. Nang matapos ang paliwanag, pinanood sila ng guro para malaman kung sino ang
makagagawa ng paikot.
Si Rogelio lamang ang nakagawa nang maayos at pinakamaganda dahil nilagyan pa niya ng
kulay.

2. Pagtalakay:
Ano ang ginagawa ng mga bata samantalang nagpapaliwanag ang guro?Tama ba iyon?
Sino lanag ang nakagawa ng paikot?Bakit?
Ilarawan ang paikot na ginawa ni Rogelio.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Paano mo maipapakita ang iyong pagiging masunurin sa iyong guro?
Tandaan:
Ang pagsunod sa guro ay magandang kaasalan.
Makinig na mabuti sa panuto at sundin ang mga ito.
2. Paglalapat
Laro: Pagsunod sa Panuto.
IV.Pagtataya:
Basahin ito.
Mayroon akong limang bola.
Ang isang bola ay pula.
Ang isa pa ay asul.
Tatlo sa mga bola ay dilaw.

Gawin ito.
1. Gumuhit ng limang bola.
2. Kulayan ang isang bola ng pula at isang bola na asul.
3. Kulayan ang tatlong bola ng dilaw.

V. Takdang-aralin
Tapusin ang tugma:

Magagawa nang wasto ang anumang gawain kung ang mga panuto’y ating_______.(susundin)

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalimang
Linggo
(Unang Araw)

I. Layunin
Nasasabi ang kahalagahan ng pagbasa at pagsulat.
Naibibigay ang kahulugan ng mga salitasa pamamagitan ng pagsasakilos
Nakikinig na mabuti sa kwentong babasahin
Nahuhulaan kung tungkol saan ang kwento batay sa sariling karanasan.
Nakagagawa ng hinuha tungkol sa nangyayari batay sa pagkakasunud-sunod ng kaganapan sa kwento.
II. PaksangAralin: “Si Wako ang Matalinong Kuwago”
A. Talasalitaan:Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng pagsasakilos.
B. Pagbigkas na Wika: Pakikinig na mabuti sa kwentong babasahin.
C. Pag-unawa sa Binasa
. Pahuhulaan kung tungkol saan ang kwento batay sa sariling karanasan
. Paghinuha tungkol sa mangyayari sa mangyayari batay sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa kwento.
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit ng Tamang Panghalip sa Pagsulat
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto – Hh/Ww
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Hh at Ww
H. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 238-258
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Hh /Ww plaskard
Tsart ng kwento.

III. Pamamaraan:
A. Gawain Bago Bumasa:
1. Paghahawan ng balakid:
Laro: Pahulaan ang mga kilos.
Pabaunutin sa mahiwagang kahon ang isang bata ng salita at ipasakilos ito. Hayaang hulaan ng buong
klase.Kung sino ang makahula ay siya namang magsasakilos at magpapahula.
3. Pagganyak:
Magpakita ng larawan ng kuwago
Kilala ba ninyo ang ibong ito?
3. Pangganyak na Tanong:
Alam ba ninyo na gustong parusahan si Wako ng mga kasamahan niyang kuwago?
Alamin natin sa pamamagitan ng pagsagot sa ating “prediction chart”

B. Gawain habang Bumabasa


1. Paglalahad:
-Pagbasa ng guro sa kwento.
Si Wako ang Matalinong Kuwago
Si Wako ay isang kuwago. Kakaiba siya sa lahat ng kuwago. Siya ay mahilig magbasa at magsulat. Hindi
siya tulad ng ibang kuwago na tulog nang tulog. Lahat ng aklat ay binabasa ni Wako.
Isang araw, nagpulong ang lahat ng mga kuwago upang parusahan si Wako. Ngunit ipinaliwanag ni Wako
ang kahalagahan ng pagbabasa at nang pagiging marunong magsulat.
Sinubukan ni Wako na magkuwento. Nagulat ang matatandang kuwago sa galing ni Wako.
Lahat ng mga Kuwago ay tuwang-tuwa na makinig sa kanya. Tinuruan sila ni Wako na magbasa at magsulat
ng bilang.
Magmula noon ay nagbago ang buhay ng mga kuwago. Hindi na sila tulog nang tulog. Sila ay naging
mahilig sa pagbabasa at pagsusulat.
Naging modelo para sa kanila si Wako.
- Pagbasa ng mga bata sa kwento nang sabayan.

C. Gawain Pagkatapos Bumasa:


1. Pagtalakay:
Tungkol saan ang kwento?
Bakit kakaiba sa lahat ng kuwago si Wako?
Ano ang hilig niyang gawin?
Ano ang gustong gawin ng mga kuwago kay Wako?
Bakit nagulat ang ibang kuwago kay Wako?
Nais mo bang gayahin si Wako?
Mahalaga ba ang kasanayan sa pagbasa at pagsulat?
2. Pangkatang Gawain:
Pangkat 1 – “Ay Kulang” Pagbuo ng puzzle.
Pangkat 2 – “Artista Ka Ba? – Ipasadula ang mahalagang bahagi.
Pangkat 3 – “Bumilang Ka” – Bilangin ang mga aklat na nabasa ni Wako.
Pangkat 4 – Iguhit Mo
Damdamin ng mga kuwago matapos matutong magbasa sa tulong ni Wako.

IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
1. Mahalagang matutuhan ang kasanayan sa pagbasa at pagsulat._____
2. Si Wako ay mahilig matulog.
3. Tuwang-tuwang nakinig ang mga kuwago sa kwento ni Wako?_______
4. Naparusahan ng mga kuwago si Wako.____
5. Ang pagbabasa at pagsusulat ay mahalagang matutuhan ng lahat.______

V. Kasunduan:
Iguhit si Wako.
Sumulat ng 3 pangungusap tungkol sa kanya.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikalawang Araw)
I.Layunin
Nagagamit ng tama ang panghalip sa pagsulat.

II. PaksangAralin: “Si Wako ang Matalinong Kuwago”


A. Talasalitaan:Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng pagsasakilos.
B. Pagbigkas na Wika: Pakikinig na mabuti sa kwentong babasahin.
C. Pag-unawa sa Binasa
. Pahuhulaan kung tungkol saan ang kwento batay sa sariling karanasan
. Paghinuha tungkol sa mangyayari sa mangyayari batay sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa
kwento.
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit ng Tamang Panghalip sa Pagsulat
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto – Hh/Ww
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Hh at Ww
H. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 238-258
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Hh /Ww plaskard
Tsart ng kwento.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Ayusin ang mga larawan ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
Ilagay ito sa paket tsart.
2. Pagganyak:
Laro: Ipabuo nang pangkatan ang puzzle ng isang kuwago.
Ang pangkat na unang makakabuo ang siyang panalo.
3. Paglalahad:
A. Ipakita ang nabuong larawan ni Wako at bumuo ng webbing sa tulong ng mga pangungusap hango sa
kwentong binasa. Gamitin ang mga pangungusap sa strip ng kartolina.

Kakaiba siya sa lahat ng kuwago.


Lahat ng mga kuwago ay tuwang-tuwa na making sa kanya.
Tinuruan sila ni Wako na magbasa at magsulat ng bilang.
Sila ay naging mahilig sa pagbabasa at pagsusulat.
Naging modelo para sa kanila si Wako.

B. Ihanay sa paskilan ang mga salita sa ibaba.


Siya kanya sila kanila
1. Anu-ano ang mga panghalip na ginamit sa pangungusap?
2. Ano ang panghalip?

C. Paglalahat:
Ano ang tawag sa bahagi ng pananalita na inihahalili o ipinapalit sa pangngalan (noun) upang
mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan.

D. Paglalapat:
Ibibigay ng guro ang iba pang panghalip:
Ako ikaw siya tayo sila kayo
E. Malayang Pagsasanay
Laro: Thumbs Up Thumbs Down
1. damo 6. sila
2. kayo 7. tayo
3. ako 8. aklat
4. dasal 9. kuwago
5. ikaw 10. siya

IV. Pagtataya:
Bilugan kung panghalip at ekisan kung hindi.
___1. Ikaw
___2. Bangka
___3. Siya
___4. Duhat
___5. Kayo

V. Kasunduan:
Punan ng angkop na panghalip .
1. Si Ana ay masipag.____ay gumagawa buong maghapon.
2. Pepito ang pangalan ko. _____ay nasa baitang isa.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikatlong Araw)
I.Layunin
Nakikilala ang letra mula sa ibinigay na salita
Nabibigkas ang tamang tunog ng alpabeto – Hh
Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.
Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.
II. PaksangAralin: Titik Hh
A. Talasalitaan:Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng pagsasakilos.
B. Pagbigkas na Wika: Pakikinig na mabuti sa kwentong babasahin.
C. Pag-unawa sa Binasa
. Pahuhulaan kung tungkol saan ang kwento batay sa sariling karanasan
. Paghinuha tungkol sa mangyayari sa mangyayari batay sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa
kwento.
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit ng Tamang Panghalip sa Pagsulat
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto – Hh/Ww
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Hh at Ww
H. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 238-258
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Hh /Ww plaskard
Tsart ng kwento.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Laro: Pasahan ng bola habang umaawit.
Pagbigayin ang mga bata ng mga salitang nagsisimula ang panglan sa ipakikitang titik. (mga titik
na napag-aralan na)
2. Pagganyak:
Saan nakatira ang kuwago?
Anu-ano ang makikita sa paligid ng puno?
Saang titik nagsisimula ang salitang halaman?
Alam ba ninyo kung anong titik ang humihinga?
B. Paglalahad:
Magpakita ng larawan at salitang nagsisimula sa letrang Hh.
Hamon hipon hopya hulahop
Anong tunog ang simula ng salita o larawan?
Patunugin ang tunog ng titik Hh.
Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng mga salita, parirala, pangungusap at kwento.
Ha la man h
Hala ha
Ha hala
H halaman
Parirala:
Langhapin natin
Sa halaman mamasyal
Pangungusap:
Kukuha ng halaman si Hena.
Sa halamanan tayo’y mamasyal.
Malinis ang hangin.
Malalanghap sa halamanan.
Kwento:
Sa halamanan maganda ang tahanan. Dito ay may halamanan. Halina’t mamasyal.Malinis ang
hangin.
Malalanghap sa halamanan.
Sagutin:
Saan masarap ang hangin?
Ano ang makikita sa may tahanan?
Ano ang masasabi mo sa hangin? Bakit?

C. Paglalahat:
Anong letra ang pinag-aralan natin nagayon?
Ano ang tunog ng Hh?

D. Paglalapat:
1. Pagsulat ng letrang Hh.
2. Lagyan ng guhit ang magkaugnay sa larawan at salita.
Salita Larawan
Hari
Hikaw
Halaman
Luha
Ahas
IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang salitang may titik Hh at ekix ang wala.
1. Habol 6. duyan
2. Tahanan 7. kahon
3. Dama 8. hukay
4. Hatol 9. dugo
5. Langka 10. Duhat
V. Kasunduan
Punuin ang isang pahina ng notbuk ng titik Hh.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkakatuto ng aralin

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ika-apat na Araw)
I.Layunin
Nakikilala ang letra mula sa ibinigay na salita
Nabibigkas ang tamang tunog ng alpabeto – Ww
Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.
Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.
II. PaksangAralin: Titik Hh/Ww
A. Talasalitaan:Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng pagsasakilos.
B. Pagbigkas na Wika: Pakikinig na mabuti sa kwentong babasahin.
C. Pag-unawa sa Binasa
. Pahuhulaan kung tungkol saan ang kwento batay sa sariling karanasan
. Paghinuha tungkol sa mangyayari sa mangyayari batay sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa
kwento.
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit ng Tamang Panghalip sa Pagsulat
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto – Hh/Ww
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Hh at Ww
H. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 238-258
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Hh /Ww plaskard
Tsart ng kwento.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Laro: Catching Fish
Ipamingwit sa mga bata ang isda na may nakasulat na salitang may titik Hh. Paramihan sa
pamimingwit.
2. Pagganyak:
Sino ang matalinong kuwago?
B. Paglalahad:
Magpakita ng larawan at salitang nagsisimula sa letrang Ww
Walis walo watawat waling-waling wika
Anong tunog ang simula ng salita o larawan?
Patunugin ang tunog ng titik Ww
Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng mga salita, parirala, pangungusap at kwento.
Wa taw at wata wa w

Parirala:
Magwalis ka ay galis
Walang ipis ay tiyak

Pangungusap:
Watawat ang isa sa sagisag n gating bansa.
Magwalis ka nang magwalis.
Walang ipis kung malinis.
Walang galis kung malinis tayo.

Kwento:
Halina at Maglinis
Magwalis, magwalis. Hanggang sa luminis.
Ating paligid ating linisin.
Tiyak walang galis.Pagkat walang daga at ipis.
Kapag malinis ang paligid.

Sagutin:
Kailan walang ipis?
Ano ang dapat gawin para malinis?

C. Paglalahat:
Anong letra ang pinag-aralan natin nagayon?
Ano ang tunog ng Ww?

D. Paglalapat:
Pagsulat ng letrang Ww.
Ww Ww Ww Ww Ww
Walo ang walis ni Wena.
E. Pagsasanay:
Sabihin kung nasa unahan, gitna o hulihan ng salita ang tunog na Ww.
1. hawla
2. kuweba
3. wala
4. hikaw
5. walis

IV. Pagtataya:
Pagdugtungin ng guhit ang larawan sa pangalan nito.
1. Watawat walis
2. Sawa watawat
3. Walis kawali
4. Kawali walo
5. Walo sawa

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkakatuto ng aralin

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikalimang Araw)
I.Layunin
Nakikilala ang letra mula sa ibinigay na salita
Nabibigkas ang tamang tunog ng alpabeto – Hh/Ww
Nakikilala ang pagkakaiba ng titik sa salita.
Nababasa ang mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamit ang tunog ng mga titik.

II.PaksangAralin: Titik Hh/Ww


A. Talasalitaan:Naibibigay ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng pagsasakilos.
B. Pagbigkas na Wika: Pakikinig na mabuti sa kwentong babasahin.
C. Pag-unawa sa Binasa
. Pahuhulaan kung tungkol saan ang kwento batay sa sariling karanasan
. Paghinuha tungkol sa mangyayari batay sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa kwento.
Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong Nabasa o Narinig.
D. Kasanayan sa Wika: Paggamit ng Tamang Panghalip sa Pagsulat
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto – Hh/Ww
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Hh at Ww
H. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 238-258
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Hh /Ww plaskard
Tsart ng kwento.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ilagay sa tamang hanay ang mga salita sa pocket chart.
/Hh/ /Ww/
Ipabasa sa plaskard ang mga titik na napag-aralan na.
Mm Aa Ss Ii Oo Ee Bb Uu Tt
Kk Ll Yy Nn Gg Rr Pp Ngng Dd Hh Ww
2. Pagganyak: Awit:
Ano ang tunog ng titik Hh? Ww

B. Paglalahad:
1. Ipabasa sa mga bata ang mga nabuong pantig, parirala, pangungusap at kwento gamit ang mga titik na
Hh at Ww.
2. Ipabasa ang talata:
Watawat ang isa sa sagisag n gating bansa.
Pula puti at bughaw ang kulay nito.
May tatlong bituin ito.
May araw ito na may walong sinag.
Alagaan natin an gating watawat.
- Ano ang mga sumasagisag sa ating bansa?
- Anu-ano ang kulay ng watawat?
- Ilan ang sinag ng araw sa watawat?
- Paano mo ipakikita ang paggalang sa ating pambansang watawat?
- Kailan itinataas ang watawat ng Pilipinas?
- Bakit dapat igalang ang watawat ng Pilipinas?

C. Malayang Pagsasanay:
Ibigay ang simulang tunog.
___tawat ___laman __tis ___ri ___lo

D. Paglalahat:
Anong letra ang pinag-aralan natin nagayon?
Ano ang tunog ng Ww?Hh?

E. Paglalapat:
Laro: Bring Me Game
Dalhin ang salitang aking bibigkasin.
Piliin ito mula sa paskilan

IV. Pagtataya:
Sabihin ang pangalan ng bawat larawan.Guhitan ng puso ang simulang letra ng larawan.
1. Walo
2. Hikaw
3. Walis
4. Hukay
5. Watawat

V. Kasunduan:
Isulat ang malaki at maliit na letrang Hh at Ww sa notbuk .

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkakatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Unang Araw)

I. Layunin
Naibabahagi ang mga gawaing pambahay sa sariling tahanan.

II. Paksa: Ang mga Pagbabago sa Ating Pamayanan


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang iba’t-ibang gawaing tahanan at
pampaaralan gamit ang payak na salita.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “harap at likod” sa pangungusap.
3. Phonological Awareness:Nagbibigay ng dalawa o higit pang salitang katugma ng salitang ibinigay ng
guro.
4. Mga kagamitan: Kwento: Tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Tumakbo sa harap ng silid kung ang larawan ipapakita ko ay nagpapakita ng gawaing pambahay
at tumakbo sa harap kung gawaing pampaaralan.
Handa na ba kayo?
Larawan ng; pagwawalis ng bakuran
Pamumulot ng mga papel
Pagpila sa kantina
Pagliligpit ng hinigaan

2. Tukoy-alam:
Sabihin kung anong Gawain ang nakikita sa larawan. Ipapakita ng guro ang ginamit na larawan.

3. Tunguhin
Ngayong araw, ibabahagi natin ang mga gawain natin sa ating mga tahanan.

4. Paglalahad
1. Awit: “Magtanim ay Di Biro”
Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman nmakatayo
Di naman makaupo.

Halina, halina, mga kaliyag.


Tayo ay magsipag unat-unat.
Magpanibago tayo ng lakas.
Para sa araw ng bukas.

1. Pagtuturo at Paglalarawan:
Hayaang bigyang-kilos ng mga bata ang awit.

5. Paglalahat:
Anu-ano ang mga gawaing bahay na inyong ginagawa?

6. Kasanayang Pagpapayaman
Pagpapakitang-kilos ng mga bata sa mga gawaing-bahay.

7. Kasanayang Pagkabisa
Ipaguhit sa mga bata ang sarili habang gumagawa ng gawaing bahay.

IV.Pagtataya:
Maglista ng 5 gawaing bahay sa sarili ninyong tahanan.

V. Kasunduan:
Mag-interbyu ng kasambahay at tanungin tungkol sa kanyang karanasan sa paaralan.
Humanda sa pagbabahagi sa klase ng kwento bukas .

Puna: ____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Layunin
Naibabahagi ang mga karanasan ukol sa gawaing pampaaralan.

II. Paksa: Ang mga Pagbabago sa Ating Pamayanan


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang iba’t-ibang gawaing tahanan at
pampaaralan gamit ang payak na salita.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “harap at likod” sa pangungusap.
3. Phonological Awareness:Nagbibigay ng dalawa o higit pang salitang katugma ng salitang ibinigay
ng guro.
Mga kagamitan: Kwento: Tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
May mga gawain din ba kayo sa paaralan?
2. Tunguhin
Ngayong araw, magbabahagi kayo ng inyong karanasan ukol sa mga Gawain ninyo sa
paaralan.

3. Paglalahad
Tumawag ng ilang bata para ibahagi ang kanilang gawaing bahay. Itala ang mga sagot sa
pisara.

4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Tumawag ng ilang bata para ibahagi ang kanilang mga karanasang pampaaralan.

5. Kasanayang Pagpapayaman
Tumawag ng ilang bata, hayaang ihambing ang kanilang karanasan sa mga karanasan ng mga
matatanda sa kanilang tahanan.
6. Paglalahat:
Anu-ano ang mga gawaing pampaaralan na ginagawa ninyo?

IV.Pagtataya:
Maglista ng 5 gawaing pampaaralan ginagawa mo.

V. Kasunduan:
Sumulat ng 3 pangungusap sa tulong ng magulang ng iyong karanasan sa paaralan.

Puna:____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin
Nasasabi ang pangalan ng lugar kung saan natatagpuan ang mga hayop at halaman sa wikang
Filipino.

II. Paksa: Ang mga Pagbabago sa Ating Pamayanan


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang iba’t-ibang gawaing tahanan
at pampaaralan gamit ang payak na salita.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “harap at likod” sa pangungusap.
3. Phonological Awareness:Nagbibigay ng dalawa o higit pang salitang katugma ng salitang
ibinigay ng guro.
4. Mga kagamitan: Kwento: Tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Alam ba ninyo kung saan matatagpuan ang mga hayop at halaman?

2. Tunguhin
Ngayong araw ay susubukin nating sabihin ang mga pangalan ng lugar kung saan
natatagpuan ang mga hayop at halaman.

3. Paglalahad
Ilahad ang awit. Tong-tong-tong
Tong, tong, tong, tong pakitong-kitong
Alimango sa dagat
Malaki at masarap
Mahirap mahuli
Sapagkat nangangagat

4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Tularan ako sa pagpapalak nang papantig ng mga panglan ng lugar kung saan maari ninyong
matagpuan ang mga hayop at halaman.

5. Kasanayang Pagpapayaman
Tumawag ng piling mga bata at ipapalakpak nang papantig ang pangalan ng lugar kung
saan maari makatagpo ng mga hayop at halaman habang binibigkas ito.

6. Paglalahat:
Saan –saan lugar tayo makakatagpo ng mga hayop at halaman?

IV.Pagtataya:
Sabihin kung saan matatagpuan ang mga sumusunod na hayop at halaman.
1. Waling-waling
2. Isda
3. Manok
4. Talong
5. Kuwago
6. Bulig
7. Kalabaw
8. Tamaraw
9. Langaw
10. kamatis

V. Kasunduan:
Sumulat ng tig-2 halimbawa ng hayop at halaman ng matatgpuan sa:
Tubig lupa hangin

Puna: ____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ika-apat naAraw)
I. Layunin
Nakapagbibigay ng salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro kaugnay ng mga karanasan sa
tahanan at paaralan, noon at ngayon.

II. Paksa: Ang mga Pagbabago sa Ating Pamayanan


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang iba’t-ibang gawaing tahanan
at pampaaralan gamit ang payak na salita.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “harap at likod” sa pangungusap.
3. Phonological Awareness:
Nagbibigay ng dalawa o higit pang salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro.
Mga kagamitan: Kwento: Tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Ano ang tawag sa mga salitang pareho ang huling tunog?

2. Tunguhin
Ngayong araw ay magbibigay tayo ng mga salitang tugma na may kaugnayan sa mga
karanasan sa tahanan at dito sa paaralan, noong mga nakalipas na panahon at ngayon.

3. Paglalahad
Laro: Stop Dance
Sa saliw ng awit hayaang gumalaw ang mga bata at sa hudyat ng hinto ay hihinto. Ang
mahuhuling gumalaw ay pagbibigayin ng salitang katugma ng salitang ibinigay ng guro.

4. Kasanayang Pagpapayaman
Magpakita ng mga salita, sa hudyat ng guro ipapili ang mga salitang magkatugma.

5. Paglalahat:
Ang mga salitang magkatugma ay may parehong tunog sa hulihan ng salita.

IV.Pagtataya:
Pangkatin ang mga mag-aaral ng limahan upang makabuo ng taong tren.
Pagbigayin ang bawat grupo ng 3 salitang magkatugma. Ang unang pangkat na makapagbigay ay
hahakbang ng 3 beses. Ang unang tren na makakarating sa harap ng klase ang siyang panalo.

V. Kasunduan:
Magbigay ng salitang katugma ng:
1. Pagwawalis
2. pagguguhit
Puna:____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Layunin
Nakikilahok sa isang laro kung saan tatakbo sa harap ng silid kung ipinakitang larawan ay
gawaing pambahay at tatakbo sa likod ng silid kung ang ipinakitang larawan ay gawaing
pampaaralan.

II. Paksa: Ang mga Pagbabago sa Ating Pamayanan


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang iba’t-ibang gawaing tahanan
at pampaaralan gamit ang payak na salita.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “harap at likod” sa pangungusap.
3. Phonological Awareness:Nagbibigay ng dalawa o higit pang salitang katugma ng salitang
ibinigay ng guro.
4. Mga kagamitan: Kwento: Tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Marunong ba kayong sumunod sa panuto?
2. Tunguhin
Ngayong araw ay maglalaro tayo ng laro kung saan tatakbo kayo sa harap ng silid kung ang
ipinakitang larawan ay gawaing pambahay at tatakbo sa likod ng silid kung ang ipinakitang
larawan ay gawaing pampaaralan.

3. Paglalahad
Muling pag-usapan ang mga gawaing makikita sa mga larawang ipapaskil. Hayaang
pangkatin ng mga bata ang mga gawaing pambahay at pampaaralan.

4. Kasanayang Pagpapayaman
Pumalakpak kung gawaing pampaaralan at pumadyak kung gawaing pambahay
Paghuhugas ng pinggan
Pagdidilig ng halaman
Pamumulot ng kalat
Pagbubura ng pisara

5. Paglalahat:
May mga gawaing pambahay at pampaaralan tayong ginagampanan.

IV.Pagtataya:
Magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang Gawain sa paaralan at iba’t ibang gawain sa bahay.
Kung ang larawan ay nagpapakita ng halimbawa ng gawaing bahay, dapat tumakbo sa harap ang
mga bata;
Kung gawaing pampaaralan, dapat silang tumakbo sa likod ng silid.

V. Kasunduan:
Iguhit ang sarili hanabg gumagawa ng isang gawaing pambahay at isang gawaing pampaaralan.

Puna:____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Unang Araw)

I. LAYUNIN:
- Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba’t ibang sitwasyon ng pang-
araw-araw na pamumuhay na pamilya
- Iniiwasang manood ng telebisyon habang kumakain.
II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 124-126
Activity Sheets pp. 130-136
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 113
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Magbigay ng mga tuntunin sa tahanan na sinusunod mo.
3. Balik-aral:
Anu-ano ang mga masusustansiyang pagkain na dapat mong kainin para lumaking malusog?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anu-ano ang mga dapat at di-dapat gawin sa loob ng inyong bahay?
2. Paglalahad:
Magpakita ng larawan ng mga batang kumakain sa harap ng telebisyon.
Itanong: Ginagawa rin ba ninyo ang tulad ng nasa larawan?
Pag-usapan ang kahalagahan ng pag-iwas sa pagkain sa harap ng telebisyon. Isa-isang
talakayin at ipaliwanag ang kahalagahan sa mga bata.
Ang pagkain sa harap ng telebisyon ay:
- Nakaaapekto sa gana ng mga bata.
- Maaring makatawag pansin ang mga nahuhulog na mugmog ng pagkain ng mga insekto tulad ng
langgam at magdulot ng dumi sa sala.
- Nagpapakita ng kawalang galang sa grasya ng Diyos.

C. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya?
Tandaan:
Tuntunin ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya.
Tulad ng pagkain nang pag-iwas sa panonood ng telebisyon habang kumakain.

D. Paglalapat:
Dula-dulaan tungkol sa paksa. Tumawag ng mga batang magsasadula ng pagkain sa harap ng
telebisyon.

IV. Pagtataya
Sagutin : Tama ba o Mali?
___1. Mas lulusog ka kung habang kumakain ay nanonood ka.
___2. Ang pagkain sa harap ng TV ay kawalang galang sa grasya ng Diyos.
___3. Naapektuhan ang gana ng bata kung nanonood siya habang kumakain.
___4. Mabilis na matatapos kung sa harap ng TV kakain.
___5. Mas sasarap ang ulam kung kumakain habang nanonood ng TV.

V. Kasunduan:
Pangako: Iiwasan kong manood ng telebisyon habang ako ay kumakain.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikalawang Araw)

I. LAYUNIN:
- Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba’t ibang sitwasyon ng pang-
araw-araw na pamumuhay na pamilya
- Gawin muna ang takdang aralin bago maglaro.

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 124-126
Activity Sheets pp. 130-136
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 113
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Magbigay ng mga tuntunin sa tahanan na sinusunod mo.
3. Balik-aral:
Anu-ano ang masamang naidudulot ng pagkain sa harap ng telebisyon?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anu-ano ang mga dapat at di-dapat gawin sa loob ng inyong bahay?
2. Paglalahad:
Pakinggan ang kwento.
Kadadating lang ni Artur mula sa paaralan.Kalalapag pa lamang ng kanyang bag nang walang
anu-ano’y tinawag na siya ng kanyang mga kalaro.
Alam ni Ben na maraming ibinigay na takdang-aralin ang kanyang guro. Subalit dali-dali
siyang nanaog at sumama sa kanyang mga kalaro. Nalibang siya sa pakikipaglaro at ginabi ng
pag-uwi. Pagdating sa bahay kaagad siyang nakatulog dahil sa matinding pagod.
Kinabukasan ng magtsek ng takdang-aralin ang kanyang guro ay wala siyang maipakita.
Napagsabihan siya ng guro at sinabing gawin muna ang mga takdang-aralin bago maglaro at kung
hindi ay bababa ang kanyang marka.

3. Pagtalakay:
a. Saan galing si Arthur?
b. Sino ang tumawag sa kanya?
c. Bakit nakatulog siya kaagad?
d. Nagawa ba niya ang kanyang assignments?
e. Ano ang sinabi ng guro niya sa kanya?

C. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya?
Tandaan:
Tuntunin ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya.
Tulad ng pagkain nang paggawa muna ng takdang –aralin bago makipaglaro.

D. Paglalapat:
Dula-dulaan tungkol sa paksa.
Tumawag ng mga batang magsasadula ng paksa.

IV. Pagtataya
Lutasin:
Gustong-gusto mong makipaglaro ng pogs sa mga kalaro mo pero hindi mo pa nagagawa ang
iyong mga takdang-aralin.
Ano ang dapat mong gawin?

V. Kasunduan:
Pangako:
Gagawin ko muna ang aking mga akdang-aralin bago ako makipaglaro.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikatlong Araw)
I. LAYUNIN:
- Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba’t ibang sitwasyon ng pang-
araw-araw na pamumuhay na pamilya
- Umuwi sa bahay sa itinakdang oras.

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 124-126
Activity Sheets pp. 130-136
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 113
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Magbigay ng mga tuntunin sa tahanan na sinusunod mo.
3. Balik-aral:
Bakit dapat na unahin ang paggawa ng mga takdang-aralin kaysa sa pakikipaglaro?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anong oras ang ating uwian sa hapon?
2. Paglalahad:
Ika-apat ng hapon . Tumunog na ang bell. Hudyat na iyon ng uwian ng lahat ng mga bata sa
paaralan.
Paglabas ng silid-aralan ay naaya si Rico ng kanyang mga kaklase na maglaro muna ng teks.
Nalibang sila at hindi niya namalayang naiwan nap ala siya ng kanyang sundong traysikel.
Naglakad na lamang siya pauwi kaya alalang-alala ang kanyang nanay dahil natagalan siya sa
pag-uwi sa bahay
Napagalitan tuloy siya ng kanyang tatay.
Nangako siyang di na uulitin ang nangyari.

3. Pagtalakay:
a. Anong oras ang uwian?
b. Ano ang ipinahihiwatig ng bell?
c. Bakit naiwan si Rico ng sundo niya?
d. Ano ang ipinangako niya sa kanyang magulang?
e. Bakit mahalaga na umuwi sa itinakdang oras?

C. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya?
Tandaan:
Tuntunin ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya.
Tulad ng umuwi sa bahay sa itinakdang oras.

D. Paglalapat:
Dula-dulaan tungkol sa paksa.
Tumawag ng mga batang magsasadula ng paksa.

IV. Pagtataya
Lutasin:
Ika-apat ng hapon ang uwian pero ikalima na ng umuwi si Ana. Tama ba iyon?Bakit?

V. Kasunduan:
Pangako: Uuwi ako sa itinakdang oras?

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. LAYUNIN:
- Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba’t ibang sitwasyon ng pang-
araw-araw na pamumuhay na pamilya
- Iligpit ang mga laruan matapos laruin.

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 124-126
Activity Sheets pp. 130-136
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 113
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Magbigay ng mga tuntunin sa tahanan na sinusunod mo.
3. Balik-aral:
Anong oras ka ba dapat umuwi pagkagaling sa paaralan?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Marami ka bang laruan?
2. Paglalahad:
Iparinig:
Halinang Maglaro
Dumating ang mga kalarong bata ni Netnet sa kanilang bahay. Inilabas ni Netnet ang kahong
lalagyan ng kanyang mga laruan. Ibinuhos ng mga bata ang mga laruang laman ng kahon. Nang
matapos maglaro,isa-isang nag-alisan ang mga bata.
Pati si Netnet ay tumalikod na rin. Naiwan
Ang mga laruang nagkalat.

3. Pagtalakay:
a. Anong kaasalan ang ipinakita ng mga bata? ni Netnet?
Mabuti ba ang kanilang ginawa pagkatapos maglaro? Bakit?
b. Kung ikaw si Netnet o isa sa mga kalaro, ano ang iyong dapat gawin sa mga laruan pagkatapos
gamitin?

C. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya?
Tandaan:
Tuntunin ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya.
Tulad ng pagliligpit ng mga laruan matapos gamitin o laruin.

D. Paglalapat:
Pagbigkas ng tugma nang pangkatan.

Maging maingat sa laruan


Upang ito’y magtagal.

Ang mga gamit at laruan


Ilagay sa kahong lalagyan.

IV. Pagtataya
Lutasin:
Nagalit si Rowena sa nakakabatang kapatid dahil pinaglaruan ang kanyang bagong manyika.
Inihagis niya ang manyika at tumama sa dinding.
Tama ba iyon?Bakit?

V. Kasunduan:
Pangako:
Ililigpit ko ang aking mga laruan matapos kong laruin.
Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____
na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikalimang Araw)

I. LAYUNIN:
- Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba’t ibang sitwasyon ng pang-
araw-araw na pamumuhay na pamilya
- Matulog nang maaga sa gabi.

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp. 124-126
Activity Sheets pp. 130-136
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 113
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Katipiran

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Magbigay ng mga tuntunin sa tahanan na sinusunod mo.
3. Balik-aral:
Ano ang dapat gawin sa mga laruang ginamit pagkatapos maglaro?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anong oras ka matulog sa gabi? Bakit?
2. Paglalahad:
Basahin ang tugma.
Ang batang maagang natutulog
Di nahuhuli sa pagpasok.
Ang batang nagpupuyat sa TV
Sa pagpasok laging nahuhuli.

Alin ka sa dalawang batang nabanggit sa tugma?

3. Pagtalakay:
a. Ano ang mangyayari sa iyo kung magpupuyat ka sa panonood ng TV?
b. Kung maaga kang matutulog sa gabi?

C. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya?
Tandaan:
Tuntunin ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya.
Tulad ng maagang pagtulog sa gabi.

D. Paglalapat:
Pagbigkas ng tugma nang pangkatan.

IV. Pagtataya
Pakinggan ang kwento at sagutin ang mga tanong tungkol dito
Paggising ng Tanghali
Tumunog na ang bel. Nagsipasok na ang mga bata sa silid-aralan. Wala pa si Nilo sa kanyang
upuan.
Maya-maya, dumating na si Nilo. Mukha siyang pagod sa katatakbo. Gulo-gulo ang kanyang
buhok na tila di man lamang niya nasuklay. Pawis na pawis din ang kanyang mukha. Hiyang-hiya
siya sa kanyang guro sa pagpasok ng tanghali sa kanilang klase.

Sagutin:
1. Sino ang wala pa sa kanyang upuan?
2. Ano ang itsura ng kanyang buhok ng siya ay pumasok?
3. Bakit siya nahihiya sa kanyang guro?
4. Sa iyong palagay, bakit tinaghali ng gising si Nilo?
5. Ano ang dapat gawin para hindi mahuli sa pagpasok sa paaralan?

V. Kasunduan:
Pangako: Matutulog ako nang maaga sa gabi.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa Matematika
Unang Markahan
Ikalimang Linggo
(Unang Araw)
I. Mga layunin
Nasusuri ang word problem tungkol sa pagsasama ng mga bilang sa pamamagitan ng pagsasabi
kung ano ang tinatanong sa suliranin.

II. Paksang-Aralin
A. Aralin 1: Pagsusuri sa Word Problems tungkol sa Adisyon (What is asked)
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28; Lesson Guide in Elem
Math I pah. 156-158
C. Kagamitan: plaskard
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Nasasabi ang tinatanong sa suliranin.
E. Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: AdditionWheel

2. Balik-aral:
Paano natin pinagsasama ang isa o dalawang digit na bilang? Alin ang inuuna?

3. Pagganyak:
Ipabigkas ang tula.
Ang mga Katulong Ko
Gamit ko ang mata sa pagtingin
Ang tainga sa pagdinig.
Ang ilong sa pang-amoy.
Ang bibig sa pagsasalita.
Ang aking mga kamay sa paggawa.
At ang aking mga paa sa paglakad.
Aling bahagi ng katawan ang nakakatulong sa atin?

B. Paglalahad
1. Mayroon akong suliranin. Tulungan ninyo akong mahanap ang sagot.
Mayroon akong 13 aklat sa cabinet at 24 na aklat sa ibabaw ng aking mesa. Ilan lahat ang
aking mga aklat?
Tulungan ninyo akong mahanap ang kabuuang bilang ng aking mga aklat.

2. Pagpoproseso ng Gawain:
Ano ang dapat kong alamin para masagot ang aking tanong? Ano ba ang hinahanap ko?
Ilan ang mga aklat sa cabinet? Sa mesa?
Ano ang dapat kong gawin para malaman kung ilan lahat ang mga aklat?

C. Paglalahat:
Sa paghanap ng sagot sa suliranin , ano ang dapat na unang hanapin? (what is asked
Tandaan:
Ang unang hakbang sa pagsuri ng problema ay sabihin ang hinahanap o tinatanong.

D. Paglalapat:
Sabihin kung ano ang tinatanong o hinahanap sa mga sumusunod na problema.

Si Ana ay may laso. 3 laso ay pula at 2 laso ay dilaw. Ilan lahat ang mga laso ni Ana?
Ano ang hinahanap sa problema na ito?
A. Bilang ng mga aso
B. Bilang ng mga paso
C. Bilang ng mga laso

IV. Pagtataya:
Ano ang hinahanap o tinatanong sa bawat suliranin?
1. 8 bibe at 4 na manok
Ilang lahat ang mga hayop?
Bilang ng mga __________
2. 6 rosas at 6 na gumamela
Ilang lahat ang mga bulaklak?
Bilang ng mga ___________
3. 7 maliit na bola at 6 na malaking bola
Ilang lahat ang mga bola?
Bilang ng mga ___________
4. 5 papaya at 9 na mansanas
Ilang lahat ang mga prutas?
Bilang ng mga __________
5. 3 turumpo at 4 na kotsekotsehan
Ilang lahat ang mga laruan?
Bilang ng mga ______________

V. Kasunduan:
Lutasin:
4 na pulang bolpen, 5 asul na bolpen
Ilang lahat ang mga bolpen?
Iguhit ang mga binigay na datos.

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Mga layunin
Nasusuri ang word problem tungkol sa pagsasama ng mga bilang sa pamamagitan ng pagsasabi
kung ano ang mga ibinigay sa suliranin (what are given)

II. Paksang-Aralin:
1. Aralin 1: Pagsusuri sa Word Problems tungkol sa Adisyon (What is/are given)
2. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28Lesson Guide in Elem
Math I pah. 159-162
3. Kagamitan: plaskard
4. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :Nasasabi ang tinatanong sa
suliranin.
5. Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: AdditionWheel

2. Balik-aral:
Ibigay ang hinahanap sa problema.
5 lalaki, 5 babae
Ilang lahat ang mga mag-aaral?

3. Pagganyak:
Awit: Tono:( Are You Sleeping?)
Marang, marang
Durian,durian
Banana, banana
Chico, chico, chico (2x)
Shake them all (2x)
Anu-anong mga prutas ang nabanggit sa awit?
B. Paglalahad
1. Ipabasa ang suliranin.
Nagpasalubong ang nanay ng mga prutas.
Kinain ni Allan ang 3 atis. Kinain naman ni Ellen ang 2 mansanas. Ilang lahat ang prutas na
nakain ng mga bata?
Ano ang hinahanap sa problema?
Bilang ng mga prutas
Bilang ng atis lang
Bilang ng mansanas lang
2. Pagpoproseso ng Gawain:
Ating alamin ang mga mahahalagang datos sa problema.
Ilang atis ang kinain ni Allan?

3 atis
Ilang mansanas ang kinain ni Ellen?
2 mansanas
Ang 3 atis at 2 mansanas ay mga ibinigay na facts o given.

C. Paglalahat:
Sa paghanap ng sagot sa suliranin , ano ang ikalawang hakbang?
Tandaan:
Ang ikalawang hakbang sa pagsagot sa problema ay hanapin ang ibinigay na facts o given.

D. Paglalapat:
Ano ang mga facts o given sa problemang ito?
Nagpunta si Bea sa zoo. Nakakita siya ng 5 unggoy at 3 buwaya. Ilang lahat ang hayop na nakita
niya?
a. 5 unggoy lang
b. 3 buwaya lang
c. 5 unggoy at 3 buwaya

IV. Pagtataya:
Ikahon ang given/facts sa bawat problema.
1. 6 na singsing at 3 pulseras
Ilan lahat ang mga alahas?
2. 5 lalaki at 5 babae
Ilang lahat ang mga tao?
3. 4 na aklat at 4 na notbuk
Ilang lahat ang mga gamit sa paaralan?
4. 10 lobo at 6 na bola
Ilang lahat ang mga laruan?
5. 4 na pulang krayola at 5 na asul na krayola
Ilang lahat ang mga krayola

V. Kasunduan:
Iguhit ang facts/given sa suliranin na ito.
4 na bayabas at 6 na mangga
Ilang lahat ang mga prutas?

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Mga layunin
Nasusuri ang word problem tungkol sa pagsasama ng mga bilang sa pamamagitan ng pagsasabi
kung ano ang word clue at gagamiting operasyon.

II. Paksang-Aralin:
1. Aralin 1: Pagsusuri sa Word Problems tungkol sa Adisyon (Telling the Word Clues and
Operations to be Used)
2. B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28; Lesson Guide in
Elem Math I pah. 162-164
3. Kagamitan: plaskard
4. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Nasasabi ang tinatanong sa suliranin.
5. Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: AdditionWheel
2. Balik-aral:
Bilugan ang given sa mga sumusunod na mga suliranin.
May 3 maliit na saging at 4 na malaking saging si Nila.
Ilan lahat ang mga saging ni Nila?
3 maliit at 4 na malaking saging
3 berde at 6 na dilaw na mga saging
3 maliit at 7 malalaking saging
3. Pagganyak:
Awit: Tatlong Bibe
Anong hayop ang nabanggit sa awit?
Ilan ang mga bibe?
Ilan ang may pakpak na nasa likod?
B. Paglalahad
A. Ipabasa ang suliranin.
Tuwing bakasyon sina Bentong at Bayani ay dumadalaw sa kanyang lolo at lola sa lalawigan.
Gustong-gusto nilang laruin ang mga hayop sa bukid.
Nalilibang sila sa pagpapakain sa mga hayop. Isang araw 20 manok ang pinakain ni Bentong
samantalang 30 mga bibe naman ang pinakain ni Bayani.
Ilang lahat ang mga hayop na pinakain ng mga bata?
B. Pagpoproseso ng Gawain:
Ating alamin ang mga mahahalagang datos sa problema.
Sino ang may bukid?
Sinu-sino ang dumadalaw sa bukid tuwing bakasyon?
Ano ang hinahanap sa ating suliranin?
Anu-ano ang mga given?
Ano ang gagawin mo para makuha ang kabuuang bilang ng mga hayop na pinakain ng mga bata?
Aling salita sa problem na ito ang nagsasabi sa iyo ng iyong gagawin? (word clue)

C. Paglalahat:
Sa paghanap ng sagot sa suliranin , ano ang ikatlong hakbang?
Tandaan:
Ang ikatlong hakbang sa pagsagot sa problema ay hanapin ang word clue at operasyong
gagamitin.
Ang mga salitang ilang lahat, kabuuan, pinagsama ay mga word clues. Itong mga salitang ito ang
nagsasabi kung ano ang dapat gawin o gamiting operasyon para masagot ang problem.

D. Paglalapat:
Gamit ang show-me-board
Ipabigay sa mga bata ang word clues at operasyon na gagamitin para sa bawat suliranin.
Hal.May tatlong kuting si Fred.
May 10 kuting si Andrew.
Ilan lahat ang mga kuting pag pinagsama?

IV. Pagtataya:
Bilugan ang word clue at isulat ang operasyon na gagamitin sa problem.

10 mga bata ang nanonood ng parade.


3 bata ang sumali pa sa panonood.
Ilang lahat ang kabuuang bilang ng mga batang nanood ng parada?

V. Kasunduan:
Sagutin ang suliranin gamit ang 3 hakbang na natutuhan.

Gumawa si Gina ng 13 na laso.


Si Fe naman ay 26 na laso.
Ilan ang kabuuang bilang ng mga laso?

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Mga layunin
Nasusuri ang word problem tungkol sa pagsasama ng mga bilang sa pamamagitan ng
pagtratransform ng word problem sa number sentence.

II. Paksang-Aralin:
A. Aralin 1: Pagsusuri sa Word Problems tungkol sa Adisyon (Transform word problems into number
sentence)
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28; Lesson Guide in Elem
Math I pah. 166-167
C. Kagamitan: plaskard
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
Nasasabi ang tinatanong sa suliranin.
E. Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: AdditionWheel

2. Balik-aral:
Hanapin at ikahon ang word clue.
Sabihin ang operasyon na gagamitin.
Gumuhit si Kate ng ng mga hugis.7 tatsulok at 9 na parisukat.
Ilan ang kabuuang bilang ng mga hugis na kanyang iginuhit?

3. Pagganyak:
Awit: (Tune) Those Were the Days
We love Mathematics
Because we love numbers
We learn a lot of different Math concepts
We add and we subtract
We multiply, divide
We solve problems that make us
Wise and bright. La, la, la la…..(repeat)

B. Paglalahad
1. Gamit ang larawan na nagpapakita ng mga batang naglilinis.
Ilang batang babae ang naglilinis?
Ilang batang lalaki ang naglilinis?

2. Pagpoproseso ng Gawain:
Ano ang ibinigay na given?
Ano ang word clue?
Kumpletuhin ang number sentence ayon sa ibinigay na problema.
_____+ ______= _______
Pagpapahalaga: Tumutulong ka rin bas a paglilinis ng inyong silid-aralan?

C. Paglalahat:
Sa paghanap ng sagot sa suliranin, ano ang ika-apat na hakbang?
Tandaan:
Ang ika-apat na hakbang sa pagsagot sa problema ay ang pagbibigay ng number sentence..

D. Paglalapat:
Gamit ang show-me-board
Ipabigay sa mga bata ang number sentence.
Hal.10 rosal at 20 camia.
Ilang lahat ang mga bulaklak?

IV. Pagtataya:
Isulat ang number sentence para sa bawat problem.
1. May 13 karayom si Marie.
May 24 na karayom si Rene.
Ilang lahat ang kanilang karayom?
2. 6 na bata ang nagtungo sa canteen.
5 ang nagpunta sa kinika.
Ilan lahat ang mga batang lumabas ng silid-aralan?

V. Kasunduan:
Sagutin ang suliranin gamit ang 4 hakbang na natutuhan.
Namitas ng gulay ang tatay.
5 kalabasa, 8 upo at 9na talon gang kanyang napitas.Ilang lahat ang gulay na napitas ng tatay.

Puna:____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Mga layunin
Nasusuri ang word problem tungkol sa pagsasama ng mga bilang sa pamamagitan ng pagsulat ng
kumpletong sagot.

II. Paksang-Aralin:
A. Aralin 1: Pagsusuri sa Word Problems tungkol sa Adisyon (Pagsulat ng Kumpletong Sagot)
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28; Lesson Guide in Elem
Math I pah. 173-174
C. Kagamitan: plaskard
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto:
Nasasabi ang tinatanong sa suliranin.
E. Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: AdditionWheel
2. Balik-aral:
Ibigay ang number sentence.
Nakahuli si Lovely ng 21 na paru-paro.Nakahuli rin si Jenny ng 19 na paru-paro.Ilan ang bilang
ng mga paru-parong nahuli nila?

3. Pagganyak:
Awit: Tune – (I’d Like to Teach the world to sing)
I’d like to solve all Math problems
And work them out alone
I’d like to share them with others
To check if I’m correct.
Nakikipagtulungan ka bas a iyong mga kamag-aaral sa pagsagot sa mga suliranin? Paano?Bakit?

B. Paglalahad
1. Gumamit ng cut-outs para lalong maintindihan ng mga mag-aaral.
May 20 itlog sa basket. May 14 na itlog sa tray.Ilang lahat ang mga itlog pag pinagsama?
2. Pagpoproseso ng Gawain:
Pasagutan ang problem gamit ang 5 hakbang na natutuhan:
1. Ano ang hinahanap?
2. Anu-ano ang mga given?
3. Ano ang word clue na ginamit?operasyon?
4. Ano ang number sentence?
5. Ano ang kumpletong sagot?

C. Paglalahat:
Sa paghanap ng sagot sa suliranin, ano ang ikalimang hakbang?
Tandaan:
Ang ikalimang hakbang sa pagsagot sa problema ay hanapin ang pagbibigay ng kumpletong
sagot.
Sa pagbibigay ng kumpletong sagot mabuti na lagyan ng label ang sagot.

D. Paglalapat:
Gamit ang show-me-board
Ipabigay sa mga bata ang kumpletong sagot.
Hal.
Sa Grade I Science Class, may 19 na babae at 16 na lalaki.Ilan ang kabuuang bilang ng mga bata sa
Science Class?

IV. Pagtataya:
Lutasin at isulat ang kumpletong sagot para sa problem sa ibaba.
Bumili si Mang Kanor ng 5 pakwan at 6 na milon sa palengke. Ilang prutas ang binili niya?

Gamitin ang 5 hakbang na natutuhan.


1. Ano ang hinahanap?
2. Anu-ano ang mga given?
3. Ano ang word clue na ginamit?operasyon?
4. Ano ang number sentence?
5. Ano ang kumpletong sagot?

V. Kasunduan:
Gamit ang lahat ng hakbang na natutuhan, lutasin ang problem na ito.
Nakahuli ang mangingisda ng 18 maliliit na isda at 78 na malalaking isda. Ilang isda ang
kanyang nahuli?

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Banghay Aralinsa MUSIC


Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Unang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Nasasagot ang mga tanong nang wasto tungkol sa napag-aralang aralin.

II. Paksa: Testing Your Ability


A. Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4
Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
B. Kagamitan: larawan ng staff

III. Maikling Pagsusulit


Bilugan ang titik ng tamang sagot.
4. Saan isinusulat ang mga nota?
1. Clef
2. Staff
3. Music

5. Iba pang tawag sa F-clef


a. Bass clef
b. Treble clef
c. G-clef

6. Iba pang tawag sa G-clef


a. F-clef
b. Bass- clef
c. Treble-clef

7. Guhit na patayo na nagdudugtong at sumusuporta sa iba pang bahagi ng nota?


a. Head
b. Hook
c. Stem

8. Hugis-itlog na bahagi ng nota.


a. Hook
b. Head
c. Stem

9. Inilalagay sa staff bilang hudyat ng isang tono


a. Nota
b. Clef
c. Hook

10. Do, re, mi, fa, so, la, ti ay tinatawag na


a. Bahagi ng nota
b. Uri ng clef
c. Note syllables

11. Ang bilang ng linya sa staff ay


a. 5 b. 6 c. 4

12. Inilalagay ito sa simula ng staff.


a. Nota
b. Clefs
c. Music

13. Bilang ng pagitan ng staff ay


a. 5 b. 4 c. 6

V. Kasunduan:
Isulat ang syllable name ng mga nota sa staff.
Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralinsa MUSIC


Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikalawang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Nalalaman ang iba pang termino o katawagan sa Musical alphabet
Natutuklasan kung saan galling ang Musical alphabet

II. Paksa: The Musical Alphabet


1. Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4
Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
2. Kagamitan: larawan ng staff

III. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain:
A. Balik-aral
Ilang lahat ang mga titik ng alphabet?

B. Pagganyak:
Awit: Alphabet Song

2. Panlinang na Gawain
A. Ilahad:
Ipakita ang unang pitong titik ng alphabet.Isa-isa itong ipabasa sa mga bata.Sabihin na ang ang
Musical Alphabet ay tinatawag din Pitch Names o Letter Names at ang mga Pitch Names na ito
ay hango mula sa unang pitong titik ng alpabeto.

B. Pagtalakay:
Ilan ang tinatawag na Pitch Names?
Ano ang iba pang tawag sa Pitch Names

3. Paglalahat:
Tandaan:
Ang Musical Alphabet ay tinatawag din Pitch Names o Letter Names.
At ang mga Pitch Names na ito ay hango mula sa unang pitong titik ng alpabeto.
A, B. C.D. E. F. at G

IV. Pagtataya:
Hanapin ang 7 Pitch Names. Kulayan ang isda ng orange kung saan makikita ang bawat titik.
D F I B L A R P
O G E V U S M C N Y

V. Kasunduan:
Isaulo ang 7 Pitch Names

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin saEDUKASYON SA PAGPAPALAKAS NG KATAWAN


Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
Naikikilos ang katawan at mga tuhod.

II. Paksa: Kakayahan sa Pangangasiwa ng Katawan


A. Aralin: Mga Kilos na Gumagamit ng Antas
B. Sanggunian: Gabay na Kurikulum sa K-12 sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng katawan sa baitang
I; Pupils’ Acitivity Sheet in Grade I pah. 20; Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan I pp. 37-41\
C. Kagamitan; larawan na nagpapakita ng mga kilos ng bahagi ng katawan sa panlahatang lugar.
D. Integrasyon, Sining, Matematika at Musika

III. Pamamaraan:
a. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. A. iniikot ang kanang kamay
B. nakabaluktot ang kanang kamay
2. A. nakapadyak ang kaliwang paa
B. nakaunat ang kaliwang paa

2. Pagganyak
Awit: Paa, Tuhod, Balikat , Ulo
(Bigyan ng angkop na galaw o kilos)

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Naikikilos mo ba ang iyong katawan?Naikikilos mo ba ang iyong mga tuhod?
Paano mo iniikot ang iyong katawan?Ang iyong tuhod?

2. Gawain: (Imumustra ng guro sa harap) Pagpapaikot ng Katawan


Panimulang Ayos:
Tumayo na magkalayo ang mga paa.
Ilagay ang kamay sa baywang.
-Ibaluktot ang katawan mula sa balakang
-Iikot ito sa tabi pakanan
-Iikot sag awing likuran
-Iikot sa tabi pakaliwa
Pagpapaikot ng Tuhod
Panimulang Ayos:
Tumayo nang magkatabi ang mga paa.
Ibaluktot nang bahagya ang mga tuhod.Ipatong ang mga kamay rito.
-Simulan ang pagpapaikot sa tabi pakanan
-Ituloy sag awing likuran
-Ituloy sag awing kaliwa
-Ibalik sa panimulang ayos.

C. Paglalahat:
Ano ang mabuting naidudulot ng ganitong uri ng pag-eehersisyo sa ating katawan?
Tandaan:
Ang pagpapaikot ng katawan ay mabuting ehersisyo.Ang pagpapaikot ng mga tuhod ay
makabubuti sa iyong mga binti. Ang iyong katawan at mga tuhod ay magiging malakas.

D. Pagsasanay
Pangkatang Pagpapakitang Kilos

IV. Pagtataya
Pagtambalin ang larawan at Gawain.Gumamit ng guhit.
Gawain Larwan
A. Pagtayo na magkatabi
ang mga paa.
B. Paghawak sa baywang
C. Paghawak sa tuhod
D. Pagtayo nang magkalayo
Ang mga paa
E. Pag-ikot ng katawan

V. Kasunduan
Pag-aralan ang iba’t ibang kilos na natutuhan sa bahay.

Puna:_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin saART


Pinagsanib na Aralin sa art at Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:
Nakikita ang epekto ng paghahalo ng 3 o higit pang mga kulay
Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga kulay
Napauunlad ang muscle coordination sa pamamagitan ng pagkukulay.

II. Paksang Aralin:


Color Blasting (3-Colored Blasting)
A. Talasalitaan
Primary Colors: red, blue, yellow
Secondary Colors: green, violet, orange
B. Elemento at Prinsipyo: Shape, line
C. Kagamitan: Crayons at least 6 colors, cartolina
D. Sanggunian: K-12 Art
Teacher’s Guide pp. 29-30
Pupils; Activity Sheet pp. 14-15

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ilan ang mga pangunahing kulay?
Pangalawang kulay?
Anu-ano ang mga ito?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Laro: Pahulaan (Magpapabilisan ang mga bata sa pagbigay ng Sagot)
Anong kulay ang mabubuo kung pagsasamahin ang mga kulay na:
Asul at pula?
C. Pagpoproseso ng Gawa:
1. Ipakita ang modelo ng 3-Colored Blasting
Tanungin ang mga bata sa mga kulay na ginamit sa gawain.
2. Anu-anong mga kulay ang ginamit? Hugis?
Anu-anong disenyo ang ginamit?
Saan –saan direksiyon nagsimula at natapos ang gawain?

IV. Pagtataya:
A. Papiliin ng 3 kulay ang mga bata. Hayaang gumawa sila ang sarili nilang color blasting. Piliin ang
best work at ilagay sa paskilan.

V. Kasunduan:
Pumili ng 4 na kulay at gumawa ng color blast sa bahay.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa HEALTH
Pinagsanib na aralin sa Science at Art
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ika-limang Araw)

I. Layunin:
- Nasasabi kung kailan dapat hugasan ang mga paa.
- Naisasagawa ang paghuhugas ng mga paa
- Kung marumi

II. Paksang Aralin: Paghuhugas ng Kamay


A. Malinis na Paa
B. Kagamitan: tubig at sabon, bimpo
C. Sanggunian: k-12 Health Curriculum Guide page 17
Modyul 1, Aralin 1 pah 28
Pupils’ Activity Sheet pp. 15-16

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Kailan mo dapat hugasan ang iyong mga kamay?
2. Pagganyak:
Awit: Ituro ang Paa

B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad:
Ipakita ang larawan ng isang bata na nakalusong sa baha.
Tingnan si Biboy. Naglalaro siya sa baha.
Ang dumi-dumi niya.Ano ang dapat niyang gawin pagkatapos maglaro?Dapat bang maglaro si
Biboy sa tubig-baha?Bakit?

2. Pagtalakay:
Talakayin ang kahalagahan ng paghuhugas ng paa.
Kapag naghuhugas ng ating mga paa tayo ay gumagamit ng tubig at sabon.

3. Paglalahat
Tandaan: Maghugas ng mga paa kapag ito ay marumi.

4. Pagsasanay:
Maghilamos ka na Sana

IV. Pagtataya:
Pangkatang Pagpapakitang Kilos ng wastong paghuhugas ng paa.
V. Kasunduan:
Ugaliing maghugas ng paa kapag marumi ang mga ito.
Bakatin ang mga paa sa putting papel.
Isulat sa ilalim ng guhit.
Huhugasan ko ang aking mga paa kapag marumi.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Unang Araw)
I.Layunin:
- Naisasagwa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan
tulad ng:
- Paggalang sa bawat kasapi ng mag-anak
- Paggamit ng magagalang na katawagan tulad ng ate, kuya, ditse, atbp.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin2: Ako ay Magalang sa Lahat
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 18-19
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 155
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang tawag sa mga hakbang na dapat isagawa kung may gawain?
Bakit mahalaga na sumunod sa mga panuto?
Ano kaya ang maaring mangyayari kung hindi susundin ang panuto?
2. Pagganyak:
Akrostika
Mahal ko ang aking pamilya
Ako’y sumusunod sa payo nila
Ginagawa ko ang aking tungkulin
Alalay nila ako sa mga Gawain
Nais kong ako’y ipagmalaki nila
Ang lahat ay laging masaya
Kung kami ay sama-sama
Iyan ang aking pamilya.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad

Gamit ang larawan , isa-isang ipakilala ang mga kasapi ng pamilya.


Sa kapatid na lalaki:
Kuya – Ako ang pangnay sa lalaki.
Diko – Ako ang sumunod sa kuya.
Sangko – Ako ang sumunod sa diko.
Sa kapatid na babae:
Ate – Ako ang pangnay sa babae.
Ditse – Ako ang sumunod sa Ate.
Sanse – Ako ang sumunod sa Ditse.
2.Pagtalakay:
Anu-anong magagalang na katawagan angating ginagamit sa tahanan?
Ginagamit mo rin ba ang mga katawagang ito sa inyong tahanan? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga magagalang na pantawag para sa kapatid na lalaki/babae?
Tandaan:
Ang Kuya, Diko at Sangko ay magagalang na pantawag sa kapatid na lalaki.
Ang Ate, Ditse at Sanse ay magagalang na pantawag sa mga kapatid na babae.
Ginagamit natin ang mga ito upang ipakita an gating paggalang sa mga nakakatandang kapatid.
2.Paglalapat
Dula-dulaan sa Paggamit ng Magagalang na Katawagan.

IV.Pagtataya:
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Panganay na kapatid na lalaki?____
2. Sumunod na kapatid na babae sa ate?____
3. Panganay na kapatid na babae?_____
4. Sumunod sa Diko?______
5. Sumunod sa kuya na kapatid na lalaki?___

V. Takdang-aralin
Iguhit ang iyong mga kapatid.
Sa ilalim isulat mo ang katawagan para sa bawat isa.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ikalawang Araw)
I.Layunin:
- Naisasagwa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan
tulad ng:
- Paggalang sa bawat kasapi ng mag-anak
- Paggamit ng magagalang na katawagan tulad ng ate, kuya, ditse, atbp.
II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan
Aralin2: Ako ay Magalang sa Lahat
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 18-19
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 155
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Pahulaan: Sino ako?
Kapatid na lalaki na kasunod ng Kuya?
Panganay na kapatid na babae?
Sumunod ako sa Ditse
2. Pagganyak:(Awitin o Tulain)
Awit: Ang Mag-anak
Limang daliri ng aking kamay.
Si Tatay, si Nanay, si Kuya, si Ate
At sino ang bulilit?
Ako.
Iginagalang mo ba ang nakatatandang kapatid mo?
B. Panlinang na Gawain:
1.Paglalahad
Iparinig o ipabasa ang kwento.
Si Jun ang pinakabunso sa magkakapatid. Dahil nagtatrabaho ang kanyang ama’t ina, madalas na
naiiwan siya sa kanyang dalawang nakatatandang kapatid. Sila ang tumatayong nanay at tatay kapag
wala ang kanilang mga magulang.
Palibhasa’y bunso si Jun ay medyo matigas ang kanyang ulo. Gusto niyang ang lahat ay para sa
kanya. Hindi maluwag sa loob niya ang pagsunod sa kanyang kapatid.
Minsan ay naglaro siya sa ulan. Ayaw niyang paawat.Sinipon siya at nilagnat. Malungkot ang
kanyang ina nang malaman ang tigas ng kanyang ulo. Ang wika ng ina, “Jun, sa uulitin ay matuto
kang sumunod sa iyong mga kapatid.
Igalang mo sila tulad ng paggalang mo sa amin ng itay mo. Hindi ka n asana nagkasakit.”
2.Pagtalakay:
1. Pang-ilan si Jun sa magkakapatid?
2. Bakit palagi siyang naiiwan sa kanyang mga nakakatandang kapatid?
3. Sumunod ba si Jun sa kanynag mga kapatid?
4. Anong nagyari sa kanya?
5. Ano ang sinabi ng Nanay niya sa kanya?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga magagalang na pantawag para sa kapatid na lalaki/babae?
Tandaan:
Ang Kuya, Diko at Sangko ay magagalang na pantawag sa kapatid na lalaki.
Ang Ate, Ditse at Sanse ay magagalang na pantawag sa mga kapatid na babae.
Ginagamit natin ang mga ito upang ipakita an gating paggalang sa mga nakakatandang kapatid.
2.Paglalapat
Alalahanin ang pangyayari sa tahanan nina Jun. Ano ang gagawin mo kung ikaw si Jun?
Sabihin sa klase.
IV.Pagtataya:
Lutasin:
Wala ang nanay at tatay dumalaw sila sa probinsiya sa iyong maysakit na lola.
Bago matulog, inutusan si Kyla ng ate na maglinis ng katawan para maging maginhawa ang kanyang
pagtulog. Di niya sinunod ang kanyang ate. Tama ba ang ginawa niya? Bakit?\
V. Takdang-aralin
Buuin ang tugma at isaulo.
Ang mag-anak na nagmamahalan
Pinagpapala ng ______________.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ikatlong Araw)
I.Layunin:
- Naisasagwa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan
tulad ng:
- Paggalang sa bawat kasapi ng mag-anak
- Paggamit ng iba pang magagalang na katawagan tulad ng lolo, lola, tita, tito, aling, mang

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin2: Ako ay Magalang sa Lahat
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 18-19
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 155
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Tama o Mali
1. Sigawan ang ate kung nag-uutos dahil hindi naman siya ang nanay.
2. Labanan ang kuya kung dinidisiplina ka niya.
3. Kilalanin ang kapangyarihan ng mga nakatatandang kapatid.
4. Maging pasaway kung wala ang mga magulang.
5. Igalang ang nakatatandang kapatid.
2. Pagganyak
Sino sa inyo ang kasama ang lolo o lola sa bahay? Masaya ba kayo na kasama sila? Bakit?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
Ipakita ang “Puppet Show”
Mga Iba Pang Kasapi ng Mag-anak at Magagalang na Katawagan para sa Kanila
Lolo – ama ng nanay o tatay mo
Lola – ina ng nanay o tatay mo
Tito – kapatid na lalaki ng nanay o tatay mo
Tita – kapatid na babae ng nanay o tatay mo
Mang – ginagamit na pantawag sa lalaki na hindi mo kaanu-ano
Aling – ginagamit na pantwag sa babae na hindi mo kaanu-ano
2. Pagtalakay:
Anu-ano pa ang iba pang katawagan na ating dapat gamitin?
Ano ang ipinakikita ng paggamit sa mga salitang ito?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anu-ano ang mga iba pang magagalang na pantawag?
Tandaan:
May mga iba pang magagalang na pantawag tayong ginagamit tulad ng:
Lolo, Lola, Tito. Tita .Aling at Mang
2. Paglalapat
Dula-dulaan sa paggamit ng iba pang magagalang na katawagan.

IV.Pagtataya:
Isulat ang magalang na pantawag na gagamtin para sa:
1. Lalaking nagtitinda ng taho.____
2. Kapatid na babae ng tatay mo._____
3. Babaeng naglalako ng kakanin.____
4. Tatay ng nanay mo.______
5. Nanay ng tatay mo._____

V. Takdang-aralin
Gumawa ng puppet ng iba pang kasapi ng mag-anak at isulat sa ibaba ang kanilang katawagan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ika-apat na Araw)
I.Layunin:
- Naisasagwa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan
tulad ng:
- Pag-iwas sa pagiging mainggitin sa kapwa

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin2: Ako ay Magalang sa Lahat
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 18-19
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 155
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Anu-ano ang iba pang katawagan sa tahanan na ginagamit ninyo?
2. Pagganyak
Awit: Lumipad ang Ibon

B. Panlinang na Gawain:
1.Paglalahad
Ipabasa o iparinig ang kwento:
ANG INGGITERONG UWAK
Nakita ng uwak ang agila na dala-dala ang isang tupa sa himpapawid. Nakita rin niya nang dalhin
nito ang tupa sa pugad nito.Naiinggit ang Uwak.Ginaya niya ang agila.Dinagit niya ang isang tupa.
Nagulat siya sa natuklasan. Bukod sa mabigat ang tupa ay sumabit pa ang kuko niya sa balahibo nito.
Nakita siya ng nag-aalaga ng tupa. Agad siyang hinuli nito at inilagay sa kulungan. Nang makita siya
ng agila at ng mga ibon ay pinagtawanan siya.

2.Pagtalakay:
Sagutin:
a. Sino ang nakita ng uwak na may dala-dalang tupa?______
b. Saan dinala ng agila ang tupa?___________
c. Bakit ginaya ng uwak ang agila?_________
d. Ano ang natuklasan ng uwak tungkol sa tupa?_______________________________
e. Ano ang napala ng uwak sa pagiging inggitero niya?_______________________________

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong masamang ugali ang hindi natin dapat taglayin sa ating kapwa?
Tandaan:
Masamang ugali ang maging mainggitin. Dapat natin itong iwasang taglayin sa ating mga puso.
2. Paglalapat
Dula-dulaan sa mahalagang tagpo sa narinig o nabasang kwento nang pangkatan.

IV.Pagtataya:
Ikahon ang tamang sagot.
1. Isang ( agila, kalapati, maya) ang nakita ni Uwak.
2. May dala-dala itong ( tuta, tupa, tinapa).
3. Dinala niya ito sa ( pugad, balon, tuktok ng bundok).
4. (Natuwa, Nainggit, Humanga) siya sa agila.
5. (Nahuli, Nakita, Nahampas) si Uwak ng may-ari ng tupa.

V. Takdang-aralin
Punan ng angkop na salita.
Ang taong mainggitin ay hindi ________________.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ikalimang Araw)

I.Layunin:
- Naisasagwa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan
tulad ng:
- Pag-iwas sa pagiging mainggitin sa kapwa

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin2: Ako ay Magalang sa Lahat
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 15
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 18-19
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 155
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Bakit ginaya ni Uwak ang agila?
2. Pagganyak
Nakapanoond na ba kayo ng patimpalak o paligsahan sa Kagandahan? Beauty Contest ang tawag
doon.
3. Panlinang na Gawain:
Iparinig ang kwentong , “Snow White” sa tagalong version.
4. Pagtalakay:
Bakit nais ipapatay si Snow White ng kanyang pangalawang ina?
Anong katangian mayroon si Snow White at labis na naiinggit sa kanya ang madrasta niya?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong masamang ugali ang hindi natin dapat taglayin sa ating kapwa?

Tandaan:
Masamang ugali ang maging mainggitin. Dapat natin itong iwasang taglayin sa ating mga puso.

2. Paglalapat
Dula-dulaan sa mahalagang tagpo sa narinig o nabasang kwento nang pangkatan.

IV.Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
1. Masaya ang taong mainggitin.
2. Ang pagiging mainggitin ang nagtutulak sa tao na maging masama.
3. Dapat tayong maging masaya sa tagumpay ng iba.
4. Mabuting siraan mo ang taong mas nakahihigit sa iyo ang mga katangian at abilidad.
5. Ang taong mainggitin ay hindi pagpapalain.

V. Takdang-aralin
Lutasin:
Sa magkakapatid na 3 babae ang ate ni Rica ang palaging nasasali sa paligsahan sa kagandahan
dahil talaga naming maganda ito. Hindi masaya si Rica para sa kanyang ate.
Tama ba iyon?
Anong ugali ang nasa puso niya?
Paano kaya niya ito dapat labanan?

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Unang Araw)

I. Layunin
- Naipakikita ang pagmamahal at paggalang sa mga nakakatanda (values)
- Nalalaman ang kahulugan ng mga salita batay sa ilustrasyon (talasalitaan)
- Nahuhulaan ang kwento batay sa nalalaman tungkol sa mga tauhan

II. PaksangAralin: “Ang mga Bisita ni Tata Celso”


A. Talasalitaan:Nalalaman ang kahulugan ng mga salita batay sa ilustrasyon
B. Pagbigkas na Wika: Napagsunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento mula una, pangalawa at
pangatlo.
C. Pag-unawa sa Binasa: Nahuhulaan ang kwento batay sa nalalaman tungkol sa mga pangatlo.
D. Kasanayan sa Wika: Nakikila ang pangalan ng mga bagay
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto – Hh/Ww
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Cc at Jj
H. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 238-258
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Cc /Jj plaskard; Tsart ng kwento.

III. Pamamaraan:
A. Gawain Bago Bumasa:
1. Paghahawan ng balakid:
Ibigay ang mga kahulugan ng mga salita batay sa pangyayari sa kuwento.
Upo patola buto batang nagmamano bata bisita
2. Pagganyak:
May mga lolo at lola pa ba kayo?
Paano ninyo ipinakikita ang paggalang sa kanila?
3. Pangganyak na Tanong:
Ano ang ginagawa ninyo pag dumadating kayo sa bahay galing sa paaralan?
Bakit kayo nagmamano?

B. Gawain habang Bumabasa


1. Paglalahad:
Ang Mga Bisita ni Tata Celso
Pacita: Carina… Vina halikayo.
Vina: Narito ba si Tata Celso, Pacita?
Pacita: Oo, Vina, narito siya.

Mga Bata: Mano po, Tata Celso.


Tata Celso: Kaawaan kayo ng Diyos.Ano ba ang gusto ninyo mga bata?
Mga Bata: Hihingi po sana kami ng buto ng upo at patola.
Tata Celso: Aba, oo! Marami akong buto ng upo at patola. Halikayo at bibigyan ko kayo.

C. Gawain Pagkatapos Bumasa:


1. Pagtalakay:
Sino ang binisita ng mga bata?
Sinu-sino ang bisita ni Tata Celso?
Bakit sila bumisita kay Tata Celso?
Paano ang ginawang pag-aasikaso ni Tata Celso sa kanila?
2. Pangkatang Gawain:
Pangkat 1 – “Ang Aking Mga Bisita”
Pangkat 2 – “Magmano Tayo – Ipasadula ang mahalagang bahagi.
Pangkat 3 – “Magtanim Tayo” –

IV. Pagtataya:
Sagutin: Pasalita
1. Bakit bumisita ang mga bata kay Tata Celso?
2. Itinanim ba ng mga bata ang mga buto?
3. Bakit nila itinanim ang buto?
4. Maganda ba ang ginawa ng mga bata? Bakit?
5. Anong bahagi ng kwento ang iyong nagustuhan?
Bakit?

V. Kasunduan:
Iguhit ang mga butong hiningi ng mga bata kay Tata Celso.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan
ng pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Layunin
Napagsusunud-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng pagsasabi kung ano ang
una, pangalawa,
II. PaksangAralin: “Ang mga Bisita ni Tata Celso”
A. Talasalitaan:
Nalalaman ang kahulugan ng mga salita batay sa ilustrasyon
B. Pagbigkas na Wika: Napagsunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento mula una, pangalawa at
pangatlo.
C. Pag-unawa sa Binasa
. Nahuhulaan ang kwento batay sa nalalaman tungkol sa mga pangatlo.
D. Kasanayan sa Wika: Nakikila ang pangalan ng mga bagay
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto – Hh/Ww
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Cc at Jj
H. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 238-258
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Cc /Jj plaskard
Tsart ng kwento.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Sino ang binisita ng mga bata?
Sinu-sino ang bisita ni Tata Celso?
Bakit sila bumisita kay Tata Celso?
2. Pagganyak:
Pagbuo ng puzzle. (buto ang mabubuo)
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Ipabigay sa mga bata ang mga pangalan ng bagay sa kuwento.
Patola upo buto
Magpapakita pa ang guro ng iba pang larawan ng bagay at ipasabi sa mag-aaral ang panglan
ng mga ito.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat
Ano ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng ngalan ng bagay?

2. Pagsasanay:
Pangkatang Gawain:
1. Laro 1 : Palakpakan
Pumapakpak kung ang larawan ay tumutukoy sa bagay at ibaba kung hindi.
3. Laro 2 Idikit Mo
Hanapin ang ngalan ng bagay at idikit sa pisara.

IV. Pagtataya:
Sabihin kung alin ang una, panglawa o pangatlong pangyayari sa kuwento.
_____Nagmano ang mga bata kay Tata Celso.
_____Nagpunta ang mga bata sa bahay ni Tata Celso.
_____Binigyan ng buto ng upo at patola ni Tata Celso ang mga bata.

V. Kasunduan:
Sumulat ng 10 ngalan ng bagay sa inyong kwaderno.
Puna:

___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin
Nakikilala ang mga letra sa ibinigay na salita (alphabet knowledge)
Naibibigay ang mga tunog ng mga letra sa alpabeto/ Cc/
Naibibigay ang unahang tunog katinig ng ibinigay na salita
Naisusulat ang malaki at maliit na titik Cc.

II. PaksangAralin: “Ang mga Bisita ni Tata Celso”


A. Talasalitaan:
Nalalaman ang kahulugan ng mga salita batay sa ilustrasyon
B. Pagbigkas na Wika: Napagsunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento mula una, pangalawa at
pangatlo.
C. Pag-unawa sa Binasa
. Nahuhulaan ang kwento batay sa nalalaman tungkol sa mga pangatlo.
D. Kasanayan sa Wika: Nakikila ang pangalan ng mga bagay
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto – Hh/Ww
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Cc at Jj
H. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 238-258
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Cc /Jj plaskard
Tsart ng kwento.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Muling ipabigay ang mga tauhan sa narinig na kwento.
Tata Celso Carina Vina Pacita
2. Pagganyak:
Awit: Ano ang tunog ng titik Cc?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Pagpapakita ng guro ng tamang tunog /c/ - /k/
Hal. Carrot = karot
Pagpapakita ng guro ng tamang tunog /c/ bilang /si/
Hal. Center = senter
Cc katumbas ng Kk
Cory cola Carol carrot
Cc katumbas ng Ss
Celso Cynthia Cely

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat
Ano ang tunog ng Cc?
Kailan nagiging katumbas ng Kk ang Cc?

2. Pagsasanay:
Pagsulat ng titik Cc
Cc Cc Cc Cc Cc
IV. Pagtataya:

Isulat ang katumbas ng titik ng Cc k o s.


1. Cubao_____
2. Cenon_____
3. Cirila______
4. Corina_____
5. Cecilia_____

V. Kasunduan:
Pagsanayang basahin sa bahay:
Ca ce ci co cu
Cam cab car cat cas
Puna:
___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin
Nakikilala ang mga letra sa ibinigay na salita (alphabet knowledge)
Naibibigay ang mga tunog ng mga letra sa alpabeto/ Jj/
Naibibigay ang unahang tunog katinig ng ibinigay na salita
Naisusulat ang malaki at maliit na titik Jj

II. PaksangAralin: “Ang mga Bisita ni Tata Celso”


A. Talasalitaan:
Nalalaman ang kahulugan ng mga salita batay sa ilustrasyon
B. Pagbigkas na Wika: Napagsunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento mula una, pangalawa at
pangatlo.
C. Pag-unawa sa Binasa
. Nahuhulaan ang kwento batay sa nalalaman tungkol sa mga pangatlo.
D. Kasanayan sa Wika: Nakikila ang pangalan ng mga bagay
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto Cc/Jj
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Cc at Jj
H. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 238-258
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Cc /Jj plaskard
Tsart ng kwento.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ipangkat ang mga salita sa tamang hanay
Cc katumbas ng k at Cc katumbas ng Ss
Carol carrot Cebu camera cellphone
2. Pagganyak:
Awit: Ano ang tunog ng titik Jj
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Ipakilala ang titik Jj.
Iparinig ang tunog nito.
Jj katumbas ng dyey
Jj katumbas ng Hh
Jacket jelly Juan Jose jam

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat
Ano ang tunog ng Jj?
2. Pagsasanay:
Pagsulat ng titik Jj
Jj Jj Jj Jj Jj
3. Pagbasa sa nabuong pantig
Ja je ji jo ju
Jam jar jas jet jen
IV. Pagtataya:
A. Basahin:
Jacket ba iyan ni Jacob?
Si Juana ay nasa Jala-jala.
Si Jose ay nasa Jolo.
Si Jun ay may jacket.
B. Pag-ugnayin ng guhit ang salita at larawan:
1. jacket
2. Juan
3. jam
4. jelly
5. Jose

V. Kasunduan:
Pagsanayang basahin sa bahay ang mga pangungusap.

Puna:

___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Layunin
Nakikilala ang mga letra sa ibinigay na salita (alphabet knowledge)
Naibibigay ang mga tunog ng mga letra sa alpabeto/ Jj/, /Cc/
Naibibigay ang unahang tunog katinig ng ibinigay na salita
Naisusulat ang malaki at maliit na titik Jj at Cc
Napagtatapat ang salita at larawan.

II. PaksangAralin: “Ang mga Bisita ni Tata Celso”


A. Talasalitaan:
Nalalaman ang kahulugan ng mga salita batay sa ilustrasyon
B. Pagbigkas na Wika: Napagsunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento mula una, pangalawa at
pangatlo.
C. Pag-unawa sa Binasa
. Nahuhulaan ang kwento batay sa nalalaman tungkol sa mga pangatlo.
D. Kasanayan sa Wika: Nakikila ang pangalan ng mga bagay
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto Cc/Jj
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Cc at Jj
H. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 238-258
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Cc /Jj plaskard
Tsart ng kwento.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Pag-aralan muli ang mga aralin mula sa una hanggang ika-apat na araw
Ano ang tunog ng Cc?Jj?

2. Pagganyak:
Awit: Ano ang tunog ng titik Jj? Cc?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagbuo ng pantig, salita at parirala gamit ang mga titik ng Cc at Jj at a,e,i,o,u

C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat
Ano ang tunog ng Jj? Cc?
2.Pagsasanay:
Ipabasa:
Si Cara
Sina Cecilia at Jacky
Mga jelly
Ang Jala-jala
Jose at Juan
Pagbuo ng Pangungusap
Si Cara ay kumakain ng jelly.
Magpinsan sina Jose at Juan.
May hawak na jam sina Cely at Cora.

VI. Pagtataya:
Pagtambalin ng guhit ang salita at larawan.
1. cola
2. juicy
3. Celia
4. carrot
5. cake

V.Kasunduan:
Pagsanayang basahin sa bahay ang mga pangungusap.

Puna:

___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa Filipino I
Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ika-anim naLinggo
(Unang Araw)
I. Layunin
Naipagtutugma ang mga lugar sa pamayanan kung saan matagpuan ang mga tao sa pamayanan.
II. Paksa: Mga Tao sa Pamayanan
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa saNapakinggan: Naisasalaysay ang pangyayaring narasan gamit ang payak
na salita.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “harap at likod” sa pangungusap.
3. Phonological Awareness:
Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Sanguniaan: Teaching Guide
5. Mga kagamitan: Kwento: Tsart ng kwento“Sino ang Filipino?” (song chart), mga larawan ng piling lugar sa
pamayanan( istasyon ng pulis, bumbero, barangay hall, health center, atbp)
III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Tumawag ng piling bata na magbabahagi ng karanasan tungkol sa mga tao sa pamayanan.
Hal.pulis
2. Tukoy-alam:
Sinu-sino ang mga taong kilala ninyo sa inyong pamayanan
Isulat sa talaan sa pisara ang sagot na ibibigay ng guro.
3. Tunguhin
Ngayong araw, pupunan natin ang : “Ang mga (tao sa pamayanan) ay matatagpuan / nagtatrabaho sa
(lugar)
4. Paglalahad
Anu-anong katangian ng mga Pilipino ang maibibigay ninyo?
Ituro ang awit:
Sino ang Pilipino?
Ikaw ba o ako?
Ako ay maputi.
Ika’y kayumanggi.
Sino ang Pilipino?
Ikaw ba o ako?
Itim ang buhok ko
Kulay-kalawang ang sa iyo.
O sino kaya? Sino kaya?
Sino ang Pilipino?
O sino kaya? Sino kaya?
Sino ang Pilipino?

Sino ang Pilipino?


Ikaw ba o ako?
Bilog ang mata ko.
Singkit ang mata mo.
Sino ang Pilipino?
Ikaw ba o ako?
Bakit magkaiba
Ang ating mga anyo?
Tayo ay Pilipino
Ito’y alam natin
Kung nanay o tatay
Ay Pilipino rin.

Kung nanay o Tatay


Ay Pilipino rin
Tayo ay Pilipino
Pare-parehong Pilipino!

2. Pagtuturo at Paglalarawan:
Pumili ng larawan ng iba’t ibang lugar sa pamayanan.
Ipakumpleto sa mga bata ang batayang pangungusap:
Ito ang aming__________.
Dito nagtatrabaho ang mga ________.
Dito makikita ang/ang mga_________.
3. Paglalahat:
Saan –saan sa pamayanan nagtatrabaho ang mga mamamayan?
4. Kasanayang Pagpapayaman
Itambal ang mga tao sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan.
Hal.
Pulis – istasyon ng pulis
Bumbero – istasyon ng bumbero
5. Kasanayang Pagkabisa
Pumili ng isang pook kung saan nagtatrabaho ang mga _____. Iguhit ito.
IV. Pagtataya:
Itambal ang larawan ng mga tao sa lugar na pinagtatrabahuhan nila.
1. Magsasaka A. istasyon ng pulis
2. Mangingisda B. Health Center
3. Komadrona C. Sakahan
4. Pulis D. Karagatan
5. Bumbero E. Istasyon ng Bumbero
V. Kasunduan:
Gumupit ng mga larawan ng mga lugar na makikita sa pamayanan. Idikit sa notbuk no. 7

Puna:____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Layunin
Nakapagsasalaysay ng sariling karanasan ukol sa mga tao sa pamayanan gamit ang mga salitang
“harap” at “likod”

II. Paksa: Mga Tao sa Pamayanan


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang pangyayaring narasan gamit
ang payak na salita.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “harap at likod” sa pangungusap.
3. Phonological Awareness:Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Sangunian: Teaching Guide
5. Mga kagamitan: talaan na naglalaman ng mga halimbawang pangungusap gamit ang mga
salitang “harap” at “likod”; mga palatandaang papel

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Anong karanasan ang nais ninyong ibahagi tungkol sa mga tao sa pamayanan?

2. Tunguhin
Ngayong araw, susubukin nating magsalaysay ng inyong mga karanasan ukol sa mga tao sa
pamayanan gamit ang mga salitang “harap” at “likod”

3. Paglalahad:
a. Ipabasa ang mga pangungusap.
May pulis sa harap ng istasyon.
Nasa likod ng bangka ang bangkero.
Sa harap ng dyip nakaupo ang tsuper.
Sa likod ng nasusunog na bahay dumaan ang mga bumbero.
Sa harap ng barangay health center nakatayo ang komadrona.

b. Ipamustra ang kinalalagyan ng mga tao sa likod at harap upang lubusang maunawaan ng mga
bata.

4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Pagbigayin ang mga bata ng pangungusap gamit ang salitang likod at harap.

6. Paglalahat:
Saan-saan maaring makita ang isang bagay?

7. Kasanayang Pagpapayaman
Laro: Pagtuturo ng harap o likod

IV. Pagtataya:
Tumawag ng bata at ipasalaysay ang sariling karanasan ukol sa mga tao sa pamayanan gamit ang
mga salitang “harap” at “likod”

V. Kasunduan:
Iguhit: Bata sa harap ng bahay.
Batis sa likod ng bahay.

Puna: ____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa Filipino I
Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ika-anim naLinggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin
Nakikilahok sa isang laro kung saan makapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita ang
bawat grupo.
II. Paksa: Mga Tao sa Pamayanan
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang pangyayaring narasan gamit
ang payak na salita.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “harap at likod” sa pangungusap.
3. Phonological Awareness:Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan: kopya ng tula sa tsart
5. Sanggunian: Likha I pah. 265-266

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Nais ba ninyong maglaro:
2. Tunguhin
Ngayong araw, maglalaro tayo ng isang laro patungkol sa mga salitang magkakatugma.
3. Paglalahad:
Ilahad ang tula at ipahanap ang mga
Salitang magkatugma.
Mag-aaral na kabataan
Matiyagang tinuturuan
Niyaring murang kaisipan
Hinuhubog sa kabutihan.

Sa inti nagtatanim
Pagod hindi pinapansin,
Ang tanging layunin
Kababayan ay may makain.

Mabilis na umaapula
Sa apoy na pumipinsala
Panganib di alintana
Sa paglilingkod sa kapwa.

Gumagamot sa maysakit
Na sa kamatayan nakabingit,
Di iniiwan ni isang saglit
Kaligtasan ang twina’y iniisip.

Nasa dagat araw-gabi


Sa ulan at hangin di kumukubli,
Sarisaring laman-dagat hinuhuli
Nang sa palengke may mabili.

Humahakot ng tambak na basura


Di ligtas sa mikrobyong dala-dala,
Tanging pakay paligid luminis na
Nang sa mat’y laging gumanda.

Bawat isa’y tunay na mahalaga


Paglilingkod handog sa balana,
Taimtim na dasal ialay sa kanila
Pasasalamat usalin sa tuwina.

4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Ipahanap sa mga bata ang mga magkatugmang salita sa tula.
Ang pangkat na pinakamaraming mahahanap ang siyang panalo.
5. Paglalahat:
Saan panig naririnig pantig na magkatugma sa salita? (sa hulihang pantig)
6. Kasanayang Pagpapayaman
Laro: Magbibigay ako ng salita, pabilisan kayo sa pagbibigay ng salitang katugma.

IV.Pagtataya:
Laro: Bigyan ang bawat pangkat ng manila paper.
Gamit ang guhit hayaang magpabilisan ang mga bawat pangkat sa paghanap sa mga salitang
magkatugma.

1. Kabataan balana
2. Pansin makain
3. Pumipinsala kaisipan
4. Hinuhuli mabili
5. Mahalaga tuwina

V. Kasunduan:
Pagsanayang basahin ang tula sa bahay.

Puna: ____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa Filipino I
Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ika-anim naLinggo
(Ika-apatna Araw)

I. Layunin
Nakapagbibigay ng mga pangungusap na may kaugnayan sa mga tao sa pamayanan gamit ang
“harap” at “likod”
II. Paksa: Mga Tao sa Pamayanan
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang pangyayaring narasan gamit
ang payak na salita.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “harap at likod” sa pangungusap.
3. Phonological Awareness:Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan: larawan ng tao sa pamayanan
5. Sanggunian: Likha I pah. 265-266
III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Sinu-sino ang mga tao sa pamayanan?
2. Tunguhin
Ngayong araw, magbibigay tayo ng mga pangungusap na may kaugnayan sa mga tao sa
pamayanan gamit ang harap at likod.
3. Paglalahad:
Gumamit ng cut-out o papet ng mga tao sa pamayanan.
Hal. Pulis na nakaharap sa mga bata.
Pulis na nasa likod ng silid.
Ipatukoy ang kinalalagyan ng tao.
4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Saan nakatayo ang pulis?
Saan nakaharap ang isa pang pulis?
5. Paglalahat:
Ipaturo ang harap at likod.
6. Kasanayang Pagpapayaman
Laro: harap o likod

IV. Pagtataya:
Inahagi ang sariling karanasan.
Pumili ng isang taong nais mo at ibahagi ang karanasan mo tungkol dito.
Hal. Isang pulis ang tumulong sa akin sa pagtawid sa kalsada sa Maynila.

V. Kasunduan:
Pagsanayang basahin ang tula sa bahay.

Puna: ____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan
ng pagkatuto ng aralin
Banghay Aralin sa Filipino I
Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ika-anim naLinggo
(Ikalimang Araw)

I. Layunin
Nakapagbabahagi ng mga natatanging karanasan patungkol sa mga tao sa pamayanan.

II. Paksa: Mga Tao sa Pamayanan


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang pangyayaring narasan gamit
ang payak na salita.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “harap at likod” sa pangungusap.
3. Phonological Awareness:Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan: larawan ng tao sa pamayanan
5. Sanggunian: Likha I pah. 265-266

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Sinu-sino ang mga tao sa pamayanan?

2. Tunguhin
Ngayong araw, magbabahagi kayo ng inyong nagging karanasan patungkol sa mga tao sa
pamayanan.

3. Paglalahad:
Gumamit ng cut-out o papet ng mga tao sa pamayanan.
Ngayong araw, manonood tayo ng parade ng mga tao sa pamayanan.
Iparada ang mga papet ng mga katulong sa pamayanan.

4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Ano ang gawain ng pulis? Sapatero?Guro?Atbp.

5. Paglalahat:
Bawat tao sa pamayanan ay mahalaga.
Sila ay nakakatulong sa pagpapaunlad sa ating pamayanan.
6. Kasanayang Pagpapayaman
Itambal ang gamit sa taong may ari nito.
Hal. Lagare - karpintero
Dyip - tsuper

IV.Pagtataya:
Iguhit ang larawan ng tao sa pamayanan na ibig mong maging paglaki mo.

V. Kasunduan:
Gumawa ng album ng mga tao sa pamayanan.

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Unang Araw)

I. LAYUNIN:
- Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba’t ibang sitwasyon ng pang-
araw-araw na pamumuhay na pamilya
- Umiiwas sa labis na panonood ng telebisyon

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 82-83; Teacher’s Guide pp. 124-126;
Activity Sheets pp. 130-136; Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 113
C. Kagamitan:Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Magbigay ng mga tuntunin sa tahanan na sinusunod mo.
3. Balik-aral:
Anong oras ka dapat matulog sa gabi? Bakit?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Anong palabas sa TV ang paborito mo? Bakit?
2. Paglalahad:
Basahin ang kwento:
Panonood ng Telebisyon
Mahusay na mag-aaral si Noel sa kanilang klase. Gabi-gabi siyang nag-aaral ng kanyang mga
aralin.Isang hapon, nag-uwi ng bagong telebisyon ang tatay.Tuwang-tuwa si Noel. Gabi-gabi
siya ay wiling-wili sa panonood ng mga paborito niyang programa. Ayaw na niya halos mag-aral
ng leksiyon. Tuloy nagsibaba ang kanyang marka. Lungkot na lungkot ang kanyang nanay at
tatay sa nagyari.
3. Pagtalakay:
Anong uri ng mag-aaral si Noel noong una?
Bakit nagsibaba ang kanyang marka?
Mabuti ba ang labis na panonood ng telebisyon?

C. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga nakatatandang
kasapi ng pamilya?
Tandaan:
Tuntunin ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya.
Tulad ng pag-iwas sa labis na panonood ng telebisyon.

D. Paglalapat:
Lutasin:
Gustong-gusto mo ang palabas sa telebisyon pero hatinggabi na at may pasok ka pa kinabukasan.
Ano ang gagawin mo?

IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
1. Ang labis na panonood ng telebisyon ay mabuti.
2. Dapat na maging mapili sa mga palabas na panonoorin.
3. Mabuti sa bata ang mga mararahas na palabas.
4. Mainam na may patnubay ng magulang kung nanonood ng palabas sa telebisyon.
5. Manood ng mga palabas na pambata lamang.
6.
V. Kasunduan:
Pangako: Iwasan ang labis na panonood ng telebisyon.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ika-anim naLinggo
(Ikalawang Araw)
I. LAYUNIN:
- Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba’t ibang sitwasyon ng pang-
araw-araw na pamumuhay na pamilya
- Ipagpatuloy ang mabuting pag-aaral

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:Araling Panlipunan CurriculumGuide pah. 82-83; Teacher’s Guide pp. 124-126;
Activity Sheets pp. 130-136; Developing Reading Power I page 61
C. Kagamitan: Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Magbigay ng mga tuntunin sa tahanan na sinusunod mo.
3. Balik-aral:
Paano nakaapekto sa pag-aaral ni Noel ang masyadong pagkahilig niya sa panonood ng
telebisyon?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Bakit ka pumapasok sa paaralan?
Nag-aaral ka bang mabuti? Bakit?
2. Paglalahad:
Basahin ang kwento:
Oras ng Pag-aaral
Tapos nang maghapunan ang mga bata.Si Liza ang naghugas ng mga pinggan.Si Tess naman
ang nagpunas ng mesa.Itinapon ni Romy ang basura sa tamang tapunan.
Pagkatapos, kinuha na ng mga bata ang kanilang mga aklat at nag-aral na sila ng leksiyon.
Tahimik silang nag-aral sa kanilang silid.
3. Pagtalakay:
Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
Ano ang kanilang ginawa?
Paano sila nag-aral ng kanilang leksiyon?
Anong mabutng ugali ang ipinakita ng mga bata?

C. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga nakatatandang
kasapi ng pamilya?
Tandaan:
Tuntunin ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya.
Tulad ng patuloy sa mabuting pag-aaral.

D. Paglalapat:
Lutasin:
Mahilig magbasa ng mga aklat si Jenny.Mas ibig pa niyang magbasa kaysa maglaro.
Si Joy naman ay masyadong mahilig sa laro. Ni hindi niya binubuklat ang kanyang mga aklat?
Pagdating kaya ng Marso sa pagtatapos ng pag-aaral, sino kaya sa dalawang bata ang magiging
matagumpay? Bakit?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang gawaing nagpapakita ng mabuting pag-aaral. X ang hindi.
___1.Nagbabasa ng aklat si Tina gabi-gabi.
___2. Inuuna pa ni Lorie ang paglalaro kaysa paggawa ng assignment.
___3. Di nagpapahuli si Lovely sa pagpasok sa paaralan araw-araw.
___4. Tuwing Biyernes ay laging lumiliban sa klase si Crispin.
___5. Di pumapasok si Joy sa paaralan pag wala siyang baon.

V. Kasunduan:
Pangako: Ipagpapatuloy ko ang mabuting pag-aaral.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ikatlong Araw)
I. LAYUNIN:
- Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba’t ibang sitwasyon ng pang-
araw-araw na pamumuhay na pamilya
- Nagpapaalam kung makikipaglaro sa kapitbahay.

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian: Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 82-83; Teacher’s Guide pp. 124-126;
Activity Sheets pp. 130-136
C. Kagamitan: Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Magbigay ng mga tuntunin sa tahanan na sinusunod mo.
3. Balik-aral:
Paano ka nag-aaral ng iyong mga aralin?
Nais mo bang maging matagumpay sa iyong pag-aaral?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Umaalis ka ba ng bahay kung ikaw ay nakikipaglaro?

2. Paglalahad:
Basahin ang kwento:
Sabado, walang pasok ang mga bata.Nais ni Bea na makipaglaro sa mga bata sa kanilang
kapitbahay. Nalulungkot kasi siya dahil wala siyang kalaro sa bahay. Nag-iisang anak si Bea
kaya sabik siyang makalaro ang ibang bata.
Maya-maya, nagtungo siya sa kusina at nagpaalam nang maayos sa kanyang nanay na
makikipaglaro kay Trina na nakatira ilang bahay lamang ang layo mula sa bahay nila.
Agad naman siyang pinayagan ng ina at binilinan na huwag makikipag-away.

3. Pagtalakay:
Bakit nalulungkot si Trina?
Ano ang gusto niyang gawin?
Paano siya nagpaalam sa ina?

C. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga nakatatandang
kasapi ng pamilya?
Tandaan:
Tuntunin ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya.
Tulad ng pagpapaalam kung makikipaglaro sa kapitbahay.

D. Paglalapat:
Ipasakilos nang pangkatan sa mga bata ang tagpo sa kwento.

IV. Pagtataya:
Lutasin:
Gusto ni Ben na makipaglaro sa kanyang mga kaibigan sa kabilang kalye. Pero alam niyang hindi
siya papayagan ng nanay dahil kagagaling lamang niyang magkasakit. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Mag-iiyak kapag hindi pinayagan
B. Tumakas na lang.
C. Magpaalam nang maayos sa magulang.

V. Kasunduan:
Pangako: Magpapaalam ako kung makikipaglaro sa kapitbahay.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ika-anim naLinggo
(Ika-apat na Araw)
I. LAYUNIN:
- Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa iba’t ibang sitwasyon ng pang-
araw-araw na pamumuhay na pamilya
- Nagsasabi ng “po” at “opo” sa nakatatanda.

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 82-83; Teacher’s Guide pp. 124-126;
Activity Sheets pp. 130-136
C. Kagamitan: Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Magbigay ng mga tuntunin sa tahanan na sinusunod mo.
3. Balik-aral:
Ano ang dapat mong gawin bago ka umalis ng bahay para makipaglaro?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Paano ka nakikipag-usap sa mga nakakatanda?

2. Paglalahad:
Ipabigkas nang sabayan ang tulang “po at Opo” sa mga bata.
Tungkol saan ang tula?

3. Pagtalakay:
Ano ang laging bilin ng inay?
Anong dalawang mahalagang salita ang lagi mong dapat gamitin sa pakikipag-usap sa mga
nakatatanda?

C. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga nakatatandang
kasapi ng pamilya?
Tandaan:
Tuntunin ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya.
Tulad ng paggamit ng “po at Opo” sa pakikipag-usap sa nakatatanda.

D. Paglalapat:
Ipabigkas:
Ako po si Upo ang gulay na kailangan mo
Palalakasin ko katawa’t isipan mo.
Tagapagpaalala rin sa batang malilimutin
Sa tuwina’y sambitin
Po at Opo ay gamitin.

IV. Pagtataya:
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Tinatanong ka ng lolo mo, “Kumain ka na ba?”
a. Oo b. Bakit ba?c. Hindi pa d. Opo
2. “Turon ba ang gusto mo?” tanong sa iyo ni Ate Tere.
a. Hindi b. Opo, ate Tere c. Ayoko niyan!
d. Oo yan nga!
3. Tinanong ka ng guro mo kung sa iyo ang lapis na napulot niya.
a. Opo, mam b. Hindi akin yan
c. Baka sa kanya yan d. Ewan ko ba?
4. “Inaantok ka na ba?” sabi sa iyo ng iyong yaya.
a. Bakit ba nakikialam ka.
b. Hindi pa.
c. Opo, yaya
d. Pakialam mo!
5. Nagtanong sa iyo ang isang mama, “Dito ba ang Barangay Camias?”
a. Opo b. hindi c. ewan ko d. dun yata

V. Kasunduan:
Pangako: Lagi akong magsasabi ng po at opo.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ika-anim naLinggo
(Ikalimang Araw)
I. LAYUNIN:
- Naikakategorya ang ibat-ibang tuntunin ng pamilya.

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Ang Kwento ng Aking Pamilya
B. Sanggunian:Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 82-83; Teacher’s Guide pp. 84-85;
Activity Sheets pp. 130-136
C. Kagamitan: Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Magbigay ng mga tuntunin sa tahanan na sinusunod mo.
3. Balik-aral:
Paano ka dapat makipag-usap sa mga nakakatanda?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Alam mo ba ang mga uri ng alituntunin?

2. Paglalahad:
May mga iba’t ibang uri ng alituntunin tayong sinusunod sa ating tahanan ang mga ito ay ang:
Sa pag-aaral
Sa pagpapahinga ng katawan at isipan para sa kalusugan
Sa pagpapanatili sa kaayusan ng tahanan
Sa paggalang sa nakatatanda

3. Pagbigayin ang mga bata ng mga halimbawa ng tuntunin ayon sa bawat kategorya.

C. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga nakatatandang
kasapi ng pamilya?
Tandaan:
Tuntunin ang tawag sa mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong mga magulang o mga
nakatatandang kasapi ng pamilya.
Iba’t iba uri ang mga tuntunin:
Sa pag-aaral
Sa pagpapahinga ng katawan at isipan para sa kalusugan
Sa pagpapanatili sa kaayusan ng tahanan
Sa paggalang sa nakatatanda

D. Paglalapat:
Magbibigay ang guro ng tuntunin. Ipasabi sa bata kung saang kategorya ito nabibilang.

IV. Pagtataya:
Isulat ang kategorya ng bawat tuntunin: sa paaralan = A , sa pagpapahinga ng katawan at isipan para
sa kalusugan= B, Sa pagpapanatili sa kaayusan ng tahanan = C, Sa paggalang sa nakatatanda = D
1. Paggamit ng Po at opo
2. Pag-aaral ng leksiyon
3. Pagliligpit ng higaan
4. Pag-ubos sa kinuhang pagkain
5. Pagpapaalam kung pupunta sa kapitbahay.

V. Kasunduan:
Pangako: Susundin ko ang lahat ng mga tuntunin sa aming tahanan.
Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____
na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Unang Araw)
I. Mga layunin
Nakalulutas gamit ang isahang hakbang ng word problems tungkol sa pagsasama ng whole numbers
pati pera with sums up to 99.

II. Paksang-Aralin:
A. Aralin 1: Problem Solving
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28; Lesson Guide in Elem
Math I pah. 173-174
C. Kagamitan: plaskard
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :Nasasagot ang word problems
nang wasto.
E. Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Pagsasanay sa addition facts (sums of 18)
2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga hakbang na ginagamit sa paglutas sa word problem?
3. Pagganyak:
Awit: M – A- T- H
Mathematics (2x)
Let us solve the problems (2x)
Accurately (2x)

B. Paglalahad
1. Labing-dalawang batang babae ang naglilinis ng silid-aralan. Dumating ang 14 na batang lalaki
at nakisali sa paglilinis.
Ilang lahat ang mga batang naglilinis sa silid-aralan?
2. Pagpoproseso ng Gawain:
Pasagutan ang problem gamit ang 5 hakbang na natutuhan:
1. Ano ang hinahanap?
2. Anu-ano ang mga given?
3. Ano ang word clue na ginamit?operasyon?
4. Ano ang number sentence?
5. Ano ang kumpletong sagot?

C. Paglalahat:
Anu-anong hakbang ang ating ginagamit sa pagsagot sa word problem?

Tandaan:
May 5 hakbang sa paglutas sa word problems:
1. Ano ang hinahanap?
2. Anu-ano ang mga given?
3. Ano ang word clue na ginamit?operasyon?
4. Ano ang number sentence?
5. Ano ang kumpletong sagot?

D. Paglalapat:
Magic Box
Pabunutin ang lider ng bawat pangkat at ipasagot ang word problem na nakasulat sa papel.
Ang pangkat na unang matatapos at tama ang sago tang siyang panalo.
IV. Pagtataya:
Lutasin:
1. Gumawa ang tatay ng 13 maliliit na silya at 26 na malalaking silya. Ilang lahat ang silyang ginawa ng
tatay?
Gamitin ang 5 hakbang na natutuhan.
1. Ano ang hinahanap?
2. Anu-ano ang mga given?
3. Ano ang word clue na ginamit?operasyon?
4. Ano ang number sentence?
5. Ano ang kumpletong sagot?
2. Namitas si Zyrill ng 35 na kamatis.
Nakapitas din si Kat-kat ng 22 kamatis.
Ilang lahat ang kamatis na napitas nila?
1. Ano ang hinahanap?
2. Anu-ano ang mga given?
3. Ano ang word clue na ginamit?operasyon?
4. Ano ang number sentence?
5. Ano ang kumpletong sagot?

V. Kasunduan:
Gamit ang lahat ng hakbang na natutuhan, lutasin ang problem na ito.
Bumili ang nanay ng 1 kilong baboy sa halagang P170 at 1 kilong manok sa halagang P120.
Magkano lahat ang nabili ng nanay?

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Mga layunin
Nakalulutas gamit ang isahang hakbang ng word problems tungkol sa pagsasama ng whole numbers
pati pera with sums up to 99.
II. Paksang-Aralin:
A. Aralin 1: Problem Solving
B. B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28; Lesson Guide in
Elem Math I pah. 173-174; Go for Gold with Everyday Math I pp. 190-192
C. Kagamitan: plaskard
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :Nasasagot ang word problems
nang wasto.
E. Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Pagsasanay sa addition facts (sums of 18)
2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga hakbang na ginagamit sa paglutas sa word problem?
3. Pagganyak:
Awit: M – A- T- H
Mathematics (2x)
Let us solve the problems (2x)
Accurately (2x)

B. Paglalahad
1. Namasyal sa parke si Luz. Binigyan siya ng nanay ng P50 at tatay ng P20.
Magkano ang kabuuang baon ni Luz sa kanyang pamamasyal?
2. Pagpoproseso ng Gawain:
Pasagutan ang problem gamit ang 5 hakbang na natutuhan:
1. Ano ang hinahanap?
2. Anu-ano ang mga given?
3. Ano ang word clue na ginamit?operasyon?
4. Ano ang number sentence?
5. Ano ang kumpletong sagot?

C. Paglalahat:
Anu-anong hakbang ang ating ginagamit sa pagsagot sa word problem?
Tandaan:
May 5 hakbang sa paglutas sa word problems:
1. Ano ang hinahanap?
2. Anu-ano ang mga given?
3. Ano ang word clue na ginamit?operasyon?
4. Ano ang number sentence?
5. Ano ang kumpletong sagot?
D. Paglalapat:
Magic Box
Pabunutin ang lider ng bawat pangkat at ipasagot ang word problem na nakasulat sa papel.
Ang pangkat na unang matatapos at tama ang sagot ang siyang panalo.
IV. Pagtataya:
Lutasin:
1. May 32 bata ang nakasakay sa Ferris Wheel at 25 na mga bata ang nakasakay sa Merry-go-Round.
Ilang lahat ang mga bata na nakasakay sa mga palaruan?
Gamitin ang 5 hakbang na natutuhan.
1. Ano ang hinahanap?
2. Anu-ano ang mga given?
3. Ano ang word clue na ginamit?operasyon?
4. Ano ang number sentence?
5. Ano ang kumpletong sagot?
2. Sa tindahan may 125 kahon ng krayola at 212 kahon ng mga lapis na nakalagay sa eskaparate.
Ilang lahat ang kahon ng mga krayola at lapis sa eskaparate?
1. Ano ang hinahanap?
2. Anu-ano ang mga given?
3. Ano ang word clue na ginamit?operasyon?
4. Ano ang number sentence?
5. Ano ang kumpletong sagot?

V. Kasunduan:
Gamit ang lahat ng hakbang na natutuhan, lutasin ang problem na ito.
Binilang ni Gng. Sanchez ang mga batang nakasakay sa bus. 33 ang mga babae at 22 ang mga lalaki.
Ilang lahat ang mga batang nakasakay sa bus?

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Mga layunin
Nakalulutas gamit ang isahang hakbang ng word problems tungkol sa pagsasama ng whole numbers
pati pera with sums up to 900.(with regrouping)
II. Paksang-Aralin:
A. Aralin 1: Problem Solving
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28; Lesson Guide in Elem
Math I pah. 173-174; Go for Gold with Everyday Math I pp. 190-192
C. Kagamitan: plaskard
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :Nasasagot ang word problems
nang wasto.
E. Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Pagsasanay sa addition facts (sums of 18)
2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga hakbang na ginagamit sa paglutas sa word problem?
3. Pagganyak:
Awit: M – A- T- H
Mathematics (2x)
Let us solve the problems (2x)
Accurately (2x)

B. Paglalahad
1. Nagbilang si Lourdes ng 35 na mga rosas.27 rosas naman ang nabilang ni Alma.Ilang lahat ang
rosas na nabilang ng dalawa?
2. Pagpoproseso ng Gawain:
Pasagutan ang problem gamit ang 5 hakbang na natutuhan:
Ilan ang nabilang ni Lourdes na rosas?
Ilang rosas ang nabilang ni Alma?
Ilang lahat ang mga rosas na nabilang ng dalawa?
Ipakita sa pisara ang paglutas sa word problem.

35 = 10 10 10 5
+ 27 = 10 10 7

Alin ang una mong pagsasamahin?


Alin ang pangalawa?

C. Paglalahat:
Ano ang gagawin kung tumuntong ng sampu ang sagot sa hanay ng isahan? (regroup ones into tens)

D. Paglalapat:
Pangkatang tawagin ang mga bata sa pisara para sa pagsasanay.

IV. Pagtataya:
Gamitin ang huling hakbang ,sagutin ang bawat word problem.
1. May 13 paruparo at 7 tutubi sa hardin. Ilang lahat ang mga kulisap sa hardin?

V. Kasunduan:
Gamit ang lahat ng hakbang na natutuhan, lutasin ang problem na ito.

Binilang ni Gng. Sanchez ang mga batang nakasakay sa bus. 33 ang mga babae at 22 ang mga
lalaki.Ilang lahat ang mga batang nakasakay sa bus?

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ika-anim na Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Mga layunin
Nakalulutas gamit ang isahang hakbang ng word problems tungkol sa pagsasama ng whole numbers
pati pera with sums up to 900.(with regrouping)

II. Paksang-Aralin:
A. Aralin 1: Problem Solving
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28; Lesson Guide in Elem
Math I pah. 173-174; Go for Gold with Everyday Math I pp. 190-192
C. Kagamitan: plaskard
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :Nasasagot ang word problems
nang wasto.
E. Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Ibigay ang nawawalang bilang upang mabuo ang addition facts:
7 + ___ = 15
9 + 3 = ____
___+ 4 = 9
7 + 3+ ___= 16
__+ 6 + 6 = 18

2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga hakbang na ginagamit sa paglutas sa word problem?

3. Pagganyak:
Awit: M – A- T- H
Mathematics (2x)
Let us solve the problems (2x)
Accurately (2x)

B. Paglalahad
Nagtungo ang mga batang nasa unang baiting sa Ocean Park. Nakakita si Lenlen ng 15 malaking
pating at 25 na maliliit na pating.
Ilang lahat ang mga pating na nakita ni Len- len?

15
+ 25
?
Alin ang una mong pagsasamahin?
Alin ang pangalawa?

C. Paglalahat:
Ano ang gagawin kung tumuntong ng sampu ang sagot sa hanay ng isahan? (regroup ones into tens)

D. Paglalapat:
Pangkatang tawagin ang mga bata sa pisara para sa pagsasanay.

IV. Pagtataya:
Gamitin ang huling hakbang ,sagutin ang bawat word problem.
1. May 56 na batang babaeng iskawts at 27 batang lalaking iskawts ang sumama sa camping.
Ilang lahat ang mga batang iskawts ang sumama sa camping?
2. Namulot ang tatay ng itlog sa poultry farm.
234 na itlog ang napulot niya noong Lunes at 122 namang itlog noong Martes.
Ilang lahat ang kabuuang bilang ng mga itlog na napulot niya?

V. Kasunduan:
Gamit ang lahat ng hakbang na natutuhan, lutasin ang problem na ito.

Bumili ang ate ng bagong bag na nagkakahalaga ng P150. Bumili rin siya ng bagong payong na may
halagang P125.
Magkano lahat ang nagasta ni Ate?

Puna
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin
Banghay Aralin sa Matematika
Unang Markahan
Ika-anim naLinggo
(Ikalimang Araw)
I. Mga layunin
Nakalulutas gamit ang isahang hakbang ng word problems tungkol sa pagsasama ng whole numbers
pati pera with sums up to 900.(with regrouping)

II. Paksang-Aralin:
A. Aralin 1: Problem Solving
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28; Lesson Guide in Elem
Math I pah. 173-174; Go for Gold with Everyday Math I pp. 190-192
C. Kagamitan: plaskard
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :Nasasagot ang word problems
nang wasto.
E. Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Gamit ang show-me-board, hayaang magpabilisan ang mga bata sa pagbigay ng sagot para sa
bawat addition combination na ipapakita ng guro.
2. Balik-aral:
Anu-ano ang mga hakbang na ginagamit sa paglutas sa word problem?
3. Pagganyak:
Awit: M – A- T- H
Mathematics (2x)
Let us solve the problems (2x)
Accurately (2x)

B. Paglalahad
1. May 256 na kalulutong pandesal sa isang bandehado at 167 naman sa isa pang lalagyan.
Ilang lahat ang piraso ng pandesal na kaluluto?
Unang hakbang: Ano ang tinatanong?
Bilang ng pandesal na kaluluto
Pangalawa: Anu-ano ang given facts?
256 at 167 na pandesal
Pangatlo: Ano ang word clue at gagamiting operasyon
Lahat/ pagsasama o adisyon
Pang-apat: Ano ang number sentence?
256 + 167 = N
Panglima: Ano ang kumpletong sagot?
256+167 = 423 na pandesal

C. Paglalahat:
Anu-anong hakbang ang ginagamit sa paglutas ng word problem?

D. Paglalapat:
Pangkatang tawagin ang mga bata sa pisara para sa pagsasanay.

IV. Pagtataya:
Gamitin ang limang hakbang,sagutin ang word problem.

Nagdaos ng pulong ang mga kandidato sa plasa. 342 na mga kabataan at 336 na mga katandaan ang
nagsidalo. Ilang lahat ang mga taong dumalo sa pulong?
1.
2.
3.
4.
5.

V. Kasunduan:
Gamit ang lahat ng hakbang na natutuhan, lutasin ang problem na ito.

Kumita si Mang Ando ng P350 noong Lunes at P450 noong Martes sa pagtitinda ng sorbets.
Magkano ang kabuuang kinita ni Mang Ando?

Puna
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

Banghay Aralinsa MUSIC


Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Unang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Nakikilala ang mga pitch names na nakasulat sa mga linya sa G-clef.

II. Paksa: Pitch Names of Notes on the Lines of the Staff in G-clef
A. Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4; Music teacher’s Module pah. 1-2; Music Activity
Sheet pp. 1-2
B. Kagamitan: larawan ng staff

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Anu-ano ang 7 pitch names?

4. Pagganyak:
Awit: Alphabet Song

B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad:
Ipakita ang pitch names na nakasulat sa guhit sa G-clef.

E G B D F

2. Pagtalakay:
Anu-ano ang mga pitch namesna nakasulat sa linya o guhit sa G-clef?

3. Paglalahat:
Tandaan:
Madaling tandaan an gang mga pitch names sa G-clef:
Everybody GetsBusy During Fridays

IV. Pagtataya:
Bilugan ang mga pitch names na nakasulat sa mga guhit sa staff sa G-clef.

A D O G R L F N B E C

V. Kasunduan:
Iguhit ang nota sa linya ng mga sumusunod na pitch names sa staff ng G-clef.
G E F D B

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralinsa MUSIC


Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikalawang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Nakikilala ang mga pitch names na nakasulat sa mga spaces sa G-clef.

II. Paksa: Pitch Names of Notes on the Spaces of the Staff in G-clef
A. Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4; Music teacher’s Module pah. 1-2; Music Activity
Sheet pp. 1-2
B. Kagamitan: larawan ng staff

III. Pamamaraan :
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga pitch names na nakasulat sa linya sa staff ng G-clef?

2. Pagganyak:
Fishing game: Gamit ang cut-outs ng isda.
Hayaang mamilwit ang mga bata ng mga titik ng pitch names .
B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad:
Ipakita ang pitch names na nakasulat sa spaces sa G-clef.

F A C E

2. Pagtalakay:
Anu-ano ang mga pitch names na nakasulat sa spaces sa G-clef?
3. Paglalahat:
Tandaan:
Madaling tandaan ang ang mga pitch names na nakasulat sa spaces sa G-clef:
FACE or Father Always Comes Early

IV. Pagtataya:
Kulayan ang pitch names na nakasulat sa spaces ng staff sa G-clef.
G F B C D A E

V. Kasunduan:
Isulat ang pitch names sa patlang.

______ ______ ______ ______

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.
Banghay Aralin saEDUKASYON SA PAGPAPALAKAS NG KATAWAN
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
Naiindayog ang mga binti at nailulukso ang mga tuhod.

II. Paksa: Kakayahan sa Pangangasiwa ng Katawan


A. Aralin: Pag-indayog ng mga Binti at Luksong-Taas ng mga Tuhod
B. Sanggunian: Gabay na Kurikulum sa K-12 sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng katawan sa baitang
I pah. 53-55; Pupils’ Acitivity Sheet in Grade I pah. 20; Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan
I pp. 37-41
C. Kagamitan: larawan na nagpapakita ng mga kilos ng bahagi ng katawan sa panlahatang lugar.
D. Integrasyon, Sining, Matematika at Musika

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Pagtambalin ang larawan at gawain.Gumamit ng guhit.
Gawain Larawan
1. Pagtayo na magkatabi
ang mga paa.
2. Paghawak sa baywang
3. Paghawak sa tuhod
4. Pagtayo nang magkalayo
Ang mga paa
5. Pag-ikot ng katawan
2. Pagganyak
Awit: Ako ay May Ulo
(Bigyan ng angkop na galaw o kilos)
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Naikikilos mo ba ang iyong mga binti?
Naikikilos mo rin ba ang iyong mga tuhod?
Paano mo ikinikilos ang iyong mga binti?
Paano mo ikinikilos ang iyong mga tuhod?
2. Gawain: (Imumustra ng guro sa harap)
Pag-indayog ng mga binti.
Panimulang Ayos:
Tumayo sa isang paa lamang.
- Iindayog ang kanang binti sa unahan
- Iindayog uli sag awing likuran.
- Ituloy sa harapan sag awing kaliwa, kanan at kaliwa
- Balik sa panimulang ayos
- Uliting lahat gamit naman ang kaliwang binti.
Luksong-Taas ang mga Tuhod
Panimulang Ayos
Tumayo na magkatabi ang mga paa.
- Lumukso sa kaliwang paa na itinataas naman ang kaliwang tuhod
- Magsimula naman sa kanang paa.
- Ulitin ang( a-b)
3. Paglalahat:
Ano ang mabuting naidudulot ng ganitong uri ng pag-eehersisyo sa ating katawan?
Tandaan:
Ang magandang ehersisyo sa mga binti ay ang pag-indayog nito.
Ang ehersisyong ito ay medaling nagagawa ng mga bata.
Ang luksong-taas ang mga tuhod ay isang pag-ehersisyo ng mga tuhod.
Angating mga tuhod ay lumalakas.
4. Pagsasanay
Pangkatang Pagpapakitang Kilos

IV. Pagtataya
Pagtambalin ang larawan at Gawain.Gumamit ng guhit.
Gawain Larawan
1. Pag-indayog ng
kanang binti
2. Paglukso sa
Kaliwang paa
3. Pag-indayog ng
Kaliwang binti.
4. Paglukso sa
Kanang paa.
5. Pag-indayog sa
gawing likuran.

V. Kasunduan
Pag-aralan ang iba’t ibang kilos na natutuhan sa bahay.

Puna_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng pagkatuto ng
aralin.
Banghay Aralin saART
Pinagsanib na Aralin sa art at Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:
Nakaguguhit ng mga simpleng bagay.
Naipahahayag ang pagiging malikhain sa pamamagitan ng pagguhit at paghahalo ng mga kulay.

II. Paksang Aralin: Color Blasting (5-Colored Blasting)


A. Talasalitaan
Primary Colors: Red, Blue, Yellow
Secondary Colors: Green. Violet, Orange
B. Elemento at Prinsipyo: Shape, line
C. Kagamitan: Crayons at least 6 colors, cartolina
D. Sanggunian: K-12 ArtTeacher’s Guide pp. 29-30
E. Pupils; Activity Sheet pp. 14-15

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ilan ang mga kulay na maaring gamitin sa 3-colored blasting?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Bring Me Game:
Bring me color green, blue, etc.

C. Pagpoproseso ng Gawa:
1. Ipakita ang modelo ng 5-Colored Blasting
Tanungin ang mga bata sa mga kulay na ginamit sa gawain.
2. Anu-anong mga kulay ang ginamit? Hugis?
Anu-anong disenyo ang ginamit?
Saan –saan direksiyon nagsimula at natapos ang gawain?

IV. Pagtataya:
1. Papiliin ng 5 kulay ang mga bata. Hayaang gumawa sila ang sarili nilang color blasting. Piliin
ang best work at ilagay sa paskilan.

V. Kasunduan:
Pumili ng 6 na kulay at gumawa ng color blast sa bahay.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa HEALTH


Pinagsanib na aralin sa Science at Art
Ikalawang Markahan
Ikalimang Linggo
(Ika-limang Araw)

I. Layunin:
- Nasasabi kung kailan dapat hugasan ang mga paa.
- Naisasagawa ang paghuhugas ng mga paa
- Bago matulog

II. Paksang Aralin: Paghuhugas ng Paa


A. Malinis na Paa
B. Kagamitan: tubig at sabon, bimpo
C. Sanggunian: k-12 Health Curriculum Guide page 17; Modyul 1, Aralin 1 pah 28; Pupils’
Activity Sheet pp. 15-16

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Kailan mo dapat hugasan ang iyong mga paa?

2. Pagganyak:
Puzzle: Footprint

B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad:
Ipakita ang larawan ng isang bata na nakasuot ng panjama.
Tanungin: Sa palagay ninyo ano ang ibig gawin ng bata sa larawan?

2. Pagtalakay:
Talakayin ang kahalagahan ng paghuhugas ng paa.
Kapag naghuhugas ng ating mga paa tayo ay gumagamit ng tubig at sabon.

3. Paglalahat:
Ano ang dapat mong gawin bago ka matulog?
Tandaan: Maghugas ng mga paa bago matulog.

4. Pagsasanay:
Ipasakilos sa mga bata nang pangkatan ang wastong paghuhugas ng mga paa.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Unang Araw)
I.Layunin:
- Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa
tahanan tulad ng:
- Pag-iwas sa pagiging mainggitin sa kapwa

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin2: Ako ay Magalang sa Lahat
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13;
Teaching Guide ph. 18-19; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85; Wastong Pag-uugali sa
Makabagong Panahon I pah.
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Bakit nais ipapatay si Snow White ng kanyang pangalawang ina?
Anong katangian mayroon si Snow White at labis na naiinggit sa kanya ang madrasta
niya?

2. Pagganyak
Awit: Si Jack at Jill (Tagalog Version)
Sino ang batang umiyak?Bakit?

B. Panlinang na Gawain:
Iparinig ang kwentong, “Jack and the Beanstalk” sa tagalong version.
1. Pagtalakay:
Bakit pinatay ng higante ang ama ni Jack?
Paano nakamit ni Jack ang katarungan para sa kanyang ama?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong masamang ugali ang hindi natin dapat taglayin sa ating kapwa?

Tandaan:
Masamang ugali ang maging mainggitin.
Dapat natin itong iwasang taglayin sa ating mga puso.

2. Paglalapat
Dula-dulaan sa mahalagang tagpo sa narinig o nabasang kwento nang pangkatan.

IV.Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
1. Pinatay ng higante ang ama ni Jack.
2. Labis itong naiinggit sa tagumpay ng mangangalakal.
3. Pinagtataga ni Jack ang higante.
4. Nabawi ni Jack ang mga kayamanan sa tulong ng isang diwata.
5. Namuhay ng tahimik at maayos ang mag-ina ng mamatay ang higante.

V. Takdang-aralin
Ipaliwanag.
Di magkakamit ng tunay na ligaya
Kung ang puso’y may inggit sa tuwina.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng
___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikalawang Araw)
I.Layunin:
- Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa
tahanan tulad ng:
- Pag-iwas sa pagiging mainggitin sa kapwa

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin2: Ako ay Magalang sa Lahat
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13;
Teaching Guide ph. 18-19; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85; Wastong Pag-uugali sa
Makabagong Panahon I pah. 155
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano nabawi ni Jack ang kayamanan?
Nabigyan ba niya ng katarungan ang kanyang ama?Paano?

2. Pagganyak
Naranasan ninyo na ba na maka-away o makagalit ang inyong kapatid?
Bakit kayo nag-away?

B. Panlinang na Gawain:
1. Iparinig ang kwentong , “Si Cain at si Abel” sa mga bata.(Biblical Story)

2. Pagtalakay:
Bakit nainggit si Cain kay Abel?
Ano ang ginawa niya sa sariling kapatid?
Anong kaparusahan ang nakamit ni Cain?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong masamang ugali ang hindi natin dapat taglayin sa ating kapwa?
Tandaan:
Masamang ugali ang maging mainggitin.
Dapat natin itong iwasang taglayin sa ating mga puso.

2. Paglalapat
Dula-dulaan sa mahalagang tagpo sa narinig o nabasang kwento nang pangkatan.

IV.Pagtataya:
Iguhit ang itim na puso kung ang tauhan sa narinig kwento ay nagtataglay nito at pulang
puso kung hindi.

1. higante___________
2. Snow white_______
3. Diwata__________
4. Ina-inahan ni Snow White______
5. Cain__________

V.Takdang-aralin
Gumuhit ng isang malaking puso.
Kulayan ito. Isulat sa ibaba ang salitang:

Masamang ugali ang maging mainggitin. Dapat natin itong iwasang taglayin sa ating mga
puso.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng
___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikatlong Araw)
I.Layunin:
- Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa
tahanan tulad ng:
- Pag-iwas sa pagiging mainggitin sa kapwa

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin2: Ako ay Magalang sa Lahat
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 18-19; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85; Wastong Pag-uugali sa
Makabagong Panahon I pah. 155
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Bakit nainggit si Cain kay Abel?
Ano ang ginawa niya sa sariling kapatid?
Anong kaparusahan ang nakamit ni Cain?

2. Pagganyak
Anong hayop ang may paborito sa saging?

B. Panlinang na Gawain:
1. Iparinig ang kwentong ,
“Matsing at si Pagong” sa mga bata.

2. Pagtalakay:
Anong halaman ang pinaghatian niPagong at Matsing?
Kaninong tanim ang nabuhay at namunga?
Ano ang naramdaman ni Matsing ng makitang hitik sa bunga ang puno ng saging
Pagong?
Anong ugali ang tinaglay ni Matsing?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong masamang ugali ang hindi natin dapat taglayin sa ating kapwa?

Tandaan:
Masamang ugali ang maging mainggitin. Dapat natin itong iwasang taglayin sa ating
mga puso.

2. Paglalapat
Pumili ng isang tagpo sa kwento at iguhit ito.

IV.Pagtataya:
Ikahon ang tamang sagot.
1. Isang araw nagkasundo sina Pagong at Matsing na (mamangka, mamasyal, manood ng
sine)
2. Nakapulot sila ng puno ng (niyog, langka, saging).
3. Nabuhay ang tanim ni (Matsing, Pagong, Kuneho).
4. Inubos lahat ni Matsing ang (dahon, ugat, bunga) ng saging ni Pagong.
5. Si Matsing ay nagging ( mainggitin, maalalahanin, maramdamin).

V.Takdang-aralin
Piliin ang tauhang ibig mo at iguhit ito.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng
___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ika-apat na Araw)

I.Layunin:
- Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa
tahanan tulad ng:
- Pag-iwas sa pagiging mainggitin sa kapwa

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin2: Ako ay Magalang sa Lahat
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 18-19
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 155
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang naramdaman ni Matsing ng makitang hitik sa bunga ang tanim na saging ni
Pagong?
Sino sa dalawang tauhan ang ibig mo? Bakit?

2. Pagganyak
Awit: May Tatlong Bibe
Anong hayop ang nabanggit sa awit?

B. Panlinang na Gawain:
1. Iparinig ang kwentong , “Ang Pabo at ang Bibe” sa mga bata.
2. Pagtalakay:
Bakit inggit na inggit si Bibe kay Pabo?
Ano ang ginawa niya para magaya niya ito?
Natuwa ba ang mga tunay na bibe sa pagpapanggap ni Bibe bilang Pabo?
Bakit?
Mabuti ba ang maging mainggitin?Bakit?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong masamang ugali ang hindi natin dapat taglayin sa ating kapwa?
Tandaan:
Masamang ugali ang maging mainggitin. Dapat natin itong iwasang taglayin sa ating mga
puso.

2. Paglalapat
Iguhit si Bibe habang nakadikit sa katawan niya ang mga nalagas na balahibo ni Pabo.

IV.Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
1. Inggit na inggit si Bibe kay Pabo.
2. Idinikit ni Bibe ang mga lagas na balahibo ni Pabo sa kanyang katawan.
3. Tuwang-tuwa ang mga bibe nang makita siya sa kanyang anyo.
4. Napahamak si Bibe sa kanyang pagiging inggetera.
5. Ang pagiging mainggitin ay kapuri-puring ugali.

V.Takdang-aralin
Piliin ang tauhang ibig mo at iguhit ito.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng
___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikalimang Araw)
I.Layunin:
- Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa
tahanan tulad ng:
- Pag-iwas sa pagiging mainggitin sa kapwa

II. Paksang Aralin: Pagmamahal at Kabutihan


Aralin2: Ako ay Magalang sa Lahat
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16
Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13
Teaching Guide ph. 18-19
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 155
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Ano ang ginawa ni Bibe para magaya si Pabo?
Natuwa ba ang mga kapwa niya Bibe sa kanyangpagbabalatkayo? Bakit?
2. Pagganyak
Gamit ang papet, iparinig ang kwento sa mga bata.
Ako si haribon ang hari ng mga ibon.Isa ako sa pinakamalaking ibon sa buong mundo.
At sa Pilipinas lamang ako matatagpuan.
Anong ibon ang nabanggit sa kwento?
B. Panlinang na Gawain:
1. Iparinig ang kwentong ,“Ang Alamat ng Agila” sa mga bata.
2. Pagtalakay:
Ano ang napansin ng ama habang siya ay nagpapahinga?
Sino ang tinawag niya?
Ano ang hinanap niya?
Bakit nagalit ang Diyos sa kanila?
Anong parusa ang iginawad sa kanila?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Anong masamang ugali ang hindi natin dapat taglayin sa ating kapwa?
Tandaan:
Masamang ugali ang maging mainggitin.Dapat natin itong iwasang taglayin sa ating mga
puso.
2. Paglalapat
Isakilos ang mahalagang tagpo sa kwento.

IV.Pagtataya:
Ikahon ang tamang sagot.
1. Napansin ng ama ang mga (ibon, eroplano,paniki)
2. Naghanap ang mag-ama ng ( kuko, balahibo, palong)
3. Nagsanay ( lumundag, sumisid, lumipad) ang mag-ama.
4. Nagalit ang Diyos at sila’y ( pinalayas, ginutom, pinarusahan).
5. Sila ay naging unang mga ( kwago, agila, uwak)

V.Takdang-aralin
Piliin ang tauhang ibig mo at iguhit ito.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin
Naipakikita ang tatag ng paniniwala sa Diyos (values)
Nalalaman ang kahulugan ng mga salita batay sa ilustrasyon (talasalitaan)
Napagsusunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng pagsasabi kung ano ang
una, pangalawa at pangatlo (oral)
Nahuhulaan ang kwento batay sa nalalaman tungkol sa mga tauhan
II. PaksangAralin: “Ang Panalangin ni Fatima”
A. Talasalitaan:Nalalaman ang kahulugan ng mga salita batay sa ilustrasyon
B. Pagbigkas na Wika: Napagsunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento mula una, pangalawa at
pangatlo.
C. Pag-unawa sa Binasa: Nahuhulaan ang kwento batay sa nalalaman tungkol sa mga pangatlo.
D. Kasanayan sa Wika: Nakikila ang pangalan ng mga bagay
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto – Ff/Zz
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ff at Zz
H. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 276-294
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ff/Zz plaskard
Tsart ng kwento.
III. Pamamaraan:
A. Gawain Bago Bumasa:
1. Paghahawan ng balakid:
Ibigay ang mga kahulugan ng mga salita batay sa pangyayari sa kuwento.
Bagyo, batang natatakot, aso, batang nagdarasal, bata
2. Pagganyak:
Iparinig ang tugma:
Ulan,ulan pantay kawayan
Bagyo, bagyo pantay kabayo.
Tungkol saan ang tugma?
Nakaranas na ba kayo ng isang malakas na bagyo?
Natakot ba kayo?Bakit?
Ano ang ginawa ninyo?
3. Pangganyak na Tanong:
Ipakita ang larawan ng isang batang nananalangin sa Diyos
Ano kaya ang ipinagdarasal ng bata sa larawan?
B. Gawain habang Bumabasa
1. Paglalahad:
Babasahin ng guro ang kwento sa mga bata.
Ang Panalangin ni Fatima
Isang gabi, nagkaroon ng bagyo sa bayan ng mga Ifugao. Takot na takot si Fatima. Yumakap siya sa
kanyang Inang Felising. “Huwag kang matakot , anak, hindi kita iiwan,” sabi ni Inang Felising.
Nag-aalala rin si Inang Felising kay Mang Felipe dahil hindi pa siya umuuwi sa bahay. Sa halip na
mag-alala, nanalangin ang mag-ina. Pagkatapos dumating si Mang Felipe na basing-basa, kasama niya
si Filong, ang alagang aso. Ahad nagpalit ng damit si Mang Felipe.
Ikinuwento niya kung paano siya nakaligtas sa baha sa tulong ni Filong.
“Salamat sa Diyos dahil ligtas na si Amang Felipe,” wika ni Inag Felising. “At iniligtas po siya ni
Filong at higit sa lahat n gating panalangin,” dugtong ni Fatima.
C. Gawain Pagkatapos Bumasa:
1. Pagtalakay:
Ano ang nangyari sa lugar nina Fatima?
Ano ang ginawa nina Fatima para mawala ang kanilang pag-aalala?
2. Pangkatang Gawain:
Pangkat 1 – “May Bagyo”.
Pangkat 2 – “Magdasal Tayo – Ipasadula ang mahalagang bahagi.
Pangkat 3 – “Ligtas Po Ako” –
Pangkat 4 – “Salamat Po, Diyos Ko”
Iguhit ang pamilyang sama-samangNagdarasal(tingnan sap ah. 279 ang mga tanong sa bawat
Gawain)
IV. Pagtataya:
Sagutin: Pasalita
Sabihin kung alin ang una, pangalawa at pangatlong pangyayari batay sa kwentong narinig.
____Nanalangin sina Inang Felising at Fatima
____May malakas na bagyo sa lugar nina Fatima
____Nakauwi ng ligtas si Mang Felipe sa tulong ng panalangin at ng alaga niyang aso na si Filong.
V. Kasunduan:
Magtala ng mga bagay na dapat ihanda sa oras ng kalamidad tulad ng bagyo.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin
- Naipakikita ang tatag ng paniniwala sa Diyos (values)
- Nalalaman ang kahulugan ng mga salita batay sa ilustrasyon (talasalitaan)
- Napagsusunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng pagsasabi kung
ano ang una, pangalawa at pangatlo (oral)
- Nahuhulaan ang kwento batay sa nalalaman tungkol sa mga tauhan
II. PaksangAralin: “Ang Panalangin ni Fatima”
A. Talasalitaan:Nalalaman ang kahulugan ng mga salita batay sa ilustrasyon
B. Pagbigkas na Wika: Napagsunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento mula una,
pangalawa at pangatlo.
C. Pag-unawa sa Binasa: Nahuhulaan ang kwento batay sa nalalaman tungkol sa mga pangatlo.
D. Kasanayan sa Wika: Nakikila ang pangalan ng mga bagay
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto – Ff/Zz
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ff at Zz
H. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 276-294
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ff/Zz plaskard
Tsart ng kwento.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Saan nakatira si Fatima?
Ano ang nangyari sa kanilang lugar?
Bakit nagdasal sina Fatima at Aling Felising?
2. Pagganyak:
Awit: Ulan, ulan,ulan (Rain ,Rain Go Away)
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipabigay sa mga bata ang mga pangalan ng tauhan sa kuwento.
Fatima Aling Felising Mang Felipe
Magpabigay pa ng iba pang pangalan ng tao
Nanay bata aso tatay bahay
Pangalan ng bagay:
Abaka carrot jacket
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat
Ano ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng ngalan ng bagay at tao?
2. Pagsasanay:
Pangkatang Gawain:
A. Bigyan ang bawat pangkat ng mga larawan at magpabilisan sa pagdidikit sa mga larawan
sa tamang hanay ng tao o bagay.
Tao Bagay

B. Connect Me
Itambal ng guhit ang larawan ng bagay sa tamang salita.
Larawan Salita
Jacket jacket

IV. Pagtataya:
Isulat ang Deal kapag ang pahayag ay totoo at No Deal kapag ang pahayag ay di totoo.
_______1. Masaya si Fatima habang may bagyo.
_______2.Nakauwi si Mang Felipe nang ligtas.
_______3.Nagdasal sina Aling Felising at Fatima.
_______4. Nagkaroon ng pista sa lugar nina Fatima.
_______5. Sobrang nag-alala sina Fatima at Aling Felising

V. Kasunduan:
Alamin ang lagay ng panahon bukas sa mga balita o dyaryo.

Puna:

___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin
- Nakikilala ang mga letra sa ibinigay na salita.
- Naibibigay ang mga tunog ng mga letra sa alpabeto Ff
- Naibibigay ang unahang tunog katinig ng ibinigay na salita.
- Naisusulat ang mga pantig, salita, parirala na may tamang pagitan ng mga letra, salita at
parirala.
II. PaksangAralin: “Ang Panalangin ni Fatima”
A. Talasalitaan:Nalalaman ang kahulugan ng mga salita batay sa ilustrasyon
B. Pagbigkas na Wika: Napagsunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento mula una,
pangalawa at pangatlo.
C. Pag-unawa sa Binasa: Nahuhulaan ang kwento batay sa nalalaman tungkol sa mga pangatlo.
D. Kasanayan sa Wika: Nakikila ang pangalan ng mga bagay
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto – Ff/Zz
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ff at Zz
H. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 276-294
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ff/Zz plaskard
Tsart ng kwento.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ipabasa sa plaskard ang mga pangalan ng tao sa kwento.
Fatima Felising Felipe Filong
2. Pagganyak:
Awit: Ano ang tunog ng titik Ff?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Paghawakin ang mga bata ng papel at ipatapat sa kanilang bibig.
Hayaang patunugin nila ang Ff.
May hangin bang lumalabas kapag pinatutunog ang Ff?
Ipakita ang larawan o tunay na bagay folder
Ano ang gamit ng folder?
Magpakita pa ng iba pang bagay na may simulang tunog na Ff
Fernando Fe Farah
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat
Ano ang tunog ng Ff?
2. Pagsasanay:
A. Pagsulat sa letrang Ff
B. Pagbubuo ng mga pantig, salita, parirala
C. Paglalagay ng nawawalang simulang tunog.
___ilipino
___ina
I__ugao
__e
IV.Pagtataya:
Pag-ugnayin ng guhit ang larawan sa panglan nito.
Larawan Salita
1. Ifugao
2. Fatima
3. Folder
4. Filipino
5. foam

V. Kasunduan:
Isulat sa kwaderno:
Ff Ff Ff Ff Ff

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng
___na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin
- Nakikilala ang mga letra sa ibinigay na salita.
- Naibibigay ang mga tunog ng mga letra sa alpabeto Zz
- Naibibigay ang unahang tunog katinig ng ibinigay na salita.
- Naisusulat ang mga pantig, salita, parirala na may tamang pagitan ng mga letra, salita at parirala.
II. PaksangAralin: “Ang Panalangin ni Fatima”
A. Talasalitaan:Nalalaman ang kahulugan ng mga salita batay sa ilustrasyon
B. Pagbigkas na Wika: Napagsunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento mula una, pangalawa at
pangatlo.
C. Pag-unawa sa Binasa: Nahuhulaan ang kwento batay sa nalalaman tungkol sa mga pangatlo.
D. Kasanayan sa Wika: Nakikila ang pangalan ng mga bagay
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto – Ff/Zz
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ff at Zz
H. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 276-294
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ff/Zz plaskard
Tsart ng kwento.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ipakita ang larawan na may simulang titik Ff
Felipe Fatima folder Filipino foam
2. Pagganyak:
Ano ang tunog na nalilikha ng mga bubuyog?
Ipagaya: Zzzzzz zzzzzz zzzzz zzzzz
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Ipakita ang larawan ng Zoo
Nakapunta na ba kayo sa lugar na ito?
Tingnan ang iba’t ibang larawan ng mga hayop na makikita sa zoo.
Tigre zebra ahas leon
Ipakilala ang tunog ng titik Zz
Zoo zebra zero
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat
Ano ang tunog ng Zz?
2. Pagsasanay:
A. Pagsulat sa letrang Zz
B. Pagbuo ng pantig, salita, parirala
Za ze zi zo zu
C. Pagbasa
Sa Luzon ang Zebra si Zeny
sa Zoo
Sina Zayda at Zita ang pizza
Namasyal ang mag-anak sa Zoo.
Sa Zamboanga nakatira sina Zayda at Zita.
Ang zebra ay nasa zoo.
Si Zeny ay kumakain ng pizza.

IV.Pagtataya:
Basahin ang talata at sagutin ang sumusunod na tanong.
Nakatira sina Zena sa Luzon.
Nakatira sila malapit sa Manila Zoo.
Magkapatid sina Zita at Zena.
Anak sila ninaMang Zosimo Zeus at Aling Zeny.
Palagi silang namamasyal sa Manila Zoo.
Kumakain sila ng pizza pie.Naglalaro sila ng puzzle.
Laging Masaya ang mag-anak na Zeus.
1. Sino ang magkapatid?
2. Saan nakatira sina Zita at Zena?
3. Sino ang kanilang tatay at nanay?
4. Saan sila namamasyal palagi?
5. Ano ang kanilang kinakain?

V. Kasunduan:
Bilugan ang titik Zz
1. Zena
2. Zoo
3. Luzon
4. Zanjo
5. zero

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin
- Nakikilala ang mga letra sa ibinigay na salita.
- Naibibigay ang mga tunog ng mga letra sa alpabeto Zz
- Naibibigay ang unahang tunog katinig ng ibinigay na salita.
- Naisusulat ang mga pantig, salita, parirala na may tamang pagitan ng mga letra, salita at
parirala.
- Naisusulat ang malaki at maliit na letrang Ff/Zz.
- Napagtatapat ang salita at mga larawan.
- Naiintindihan na may tamang pagbaybay ng mga salita.
II. PaksangAralin: “Ang Panalangin ni Fatima”
A. Talasalitaan:Nalalaman ang kahulugan ng mga salita batay sa ilustrasyon
B. Pagbigkas na Wika: Napagsunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento mula una,
pangalawa at pangatlo.
C. Pag-unawa sa Binasa: Nahuhulaan ang kwento batay sa nalalaman tungkol sa mga pangatlo.
D. Kasanayan sa Wika: Nakikila ang pangalan ng mga bagay
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala sa Letra mula sa ibinigay na salita
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto – Ff/Zz
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Ff at Zz
H. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 276-294
I. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Ff/Zz plaskard
Tsart ng kwento.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Balik-aralin ang mga napag-aralan mula sa unang araw hanggang sa ika-apat na araw.
Ano ang tunog ng Ff?Zz?
Muling ipabasa:
Fatima folder zoo zero
Ano ang unang tunog ng mga larawan?
Zebra Zeny zoo Zita
Ano ang unang tunog ng mga larawan?
2. Pagganyak:
Awit: Ano ang tunog ng titik Ff? Zz?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Alin sa mga salita ang pangalan ng tao?
Pagbigayin ang mga bata ng halimbawa.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat
Ano ang tunog ng Ff/Zz?
2. Pagsasanay:
A. Pagsulat sa letrang Ff/Zz
B. Pagbuo ng pantig, salita, parirala
Za ze zi zo zu
Fa fe fi fo fu
C. Spell Me
Fatima carrot jacket zoo lobo

IV.Pagtataya:
Ayusin ang mga titik na akma sa kahon upang makabuo ng salita.
1. ozo
2. razeb
3. derfol
4. roze
5. taZi

V. Kasunduan
Isulat sa kwaderno:
Ff Ff Ff Ff Ff
Zz Zz Zz Zz Zz

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa Filipino I
Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Unang Araw)

I. Layunin
- Natutukoy ang mga bayani gaya ng mga mang-aawit, pintor, at manunulat.
II. Paksa: Ang Ating mga Bayani
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang pangyayaring nasaksihan
gamit ang payak na salita.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “ibabaw, ilalim at gitna” sa pangungusap.
3. Phonological Awareness: Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan: Kwento: Tsart ng awit“Ako’y Isang Pinoy?” (song chart), larawan ni Dr. Jose
Rizal, larawan ng mga local na bayani gaya ng mga tanyag na manunulat, mang-aawit, pintor,
atbp.

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Sino ang bayani para sa inyo?

2. Tukoy-alam:
Ano ba ang naiisip ninyo sa tuwing naririnig ninyo ang salitang bayani?
Ano ang unang pumapasok sa inyong isipan?

bayani

3. Tunguhin
Ngayong araw, ay malalaman natin kung sinu-sino pa ang ibang mga bayani.

4. Paglalahad
Ipakita ang larawan ni Dr. Jose Rizal.
Itanong: Mga bata kilala ba ninyo ang nasa larawan?
Marami akong ipinarinig na kwento sa inyo tungkol sa kanyang kabataan? Natatandaan ba
ninyo ang batang umakyat sa simboryo? Ang batang tatlong taon pa lamang ay mahusay na
bumasa at sumulat?
Ipaliwanag sa mga bata na siya ang pambansang bayani ng Pilipinas. Sabihin ang dahilan kung
bakit siya naging bayani.
5. Ituro ang awit:
Ako’y Isang Pinoy
Ako’y isang Pinoy sa puso’t diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga
Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika.

Koro:
Wikang pambansa ang gamit kong salita
Bayan kong sinilangan
Hangad kong lagi ang kalayaaan.

Si Gat Jose Rizal nu’oy nagwika


Siya ay nagpangaral sa ating bansa
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika
Ay higit pa ang amoy samabahong isda.

6. Pagtuturo at Paglalarawan:
Bukod kay Dr. Jose Rizal, marami pang mga tanyag na bayani sa ating lugar tulad ng mga
mang-aawit, pintor, atbp.
Banggiting halimbawa sina: Nicanor Abelardo, Marcelo del Pilar, Antonio Luna, atbp.

7. Paglalahat:
Sinu-sino ang mga bayaning tanyag sa ating bansa?

8. Kasanayang Pagpapayaman
Hayaang ilagay ng mga bata sa tamang hanay ang ngalan ng bawat bayani:
Manunulat mang-aawit Pintor

IV.Pagtataya:
Isulat ang tamang sagot sa patlang.
1. Siya ang gumuhit ng tanyag na “Spolarium”.
2. Ipinaganak siya sa Calamba, Laguna at naging pambansang bayani natin.
3. Lumikha siya ng mga awit sa kundiman tulad ng “Nasaan ka Irog”
4. Isa siya sa sumulat ng dyaryong “La Solidaridad”
5. Siya ang sikat na mang-aawit na Pilipina na gumanap sa “Miss Saigon”.

V. Kasunduan:
Gumupit ng mga larawan ng mga bayani at idikit sa notbuk no. 3

Puna: ____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Layunin
- Natutukoy kung ang bagay ay nasa “ibabaw”, “ilalim” o “gitna”
-
II. Paksa: Ang Ating mga Bayani
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang pangyayaring
nasaksihan gamit ang payak na salita.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “ibabaw, ilalim at gitna” sa
pangungusap.
3. Phonological Awareness:Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan: Kwento: Tsart ng awit“Ako’y Isang Pinoy?” (song chart), larawan ni
Dr. Jose Rizal, larawan ng mga local na bayani gaya ng mga tanyag na manunulat, mang-
aawit, pintor, atbp

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Ano ang alam ninyo tungkol sa mga bayani?

2. Tunguhin
Ngayong araw, ay malalaman natin kung sinu-sino pa ang ibang mga bayani.

3. Paglalahad:
Ipaawit muli sa mga bata ang “Ako’y Isang Pinoy”

4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Magpakita ng mga larawang nagpapakita ng kahulugan ng salitang “gitna”
Hal. Larawan ni Dr. Jose Rizal sa pagitan ng dalawang dibuho.
Larawan ng mang-aawit na may mikropono sa ibabaw
Itanong: Nasaan ang mikropono?
Larawan ng manunulat na may aklat sa ilalim.
Nasaan ang aklat?
5. Paglalahat:
Saan-saan maaring makita ang isang bagay?
Sa ibabaw, sa ilalim at sa gitna.

6. Kasanayang Pagpapayaman
Laro: Pagtuturo ng ibabaw, ilalim at gitna.
Kapag nasa ibabaw hawakan ang ulo. Kapag nasa ilalim
Ang bagay, hawakan ang paa. Kapag nasa gitna ang bagay, hawakan ang tiyan.

IV.Pagtataya:
Isulat kung nasa ibabaw, ilalim o gitna ang bagay sa larawan.
1. Wallet sa ibabaw ng mesa_____________
2. Pusa sa ilalim ng silya
3. Cake sa gitna ng dalawang bata
4. Bata sa ilalim ng puno
5. Pulis sa ibabaw ng tulay

V. Kasunduan:
Iguhit : bola sa ibabaw ng mesa
Tatsulok sa gitna ng dalawang bilog
Bangka sa ilalim ng tulay

Puna: ____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin
- Nagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.

II. Paksa: Ang Ating mga Bayani


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang pangyayaring
nasaksihan gamit ang payak na salita.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “ibabaw, ilalim at gitna” sa
pangungusap.
3. Phonological Awareness:Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan: Kwento: Tsart ng awit “Ako’y Isang Pinoy?” (song chart), larawan ni
Dr. Jose Rizal, larawan ng mga local na bayani gaya ng mga tanyag na manunulat, mang-
aawit, pintor, atbp

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Ano ang alam ninyo tungkol sa mga bayani?
2. Tunguhin
Ngayong araw, ay magbibigay tayo ng halimbawa ng magkakatugmang salita.
3. Paglalahad:
a. Ipagbigkas ang tugma:
Bayani ng bayan
Rizal ang pangalan,
Dakila, matapang;
Matapat, marangal.
b. Isahang ipabigkas ang tugma sa mga bata.
c. Dapat bang tularan o gayahin si Rizal?
Bakit?
4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Ipapili sa mga bata ang mga salitang magkatugma galling sa tula.
Bayan- pangalan
Matapang- marangal

5. Paglalahat:
Anu-ano ang mga salitang magkatugma?
6. Kasanayang Pagpapayaman
Laro: Finding your Partner
Bigyan ang mga bata ng salita.
Hayaang magpabilisan sila sa paghanap sa kanilang kapareha na may dala ng salitang
katugma ng salitang hawak niya. Panalo ang unang pares na magkikita ng mabilis.

IV.Pagtataya:
Pag-isipin ang bawat bata ng salita.Dapat ang ibibigay niya ay katugma ng salitang ibinigay
ng batang sinusundan niya para mabuo ang serye.
Hal.Manok- palayok, sulok, batok, atbp.
Hanggang makapagbigay ang lahat ng kasapi ng pangkat.

V. Kasunduan:
Punan ng salitang katugma ang bawat hanay ng mga salita upang mabuo ang serye ng
salitang magkatugma
1. Mantika_____ _____ ______
2. Bilao _____ _____ _____
3. Kamote _____ ______ _____
4. Pakpak _____ _____ _____
5. Walis _____ ______ _____

Puna: ____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin
- Nagagamit nang wasto ang mga salitang “ibabaw”,“ilalaim” at “gitna” sa pangungusap

II. Paksa: Ang Ating mga Bayani


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang pangyayaring
nasaksihan gamit ang payak na salita.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “ibabaw, ilalim at gitna” sa
pangungusap.
3. Phonological Awareness:Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan: Kwento: Tsart ng awit “Ako’y Isang Pinoy?” (song chart), larawan ni
Dr. Jose Rizal, larawan ng mga local na bayani gaya ng mga tanyag na manunulat, mang-
aawit, pintor, atbp. Papel , lapis at pangkulay

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Saan-saan maaring ilagay ang mga bagay?
2. Tunguhin
Ngayong araw, ay gagamitin natin sa pangungusap ang mga salitang “ibabaw”, “ilalim”
at “gitna” sa pangungusap.
3. Paglalahad:
Ipabasa ang mga pangungusap.
Gumamit ng ilustrasyon
Nasa ibabaw ng pader ang pusa.
Natutulog sa ilalim ng kama ang aso.
Nasa gitna ng kama ang sanggol.
4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Nasaan ang pusa?
Saan natutulog ang aso?
Nasaan ang sanggol?
5. Paglalahat:
Saan-saan makikita ang mga bagay?

6. Kasanayang Pagpapayaman
Papunan sa mga bata ang batayang pangungusap para mabuo.
Nasa ____ ng ____ si ________.

IV.Pagtataya:
Gamit ang lapis at papel hayaang maglista ang mga bata ng mga bagay na makikita sa :
Ibabaw, ilalim, at gitna.
Hal.Nasa ___ ng _____ ang _____.
Nasa ilalim ng ____ ang ____.
Nasa gitna ng _____ang _____.

V. Kasunduan:
Gamitin sa sariling pangungusap.
Ibabaw
Ilalim
Gitna

Puna: ____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Layunin
- Naisasalaysay ang pangyayaring nasaksihan gamit ang payak na salita.
II. Paksa: Ang Ating mga Bayani
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naisasalaysay ang pangyayaring
nasaksihan gamit ang payak na salita.
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “ibabaw, ilalim at gitna” sa
pangungusap.
3. Phonological Awareness:Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan: Kwento: Tsart ng awit“Ako’y Isang Pinoy?” (song chart), larawan ni
Dr. Jose Rizal, larawan ng mga local na bayani gaya ng mga tanyag na manunulat, mang-
aawit, pintor, atbp. Papel, lapis at pangkulay

III.Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Sinu-sino ang mga bayani?
2. Tunguhin
Ngayong araw, ay ibabahagi natin sa klase ang ginawa ng mga taong itinuturing nating
bayani.
3. Paglalahad:
Sino ang itinuturing ninyong bayani sa inyong tahanan? Bakit?
4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Talakayin ang isang pangyayari na nagpakita ng kabayanihan ng isa sa kasapi ng
pamilya.
5. Kasanayang Pagpapayaman
Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan sa nasaksihan nilang
kabayanihan.

IV.Pagtataya:
Iguhit ang isang pangyayaring inyong nasaksihan kung saan nagpamalas ng kabayanihan
ang inyong kasama sa bahay.

V. Kasunduan:
Pag-aralan ang awit , “May Pulis sa Ilalim ng Tulay”

Puna: ____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Unang Araw)

I. LAYUNIN:
- Naihahambing ang alituntunin ng sariling pamilya sa alituntunin ng pamilya ng mga
kamag-aaral.
II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Mga Alituntunin ng Pamilya
B. Sanggunian:Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8; Teacher’s Guide pp122-128;
Activity Sheets pp. 136-137
C. Kagamitan: Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Sagutin; Tama o Mali
a. Dapat natin sundin ang mga alituntunin.
b. Magiging maayos ang tahanan kahit walang alituntunin na ipinatutupad.
c. Dapat na sumunod ang mga nakatatanda lang sa alituntunin.
d. Hindi dapat pinasusunod sa mga alituntunin ang mga bata.
e. May katapat na kaparusahan ang pagsuway sa tuntunin.
3. Balik-aral:
Anu-ano ang mga dapat at di-dapat gawin ng mga mag-aaral sa loob ng kanilang
tahanan?
B. Panlinang na Gawain:
4. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Bakit mo sinusunod ang mga tuntunin sa tahanan?
5. Paglalahad:
Magpakita ng mga larawan na nagpapakita ng pagsunod sa mga tuntunin sa tahanan
tulad ng:
Batang inuubos ang pagkain
Batang nagliligpit ng higaan
Batang nag-aaral na mabuti
Batang nagmamano at nagsasabi ng po at opo
Magpabigay pa ng ibang tuntunin maliban sa mga ipinakita sa larawan ng guro.
Hikayatin ang mga bata na magbahagi ng kanilang karanasan sa tahanan tungkol sa
paksa.
Sulat sa pisara ang mga sagot na ibibigay.
Hal.
Mag-aaral A Mag-aaral B
Nagliligpit ng higaan Nagtitiklop ng kumot
C. Paglalahat:
Pare-pareho ba ang mga alituntunin sa inyong pamilya?
Tandaan:
May iba’t ibang alituntunin na ipinatutupad sa bawat pamilya.
Nararapat lamang igalang ang mga alituntuning ipinatutupad hindi lamang sa iyong sariling
pamilya kundi maging sa ibang mga pamilya.
D. Paglalapat:
Hayaang pumili ang mga bata ng kanya-kanyang kapareha.Ipabahagi sa magkapares na mag-
aaral ang mga alituntunin na ipinatutupad sa kanilang pamilya.
Mahalagang matukoy nila ang mga alituntuning parehong ipinatutupad sa kanilang mga
sariling tahanan at kung alin ang magkaiba sila.

IV. Pagtataya:
Hayaang punan ng mga bata ng datos ang mga hanay.Para mapaghambing ang alituntunin ng
sariling pamilya at ng pamilya ng kamag-aaral.
MgaAlituntuning Magkatulad Mga
na alituntuning
Pinatutupad sa alituntunin ipinatutupad sa
pamilyang ____. ng pamilya Pamilyang
_____________

V. Kasunduan:
Pangako: igagalang ko ang mga alituntunin ng ibang pamilya.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikalawang Araw)

I. LAYUNIN:
- Napahahalagahan ang pagtupad sa mga alituntunin ng pamilya.

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Mga Alituntunin ng Pamilya
B. Sanggunian:Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8; Teacher’s Guide pp122-128;
Activity Sheets pp. 136-137
C. Kagamitan:Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Pagsasanay:
Sabihin ang uri ng alituntuning ibibigay ng guro.
- Pagbabasa ng mga aklat (sa pag-aaral)
- Pagtulog nang maaga sa gabi (sa kalusugan)
- Pagliligpit ng mga laruan (kaayusan sa tahanan)
- Paghalik/pagmamano (paggalang sa nakatatanda)
3. Balik-aral:
Muling balikan ang mga alituntunin tulad ng:
A-ayusin ang pinagtulugan
L –linisin ang kalat
I – iwasang kumain ng junk food
T – tandaang magsabi ng po at opo
U – umuwi sa bahay sa tamang oras
N- nararapat na iligpit ang pinagkainan
T – tumulong sa gawaing bahay
U – umiwas sa labis na panonood ng telebisyon
N – nagpapaalam kung makikipaglaro sa kapitbahay
I – ipagpatuloy ang mabuting pag-aaral
N – nagsasabi ng totoo sa lahat ng pagkakataon

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Bakit mahalagang sundin ng mga mag-aaral ang mga alituntunin ng kanilang pamilya?
2. Paglalahad:
Sinusunod ba ninyo ang mga alituntunin o mga ipinagagawa ng inyong mga magulang
o di kaya’y nakatatandang kasapi ng inyong pamilya?
a. Iparinig ang kwento ng “Munting Gamu-gamo”(Tingnan ang kwento sa pahina 130-131
AP Teaching Guide)
b. Talakayan:
Sinunod ba ng batang gamu-gamo ang kanyang ina?
Ano ang nagyari sa batang gamu-gamo?
C. Paglalahat:
Mahalaga ba ang mga alituntunin?
Tandaan:
Nagkakaroon ng kaayusan at katahimikan sa pamilya kapag sinusunod o ginagawa ng mga
kasapi ang mga alituntunin sa tahanan.
D. Paglalapat:
May mga pagkakataon ban a, tulad ng batang gamu-gamo, hindi mo rin sinusunod ang
payo o utos sa iyo ng iyong nanay o tatay?
Ikwento mo nga ang iyong karanasan?

IV. Pagtataya:
Kulayan ang mga larawang nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntunin sa pamilya.
1. Batang nagwawalis ng bakuran.
2. Batang nakikipag-away sa kapatid
3. Batang nagsisipilyo.
4. Batang kumakain ng masustansiyang pagkain.
5. Batang nagmamaktol.

V. Kasunduan:
Iguhit ang gamu-gamo na may malaking pakpak.
Sa kanang pakpak isulat ang mabuting naidudulot ng pagsunod sa mga alituntunin. Sa
kaliwang pakpak naman ang hindi mabuting naidudulot ng di pagsunod sa mga alituntunin.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng


_____na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikatlong Araw)

I. LAYUNIN:
- Napahahalagahan ang pagtupad sa mga alituntunin ng pamilya.

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Mga Alituntunin ng Pamilya
B. Sanggunian: Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8; Teacher’s Guide pp122-128;
Activity Sheets pp. 136-137; Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 170-171
C. Kagamitan:Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Balik-aral:
Lagyan ng / ang larawang nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntunin sa pamilya.
a. Batang nagwawalis ng bakuran.
b Batang nakikipag-away sa kapatid
c. Batang nagsisipilyo.
d Batang kumakain ng masustansiyang pagkain.
e. Batang nagmamaktol.
3. Paganyak:
Awit: Himig: Paru-parong Bukid
Ako’y tumutulong sa gawaing-bahay.
Sumusunod sa utos ng mga magulang.
Iginagalang sa tuwina ang lolo at lola
Tumutulong palagi kay ate at kuya.

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Ano ang maaring manyari kung hindi susundin ang mga alituntunin sa tahanan?
Magkakaroon kaya ng kaayusan?
2. Paglalahad:
Sinusunod ba ninyo ang mga alituntunin o mga ipinagagawa ng inyong mga magulang
o di kaya’y nakatatandang kasapi ng inyong pamilya?

Magtanghal ng maikling dula-dulaan na pangkatan:


A- Nagmamano sa mga lolo at lola
B- Tumutulong sa mga gawaing bahay
C- Sumusunod sa utos ng magulang
3. Talakayan:
Tinutupad ba ng mga bata ang alituntunin sa tahanan?
C. Paglalahat:
Mahalaga ba ang mga alituntunin?
Tandaan:
Nagkakaroon ng kaayusan at katahimikan sa pamilya kapag sinusunod o ginagawa ng mga
kasapi ang mga alituntunin sa tahanan.
D. Paglalapat:
Ipakita ang masayang mukha kung tumutupad sa alituntunin at malungkot na mukha kung
hindi sumusunod sa mga alituntunin.
Sumusunod s autos ng nanay
Naglalaro lang maghapon
Tumutulong sa gawaing bahay
Natutulog lang

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang nagpapahalaga sa alituntunin at x ang hindi.
1. Batang nagpupuyat sa panonood ng TV.
2. Batang kumakain ng chichiria.
3. Batang nagbabasa ng aklat
4. Batang nagmamano
5. Batang naglilinis ng bahay.

V. Kasunduan:
Gawin:
Mahal na ________,
Ipinangangako ko na simula sa araw na ito, susundin ko ang sumusunod na mga alituntunin sa
ating pamilya.
1.
2.
3.
_______________
Mag-aaral

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. LAYUNIN:
- Nakapakikinig ng kwento tungkol sa pamilya tulad ng “Pamilyang Ismid”

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Pagpapahalaga sa Pamilya
B. Sanggunian:Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8; Teacher’s Guide pp122-128; Activity
Sheets pp. 136-137; Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 170-171
C. Kagamitan: Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Balik-aral:
Ipakita ang masayang mukha kung tumutupad sa alituntunin at malungkot na mukha kung hindi
sumusunod sa mga alituntunin.
Sumusunod sa utos ng nanay.
Naglalaro lang maghapon.
Tumutulong sa gawaing bahay.
Natutulog lang.
3. Pagganyak:
Laro: Magdaos ng isang laro.
(Pinning the Pig’s Tail)
Gamit ang malaking cut-out ng baboy na walang buntot, hayaang lagyan ng buntot ng mga bata
ang baboy habang nakapiring ang mata.
Ang pinakamalapit na makakapaglagay ng buntot sa baboy ang siyang panalo.
Nasiyahan ba kayo sa ating laro?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Ano ang mabuting naidudulot ng mabuting pagsasamahan ng mga pamilyang
magkakapitbahay?

2. Paglalahad:
Iparinig ang kwentong, “Pamilyang Ismid”
(Tingnan sa pah. 145-147 ng Teaching Guide sa AP)
3. Talakayan:
a. Ilan ang kasapi ng pamilyang Ismid?
b. Ano ang paboritong gawin ng pamilyang Ismid?
c. Ano ang problema sa lugar na tinitirhan ng pamilyang Ismid?
d. Bakit hindi sila nakikipagtulungan sa iba pang pamilya sa kanilang lugar?
e. Ano ang nangyari sa pamilyang Ismid isang gabi habang sila ay natutulog?
f. Sino ang tumulong sa pamilyang Ismid?
g. Kung isa ka sa mga kasapi ng pamilyang Ismid, ano ang mararamdaman mo sa ginawa sa inyong
pamilya ng inyong mga kapitbahay? Bakit?
h. Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang mabuting pagssamahan ng mga pamilyang nakatira sa
isang lugar?
C. Paglalahat:
Mahalaga ba na magkaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan ang inyong pamilya sa ibang pamilya?
Tandaan:
Mahalagang panatilihin ang mabuting pakikipag-ugnayan ng inyong pamilya sa iba pang pamilya.
Sa pamamagitan nito, napananatiling masaya at tahimik ang inyong lugar na tinitirhan. Ang iba’t
ibang pamilya rin ang nagtutulungan sa oras ng pangangailangan.
D. Paglalapat:
Ipasakilos ang mahalagang bahagi ng kwento.

IV. Pagtataya:
Tama o Mali
1. Ang pamilyang Ismid ay pamilya ng mga pusa.
2. Mahilig silang magsuklay at maglinis ng kanilang buntot.
3. Nanakawan ang pamilyang Ismid isang gabi.
4. Tinulungan ang pamilyang Ismid ng kanilang mga kapitbahay.
5. Nabawi ng pamilyang Ismid ang mga kagamitang nanakaw sa kanila.

V. Kasunduan:
Iguhit ang pamilyang Ismid.
Sumulat ng isang pangungusap na maglalarawan sa kanila.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____na


bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikalimang Araw)

I. LAYUNIN:
- Nakapakikinig ng tula tungkol sa pamilya tulad ng “Masayang Tahanan ”
- Pamilyang may takot sa Diyos
II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Pagpapahalaga sa Pamilya
B. Sanggunian:Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8Teacher’s Guide pp122-128Activity
Sheets pp. 136-137; Alab ng Wikang Filipino I pah. 2
C. Kagamitan:Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Balik-aral:
Tama o Mali
a. Ang pamilyang Ismid ay pamilya ng mga pusa.
a. Mahilig silang magsuklay at maglinis ng kanilang buntot.
b. Nanakawan ang pamilyang Ismid isang gabi.
c. Tinulungan ang pamilyang Ismid ng kanilang mga kapitbahay.
d. Nabawi ng pamilyang Ismid ang mga kagamitang nanakaw sa kanila.
3. Pagganyak:
Masaya ka bas a inyong tahanan? Bakit?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Paano ka nakakapagbigay saya sa inyong tahanan?
2. Paglalahad:
Iparinig ang tula “Masayang Tahanan”
Sa aming tahanan
May pagmamahalan
Ang aming mga magulang
Ay iginagalang.

May pagtutulungan
At pagbibigayan
Ang aming pamilya
Ay nagkakaisa.

Nagkikita-kita
Kapag orasyon na;
Kay Tatay at Nanay
Hahalik sa kamay.

Pagdulog sa mesa
Kami’y nagdarasal;
Nagpapasalamat
Sa Poong Maykapal

3. Pagtalakay:
Anong uri ng pamilya ang nabanggit sa tula?
Ano ang ginagawa ng mag-anak pagkatapos ng orasyon?
Paano nagpapasalamat ang mag-anak?
C. Paglalahat:
Mahalaga ba na magkaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan ang inyong pamilya sa ibang pamilya?
Tandaan:
Mahalagang panatilihin ang mabuting pakikipag-ugnayan ng inyong pamilya sa iba pang pamilya.
Sa pamamagitan nito, napananatiling masaya at tahimik ang inyong lugar na tinitirhan. Ang iba’t
ibang pamilya rin ang nagtutulungan sa oras ng pangangailangan.
D. Paglalapat:
Ipabigkas ang tula nang pangkatan.

IV. Pagtataya:
Ikahon ang tamang salita.
1. Ang pamilyang madasalin ay may takot sa ( Diyos, multo, anino)
2. May (pag-aaway, inggitan , pagmamahalan) sa masayang tahanan.
3. Nagkikita-kita ang pamilya sa oras ng (rises, tulugan, orasyon).
4. Bago kumain sila ay ( nag-aagawan ng ulam, nagsisigawan, nagdarasal).
5. Nagpapasalamat sila sa (kapitbahay, Maykapal kumare).

V. Kasunduan:
Buuin ang tugma.
Ang pamilyang sama-sama ay palaging _______.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____na


bahagdan ng pagkakatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikapitong Linggo
(Unang Araw)

I. Mga layunin
- Alisin ang subset mula sa malaking set na ibinigay
- Naiguguhit ang mga bagay na inalis
- Nagpapakita ng kawastuan sa pagbibilang
II. Paksa
A. Aralin 1Pag-aalis ng Maliit na set mula sa Malaking Set
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Matematika pah. Lapis papel bag payong
11 Pupils’ Activity Sheet pp. 28; Lesson Guide in
Elem . Math pah. 175-178
C. Kagamitan: larawan ng mga bagay
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto : Naiaalis ang maliit na set
mula sa malaking set
E. Pagpapahalaga: Kawastuan sa pagbilang

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: Pahulaan
May naiisip akong dalawang bilang pag pinagsama mo ay 14 ang sagot.Anu-anong bilang ito?
2. Pagsasanay
Kilalanin ang mga hugis na ipakikita ko
Larawan:
3. Balik-aral:
Itambal ng guhit ang larawan at tamang bilang.

OOO OO a. 6 + 4 = 10
OO
OO OO OO b. 5 + 2 = 7
OO OO
B. Paglalahad:
1. Pagganyak:
Bilangin natin ang mga bagay na nakikita sa loob ng ating silid-aralan.
Pisara eraser pinto bintana
2. Iparinig ang kwento:
Gumamit ng mga tunay na bagay.
Anu-anong mga bagay ang nasa set?(larawan)
Aklat lapis papel bag payong

C. Pagsasagawa ng Gawain
Paano kung mag-aalis ako ng isang bagay mula sa set?(alisin ang aklat)
Aling maliit na subset ang inalis?Ipaliwanag na ang subset ay bahagi ng malaking set.
Ipakita ang ilustrasyon upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral.

Aklat lapis bag papel payong

D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin


Maglagay sa demo table ng 6 na bagay.
Sabihing ito ay isang malaking set.
Mula rito, mag-alis ng mga bagay para gawing subset at ipatukoy sa mga bata.
Itanong: Ano ang malaking set?
Anong subset ang inalis?
E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan
Iguhit ang suliranin para maipakita ang pag-aalis ng subset.
May 8 bola sa kahon.
Tatlo sa mga bola ay inalis.
Ilang mga bola ang natira?
F. Paglalahat
Ano ang mangyayari kung inaalisan o binabawasan ng isang bagay ang malaking set?
Tandaan:
Ang bilang ng mga bagay sa set ay lumiliit.
G. Paglalapat:
Iguhit ang subset na inalis.
Ipagamit ang sho-me-board sa mga bata para sulatan ng sagot.

IV. Pagtataya:
Aling subset ang tinaggal? Iguhit ito.(Optional ang bagay na ibig alisin ng guro)
1. Bola lobo yoyo paikot
2. kutsara at tinidor tasa plato
3. parisukat bilog tatsulok biluhaba parihaba
4. mansanas talong mangga okra
5. A B C D E F
V. Takdang Aralin
Iguhit ang sagot.
May 5 bulaklak si Ellen.Ibinigay niya sa guro ang 2. Ilan ang natira sa kanya?

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Mga layunin
- Naipakikita ang ugnayan ng pagtatanggal ng pangkat ng bagay mula sa set sa
pagbabawas ng mga bilang.
- Gamitin ang simbulong (-) sa pagbabawas ng bilang
- Gumawa at makiisa sa pangkat na kinabibilangan.

II. Paksa
A. Aralin 1:Pagpapakita ng Ugnayan ng Pagtatanggal ng Pangkat ng bilang mula sa set at
subtraction
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Matematika pah. 11 Pupils’ Activity Sheet pp.
28; Lesson Guide in Elem .Math pah. 175-178
C. Kagamitan: larawan ng mga bagay
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto : Naiaalis ang maliit na
set mula sa malaking set
E. Pagpapahalaga: Kawastuan sa pagbilang

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Pagsulat ng mga bilang sa simbulo.
2. Balik-aral: (Maghanda ng 5 aytem)
Magpakita ng 5 dahon
Alisin ang dalawang dahon.
Itanong: Ilang dahon ang inalis?
Ilang dahon ang natira?

B. Paglalahad:
1. Pagganyak:
Awit: Ten Big Bottles
Ten big bottles standing on the wall (2x)
But one big bottle accidentally falls.
Ilang bote ang nakatayo sa dinding?
Ilang bote ang nalaglag?
2. Ilahad:
Patayuin ng 3 lalaki sa harap ng klase.
Itanong:
Ilan ang mga lalaki?
Paalisin ang isang lalaki.
Ilang lalaki ang inalis?
Ilang lalaki ang natira?
C. Pagsasagawa ng Gawain
Pangkatang Gawain:
Magbigay ng cut-out ng iba’t ibang hugis.
Ipasagot:
Anong set ito?
Ilan ang mga bagay sa set?
Magtanggal ng 2 hugis , ilan ang natira?

E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


Magtanggal ng mga bagay sa set. Guhitan ng kahon ang mga bagay na aalisin sa set.
F. Paglalahat
Ano ang subtraction?
Tandaan:
Ang pag-aalis o pagtatanggal ng bagay o mga bagay sa set ay tinatawag na pagbabawas o
subtraction in English.
G. Paglalapat:
Gamitin ang pamilang (counters) at ipakita ang mga sumusunod na subtraction sentence.
10-2
15 – 6
12 – 8

IV. Pagtataya:
Ikahon ang mga bagay para maipakita ang kawastuan ng subtraction sentence.
1. 10 mansanas 9–3=6
2. 13 bola 13 – 6
3. 5 puno 5–1
4. 7 mesa 7–3
5. 9 saging 9-4

V. Takdang Aralin
Iguhit ang sagot.
Nagtanim ng 10 puno si Mang Tony.4 na puno ay punong mangga. Ilang puno ang hindi
mangga?

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng
___na bahagdan ng pagkatuto.

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Mga layunin
- Naipakikita na ang subtraction ay kabaligtaran ng addition
- Nakikilala na ang subtraction ay paraan ng paghanap sa nawawalng addend.
- Napahahalagahan ang mga puno (value).

II. Paksa
A. Aralin 1:Pagpapakita na ang Subtraction ay Kabaligtaran ng Addition
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Matematika pah. 11 Pupils’ Activity Sheet pp.
28;Lesson Guide in Elem .Math pah. 175-178
C. Kagamitan: larawan ng mga bagay
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto : Pagpapakita na ang
subtraction ay kabaligtaran ng addition.
E. Pagpapahalaga: Kawastuan sa pagbilang

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Anong bilang ang kasunod ng 75?
Anong bilang bago ang sampu?
2. Balik-aral: (Maghanda ng 5 aytem)
May 8 holen si Simon.
May 3 holen naman si Mark.
Sino ang mas maraming holen?
Sino ang may mas kaunting holen?

B. Paglalahad:
1. Pagganyak:
Awit: Look at Me
Look at me (2x)
I’m as tall as a narra tree.
A narra tree (2x)
I’m as tall as a narra tree.
2. Ilahad:
Gumamit ng cut-outs ng mga puno.
May 13 puno sa bakuran. Nilagyan ng pataba ni Gary ang 8 puno. Ilang mga puno pa
ang kailangang lagyan ng pataba?

8 + ____= 1

Gumamit ng perception card.

8 puno 5 puno

Isang panig lamang ang ipakita sa mga bata.

C. Pagsasagawa ng Gawain
Ilang puno pa ang kailangan para maging 13

E. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


Pasagutan:
May dalang 9 na aklat si Gng. Castro. Sa daan, nasalubong niya ang isang mag-aaral at
tinulungan siyang magdala ng 4 na aklat.
Ilang aklat ang natira sa kanya?

F. Paglalahat
Para malaman mo ang nawawalang bilang sa isang subtraction sentence, ano ang gagawin
mo?
Tandaan:
Ang subtraction ay kabaligtaran ng addition.
Hal. 8 + 5 = 13 13 – 5 = 8

G. Paglalapat:
Ibigay ang nawawalang bilang.
8 + ___ = 14 14 – 8 = ____
5 + ___ = 7 7 – 5 = _____

IV. Pagtataya:
Isulat ang sagot:
1. 1+5 = ____ 6-5 = ___
2. 8 + 3 = ____ 11 – 3 = ___
3. 9 + 5 = ____ 14 – 9 = ___
4. 8 + 9 = ___ 17 – 8 = ___
5. 7 + 4 = ___ 11 – 7 = ___

V. Takdang Aralin
Isulat ang simbulo na dapat ilagay sa patlang addition (+) o subtraction (-)
1. 14 ___ 7 = 7
2. 16 ___ 5 = 11
3. 4 ___7 = 11
4. 9 __ 8 = 17
5. 18 __2 - 16

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng
___na bahagdan ng pagkatuto.

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Mga layunin
- Nakapagbabawas ng isahang digit na bilang na may minuends na hanggang 18
- Natutukoy ang mga katagang minuend, subtrahend, at difference sa isang subtraction sentence.
- Napahahalagahan ang pagbabasa ng mga aklat.

II. Paksa
A. Aralin 1:Pagbabawas ng isahang digit na may minuends hanggang 18.
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Matematika pah.11; Pupils’ Activity Sheet pp. 28; Lesson
Guide in Elem . Math pah.175-178
C. Kagamitan: larawan ng mga bagay
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :
E. Pagbabawas ng isahang digit na may minuends hanggang 18.
F. Pagpapahalaga: Kawastuan sa pagbilang

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Anong bilang ang mas marami sa 74 pero mas kaunti sa 76?
Anong bilang ang nasa pagitan ng 10 at 20?
2. Balik-aral:
Laro: Naming the Babies
Ikahon ang babies ng 12?
6 at 6 5 at 7 2 at 10
4 at 8 1 at 11

B. Paglalahad:
1. Pagganyak:
Awit: Math is Easy
(Tune: Are You Sleeping?)
Math is easy
Math is helpful
In our lives (2x)
Let us count the numbers (2x)
Ding – dong-ding (2x)
2. Ilahad:
Ipabasa ang isang word problem
Mahilig magbasa si eric ng aklat.
Humiram siya ng 17 aklat.9 lamang ang nabasa niya.
Ilang aklat pa ang kailangan niyang basahin?

C. Pagsasagawa ng Gawain
Sino ang mahilig magbasa?
Mahilig ka rin bang magbasa?
Anong aklat ang binabasa mo?
Ilang aklat ang hiniram ni Eric?
Ilan ang nabasa niya?
Ano ang subtraction sentencepara sa word problem?
Ano ang sagot?
(Maaring ipagamit ang counters para matuos ng mga bata ng wasto ang word problem)
17 – 9 = 8

D. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


Ano ang tawag sa 17? ( minuend)
Sa 9? (subtrahend)
8 ? (difference)

E. Paglalahat
Anu-ano ang bahagi ng subtraction sentence?
Tandaan:
Ang minuend ay ang bilang na binabawasan.
Ang subtrahend ay ang bilang na ibinabawas sa minuend.
Ang difference ay ang tawag sa sagot sa subtraction.
F. Paglalapat:
Laro: Spinning Wheel
18 -3
18 -9
18 -4
19 18 -5
20 18 -8

IV. Pagtataya:
Isulat ang nawawalang bilang.
Minuend 18 18 18 15 14 12
V. Takdang Aralin
Subtract: Subtraction 7 9 6 8
15 – 4 16 – 8 13 - ___ = 7
Difference 9 5 7 5
Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa
kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto.

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Mga layunin
- Nakapagbabawas ng isahang digit na bilang na may minuends na hanggang 18
- Natutukoy ang mga katagang minuend, subtrahend, at difference sa isang subtraction
sentence.

II. Paksa
A. Aralin 1:Pagbabawas ng isahang digit na may minuends hanggang 18.
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Matematika pah. 11 Pupils’ Activity Sheet pp.
28; Lesson Guide in Elem .Math pah. 175-178
C. Kagamitan: larawan ng mga bagay
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto : Pagbabawas ng
isahang digit na may minuends hanggang 18.
E. Pagpapahalaga: Kawastuan sa pagbilang
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Gamit ang plaskard, magdaos ng isang paligsahan sa pagbibigay ng sagot sa
subtraction.
2. Balik-aral:
Ano ang minuend?Subtrahend?Difference?

B. Paglalahad:
1. Pagganyak:
Awit: Math is Easy
(Tune: Are You Sleeping?)
Math is easy
Math is helpful
In our lives (2x)
Let us count the numbers (2x)
Ding – dong-ding (2x)
2. Ilahad:
Ipabasa ang isang word problem
Namitas ng mangga si Mang Bert.15 mangga ang napitas niya. Ibinigay niya ang 7 sa
kanyang kapitbahay. Ilang mangga ang natira sa kanya?

C. Pagsasagawa ng Gawain
Sino ang namitas ng mangga?
Ilan ang napitas niya?
Ilan ang natira sa kanya?
(Maaring ipagamit ang counters para matuos ng mga bata ng wasto ang word problem)

D. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


Pangkatang Gawain:
Magbigay ng mga bilang para sa minuends ng:
17 16 15 14 13 12

E. Paglalahat
Anu-ano ang bahagi ng subtraction sentence?
Tandaan:
Ang minuend ay ang bilang na binabawasan.
Ang subtrahend ay ang bilang na ibinabawas sa minuend.
Ang difference ay ang tawag sa sagot sa subtraction.

F. Paglalapat:
Laro: Spinning Wheel

IV. Pagtataya:
Sagutin:
1. 14 – 8
2. 16 – 9
3. 12 – 4
4. 11 – 9
5. 18 – 6

V. Takdang Aralin
Gumawa ng sariling plaskard para sa subtraction sentence na may minuend hanggang 18.

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng
___na bahagdan ng pagkatuto.

Banghay Aralinsa MUSIC


Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Unang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
- Nakikilala ang hand signals para sa so-fa syllables.
II. Paksa: Hand Signals
Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4
Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
Kagamitan: larawan ng staff

III. Pamamaraan :
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Anu-ano ang mga pitch names na nakasulat sa linya sa staff ng G-clef? Sa spaces sa
staff ng G-clef?

2. Pagganyak:
Nakakita na ba kayo ng bingi at pipi?
Paano sila nakakapagpahayag ng kanilang nais o gusto?
Anong bahagi ng kanilang katawan ang kanilang gingagmit para makapagpahayag?

B. Panlinang na Gawain
1. Alam ba ninyo na an gating mga kamay ay nakakapagpahayag?
Gawain: Gamit ang kamay ituro ang hand signals para sa so-fa syllables
Do re mi fa so la ti do
(Tingnan ang Kudai method)

2. Pagtalakay:
Paano ang kamay sa syllable na do? Re?atbp.

3. Paglalahat:
Ginagamit natin ang ating mga kamay para sa
Hand signals ng so-fa syllables

IV. Pagtataya:
Itambal ang larawan sa so-fa syllable na angkop dito (Tingnan sa tsart).

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___
na bahagdan ng pagkatuto ng aralin
Banghay Aralin sa MUSIC
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikalawang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
- Nakikilala ang hand signals para sa so-fa syllables.
II. Paksa: Hand Signals
Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4
Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
Kagamitan: larawan ng staff

III. Pamamaraan :
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Anu-ano ang so-fa syllables?

2. Pagganyak:
Awit: I have Two Hands

B. Panlinang na Gawain
1. Alam ba ninyo na ang ating mga kamay ay nakakapagpahayag?
Gawain: Gamit ang kamay ituro ang hand signals para sa so-fa syllables
Do re mi fa so la ti do
(Tingnan ang Kudai method)

2. Pagtalakay:
Paano ang kamay sa syllable na do? Re?atbp.

3. Paglalahat:
Ginagamit natin ang ating mga kamay para sa
Hand signals ng so-fa syllables.

IV. Pagtataya:
Tawagin ng nang pangkatan ang mga bata para ipakita ang so-fa syllables sa hand signals.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___
na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin saEDUKASYON SA PAGPAPALAKAS NG KATAWAN


Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
- Nakalulundag nang magkalayo ang mga paa.

II. Paksa: Kakayahan sa Pangangasiwa ng Katawan


1. Aralin: Paglundag ni Jack
2. Sanggunian: Gabay na Kurikulum sa K-12 sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng katawan sa
baitang I pah. 53-55; Pupils’ Acitivity Sheet in Grade I pah. 20; Edukasyon sa
Pagpapalakas ng Katawan I pp. 59-63
3. Kagamitan; larawan na nagpapakita ng mga kilos ng bahagi ng katawan sa panlahatang
lugar.
4. Integrasyon, Sining, Matematika at Musika

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Pagtambalin ang larawan at gawain.Gumamit ng guhit.
Gawain Larawan
1. Pag-indayog ng
kanang binti
2. Paglukso sa
Kaliwang paa
3. Pag-indayog ng
Kaliwang binti.
4. Paglukso sa
Kanang paa.
5. Pag-indayog sa
gawing likuran.
2. Pagganyak
Awit: Ako ay May Ulo
(Bigyan ng angkop na galaw o kilos)

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Ikaw ba ay nakalulundag nang magkalayo ang mga paa? Naisasabay mo ba ang
palakpak ng iyong mga kamay sa iyong paglundag?

2. Gawain: (Imumustra ng guro sa harap)


Paglundag ni Jack
Panimulang Ayos:
Tumayo na magkatabi ang mga paa at mga bisig ay nakababa.
Lumundag nang magkalayo ang mga paa sabay ng mga kamay lampas sa ulo.
Lumundag at pagtabihin ang mga paa sabay ang pagbaba bg mga kamay sa tabi. (a-b)
Lumundag muli, ang kanang paa ang nasa unahan na ang mga kamay ay pumapalakpak
lampas sa ulo.
Pagpalitin ang ayos ng mga paa na ang mga kamay ay nasa tabi.

3. Paglalahat:
Ano ang mabuting naidudulot ng ganitong uri ng pag-eehersisyo sa ating katawan?
Tandaan:
Ang paglundag ni jack ay nakatutuwang ehersisyo. Ito ay nakatutulong sa pagpapalakas n
gating binti at paa. Mawiwili ang mga bata sa ehersisyong ito.

4. Pagsasanay
Pangkatang Pagpapakitang Kilos

IV. Pagtataya
Pagtambalin ang larawan at gawain. Gumamit ng guhit.
Gawain Larawan
1. Paglundag na
nakataas ang kamay
2. Pagtayo nangmagkatabi
ang mga paa
3. Pagbaba ng mga
Kamay sa tabi
4. Paglundag na
Nakabuka ang paa
5. Paglundag nang nasa tabi
ang mga kamay

V. Kasunduan
Pag-aralan ang iba’t ibang kilos na natutuhan sa bahay.

Puna:_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin saART


Pinagsanib na Aralin sa art at Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:
- Nakaguguhit ng mga simpleng bagay.
- Naipahahayag ang pagiging malikhain sa pamamagitan ng pagguhit at paghahalo ng mga
kulay.

II. Paksang Aralin: Color Blasting (7-Colored Blasting)


A. Talasalitaan
Primary Colors: Red, blue, Yellow
Secondary Colors; green. Violet, orange
B. Elemento at Prinsipyo: Shape, line
C. Kagamitan: Crayons at least 6 colors, cartolina
D. Sanggunian: K-12 Art
Teacher’s Guide pp. 29-30
Pupils; Activity Sheet pp. 14-15

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ilan ang mga kulay na maaring gamitin sa 5-colored blasting?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Bring Me Game:
Bring me color green, blue, etc.

C. Pagpoproseso ng Gawa:
1. Ipakita ang modelo ng 7-Colored Blasting
Tanungin ang mga bata sa mga kulay na ginamit sa gawain.
2. Anu-anong mga kulay ang ginamit? Hugis?
3. Anu-anong disenyo ang ginamit?
4. Saan –saan direksiyon nagsimula at natapos ang gawain?

IV. Pagtataya:
Papiliin ng 7 kulay ang mga bata.Hayaang gumawa sila ang sarili nilang color blasting.
Piliin ang best work at ilagay sa paskilan.

V. Kasunduan:
Pumili ng 7 na kulay at gumawa ng color blast sa bahay.

Puna:_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa HEALTH


Pinagsanib na aralin sa Science at Art
Ikalawang Markahan
Ikapitong Linggo
(Ika-limangAraw)

I. Layunin:
- Nasasabi kung kailan dapat hugasan ang mga paa.
- Naisasagawa ang paghuhugas ng mga paa
- Matapos magtampisaw sa baha

II. Paksang Aralin: Paghuhugas ng Paa


A. Malinis na Paa
B. Kagamitan: tubig at sabon, bimpo
C. Sanggunian: k-12 Health Curriculum Guide page 17; Modyul 1, Aralin 1 pah 28;
Pupils’ Activity Sheet pp. 15-16

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Kailan mo dapat hugasan ang iyong mga paa?

2. Pagganyak:
Puzzle: Footprint

B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad:
Ipakita ang larawan ng isang bata na nakalusong sa baha.
Tanungin: Sa palagay ninyo ano ligtas ang batang ito sa mikrobyo? Bakit?

2. Pagtalakay:
Talakayin ang kahalagahan ng paghuhugas ng paa.
Kapag naghuhugas ng ating mga paa tayo ay gumagamit ng tubig at sabon.

3. Paglalahat:
Ano ang dapat mong gawin pagkatapos magtampisaw sa baha?
Tandaan: Maghugas ng matapos magtampisaw sa baha?

4. Pagsasanay:
Ipasakilos sa mga bata nang pangkatan ang wastong paghuhugas ng mga paa.

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang maaring mangyari sa iyo kapag nagtampisaw sa baha at hindi naghugas ng
paa.
1. Magkagalis ___
2. Makaranas ng pangangati___
3. Maging ligtas sa leptospirosis___
4. Maalis ang mga bakas ng peklat___
5. Maging matibay ang mga buto sa binti.___

V. Kasunduan:
Ugaliing maghugas ng paa matapos magtampisaw sa baha.
Alamin ang mga sakit na maaring makuha sa pagtatampisaw sa baha.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___
na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan
tulad ng:
- Pagiging masaya para sa tagumpay ng ibang kasapi ng mag-anak. (ama)
II. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan (Peace & Order)
Aralin4: Mahal Ko ang Aking Kapwa
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 16; Teaching
Guide ph. 18-19; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85; Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon
I pah.
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
D. Panimulang Gawain
3. Balik-aral:
Muling balikan ang kwentong “Alamat ng Agila”.
4. Pagganyak
Tugma: Ang Mag-anak
Kami ay lima sa pamilya
Isang mag-anak na napakasaya
Ako, si Ate at si Kuya
Si ama at ina na laging kasama.
Itanong: Anong uri ng mag-anak ang nabanggit sa tugma?
E. Panlinang na Gawain:
Iparinig ang kwento:
“Magsigayak kayo “ ,ang natutuwang sabi ng ama sa kanyang mga anak. Pupunta tayo sa Mcdo.
Nagsigawan sa tuwa ang magkakapatid na Rey, Roy at Joy. “Bakit?Anong okasyon?” ang tanong ng
nanay.
Wala, kasi pinatawag ako ng aking boss sa opisina. Nasiyahan siya sa aking pagtatrabaho kaya
binigyan niya ako ng
dagdag sa sweldo. “Siyempre kayo ang inspirasyon ko kaya masigla akong nakakapagtrabaho.” ang
masayang wika ng tatay.

2. Pagtalakay:
Bakit pinagagayak ng ama ang mga anak?Saan sila pupunta?
Bakit masaya ang ama?

F. Pangwakas na Gawain
3. Paglalahat:
Dapat ba tayong maging masaya sa tagumpay ng ibang kasapi ng mag-anak?

Tandaan:
Dapat tayong maging masaya sa para sa tagumpay ng ibang kasapi ng mag-anak.

4. Paglalapat
Dula-dulaan sa mahalagang tagpo sa narinig o nabasang kwento nang pangkatan.

IV. Pagtataya:
Iguhit ang isang masayang mukha.
Sa ilalim isulat: Masaya ako para sa tagumpay ng kasapi ng aking mag-anak.

V. Takdang-aralin
Buuin ang tugma.
Sa tagumpay ng iba
Dapat tayong maging______.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan
tulad ng:
- Pagiging masaya para sa tagumpay ng ibang kasapi ng mag-anak.(ate)

II. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan (Peace & Order)


Aralin4: Mahal Ko ang Aking Kapwa
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching
Guide ph. 18-19; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85; Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon
I pah. 155
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
D. Panimulang Gawain
3. Balik-aral:
Bakit nagyaya ang tatay na kumain sa Mcdo? May espesyal bang okasyon na kanilang
ipinagdiriwang?
4. Pagganyak
Nakasali ka na ba sa isang paligsahan?
Nanalo ka naman ba?
Ano ang naramdaman mo?
E. Panlinang na Gawain:
3. Iparinig ang kwentong , “Si Ate Maan”
May paligsahan sa aming paaralan.
Magpapahusayan sa pag-awit ang mga mag-aaral. Si Ate Maan ang kalahok para sa ikalawang
baitang. Nang matapos umawit ang anim na kalahaok mula sa iba’t ibang baitang. Malakas na
inihayag sa mikropono ang pangalan ng nanalo. Napatalon ako sa upuan ko nang marinig ko ang
“Maan dela Cruz”. Buong pagmamalaki kong nasabi, “ate ko yan!”.ang wika ni Jun-jun.

4. Pagtalakay:
Anong paligsahan ang ginanap sa paaralan?
Sino ang kalahok sa ikalawang baitang?
Ano ang naramdaman ni Jun-jun sa pagkapanalo ng kapatid?

F. Pangwakas na Gawain
3. Paglalahat:
Dapat ba tayong maging masaya sa tagumpay ng ibang kasapi ng mag-anak?

Tandaan:
Dapat tayong maging masaya sa para sa tagumpay ng ibang kasapi ng mag-anak.

4. Paglalapat
Kung ikaw si Jun-jun, di ka ba maiinggit sa pagkapanalo ng ate mo? Bakit?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / kung naganap sa kwento X kung hindi.
__1. Sumali ang ate ni Jun-jun sa paligsahan sa pagsayaw.
___2. Natalo si Ate Maan sa paligsahan.
___3. Tuwang-tuwa si Jun-jun sa tagumpay ng kapatid.
___4. Ipinagmalaki ni Jun-jun ang ate niya.
___5.Napaiyak si Maan nang matalo.

V.Takdang-aralin
Lutasin:
Nagpapaturo si Lito sa kuya niya ng chess dahil lalaban siya sa contest. Ayaw siyang turuan ng kuya
niya.Tama ba iyon?Bakit?

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan
tulad ng:
- Pagiging masaya para sa tagumpay ng ibang kasapi ng mag-anak.(Kuya)

II. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan (Peace & Order)


Aralin4: Mahal Ko ang Aking Kapwa
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching
Guide ph. 18-19; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85; Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon
I pah. 155
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Saang paligsahan nanalo ang ate ni Jun-jun?
Ano ang nadama ni Jun-jun para sa kapatid?
2. Pagganyak
Laro: Follow the Leader
Gagayahin ng bata ang gagawin ng leader.
Hal.Ituturo ng lider ang bahagi ng katawan.Ilong.ilong habang nakaturo sa ilong bigla niyang
sasabihin mata pero sa ibang bahagi siya magtuturo para iligaw ang mga bata. Kung sino ang
magkamali ay maaalis sa pangkat.
Ang huling manlalaro na matitira ang siyang panalo.
B. Panlinang na Gawain:
Itanong: Alam ba ninyo ang ibig sabihin ng lider o pinuno?
Iparinig ang kwento:
Ang Class Leader
Tuwang-tuwa ang mga magulang ni Alex nang mapili siyang “class leader”
ng kanilang pangkat. Siya kasi ang pinakamabait at pinakamatalino sa kanilang klase. Pati mga
guro ay natutuwa sa ugali
niya. Matulungin din siya sa mga kapwa niya mag-aaral.
Isa siyang mabuting halimbawa sa mga batang katulad niya.
1. Pagtalakay:
Bakit natutuwa nag magulang ni Alex?
Bakit siya napiling “class leader” ng kanilang pangkat?
Kaya mo bang gayahin si Alex?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat ba tayong maging masaya sa tagumpay ng ibang kasapi ng mag-anak?

Tandaan:
Dapat tayong maging masaya sa para sa tagumpay ng ibang kasapi ng mag-anak.

2. Paglalapat
Magbigay ng ilang katangian ni Alex na katulad ng katangian mo.

IV. Pagtataya:
Ikahon ang tamang sagot.
1. Napiling class leader si (Arnold, Arman, Alex).
2. Isa siyang ( mabait, matamlay, masungit) na mag-aaral.
3. Ang mga magulang ni Alex ay (lungkot na lungkot, tuwang-tuwa, inis na inis) sa kanya.
4. Dapat nating (iwasan, pagtawanan, gayahin) si Alex.
5. Ang class leader ay isang mabuting( pinuno,
sundalo, kawani).

V.Takdang-aralin
Magtala ng 5 katangiang dapat mong taglayin bilang isang class leader.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan
tulad ng:
- Pagiging masaya para sa tagumpay ng ibang kasapi ng mag-anak.(Buong pamilya)

II. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan (Peace & Order)


Aralin4: Mahal Ko ang Aking Kapwa
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching
Guide ph. 18-19; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85; Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon
I pah. 155
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Bakit napiling class leader si Alex?
Kaya mo rin bang maging isang class leader? Bakit?
2. Pagganyak:
Magpakita ng tatlong basurahan na may
leybel na : plastic , papel , dahon
maghanda ng mga salitang nakasulat sa card : balat ng kendi , bote ng tubig,
dahon ng saging, atbp.
Magpaligsahan ang 3 pangkat sa pagtatapon sa tamang lalagyan.
Ang pangkat na may pinakamaraming
nailagay sa tamang lalagyan ang panalo.

B. Panlinang na Gawain:
Iparinig/ipabasa:
Kontes sa Barangay
May paligsahan sa barangay Camias.
Ito ay ang maayos na pagbubukud-bukod ng mga basura sa tamang lalagyan.
Isa sa mga kasali ang pamilya Santos.
Nagtulong-tulong ang lahat ng kasapi ng mag-anak para maihiwalay ang mga basura sa tamang
lalagyan. Inipon nila ang mga bote at lata pati na
din ang mga nabubulok at di-nabubulok. Di naman nasayang ang pagod nila dahil sila ang itinanghal
na panalo sa paligsahan. Nakatanggap ang pamilya ng salaping gantimpala kaya sila ay nagpasyal at
kumain sa isang restoran.
Masayang-masaya sila nang sila’y umuwi.
2. Pagtalakay:
Saan nagdaos ng paligsahan?
Sinong pamilya ang kalahok?
Paano sila nanalo sa paligsahan?
Anong premyo ang natanggap nila?
Naging masaya ba silang lahat sa kanilang nakamit na tagumpay?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat ba tayong maging masaya sa tagumpay ng ibang kasapi ng mag-anak?

Tandaan:
Dapat tayong maging masaya sa para sa tagumpay ng ibang kasapi ng mag-anak.

2. Paglalapat: Lutasin:
Ano sa palagay mo ang mangyayari kung hindi nagkaisa at nagtulong-tulong ang buong pamilya
sa paghahanda sa kontes? Manalo pa kaya sila?Bakit?

IV. Pagtataya:
Gumuhit ng isang tropeo para sa pamilyang Santos.
Isulat sa ilalim ng drowing:
“ Ang Galing ng Pamilyang Pinoy!”

V.Takdang-aralin
Magtala ng 5 katangiang dapat mong taglayin bilang isang class leader.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa tahanan
tulad ng:
- Pagiging masaya para sa tagumpay ng ibang kasapi ng mag-anak. (ina)

II. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan (Peace & Order)


Aralin4: Mahal Ko ang Aking Kapwa
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching
Guide ph. 18-19; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85; Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon
I pah. 155
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Paano nanalo sa kontes sa barangay ang pamilyang Santos?
2. Pagganyak:
Ipaayos sa mga bata ang jumbled words.
na i , nay na , mi ma .,
am am
Anu-anong salita ang mabubuo kung aayusin ang mga pantig?
B. Panlinang na Gawain:
Iparinig/ipabasa:
Ilaw ng Tahanan
Nagpakalat ng balita ang kapitan ng barangay. May idaraos na paligsahan sa kanilang pamayanan. Ito ay
ang paghanap sa natatanging ina o ilaw ng tahanan. Kasali sa patimpalak ang nanay ni Benjo. Kasi ay
talaga namang mapagmahal, maasikaso at maunawaing ina ang nanay niya. Kaya ng sumapit na ang araw
ng pagpili pinaghalong kaba at tuwa ang nararamdaman ni Benjo. Napasigaw pa siya ng tawagin ng
pangalan ng nanay niya. Napaluha naman ang ate Marita niya sa tagumpay ng ina.
Lalo na nang makita niya itong lumalakad sa gitna ng entablado suot ang titulong “Ilaw ng Tahanan
2012”.
1. Pagtalakay:
Anong paligsahan ang ginanap sa barangay nina Benjo?
Ano ang napanalunan ng nanay niya?

Masaya ba ang mga anak para sa kanilang ina?


Dapat bang ipagmalaki ang ating ina? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat ba tayong maging masaya sa tagumpay ng ibang kasapi ng mag-anak?

Tandaan:
Dapat tayong maging masaya sa para sa tagumpay ng ibang kasapi ng mag-anak.

2. Paglalapat:
Iparinig ang awit: “Sa Ugoy ng Duyan”

IV. Pagtataya:
Walang kapantay ang pag-ibig ng ina sa kanyang anak .
Mahal na mahal ka ng iyong ina.
Sumulat ng dalawang patunay na mahal ka ng iyong ina.
Mahal ako ni Inay kasi_________________

V.Takdang-aralin
Sumulat ng isang maikling liham pasasalamat sa iyong ina.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin
Nasasabi ang kahalagahan ng wikang pambansa
Naibibgay ang kahalagahan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig at
pagsasakilos.
Nakikilahok sa talkayan pagkatapos ng kwentong napakinggan
Nababalikan ang detalye sa kwentong nabasa o narinig.
II. PaksangAralin: “Talambuhay ni Manuel L. Quezon”
A. Talasalitaan: Pagbibigay ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan, pagpapahiwatig, at
pagsasakilos.
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa: Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong nabasa o narinig
D. Nakikilala ang mga magkasingtunog na salita.
E. Kasanayan sa Wika: Pagkilala sa mga Salitang Magkasalungat
F. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Letrang Qq at Vv sa Iba Pang Letra na
napag-aralan na
G. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto Qq/Vv
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Qqat Vv
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 295-306
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Qq/Vv plaskard
Tsart ng kwento.
III. Pamamaraan:
A. Gawain Bago Bumasa:
4. Paghahawan ng balakid:
Hawanin ang balakid sa pamamagitan ng pangungusap:
ipinanganak , dalubhasa , umanib
5. Pagganyak:
Ano ang kakayahan ng tao na wala sa mga hayop?
Ano ang magandang naidudulot kung tayo ay nakapagsasalita?
6. Pangganyak na Tanong:
Sino ang ama ng wikang pambansa?
4. Pamantayan sa Mabuting Pakikinig
B. Gawain habang Bumabasa
2. Paglalahad:
Babasahin ng guro ang kwento sa mga bata.
Si Manuel L. Quezon ay ipinanganak sa Baler, Quezon noong Agosto 19, 1878. Ang kanyang mga
magulang ay sina G. Lucio Quezon at Gng. Maria Molina.
Si Manuel L. Quezon ay unag nag-aral sa baler at pagkatapos ay sa San Juan de Letran kung saan niya
tinaggap ang katibayan ng pagiging dalubhasa sa Siyensya ng Matematika. Siya ay umanib sa Katipunan
nang siya ay labing-walong taong gulang pa lamang. Sa gulang na dalawampu’t isa ay umanib siya sa
hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo. naging piskal sa edad na 25 at naging gobernador sa edad na 28. Siya
rin naging Komisyonado residente anag siya ay 31, Pangulo ng Senado nang siya ay 38 at sa edad na 56 ay
naging Pangulo ng Pilipinas.
Ipinatupad niyang maging pista opisyal ang kapanganakan ni Bonifacio at siya rin ang nagpaggawa ng
bantayog nito sa Green Park. Gumawa siya ng hakbang upang magkaroon ng Wikang Pambansa na hango
sa isang diyalekto sa kapuluan. Kung kay’t ang naging pambansang wika ng bansa ay Tagalog na naging
Filipino. At ito ang naging dahilan kung kaya’t tayo ay nagdiriwang ng Buwan ng Wika sa buwan ng
kanynag kapanganakan.
Si Manuel Luis Quezon ay naging kagawad ng Pacific War Council at noong Hunyo 14, 1942, siya ang
unang Pilipinong lumagda sa Nagkakaisang Bansa(UN).
Si Manuel L. Quezon ay namatay noong Abril 15, 1948.
Hindi mawawala sa puso ng mga Pilipino si Manuel L. Quezon na Ama ng Wikang Pambansa ang
Tagalog.

C. Gawain Pagkatapos Bumasa:


3. Pagtalakay:
Saan ipinanganak si Manuel L. Quezon?
Sinu-sino ang kanyang mga magulang?
Bakit siya tinawag na Ama ng Wika?
4. Pangkatang Gawain:
Patnubayan ang mga bata sa pagsasagawa ng gawaing nakalaan sa bawat pangkat.
IV. Pagtataya:
Balikan ang mahahalagang detalye sa kwento.
Ikahon ang wastong sagot.
1. Si Manuel L. Quezon ay ipinanganak sa
______________.
2. Kailan ang kanyang kaarawan?________
3. Ilang taon lamang siya ng maging piskal?___
4. Saang paaralan niya nakuha ang katibayan ng pagiging dalubhasa sa Siyensya ng
Matematika?________
5. Ano ang ating wikang pambansa?_________
V. Kasunduan:
Magtala ng mga bagay na dapat ihanda sa oras ng kalamidad tulad ng bagyo.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin
naibibigay ang kasalungat ng salitang naglalarawan.
II. PaksangAralin : Mga Salitang Magkasalungat
A. Talasalitaan: Pagbibigay ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan,
pagpapahiwatig, at pagsasakilos.
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa: Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong nabasa o narinig
D. Nakikilala ang mga magkasingtunog na salita.
E. Kasanayan sa Wika: Pagkilala sa mga Salitang Magkasalungat
F. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Letrang Qq at Vv sa Iba Pang Letra na
napag-aralan na
G. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto Qq/Vv
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Qqat Vv
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 295-306
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Qq/Vv plaskard
Tsart ng kwento.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1.Balik-aral:
Sino ang ama ng wikang pambansa?
2. Pagganyak:
Magpakita ng larawan ng langgam at elepante.
Itanong: Ano ang napapansin ninyo sa mga nasa larawan?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipakita ang larawan ni Manuel L. Quezon.
Ano ang masasabi mo sa kanyang ilong? Matangos ba o pango?
Isulat sa pisara ang sagot na ibibigay ng bata.
Magpakita ng larawan ng isang bata.
Ano ang masasabi sa ilong ng batang ito?
2. Magpapakita pa ang guro ng iba pang larawan na nagpapakita ng pagkakasalungat ng mga salita:
payat – mataba mahaba- maikli mataas- mababa
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Ano ang tawag natin sa mga salitang magkaiba ang kahulugan?
Tandaan:
Magkasalungat ang tawag sa mga salitang magkaiba ang kahulugan.
2. Paglalapat:
Ibigay ang kasalungat ng salitang sasabihin ko:
puti, mabango, makupad, matalim, malalim

IV. Pagtataya:
Pagtambalin ang mga salitang magkasalungat.
Isulat ang titik lamang sa sagutang papel.
1. maganda___ A. madumi
2. madami ___ B. pangit
3. masigla ___ C. kakaunti
4. malinis ___ D. matamlay
5. mataas ___ E. pandak
F. maayos

V. Kasunduan:
Isulat ang kasalungat na salita ng salitang may salungguhit.
1. Kawawa ang pobreng pulubi._____
2. Madali lang pala ang pagsusulit._____
3. Masikip ang palda ni Rosa.____
4. Matayog ang puno ng kawayan.____
5. Maingay ang mga palaka sa sapa.____

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin
Nakikilala at nabibigkas ang tunog ng letrang Qq at Vv sa iba pang letrang napag-aralan na
Naiuugnay ang mga salita sa angkop na larawan.
nakikilala ang pagkakaiba ng letra sa salita.
Nakabubuo at nakababasa ng mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamitan ng tunog ng
mga letra.
II. PaksangAralin: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Letrang Qq at Vv.
A. Talasalitaan: Pagbibigay ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan,
pagpapahiwatig, at pagsasakilos.
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa: Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong nabasa o narinig
D. Nakikilala ang mga magkasingtunog na salita.
E. Kasanayan sa Wika: Pagkilala sa mga Salitang Magkasalungat
F. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Letrang Qq at Vv sa Iba Pang Letra na
napag-aralan na
G. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto Qq/Vv
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Qqat Vv
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 295-306
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Qq/Vv plaskard
Tsart ng kwento.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1.Balik-aral:
Sino ang ama ng wikang pambansa?
Hayaang pantigin ng mga bata ang sagot na ibibigay sa pisara.
2. Pagganyak:
Awit: Ano ang tunog ng titik Qq?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Itanong:
Sa salitang Quezon, ano ang unang tunog na inyong narinig?
Ano ang tunog ng Qq?
Magpakita ng larawan ng bata.
Ito si Quintin.
Saang titik nagsisimula ang pangalan niya?
Ano ang tunog ng Qq?
Nakasimba na ba kayo sa Quiapo?
Saan titik nagsisimula ang salitang Quiapo?

2Ipabigkas ng lahatan, pangkatan at isahan ang mga salitang may simulang tunog na /q/.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Ano ang tunog ng /q/?
2. Paglalapat:
Ipasulat ang titik Qq
3. Pagbubuo ng mga pantig, salita, parirala, pangungusap at kwento.
salita: wika Quezon lunsod
parirala: ama ng wika Pangulo ng bansa Lunsod ng Quezon
Pangungusap:
1. Si Manuel L. Quezon ay ama ng wikang pambansa.
2. Naging pangulo siya ng Pilipinas.
3. Sa kanya isinunod ang pangalan ng lalawigan ng Quezon.
4. Pagsasanay:
Iugnay ang salita sa tamang larawan.
querubin
Quezon
Quintin

IV. Pagtataya:
Isulat ang tamang sagot.
1. Anong salita ang mabubuo kapag pinagsama-sama ang mga tunog na /Q/ /u/ /e/ z//o//n/________
2. Ano ang tunog ng salitang Quezon?_____
3. Ilang tunog mayroon ang salitang Quezon?____
4. Ano ang quezo kapag dinagdagan ng /n/ ang hulihan nito?_____
5. Aling salita sa pangkat ang naiiba ang unahang tunog? quezo, Quezon, Raquel?

V. Kasunduan:
Isulat: Qq Qq Qq Qq Qq
Quezon Quezon Quezon

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin
Nakikilala at nabibigkas ang tunog ng letrang Qq at Vv sa iba pang letrang napag-aralan na
Naiuugnay ang mga salita sa angkop na larawan.
nakikilala ang pagkakaiba ng letra sa salita.
Nakabubuo at nakababasa ng mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamitan ng tunog ng
mga letra.
Naisusulat ang idiniktang salita sa pamamagitan ng tunog.
II. PaksangAralin: Pagsulat ng Ididiktang Salita sa Pamamagitan ng Tunog
A. Talasalitaan: Pagbibigay ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan,
pagpapahiwatig, at pagsasakilos.
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa: Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong nabasa o narinig
D. Nakikilala ang mga magkasingtunog na salita.
E. Kasanayan sa Wika: Pagkilala sa mga Salitang Magkasalungat
F. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Letrang Qq at Vv sa Iba Pang Letra na
napag-aralan na
G. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto Qq/Vv
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Qqat Vv
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 295-306
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Qq/Vv plaskard
Tsart ng kwento.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1.Balik-aral:
Anong bansa naging pangulo si Manuel L. Quezon?
2. Pagganyak:
Tugma: Bansa Mo, Bansa Ko
Pilipinas ang bansa
Nitong lahing Pilipino
Luzon, Visayas, Mindanao
Magkaisa tayo.
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Itanong: Anu-anong pulo ang bumubuo sa bansang Pilipinas?
Magpakita ng globo at ituro ang bahaging tubig (asul).
Anong sasakyang pandagat ang makikita natin sa dagat?
Ipakita ang larawan ng vinta.
Ano ang masasabi mo sa bagay sa larawan?
Ito ay isang uri ng makulay na banka na ginagamit sa pangingisda sa parting Mindanao.
Saan titik nagsisimula ang salitang vinta?
Ipatunog ang Vv sa mga bata.
Magpakita pa ng iba pang salita/larawan na may simulang tunog/titik na Vv.
Vic, Vicky, Vanessa, Valenzuela
2. Ipabigkas ng lahatan, pangkatan at isahan ang mga salitang may simulang tunog na /q/.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Ano ang tunog ng /v/?
2. Paglalapat:
Ipasulat ang titik Vv
3. Pagbubuo ng mga pantig, salita, parirala, pangungusap at kwento gamit ang pinag-aralang titik /v/
4. Pagsasanay:
a. Iugnay ang salita sa tamang larawan.
vinta
Victor
Vanessa
b. Basahin ang mga salita sa kaliwa at isulat sa kaukulang kahon. (configuration clues)
1. vinta
2. violin
3. Ver
4. Victor
5. Venie
D. Paglalapat:
Isulat ang pangungusap na ididikta ng guro.
Sumakay si Victor at Vic sa vinta.
IV. Pagtataya:
Isulat ang mga salitang ididikta ng guro.
1. vinta
2. ngipin
3. damo
4. halaman
5. Vera

V. Kasunduan:
Isulat; Vv Vv Vv Vv
Vinta vinta vinta

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin
Nakikilala at nabibigkas ang tunog ng letrang Qq at Vv sa iba pang letrang napag-aralan na
Naiuugnay ang mga salita sa angkop na larawan.
nakikilala ang pagkakaiba ng letra sa salita.
Nakabubuo at nakababasa ng mga salita, parirala, pangungusap at kwento na ginagamitan ng tunog ng
mga letra.
Naisusulat ang idiniktang salita sa pamamagitan ng tunog.

II. PaksangAralin: Pagsulat ng Ididiktang Salita sa Pamamagitan ng Tunog


A. Talasalitaan: Pagbibigay ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga larawan,
pagpapahiwatig, at pagsasakilos.
B. Pagbigkas na Wika: Paglahok sa talakayan Pagkatapos ng Kwentong Napakinggan
C. Pag-unawa sa Binasa: Pagbabalik-aral sa mga Detalye ng Kwentong nabasa o narinig
D. Nakikilala ang mga magkasingtunog na salita.
E. Kasanayan sa Wika: Pagkilala sa mga Salitang Magkasalungat
F. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala at Pagbigkas ng Tunog ng Letrang Qq at Vv sa Iba Pang Letra na
napag-aralan na
G. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto Qq/Vv
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
H. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik Qqat Vv
I. Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 295-306
J. Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Qq/Vv plaskard
Tsart ng kwento.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1.Balik-aral:
Ipabigkas ang tunog ng mga letrang napag-aralan na.
m, a, s, l, o, u, b, c, d, e, f, g, p, h, j, r, s, t, v, w, z, y
2. Mga Pagsasanay:
Pangkatang Gawain
(Tingnan ang Nakalaang gawain sap ah. 304-305)
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad:
Ipabasa ang talata sa mga mag-aaral at pasagutan ang mga tanong:
Ang Vinta ni Victor
Ang vinta ni Victor.
Nakasakay sa vinta si Victor.
Malaki at matibay ang vinta.
Tulad ng isang makulay na Bangka ang vinta niya.
Naglalayag sa karagatan ang vinta ni Victor.
Maraming tao ang nakasakay dito.
Nakasakay si Ver sa vinta.
Nakasakay si Vilma sa vinta.
Nakasakay si Vina sa vinta.
Nakasakay si Ver, Vilma at Vina sa vinta ni Victor.

2. Pagtalakay:
Sino ang may vinta?
Saan maihahambing ang vinta ni Victor?
Bakit naglalayag sa karagatan ang vinta?
Sinu-sino ang nakasakay sa vinta?
Saan kaya patungo ang vinta?

IV. Pagtataya:
Isulat ang mga salitang ididikta ng guro.
1. walis
2. querubin
3. violin
4. Quezon
5. sipilyo

V. Kasunduan:
Gumuhit ng isang makulay na v

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin
- Nakapagbabahagi sa pamamagitan ng pagguhit ng larawan ng tungkol sa paboritong karanasan sa
paaralan.

II. Paksa: Mga Natatanging Lugar sa Pamayanan: pokus sa Paaralan


5. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa NapakingganNaibabahagi ang mga pangyayaring naranasan;
nakapagbibigay ng opinion at hinuha ukol dito
6. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “ibabaw, ilalim at gitna” sa pangungusap.
7. Phonological Awareness: Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
8. Mga kagamitan: Kwento: “Ayokong Pumasok sa Paaralan” Kuwento ni Rene O. Villanueva;
Guhit ni Dindo A. Llana
Filipino I Gabay ng Guro pah. 61-64

III. Pamamaraan:
9. Paunang Pagtataya:
Gusto mo bang pumapasok sa paaralan? Bakit? Ano ang paborito mong karanasan sa paaralan?

10. Tukoy-alam:
Anu-anong lugar sa paaralan ang paboritong mong puntahan?
11. Tunguhin
Ngayong araw, ay aalamin natin ang dahilan kung bakit gusto natin ang pumapasok sa
paaralan.

12. Paglalahad
Iparinig/ipabasa ang kwentong “Ayokong Pumasok sa Paaralan” ni Rene Villanueva

13. Pagtuturo at Paglalarawan:


Talakayan:
Bakit ayaw pumasok ng bata sa paaralan sa ating narinig na kuwento?
Ganun din ba ang naramdaman ninyo nang unang beses kayong pumasok sa paaralan?
Bakit?
Ngayon ba, gusto ninyo nang pumasok sa paaralan? Bakit?

IV. Pagtataya:
Iguhit ninyo ang inyong mga personal na dahilan kung bakit gusto ninyong pumasok sa paaralan.

V. Kasunduan:
Maglista ng mga gawain sa paaralan na nagugustuhan mong gawin.

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin,

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin
Nagagamit ang mga salitang “ibabaw”, ilalim at gitna sa mga pangungusap na tumutukoy sa paboritong
lugar o karanasan sa paaralan.

II. Paksa: Mga Natatanging Lugar sa Pamayanan: pokus sa Paaralan


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa NapakingganNaibabahagi ang mga pangyayaring naranasan;
nakapagbibigay ng opinion at hinuha ukol dito
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “ibabaw, ilalim at gitna” sa pangungusap.
3. Phonological Awareness: Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan: Kwento: “Ayokong Pumasok sa Paaralan” Kuwento ni Rene O. Villanueva;
Guhit ni Dindo A. Llana
Filipino I Gabay ng Guro pah. 61-64

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Alam mo ba kung saan makikita ang inyong silid-aralan sa paaralan?
2. Tukoy-alam:
Saan-saan ka naglalagi sa inyong paaralan?
3. Tunguhin
Ngayong araw, tayo’y muling magsasanay sa paggamit ng “itaas”, “ibaba” at “gitna” sa mga
pangungusap.
4. Paglalahad
Muling ipakwento sa mga bata ang “Ayokong Pumasok sa Paaralan”
(Gamitin ang Round Robin style)

5. Pagtuturo at Paglalarawan:
Ipabasa ang mga pangungusap sa mga bata.
Nasa gitna ng gym ang sasakyan.
Nasa itaas ng entablado ang mesa.
Nasa ilalim ng puno ang mga upuan.
6. Paglalahat:
Ang mga salitang itaas, ilalim at gitna ay nagsasabi ng kinaroroonan ng bagay/mga bagay.
7. Kasanayang Pagpapayaman
Gamit ang bola magdaos ng laro:
Itaas, Ibaba o Gitna.

IV. Pagtataya:
Isulat ang : Itaas, ilalim o gitna upang mabuo ang pangungusap.
1. Nasa _____ng paaralan ang flagpole.
2. Nasa _____ng cabinet ang mga aklat.
3. Nasa _____ng bagong gusali ang tanggapan ng punong-guro.
4. Nasa ____ng kantina ang mga paninda.
5. Nasa ____ang mga bagong kompyuter.

V. Kasunduan:
Pumili ng isang lugar sa paaralan.
Iguhit ito at kulayan.

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa Filipino I
Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin
Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.

II. Paksa: Mga Natatanging Lugar sa Pamayanan: pokus sa Paaralan


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan :Naibabahagi ang mga pangyayaring naranasan;
nakapagbibigay ng opinion at hinuha ukol dito
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “ibabaw, ilalim at gitna” sa pangungusap.
3. Phonological Awareness: Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan: Kwento: “Ayokong Pumasok sa Paaralan” Kuwento ni Rene O. Villanueva;
Guhit ni Dindo A. Llana
Filipino I Gabay ng Guro pah. 61-64

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Ano ang tawag sa mga salitang magkasingtunog sa hulihan?

2. Tukoy-alam:
Saan gawi ng salita naririnig ang tugma?

3. Tunguhin
Ngayong araw, tayo’y muling magbibigay ng mga maraming salitang magkakatugma.

4. Paglalahad:
Ipabasa ang pangkat ng mga salita:
paaralan, kainan, palaruan
klinika, opisina, kantina,
aklat, balat, kalat

5. Pagtuturo at Paglalarawan:
Ano ang napansin ninyo sa mga grupo ng salita?

6. Paglalahat:
Ang salitang magkatugma ay may parehong tunog sa huling pantig.

7. Kasanayang Pagpapayaman
Ikahon ang salitang hindi katugma ng mga salita sa serye.
alak, itak, hamak, alon, anak, pakpak
bibig, sahig, bulig, malamig, banig, lamok

IV. Pagtataya:
Punan ng salitang katugma ng mga salita sa bawat pangkat upang makumpleto ang serye.
1. balot, buntot, lagot, ______
2. ulap, sapsap, dayap, ______
3. gulay, tulay, palay_______
4. libag, kabag, habag,______
5. sisiw, agiw, giliw, _______

V. Kasunduan:
Kumopya ng 5 salitang magkakatugma sa inyong aklat.

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin
Natutukoy ang posisyon ng isang bagay sa paaralan gamit ang mga salitang “ibabaw”, “ilalim” at “gitna”
sa isang laro.

II. Paksa: Mga Natatanging Lugar sa Pamayanan: pokus sa Paaralan


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan :Naibabahagi ang mga pangyayaring naranasan;
nakapagbibigay ng opinion at hinuha ukol dito
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “ibabaw, ilalim at gitna” sa pangungusap.
3. Phonological Awareness: Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan :mga larawan ng iba’t ibang bagay sa paaralan at mga larawan ng kinalalagyan
ng mga ito.
Filipino I Gabay ng Guro pah. 61-64

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Saang hanay ka nakaupo sa silid-aralan?

2. Tukoy-alam:
Saan-saan maaaring makita ang bagay/mga bagay?

3. Tunguhin
Ngayong araw, aalamin natin ang posisyon ng mga paborito nating lugar sa paaralan.

4. Paglalahad:
Magpakita ng isang mapa ng paaralan.
Tukuyin ang mga tampok na lugar.
Gamitin ang mga salitang itaas, ibaba at gitna sa paglalarawan.
5. Kasanayang Pagpapayaman:
Laro: Treasure Hunt

IV. Pagtataya:
Sabihin ang eksaktong kinaroroonan ng bawat bagay gamit ang salitang : itaas, ilalim at gitna.

V. Kasunduan:
Iguhit: bata sa ilalim ng puno
mesa sa gitna ng silid
basket sa itaas ng cabinet

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin
Naibabahagi ang piling karanasan sa paboritong lugar sa paaralan gamit ang wikang Filipino.

II. Paksa: Mga Natatanging Lugar sa Pamayanan: pokus sa Paaralan


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan :Naibabahagi ang mga pangyayaring naranasan;
nakapagbibigay ng opinion at hinuha ukol dito
2. Gramatika: Nagagamit nang wasto ang mga salitang “ibabaw, ilalim at gitna” sa pangungusap.
3. Phonological Awareness: Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan :mga larawan ng iba’t ibang bagay sa paaralan at mga larawan ng kinalalagyan
ng mga ito.
Filipino I Gabay ng Guro pah. 61-64

III. Pamamaraan:
1. Tunguhin
Ngayong araw, gagawa tayo ng mural kung saan maari nating ipakita ang mga bagay na gusto
natin tungkol sa ating paaralan.

2. Paglalahad:
Magpakita ng modelo ng isang mural
na nagpapakita ng mga iba’t ibang lugar sa paaralan.

IV. Pagtataya:
Igrupo ang klase sa tig-walong bata.
Bigyan ng manila paper ang bawat grupo.
Ipaguhit ang kanilang karanasan ukol sa pag-aaral sa eskuwela.

V. Kasunduan:

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Unang Araw)

I. LAYUNIN:
- Nakapakikinig ng kwento tungkol sa pamilya tulad ng “Pamilyang May Pagkakaisa”

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Pagpapahalaga sa Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp122-128
Activity Sheets pp. 136-137
Alab ng Wikang Filipino pah. 33-35
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Balik-aral:
Ano ang tawag sa sama-samang pagdarasal ng mag-anak tuwing ika-anim ng gabi?
3.Pagganyak:
Magpakita ng walis ting-ting.
Saan ginagamit ang bagay na ito?
Kung isa-isang piraso lamang kaya ang gagamitin mo sa paglilinis makakalinis at makakatapos ka
kaya ng gawain ?Bakit?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
May kaayusan at katahimikan ba sa tahanan na may pagkakaisa ang buong pamilya?
2. Paglalahad:
Iparinig ang kwentong, “Magkaisa Tayo”
Tingnan ang kopya ng kwento sa
Alab ng Wikang Filipino pah. 33-35

3. Talakayan:
Sino ang ama ng tatlong anak na laging nag-aaway?
Ano ang ibig ng ama na mangyari sa kanyang mga anak?
Nabali ban g mga anak ang isang bigkis na patpat? Bakit?
Nabali ba ng anak ang isang pirasong patpat/tingting?
Bakit ibig ng ama na magkasundo ang kanyang mga anak?

C. Paglalahat:
Mahalaga ba na magkaroon ng pagkakaisa ang mga kasapi ng pamilya?

Tandaan:
May kaayusan at katahimikan sa tahanan na may pagkakaisa ang buong pamilya

D. Paglalapat:
Kulayan ang larawan na nagpapakita ng pagkakaisa ng pamilya.
(Tingnan sap ah. 39 ng Alab)

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / ang gawaing nagpapakita ng pagkakaisa ng pamilya. X ang hindi.
1. Mag-isang laba nang laba ang ina.
2. Maghapong naglalaro ang ate at kuya.
3. Kanya-kanya sa gawain ang pamilya mula sa ama hanggang sa bunsong kasapi.
4. Nagtutulung-tulong ang pamilya sa paghahanda ng pagkain.
5. Mga anak lamang ang gumagawa at nasa sugalan ang mga magulang.

V. Kasunduan:
Iguhit ang pamilyang Nagakakaisa.
Sumulat ng isang pangungusap na maglalarawan sa kanila.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikalawang Araw)

I. LAYUNIN:
- Nakapakikinig ng kwento tungkol sa pamilya tulad ng “Pamilyang Matulungin sa Kapwa”

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Pagpapahalaga sa Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp122-128
Activity Sheets pp. 136-137
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Balik-aral:
Ano ang mabuting aral ang napulot natin sa kwentong ,”Magkaisa Tayo?”
3.Pagganyak:
Awit: Ulan,Ulan,Ulan

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Dapat bang pinipili ang mga taong ating tutulungan?
2. Paglalahad:
Iparinig ang kwentong, “Bagyong Ondoy”
Buwan ng Setyembre, nagkaroong ng malakas na pag-ulan. Sa di inaasahan, isang napakalaking
baha ang nangyari sa Lungsod ng Marikina. Maraming tahanan ang nalubog sa mataas na tubig.
Maraming lugar ang nalubog sa baha. Sa kabutihang palad ang bahay nila Rene ay nasa mataas na bahagi
kaya hindi sila natinag kahit lagpas tao na ang baha. Agad nagpasya ang magulang ni Rene na dalhan ng
tulong ang kanilang mga kapitbahay. Tulong-tulong sila sa pagdala ng mga pagkain, lumang damit at
gamot para sa mga biktima ng baha.
Nang humupa ang baha, nagpasalamat sa kanila ang lahat ng kapitbahay na natulungan nila. Tuwang-
tuwa naman silang lahat sa ginawang pagtulong sa kanilang kapwa.

3. Talakayan:
Anong trahedya ang naganap?
Saang lugar mataas ang naging pagbaha?
Paano tinulungan ng pamilya ni Rene ang kanilang mga kapitbahay?
Anong uri ng pamilya mayroon si Rene?
Ang pamilya ninyo matulungin rin ba?

C. Paglalahat:
Mahalaga ba na magkaroon ng pagkakaisa ang mga kasapi ng pamilya lalu na sa oras ng pagbibigay
tulong sa iba?

Tandaan:
Ang pamilyang matulungin sa kapwa ay laging pinagpapala.

D. Paglalapat:
Magbahagi ng karanasan tulad sa narinig na kwento tungkol sa ginawang pagtulong sa kapwa ng iyong
pamilya.

IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
1. Masaya ang pamilyang matulungin sa kapwa.
2. Dapat nating piliin ang taong tutulungan natin.
3. Sa oras ng kagipitan mahalaga na magbigay ng tulong sa iba.
4. Ang pagtulong sa kapwa ay gawaing nakakahiya.
5. Tulungan ang mga taong may kakayahang suklian ang tulong na ginawa natin.

V. Kasunduan:
Iguhit ang pamilya habang bagbibigay ng tulong sa iba.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikatlong Araw)

I. LAYUNIN:
- Nakapakikinig ng kwento tungkol sa pamilya tulad ng “Pamilyang May Pagpapahalaga sa
Edukasyon”

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Pagpapahalaga sa Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp122-128
Activity Sheets pp. 136-137
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Balik-aral:
Sagutin: Tama o Mali
1. Masaya ang pamilyang matulungin sa kapwa.
2. Dapat nating piliin ang taong tutulungan natin.
3. Sa oras ng kagipitan mahalaga na magbigay ng tulong sa iba.
4. Ang pagtulong sa kapwa ay gawaing nakakahiya.
5. Tulungan ang mga taong may kakayahang suklian ang tulong na ginawa natin.

3.Pagganyak:
Nakakita na ba kayo ng diploma?
Kailan nakakatanggap ng diploma ang isang tao?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Bakit ba kayo nag-aaral?
Anong karapatan ang inyong natatamasa sa pag-aaral?
2. Paglalahad:
Iparinig ang kwentong, “ Dahil sa Bakal Bote”
Isang magbabakal bote si Mang Karyo. Isang labandera naman ang kanyang asawa na si Aling Lina.
Tatlo ang kanilang anak. Subalit kahit mahirap sila ay iginapang nila sa hirap ang pag-aaral ng kanilang
mga anak. Ayaw na ayaw ng mag-asawa na matulad sa kanila ang kanilang mga anak kaya ganun na
lamang ang kanilang pagsisikap na mapag-aral ang mga ito.”Mahalaga ang edukasyon, ito ang yamang
hinding-hindi mananakaw ninuman sa isang tao,” pangaral ni Mang Karyo sa mga anak. “Wala kaming
maipapamanang materyal na yaman sa inyo kundi ang pag-aaral ninyo.”dagdag pa niya.
Makalipas ang ilang taon, ibang Mang Karyo na ang aming nasalubong. Wala na ang bakas ng kahirapan,
maunlad na ang kanilang buhay dahil lahat ng mga anak niya ay may maganda ng hanapbuhay. Lahat sila
ay nakatapos ng pag-aaral.
Sila ang katulong at gabay ng kanilang magulang sa kanilang pagtanda.

3. Talakayan:
Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
Anong uri ng pamumuhay mayroon sila Mang Karyo?
Paano nakapagtapos ang kanyang mga anak?
Bakit mahalaga ang edukasyon sa buhay ng isang tao?

C. Paglalahat:
Mahalaga ba na magkaroon ng pagkakaisa ang mga kasapi ng pamilya lalu na sa paniniwalang mahalaga
ang edukasyon?

Tandaan:
Ang pamilyang may pagpapahalaga sa edukasyon ay magtatagumpay sa buhay.

D. Paglalapat:
Pinahahalagahan mo ba ang iyong pag-aaral?
Paano? Lagyan ng / kung paano.
___Nagbabasa ng mga aralin.
___Lumiliban sa klase kung tinatamad.
___Gumagawa ng mga proyekto.
___Nagpapasulat sa kaklase.
___Nakikinig na mabuti sa turo ng guro.

IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
1. Walang pag-asang umasenso ang mga taong mahirap.
2. Mahalaga ang edukasyon sa buhay ng tao.
3. Ang edukasyon ay hindi nananakaw.
4. Kung may pinag-aralan ang isang tao malaki ang pag-asa niyang umasenso sa buhay.
5. Mayayaman lamang ang may karapatang mag-aral.

V. Kasunduan:
Ano ang gusto mong maging paglaki mo?Bakit?

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. LAYUNIN:
- Nakapakikinig ng kwento tungkol sa pamilya tulad ng “Pamilyang Mapagmahal”

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Pagpapahalaga sa Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp122-128
Activity Sheets pp. 136-137
Mga Tula, Tugma at Iba Pa pah. 6
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Balik-aral:
Sagutin: Tama o Mali
a. Walang pag-asang umasenso ang mga taong mahirap.
b. . Mahalaga ang edukasyon sa buhay ng tao.
c.. Ang edukasyon ay hindi nananakaw.
d.. Kung may pinag-aralan ang isang tao malaki ang pag-asa niyang umasenso sa buhay.
e. Mayayaman lamang ang may karapatang mag-aral.
3.Pagganyak:
Magpakita ng isang puso.
Ano ang sinasagisag ng puso?
Mahal ninyo ba ang inyong pamilya?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Ano ang nagbubuklod sa isang mag-anak?
2. Paglalahad:
Iparinig ang tula: “ Ang Mag-anak”
Mahal ko si Ama
Mahal ko si Ina
Gayon din si Ate
At saka si Kuya

Sa aming bahay
Kami ay masaya
at nagmamahalan
Sa tuwina

3. Talakayan:
Tungkol saan ang tula?
Anong uri ng pamilya ang binaggit sa tula?
Bakit masaya ang mga kasapi ng pamilya?

C. Paglalahat:
Mahalaga ba na magkaroon ng pagmamahalan ang pamilya?

Tandaan:
Masaya ang pamilyang nagmamahalan.

D. Paglalapat:
Paano ninyo pinakikita ang pagmamahal sa mga kasapi ng iyong pamilya?

IV. Pagtataya:
Iguhit ang sariling pamilya.
Sa ilalim, isulat “Ang Aking Masayang Pamilya”
V. Kasunduan:
Sumulat ng isang maikling liham para sa inyong ama at ina. Pasalamatan sila sa pagmamahal na
ibinibigay nila sa iyo.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikalimang Araw)

I. LAYUNIN:
- Nakapakikinig ng kwento tungkol sa pamilya tulad ng “Pamilyang Mapag-impok”

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Pagpapahalaga sa Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 8
Teacher’s Guide pp122-128
Activity Sheets pp. 136-137
Likha I pah. 353-355
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Balik-aral:
Muling ipabigkas ang tulang “Ang Mag-anak”
Anong uri ng mag-anak ang nabanggit sa tula?
3.Pagganyak:
Magpakita ng isang alkansiya.
Mayroon ba kayong alkansiya?
Bakit kayo nag-aalkansiya?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Bakit mahalaga ang pag-iimpok?

2. Paglalahad:
Iparinig ang kwento, “Pag-iimpok – Daan sa Pag-unlad”
Magkapatid sina Anie at Niko. Tuwing Sabado at Linggo, naglalako sila ng sari-saring gulay gulay na
inaani sa taniman ng kanilang ama. Ang perang kanilang kinikita ay pinauubaya sa kanila para sila
makapag-impok.
“Ate, pag ba puno na ang alkansiya mo bubutasin mo na?”
“Oo, naman Niko, pasasama ako sa nanay para ihulog ito sa bangko.” sagot ng ate. “Akala ko sa mall ko
ka pupunta para mamili ng mga gusto mo.” sabi ni Niko.
“Kapag ba marami ka ng ipon sa bangko, hihinto ka na sa pag-aaral?” muling tanong ni Niko.
Natatwang sumagot si Anie.“Ano ka ba?Siyempre, mag-aaral pa rin ako. Nag-iimpok ako para pag
dating ng tamng panahon magamit ko iyon upang mapaunlad ang aking buhay. O, ano? Sa mall mo ba
dadalhin ang ipon mong pera?”
“Hindi , ate. Sasama ako sa inyo ni Nanay pagpunta ninyo sa bangko. Mag-iimpok rin ako para ako
umunlad,” sagot ni Niko.

3. Talakayan:
Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
Bakit nag-iipon ang magkapatid?
Saan dadalhin ng ate ang ipon niya?
Bakit daw mahalaga na mag-impok?

C. Paglalahat:
Mahalaga ba na mag-impok?

Tandaan:
Mag-impok para sa oras ng pangangailangan ay may madudukot.

D. Paglalapat:
Lutasin:
Dalawampung piso ang baon ni Rod araw-araw.
Pero lahat ay ginagasta niya. Kahit busog na siya sa baong pagkain. Inuubos pa rin niya sa pagbili ng
mga laruan tulad ng teks ang baon niya. Tama ba iyon?Bakit?

IV. Pagtataya:
Magsulat ng 5 bagay na dapat mong tipirin.

V. Kasunduan:
Sumulat ng isang pangako sa pakikiisa sa pagtitipid sa iyong pamilya.
Simula sa araw na ito ako ay makikiisang magtipid ng mga :

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikawalong Linggo
(Unang Araw)

I. Mga layunin
- Nakapagbabawas ng dalawahang digit na bilang na may minuends na hanggang 99 ng walang
regrouping.

II. Paksa
G. Aralin 1:Pagbabawas ng isahang digit na may minuends hanggang 99
H. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Matematika pah. 12 Lesson Guide in Elem . Math pah.
194
I. Go for Gold with Everyday Math pp. 238-243
J. Kagamitan: larawan ng mga bagay
K. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto : Pagbabawas ng dalawahang
digit na may minuends hanggang 99 ng walang regrouping
L. Pagpapahalaga: Kawastuan sa pagbilang

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
3. Paghahanda:
Gamit ang plaskard, magdaos ng isang paligsahan sa pagbibigay ng sagot sa subtraction.
(minuends of 18)
4. Balik-aral:
Ano ang minuend?Subtrahend?Difference?

B. Paglalahad:
1. Pagganyak:
Awit: Math is Easy
(Tune: Are You Sleeping?)
Math is easy
Math is helpful
In our lives (2x)
Let us count the numbers (2x)
Ding – dong-ding (2x)
2. Ilahad:
Ipabasa ang isang word problem
Apatnapu’t walong mag-aaralan sa baitang isa ang naglalaro sa palaruan ng paaaralan.
Dalawampu’t anim ang mga babae.Ilan ang mga lalaki?

C. Pagsasagawa ng Gawain
Ilang mag-aaral sa baitang isa ang naglalaro?
Ilan ang mga babae?
Ilan ang mga lalaki?
Ating alamin.

D. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


Hakbang sa pagtuos ng dalawang digit.
Unahing pagbawasin ang digit na nasa isahan.
Pagkatapos isunod namang bawasin ang mga bilang sa hanay ng sampuan.
1. Isahan muna Sampuan
48 2. 48
- 26 - 26
2 22

E. Paglalahat
Alin ang uunahin kapag nagbabawas ng dalawahang digit hanggang 99?

Tandaan:
Sa pagbabawas ng dalawang digit, unahin munang bawasin ang bilang sa hanay ng isahan, tapos
isunod ang bilang sa hanay ng sampuan.
M. Paglalapat:
Tawagin ang mga bata nang pangkatan sa pisara upang makita kung nasusunod ang konsepto sa
pagbabawas.

IV. Pagtataya:
Hanapin ang sagot.
89 76 58 74 93
- 24 -43- 31- 53- 71

V. Takdang Aralin
Pagbawasin nang tapayo at pahigang paraan.
46 35

15 14

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto.

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Mga layunin
- Nakapagbabawas ng dalawahang digit na bilang na may minuends na hanggang 99 ng walang
regrouping.
- naiwawasto ang nakuhang sagot.

II. Paksa
A. Aralin 1:Pagbabawas ng dalawahang digit na may minuends hanggang 99 with checking
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Matematika pah. 12 Lesson Guide in Elem . Math pah.
194
C. Go for Gold with Everyday Math pp. 238-243
D. Kagamitan: larawan ng mga bagay
E. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto : Pagbabawas ng dalawahang
digit na may minuends hanggang 99 ng walang regrouping
F. Pagpapahalaga: Kawastuan sa pagbilang

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: Subtraction wheel
Minuends of 18
2. Balik-aral:
Paano magbawas ng dalawahang digit ng bilang?

B. Paglalahad:
1. Pagganyak:
Paano mo malalaman kung tama ang sagot mo sa pagbabawas na ginawa?
Anong operasyon ang kabaligtaran ng subtraction?
2. Ilahad:
May 36 na asul na bolpen sa kahon at 12 na pulang bolpen. Ilan ang dami ng asul na bolpen
kaysa sa pulang bolpen?

C. Pagsasagawa ng Gawain
Ilang asul na bolpen ang nasa kahon?
Ilan ang pula?
Ilan ang lamang o dami ng asul na bolpen sa pulang bolpen?
D. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan
Hakbang sa pagtuos ng dalawang digit.
Unahing pagbawasin ang digit na nasa isahan.
Pagkatapos isunod namang bawasin ang mga bilang sa hanay ng sampuan.
36 na asul na bolpen
- 12 na pulang bolpen
24 ang dami ng asul kaysa pulang bolpen
Icheck natin:
12
+ 24
36

E. Paglalahat
Alin ang uunahin kapag nagbabawas ng dalawahang digit hanggang 99?
Paano mo malalaman kung tama ang pagtutuos na ginawa mo?

Tandaan:
Sa pagbabawas ng dalawang digit, unahin munang bawasin ang bilang sa hanay ng isahan, tapos
isunod ang bilang sa hanay ng sampuan.
Pagsamahin ang subtrahend o bilang sa ibaba at ang difference o sagot para makatiyak na tama ang
sagot.

G. Paglalapat:
Tawagin ang mga bata nang pangkatan sa pisara upang makita kung nasusunod ang konsepto sa
pagbabawas.

IV. Pagtataya:
Magbawas at icheck kung tama ang sagot.
87 check: 98 check:
- 50- 68

V. Takdang Aralin
Pagbawasain at icheck ang sagot.
1, 54 – 23 2. 87 – 25 3. 75 -23

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto.

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Mga layunin
- Nakapagbabawas ng dalawahang digit na bilang na may minuends na hanggang 99 ng may
regrouping.
- naiwawasto ang nakuhang sagot.

II. Paksa
A. Aralin 1:Pagbabawas ng dalawahang digit na may minuends hanggang 99 with checking
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Matematika pah. 12 Lesson Guide in Elem . Math pah.
194
C. Go for Gold with Everyday Math pp. 238-243
D. Kagamitan: larawan ng mga bagay
E. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto : Pagbabawas ng dalawahang
digit na may minuends hanggang 99 ng walang regrouping.
F. Pagpapahalaga: Kawastuan sa pagbilang

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
OBFAD
2. Balik-aral:
Gamit ang show-me-kit magpabilisan sa pagbigay ng tamang sago tang mga bata.
54 38 67
-23-16- 33

B. Paglalahad:
1. Pagganyak:
Alin-alin ang mga isahang digit na bilang?
Saan nagsisimula ang dalawang digit na numero?
2. Ilahad:
Sumama sa Field Trip ang 45 na mag-aaral mula sa unang baitang at 18 na mag-aaral mula sa ikalawang
baitang.
Ilan ang kahigitan ng mga batang sumama sa unang baitang kaysa sa mga bata sa ikalawang baitang?
C. Pagsasagawa ng Gawain
Ilang bata ang sumama sa unang baitang?
Sa ikalwang baitang?
Ilan ang kahigitan ng mga bata sa unang baitang kaysa sa ikalawang baitang?
D. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan
Hakbang sa pagtuos ng dalawang digit na may regrouping:
Unahing pagbawasin ang digit na nasa isahan.
Pagkatapos isunod namang bawasin ang mga bilang sa hanay ng sampuan.
Subalit kung mas maliit ang nasa minuend kaysa nasa subtrahend, kailangan nating mag-regoup o
manghiram sa katabing digit.
Manghiram ng isang sampu sa hanay ng sampuan at isama sa bilang sa hanay ng isahan.
315
hal. 45 45
- 18- 18
? 27

E. Paglalahat
Alin ang uunahin kapag nagbabawas ng dalawahang digit hanggang 99?
Paano kung mas maliit ang digit sa itaas na hanay?

Tandaan:
Sa pagbabawas ng dalawang digit, unahin munang bawasin ang bilang sa hanay ng isahan, tapos
isunod ang bilang sa hanay ng sampuan.
Kung mas maliit ang minuend sa subvtrahend, maaring manghiram sa katabing digit na sampuan at
saka magbawas.

G. Paglalapat:
Tawagin ang mga bata nang pangkatan sa pisara upang makita kung nasusunod ang konsepto sa
pagbabawas.
IV. Pagtataya:
Magbawas:
56 73 44 90 71
- 27- 37- 28 - 45 - 52

V. Takdang Aralin
Lutasin:
Bumili si Ana ng notebook sa halagang P24.
nagbigay siya ng P50 sa tindera.
Magkano ang kanyang sukli?

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto.
Banghay Aralin sa Matematika
Unang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Mga layunin
- Nakapagbabawas ng tatluhang digit na bilang na may minuends na hanggang 999 ng walang
regrouping.

II. Paksa
A. Aralin 1:Pagbabawas ng tatluhang digit na may minuends hanggang 999
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Matematika pah. 12 Lesson Guide in Elem . Math pah.
194
C. Go for Gold with Everyday Math pp. 238-243
D. Kagamitan: larawan ng mga bagay
E. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto : Pagbabawas ng tatluhang
digit na may minuends hanggang 99 ng walang regrouping.
F. Pagpapahalaga: Kawastuan sa pagbilang

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
OBFAD
2. Balik-aral:
Sabihin kung ano ang place value ng digit na may salungguhit.
56_____
344____
712____
88_____
405____

B. Paglalahad:
1. Pagganyak:
Awit: Ako ay may Lobo
Ano ang nagyari sa lobo ng bata?
Bakit siya nanghinayang sa lobo
2. Ilahad:
Nagtinda ng lobo si Mang Jose.557 lobo noong Lunes at 316 noong Martes.
Ilan ang dami ng naibenta niya noong Lunes kaysa noong Martes?

C. Pagsasagawa ng Gawain
Ilang lobo ang naibenta ni Mang Jose noong Lunes?
Martes?
Ilan ang kahigitan o dami ng benta niya noong Lunes kaysa noong Martes?

D. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


Hakbang sa pagtuos ng tatluhang digit na walang regrouping.
Unahing pagbawasin ang digit na nasa isahan.
Pagkatapos isunod namang bawasin ang mga bilang sa hanay ng sampuan.
At ang huli ay ang digit sa daanan.
hal. Daanan Sampuan Isahan
5 5 7
- 3 1 6
2 4 1

E. Paglalahat
Alin ang uunahin kapag nagbabawas ng tatluhang digit hanggang 999?

Tandaan:
Sa pagbabawas ng tatluhang digit, unahin munang bawasin ang bilang sa hanay ng isahan, tapos
isunod ang bilang sa hanay ng sampuan.
At isunod ang bilang sa hanay ng daanan.

G. Paglalapat:
Tawagin ang mga bata nang pangkatan sa pisara upang makita kung nasusunod ang konsepto sa
pagbabawas.

IV. Pagtataya:
Magbawas:
234 678 455 987 340
- 113 - 4 14 -222 -510 - 1 40

V. Takdang Aralin
Lutasin:
Bumili si Roy ng tamiya sa halagang P60
nagbigay siya ng P100 sa tindera.
Magkano ang kanyang sukli?

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto.

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Mga layunin
- Nakapagbabawas ng tatluhang digit na bilang na may minuends na hanggang 999 ng walang
regrouping.
- naiwawasto ang nakuhang sagot.

II. Paksa
A. Aralin 1:Pagbabawas ng tatluhang digit na may minuends hanggang 999 with checking
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Matematika pah. 12 Lesson Guide in Elem . Math pah.
194
C. Go for Gold with Everyday Math pp. 238-243
D. Kagamitan: larawan ng mga bagay
E. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto : Pagbabawas ng tatluhang
digit na may minuends hanggang 999 ng walang regrouping.
F. Pagpapahalaga: Kawastuan sa pagbilang

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
OBFAD
2. Balik-aral:
Paano ang pagbawas sa tatluhang digit na bilang ng walang regrouping? Aling hahany ang
uunahin?panglawang babawasin at huli?

B. Paglalahad:
1. Pagganyak:
Awit:
Awit: Math is Easy
(Tune: Are You Sleeping?)
Math is easy
Math is helpful
In our lives (2x)
Let us count the numbers (2x)
Ding – dong-ding (2x)

2. Ilahad:
Naglaro ng Scrabble ang magkapatid na Marlon at Marvin. 254 ang iskor ni Marlon at 242 naman ang
kay Marvin. Ilan ang lamang ni Marlon kay Marvin?

C. Pagsasagawa ng Gawain
Sinu-sino ang naglaro ng Scrabble?
Ilan ang iskor ni Marlon? Marvin?

D. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


Hakbang sa pagtuos ng tatluhang digit na walang regrouping:
Unahing pagbawasin ang digit na nasa isahan.
Pagkatapos isunod namang bawasin ang mga bilang sa hanay ng sampuan.
Tapos isunod ang hanay ng Daanan.

254
- 242
12
Icheck ang sagot: 242
+ 12
254

E. Paglalahat
Alin ang uunahin kapag nagbabawas ng tatluhang digit hanggang 999?
Paano mo malalaman kung tama ang iyong pagtutuos?
Tandaan:
Sa pagbabawas ng tatluhang digit, unahin munang bawasin ang bilang sa hanay ng isahan, tapos
isunod ang bilang sa hanay ng sampuan, at isunod ang daanan.
Para malaman kung tama ang sagot pagsamahin ang subtrahend at sagot.

G. Paglalapat:
Tawagin ang mga bata nang pangkatan sa pisara upang makita kung nasusunod ang konsepto sa
pagbabawas.

IV. Pagtataya:

Magbawas at icheck ang sagot.

455 785 342 677 380


- 222- 123 - 142- 412 - 260

V. Takdang Aralin
Lutasin:
Namitas ng kalamansi sina Lorna at Eva.
467 ang napitas ni Lorna at 329 ang kay Eva.
Sino ang mas maraming napitas? Ilan ang kalamangan?

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto.

Banghay Aralinsa MUSIC


Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Unang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Nakakalikha ng iba’t ibang tunog tulad ng
pagpukpok ng lapis sa bote, pagpadyak ng paa sa sahig , pagpukpok ng lata gamit ang patpat,
pagpalakpak ng kamay at pag tap ng kamay sa mesa.
nakalilikha ng tunog ayon sa bilang ng kumpas.

II. Paksa: hands – Tap… Clap….


Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4
Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
Sunshine: A Journey to the World of Music I
Kagamitan: mga tunay na bagay: patpat, lapis, bote, lata

III. Pamamaraan :
A. Panimulang Gawain:
1 . Balik-aral
ibigay ang so-fa syllable ng bawat hand signal na ipapakita ng guro.

2. Pagganyak:
Ilan ang uri ng tunog na napag-aralan na?

B. Panlinang na Gawain:
Sa tatluhang kumpas awitin ang Bahay Kubo . (tap-clap-clap)

2. Pagtalakay:
Naisagawa ba nang wasto ang gawain?

3. Pagsasanay:
Tawagin nang pangkatan ang mga bata para sa pagpapakitang galing.

IV. Pagtataya:
Gawin: 4 beats
Tap-Clap-clap-clap
Alphabet Song

Puna
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng arali

Banghay Aralinsa MUSIC


Music
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikalawang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
Nakakalikha ng iba’t ibang tunog tulad ng
pagpukpok ng lapis sa bote, pagpadyak ng paa sa sahig , pagpukpok ng lata gamit ang patpat,
pagpalakpak ng kamay at pag tap ng kamay sa mesa.
nakalilikha ng tunog ayon sa bilang ng kumpas.

II. Paksa: hands – Tap… Clap….


Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4
Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
Sunshine: A Journey to the World of Music I
Kagamitan: mga tunay na bagay: patpat, lapis, bote, lata

III. Pamamaraan :
A. Panimulang Gawain:
1 . Balik-aral
Muling ipaawit ng may 3 beats ang Bahay- Kubo.

2. Pagganyak:
Nakasunod ba kayo sa pag-awit?

3. Paglalahad:
dalawahang kumpas awitin ang Lupang Hinirang (tap-clap)

2. Pagtalakay:
Naisagawa ba nang wasto ang gawain?

3. Pagsasanay:
Tawagin nang pangkatan ang mga bata para sa pagpapakitang galing.

IV. Pagtataya:
Gawin: 2 beats
(Tap-Clap)
Sitsiritsit

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin saEDUKASYON SA PAGPAPALAKAS NG KATAWAN


Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
Nakatatayo sa Isang Paa

II. Paksa: Kakayahan sa Pangangasiwa ng Katawan


Aralin: Pagtayo sa Isang Paa
Sanggunian: Gabay na Kurikulum sa K-12 sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng katawan sa baitang I pah.
64-65
Pupils’ Acitivity Sheet in Grade I pah. 20
Kagamitan; larawan na nagpapakita ng mga kilos ng bahagi ng katawan sa panlahatang lugar.
Integrasyon, Sining, Matematika at Musika

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Pagtambalin ang larawan at Gawain.Gumamit ng guhit.
Gawain Larawan
1. Paglundag na
nakataas ang kamay
2. Pagtayo nangmagkatabi
ang mga paa
3. Pagbaba ng mga
Kamay sa tabi
4. Paglundag na
Nakabuka ang paa
5. Paglundag nang nasa tabi
ang mga kamay

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Ikaw ba ay nakakatayo sa iisang paa?
Hindi ka ba nangangawit?Napapantay mo ba ang iyong balikat?

2.Gawain: (Imumustra ng guro sa harap)


Tumayo na magkahiwalay ang mga paa. Itaas ang mga kamay pantay sa balikat.
a. Itaas ang isang paa sa likuran.
Isubsob ang katawan sa harapan.
Ipantay sa tuwid na ayos ng paa at katawan.
b. Manatili sa ganitong ayos nang ilang saglit.
Bumalik sa panimulang ayos.
c. Ulitin ang kilos na ito.
Ang itataas ay ang kabilang paa.

2. Paglalahat:
Ano ang mabuting naidudulot ng ganitong uri ng pag-eehersisyo sa ating katawan?

Tandaan:
Ang pagtayo sa iisang paa na kapantay ng balikat ay magandang ehersisyo. Ito ay naiibigan ng mga bata.
Natutuwa silang tumalon sa iisang paa. Sa pagtayo pa lamang sa iisang paa, dapat na nagbabalanse ang
bigat ng katawan. Ito ay nakatutulong sa pagtayo sa iisang paa. Ang bigat ng katawan ay dapat pantay
upang hindi maibaba ang kanan o kaliwang paa.

3. Pagsasanay
Pangkatang Pagpapakitang Kilos

IV. Pagtataya
Pagtambalin ang larawan at Gawain.Gumamit ng guhit.
Gawain Larawan
1. Pagtayo nang tuwid
2. Pag-unat ng mga kamay
3. Pagtayo sa iisang paa.
4. Pagyukod ng katawan
sa harapan hanggang baywang
5. Pagtayo nang magkahiwalay
ang mga paa.
6. Pagtayo na ang kamay ay nasa likod.

V. Kasunduan
Pag-aralan ang iba’t ibang kilos na natutuhan sa bahay.

Puna
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin saART


Pinagsanib na Aralin sa art at Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:
natutukoy ang iba’t ibang uri ng linya o guhit.

II. Paksang Aralin: Straight Lines and Curved Lines


A. Talasalitaan
Vertical Lines and Horizontal Lines
B. Elemento at Prinsipyo
line
C. Kagamitan:
crayons
D. Sanggunian: K-12 Art
Teacher’s Guide
pp. 29-30
Pupils; Activity Sheet pp. 14-15

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ilang kulay ang pinaghahalo sa 7 colored blasting?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Maglagay ng dalawang tuldok sa pisara.
Ilang guhit o linya ang kaya ninyong buuin pag pinagdugtong angdalawang tuldok na ito?

C. Pagpoproseso ng Gawa:
1. Ipakita ang modelo ng Vertical at Horizontal Lines.
2. Anu-anong mga linya ang ginamit?
3. Ano ang pagkakaiba ng vertical lines at horizontal lines?

IV. Pagtataya:
Gamit ang krayola gumawa ng disenyo ng vertical lines at horizontal lines.

V. Kasunduan:
Gumuhit ng ng kahon gamit ang vertical at horizontal lines.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa HEALTH


Pinagsanib na aralin sa Science at Art
Ikalawang Markahan
Ikawalong Linggo
(Ika-limang Araw)

I. Layunin:
- Naipapakita ang tamang gawi sa pagtatakip ng bibig kapag umuubo at kapag bumabahin.
- nasasabi kung bakit dapat takpan ang bibig kapag umuubo at bumabahin
- nakikiisa sa gawain para sa pagpapalaganap ng kalinisan
-
II. Paksang Aralin: Healthy Me
A. Tamang Gawi sa Pag-ubo at Pagbahin
B. Kagamitan: panyo
C. Sanggunian: k-12 Health Curriculum Guide
page 17
Modyul 1, Aralin 1 pah 36
Pupils’ Activity Sheet pp. 36-39
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1 . Balik-aral
Kailan mo dapat hugasan ang iyong mga paa?
2. Pagganyak:
Magpakita ng isang panyo.
Ano ito? Mayroon ba kayo nito?
Saan ba ito ginagamit?

B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad:
Iparinig ang kwento:
Masama ang pakiramdam ni Ramil.
Nang bigla siyang napabahin sa kanyang kamay.
“Hatsing!” “Naku, Ramil! Huwag kamay ang gamitin mo na pantakip sa pagbahin.
“Ipagpaunmanhin mo, Rita.”
“Ayo slang, Ramil. Hayaan mong turuan kita kung paano umubo at bumahin ng tama.
Sige, simulan na natin.
1. Takpan ang pag-ubo at pagbahin gamit ang panyo o tissue paper.
2. Itapon ang tissue paper na gamit na sa tamang basurahan.
3. Kung ikaw ay may sipon mag-suot ng surgical mask.

2. Pagtalakay:
Talakayin ang kahalagahan ng tamang gawi sa pag-ubo at pagbahin.

3.Paglalahat:
Ano ang dapat gawin kapag umuubo o bumabahin

Tandaan: Sa pag-ubo at pagbahin bibig ay takpan upang sakit ay maiwasan.

4. Pagsasanay:
Ipasakilos sa mga bata nang pangkatan ang wastong gawi sa pag-ubo at pagbahin.

IV. Pagtataya:
Iguhit ang masayang mukha kung tama ang gawing pangkalusugan.
Iguhit ang malungkot na mukha kung hindi tama ang gawing pangkalusugan.
(Tingnan sa pah. 40 ng Pupils’ Activity Sheet)
1.
2.
3.
4.
5.

V. Kasunduan:
Isaulo ang tandaan.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa
pamayanan tulad ng:
- Pagiging tapat

II. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan (Peace & Order)


Aralin4: Mahal Ko ang Aking Kapwa
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching
Guide ph. 18-19; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85; Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon
I pah. 43-45
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga larong Pilipino na alam ninyo?
2. Pagganyak:
Ipabigkas sa mga mag-aaral:
Ibig kong maglaro
Ng sungka at piko
Ng sipa at taguan
At saka habulan.
Ano ang ibig gawin ng bata?
Bakit kayo masaya kapag naglalaro?

B. Panlinang na Gawain:
Iparinig ang awit:(Himig: Leron-leron)
Tayo nang maglaro
Ng tagu-taguan
Sa liwanag ng buwan
Tayo’y maghabulan.

Ikaw na ang taya


Huwag mandaraya
Ikaw ang maghuli
Ng mga kasali.

2. Pagtalakay:
Anong laro ang ginawa ng mga bata sa awit?
Naranasan ninyo na bang laruin ang tagu-taguan?
Masaya ba kayo sa inyong pakikipaglaro? Bakit?
Paano kung may madaya sa mga kalaro mo, ano ang gagawin mo?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat ba tayong maging tapat sa ating pakikipaglaro? Ang pandaraya ay dapat iwasan dahil ito ay
panlalamang.

Tandaan:
Ang pandaraya ay dapat iwasan sa pakikipaglaro dahil ito ay panlalamang.
2. Paglalapat:
Bigkasin nang pangkatan:
Ang pandaraya’y isang panlalamang\Sa hangaring matalo ang kalaban
Ngunit walang kasiyahan sa kalooban
Pagkat di naging parehas ang laban.

IV. Pagtataya:
Lutasin:
Kasali ka sa laro ng basketbol. Natalo kayo ng inyong kalaban. Ano ang iyong gagawin?

V.Takdang-aralin
Isaulo ang tugma sa Paglalapat.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan tulad ng:
- Pagiging tapat

II. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan (Peace & Order)


Aralin4: Mahal Ko ang Aking Kapwa
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching
Guide ph. 18-19; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85;
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Sagutin: Tama ba o Mali?
__a. Dayain ang kalaban kung hindi nakatingin.
___b. Kung ikaw ay natalo sa laro, batiin mo at kamayan ang tumalo sa inyo.
___c. Sabihan ng “madaya” ang
kalaban na nanalo.
____d. Umiyak kapag natalo sa laro.
____e. Masaya ang batang madaya sa laro.
2. Pagganyak:
Nakasakay ka na ba sa taxi?

B. Panlinang na Gawain:
1. Iparinig ang kwento:
Isang tsuper ng taxi ang Si Mang Gorio.
Masipag siya at matiyaga sa kanyang paghahanapbuhay. Mula umaga hanggang gabi siya ay
namamasada ng taxi. Magalang at mabait din siya sa kanyang mga pasahero.
Isang araw, isang banyagang turista ang naisakay ni Mang Gorio. Dahil sa dami ng bagahe ng turista
di nito namalayang naiwan pala sa taxi ang kanyang pitakang may lamang dalawang libong dolyar.
Nang makita ni Mang Gorio ang pitaka hindi siya nagdalawang isip.
Nagpunta siya sa pinakamalapit ng istasyon ng radio at ipinanawagan ang may-ari ng pitaka.
Dahil sa katapatang ipinakita ni Mang Gorio
binigyan siya ng pabuya ng turista subalit hindi niya ito tinaggap. “Karangalan ko ang maglingkod
nang tapat sa akin mga pasahero.” ang sabi ni Mang Gorio.

3. Pagtalakay:
Ano ang hanapbuhay ni Mang Gorio?
Anu-ano ang mga katangian niya?
Bakit naiwan ng turista ang pitaka sa taxi ni Mang Gorio?
Bakit hindi tinanggap ni Mang Gorio ang pabuya o gantimpala?
Anong mabuting ugali ang ipinamalas ni Mang Gorio?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat ba tayong maging tapat sa ating kapwa?
Tandaan:
Ang pagsasauli ng mga napulot na bagay ay isang paraang ng katapatan.

2. Paglalapat:
Nag-iisa ka sa loob ng silid-aralan. May nakita kang isang daang pisong nakakalat sa sahig. Ano ang
gagawin mo?

IV. Pagtataya:
Ikahon ang tamang sagot.
1. Si Mang Gorio ay isang ( tsuper, magsasaka, guro).
2. Siya ay nagmamaneho ng (tren, traysikel, taxi).
3. Nakapulot siya ng ( wallet, alahas, maleta).
4. Ibinalik ni Mang Gorio ang pitaka sa pamamagitan ng pagpunta sa istasyon ng (tren, pulis, radio).
5. Si Mang Gorio ay nagpakita ng ( katangahan, katamaran, katapatan).

V.Takdang-aralin
Buuin ang tugma.
Hindi mo dapat ariin o angkinin ang bagay na hindi ________.
Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan tulad ng:
- Pagiging tapat

II. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan (Peace & Order)


Aralin4: Mahal Ko ang Aking Kapwa
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching
Guide ph. 18-19; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85;
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Muling balikan ang kwento tungkol kay Mang Gorio.
Itanong: Paano ipinakita ni Mang Gorio ang kanyang katapatan?
2. Pagganyak:
Nakaranas ka na bang makakuha ng mababang iskor sa pagsusulit?
Ano ang ginawa mo? Bakit?

B. Panlinang na Gawain:
1. Iparinig ang kwento:
“Ang Pagsusulit’
Nagpalipad ng saranggola ang magkakaibigan sa bukid. Wiling-wili sila sa pakikipagpataasan ng
lipad ng saranggola.
Maya-maya, nag-aya na si Arnold na umuwi dahil naalala niya na may pagsusulit pa sila bukas
,kailangan pa niyang mag-aral ng leksiyon at maghanda para sa pagsusulit. Si Dan naman ay
nagpaiwan pa at gabi na nang makauwi. Dahil sa pagod hindi na niya napaghandaan ang kanilang
test.
Kinabukasan, walang maisagot si Dan sa pagsusulit kaya nangopya na lamang siya ng sagot sa katabi
niya. Nang magbigayan ng papel,
napakamot siya ng ulo dahil bagsak lahat at mababa ang naging iskor niya.

2. Pagtalakay:
Ang ginawa ng magkakaibigan sa bukid?
Bakit nag-aya ng umuwi si Arnold?
Sino ang nagpaiwan pa para maglaro?
Bakit napakamot si Dan sa ulo ng makita ang papel niya?
Tama ba ang ginawa niyang pangongopya?
Naging matapat ba siya? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat ba tayong maging tapat sa ating kapwa?
Tandaan:
Ang pangongopya sa pagsusulit ay pandaraya. Dapat itong iwasang gawin ninuman.

2. Paglalapat:
Lutasin:
May test kayo sa ispeling. Di ka nakapagsanay dahil naglaro ka sa kapitbahay. Ano ang gagawin
mo?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / kung nagpapakita ng katapatan sa pag-aaral. X ang hindi.
___1. Di baling mababa ang makuha huwag lamang mangongopya.
___2. Mag-aral na mabuti para magng handa sa anumang pagsusulit.
___3. Kapag nasero sa test punitin na lamang ang papel para hindi makita ng nanay.
___4. Sisihin ang katabi kapag mababa ang naging iskor.
___5. Turuan ang katabi ng maling sagot.

V.Takdang-aralin
Buuin ang tugma.
Ang batang matapat
Ay kinatutuwaan ng _____.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan tulad ng:
- Pagiging tapat

II. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan (Peace & Order)


Aralin4: Mahal Ko ang Aking Kapwa
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching
Guide ph. 18-19; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85;
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
. Lagyan ng / kung nagpapakita ng katapatan sa pag-aaral. X ang hindi.
.___a. Di baling mababa ang makuha huwag lamang mangongopya.
___b. Mag-aral na mabuti para magng handa sa anumang pagsusulit.
.___c. Kapag nasero sa test punitin na lamang ang papel para hindi makita ng nanay.
.___d. Sisihin ang katabi kapag mababa ang naging iskor.
___e. Turuan ang katabi ng maling sagot.

2. Pagganyak:
Ano ang paborito mong ulam?
B. Panlinang na Gawain:
1. Iparinig ang kwento:
“Ang Binilad na Daing’
Nagbilad ng ilang isda si Aling Mila para mayroon silang ulam sa hapunan. Bago siya umalis ay
ibinilin niya ito sa anak na si Anjo. “Titingnan-tingnan mo nga Anjo ang binilad kong isda, hano?
Baka kainin ng pusa,”.
Nang oras ng pagluluto hinahanap ni Aling Mila ang ibinilad na daing.
Walang mailabas na isda si Anjo dahil sa kalalaro niya ng kompyuter ay nakalimutan niya
itong iligpit kaya nakain ng pusa. Sa takot na mapagalitan ng ina sinabi na lamang niya na hindi alam
kung sino ang kumuha sa kanilang mga kapitbahay.

2. Pagtalakay:
Sino ang nagbilad ng isda?
Para saan ang ibinilad na isda?
Kanino ibinilin ni Aling Mila ang pagsisilong ng isda?
Bakit nawala ang isda?
Anong dahilan ang sinabi ni Anjo sa ina para hindi siya masisi?
Tama ba ang kanyang ginawa? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat ba tayong maging tapat sa ating kapwa?
Tandaan:
Ang pagsisinungaling o hindi pagsasabi ng totoo ay masamang ugaling hindi dapat taglayin ng isang
tao.
2. Paglalapat:
Awit; Makinig at Sabihin

IV. Pagtataya:
Lutasin:
Nakita mo nang mabunggo ng mga batang nagtatakbuhan ang isang batang kinder.
Nasaktan ang bata at nagkaroon ng sugat sa braso. Tinatanong ng guro kung sino ang may gawa
noon.
Alam mo kung sino ang nakabunggo sa bata pero pinipilit ng batang nakabunggo na hindi raw siya
ang nakasakit. Ano ang gagawin mo?

V.Takdang-aralin
Buuin ang tugma.
Ang batang matapat
Ay kinatutuwaan ng _____.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin:
- Naisasagawa ang mga paraan upang makamtan at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan tulad ng:
- Pagiging tapat

II. Paksang Aralin: Pagpapanatili ng Kaayusan at Kapayapaan (Peace & Order)


Aralin4: Mahal Ko ang Aking Kapwa
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13; Teaching
Guide ph. 18-19; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 84-85; Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon
I pah. 43-45
Kagamitan: larawan ng bata, tsart ng kwento

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Itambal ang salita sa angkop na larawan.
Bawal magsalita ng masama.
Bawal makinig ng masama.
Bawal tumingin sa masama.

2. Pagganyak:
Awit: Peel Banana

B. Panlinang na Gawain:
1. Iparinig ang kwento:
“Balat ng Saging’
Isang hapon kumain ng saging si Pepe.
Dahil tinatamad siyang tumayo at itapon ang balat nito sa tamang tapunan, inihagis na lamang niya
ito sa labas ng kanilang bintana.
Nang dumating ang kanyang ate di nito napansin ang balat ng saging. Natapakan niya ito at dali-dali
siyang nadulas at nagkalabog. Malakas na napaiyak ang ate ni Pepe dahil nasaktan siya.
Tinanong ng nanay kung sino ang nagtapon ng balat ng saging sa bintana. Agad namang inamin ni
Pepe ang nagawang kasalanan.
Humingi siya ng tawad at nangakong di na
niya uuliting magtapon kung saan-saan .

2. Pagtalakay:
Sino ang kumain ng saging?
Saan niya itinapon ang balat ng saging?
Sino ang nadulas sa balat ng saging na itinapon niya?
Bakit napaiyak nang malakas ang ate niya?
Tama ba ang ginawang pag-amin ni Pepe sa kasalanan niya?
Kung ikaw si Pepe, aaminin mo rin ba ang kasalanan mong nagawa? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Dapat ba tayong maging tapat sa ating kapwa?
Tandaan:
Ang pag-amin sa nagawang kasalanan ay isang katapatan.
2. Paglalapat:
Pagsasadula sa kwento nang pangkatan.

IV. Pagtataya:
Lutasin:
Ginamit ni Lito ang aklat ng kuya na hindi niya ipinagpaalam. Sa paaralan, naiwala niya ito.
Nang hinahanap ng kuya ni Lito ang aklat hindi siya kumibo. Tama ba ang ginawa niya? bakit?

V.Takdang-aralin
Pangako: Sisikapin kong maging ____sa lahat ng oras.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Unang Araw)

I. Layunin
Nasasabi ang kahalagahan ng kalayaan sa ating bansa.
Naibibigay ang kahalagahan ng mga salita sa pamamagitan ng pagtatambal nito
Nakikinig na mabuti sa talambuhay na babasahin
Nahuhulaan kung tungkol saan ang talambuhay batay sa sariling karanasan.
Nakagagawa ng hinuha tungkol sa mangyayari batay sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari sa
talambuhay.
II. PaksangAralin: “Talambuhay ni Pangulong Sergio Osmeña
A. Talasalitaan: Pagbibigay ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng pagtatambal nito
B. Pagbigkas na Wika: Pakikinig na mabuti sa talambuhay na babasahin
C. Pag-unawa sa Binasa: Pahuhulaan kung tungkol saan ang talambuhay batay sa sariling karanasan
Paghinuha tungkol sa mangyayari batay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa talambuhay.
.
D. Kasanayan sa Wika: Pagbibigay ng kasingkahulugan ng mga salitang naglalarawan.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala ng letrang mula sa ibinigay na salita.
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto Xx/Ññ
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik
Xx/Ññ
Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 306-326
Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Xx/Ññ ,plaskard, Tsart ng kwento.
III. Pamamaraan:
A. Gawain Bago Bumasa:
1. Paghahawan ng balakid:
patnugot – may akda liderato - pamunuan
kasarinlan – kalayaan gerilya- samahan
humalili – pumalit laban sa Hapones
kumandidato- lumahok
2. Pagganyak:
Ipakita ang larawan ni Pangulong Sergio Osmeña.
Itanong: Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
3. Pangganyak na Tanong:
Sino ang pangalawang pangulo ng Komonwealth ng Pilipinas?
Tanong Hulang Sagot Tamang Sagot

Sino ang
ikalwang
pangulo ng
Komonwealth
ng Pilipinas?

Itala an gang mga hulang sagot ng mga bata. Ibigay ang tamang sagot pagkatapos ng
talambuhay.
4. Pamantayan sa Mabuting Pakikinig
B. Gawain habang Bumabasa
1. Paglalahad:
Babasahin ng guro ang kwento sa mga bata.
Talambuhay ni Pangulong Sergio Osmeña, Sr. (Tingnan sa pah. 308 ng MTB-MLE Guide)
C. Gawain Pagkatapos Bumasa:
1. Pagtalakay:
Sino ang ikalawang pangulo ng Komonwealth ng Pilipinas?
Kailan siya ipinanganak?
Saan siya ipinanganak?
Sinong pangulo ng Pilipinas ang pinalitan niya?
Sino ang tumalo sa kanya sa halalan?
2. Pangkatang Gawain:
Patnubayan ang mga bata sa pagsasagawa ng gawaing nakalaan sa bawat pangkat.

IV. Pagtataya:
Balikan ang mahahalagang detalye sa kwento.
Ikahon ang wastong sagot.
1. Si Sergio Osmeña ay ipinanganak sa
______________.
2. Kailan ang kanyang kaarawan?________
3. Saang lalawigan sa Visayas siya naglingkod bilang pansamantalang gobernador?
4. Sino ang kasama niyang nagpunta sa Estados Unidos?
5. Ano ang ginawa niya ng matalo siya ni Manuel Roxas?_________

V. Kasunduan:
Sumulat ng 5 katangian ni Pangulong Sergio Osmeña.

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Layunin
Naibibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang naglalarawan.

II. PaksangAralin: “Talambuhay ni Pangulong Sergio Osmeña


A. Talasalitaan: Pagbibigay ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng pagtatambal nito
B. Pagbigkas na Wika: Pakikinig na mabuti sa talambuhay na babasahin
C. Pag-unawa sa Binasa: Pahuhulaan kung tungkol saan ang talambuhay batay sa sariling karanasan
Paghinuha tungkol sa mangyayari batay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa talambuhay.
D. Kasanayan sa Wika: Pagbibigay ng kasingkahulugan ng mga salitang naglalarawan.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala ng letrang mula sa ibinigay na salita.
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto Xx/Ññ
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik
Xx/Ññ
Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 306-326
Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Xx/Ññ ,plaskard, Tsart ng kwento.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Gamit ang larawan. Ipaayos ang mga ito sa mga mag-aaral ayon sa wastong pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari batay sa talambuhay ng Pangulong Sergio Osmeña.

2. Paglalahad
Ipakita muli ang larawan ni Pangulong Sergio Osmeña at bumuo ng webbing sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga katangian niya.
Ipakuha sa mga bata ang kasingkahulugan ng mga salitang ito sa loob ng kahon.
Hal. matalino masigla
makabayan matangkad
dalubhasa uliran

3. Talakayan:
Anu-ano ang salitang inilarawan kay Pangulong Sergio Osmeña, Sr?
Anong bahagi ng pananalita ang naglalarawan ng tao, bagay, pook at pangyayari? (pang-uri)
Ano ang masasabi mo sa mga pang-uri na pinagtambal?
Ito ba ay magkasingkahulugan o magkasalungat?
4. Paglalahat:
Tandaan:
Ang mga salita o pang-uri na magkasingkahulgan ay mga salitang magkapareho o magkatulad ang ibig
sabihin. nagkakaroon ng ibang kasingkahulugan ang isang salita dahil ang isang bagay ay maaring may
katangiang may pagkakatulad o pagkakahawig sa bagay na ikinumpara.
Ginagamit ang ibang kahulugan ng isang salita para malimitahan ang katangian ng isang bagay pero hindi
lumalayo kung ano ang gusting tukuyin o sabihin.
Hal. dambuhala – malaki o kaya’y higante
5. Pagsasanay:Pagtambalin ang pang-uri sa dalawang hanay.
maliit dukha
maganda munti
mahirap mahalimuyak
madungis marikit
mabango malinamnam
masarap madumi
6. Malayang Pagsasanay:
Thumbs Up – kung magkasingkahulgan at Thumbs Down – kung hindi
__1. mabuti- masama
__2. malakas – matatag
__3. malambot – matigas
__4. Maayos-masinop
__5. madilim – makulimlim

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / kung magkasingkahulgan at X kung hindi.
___1. maliksi-mabilis
___2. mayaman – mahirap
___3. masaya – malungkot
___4. mabango – mahalimuyak
___5. matangos – pango

V. Kasunduan:
Isulat ang kasingkahulgan:
dukha, matalas, mainit, maligaya, wasto
Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin
Nakikilala ang letrang mula sa ibinigay na salita
Nabibigkas ang tamang tunog ng alpabeto /Xx/
Naiuugnay ang larawan sa tamang salita
nakasusulat gamit ang komportable at mahusay na mahigpit na pagkakahawak ng lapis
Nakasusulat ng malaki at maliit na letrang Xx

II. PaksangAralin: “Talambuhay ni Pangulong Sergio Osmeña


A. Talasalitaan: Pagbibigay ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng pagtatambal nito
B. Pagbigkas na Wika: Pakikinig na mabuti sa talambuhay na babasahin
C. Pag-unawa sa Binasa: Pahuhulaan kung tungkol saan ang talambuhay batay sa sariling karanasan
Paghinuha tungkol sa mangyayari batay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa talambuhay.
D. Kasanayan sa Wika: Pagbibigay ng kasingkahulugan ng mga salitang naglalarawan.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala ng letrang mula sa ibinigay na salita.
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto Xx/Ññ
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik
Xx/Ññ
Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 306-326
Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Xx/Ññ ,plaskard, Tsart ng kwento.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Laro: Letter-Relay
(Tingnan ang pamamaraan sa pah. 313 ng MTB Guide)
2. Paglalahad
Magpapakita ang guro ng larawan at salitang nagsisimula sa letrang Xx.
Xerox x-ray xylographer
Saang tunog nagsisimula ang mga salita o larawan.

3. Pagbuo ng pantig, salita, parirala:


x-ray
xe-rox
Xy-rox
A-lex
malimit pagtawanan
pabaligtad magsalita
sabi ng guro
di niya alam
Pangungusap:
X-ray ng dibdib inirekomenda ng doctor kay Xyros.
Kwento;
Si Xilef ay malimit pagtawanan.
Pinagtatawanan siya ng kamag-aaral niya.
Pabaligtad magsalita si Xilef.
Sabin g guro niyang si Miss Xenia, “Huwag ninyong pagtawanan si Xilef.”
Hindi niya alam na ang Xilef ay Felix.
Sino ang laging pinagtatawanan?
Bakit pinagtatawanan si Xilef?
Tama ba ang pagtawanan siya? Bakit?

4. Paglalahat:
Ano ang tunog ng titik Xx?

5. Pagsasanay:
Pahanapin sa paligid ang mga bata ng mga bagay na nagsisimula sa tunog /Xx/

6. Malayang Pagsasanay:
Pagsulat ng letrang Xx

IV. Pagtataya:
Pag-ugnayin ng guhit ang larawan at pangalan nito.
larawan salita
1. Xerox machine
2. xylophone
3. Alex
4. xylographer
5. x-ray machine

V. Kasunduan:
Isulat:
Xx Xx Xx Xx Xx

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin
Nakikilala ang letrang mula sa ibinigay na salita
Nabibigkas ang tamang tunog ng alpabeto /Xx/
Naiuugnay ang larawan sa tamang salita
nakasusulat gamit ang komportable at mahusay na mahigpit na pagkakahawak ng lapis
Nakasusulat ng malaki at maliit na letrang Xx

II. PaksangAralin: “Talambuhay ni Pangulong Sergio Osmeña


A. Talasalitaan: Pagbibigay ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng pagtatambal nito
B. Pagbigkas na Wika: Pakikinig na mabuti sa talambuhay na babasahin
C. Pag-unawa sa Binasa: Pahuhulaan kung tungkol saan ang talambuhay batay sa sariling karanasan
Paghinuha tungkol sa mangyayari batay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa talambuhay.
.
D. Kasanayan sa Wika: Pagbibigay ng kasingkahulugan ng mga salitang naglalarawan.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala ng letrang mula sa ibinigay na salita.
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto Xx/Ññ
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik
Xx/Ññ
Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 306-326
Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Xx/Ññ ,plaskard, Tsart ng kwento.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Laro: Passing the Ball
Ipasa ang bola habang umaawit, ang batang mahihintuan ay magbibigay ng salitang may simulang
tunog /titik na Xx
2. Paglalahad
Magpapakita ang guro ng larawan at salitang nagsisimula sa letrang Ññ
Niña
Saang tunog nagsisimula ang mga salita o larawan.

3. Pagbuo ng pantig, salita, parirala:


Osmeña piña Niño Zuñiga Señor

Si Ñina
Siya ay nag-aaral
mahusay bumasa
magaling bumilang
nanay at tatay
Sto.Niño
PangungusapKwento:
Si Niña ay isinilang sa Parañaque.
Sa sto. Niño Elementary School siya nag-aaral.
Kahit bata pa siya, mahusay siyang bumasa.
magaling na rin siyang bumilang
Natutuwa ang nanay at tatay niya.

4. Paglalahat:
Ano ang tunog ng titik Ññ?

5. Pagsasanay:
Pahanapin sa paligid ang mga bata ng mga bagay na nagsisimula sa tunog /Ññ/

6. Malayang Pagsasanay:
Pagsulat ng letrang Ññ

IV. Pagtataya:
Pag-ugnayin ng guhit ang larawan at pangalan nito.

larawan salita
1. Señor
2. Zuñiga
3. Osmeña
4. Niño
5. Niña

V. Kasunduan:
Isulat:
Ññ Ññ Ññ Ññ

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

BanghayAralinsa MTB-MLE
Pinagsanib na Aralin sa EsP at Art
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin
Nakikilala ang letrang mula sa ibinigay na salita
Nabibigkas ang tamang tunog ng alpabeto /Xx/at /Ññ/
Naiuugnay ang larawan sa tamang salita
nakasusulat gamit ang komportable at mahusay na mahigpit na pagkakahawak ng lapis
Nakasusulat ng malaki at maliit na letrang Xx/Ññ/
II. PaksangAralin: “Talambuhay ni Pangulong Sergio Osmeña
A. Talasalitaan: Pagbibigay ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng pagtatambal nito
B. Pagbigkas na Wika: Pakikinig na mabuti sa talambuhay na babasahin
C. Pag-unawa sa Binasa: Pahuhulaan kung tungkol saan ang talambuhay batay sa sariling karanasan
Paghinuha tungkol sa mangyayari batay sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa talambuhay.
D. Kasanayan sa Wika: Pagbibigay ng kasingkahulugan ng mga salitang naglalarawan.
E. Kaalaman sa Alpabeto: Pagkilala ng letrang mula sa ibinigay na salita.
F. Pagkilala ng Salita: Pagbigkas ng tamang tunog ng Alpabeto Xx/Ññ
Pag-ugnay sa mga Salita sa Angkop na Larawan
G. Pagsulat: Pagsulat ng malaki at maliit na titik
Xx/Ññ
Sanggunian: K-12 Curriculum
MTB-MLE Teaching Guide pp. 306-326
Kagamitan: larawan ng may simulang tunog na Xx/Ññ ,plaskard, Tsart ng kwento.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Ilagay sa tamang hanay ang bawat salita.
Hanay A Hanay B

/Xx/ /Ññ/

2. Paglalahad
Pagbigayin ang mga bata ng iba pang salitang nagsisimula sa tunog na /Xx/ at /Ññ/

Ipabasa sa plaskard ang mga letrang napag-aralan na.


Ipabasa rin ang mga salitang mula sa nabuong mga letra.

5. Pagsasanay:
Laro: Bring Me Game
Ipadala sa harap ang salitang sasabihin ng guro mula sa paskilan.

6. Malayang Pagsasanay:
Pagsulat ng letrang Ññ at Xx

IV. Pagtataya:
Ikahon ang tunog na narinig sa nakalarawan.

1. Xerox /x/ /ñ/ /w/


2. Osmeña /h/ /ñ/ /x/
3. Señor /w/ /x/ /ñ/
4. x-ray /k/ /ñ/ /x/
5. taxi /h/ /x/ /ñ/
V. Kasunduan:
Isulat:
Ññ Ññ Ññ Ññ
Xx Xx Xx Xx

Puna: ___ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin
- Natutukoy ang mga mahahalagang lugar sa pamayanan at ilang gawain dito sa wikang Filipino.
II. Paksa: Mga Mahahalagang Lugar sa Ating Pamayanan
1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naibabahagi ang mga pangyayaring nasaksihan;
nakapagbibigay ng opinion at hinuha ukol dito
2. Gramatika: Natutukoy ang mga pandiwa sa mga pangungusap
3. Phonological Awareness: Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan: iba’t ibang larawan ng mga mahahalagang lugar sa pamayanan; mga puzzle ng
mga mahahalagang lugar
Sanggunian: Filipino Gabay ng Guro pah. 64-67

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Anong mahalagang lugar sa pamayanan ang alam mo?

2. Tukoy-alam:
Anu-anong lugar sa pamayanan ang mahalaga?

3. Tunguhin
Ngayong araw, ay tatalakayin natin ang mahahalagang lugar sa pamayanan.

4. Paglalahad
Bigyan ang bawat pangkat ng puzzle ng mga lugar sa pamayanan:
hal. paaralan, palengke, ospital, bahay-pamahalaan, tindahan, atbp.

5. Pagtuturo at Paglalarawan:
Anu-anong mga mahahalang lugar sa ating pamayanan ang nabuo ninyo?
Sabihin kung ano ang ginagawa sa bawat lugar na ito.
6. Paglalahat:
Anu-ano ang mga mahahalagang lugar sa pamayanan?

IV. Pagtataya:
Isulat kung saang lugar sa pamayanan ginagawa ang mga sumusunod na mga gawain. Piliin sa loob
ng kahon ang sagot.

. paaralan, palengke, ospital, health center


bahay-pamahalaan, tindahan , restoran

1. Dito nag-aaral ang mga bata sa pamayanan.____________________


2. Dito dinadala ang mga mamamayang may sakit o karamdaman upang ipagamot.__________
3. Dito nagbibigay ng libreng bakuna at pagtitimbang sa mga bata._________
4. Dito nag-oopisina ang mayor at iba pang pinuno ng pamayanan._____________
5. Dito kumakain ang mga tao._________

V. Kasunduan:
Cut at paste ng mga mahahalagang lugar sa pamayanan sa notbuk bilang 3.

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ikalawang Araw)
I. Layunin
- Nakapagsasalaysay ng isang pangyayaring nasaksihan sa isang mahalagang lugar sa pamayanan
gamit ang mga pandiwa sa wikang Filipino.

II. Paksa: Mga Mahahalagang Lugar sa Ating Pamayanan


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naibabahagi ang mga pangyayaring nasaksihan;
nakapagbibigay ng opinion at hinuha ukol dito
2. Gramatika: Natutukoy ang mga pandiwa sa mga pangungusap
3. Phonological Awareness: Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan: iba’t ibang larawan ng mga mahahalagang lugar sa pamayanan; mga puzzle ng
mga mahahalagang lugar
Sanggunian: Filipino Gabay ng Guro pah. 64-67
Panitikang Filipino 1 Ngayon pah.
114
III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Anu-anong gawain ang kaya mo ng gawin?

2. Tunguhin
Ngayong araw, ay mag-aaral tayo tungkol sa mga pandiwa.

3. Paglalahad
Iparinig/Ipabasa:
Ang Batang Masipag
Sa bahay nila ay lagi mo siyang makikitang may ginagawa.
Nagwawalis at nagdidilig ng halaman. Nagpupunas din siya ng mga alikabok sa sopa.
Pagkatapos ng gawain ay hindi niya nalilimutang mag-aral.
Nagbabasa siya ng mga kwento. Nagsusulat ng pangalan. At kung minsa’y nagdodrowing at
nagkukulay. Kay sipag talaga ni Tina. Tuwang-tuwa tuloy ang kanyang ama’t ina. Masipag ka
rin ba? Katulad ka rin ba ni Tina?

4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Anu-anong gawain ang ginagawa ni Tina sa kwento:
Isulat sa pisara ang sagot:
nagwawalis nagsusulat
nagdidilig nagdodrowing
nagpupunas, nagkukulay
nagbabasa
Ipasakilos ang bawat gawain sa mga bata.
Itanong: Gumalaw ba kayo o kumilos habang ginagawa ninyo ang mga sinasabi kong kilos o
galaw?
Ang mga ito ay tinatawag na mga salitang-kilos o pandiwa.

6. Paglalahat:
Ano ang pandiwa?
Tandaan:
Ang pandiwa ay salitang-kilos o galaw.

7. Kasanayang Pagpapayaman:
Pumili ng isang mahalagang lugar sa pamayanan, gamit ang mga salitang-kilos o pandiwa magbahagi
ng karanasang iyong nasaksihan.
Hal. Sa pamilihan aking nakita ang mga abalang mga tindera, nagtataga ng karne, nag-aayos ng gulay,
nagtitimbang ng isda, nagsusupot ng prutas, atbp.

IV. Pagtataya:
Ikahon ang pandiwang ginamit sa bawat pangungusap.
1. Pinainom ng nars ng gamot ang pasyente.
2. Nilagay ng tindera ang karne sa kilohan.
3. Pinunasan ng weyter ang mesa.
4. Hinuli ng mga tanod ang lasing.
5. Nagdasal ang mga tao sa simbahan.

V. Kasunduan:
Punan ng angkop na pandiwa upang mabuo ang mga pangungusap.
1. ______ang mga bata ng aklat.
2. Si Artur ang ______ng aso.
3. ______ni kuya ang mga halaman sa hardin.
4. ______nina Ken at Chris ang laman ng basura.
5. ______ng aso ang mga magnanakaw.

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ikatlong Araw)
I. Layunin
- Natutukoy ang pandiwa sa pangungusap sa wikang Filipino.

II. Paksa: Mga Mahahalagang Lugar sa Ating Pamayanan


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naibabahagi ang mga pangyayaring nasaksihan;
nakapagbibigay ng opinion at hinuha ukol dito
2. Gramatika: Natutukoy ang mga pandiwa sa mga pangungusap
3. Phonological Awareness: Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan: iba’t ibang larawan ng mga mahahalagang lugar sa pamayanan; mga puzzle ng
mga mahahalagang lugar
Sanggunian: Filipino Gabay ng Guro pah. 64-67
Panitikang Filipino 1 Ngayon pah.
114

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Ano ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw?

2. Tunguhin
Ngayong araw, ay muli nating tatalakayin ang mga pandiwa.

3. Paglalahad:
Magdaos ng laro: Hulaan Mo?
Pabunutin ang bata ng nakatiklop ng papel sa kahon. Ipabasa nang tahimik sa bata ang salitang
nakasulat. Ipakilos ito at pahulaan sa klase. Kung sino ang nakahula siya naman ang
magpapahula ng kilos o galaw.

4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Anu-anong pandiwa ang ibinigay at sinakilos sa harap ng mga bata?
Ipasakilos ang bawat gawain sa mga bata.
Itanong: Gumalaw ba kayo o kumilos habang ginagawa ninyo ang mga sinasabi kong kilos o
galaw?
Ang mga ito ay tinatawag na mga salitang-
kilos o pandiwa.

6. Paglalahat:
Ano ang pandiwa?
Tandaan:
Ang pandiwa ay salitang-kilos o galaw.

7. Kasanayang Pagpapayaman:
Pag-ugnayin ang angkop na pandiwa at ang gumagawa nito.
Gumagawa Pandiwa
karpintero nagbubunot ng ngipin
dentista nagtuturo
mangingisda nanggugupit
guro nagpupukpok
barber nanghuhuli ng isda

IV. Pagtataya:
Ikahon ang pandiwang ginamit sa bawat pangungusap.
1. Ang mga bata ay tumatalon.
2. Ang mga tao ay nagtatanim.
3. Naglinis ng lansangan ang mga kaminero.
4. Inayos ng pulis ang trapik.
5. Bumili ang mga mag-aaral sa kantina.

V. Kasunduan:
Gamitin sa sariling pangungusap.
1. naligo
2. kumain
3. naglalaro
4. nagtatakbo
5. nilinis

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa Filipino I


Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ika-apat na Araw)
I. Layunin
- Natutukoy ang pandiwa sa pangungusap sa wikang Filipino.
- Nakikilala ang aspektong pangnagdaan ng pandiwa

II. Paksa: Mga Mahahalagang Lugar sa Ating Pamayanan


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naibabahagi ang mga pangyayaring nasaksihan;
nakapagbibigay ng opinion at hinuha ukol dito
2. Gramatika: Natutukoy ang mga pandiwa sa mga pangungusap
3. Phonological Awareness: Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan: iba’t ibang larawan ng mga mahahalagang lugar sa pamayanan; mga puzzle ng
mga mahahalagang lugar
Sanggunian: Filipino Gabay ng Guro pah. 64-67
Alab ng Wikang Filipino I pah.239-240
III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Ano ang pandiwa?
2. Tunguhin
Ngayong araw, ay pag-aaralan natin ang aspektong pangnagdaan ng pandiwa.

3. Paglalahad:
Ipabasa ang mga pangungusap sa pisara:
a. Kumuha siya kanina ng gatas sa lata.
b. Si Cherry ay nagkasakit kahapon.
c. May sumiklab na tangke ng gas noong Linggo.
d. Bumalik ang kaklase ko sa bahay naming noong Sabado.
e. Sa akin ipinatapon ni nana yang basura kahapon.
4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa mga pangungusap. Ano ang tawag sa mga salitang
ito?
Kailan ginawa ang kilos o galaw?
Tapos na bang gawin ang kilos o galaw?
Bukod sa mga salitang kios sa mga pangungusap, anu-ano pang mga salita ang nagpapatunay na
naganap o nagyari na ang kilos o galaw?
Ano ang tawag sa mga salitang kilos na nagawa na?

6. Paglalahat:
Ano ang mga salitang nagsasabi ng kilos na ginawa na o naganap na?
Tandaan:
Ang mga salitang nagsasabi ng kilos na ginawa na o naganap na ay nasa aspektong pangnagdaan.
hal. kumain
lumakad
nagsalita
May mga salitang nagsasabi na ang kilos ay ginawa na o naganap na:
kanina, kahapon, noong nakaraang lingo o buwan

7. Kasanayang Pagpapayaman:
Ibigay ang aspektong pangnagdaan ng bawat salita:
Aspektong Pangnagdaan
Salitang ugat ( Nagawa na o naganap na)
inom uminom
laba
kanta
ligo
walis

IV. Pagtataya:
Lagyan ng angkop na pandiwa ang bawat patlang.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ang titik lamang sa patlang.
A. nagwalis D. nasalubong

B. pumasok E. nagpunas

C. dumating
Maagang _____sa paaralan ang mga mag-aaral sa unang baytang._____nila si Bb. Guevarra sa may
gate ng paaralan. Masisipag at mababait ang mga mag-aaral dito. Tahimik ang lahat nang _____ ang
guro sa silid-aralan. Maya-maya’y may mga batang ____ng sahig at ____ng alikabok sa mesa at
cabinet. Di nagtagal nag-umpisa na ang klase.

V. Kasunduan:
Gamitin sa pangungusap:
nagsibak, nagluto, nagtanim, nagligpit, nagdilig

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa Filipino I
Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ikalimang Araw)
I. Layunin
- nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita sa wikang Filipino.

II. Paksa: Mga Mahahalagang Lugar sa Ating Pamayanan


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Naibabahagi ang mga pangyayaring nasaksihan;
nakapagbibigay ng opinion at hinuha ukol dito
2. Gramatika: Natutukoy ang mga pandiwa sa mga pangungusap
3. Phonological Awareness: Nakapagbibigay ng serye ng magkakatugmang salita.
4. Mga kagamitan: iba’t ibang larawan ng mga mahahalagang lugar sa pamayanan; mga puzzle ng
mga mahahalagang lugar
Sanggunian: Filipino Gabay ng Guro pah. 64-67
Panitikang Filipino 1 Ngayon pah.
114

III. Pamamaraan:
1. Paunang Pagtataya:
Ano ang tawag sa mga salitang pareho ang tunog ng huling pantig?
2. Tunguhin
Ngayong araw, ay magkakaroon tayo ng mga gawain tungkol sa nga tugmang salita.

3. Paglalahad:
Ipabasa ang mga pangkat ng salita sa pisara sa mga bata.
namitas, binutas, umiwas, kinaskas
umindak, pumalakpak, sinasaksak, binakbak
nangarap, umirap, yumakap, hinanap
ginising, bumahing, umiling, nagsaing
naglaba, nagbura, nagpinta, nagsara

4. Pagtuturo at Paglalarawan:
Ano ang napansin ninyo sa serye ng mga salita?
Magkakatunog ba ang huling pantig nila?
Ano ang isinasaad ng bawat isang salita?
Gumagalaw ka ba kapag ginawa mo ang mga sinasabi ng mga salita?

6. Paglalahat:
Ano ang salitang magkatugma?
Tandaan:
Ang mga salitang magkatugma ay may parehong tunog sa hulihang pantig.

7. Kasanayang Pagpapayaman:
Magdaos ng Pangkatang laro:
Bigyan ang mga bata ng manila paper kung saan ididikit nila ang mga salita sa strip hahanapin ang mga
salitang magkakatugma sa serye.
IV. Pagtataya:
Punan ng 2 salitang katugma ng mga salita para mabuo ang serye ng mga salita.
1. dilis, walis, kamatis, _____, ______
2. manok, lamok, batok, ____, ______
3. papaya, mangga, umaga, ____, ____
4. saging, baging, uling, ____, _____
5. tulay, palay, bahay, ____, _____

V. Kasunduan:
Sumulat ng 2 salitang katugma ng salita sa unahan:
1. baraha, ____, _____
2. lubid, ____, ______
3. pagong, _____, _____
4. sibat, ______, _____
5. sapsap, _____, ______

Puna:
____ng bilang ng mag-aaral mula sa kabuuang bilang na _____ang nagpakita ng ____na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Unang Araw)

I. LAYUNIN:
Nakikilala ang mga pagpapahalaga ng iba’t ibang pamilya
- paglahok sa mga pagdiriwang
(Araw ng mga Patay)
II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Pagpapahalaga sa Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 9
Teacher’s Guide pp122-128
Activity Sheets pp. 136-137
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 139-141
Alab ng wikang Filipino I pah.296
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Balik-aral:
Laro: Hulaan kung anong uri ng pamilya ang tinutukoy sa mga sumusunod ng paglalarawan:
-sama-sama sa pagdarasal at pagsisimba ang mag-anak
- lahat ng kasapi ng mag-anak ay laging abala at may ginagawa
- ang mga magulang at mga anak ay marunong magpahalaga sa mga bagay tulad ng ilaw, tubig at
kuryente
3. Pagganyak:
Anong pagdiriwang ang ginugunita ng mga mag-anak tuwing ika-1 ng Nobyembre?
Paano ito ipinagdiriwang ng mga pamilya?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Paano ipinagdiriwang ng pamilya ang Araw ng mga Patay?
2. Paglalahad:
Araw ng mga Patay
Ang Araw ng mga Patay ay ipinagdiriwang ng mga Pilipino tuwing unang araw ng Nobyembre.
Pumupunta tayo sa libingan n gating mahal sa buhay na pumanaw o namatay na upang mag-alay
ng dasal para sa kanilang kaluluwa. Tayo ay naglalagay rin ng bulaklak at kandila sa kanilang
puntod.

3. Talakayan:
Anong pagdiriwang ang ginugunita tuwing ika-1 ng Nobyembre?
Paano ito ipinagdiriwang ng mga pamilya?
Ano ang pinahahalagahan ng mga mag-anak sa araw na ito?
Ang sarili mong pamilya ba ay nagpapahalaga rin sa araw na ito? Paano?

C. Paglalahat:
Ano ang pinahahalagahan ng iba’t ibang pamilya?
Tandaan:
Ang pagpapahalaga ng iba’t ibang pamilya ay ipinakikita sa pamamagitan ng paglahok sa mga
pagdiriwang tulad ng Araw ng mga Patay.
Dito pinahahalagahan ng pamilya ang mga yumaong mahal sa buhay.

D. Paglalapat:
Bilang bata, paano ka nakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Patay?
IV. Pagtataya:
Sagutin: Tama o Mali
___1. Pinahahalagahan ng mga Pilipino ang mga mahal sa buhay kahit ang mga ito ay patay na.
___2. Ang Araw ng mga Patay ay mahalagang pagdiriwang para sa mga Pilipino.
___3. Nag-aalay ng bulaklak at kandila sa mga buhay na kasapi ng pamilya.
___4. Ang Araw ng mga Patay ay ginugunita tuwing ika-1 ng Enero.
___5. Mahalaga na mag-alay tayo ng dasal at panalangin para sa mga mahal sa buhay na namatay na.

V. Kasunduan:
Gumuhit ng bulaklak na nais mong iaalay sa namatay mo ng mahal sa buhay.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ikalawang Araw)

I. LAYUNIN:
Nakikilala ang mga pagpapahalaga ng iba’t ibang pamilya
- paglahok sa mga pagdiriwang
(Pasko)

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Pagpapahalaga sa Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 9
Teacher’s Guide pp122-128
Activity Sheets pp. 136-137
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 139-141
Alab ng wikang Filipino I pah.297
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Balik-aral:
Sagutin: Tama o Mali
___1. Pinahahalagahan ng mga Pilipino ang mga mahal sa buhay kahit ang mga ito ay patay na.
___2. Ang Araw ng mga Patay ay mahalagang pagdiriwang para sa mga Pilipino.
___3. Nag-aalay ng bulaklak at kandila sa mga buhay na kasapi ng pamilya.
___4. Ang Araw ng mga Patay ay ginugunita tuwing ika-1 ng Enero.
___5. Mahalaga na mag-alay tayo ng dasal at panalangin para sa mga mahal sa buhay na namatay na.
3. Pagganyak:
Anong pagdiriwang ang ginugunita ng mga mag-anak tuwing ika-25 ng Disyembre?
Paano ito ipinagdiriwang ng mga pamilya?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Paano ipinagdiriwang ng pamilya ang Pasko?
2. Paglalahad:
Pasko
Ang Pasko ay ang araw ng kapanganakan ni Hesus. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng
Disyembre.
Bago sumapit ang Pasko ang mga tao ay nagsisimba mula Disyembre 16 hanggang Disyembre
24. Kung tawagin ito ay “Misa de Gallo”.
Maraming ginagawa ang mag-nak sa araw ng Pasko. Bukod sa pagsisimba, naghahanda rin sila
ng masasarap na pagkain, bumibisita sa mga kamag-anak at nagbibigayan ng mga regalo.

3. Talakayan:
Anong pagdiriwang ang ginugunita tuwing ika-25 ng Disyembre?
Paano ito ipinagdiriwang ng mga pamilya?
Ano ang pinahahalagahan ng mga mag-anak sa araw na ito?
Ang sarili mong pamilya ba ay nagpapahalaga rin sa araw na ito? Paano?
C. Paglalahat:
Ano ang pinahahalagahan ng iba’t ibang pamilya?
Tandaan:
Ang pagpapahalaga ng iba’t ibang pamilya ay ipinakikita sa pamamagitan ng paglahok sa mga
pagdiriwang tulad ng Pasko.
Dito pinahahalagahan ng pamilya ang pagsila ng ni Hesus. Para sa mga pamilyang Pilipino ito ang
pinakamasayang pagdiriwang ng taon para sa lahat lalo na sa mga bata.
D. Paglalapat:
Bilang bata, paano ka nakikiisa sa pagdiriwang ng Pasko?

IV. Pagtataya:
Ikahon ang tamang sagot.
1. Ang (Pasko, Bagong Taon, Araw ng mga Patay) ay kaarawan ni Hesus.
2. Nagsisimbang ( gabi, umaga, hapon) ang mga pamilya bilang paghahanda.
3. Nagbibigayan ang mga tao ng (regalo, rasyon, abuloy) kung Pasko.
4. Ang Pasko ang (pinakamasaya, pinakamalungkot, pinakanakakainip) na okasyon o pagdiriwang.
5. Bukod sa pagsisimba , naghahanda rin ang pamilya ng masasarap na ( bulaklak, pagkain, sitsirya).

V. Kasunduan:
Iguhit ang bagay na nais mong matanggap bilang regalo o aginaldo sa darating na Pasko.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ikatlong Araw)

I. LAYUNIN:
Nakikilala ang mga pagpapahalaga ng iba’t ibang pamilya
- paglahok sa mga pagdiriwang
(Bagong Taon)

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Pagpapahalaga sa Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 9
Teacher’s Guide pp122-128
Activity Sheets pp. 136-137
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 139-141
Alab ng wikang Filipino I pah.298
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Balik-aral:
Anong mahalagang pagdiriwang ang ginugunita tuwing ika-25 ng Disyembre?
Paano ito ipinagdiriwang ng mga pamilyang Pilipino?

3.Pagganyak:
Awit: Ang Pasko ay Sumapit
Ayon sa awit, bakit kailangang magbagong buhay ng mga tao?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Paano ipinagdiriwang ng pamilya ang Bagong Taon?

2. Paglalahad:
Bagong Taon
Ang Bagong Taon ay ginaganap tuwing Enero 1.
Masayang sinasalubong ng mga Pilipino ang araw na ito. Sa pagtatapos ng taon sa ganap na
ikalabindalawa ng hatinggabi ay nag-iingay ang mga tao. May mga nagsisindi ng lusis, may
nagpapaputok ng labentador at ang iba naman ay umiihip ng torotot. Sari-saring pagkain ang
inihahanda ng mga tao sa araw naito. Ang mga gawaing ito ay pasasalamat sa taong nakalipas at
masayang pagsalubong sa bagong taon.
3. Talakayan:
Anong pagdiriwang ang ginugunita tuwing ika-1 ng Enero?
Paano ito ipinagdiriwang ng mga pamilya?
Ano ang pinahahalagahan ng mga mag-anak sa araw na ito?
Ang sarili mong pamilya ba ay nagpapahalaga rin sa araw na ito? Paano?

C. Paglalahat:
Ano ang pinahahalagahan ng iba’t ibang pamilya?
Tandaan:
Ang pagpapahalaga ng iba’t ibang pamilya ay ipinakikita sa pamamagitan ng paglahok sa mga
pagdiriwang tulad ng Bagong Taon.
Dito pinahahalagahan ng pamilya ang pasasalamat sa taong nakalipas at pagsalubong sa bagong taon..
Para sa mga pamilyang Pilipino ito ay isa rin sa pinakamasayang pagdiriwang ng taon para sa lahat .
Sa araw na ito sinisikap ng lahat ng mga pamilya na mabuo ang buong pamilya.

D. Paglalapat:
Bilang bata, paano ka nakikiisa sa pagdiriwang ng Bagong Taon?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / kung gingawa ng mga pamilyang Pilipino ang paghahanda para sa Bagong Taon. X ang
hindi.
__1. Nagpapaputok ng labentador
__2. Nagluluto ng mga kakanin
__3. Namamasko sa mga ninang at ninong
__4. Nagsusuot ng mga damit na may bilog-bilog.
__5. Nagsisimbang-gabi ang mga tao.

V. Kasunduan:
Iguhit ang bagay na gagamitin mo para makiisa sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. LAYUNIN:
Nakikilala ang mga pagpapahalaga ng iba’t ibang pamilya
- paglahok sa mga pagdiriwang
(Pista)

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Pagpapahalaga sa Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 9
Teacher’s Guide pp122-128
Activity Sheets pp. 136-137
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 139-141
Alab ng wikang Filipino I pah.298
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Balik-aral:
Anong mahalagang pagdiriwang ang ginugunita tuwing ika-1 ng Enero?
Paano ito ipinagdiriwang ng mga pamilyang Pilipino?

3.Pagganyak:
Nakakita ng ba kayo ng parada?
Bakit ba nagkakaroon ng parada?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Paano ipinagdiriwang ng pamilya ang Pista?

2. Paglalahad:
Pista
Ang mga Pista ay masayang ipinagdiriwang ng mga tao sa iba’t ibang pamayanan sa bansa.
Sa buong taon ay may ginaganap na mga pistang bayan.
Ang petsa ng mga pistang bayan sa iba’t iabng lugar ay magkakaiba. Ang pista ay isinasagawa bilang
parangal sa santong patron ng isang bayan.
Naglalagay ang mga tao ng mga palamuti sa kalsada.
Nagkakaroon din ng paligsahan, sayawan, at palaro.
Nagsisimba ang mga tao sa araw ng pista. Sa gabi, may isinasagawang prusisyon upang iparada ang
patrong santo ng pamayanan.

3. Talakayan:
Anong pagdiriwang ang ginugunita tuwing may pista?
Paano ito ipinagdiriwang ng mga pamilya?
Ano ang pinahahalagahan ng mga mag-anak sa araw na ito?
Ang sarili mong pamilya ba ay nagpapahalaga rin sa araw na ito? Paano?

C. Paglalahat:
Ano ang pinahahalagahan ng iba’t ibang pamilya?
Tandaan:
Ang pagpapahalaga ng iba’t ibang pamilya ay ipinakikita sa pamamagitan ng paglahok sa mga
pagdiriwang tulad ng Pista.
Dito pinahahalagahan ng pamilya ang pasasalamat sa santong patron ng isang bayan .Para sa mga
pamilyang Pilipino ito ay isa rin paraan ng pasasalamat sa paggabay sa kanila ng patron sa kanilang
pamayanan.

D. Paglalapat:
Bilang bata, paano ka nakikiisa sa pagdiriwang ng Pista?

IV. Pagtataya:
Lagyan ng / kung gingawa ng mga pamilyang Pilipino ang paghahanda para sa Pista. X ang hindi.
__1. Nagpruprusisyon ng santong patron ang mga tao.
__2. Naghahanda ng mga iba’t ibang pagkain.
__3. Nagpapaputok ng labentador.
__4. May parada sa araw.
__5. May sayawan at palaro.

V. Kasunduan:
Alamin:
Sino ang santong patron ng iyong bayan.
Kailan ipinagdiriwang ang pista ng bayan.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

ARALING PANLIPUNAN I
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ikalimang Araw)
I. LAYUNIN:
Nakikilala ang mga pagpapahalaga ng iba’t ibang pamilya
- paglahok sa mga pagdiriwang
(Araw ng mga Puso)

II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin 1: Ang Aking Pamilya
1.1 Pagpapahalaga sa Pamilya
B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 9
Teacher’s Guide pp122-128
Activity Sheets pp. 136-137
Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Makabayan I pah. 139-141
Alab ng wikang Filipino I pah.298
C. Kagamitan:
Mga larawan, tsart
D. Integrasyon ng aralin sa Matematika at Sining
E. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
2. Balik-aral:
Anong mahalagang pagdiriwang ang ginugunita tuwing may pista?
Paano ito ipinagdiriwang ng mga pamilyang Pilipino?

3.Pagganyak:
Magpakita ng isang puso.
Itanong: Ano ang sinasagisag o sinisimbolo ng puso?

B. Panlinang na Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
Itanong:
Paano ipinagdiriwang ng pamilya ang Araw ng mga Puso?
2. Paglalahad:
Tula: Sa Araw ng mga Puso

3. Talakayan:
Anong pagdiriwang ang ginugunita tuwing ika-14 ng Pebrero?
Paano ito ipinagdiriwang ng mga pamilya?
Ano ang pinahahalagahan ng mga mag-anak sa araw na ito?
Ang sarili mong pamilya ba ay nagpapahalaga rin sa araw na ito? Paano?

C. Paglalahat:
Ano ang pinahahalagahan ng iba’t ibang pamilya?

Tandaan:
Ang pagpapahalaga ng iba’t ibang pamilya ay ipinakikita sa pamamagitan ng paglahok sa mga
pagdiriwang tulad ng Arawng mga Puso.
Dito pinahahalagahan ng pamilya ang pagmamahalan ng mga kasapi ng mag-anak.

D. Paglalapat:
Bilang bata, paano ka nakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso?

IV. Pagtataya:
Gumagawa ng isang Valentine’s Card.
Sulatan ng maikling sulat na nagpapahayag ng iyong pagmamahal sa iyong ama at ina.

V. Kasunduan:
Gumuhit ng isang malaking puso sa iyong notbuk 7.
Isulat sa loob ng puso ang pangalan lahat ng mga taong inaalayan mo ng pagmamahal.

Puna_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang nagpakita ng _____


na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.
Banghay Aralin sa Matematika
Unang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Unang Araw)

I. Mga layunin
- Nakapagbabawas ng tatluhang digit na bilang na may minuends na hanggang 999 ng may
regrouping.
II. Paksa
A. Aralin 1:Pagbabawas ng tatluhang digit na may minuends hanggang 999 with regrouping
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Matematika pah. 12 Lesson Guide in Elem . Math pah.
194
C. Go for Gold with Everyday Math pp. 238-243
D. Kagamitan: larawan ng mga bagay
E. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto : Pagbabawas ng tatluhang
digit na may minuends hanggang 999 ng may regrouping.
F. Pagpapahalaga: Kawastuan sa pagbilang
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
OBFAD
2. Balik-aral:
Paano ang pagbawas sa dalawahang digit na bilang ng may regrouping? Aling hanay ang
uunahin? panglawang babawasin at huli?
B. Paglalahad:
1. Pagganyak:
Magdaos ng laro.
Pabilisan ang pangkat sa pagsagot sa pisara.
May 15 biskwit si Sony. Kinain niya ang 7.
Ilang biskwit ang natira?

2. Ilahad:
Pag-aralan natin ang mga hakbang sa pagsagot sa pagbabawas ng tatluhang digit na may regrouping o
pagpapangkat.

May 573 na oranges sa isang fruit store. Kung 189 na oranges ang nabenta, ilang mga oranges ang
natira?
Sundin ang mga sumusunod na mga hakbang sa pagbabawas ng tatluhang digit na bilang na may
regrouping.
1 – Regroup mo ang sampuan.
Ibawas ang isahan.
613
573
- 189
4
Step 2 – Regroup ang hundreds.
Ibawas ang sampuan.

416
573
- 189
384
Step 3 – Ibawas ang hundreds
41613
573
- 189
384
C. Pagsasagawa ng Gawain
Ilang lahat ang oranges sa fruit store?
Ilan ang nabenta? Ilan ang natira?
D. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan
Ilang lahat ang oranges na natira?
Dapat ba na laging nagreregroup kapag nagbabawas? Bakit?

E. Paglalahat
Alin ang uunahin kapag nagbabawas ng tatluhang digit na may regrouping hanggang 999?
Tandaan:
Sa pagbabawas ng tatluhang digit, unahin munang bawasin ang bilang sa hanay ng isahan, tapos
isunod ang bilang sa hanay ng sampuan, at isunod ang daanan.
Kung mas malaki ang digit na nasa ibaba o subtrahend kaysa sa digit ng nasa itaas o minuend,
kailangang magregroup sa hanay na iyon.

G. Paglalapat:
Tawagin ang mga bata nang pangkatan sa pisara upang makita kung nasusunod ang konsepto sa
pagbabawas.

IV. Pagtataya:
Subtract: Isulat nang patayo. Pagtapat-tapatin ang mga hanay nang wasto.
1. 246 – 127
2. 485 – 199
3. 623 – 464
4. 976 – 787
5. 811 - 327

V. Takdang Aralin
Nakaipon si Kim ng P674. Nakaipon din si Miki ng P399. Magkano ang lamang ng naipon ni Kim
kaysa kay Miki?

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkat

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ikalawang Araw)

I. Mga layunin
- Nakapagbabawas ng tatluhang digit na bilang na may minuends na hanggang 999 ng may regrouping.
- Naiwawasto ang nakuhang sagot.
II. Paksa
A. Aralin 1:Pagbabawas ng tatluhang digit na may minuends hanggang 999 with regrouping and with
checking
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Matematika pah. 12 Lesson Guide in Elem . Math pah. 194
C. Go for Gold with Everyday Math pp. 238-243
D. Kagamitan: larawan ng mga bagay
E. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto : Pagbabawas ng tatluhang digit na may
minuends hanggang 999 ng may regrouping at may checking
F. Pagpapahalaga: Kawastuan sa pagbilang

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
OBFAD
2. Balik-aral:
Paano ang pagbawas sa tatluhanh digit na bilang ng may regrouping? Aling hanay ang uunahin?
panglawang babawasin at huli?
B. Paglalahad:
1. Pagganyak:
Awit: Come and join our Mathematics class
You will surely enjoy being here with us.
Learn to add and subtract
Multiply and divide.
Learning Math is really full of fun.
2. Ilahad:
Pag-aralan natin ang mga hakbang sa pagsagot sa pagbabawas ng tatluhang digit na may regrouping o
pagpapangkat at may checking ng sagot.
Problem.
Nagbayad ng Meralco bill ang nanay. P952 para sa buwan ng Hunyo at P633 sa buwan ng Hulyo.
Aling buwan ang mas mababa ang nakunsumong ilaw? Magkano ang ibinaba ng nakunsumong ilaw?
Tuusin Natin:
Step 1 – Regroup ang tens.
Ibawas ang isahan.
412
P 952
- 534
8
Step 2 – Regroup ang hundreds.
Ibawas ang sampuan.
412
952
- 534
P 418
Step 3 – Ibawas ang hundreds
412
952
- 534
P 418
1
Check: P418
+ 534
952
C. Pagsasagawa ng Gawain
Magkano ang ibinaba ng bayad sa Meralco bill?
Paano mo nalaman na tama ang pagtuos mo?
D. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan
Magkano ang natipid sa bayad ng Meralco Bill??
Dapat ba na laging nagreregroup kapag nagbabawas? Bakit?
E. Paglalahat
Alin ang uunahin kapag nagbabawas ng tatluhang digit na may regrouping hanggang 999?
Tandaan:
Sa pagbabawas ng tatluhang digit, unahin munang bawasin ang bilang sa hanay ng isahan, tapos isunod
ang bilang sa hanay ng sampuan, at isunod ang daanan.
Kung mas malaki ang digit na nasa ibaba o subtrahend kaysa sa digit ng nasa itaas o minuend, kailangang
magregroup sa hanay na iyon.
Para na check kung tama ang pagtuos, pagsamahin ang sagot at ang subtrahend.
G. Paglalapat:
Tawagin ang mga bata nang pangkatan sa pisara upang makita kung nasusunod ang konsepto sa
pagbabawas.

IV. Pagtataya:
Subtract: Isulat nang patayo. Pagtapat-tapatin ang mga hanay nang wasto. At icheck ang sagot.
1. 924 – 289
2. 448 – 159
3. 926 – 478
4. 534 – 278
5. 717 - 248

V. Takdang Aralin
Bumili ang nanay ng bagong damit sa halagang P235.
Nagbigay siya ng P500 sa tindera. Magkano pa ang sukli niya?

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto.

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Mga layunin
- Nakapagbabawas gamit ang isip lamang.

II. Paksa
A. Aralin 1:Pagbabawas Gamit ang Isip Lamang
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Matematika pah. 12 Lesson Guide in Elem . Math pah.
194
C. Go for Gold with Everyday Math pp. 260-262
D. Kagamitan: larawan ng mga bagay
E. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto : Pagbabawas Gamit ang Isip
Lamang
F. Pagpapahalaga: Kawastuan sa pagbilang
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Pagsasanay sa basic addition/subtraction facts
2. Balik-aral:
Mental Math sa Addition

B. Paglalahad:
1. Pagganyak:
Laro: Number Wheel
Gumamit ba kayo ng lapis at papel para masagot ang addition facts?
2. Ilahad:
Ngayon, susubukin naman nating magbawas gamit ang ating isip lamang.
Gamitin ang plaskard at hayaang magbawas ang mga bata gamit ang isip lamang.

C. Pagsasagawa ng Gawain
Anong kaalaman ang ginamit ninyo para masagot ang mga kombinasyon sa pagbabawas?

D. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan


Mas mabilis ba at mas madali kung iisipin lamang natin ang sagot kaysa isusulat pa?

E. Paglalahat
Paano ang pagsagot sa paraang mental math?

Tandaan:
Ang mental Math sa subtraction ay mabisang paraan ng mabilis at madaling paraan ng pagbabawas.
Ginagawa ito ng hindi gumagamit ng lapis at papel kundi isip lamang ang pinagagana.

G. Paglalapat:
Tawagin ang mga bata nang pangkatan upang makita kung nasusunod ang konsepto sa
pagbabawas.

IV. Pagtataya:
Gamitin ang Subtraction Wheel at tawaging isa-isa ang mga bata para sumagot gamit ang isip
lamang.

V. Takdang Aralin
Subtract mentally:
12 -9 11 -6 18 -8 11 – 7 15 - 7

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto.
Banghay Aralin sa Matematika
Unang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Mga layunin
- Nakapagbabawas gamit ang isip lamang.

II. Paksa
A. Aralin 1:Pagbabawas Gamit ang Isip Lamang
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Matematika pah. 12 Lesson Guide in Elem . Math pah.
194
C. Go for Gold with Everyday Math pp. 260-262
D. Kagamitan: larawan ng mga bagay
E. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto : Pagbabawas Gamit ang Isip
Lamang
F. Pagpapahalaga: Kawastuan sa pagbilang

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Pagsasanay sa basic addition/subtraction facts
2. Balik-aral:
Kumpletuhin ang subtraction table

- 9 8 7 6 5 4 3

18

17

16

15

14

B. Paglalahad:
1. Pagganyak:
Laro: Number Wheel
Gumamit ba kayo ng lapis at papel para masagot ang addition facts?
2. Ilahad:
May 17 babae at 9 na lalaki sa silid-aralan. Ilan ang lamang ng bilang ng mga babae kaysa mga
lalaki?

C. Pagsasagawa ng Gawain
Gamitin ang isip lamang sa pagtutuos.
D. Pagpapapatibay ng Konsepto at Kasanayan
Mas mabilis ba at mas madali kung iisipin lamang natin ang sagot kaysa isusulat pa?

E. Paglalahat
Paano ang pagsagot sa paraang mental math?

Tandaan:
Ang mental Math sa subtraction ay mabisang paraan ng mabilis at madaling paraan ng pagbabawas.
Ginagawa ito ng hindi gumagamit ng lapis at papel kundi isip lamang ang pinagagana.

G. Paglalapat:
Tawagin ang mga bata nang pangkatan upang makita kung nasusunod ang konsepto sa
pagbabawas.

IV. Pagtataya:
Subtract Mentally. Ididikta ng guro at sagot lamang ang isusulat ng bata sa papel.

V. Takdang Aralin
Gumawa ng sariling plaskard ng basic subtraction facts.

Puna: ____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na
bahagdan ng pagkatuto.

Banghay Aralin sa Matematika


Unang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ikalimang Araw)

I. Mga layunin
- Nasusuri ang word problem tungkol sa pagsasama ng mga bilang sa pamamagitan ng pagsasabi kung
ano ang tinatanong sa suliranin.

II. Paksa
A. Aralin 1: Pagsusuri sa Word Problems tungkol sa Subtraction (What is asked)
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. Pupils’ Activity Sheet pp. 28; Lesson Guide in Elem
Math I pah. 213-216
C. Kagamitan: plaskard
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto :Nasasabi ang tinatanong sa
suliranin.
E. Pagpapahalaga: Pagbibigay ng wasto at eksaktong sagot.

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda:
Laro: Subtraction Wheel

2. Balik-aral:
Ano ang ginagamit sa mental math?

3. Pagganyak:
Picking Fruit Game: Subtraction Facts

B. Paglalahad
1. Mayroon akong suliranin. Tulungan ninyo akong mahanap ang sagot.

Nagluto ang nanay ng 13 pakete ng ispageti para sa kaarawan ni Julia. 8 pakete ang nailuto at
naubos.
Ilang pakete pa ang natira?

2. Pagpoproseso ng Gawain:
Ano ang dapat kong alamin para masagot ang aking tanong? Ano ba ang hinahanap ko?
Ilan ang mga pakete ng ispageti na natira?
Ano ang dapat kong gawin para malaman kung ilan lahat ang sagot?

C. Paglalahat:
Sa paghanap ng sagot sa suliranin , ano ang dapat na unang hanapin? (what is asked)

Tandaan:
Ang unang hakbang sa pagsuri ng problema ay sabihin ang hinahanap o tinatanong.

D. Paglalapat:
Sabihin kung ano ang tinatanong o hinahanap sa mga sumusunod na problema.
May 45 na saging sa tray. 23 na saging ang nabili. Ilang saging ang natira?
Ano ang hinahanap sa problema na ito?
A. Bilang ng mga saging
B. Bilang ng mga mansanas
C. Bilang ng mga bayabas

IV. Pagtataya:
Ano ang hinahanap o tinatanong sa bawat suliranin?
1. 16 lobo, 7 lobo ang pumutok
Ilang lobo ang natira?

2. 45 na ibon, 23 ibon ang nakalipad.


Ilang mga ibon ang naiwan sa hawla?

3. 20 itlog sa tray. 10 itlog ang niluto.


Ilan ang natira sa tray?

4. 17 kulig , 6 na kulig ang nabenta.


Ilang kulig ang natira?

5. 27 holen, 13 holen ang pinamigay .


Ilang holen ang natira?
V. Kasunduan:
Lutasin:
35 na mga bata. 16 ang mga babae.
Ilan ang mga lalaki?

Iguhit ang mga binigay na datos.

Puna
____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nagpakita ng ___na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin

Banghay Aralinsa MUSIC


Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Unang Araw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
- Nakaawit ng simpleng awitin.
- Naipapahahayag ang sarili sa pamamagitan ng pag-awit.
II. Paksa: Awit: Ang Pasko ay Sumapit ni Levi Celerio
Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4
Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
Sunshine: A Journey to the World of Music I
Kagamitan: mga tunay na bagay: patpat, lapis, bote, lata

III. Pamamaraan :
A. Panimulang Gawain:
1 . Balik-aral
Muling ipaawit ang “Ang Pipit”.

2. Pagganyak:
Anong mahalagang okasyon ang ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre?

3. Paglalahad:
Ilahad ang awit sa tsart.
Gumamit ng cassette para sa tugtog.

Ang Pasko ay Sumapit


Ang pasko ay sumapit
Tayo ay mangagsiawit
Ng magagandang himig
Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig
Nang si Kristo’y isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawat isa ay nagsipaghandog
Ng tanging alay.

Bagong taon ay magbagong buhay


Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo’y magsikap upang makamtam natin
Ang kasaganahan.

Tayo’y mangagsiawit
Habang ang mundo’y tahimik
Ang araw ay sumapit
Na ang sanggol na dulot ng langit
Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral

At magbuhat ngayon kahit hindi pasko


Ay magbigayan
At magbuhat ngayon
Kahit hindi pasko
Ay magbigayan.

4. Pagtalakay:
Tungkol saan ang awit?
Anong uri ng awit ang dapat awitin ayon sa awit?
Sino ang isinilang sa Pasko?

5. Pagsasanay:
Tawagin nang pangkatan ang mga bata para sa pagpapakitang galing.

IV. Pagtataya:
Tawagin nang pangkatan ang mga bata para sa pag-awit.

V. Kasunduan:
Iguhit ang nais mong makamtam ngayong Pasko para sa iyong sarili.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralinsa MUSIC


Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(IkalawangAraw)
Pinagsanib na aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Art

I. Layunin
- Naibibigay ang mensahe ng awit.
- Nakaguguhit ng larawan nang maayos at maganda tungkol sa awit.

II. Paksa: Awit: It’s a Small World by Richard Sherman


Batayan: Music Teaching Guide pah. 1-4
Music teacher’s Module pah. 1-2
Music Activity Sheet pp. 1-2
Sunshine: A Journey to the World of Music I
Kagamitan: mga tunay na bagay: patpat, lapis, bote, lata

III.Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Muling ipaawit ang “Ang Pasko ay Sumapit”.

2. Pagganyak:
Magpakita ng globo. Ano ang bagay na ito?
Ano ang kinakatawan ng isang globo?
Naniniwala ba kayo na maliit lamang ang mundo?

3. Paglalahad:
Ilahad ang awit sa tsart.
Gumamit ng cassette para sa tugtog.

It’s a world of laughter


A world of tears
It’s a world of hopes
And a world of fears
There’s so much that we share
That each time we’re aware
It’s a small world after all.

Refrain:
It’s a small world after all
Get together one and all
Live in love and joy and peace
It is God’s own world.
There is just one moon
And one golden sun
And a smile means friendship to everyone
Though the mountains divide
And the oceans are wide
It’s a small world after all. (Repeat Refrain)

4. Pagtalakay:
Tungkol saan ang awit?
Ano ang pamagat ng awit?
Kaninong mundo ang tinutukoy sa awit?
Ano ang kahulugan ng ngiti para sa lahat?
Ano ang mensahe ng awit?

5. Pagsasanay:
Tawagin nang pangkatan ang mga bata para sa pagpapakitang galing.

IV. Pagtataya:
A. Tawagin nang pangkatan ang mga bata para sa pag-awit.
B. Gumuhit ng larawan na ipinahahayag sa awit.

V. Kasunduan:
Isaulo ang awit.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.
Banghay Aralin saEDUKASYON SA PAGPAPALAKAS NG KATAWAN
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ikatlong Araw)

I. Layunin:
- Naisasagawa ang pag-abot sa daliri ng mga paa.

II. Paksa: Kakayahan sa Pangangasiwa ng Katawan


A. Aralin: Pag-abot sa mga Daliri ng mga Paa
B. Sanggunian: Gabay na Kurikulum sa K-12 sa Edukasyon sa Pagpapalakas ng katawan sa baitang
I pah. 69-73; Pupils’ Acitivity Sheet in Grade I pah. 20
C. Kagamitan; larawan na nagpapakita ng mga kilos ng bahagi ng katawan sa panlahatang lugar.
D. Integrasyon, Sining, Matematika at Musika

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Pagtambalin ang larawan at Gawain. Gumamit ng guhit.
a. Pagtayo nang tuwid
b.Pag-unat ng mga kamay
c. Pagtayo sa iisang paa.
d. Pagyukod ng katawan
sa harapan hanggang baywang
e. Pagtayo nang magkahiwalay
ang mga paa.
f. Pagtayo na ang kamay ay nasa likod

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Nagawa mo na bang abutin ang mga daliri mo sa paa? Nagawa mo na ba ito sa iyong
ehersisyo?
Kung ito’y nagawa mo na, paano?

2. Gawain: (Imumustra ng guro sa harap)


Tumayo na magkatabi ang mga paa.
a. Iliyad ang katawan.
b. Itaas ang mga kamay sag awing likuran.
c. Iunat ang katawan at ilagay ang mga kamay sa dibdib.
d. Ibaluktot ang katawan sa harapan at abutin ang mga daliri sa paa.
e. Iunat ang katawan at ilagay ang mga kamay sa dibdib.
f. Ulitin ang lahat ng tatlong ulit.

3. Paglalahat:
Ano ang mabuting naidudulot ng ganitong uri ng pag-eehersisyo sa ating katawan?
Tandaan:
Ang pag-aabot sa daliri ng mga paa ay naiibang ehersisyo. Sa ehersisyong ito, dapat tuwid ang mga
tuhod. Dapat ding ibaluktot ang katawan upang maabot ang mga daliri ng mga paa. Sa ganitong
ehersisyo, magiging malaks ang ating mga katawan at mga kamay. Magiging malakas ang ating mga
tuhod at mga paa. Magiging malakas at magaan ang ating katawan. Magiging mabuti ang ating
pakiramdam.
4. Pagsasanay
Pangkatang Pagpapakitang Kilos

IV. Pagtataya
Pagtambalin ang larawan at Gawain. Gumamit ng guhit.
Gawain Larawan
1. Pagliyad ng katawan
2. Pag-unat ng katawan
3. Paglalagay ng mga kamay sa dibdib.
4. Pag-abot ng mga daliri sa paa.
5. Pagbaluktot ng katawan sa harapan
6. Pagtayo nang tuwid.

V. Kasunduan
Pag-aralan ang iba’t ibang kilos na natutuhan sa bahay.

Puna
_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin saART


Pinagsanib na Aralin sa art at Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:
- Nakagagawa ng iba’t ibang uri ng mga dibuho at magandang disenyo gamit ang hugis, linya at
kulay.

II. Paksang Aralin: Mga Disenyo katulad ng Parol


A. Talasalitaan
Parol – bagay na nakikita tuwing Pasko
B. Elemento at Prinsipyo
Line, color, pattern, shape
C. Kagamitan:
crayons
D. Sanggunian: K-12 ArtTeacher’s Guide pp. 36-39; Pupils; Activity Sheet pp. 24-25

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral:
Anu-ano ang mga uri ng linya.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak:
Ano ang bagay na nakikita ninyong nakasabit tuwing Pasko?
Ikwento ang paggawa ng parol ng mga tao sa Pampanga.
Marunong din ba kayong gumawa ng parol?

C. Pagpoproseso ng Gawa:
1. Ipakita ang modelo ng iba’t ibang hugis ng parol at disenyo
2. Ngayong araw, kayo ay magpipinta ng sarili ninyong parol.
3. Ipagawa ang gawain sa pah. 24-25 ng Pupils’ Activity Sheet.

IV. Pagtataya:
Gamit ang water color gumawa ng disenyo ng parol na gusto mo.
Hayaang maghalo ng mga kulay ang mga bata.

V. Kasunduan:
Alin sa mga okasyon ang pinakagusto mo? Bakit?

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

Banghay Aralin sa HEALTH


Pinagsanib na aralin sa Science at Art
Ikalawang Markahan
Ika-siyam na Linggo
(Ika-limang Araw)

I. Layunin:
- Nakakasanayan ang pagsusuot ng malinis na damit.
- Nakapagsusuot ng malinis na damit bago matulog sa gabi

II. Paksang Aralin: Wearing Clean Clothes


A. Clean Clothes
B. Kagamitan: larawan ng damit
C. Sanggunian: k-12 Health Curriculum Guide page 40-42 ; Pupils’ Activity Sheet pp. 42-44

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Muling ipasakilos ang tamang gawi sa pag-ubo at pagbahin

2. Pagganyak:
Clean Clothes
Children need to wear
Clean clothes everyday.
They’ll be good to look at
in that way.

B. Panlinang na Gawain
1. Ilahad:
Magpakita ng larawan ng isang batang marungis at isang batang malinis.
Sino sa dalawang bata ang ibig mo? Bakit?
Hayaang paghambingin ng mga bata ang mga bata sa larawan.

2. Pagtalakay:
Bakit kaya marumi ang batang nasa unang larawan?
Ano ang gagawin mo kung gusting makipaglaro sa iyo ang batang marungis na ito?

3. Paglalahat:
Ano ang dapat gawin para maging malinis ang katawan?
Kailan ka dapat magsuot ng malinis na damit?
Bakit kailangang malinis ang iyong damit kung ikaw ay matutulog?
Sino pa ang dapat na malinis ang damit?

Tandaan:
Kailangang maging malinis sa ating pananamit. Magbihis nang malinis na damit bago matulog sa
gabi.

4. Pagsasanay:
Alin ang dapat mong isuot? Piliin sa mga larawan ayon sa okasyon.

IV. Pagtataya:
Iguhit ang sarili habang suot ang damit pantulog.

V. Kasunduan:
Isaulo ang tandaan.

Puna

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ___ang nagpakita ng ___ na bahagdan ng
pagkatuto ng aralin.

You might also like