You are on page 1of 7

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Filipino (Baitang 9) Unang Markahan

Inilaang Araw Porsyento Bilang Ng DISTRIBUSYON NG AYTEM


Paksa (Saklaw Ng Aytem Ng
Paksa) Gagawin Knowledge Comprehension Application Analysis Synthesis Evaluation
PANITIKAN
Mga Akdang pampanitikan sa
Timog Silangang Asya
Aralin 1.1 Ang Ama 6 0.15 7 39, 3 16 21 24,31,32
Aralin 1.2Ang Alamat ni Prinsesa 5 0.125 6 9,10 4 22,13,27
Manorah
Aralin 1.3Kultura: Pamana ng 8 0.175 8 38 41-45 11,19,35
Nakaraan, regalo ng Kasalukuyan at
Buhay ng Kinabukasan
Aralin 1.4Kay Estella Zeehandelar 7 0.175 8 12,17,32 8 ,34 23,26 25
Aralin 1.5 Tiyo Simon 9 0.225 10 15,28 46-50 29 30,33
GRAMATIKA AT RETORIKA
Pangatnig at Tansitional devices 1 0.025 2 1 18
Pang-abay na Pamanahon 1 0.025 2 5 6
Mga Tayutay 1 0.025 2 36 37
Gamit ng mga Salitang Pang-ugnay 1 0.025 2 2 20
Pandiwang Panaganong Paturol 1 0.025 2 7 14

Inihanda ni: Nabatid: Pinagtibay:

CHIQUI N. AGUILAR PATERNA G. GENCIANEO NIMSI G. TOME


Guro Ulo ng Departamento Punong Guro
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI-Kanlurang Bisayas
Schools Division of Guimaras
JORDAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Pagsusulit Sa Unang Markahan
Para sa Filipino – Ikasiyam na Baitang
Inihanda nina: Gng Chiqui Aguilar at G. Alvin Gamarcha

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang pinakatamang sagot at isulat ito sa
inyong sagutang papel.

1. Ang pangatnig na samantala ay ginagamit na _________.


a. Panlinaw b. pananhi c. pantuwang d. panapos

2. Ang pang-ugnay ay bahagi ng salitang _________.


a. Pangkayarian b. pananda c. pantukoy d. pangawing

3. Sa pagsusuno-sunod ng mga pangyayari sa isang kwento, gumagamit tayo ng mga __________.


a. Pantukoy b. pangatnig c. pandiwa d. pang-abay

4. __________ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ang salitang nawawala sa pangungusap ay
a. Kung b. kapag c. sa d. simula

5. “ Ang bawat bituin ay naging putting munting bulaklak sa sadyang napakatamis ng samyo, ________ noon, ang
kanyang mga bulaklak ay naging paborito ng mga tao, pangkwintas sa mga dalaga at bisita, at pang-alay sa mga
Santa tuwing may okasyon”. Anong salita ang maaaring ipuno ng magiging pananda ng pang-abay na pamanahon?
a. Hanggang b. kaya c. mula d. kapag

6. Simula nang natutong magsarili, siya’y naging responsableng bata. Ang pangungusap ay may pang-abay na
pamanahong __________.

a. Walang pananda b. payak c. may pananda d. kapag


7. Alin sa mga sumusunod ang pandiwang paturol ang nasa perpektibong katatapos?
a. Kumaripas b. kumain c. katatayo d. pinagsabitan

8. Ang dekonstruksyon ay paraan ng pag-aanalisa ng teksto.ang pangungusap ay halimbawa ng _____________.


a. Pangangatwiran b. paglalahad c. pagkukuwento d. paglalarawan

Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa asya si Sitti Nurhaliza mula sa bansang Malaysia. Nagkamit siya
ng iba’t ibang awit –parangal hindi lamang sa kanyang bansa kundi maging sa pang-internasyunal na
patimpalak. Isa na rito ang titulong “ Vioce of Asia” nang makamit niya ang Grand Prix Champion mula sa Voice
of Asia Singing Contest na ginanap sa Almaty, Kazakstan.

9. Maituturing na salitang naglalarawn ang _________.


a. Pinakamahusay b. ginanap c. nagkamit d. patimpalak
10. Ang salitng may salungguhit sa Sanaysay ay nangangahulugang __________.
a. Pag-eensayo b. paligsahan c. pamahiin d. programa

11. Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na “Kultura: Regalo ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan, at Buhay ng
Kinabukasan ay nagpapahiwatig na ang kultura ay __________.
a. Nagbabago b. di nagpapalitan c. naalis d. di itinuturo

12. Nang tumuntong ako ng ikalabinlimang taong gulang, ako ay hindi itinali sa bahay, kinakailangang ikahon ako. Ano
ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Itinali sa bahay b. ikinulong c. pinagwalng bahala d. lahat ng nabanggit

13. Sa pangungusap na, “ ang araw ay muling sisikat sa dakong Silangan pagsapit ng umaga. “ Aling salita ang may dalaw
o higit pang kahulugan.
a. Araw b. umaga c. sisikat d. lahat ng nabanggit
14. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa panaganong paturol?
a. Pinuhin, anihin,ihain c. gamitan, asahan, pag-aralan
b. Kumaripas, tumatalilis, kakanta d. natapos, natatapos, matatapos

15. Ang ngiti ng ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw. Ang
sinalangguhitang pahayag ay nagpapahiwatig ng ____________.
a. Pagdurusa b. kaligayahan c. kalutasan d. kalungkutan

16. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng pangyayari, ito ay mauri bilang maikling kuwentong
a. panrelihiyon b. sosyolohikal c. pangkatauhan d. makabanghay

17. Kung ang Sanaysay na di-pormal at tinatawag na personal na Sanaysay, ang Sanaysay na impersonal naman ______.
a. Naglalarawan b. nagsasalaysay c. pormal d. nagsasalaysay

18. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatulong sa ___________.


a. Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento
b. Pagbibigay kahulugan sa knotasyon at denotasyong mga salita
c. Pagtukoy sa mga pangunahing tauhan saisang maikling kuwento o alamat
d. Pagkilala kung kalian naganap, nagaganap, gaganapin ang isang kilos

Kahit sa patalim kumapit


Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama

19. Sa saknong na isinulat ni Gloc-9 ay isang halimbawa ng


a. Mapagbiro b. naglalarawan c. mapanghikayat d. mapang-aliw

20. Sa mga pangungusap na, Nagutom si Mario at Nagluto ni Francis ng pansit, ano ang angkop na gamiting pang-ugnay
upang pag-ugnayin ang dalawang pangungusap?
a. Kaya b. palibhasa c. subalit d. datapwat

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanayang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naiisip. Mula ngayon,
magiging mabuti nasiyang ama. Dinukot niya sa kanyang bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa ( na
kiming inabot naman agat nito sa knay, tulad ng narararpat.).

21. Mahihinuhang ang amaay magiging _____________.


a. Matatag b. mabait c. matapang c. masayahin

22. Maituturing na alamat ang isang kuwento kapag ____________.


a. Ito ay nangyari sa tanyag na lugar
b. Naglalaman ito ng makatotohanang pangyayari
c. Nagsasalaysay ng pinagmulang ng isang bagay , lugar o pangyayari
d. Naglalahad ng patunay sa pinagmulan nng bagay o lugar

23. Ang lahat ay nagsasaad ng makatotohanang impormasyon maliban sa _____________.


a. Naganap ang makasaysayang EDSA Revolution noong Pebrero 25, 1986.
b. Taon-taon ay dinadaanan ng hindi bababa sa dalawampung bagyo ang Pilipinas.
c. Nakagagamot sa sakit ng ulo ang oregano.
d. Kung hindi tayo kikilos, maaaring mauwi sa wala ang ating pinaghirapan.

“Tapos po ako ng pagtuturo kaso lang wala pa ring mapasaukan. Oo nga po e, di mo na ba kaya kahit
‘yung tigtatatlong daan lang na kuwarto isang araw? Hindi po talaga kaya e”.
Sige, ipakita mo itong papel sa Social Services. Doon sa bandang kanan, Salamat po! Maraming
salamat.
Kailangang magpanggap, magsinungaling, mapunta lang si Rebo sa Charity Ward ng osital. Dito, kahit
paano, kutson ang mahihigaan ni Rebo, ‘di hamak na mas mainam kesa higaang bakal na de gulong ng
Emergency Room.
24. Ipinahiwatig ng teksto na ang ama ay ___________.
a. Maawain b. mapagmahal c. matulungin d. maalalahanin
Paalala nang paalala ang problema sa polusyon ngunit marami ang hindi nababahala sa kalagayang
ito. Binabalikat ngayon ng daigdig ang pinakamabigat na suliraning ito na maaaring dulot na rin ng
makabagong kabihasnan at siyensya. Mapapansing dahil ito sa malubhang pag-init ng mundo, pabago-bago
ang klima sa iba’t ibang panig ng munndo. Ang mabilis na pagkaubos ng mga puno sa kagubatan ay
nagbibigay rin ng suliranin sa polusyon hindi lamang sa atin pati na rin sa ibang bansa..

Sa nabanggit ng mga problema, ng mga problema, pinakamalubha ang suliranin sa basura sapagkat
ito ang nagpapalala ng ng polusyon sa lahat ng bansa. Kaya naman hindi tumitigil ang pamahalaan ng bawat
bansa at mga dalubhasa sa buong mundo sa paglutas ng mga problemang ibinigay nito sa daigdig.

Gayunpaman, hinndi dapat iaasa lahat sa mgaa grupo ng mamamayang may malasakit ang paglutas
sa suliranin ng bansa. Dapt magsimula ang pagkilos sa mga tahanan upang mapadali ang pagbibigay ng
kalutasan sa problemang idinudulot nito sa sangakatauhan.

25. Ano ang maaaring bunga ng pag-init ng mundo?


a. Matutunaw ang yelo na nagpapalala sa baha.
b. Mamamatay ang lahat na may buhay sa mundo.
c. Masusunog ang mga tao.
d. Magkakaroon ng gutom dahil sa kakulangan ng suplay ng pagkain.

26. Ano ang pinakamalubhang suliranin ng lahat ng mga bansa ayon sa teksto?
a. Basura b. pagkaubos ng mga puno c. polusyon d. pag-init ng mundo

27. Ang lahat ay sanhi ng pandaigdigang problema sa polusyon ayon sa akda, maliban sa isa.
a. Paggamit ng kahoy bilang panggatong c. Pagkaubos ng mga puno
b. Pagtatapon sa ilog at estero d. Makabagong kabihasnan at siyensya

Sa isang sentro ng Ohio, may isang tanawing batuhan sa isang patag na baybayin. Ang lugar na ito
ay nakilala sa tawag na Mount Pheasant. Dati ay may nakatayo ritong higanteng punongkahoy. Bago ito
pinutol,may makailang saling ang mga tao ay nag-ukit ng kanilang tanda at pangalan sa katawan nito. Sa
dami ng mg sulat sa balat nito, ang pgnanaan mag-iwan ng marka o tanda ng isang tao ay maliwanag.

Habang iniisp ko ito ay naalala ko ang sinabi ng isang matalinonng lalaki: “Huwag mong iukit ang
iyong alaala sa kahoy, iukit mo sa puso ng bata.” Ang pagmamarka sa material na bagay ay pag-aaksaya ng
oras at lilipas ito sa paglipas ng panahon. Ngunit ang tatak na maiiwan sa puso ng mga anak ay mananatili
hanggang wakas. Kaya kung nais ng isang ama na mag-iwan ng anumang magtatagal na alaala sa
kabataang ipinagkaloob sa kanaya ng Panginoon, umukit siya ng ispiritwal na alaala.

28. Ano ang ipinapahiwatig ng salitang may salunnguhit?


a. Kukupasang isang tanda o marking inukit sa puno o pader.
b. Magiiwan ka ng isang alaalang mananatili hanggang wakas.
c. Mahirap umukit ng tanda omarka sa puno o pader.
d. Hindi basta-basta mabubura ang isang alaal sa puso.

29. Makapag-iiwan ng pangmatagalang alaala ang isang tao sa pamamagitan ng __________.


a. Pag-iiwan ng marka o tanda sa puno. c. Pag-uukit ng ispiritwal na alaala.
b. Paggugol ng panahon sa mga bata. d. Pag-iiwan ng alaalang larawan ng isang tao.

30. Ano ang maaaring pamagat ng teksto?


a. Alaalang Inukit sa Puso c. Inikit naAlaala sa Puno
b. Bato sa Ohio d. Sa Paglipas ng Panahon

31. Sa kwentong “Ang Ama”, paano ipinakita ng ama ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak?
a. Huming siya ng patawad sa kanyang anak c. Naging responsible siyang ama
b. Nagig mabuti siyang asawa. d. Lahat ng nabanggit

32. Anong kultura ng Singapore ang masasalamin sa kuwentong “Ang Ama”?


a. Pagmamahal sa namatay c. di pantay na karapatan sa mga kababaihan
b. Pagmamahal sa mga anak d. lahat ng nabanggit
33. Bakit kailangan na magkaroon ng matibay na paniniwala ang isang tao sa Diyos?
a. Upang magkaroon ng takot sa Diyos c. Upang maging matapang.
b. Upang magkaroon ng sandigan d. Upang maging Malaya.

34. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang pormal na Sanaysay maliban sa isa:
a. Lohikal ang pagkakasuno-sunod ng mga ideya
b. Maingat na pinipili ang mga salitang ginamit na salita
c. Tumatalakay sa pangkaraniwang isyu
d. Seryoso at hindi nagbibiro

35. Paano naiiba ang tulang naglalarawan sa iba pang uri ng tula?
a. Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari c. Ginagamitan ng mga pang-uri
b. May sukat at tugma d. Ginagamitan ng mga simbolo at pahiwatig

36. Ito ay tayutay na ‘di tuwirang naghahambing ng dalawang magkaibang bagay.


a. Simili b. metapora c. personipikasyon d. pagmamalabis

37. “Umiyak pati langit sa tindi ng kanyang sinapit.” Anong tayutay ang ginamit sa pahayag.
a. Apostrophe b. ironiya c. pagmamalabis d. metapora

38. Ano ang inilarawan ng tula ni Patricio V. Villafuerte?


a. Ebolusyon ng ating kultura c. iba’t ibang panahon ng wika
b. Iba’t ibang panahon ng wika d. panitikan at lahing Pilipino

39. Ang akdang “Ang Ama”ay mula sa bansang _________.


a. Singapore b. Thailand c. Pilipinas d. Taiwan

40. Siya ang batang madalas pag-initan ng ama dahil sa malakas nitong halinghing.
a. Saitun b. Mui-mui c. Ah Yue d. Rebo

II. Ibigay ang hinihingi ng bawat pahayag.

41-45. Sumulat ng tula na binubuo ng dalawang saknong tungkol sa iyong pamilya.


46-50. Sumulat ng isang sanasay tungkol sa ISA sa mga magagandang tanawin dito sa Guimaras.
Salangguhitan ang mga pang-uring ginamit sa sanaysay.
Kagawaran ng Edukasyon
Kanlurang Bisayas
Rehiyon VI
JORDAN NATIONAL HIGH SCHOOl

Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino Grade 12

Tama o Mali
Panuto: Isulat ang tama kung ang pahayag ay wasto at mali kung ang pahayag ay di tama.
1. Ang Lakbay Sanaysay ay naglalayong maibahagi ang kultura, uri ng pamumuhay at paniniwala ng isang lugar.
2. Ang posisyong papel ay isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na paninindigan.
3. Sa pagpapahayag ng paninindigan sa posisyong papel,maari lamang ito isasagawa ng isang indibidwal.
4. Isa o dalawang pahina lamang ang pagsulat ng posisyong papel upang mas lalo itong maunawaan ng
mambabasa.
5. Sa pamamagitan ng posisyong papel, naipapakilala ng may-akda ang kanyang kredibilidad sa komunidad na may
kinalaman sa nasabing usapan.
6. Sa unang bahagi ng panukalang proyekto matatagpuan ang proponent.
7. Naging pormal at organisado ang daloy ng pagpupulong kung mayroong agenda.
8. Ang paggamit ng matalinhagang pahayag o tayutay sa pagsulat ng talumpati ay mahalaga.
9. Sa Photo Essay kinakailangang dagdagan ng maraming kapsyon ang bawat larawan upang mas lalong
maunawaan ang mensahing nais ihatid nito.
10. Mas magandang gamitin ang katwiran kaysa sa argumento sa pagsulat ng posisyong papel.

II. Pagkikilala
Kilalanin ang hinihingi ng sumusunod:
1. Ito ay isang uri ng sanaysay na makapagbabalik tanaw saa lugar na pinuntahan
ng manunulat
2. Kakikitaan ng mga magkakasunod- sunod na mga larawan upang mabuo ang isang ideya, paksa, o kwento.
3. Isa itong maikling buod ng pananaliksik, artikulo, tesis,disertasyon at rebyu na naisumite sa komperensiya upang
mabilis na matukoy ang layunin ng teksto.
4. Isang opinyon o kuro-kuro tungkol sa isang napapanahong isyu at sinasalita sa harap ng madla.
5. Mga imposmasyon tungkol sa buhay ng may-akda tulad ng kanyang “Akademik Career” na makikita sa likod ng
aklat.
6. Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng maikling kwento.
7. Isang aplikasyon na nangangailangan na maaproba o maresolba upang maging organisado at sistematiko ang
proyektong nais ipatupad.
8. Ito ay isang paninindigan na naglalayong makumbinsi ang kanyng mambabasa sa kanyang panig na
ipinaglalaban.
9. Isang kasulatan na nagsisilbing ibidensiya o sanggunian sa ginawang pagpupulong.
10. Tala ng mga gawain upang maging sistimatiko ang nasabing pagpupulong.

III. Enumerasyon:
1-7 ___ Bahagi ng panukalang proyekto
8-10___ Nilalaman ng katitikan ng pulong
11-13___ Mga paksa sa pagsulat ng Posisyong Papel
14-15__Uri ng paninindigan
16-

You might also like