You are on page 1of 3

Mga sektor ng ekonomiya

Pinagtuunan sa nakaraang markahan ang pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa


pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran. Lubhang
mahalaga ang maayos na ugnayan ng lahat ng sektor ng ekonomiya upang ganap na matamo ang
pambansang kaunlaran.

May mahahalagang papel na ginagampanan ang mga sektor ng ekonomiya (agrikultura,


industriya, at paglilingkod), gayundin ng impormal na sektor at kalakalang panlabas; upang
maisakatuparan ang pagkakamit ng pambansang kaunlaran. Lahat ng mamamayang Pilipino ay may
mga tungkuling dapat gampanan upang makamit ang pambansang kaunlaran.

Primarya (agrikultura) – paglikha ng pagkain at mga hilaw na materyales.

Sekundarya (industriya) – pagpoproseso sa mga hilaw na materyales, konstruksyon, pagmimina,


at paggawa ng mga kalakal.
Tersarya (Paglilingkod) – umaalalay sa buong yugto ng produksyon, distribusyon, kalakalan
at pagkonsumo ng kalakal sa loob o labas ng bansa. Kabilang dito
ang transportasyon, komunikasyon, pananalapi, kalakalan at turismo.

“ Antas ng Kaunlaran ng Bansa “


•Maunlad na Bansa (Developed Economies) – Ito ay mga bansang may mataas na Gross Domestic
Product (GDP), income per capita at mataas na HDI.

•Umuunlad na Bansa (Developing Economies) – Ito ay mga bansang may mga industriyang
kasalukuyang pinauunlad ngunit wala pang mataas na antas ng industriyalisasyon.

•Papaunlad na Bansa (Under Developed Economies) – Ito ay mga bansa na kung ihahambing sa iba
ay kulang sa industriyalisasyon, mababang antas ng agrikultura at mababang GDP, income per capita
at HDI.
PAGSUSULIT:
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na kwento at sagutin ang mga tanong:

#1
Si Belinda ay supervisor sa PLDT. Maaga siyang nag-retiro sa edad na 50 dahil sa mas malaki ang
inaalok ng kumpanya na kabayaran sa mga maagang nagreretiro. Nakatanggap siya ng P 1.5 milyon sa
kanyang 30 taong pagtatrabaho sa kumpanya. Minsan ay inalok siya ng kanyang kapwa nagretiro sa
PLDT na ilagay ang kanilang pera sa isang investment na magbibigay sa kanila ng P15,000 tubo bawat
buwan sa P1 milyong pera na ilalagak sa negosyo. Dahil sa laki ng tubo ay naengganyo si Belinda na
maglagay ng P 1 milyon. Nakatanggap siya ng P15,000 sa unang limang buwan ngunit makalipas ang
limang buwan ay sinabihan sila ng investor na nalugi ang negosyo kaya hindi na makapagbibigay sa
kanila ng tubo sa perang kanilang sinali sa negosyo.

Tanong:

1. Tama o Mali ba ang pagpasok ni Belinda sa negosyo? _______________________

Magbigay ng tatlong dahilan kung tama o mali ang pagsali ni Belinda sa negosyo.
2. ________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________

#2
Dahil sa pagkawala ng pera na kanyang nakuha sa kanyang pagretiro, nawalan ng loob si Belinda at
hindi na ito lumabas ng bahay. Isang araw ay kinausap siya ng kanyang asawa na si Jun na magbukas
na lamang sila ng negosyo sa palengke. Magtitinda sila ng itlog at mantika upang mapagkunan nila ng
kanilang ipapa-aral sa kanilang anim na anak. Minabuti ni Belinda na tumigil na lamang sa bahay at
asikasuhin ang bahay habang ang mag-aama ang nagbabantay sa binuksan nilang tindahan.
Namuhunan sila ng P10,000 sa itlog at may tubo silang P15.00 sa bawat kahon ng itlog na kanilang
maibenta, at P 5.00 sa bawat lata ng mantika na kanilang maipagbibili. Sa bawat araw ay
nakapagbebenta sila ng 20 kahong itlog at 10 latang mantika. Ang gastos nila sa isang araw ay P400.
Unti-unting naubos ang puhunan ni Jun at Belinda. Nangutang sila upang maipandagdag sa puhunan.
Dahil sa kanilang utang ay naghuhulog sila ngP1,000 isang araw. Dahil dito ay napilitan si Jun na
mangutang upang may panghulog sa iba niyang pinagkakautangan. Nabaon sila sa utang.

Tanong:

5. Tama o Mali ba ang naging reaksyon ni Belinda sa pagkawala ng kanyang pera?

Magbigay ng tatlong katangian na dapat taglayin ng sinoman sa panahon ng kagipitang naranasan ni


Belinda
6. ________________________________________________________________
7. ________________________________________________________________
8. ________________________________________________________________
9. ________________________________________________________________

10. Tama o Mali ba ang naisip ng kanyang asawang si Jun na magnegosyo ng itlog at mantika?
___________________________________________________________

Magbigay ng apat na dahilan kung bakit bumagsak ang negosyo ni Jun


11. _______________________________________________________________
12. _______________________________________________________________
13. _______________________________________________________________
14. _______________________________________________________________

Magbigay ng apat na mga hakbang na dapat ay ginawa ni Jun upang maiwasan ang pagbagsak ng
negosyo.
15. _______________________________________________________________
16. _______________________________________________________________
17. _______________________________________________________________

#3
Dahil sa pagbagsak ng negosyo ay nag-usap-usap ang buong pamilya. Sila ay gumawa ng Planong
Pinansyal upang Makita nila kung paano nagagastos ang pera. Nakita rin nila kung aling mga gastusin
ang dapat bawasan o alisin. Ipinagbili ng mag-asawa ang kanilang bahay at lupa. Bumili sila ng mas
maliit na bahay at lupa at kanilang pinagpatuloy ang pagnenegosyo ng tindahan sa palengke.
Ang kanilang gastusin ay sapat lamang sa tira sa kita nila matapos ang porsyentong nilalaan nila na
pandagdag sa puhunan. Magkasama si Jun at Belinda na namamahala sa kanilang maliit na negosyo.

Magbigay ng tatlong hakbang kung paano nakabangon ang mag-asawang Jun at Belinda
18. _____________________________________________________________
19. ______________________________________________________________
20. ______________________________________________________________

You might also like