You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Administratibo ng CARAGA
Dibisyon ng Lungsod ng Surigao
Distrito 6
Lungsod ng Surigao

RIZAL NATIONAL HIGH SCHOOL


Brgy. Rizal, Surigao City
School ID: 304796

FILIPINO 10
Ikaapat na Markahan
Taong-Panuruan: 2018-2019

Pangalan: _____________________________ Date: ____________


Grade at Section: _______________________ Score: ___________

Pangkalahatang Panuto: Basahin ng may pag-unawa ang bawat pangungusap. Isulat sa inilaang patlang ang napiling
sagot.

PAG-UNAWA SA MATALINHAGANG PAHAYAG

___________1. “Ang kabaitan ay hindi tulad ng mga brilyante na maisasalin sa iba. Ito ay likas sa tao”
A. Likas sa tao ang kabaitan
B. Ang ugali ay yaman ng tao
C. Hindi naibibigay ang ugali ng isang tao
D. Ang kabaitan ay tulad ng isang brilyante

___________2. “Ang bawat bansa ay may sariling wika. Habang may sariling wika ang isang bayan ay taglay niya ang
kalayaan. Ang wika ay pag-iisip ng bayan”
Ano ang ibig ipahiwatig ng pahayag? Sariling wika ang ______________.
A. pasya ng bayan
B. agimat ng bayan
C. kaluluwa ng bayan
D. ipinaglaban ng bayan

___________3. “Kapag wala ng busabos at nambubusabos, kapag wala wala ang alipin at mag-aalipin”
Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. walang malay B. sandak sa hirap C. baon sa yaman D. mababa ang pakikitungo

___________4. Ang sabi ng ilan, ang magnanakaw ay maaaring mga espanyol, ayon sa iba ay tsino, habang may
nagsasabi namang ang mga indiyo.”
Ano ang ipinahihiwatag sa pahayag na ito?
A. Sila ay magnanakaw
B. Hindi mabuti ang kumuha sa pag-aari ng iba
C. lahat ay mapaghinalang magnanakaw
D. Hindi natin alam kung kailan darating ang mag-aaral.

____________5. “Hindi ka na mananagot ditto. Itatago unti-unti ang mga baril sa bawat bahay.” Pahayag ni Simoun.
Ano ang damdaming ipinapahayag sa pangungusap?
A. Nagpalala B. Nagsusumamo C. Nakikiusap D. Naniniguro

___________6. Sa pahayag ni Simoun na: “Ang kasamaan ay nasa mga tulisan sa loob ng bayan at sa mga lungsod”
Ito ay nagpapatunay na __________________________.
A. nagagalit siya sa tulisan
B. Nagkalat ang mga tulisan sa bayan
C. tulisan ang turing niya sa mga prayle
D. ang mga nasa lungsod ay ang mga prayle

____________7. Sa karunungang kumilala sa Diyos ay nahahayag ang kaisipan ng marunong na magulang na magturo sa
anak.
A. Ang karunungang ay hindi mahalaga sa mga anak.
B. Ang ugaling pagdadabog ay pinararangalan ng mga anak.
C. Ang ugaling masama ay ikinatutuwa ng mga magulang at ng Diyos.
D. Ang ugaling pagdarasal ng mag-anak ay ugaling nagpapatibay ng kanilang pagmamahalan.
___________39. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pagsasalarawan kay Padre Florentino?
A. Isa siyang paring kulto C. Isang paring marangal
B. Isa siyang paring nagbabalatkayo D. Isang misyonaryong pari

___________40. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang angkop na pagsasalarawan kay Kabesang Tales?
A. Isang pangyayari na may kaugnayan sa mga pang-aaping dinanas ng bayan
B. Isang lipunang unti-unting nawasak at unti-unting lumapit kay kamatayan
C. Isang tiyak na kakilala na wala namang pinag-aralan at nagtrabaho sa pamahalaan
D. Isang suliranin sa lupa at ang suliraning ito ay nagtulak sa kasamaan ng isang tai

__________41. Si Donya Victorina ay maihahalintulad sa ____________________.


A. Pilipinong mga ambisyosa
B. Pilipinong mga mayayabang
C. Pilipinoong nagtakwil sa sariling kultura at kaugalingan
D. Pilipinong nagpapahalaga sa sarili

___________42. Si Crisostomo Ibarra ay nagbalik sa nobelang El Filibusterismo bilang _________________.


A. Isang mayamang tao na sumusuporta sa himagsikan
B. Isang maprisipyong tao na naging tulisan dahil sa kaapihan
C. Isang makapangyarihan na labis na maimpluwensiya at abusado.
D. Isang taong mahina na pinabayaan nang mamatay.

___________43. Tukuyin kung anong uri ng hudyat na pagpapahayag batay sa saloobin o damdamin ang inilalarawan sa
pangungusap:
“Huwag kang sinungaling; kung hindi lagot ka sa akin!”
A. pag-aalala B. hinagpis C. hinanakit D. pananakot

___________44. Tukuyin kung anong uri ng hudyat na pagpapahayag batay sa saloobin o damdamin ang inilalarawan sa
pangungusap:
“Kung hindi ka titigil sa bisyo, magdudusa ka baling araw!”
A. pag-aalala B. hinagpis C. hinanakit D. pananakot

___________45. Tukuyin kung anong uri ng hudyat na pagpapahayag batay sa saloobin o damdamin ang inilalarawan sa
pangungusap:
“Hinay-hinay sa inyong pagsasalita, mag-ingat kayo!”
A. pag-aalala B. hinagpis C. hinanakit D. pananakot

___________46. Tukuyin kung anong uri ng hudyat na pagpapahayag batay sa saloobin o damdamin ang inilalarawan sa
pangungusap:
“Ayokong nangangako ka, dahil lahat naman nito hindi mo tinutupad!”
A. pag-aalala B. hinagpis C. hinanakit D. pananakot

___________47. Tukuyin kung anong uri ng hudyat na pagpapahayag batay sa saloobin o damdamin ang inilalarawan sa
pangungusap:
“Sumpa man, ang iyong paniniwala ay isang malaking pagkakamali!”
A. pagsalungat B. pag-aalala C. ginamit sa panunumpa o pangako D. pananakot

___________48. Tukuyin kung anong uri ng hudyat na pagpapahayag batay sa saloobin o damdamin ang inilalarawan sa
pangungusap:
“Itaga mo sa bato, ang winika ang katotohanan!”
A. pagsalungat B. pag-aalala C. ginamit sa panunumpa o pangako D. pananakot

___________49. Tukuyin kung anong uri ng hudyat na pagpapahayag batay sa saloobin o damdamin ang inilalarawan sa
pangungusap:
“Tama, mahusay ang mga patakarang kaniyang ipinatupad.”
A. pagsalungat B. pag-aalala C. hinagpis D. pagsang-ayon

___________50. Tukuyin kung anong uri ng hudyat na pagpapahayag batay sa saloobin o damdamin ang inilalarawan sa
pangungusap:
“Ikinalulungkot ko ngunit hindi iyan magbubunga ng positibo.”
A. pagsalungat B. pag-aalala C. hinagpis D. pagsang-ayon

You might also like