You are on page 1of 17

KAGAWARAN NG EDUKASYON

SANGAY NG MGA PAARALANG PANLUNGSOD


SANGAY NG MAKATI
TP 2015-2016

ACTION RESEARCH SA FILIPINO

DIGITIZED LESSON SA FILIPINO: TUGON SA TAWAG NG PANGANGAILANGAN NG


IKA-21 SIGLONG KASANAYAN, PAGSIPAT SA EPEKTO NITO SA PEDAGOHIYA NG
MGA GURO AT PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL

MARIA FE C. BALABA
Tagamasid sa Filipino

1
PAMAGAT: DIGITIZED LESSON SA FILIPINO: TUGON SA TAWAG NG
PANGANGAILANGAN NG IKA-21 SIGLONG KASANAYAN,
PAGSIPAT SA EPEKTO NITO SA PEDAGOHIYA NG MGA GURO
AT PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL

ABSTRAK

Isa sa kahingian ng Bagong Kurikulum ay ang paglinang sa mga


kasanayang pang-ika-21 siglo kapwa sa mag-aaral sa mga guro. Upang
makaagapay sa tawag ng makabagong kalakaran sa pedagohiya o
pagtuturo, ang pag-aaral na ito ay tinangka. Ang pag-aaral na ito ay
nakatuon sa pagsipat sa epekto ng paggamit/integrasyon ng teknolohiya sa
pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral bilang tugon sa tawag ng ika-21
siglong kasanayan. Tinangka ng pag-aaral na sagutin ang mga sumusunod na
tanong: Paano makatutugon ang Digitized Lessons sa Filipino sa tawag ng
pangangailangan ng ika-21 siglong kasanayan at ang epekto nito sa
pedagohiya ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral?; Ano ang epekto
ng paggamit ng mga Digitized Lessons sa Filipino sa pedagohiya ng mga guro
at sa pagkatuto ng mga mag-aaral?;Ano-ano ang mga kasanayang nalilinang
sa mga guro at mag-aaral ng ika-21 siglo?

2
I. INTRODUKSIYON

MAIKLING MALAY AT DANAS SA PAKSA

Mahigpit ang tawag ng pangangailangan ng Ika-21 siglong kasanayan


sa larangan ng edukasyon sa kasalukuyang panahon. Alam naman natin na
kabi-kabila na ang anyaya ng teknolohiya sa buhay ng tao, ano pa mang
estado at uri ng kaniyang pamumuhay at propesyon. Nagiging madali at
magaang ang ilang pangangailangan ng tao dahil sa makabagong
teknolohiya. Kaya nga maging sa larangan ng edukasyon at paturuan, isang
behikulong maituturing ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa
pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang aplikasyon at mga kagamitang
pampagtuturo na hango sa iba’t ibang webpage ang maaaring magamit ng
mga guro sa kanilang pagtuturo. Ang mga materyal na ito ay madaling makita
o mahanap na ngayon sa internet sapagkat ang mga ito ay “ready at

3
available” na sa harap natin. Tanging ang kailangan lamang sa isang guro ay
maging mapaghanap(resourceful), malikhain, masigasig , madaling umangkla
sa makabagong kalakaran at higit sa lahat ay may kasanayan sa paggamit ng
kompyuter, maalam sa paggalugad ng mga webpage ng mga kagamitang
pampagtuturo at nang maisapanahon ang kaniyang mga kasanayan.
Dahil sa mapanghalinang tawag ng Daigdig ng Internet, ang
mananaliksik ay nagkaroon ng marubdob na hangarin na maisapanahon ang
kasanayan ng mga guro sa larangan ng nauuso ngayong “Digitized Lesson” at
ito ay maipatupad sa pagtuturo ng Filipino sa antas elementarya at
sekundarya.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Isa sa mga naging suliranin ng mga guro sa panahon ng pagmomonitor
ng mananaliksik sa mga paaralang kaniyang pinupuntahan ay ang
mababang lebel ng interes ng mga mag-aaral hinggil sa aralin. Napuna ito ng
mananaliksik sapagkat may ilang guro na nahirati pa rin sa makalumang
paraan ng pagpoproseso ng aralin na ginagamitan lamang ng tinatawag na
“Lecture Method”, ang mga mag-aaral ay hindi gaanong nahihikayat ng guro
na magpokus sa araling tinatalakay. Bagamat ginamitan niya rin ng mga
kinagawiang estratehiya ng mga kilalang pilosopo ang aralin, may kung anong
kulang pa ang dapat na ilapat. Kaya ang resulta ng isinagawang pagtataya
sa araw na iyon ay nakatupad lamang sa 75% lebel ng masteri o kung hindi
man, ay mas mababa. Kainaman lamang ang resulta. Ngunit kapag ang
gurong minasid ay gumagamit ng makabagong pamamaraan ng pagtuturo
gaya ng paggamit ng teknolohiya at iba’t ibang estratehiyang
panteknolohiya, kapuna-puna ang higit na kasiglahan at kapanabikan ng
mga mag-aaral sa kanilang aralin at mas mataas pa sa 75% ang lebel ng
masteri. Hindi pa man natatapos ipakilala ng guro ang kaniyang tatalakaying
aralin ay napapa “YES” na ang mga mag-aaral. Ang bawat araw ay
inaabangan at hinihintay ng mga mag-aaral kung anong bagong pakulo na

4
naman ang gagawin ng gurong TEKI. Dahil dito, naisip ng mananaliksik na
sipatin ang epekto ng pedagohiya ng mga gurong gumagamit ng mga
Digitized Lesson sa kanilang pagtuturo at sa pagkatuto ng mga mag-araal.

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Pangkalahatang Suliranin at Layunin
Paano makatutugon ang Digitized Lessons sa Filipino sa tawag ng
pangangailangan ng ika-21 siglong kasanayan at ang epekto nito sa
pedagohiya ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral?

Mga Tiyak na Suliranin


1. Ano ang epekto ng paggamit ng mga Digitized Lessons sa Filipino sa
pedagohiya ng mga guro at sa pagkatuto ng mga mag-aaral?
2. Ano-ano ang mga kasanayang nalilinang sa mga guro at mag-aaral ng
ika-21 siglo?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
1. Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga guro na
nagtuturo ng Filipino sa Antas Elementarya at Sekundarya na gumagamit
ng teknolohiya sa pagpoproseso ng kanilang mga aralin at mga
kasanayang dapat malinang sa bawat pagtuturo.
2. Makahihikayat ang pag-aaral na ito na maging masigasig ang mga guro
sa paghahanap ng mga makabagong pamamaraan ng pagtuturo
upang makasabay sa tawag ng pagbabago at makatupad sa kahingian
ng Kagawaran ng Edukasyon na mapabilang sa mga 21st Century
Teachers.
3. Malaking tulong ang pag-aaral na ito sa mga resipyent ng kaalaman,
ang mga mag-aaral na maging mulat at bihasa sa paggamit ng
teknolohiya at makaagapay sa tawag ng globalisasyon.

5
4. Magiging batayan ang pag-aaral na ito ng panibago pang mga pag-
aaral hinggil sa epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo at
pagkatuto upang higit na mapagtibay ang kabisaan nito.
5. Magiging salalayan din ang pag-aaral na ito sa pagpaplanong
pampagtuturo ng mga administrador at pinuno ng paaralan nang sa
gayon ay makapaglaan sila ng pondo sa lalo pang pagsasanay ng mga
guro sa paggamit ng teknolohiya at kauri nito.

II. REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA


Sa artikulo ng Edutopia (2008) hinggil na may pamagat na “Why
Integrate Technology into the Curriculum?: The Reasons Are Many,” sinasabi ng
may-akda na ang tamang paggamit ng teknolohiya sa loob ng silid-aralan ay
nakatutulong upang matamo ng mga mag-aaral ang mga kasanayang
kinakailangan upang malampasan ang masalimuot na mundong hain ng
makabagong teknolohiya. Ang integrasyon ng teknolohiya sa pagtuturo ay
nangangahulugang di lamang pagtuturo ng batayang kasanayan sa
kompyuter at mga software program. Ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga
proyekto habang ekwip ng mga kagamitang panteknolohiya ay
nagpapahintulot sa mga mag-aaral na maging intellectually challenged; sa
pamamagitan ng mga proyektong ito, natatamo at napakikinis ng mga mag-
aaral ang kanilang kasanayan sa pagsusuri, paglutas ng suliranin habang sila ay
gumagawa nang indibidwal at pangkatan upang saliksikin, iproseso at
pagsama-samahin ang mga impormasyong nakita nila sa internet. Natututo
ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga virtual, animated at realistic na
senaryo lalo na sa asignaturang Agham. Binabago rin ng teknolohiya ang
paraan, metodo ng guro sa kaniyang pagtuturo, nagiging mabisa ang
pagtuturo lalo na sa iba’t ibang uri ng mag-aaral at natataya ang pang-unawa
ng mga mag-aaral. Sa pag-aaral na ito, ginamit din ang teknolohiya sa
pagpoproseso ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.

6
Ang Technology Integration ayon sa isa pang artikulo ng Edutopia (2008)
ay nangangahulugang paggamit ng iba’t ibang resorses na panteknolohiya
gaya ng kompyuter, mobile devices (smartphones), tablet, digital camera,
social media platforms at networks, software applications, internet at marami
pang iba, sa pang-araw-araw na praktis sa silid-aralan. Nagiging matagumpay
ang integrasyon ng teknolohiya kung ito ay nagiging routine (palagian) na,
nariyan at madaling maakses para sa isang tiyak na gawain at sumusuporta sa
mga tunguhin ng kurikulum at tumutulong sa mga mag-aaral upang mabisa
nilang matamo ang kanilang mga layunin. Ang mabisang integrasyon ng
teknolohiya ay natatamo kung ang mga mag-aaral ay nakapipili ng mga
kagamitang panteknolohiya na nakatutulong upang magkaroon ng
impormasyon sa tamang panahon, nakapagsusuri , nakapagsasama –sama at
nakapaglalahad ng mga impormasyon.
Sinabi ni Granberg (2000) sa kaniyang artikulo na lumabas sa isang CFT’s
newsletter na ang mga guro sa kanilang paaralan, Owen’s School, ay
gumagamit ng teknolohiya sa kanilang pagtuturo gaya ng video conferencing
na ang mga speaker ay galing pa sa ibang lugar. Habang ipinakikilala ng mga
guro ang iba’t ibang teknolohiya sa kanilang mga mag-aaral ay higit nilang
napupuna na tumataas ang kalidad ng talakayang pangklasrum at
pakikisangkot ng mga ito sa mga gawain. Ginigiya ng mga guro ang mga mag-
aaral sa paghahanda ng kanilang multi-media classroom presentations gaya
ng mga clips mula sa internet, video, audio at mga news archive footage. May
mga naglalagay ng mga e-library upang maakses ng mga mag-aaral ang mga
digitized video clips na binuo mula sa isang live at simulated classroom settings.
Tinitiyak ng lahat ng faculty na napauunlad nila ang kalidad ng kanilang
pagtuturo sa pamamagitan ng mga teknolohiyang ito kung kaya’t napaiigting
ang pagtuturo at pagkatuto. Sinikap naman ng mga guro sa pag-aaral na ito
na gumamit ng iba’t ibang aplikasyon gamit ang teknolohiya sa pagututuro at
pahpoproseso ng aralin gaya ng ginawa ng mga guro ng Owen’s School.

7
Nilayon nina Yuan-Hsuan Lee etal (2011) sa kanilang pag-aaral na may
pamagat na “Revisit the Effect of Teaching and Learning with Technology,” na
tayain ang kabisaan ng pagtuturo at pagkatuto gamit ang teknolohiya sa mga
mag-aaral ng K to 12 gayon din ang mga pampagtuturong praktis. Nais
tugunan ng kanilang pag-aaral na matukoy ang kalakasan at direksyon ng
pagtuturo at pagkatutong gamit ang teknolohiya; ang epekto nito sa mga
mag-aaral; at ano ang mga tiyak na katangiang panteknolohiya, estratehiya
sa pagtuturo, katangiang pampagtuturo ang nakaaapekto sa pagtuturo at
pagkatuto gamit ang teknolohiya. Lumabas sa kanilang pag-aaral na
binubuksan ng teknolohiya ang mga hangganang pang-edukasyonal
sapagkat nakatutulong ito upang ang mga resorses sa internet ay madaling
maakses ng kahit na sino sa buong mundo, bukas ito sa publiko, libre at gaya
ng mga elektronikong aklat, pod-casts, mga digitial libraries, larong pang-
edukasyonal, videong pang-edukasyonal at pang-instruksyonal
(Youtube/Teachertube) , tutorial at iba pa; tumataas ang lebel ng panghikayat
ng teknolohiya sa mga mag-aaral; napauunlad ng teknolohiya ang mga
kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat at pagkatuto; napadadali ng
teknolohiya ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa isang asignatura;
napauunlad ang indibidwal na pagkatuto; sumusuporta sa pinag-iba-ibang
pagtuturo (differentiated instruction) ang integrasyon ng teknolohiya sa klasrum
; napaiigting ang kolaborasyon sa pagitan ng guro at mag-aaral; naihahanda
ang mga mag-aaral para sa isang hanapbuhay na may kaugnayan sa
teknolohiya ; at napaiigting ang pagiging inobatibo at malikhain ng mga mag-
aaral.
Inilahad ni Aloraini (2012) sa kaniyang pag-aaral ang kahalagahan ng
paggamit ng multimedia sa academic achievement ng mga mag-aaral sa King
Saud University. Natuklasan niya sa kaniyang pag-aaral na ang paggamit ng
multimedia sa pag-aaral ay mabisang paraan ng pagtatamo ng mahusay na
pagkatuto kaysa ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo. Base sa mga inilhad

8
ng estadistika ng kaniyang pag-aaral lumabas na mataas ang academic
achievement ng mga mag-aaral na sumailalim sa experimental group gamit
ang multimedia sa pagkatuto kaysa iyong gumamit ng tradisyunal na paraan
ng pagkatuto.
Ang paggamit ng ICT sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ay isang
penomena at tampukan ng mga pananaliksik sa panahon ngayon. Sa pag-
aaral ni Ali etal (2013) na may pamagat na “The Role of ICT to Make Teaching-
Learning Effective in Higher Institutions of Learning in Uganda,” naipakita ang
mabisang integrasyon ng teknolohiya sa mga praktis sa silid ay naging isang
hamon sa mga guro at administrador ng paaralan. Nilayon sa pag-aaral na ito
na matuklasan ang mga salik na nakaaapekto sa paggamit ng ICT at kabisaan
nito sa pagtuturo sa kolehiyo sa Uganda at matukoy ang mga inobasyong dala
ng ICT sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Gumamit ng sarbey ang pag-
aaral na ito upang isagawa ang pananaliksik at natuklasang mabisa ang ICT
lalo na ang integrasyon ng e-learning, e-communication, mabilis na pag-akses
ng impormasyon sa internet, online student registration, online advertisement, at
nababawasan ang pagpiprint ng mga sipi ng aralin at iba.
III. METODOLOHIYA
DISENYO NG PAG-AARAL

9
PAGPAPASAGOT SA
SARBEY (TEACHERS'
TRAINING NEEDS
ASSESSMENT)

MALAWAKANG PAGSASANAY NG MGA


IMPLEMENTASYON NG GURO GAMIT ANG
MGA DIGITIZED LESSONS TEKNOLOHIYA SA
(pag-uupload sa LRMDS) PAGTUTURO

FIELD TESTING NG MGA PAGBUO/PAGSULAT NG


DIGITIZED LESSONS SA MGA BANGHAY-ARALIN
PAMAMAGITAN NG
DIGITIZED LESSONS
PAKITANG-TURO

PAGREREBISA/PAG-EEDIT
NG MGA BANGHAY-
ARALIN
DIGITIZED LESSONS

PAMAMARAAN
Ang mananaliksik ay gumamit ng palarawang pamamaraan ng pagsipat
sa kaniyang pag-aaral. Nagbigay ng Teachers’ Training Needs na sarbey ang
mananaliksik sa lahat ng mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino sa
Antas Elementarya at Sekundarya. Ang resulta ng sarbey ng TNA ang naging
basehan ng pagsasagawa ng pag-aaral na ito. Lumabas sa resulta ng sarbey
na nais ng mga guro ang pagsasanay hinggil sa iba’t ibang kasanayang at
aplikasyong panteknolohiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.
Sinimulan niya ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagbibigay niya
ng pagsasanay sa ilang piling mga guro sa Filipino sa Antas Elementarya at
Sekundarya gamit ang iba’t ibang pamamaraan at aplikasyong
panteknolohiya sa loob ng dalawang araw (Sanggunian: Memorandum Blg. 28,

10
s. 2015) noong Pebrero 26-27, 2015 sa Makati Science High School. Nagkaroon
ng lektyur-workshop sa paggamit ng Quipper sa pagtuturo, kaalaman sa Digital
Instruction, powerpoint games at iba’t ibang aplikasyon hango sa internet at
iba pa.
Binigyan ng mahabang panahon ng pagbuo at pagsusulat ng mga
banghay-aralin mula Baitang 1-10 mula Unang Markahan hanggang Ikaapat
na Markahan ang mga piling guro. Hinati ang mga aralin sa bawat paaralan at
distrito na gagawan ng mga Digitized Lessons. Matapos ang ilang buwang
pagbuo ng banghay, nagkaroon ng unang pagkakataon ng presentasyon ng
mga awtput ang mga guro sa bawat paaralan. Nagkaroon ng pagkikritik,
pagbibigay ng mga puna at mungkahi sa mga ginawang Digitized Lessons na
naganap sa pagpupulong ng mga Pampaaralan/Pandistritong Tagapag-
ugnay sa Filipino sa Antas Elementarya at mga Puno ng Kagawaran sa Antas
Sekundarya. Sa pangalawang pagkakataon, muling nagkaroon ng pinal na
pagrerebisa at pag-eedit ng mga awtput ang mga guro upang higit na
maging mahusay ang presentasyon ng bawat aralin( Sanggunian:
Memorandum Blg. 354, 2015) noong Nobyembre 10, 2015 para sa Elementarya
at Nobyembre 24, 2015 para sa Sekundarya.
Isinagawa ang serye ng pakitang-turo gamit ang mga binuong Digitized
Lessons at pinamagatan itong “Pandibisyong Back2kcab Demo Attack sa
Filipino sa mga Kasanayang Tinataya sa NAT,” sa Antas Elementarya at
Sekundarya na sinimulan noong Nobyembre, 2015 hanggang Enero, 2016.
Dalawampu’t pitong mababang paaralan at sampung mataas na paaralan
ang nagsagawa ng field testing ng kanilang binuong Digitized Lessons sa
Baitang 1- 6 at baiting 10 bilang paghahanda na rin sa nalalapit na National
Achievement Test. Itinakda ang iskedyul ng serye ng pakitang-turo sa buong
Dibisyon (Sanggunian: Memorandum Blg. 334, s. 2015). Ang mga binuong
Digitized Lessons ay iuupload sa Learning Resource Management System
(LRMDS) ng Dibisyon sa pamamagitan ng website nito upang madali at mabilis

11
na maakses ng mga guro sa buong Dibisyon ang mga Kagamitang
Pampagtuturo matapos ang pinal na pag-eedit ng mga ito.
Isinaalang-alang din sa pagbuo ng mga Digitized Lessons ang paglalapat
ng mga teoryang pangwika, mga kasanayan sa pagbasa at panitikan,
Lokalisasyon, Kontekstwalisasyon, Multiple Intelligences, at Differentiated
Instruction at mga kasanayang pang ika-21 siglo, na ilan lamang sa mukha ng
Kurikulum na K to 12 sa ating bansa.

IV. PAGPAPAKAHULUGAN AT KINALABASAN NG PAG-AARAL


Makikita sa talaan 1 at 2 ang resulta ng isinagawang field testing ng mga
Digitized Lessons sa mga serye ng Pandibisyoing pakitang-turo na isinagawa
mula Oktubre, 2015 hanggang Pebrero, 2016. Ang average lebel ng masteri sa
27 paaralan sa elementarya ay 96.5%, nangangahulugang mas mataas sa 75%
lebel ng masteri, samantalang sa sekundarya naman ay 90.6% lebel ng masteri.
Ipinakikita sa resulta ng talaan na mayroon lamang 3 paaralan sa elementarya
ang nakakuha ng mababa sa 85% lebel ng masteri at ang 24 ay nasa pagitan
na ng 90-100% lebel ng masteri. Sa sekundarya naman ay mayroon lamang 2
paaralan na mas mababa sa 89 %, ang 8 ay nasa pagitan na ng 90-100%. Ang
resulta ng MPS ng bawat paaralan ay nagpapatunay na naging epektibo at
makabuluhan ang pagtuturo at pagpoproseso ng mga nagpakitang-turo gamit
ang Digitized Lesson na kanilang inihanda. Positibo ang performance ng mga
mag-aaral sa pagtatayang ibinigay sa mga mag-aaral.

TALAAN 1 ANTAS SEKUNDARYA

Blg. Nagpakitang-turo Paaralan Baitang Blg. Ng Blg. Ng 75%


Mag- Aytem Masteri
aaral
1 Lanie Lyn T. GPDPNHS 10 45/50 5 90%
Mendoza
2 Patrick T. Simon Tibagan HS 10 28/36 5 78%
3 Jocelyn O. Andres Pitogo HS 10 32/35 5 91%

12
4 Delia T. Sancho Fort Bonifacio HS 10 45/50 5 90%
5 Rubie Ann M. San Isidro NHS 10 38/40 5 95%
Barnedo
6 Jenny T. Balinoyos San Antonio NHS 10 55/55 5 100%
7 Genesis L. Sebastian Makati HS 10 31/35 5 89%
8 Shyrelle G. Tamayo Bangkal HS 10 32/35 5 91%
9 Oliver B. Borromeo Makati Science 10 32/35 5 91%
HS
10 Christian T. Salvador Benigno Aquino 10 32/35 5 91%
HS
Average % of Mastery 90.6%

TALAAN 2 ANTAS ELEMENTARYA


Blg. Nagpakitang-turo Paaralan Baitang Blg. Ng Blg. Ng 75%
Mag- Aytem Masteri
aaral
1 Analy Soriano Makati ES 2 30/30 5 98%
2 Catherine Agrava WRES 3 30/30 5 100%
3 Marilon S. Caranto FBES 5 28/30 5 93%
4 Maila B. Agdamag GVES 6 28/30 5 93%
5 Analyn A. Carag ERES 6 40/40 5 100%
6 Rosalina B. Espiritu Tibagan ES 3 33/34 5 97%
7 Merryln Cauinian Comembo ES 2 30/30 5 100%
8 Lalaine A. Gaoat Pembo ES 1 31/32 5 97%
9 Amelia L. Uy Pembo ES 6 34/35 5 97%
10 Rochelle Solero Rizal ES 4 39/40 5 98%
11 Maria Cristina H. Morillo HPDPES-I 6 25/25 10 100%
12 Gina O. Aboga HPDPES-Main 6 30/30 5 100%

13
13 Tomas C. Galiza Bangkal ES-M 3 29/30 5 97%
14 Mariflor M. Suriaga Bangkal ES-I 6 24/24 5 100%
15 Mildred S. Mata Bangkal ES-II 3 25/25 5 100%
16 Marisse G. Eng JAMES 3 24/25 5 96%
17 Allen A. Aberilla MEES 6 34/35 5 97%
18 Carolyn B. Balayan NGES 6 30/30 5 100%
19 Elnes E. Alcantara F.Benitez ES-M 6 29/30 5 97%
20 Angelita Duron Cembo ES 6 25/25 5 100%
21 Marites P. Eson SCES 6 21/25 5 84%
22 Madelyn P. Palma Pitogo ES 3 25/25 5 100%
23 Evelyn S. Soriano NIYES 3 24/30 5 80%
24 Hazel S. Crisostomo San Jose ES 3 25/25 5 100%
25 Jocelyn Acopra Palanan ES 3 30/30 5 100%
26 Rodelio D. Tolentino F. Benitez ES III 6 28/30 5 93%
27 Rogelio Bañas Jr. SAVES 6 30/30 5 100%
28 Jonah L. Salandanan La Paz ES 5 22/26 5 85%
Average % of Mastery 96.5 %

Matapos ang serye ng pagpaplano, pagbubuo, pag-eedit at pagtataya


ng kabisaan ng paggamit/paglalapat ng teknolohiya sa pagtuturo at
pagkatuto ng mga mag-aaral, napatunayan ang mga sumusunod:
Sa mga guro:
1. Malaking tulong ang paggamit/paglalapat ng teknolohiya sa
pagpoproseso ng aralin sapagkat higit na napagagaang nito ang
gawain ng guro sa loob ng silid-aralan;
2. Nahahasa ang kasanayan ng mga guro sa pagbuo at paggawa ng iba’t
ibang presentasyon gamit ang powerpoint at iba pang aplikasyong
panteknolohiya;
3. Higit ang hamon ng mga guro na makalikha at makapaglapat ng
inobatibong/ makabagong pamamaraan/ mga estratehiya/ mga
gawain na lilinang sa kasanayan ng mga mag-aaral;

14
4. Nagiging inspirado ang mga guro na lumikha at bumuo pa ng ibang
kagamitang pampagtuturo gamit ang teknolohiya, nakaiisip at
nakapaglalapat ng angkop na gawain, estratehiya at pamamaraan
ang guro sa pagpoproseso ng kaniyang layunin sa bawat pagtuturo;
5. Nakikilatis ng guro kung alin ang mga website/ webpage na higit na
kapaki-pakinabang bilang tool/ kagamitang pampagtuturo;
6. Napagtanto ng mga guro na ang mga mag-aaral ay iba-iba at may
kani-kaniyang katangian, kakayahan, lebel ng pagkatuto at interes na
nakaaapekto sa performance nila sa loob ng silid-aralan;
7. Lumalawak ang kasanayan at nagiging bihasa ang guro sa paggamit ng
kompyuter at iba’t ibang aplikasyon: at
8. Dahil dito nagkakaroon sila ng maituturing na ‘Best Practices’ sa kanilang
pagtuturo.

Sa mga mag-aaral:
1. Tumataas ang lebel ng motibasyon o interes ng mga mag-aaral kapag
nilapatan ng teknolohiya ang pagtuturo at pagkatuto;
2. Nabibiyang kapangyarihan ng teknolohiya ang mga mag-aaral na
makisangkot sa proseso ng pagkatuto;
3. Napatataas ng teknolohiya ang kawilihan sa pagkatuto sapagkat ang
mga mag-aaral ay may ‘natural affinity’ sa computer-based na
pagtuturo;
4. Nahahasa ang kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng
teknolohiya sa kanilang pagkatuto;
5. Natutuwa ang mga mag-aaral sa iba’t ibang aplikasyong
panteknolohiya na inilapat ng guro gaya ng powerpoint presentation na
ginamitan ng mga animated objects, video presentation, sound tracks at
iba pa;

15
6. Nagiging independent learners ang mga mag-aaral at nagiging
responsible sa kanilang mga kilos dahil sa kolaboratibong gawain gamit
ang computer/laptop/ o notepad;
7. Nasasanay ang mga mag-aaral sa pagpoproseso ng mga iniatang na
Gawain ng guro;
8. Nagigiliw ang mga mag-aaral sa paglikha ng kanilang awtput dahil
tinitignan nila ang teknolohiya bilang nakaaaliw at nakatutuwang
gawain;at
9. Nasisiyahan ang mga mag-aaral lalo na at nakita nila ang kanilang
ginawa sa mga slides ng powerpoint na ginamit ng guro.

V. REKOMENDASYON
Hindi magiging epektibo ang isang pag-aaral kung hindi ito ipatutupad o
gagawan ng plano at solusyon. Batay sa resulta ng ginawang pag-aaral ng
mananaliksik, iminumungkahi niya ang sumusunod:
1. Magkaroon ng malawakang pagsasanay ang lahat ng mga guro hinggil
sa iba’t ibang praktis na may kaugnayan sa mga kasanayan at
kagamitan at aplikasyong panteknolohiya atbp.
2. Gawing wifi ready ang lahat ng paaralan sa buong dibisyon para sa
mabilis at agarang akses sa internet;
3. Hingiin ang buong suporta ng mga administrador at stakeholders ng
bawat paaralan para sa pagsasateknolohiya ng bawat asignatura hindi
lamang ng Filipino.
4. Maglaan ng malaki-laking bahagi ng budget para sa mga proyekto at
gawaing may kinalaman sa pedagohiya ng guro at internet access sa
bawat paaralan.

16
Sanggunian:

Granberg, Ellen M. 2000. “How Technology Enhances Teaching and Learning.”


CFT’s newsletter. Teaching Forum.

Sara Aloraini. 2012. The impact of using multimedia on students’ academic


achievement in the College of Education at King Saud University.Thesis.

What Is Successful Technology Integration? | Edutopia, naakses noong May 24,


2016 sa
http://www.edutopia.org/technology-integration-guide-description

Why Integrate Technology into the Curriculum?: The Reasons Are ... naakses
noong May 24, 2016 sa
http://www.edutopia.org/technology-integration-introduction

Yuan-Hsuan Lee etal. 2011. “Revisit the Effect of Teaching and Learning with
Technology,” Institute of Education, National Chiao Tung University, Hsinchu City
300, Taiwan naakses noong Mayo, 2016 sa
http://www.ifets.info/journals/16_1/12.pdf

17

You might also like