You are on page 1of 7

Bakit laging ako?

Rizalyn A. Yumul

Naaalala mo pa ba

Noong una tayong magkakilala

Tila mansanas ang labi mo sa pula

Hindi na napigilang ako’y humanga’t natulala.

Bakit ganito ako pag ikaw ay nakikita

Puno ng kaba ang aking nadarama

Ang mga ngiting mong nakakahalina

Kaya’t lalong nahuhulog sayo sinta

Pinangarap kong maging tayo

Pinantasya kong mabuo ang ikaw at ako

Ginawa ko lahat para mapalapit sayo

Kahit maging tanga pinatos ko


Hinangad kong maging akin ka

Hiniling kong sana ako nalang siya

Pero alam kong mali

Alam kong hindi

Ako naman tong si tanga

Umasa ng umasa

Nagbigay kahulugan sa ipinakita

Ito nasasaktan ng sobra

Ganito ba talaga pag-umiibig?

Ang himig ng puso ay hindi naririnig?

Ganito ba talaga kasakit ang pag-ibig?

Pinaglalaruan lang na para bang tubig?

Hindi ko alam saan ako mag-sisimula

Kung sa dulo ba o sa umpisa?

Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba

Hindi ko alam kung tama pa nga ba


Hindi ko alam kung bakit ang gulo

Ginawa ko naman lahat ng gusto mo

Pero bakit ganito?

Hindi mo pa rin siya mapalitan sa puso mo

Bakit ba palagi akong nasasaktan?

Nagmahal lang naman ako ng lubusan

Bakit ba palagi akong iniiwan?

Pagmamahal ko ba’y nagkukulang?

Nagtataka ako kung bakit nahulog ako sa isang gaya mo

Na kasing manhid ng bato

Na sa dinami-raming lalaki sa mundo

ikaw lang ang napili nitong puso ko

Ako na palaging nasasaktan

Pero ikaw na parang wala lang

Bakit kahit nakatayo na ako sa harap mo

Iba pa rin ang nakikita mo, anong meron siya na wala ko?
Pagbigyan mo naman akong mahalin ka

Pagbigyan mo naman akong pasayahin ka

Tayong dalawa nalang muna

Wag muna siya

Hindi ba pwedeng ako naman?Tayo naman?

Ako nalang?Tayo na lang?

Ay teka, paano nga pala ako mananalo?

Kung sa una palang alam kong siya na ang panalo sa puso mo

Buksan mo naman yang mga mata mo

dahil heto andito ako sa tabi mo

Naghihintay na sana makita at mapansin mo

Pakiusap mahal, Ako nalang ang mahalin mo

Bakit hindi nalang maging ikaw at ako?

Kasi hanggang ngayon ikaw parin ang laman ng puso ko

Ikaw pa rin ang isasagot ko sa mga nagtatanong kung sino ang gusto ko

Bakit hindi na lang ako?


Paulit-ulit kong gustong tanungin ka

Pauli-ulit kong tinatanong sa sarili ko kung mahal pa ba

Pauilt-ulit naman akong umaasa

At paulit-ulit na nagpapakatanga

Nagseselos ako kahit walang karapatan

Nagagalit ako ng walang dahilan

Sayo na lahat inilaan

At ngayon ay nasasaktan

Hindi ko alam kung bakit ako

Kung bakit pilit pinaglalaruan ng tadhana ang puso ko

Kung bakit ako ang pinili ng tadhana para saktan ng ganito

At kung bakit lagi na lang akong nabibigo

Bakit laging ako yung nasasaktan?

Bakit laging ako yung naiiwang luhaan?

Bakit laging ako yung naiiwang sugatan?

Bakit laging ako yung naiiwan sa kawalan?


Tila ba nasa isa tayong pelikula

Tungkol pala ito sa istorya niyong dalawa

Pasensiya na akala ko ako ang bida,

Isa lang pala akong malaking itsapuwera

Mahal kita pero nakakapagod din pala

Nakakasawang ding maghintay sa wala

Gusto ko nalang lumisan na parang bula

At kumawala sa pag-ibig mong ako’y nakatanikala

Akala ko ba magaling ka kupido

Pero bakit ako ang napili mo?

Napili mong saktan ng todo

Kaya’t heto ako ngayon durog na durog ang puso

Hindi ba ko karapat-dapat na sumaya?

Hindi ba talaga ako kamahal-mahal?

Wala na ba talagang tatagal?

Pasensiya na nasasaktan na kasi ako mahal


Kakapit pa ba o bibitaw na?

Hihintayin pa ba kita o titigil na?

Susuko na ba o lalaban pa?

Itutuloy pa ba o tama na?

Oo, Alam ko na ang kasagutan sa mga tanong ko

Ngayon ko lang napagtanto na kahit anong gawin ko

Hindi ako mananalo diyan sa puso mo

Kaya’t mahal tama na, suko na ako sa iyo

You might also like