You are on page 1of 2

"AWIT NG ANAK"

Music by: Ernie Magtuto


Lyrics by: Elson S. Montalbo

Noo'y munting batang inaakay

Inaalalayan bawat paghakbang

Ngayo'y nakatayo sa aking mga paa

Salamat aking nanay aking tatay.

Wala akong sapat na salita

Walang katumbas inyong pag-aruga

Ngayong kayo'y matanda na't nanghihina

Ako naman ngayon dapat mag –alaga

Kayo'y aalalayan at aakayin din

Kung lumuluha ay patatahanin

Babantayan kung may sakit

Dadampian ang noo ng halik

At kapag gabi ay malamig

Yayakapin din ng mahigpit

IPAPANALANGIN at kukumutan ng pag-ibig

Tanda ko pa ganyan kayo sa akin

Ganyan kayo sa aming magkakapatid

Hinding hindi ko malilimutan

Walang kapantay ninyong pag-ibig

Huwag kayong mag-alala

Sa puso't isip ko'y nakatanim

Sa aking sambahaya'y ipadarama ko rin

Walang katumbas ninyong pag -ibig

Aking mga anak ay aakayin din

Kung lumuluha ay patatahanin

Babantayan kung may sakit

Dadampian ang noo ng halik

At kapag gabi ay malamig

Yayakapin din ng mahigpit

IPAPANALANGIN at kukumutan ng pag-ibig

Kayo'y aalalayan at aakayin din

Kung lumuluha ay patatahanin


Babantayan kung may sakit

Dadampian ang noo ng halik

At kapag gabi ay malamig

Yayakapin din ng mahigpit

IPAPANALANGIN at kukumutan ng pag-ibig

Wala kayong katumbas....

Wala kayong katapat....

Mahal kong Nanay!

Mahal kong Tatay! Salamat po!!! Salamat po!!!

You might also like