Banghay

You might also like

You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa EPP 5

Field Technician Assistance (FTA)


Demonstration Teaching
January 14, 2019

I. Nilalaman - Ang Entepreneurs, mga pamamaraan (process) sa matagumpay na


entrepreneur.

II. Pamantayang Pangnilalaman - (CS) naipamamalas ang kaalamn at kasanayan


upang maging matagumpay na entrepreneur.

III. Pamantayan sa Pagganap (PS) - mapahusay ang isang produkto upang maging
iba sa iba.

IV. Pamantayan sa Pagkatuto (LC)

1. Naipaliliwanag ang kahulugan at pagkakaibang produkto at serbisyo.


2. Nakapagbibigay ng ibat-ibang produkto at serbisyo.

V. Nilalaman
A. Paksa:

Ang kahulugan at pagkakaiba ng mga Pagkakakitaang Produkto at Serbisyo.

B. Mga kagamitan
 Mga larawan > aklat (Masilang Pamumuhay, para sa Magadang Kinabukasan 5
p.14-1)
 laptop, PowerPoint > Mga mungkahing paksa sa pagtuturo ng EPP5 CG-KT12 p.
16

VI. Pamamaraan:

A. Gawain:
Magpapakita ng mga larawan ang guro. Larawan ng mga taong gumagawa o
nagseserbisyo(barbero, magsasaka, mananahi, labandera etc..) at larawan ng ibat-
ibang uri ng produkto (sapatos, pagkain, damit, gatas, asukal, bigas at kasangkapan
sa bahay. Itatanong sa mga mag-aaral kung ano ang masasabi sa mga larawang
ipinakita.

Ipaawit ang "Magtanim ay di Biro" ng may paggaya sa Lyrico ng awit.

Magtanim ay di biro

Maghapong nakayuko

Di naman makatayo, di naman makaupo

Sa umaga pag-gising...

Sabihin: Sa araw na ito tatalakayin natin ang ibat-ibang uri ng produkto at serbisyo.
May dalawang uri tayo ng produkto, ito ay ang mga’
1.Durable Goods - ito ay mga kagamitang maaring gamitin ng pang matagalan.
(Halimbawa, damit, sapatos at marami pang iba).

2. Non-durable goods - tio naman ang paroduktong madaling maubos o


karanniwang ginagamit (halimbawa: pagkain, sabon at marami pang iba.)
3. Ang pagkakaiba ng serbisyo - ito ay mga gawain o hanapbuhay kung saan
nakapagbibigay ng produkto o serbisyo sa kapwa sa isang komunidad.
Pangkatin sa tatlo ang klase, Paupuing pabilog ang bawat pangkat upang
magkaharap na makapag--usap at makapagsagot ang pangkat. Bigyan ng manila
paper na may panuto ang bawat pangkat, at pagkatapos ng takdang oras ng
pagsasagot ito ay kanilang ipi-present sa unahan at iapapaliwanag.

Pangkat I - Sumulat ng mga 10 uri ng Durable Goods.


Pangkat II - Sumulat ng 10 Non-Durable Goods
Pangkat III - Sumulat ng mga Serbisyo o gawaing ginagawa para sa iba.
Pag-uulat :

B. Pagtatalakay:

Ang Produkto ay ani o bunga ng paggawa ng mga kagamitan tulad ng pagkain,


damit, sapatos, sabon, alahas at iba pa. Samantalang ang serbisyo ay aktibidad,
ideya at mga serbisyong ipinagbibili. Hal. pagtatahi, pagsasastre, pagmemekaniko,
pagsasaka o laundry, dry cleaning, pagluluto, pagaayos para sa isang lugar ng
pagdiriwang at marami pang iba.

Anu-ano ang mga produktong at serbisyong maaaring pagkakitaan?

> Pagtitinda ng halo-halo, banana cue, barbeque, fish ball, patato twist at marami
pang iba.

Ang mga serbisyong pwedeng pagkaitaan at maaaring ialok ay ang paglalaba,


pamamalantsa, paglilinis ng bahay, at magdownload ng musika at marami pang iba.

C. Paglalahat
Ano ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo?

(Ang produkto ay mga bagay na ginagawa ng isang produser o isang kompanya


upang mapalawak at mapaunlad ng kanyang negosyo. Ang serbisyo ay mga
gawaing ginawa para sa iba.)

Pagpapalalim:

D. Paglalapat.

Ilagay sa talulot ng bulaklak ang mga produkto at serbisyong sa iyong palagay,


magbibigay sa iyo ng malaking kita.
VII. Pagtataya:

Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Isang hanapbuhay o nagbibigay ng serbisyo, na gumagawa ng sabon, tsinelas, at


iba pang gamit sa paa.
a. minero b. manggagawa c. sapatero d. sabonero.

2. Ito ay isang produkto na kabilang sa Non-durable Goods.


a. damit b. komputer c. sapatos d. pagkain

3. Ang produktong ito ay isang durable goods.


a. sasakyan b. asukal c. bigas d. isda

4. Ito ay serbisyo at mga gawain para sa iba.


a. produkto b. serbisyo c. paninda d. halaga
5. Ito ay ani o bunga ng paggawa ng mga kagamitan tulad ng pagkain, damit,
sapatos, at marami pang iba.

Noted:

DELIA E. DECENA
Principal I
Inihanda ni:

SOLIDAD A. NATIVIDAD
T- III
AJOS E/ S
CATANAUAN, QUEZONss

You might also like