You are on page 1of 1

Talumpati

Sabi natin “Kabataan ang pag-asa ng bayan.” Bakit mga kabataan ang madalas na
pumupuno sa mga malls? Bakit nga ba may mga estudyanteng mas gustong ubusin ang oras sa
loob ng mall o kaya gumala kaysa pumasok sa kani-kanilang mga eskwelahan? Mga mag-aaral
ang dapat nating isipin ay dapat nating tapusin ang ating pag-aaral at Itatak natin sa ating
isipan ay ito: Ang pag-aaral ang pag-asa sa kinabukasan nating mga kabataan.

Kailangan ang pagsusunog ng kilay at iwaksi sa isip yaong hilahil at hirap upang makamit ang
mga pangarap.Ang sobrang layaw at pakikibarkada ay walang maibibigay na magandang bunga.
Iwaksi iyan at isipin lagi ang mga adhika dahil ang pag-aaral ay moog na dapat sandigan ng
buhay natin tungo sa magandang kinabukasan. Magpasalamat din tayo at iginagapang tayo ng
ating mga magulang para makapag-aral. Samantalahin natin ang pagkakataong ibinigay nila sa
atin . Sino ba ang makikinabang?

Hindi nga ba kung matatag na ang pundasyon nating kabataan at kung lahat tayo ay kaya
nang makipagsabayan sa taas ng kwalipikasyong hinahanap ng mga namumuhunan para sa
kanilang kumpanya, ay buong pagmamalaki na nating sabihin na “Oo nga, kaming mga
kabataan ang pag-asa ng ating bayan.”

Tandaan natin na ang kaalamang natutuhan at nakukuha sa matiyagang pag-aaral sa silid-


aralan (hindi sa mall) ay hindi kailanman maagaw sa atin ng iba. Ang bunga ng ating pagtitiyaga
ay pakikinabangan pa ng susunod na henerasyon.

You might also like