You are on page 1of 9

Ang maging isang “Child Development Worker”!

Tunay nga bang napakadali


lang ng aming trabaho?

Aking napagnilayan, ano nga ba


ang gampaning naka-atang sa
aming mga balikat? Madali nga
lang ba ito gaya ng sinasabi ng
iba na nagbabantay lang ng mga
bata ang aming trabaho? Bakit
sa loob ng labing-dalawaang
taon ay minahal ko ang
trabahong ito? Dahil bas a hindi
ako nahihirapan?

Ako bilang isang Child Development Worker ang makapagsasabing tunay


na napakalaking responsibilidad ang gampaning naka-atang sa aking mga
balikat dahil kaakibat nito ang mga tungkuling hindi lamang pambata,
pampamilya kundi pang komunidad din.

Bilang isang Child Development Worker, tungkulin ko unang-una ang


pangasiwaan at pangalagaan ang mga batang sa akin ay ipagkakatiwala ng
kanilang mga magulang. Tungkulin kong tiyakin ang kanilang kaligtasan
habang sila ay nasa oras ng aking pangangalaga. Ang matiyak na walang
anumang masamang mangyayari sa kanila mula sa kanilang pagpasok
hanggang sa pag-uwi nila sa kani-kanilang mga tahanan.

Ang aking tungkulin na sila ay maturuan ng kagandahang-asal, at nang


tamang pakikisalamuha sa ibang tao at ibang bata.
Ang tungkuling
maturuan sila ng
tamang hakbangin na
gagawin sa panahon
ng mga hindi
inaasahang
kalamidad gaya ng
lindol at sunog, upang Duck….Cover
sa kanilang murang …..and hold
edad ay malaman nila
kung paano
maililigtas ang
kanilang mga sarili.

Ang tungkulin kong mag-organisa ng mga gawain na magpapaunlad ng


kanilang mga kakayahan at kaalaman at mapalakas ang kanilang mga
pangangatawan. Ang paglalaro, pagkulay, pagguhit, pagsayaw at pag-
awit ay ilan lamang sa aking mga itinuturo sa mga batang ito. Bago pa
man ako magsimula ay akin ng inihahanda ang mga gawain na ito.
Tungkuling mahasa at
malinang ang kanilang mga
talento sa ibat-iabng larangan
gaya ng pagsayaw, pag-awit,
pagguhit at pagkulay at
pagtula.Ang mailahok sila sa
mga patimpalak na mag-aalis
ng kanilang mga kaba sa
dibdib at masanay na
maipakita ang galling sa harap
ng maraming manood.
Malinang ang kanilang tiwala
sa sariling kakayahan at higit
sa lahat makapagbigay
kasiyahan hindi lamang sa
kanilang mga magulang kundi
maging sa mga tao sa kanilang
paligid.

Ang matiyak ang kanilang kaligtasan laban sa sakit at mabigyan ng tamang


nutrisyon. Mabigyan ng anumang medical na pangangailangan. Masiguro
ang kanilang kalusugan at may sapat na atensyong medical.
Kaakibat ng aking tungkulin bilang
Child Development Teacher ang
maging kaagapay ng mga
magulang sa pagpapalaki at
pagtuturo sa kanilang mga anak.
Ang aking tungkulin ay ndi lamang
natatapos sa oras na ang bata ay
nasa aking pangangalaga, kundi
ang maging isang magulang, ate, o
kapatid sa mga magulang.Ang
magtayo ng isang magandang
relayon at samahan sa kanila. Ang
pagdinig at pag-unawa sa kanilang
hinaing , suhesyon, at kaalaman ay
nakakatulong ng malaki sa isang
magandang pagsasamahan na may
pagkakaisa at pagtutulungan.Ang
magbigay sa kanila ng dagdag
kaalaman sa tulong ng mga NGO’s
at mga samahang may hangaring
sila ay maging mabuting magulang
sa kanilang mga anak. Ang
kanilang presensya ay
nakakatulong din ng malaki upang
maging mas matagumpay ang mga
gawain sa loob at labas ng Day
Care Center.Ang palitan ng tulong
sa pagitan ng Child Development
Worker at magulang ay
nakatutulong din ng malaki upang
lalong maging matagumpay ang
programang Day Care.
Pagdalo sa mga panawagan OPLAN IWAS PAGSISIGA NG DAMUHAN
pulong ng Sangguniang AT BASURA
Baranngay hinggil sa mga bagay
na makakatulong sa komunidad,
ganun din ang mga bagay na
ipinagbabawal ng pamayanan.
Kaakibat ng aking tungkulin na
maisakatuparan ang mga batas BARANGGAY ASSEMBLY
ng Pamahalaan, ng local na
pamahalaan at ang Batas
pambaranggay sa pamayanan,
lalong-lalo na ang mga batas na
may kinalaman sa mga bata.

RE-ORIENTATION FOR THE


BARANGGAY COUNCIL FOR THE
PROTECTION OF CHILDREN
(BCPC)

You might also like