You are on page 1of 29

WALA NG LAMOK!

: ANG PANANAW NG MGA RESIDENTE NG BARANGAY


76-A TUNGKOL SA MGA PAMATAY-KULISAP

Isang Kwalitatibong Pananaliksik na Ipinakita sa Faculty


DAVAO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Science, Technology, Engineering and Mathematics
XI- Briones

Bilang Bahagi ng Kaganapan ng Mga Kailangan sa Asignaturang


Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
(Kwalitatibong Pananaliksik)

MARIAH LOUISE L. MANGANOP


NOVOCHINO A. CASTILLO
BYEN JOASH M. ESTIMADA

Enero 2019
DAHON NG PAGPAPATIBAY

This research endeavour entitled “WALA NG LAMOK!: ANG PANANAW


NG MGA RESIDENTE SA BARANGAY 76-A TUNGKOL SA MGA PAMATAY-
KULISAP”, prepared and submitted by Mariah Louise L. Manganop,
Novochino A. Castillo, and Byen Joash M. Estimada, in partial fulfilment of the
requirements for the subject Practical Research 1 (Qualitative Research), has
been examined and is, hereby, recommended for the corresponding oral
examination, approval and acceptance.

MARIANITA SANTOS,
Adviser

PANEL OF EXAMINERS

APPROVED by the Panel of Examiners.

Chairman

Member Member

ACCEPTED in partial fulfilment of the requirements for the subject


Practical Research 1 (Qualitative Research).

LEONOR D. RASONABE, PhD


Grade 11 Curicculum Head
PASASALAMAT

Mariah Louise L. Manganop


Novochino A. Castillo
Byen Joash M. Estimada
DEDIKASYON
ABSTRAK
TALAAN NG NILALAMAN
Page
Pamagitang Pahina
Dahon ng Pagpapatibay
Pasasalamat
Dedikasyon
Abstrak
Talaan ng Nilalaman
Talaan ng mga Talahanayan at Grap

KABANATA

1 Panimula

Sanligan ng Pag-aaral

Paglalahad ng Suliranin

Hipotesis

Batayang Teoretikal

Kahalagahan ng Pag-aaral

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Kahulugan ng mga Katawagan

2 Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

3 Metodolohiya ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Instrumento ng Pananaliksik

Populasyon at Sampling

Pangangalap ng Datos

Tritment ng mga Datos

4 Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapaliwanag ng Datos


Implication of the Study in Context

Implication for Future Research

Talasanggunian

Apendiks

A Liham Kahilingan

B Talatanungan

Curriculum Vitae
TALAAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP

Figure

1
Kabanata 1

PANIMULA

Ang mga kaso ng dengue sa Rehiyon ng Davao ay kasalukuyang

nananatili hanggang ngayon. Ayon sa Department of Health Region 11 (DOH-

XI), mayroong pitongdaan at animnapu’t isang (761) kaso na iniulat ng Regional

Epidemiology Surveillance Unit (RESU) sa Davao mula Enero hanggang Abril

2018 na mababa ng 49.74% kumpara mula sa magkakaparehang durasyon.

Batay sa mga datos ng CHO sa Davao City noong 2018, may naitalang 1,508 na

kumpirmadong kaso ng dengue at 18 dito ay namatay (RMN,2019). Apat ang

naitala sa Brgy.Buhangin, 2 sa Calinan District,2 sa Brgy.19-B,3 sa Toril District,1

sa Brgy 9-A,2 sa Tugbok District, 1 sa Talomo South District, 2 sa Catalunan

Grande,at 1 sa Barangay Leon Garcia,Agdao.

Ayon sa DOH-Dengue Surveillance Report, sa taong 2018, mayroong

138,444 na kaso ng dengue ang naitala sa buong Pilipinas mula sa unang araw

ng Enero hanggang Oktubre 6. Mas mataas ito kontra sa 114,878 na kaso ng

dengue na naitala sa buong Pilipinas sa nakalipas na taon mula sa parehong

panahon. Ngayong 2018, nasa 708 na mga pasyente sa buong Pilipinas ang

nasawi dulot ng dengue virus. Nangunguna ang Central Luzon sa may

pinakamaraming naitalang kaso ng dengue sa buong Pilipinas na umabot

hanggang 22,077. Sinundan ito ng NCR na mayroong 18,831 naitalang kaso.


Pasok din ang Calabarzon, Ilocos Region at Western Visayas sa mga rehiyong

may matataas na kaso ng dengue na naitala.

Noong 2018, ang Bangladesh ang may pinakamaraming naitalang kaso

ng Dengue,sa nakalipas na dalawang dekada,at ang sakit na ito ay kumakalat sa

mga less tropical at mga temperate na bansa,katulad ng Nepal, na hindi ito

kadalasang nararansan doon. Ang mga taong balak pumunta sa Pilipinas ay

inabisuhan ukol sa mataas na bilang ng kaso ng dengue sa bansa(RNZ,2019).Si

Ann Pobutsky, ng Guam's Department of Public Health and Social Services, ay

nagpaalala na protektahan ang sarili sa pamamagitan ng paglagay ng mga

mosquito repellent na may 20 hanggang 30 percent DEET.

Aedis aegypti, isang uri ng lamok na karaniwang namumuno bilang isang

pangunahing vector ng dengue virus. Ito ay karaniwang matatagpuan sa

America, maliban sa Canada at Kontinental na Chile (WHO, 2016). Ito ay ang

pangunahing tagapagdala ng sakit tulad ng dengue, chikugunya at Zika virus.

Sa nakalipas na dalawang dekada, maraming pananaliksik tungkol sa

byolohikal na pamatay-kulisap ay nakahuli ng atensyon bilang isang bagong

konsepto sa pagkontrol ng kulisap ngunit hindi karaniwang ginagamit. Iba’t ibang

halaman gaya ng luya at shammar (Isman, 2000); bawang (Ahmad et.al, 2013);

tickberry (Rajashekar et.al, 2012); tanglad (Baldacchino et.al, 2013) at Neem

Tree (Boadu, 2011) ay kilala bilang isang kapaki-pakinabang na byolohikal na

komposisyon laban sa mga insekto.


Karaniwang ginagamit sa Pilipinas ang sintetikong pamatay-kulisap na

naglalaman ng mapaminsalang kemikal kilala din sa tawag na fumigants tulad ng

acrylonitrile, chloropicrin I, at methyl chloroform na kinokonsiderang nagdudulot

ng kanser at mapanganib ito sa kalusugan ng tao kaya, ang mga mananaliksik ay

piniling madiskobre ng iilan na mga barangay sa Lungsod ng Davao at

magkaroon ng kaalaman ukol sa paggamit ng botanikong pamatay-kulisap.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng kwalitatibong pananaliksik na ito ay diskubrehan at

maunawaan kung paano ang paggamit ng mga pamatay-kulisap ng iilan sa mga

residente sa barangay at unaawin ang kanilang pananaw ukol sa botanikong

pamatay-kulisap.

Research Questions

 Bakit kayo gumagamit ng mga pamatay-kulisap?

 Ang mga pamatay-kulisap ba na ginagamit ninyo ay nakakaiwas sa mga

sakit dala ng lamok?Bakit?

 May mga problema ba kayong nakakaharap sa tuwing ginagamit ninyo

ang pamatay-kulisap niyo?

 Naiisip niyo ba na ang paggamit ng mga botanikal na pamatay-kulisap ay

nakakatulong?Bakit?

Batayang Teoritikal

Ang “Health Belief Model”


Ayon kay LaMorte (2018), ang “Health Belief Model” o HBM ay nabuo

noong 1950s ng mga siyentipikong panlipunan sa U.S. Public Health Service

upang maunawaan nila kung bakit hindi isinasagawa ng mga tao ang

pagkakaroon ng mga “screening tests” o mga pagsusuri uppang malaman kung

mayroon bang mga nagpapakitang sintomas ng isang sakit sa kanilang katawan.

Pagkaraan ng panahon, ang HBM ay ginagamit upang malaman kung paano

tinutugunan ng mga pasyente ang mga sintomas at ang kanilang mga gamot.

Ang HBM ay nagnumungkahi na ang paniniwala ng isang tao sa mga banta ng

pagkakaroon ng sakit o karamdaman, kasama na ang paniniwala na isang tao sa

kabisaan sa inerekomendang gawi o kilos para sa kalusugan ay nagsasabi na

madadala niya ang kaniyang pag-uugaling iyon.

Ang HBM ay nanggaling sa mga teoryang sikolohikal ay pang-kaugalian,

kasama ang dalawang bahagi ng kaugaliang pangkalusugan,bilang pundasyon

nito, at ito ang: 1) ang pagnanais na maiwasan ang karamdaman o 2) ang

paniniwala na ang isang sakit ay maiiwasan, o magagamot ito. Sa huli, ang

paraan ng pag-iwas ng isang tao ay nakabatay sa pag-unawa sa mga

magagandang dulot at mga hadlang kaugnay sa kaugaliang ito. Mayroong anim

na bumubuo sa HBM,kung saan ang apat sa mga ito ay ang nabuo bilang mga

unang mga kuro-kuro ng HBM. Ang huling dalawa ay naidagdag bilang pagsusuri

tungkol sa pagbabago ng HBM.

-Ang pansariling paniniwala tungkol sa banta ng pagkakaroon ng sakit o

karamdaman,kung saan iba-iba ang reaksyon ng isang tao tungkol dito.

(Perceived suspectibility).
-Ang nararamdaman ng isang tao ukol sa kalubhaan ng isang sakit( o ang

isang sakit ay walang nang kaukulang gamot).Iba-iba ang tugon ng mga

tao ukol sa kalubhaan ng sakit,at naiisip din nila ang mga posibleng mga

kahihinatnan nito sa kalusugan (kamatayan) o di kaya sa mga mahal sa

buhay. (Perceived severity).

-Ang paniniwala ng isang tao ukol sa kabisaan ng iba't-ibang

pamamaraan upang maiwasan o magamot ang isang sakit. Ang mga

pamamaraan ng isang tao ay nakabatay sa mga ebalwasyong ginawa ukol

sa banta ng pagkakaroon ng sakit,at mga posibleng gamot ukol dito,

gayong handa niyang tanggapin na ang kaniyang pinaniniwalaan ay

nakakabuti. (Perceived benefits).

-Ang pakiramdam ng isang tao ukol sa mga hadlang na maisakatuparan

ang isang partikular na pagpapagamot. Iba-iba ang mga paniniwala ng tao

tungkol sa mga balakid, kung saan papasok ang "cost/benefit

analysis".Dito itinimbang ang kabisaan ng gamot/mga medikasyon, laban

sa mga paniniwala na ito ay may kamahalan, nakakaubos ng oras, o di

kaya'y mapanganib. (Perceived barriers).

-Ito ay isang estimulo ng isang tao na nagpapagana sa "decision-making

skills" ng isang tao na tanggapin ang pamamaraan o pagpapagamot. Ang

mga pahiwatig na ito ay maaaring panlabas(nababasa sa diyaryo, o mga


payo sa iba) o di kaya'y panloob (pananakit sa dibdib o umaaghas na

paghinga). (Cue to actions).

-Ito ay tumutukoy sa pagtitiwala sa abilidad na mapapagaling siya sa

partikular na gamot. Ito ay naidagadag noong 1980s,at ito ay napabilang

na sa mga iba't ibang teorya,at ito ay nakadirekta kung ang isang tao ba

ay gagawin ang pamamaraang iyon. (Self-efficacy).

Mga Limitasyon ng Health Belief Model

May iba't ibang mga limitasyon ang HBM,kung saan nalilimitahan

ang mga tao dito. Ang mga limitasyon sa modelong ito ay ang mga

sumusunod:

 Hindi naipapaliwang dito ang pag-uugali, mga paniniwala,at iba

pang mga salik na maaaring makaapekto sa pananaw ng isang tao

ukol sa gamutang iyon.

 Hindi naipapaliwanag dito ang mga habitwal na mga gawi,na

maaaring magdikta ng hindi angkop na pamamaraan ang ating

isipan.(Hal. paninigarilyo).

 Hindi dito naipapaliwanag ang mga gawing hindi kaugnay sa

kalusugan, katulad ng pagtanggap sa iyo ng mga tao.

 Hindi dito naipapaliwanag ang mga pangkapaligiran o pang-

ekonomikal na mga salik na maaaring mapigil o maitaguyod ang

nasabing pamamaraan.
 Maaaring maipagpalagay na ang lahat ng tao ay may pantay-

pantay sa lahat ng impormasyong ibinibigay sa bawat sakit o

karamdaman.

 Maaaring maipagpalagay na ang mga pahiwatig na naibigay ay

nagpapalaganap na hinihikayat nito ang mga tao na kumilos at ang

mga ito ay ang pangunahing layunin sa paggawa ng pasiya.

Ang HBM ay mas naglalarawan kaysa nagpapaliwanag,at ito ay hindi

nagmumungkahi ng mga istratehiya upang mabago ang ating mga aksiyon. Sa

pamamaraang pang-iwas sa mga sakit, batay sa mga naunang mga pag-aaral na

ang unang apat na bumubuo dito,maliban sa "perceived severity" ay palaging

nakaugnay sa mga ninanais na mga aksiyon. Ang bawat isa sa kanila ay

napakahalaga, batay sa kahihinatnan nito, ngunit magiging mas mabisa ito kung

sasamahan ito ng iba pang mga modelo na nagpapaliwanag sa kontekstong

pangkapaligiran at nagpapahayag ng mga istratehiya sa

pagbabago.(LaMorte,2018).

Ang “Social-Ecological Model”

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (2018), ang

pinakalayunin nito ay pigilan ang panganib bago ito mag-umpisa. Ang pag-iingat

ay nangangailangan na maunawaan muna ang mga salik na nakaiimpluwensiya

sa panganib. Ang CDC ay gumagamit ng apat na antas, na isang "social-

ecological" na modelo upang mas maunawaan ang panganib at ang mga epekto

ng mga posibleng istratehiya upang mapigilan ito. Ang modelong ito ay

isinasaalang-alang ang masikot na pag-uugnayan ng isang indibidwal,ng


relasyon,ng pamayanan,at "societal" na mga salik.Tinutulutan tayo nito na

maunawaan ang iba't ibang salik na naglalagay ng tao sa panganib o

maprotektahan nila mula sa mga iba't ibang panganib. Ang mga magkasanib-

sanib na bilog sa modelo ay sumisimbolo na ang isang salik ay maaring

maimpluwensiyahan ang iba pang mga salik.

Maliban sa pagpapaunawa sa mga salik, ang modelong ito ay

nagmumungkahi upang maiwasan natin ang mga panganib, kailangan natin na

gawin ang iba't ibang lebel sa modelo nang sabay-sabay. Itong paraan na ito ang

parang mas epektibo sapagkat ito ay mas nagsisikap na mabigyan ng mga

aksiyon upang mapigilan ang mga panganib.

Indibidwal

Ang unang antas ay nagpapahiwatig ng mga bayolohikal at mga personal

na mga salik na nagpapataas sa probabilidad na maging isang biktima o maysala

ng isang panganib. Ang ilan sa mga salik nito ay ang edad, edukasyon, pera,

paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot,at pang-aabuso. Ang mga istratehiya

upang mapigilan ang mga ito ay pagtataguyod sa mga kaugalian, paniniwala, at

mga asal na umiiwas sa mga panganib. May mga partikular na pamamaraan na

nangangailangan ng pag-aaral at "life skills training".

Relasyon

Ang ikalawang antas ay sumusuri sa mga koneksiyon na nagpapataas sa

pagkakataon na makaranas ng panganib,bilang isang biktima o maysala. Ang

mga pinakamalapit na kaibigan, kabiyak, o mga kamag-anak ay maaaring

makakaimpluwensiya sa kanilang karanasan. Ang mga istratehiya para dito ay

maaaring mga programa para sa pamilya, at mga "peer programs" na nabuo


upang mabawasan ang mga problema, at mas maitaguyod ang magandang

ugnayan.

Pamayanan o Komunidad

Ang ikatlong antas ay sumusuri sa mga lugar katulad ng paaralan,opisina,

at mga magkakalapit-bahay, kung saan dito nabubuo ang mga ugnayan at

kumikilala sa mga katangian sa mga lugar na ito na maaaring may kaugnayan sa

pagiging biktima o maysala ng isang panganib. Ang mga maaaring istratehiya

upang mapigilan ito ay pagpapabawas sa "social isolation" at pagpapabuti sa

mga oportunidad ukol sa housing sa komunidad, kasama na rin ang klima,

proseso sa paaralan at mga opisina, na nakakapekto din sa sosyal at

pangkapaligiran na aspekto.

“Societal”

Ang ikaapat na antas ay tumitingin sa mga malawak na "societal" na salik

kung saan ang panganib na nabubuo ay napipigilan o nahihikayat na magawa.

Ang mga salik na ito ay maaaring sosyal o sa mga kultural na "norms" na

humihikayat sa panganib bilang isang katanggap-tanggap na paraan upang

maayos na ang mga gusot. Ang iba pang mga malalaking salik ay ang

kalusugan,ang ekonomiya, ang edukasyonal na salik,at mga polisiya na

nagpapanatili sa ekonomiko o sosyal na inekwalidad sa pagitan ng mga grupo sa

ating paligid.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Mga Residente ng Rehiyon ng Davao. Magkakaroon ng kamalayan ang mga

residente tungkol sa mga umiiral na alternatibong pamatay-kulisap na may mas

kaunting pinsala na dala para sa tao.

Mga Residente ng Barangay 76-A. Makakahanap ng alternatibong solusyon

ang mga residente sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.

Gobyerno. Magkakaroon ng kamalayan ang gobyerno tungkol sa mga

alternatibong pamatay-kulisap na maaaring gamitin ng institusyong

pangkalusugan.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay makikipanayam lamang ng tatlong residente mula sa

barangay 76-A . Ang pag-aaral na ito ay isasagawa lamang sa buong Enero

2019.

Kahulugan ng mga Katawagan

Pamatay-Kulisap - Ito ay mga pamatay-peste na ginawa upang makapatay o

makapagpahina ng mga insekto at kulisap. May iba't-ibang paraan sa paggamit.

Maaaring ito ay pawisik o pa-alabok (NPIC, 2018).

Lamok. Ito ay kapamilya ng Langaw (Culicidae) na kung saan ang mga babae ay

mayroong mahahabang proboscis na may kakayahang kumagat sa balat ng tao

at hayop upang makainom ng dugo at magkalat ng sakit tulad ng dengue,

chikungunya at Zika Virus (Merriam Webster Dictionary, 2018).


Pananaw. Ang kakayahan sa pagiging matalino at pagsagawa ng mabubuting

desisyon (Collins Dictionary, n.d).

Residente. Isang tao na nakatira sa isang permanenteng lugar o sa long-to-term

basis.(Merriam Webster Dictionary, 2018).

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Botanikong Pamatay-Kulisap

Ang mga botanikong pamatay-kulisap ay matagal nang kilala bilang isang

alternatibo sa sintetiko at kemikal na pamatay-kulisap para sa pamamahala sa


peste dahil ang botanikong pamatay-kulisap ay nagpapakita ng kaunting banta

sa kapaligiran o sa kalusugan ng tao (Isman, 2006). Simula pa noong unang

panahon, ang paggamit nito ay naipasa mula sa unang henerasyon patungo sa

sumunod na henerasyon. Inirerekomenda ito bilang isang eko-kemikal at

napapanatiling stratehiya sa pamamahala ng hortikultural na mga insekto o

kulisap (Prasannath,2016). Ang kaniyang biodegradable nature at kapasidad na

baguhin ang pag-uugali ng mga kulisap ay nagiging pag-asa para sa isang

evergreen revolution. Ayon kay Joseph, et.al. (2012), ang botanikong pamatay-

kulisap ay lubhang nakabababa sa paggamit ng conventional o sintetikong

pamatay-kulisap, na may potensyal sa pagbawas ng pangkalahatang daming

inilapat at posibleng nagpapagaan o ang pagkaantala ng pag-unlad na

resistensya sa populasyon ng mga kulisap at ang pag-iwas sa muling

pagkabuhay ng mga ito. Ang mga botanikong pamatay-kulisap ay makaapekto

lang sa target na mga insekto, hindi upang sirain ang benepisyal at natural na

kalaban at maglaan ng pagkaing walang residue at ligtas na kapaligiran

(Hikal,et.al., 2017).

Aedes Aegypti

Ayon sa Centers for Disease Control and

Prevention (CDC), sa taong 2012, ito ay isang maliit

na lamok na may puting markang hugis lyre at may

banded na mga binti. Mas gusto nilang kumagat sa

Fig.1. Aedes aegypti mosquito


loob ng bahay, lalo na sa mga tao. Ang mga matatandang Aedes aegypti ay

medyo maliit at may sukat na mula apat hanggang pitong milimetro (Samaroo,
2015). Ang mga lamok na ito ay maaaring gumamit ng mga natural na lokasyon o

tirahan (halimbawa na lamang ay ang mga butas ng puno at axil ng halaman) at

artipisyal na lalagyan na naglalaman ng tubig upang itabi ang kaniyang mga itlog

na karaniwang nangyayari sa araw na may organikong material (gaya ng

nabubulok na mga dahon, algae at iba pa) sa mga lalagyan na may malawak na

openings at mas gusto ang mga lalagyang may madidilim na kulay na

matatagpuan sa lilim. Pinakamadalas na matatagpuan sa tropical at subtropikong

lugar sa buong mundo, ang Aedes aegypti ay historikal na kinokonsiderang isang

pangunahing tagapagdala ng mga sakit tulad ng dengue fever, chikungunya at

yellow fever (CDC, 2012).

Mga Sakit na Dala ng Aedes aegypti

Iilan sa mga sakit na dala ng Aedes aegypti ay ang dengue fever,

chikngunya, at yellow fever (CDC, 2012).

Ayon sa World Health Organization (WHO) sa taong 2009, ang dengue ay

ang pinakamabilis na kumakalat na sakit sa mundo dulot ng lamok. Tinatayang

50 milyong dengue infections ang nangyayari taon-taon at mahigit 2.5 bilyong tao

ang naninirahan sa dengue epidemyang bansa. Ang mga sintomas ng dengue ay

biglaang pagsimula ng lagnat, sakit ng ulo (karaniwang nagaganap sa likod ng

mata), sakit sa kalamnan at kasukasuan, at rashes; ang alternatibong pangalan

ng dengue, “breakbone fever”, ay nagmula sa nagsamang sakit sa kalamnan at

kasukasuan (Srinivas and Srinivas, 2015).

Ang chikungunya ay isang viral disease na ipinahatid sa pamamagitan ng

kagat ng nalalinang Aedes aegypti at Aedes albopictus mosquitoes (WHO, n.d.).


Ang sakit na ito ay kasintulad ng dengue fever. Bilang ito ay karaniwang

nangyayari kasama ng dengue fever; ito ay kadalasang di nasusuri. Kaya ang

bilang ng mga kaso ng chikungunya fever ay labis na mataas kaysa sa inuulat.

Ang mataas na densidad ng lamok sa panahon ng post-monsoon season ay

dinadagdagan ang pagdadala ng sakit. Lagnat at matinding sakit ng kasukasuan

ay ang mga karaniwang sintomas ng chikungunya. Ang iba pang sintomas ay

ang sakit ng ulo, kalamnan, pamumugto ng kasukasuan at rashes. Ang mga

sintomas na ito ay kadalasang nagsisimula tatlo hanggang pitong araw

pagkatapos makagat ng nalalinang lamok (CDC, n.d.).

Ang yellow fever ay isang seryosong sakit na bunga ng yellow fever virus.

Ito ay matatagpuan sa tiyak na parte ng Aprika at Timog Amerika. Ang yellow

fever ay lumalaganap sa pamamagitan ng kagat ng nalalinang lamok. Ito ay ‘di

maaaring makalat mula sa isang tao patungo sa ibang tao sa pamamagitan ng

direktang pagkakalapat. Ang mga taong mayroong sakit na yellow fever ay

karaniwang kailangan ipadala agad sa ospital. Ito ay nagbubunga ng lagnat at

mala-trangkasong sintomas, jaundice (dilaw na balat o mata), pagdugo ng atay,

bato, panghinga at iba pang panghihina sa katawan at maaaring magsanhi pa ng

kamatayan (CDC, 2011).

Neem Tree

Ang neem tree (Azadirachta indica) ay isang maliit na punong-kahoy na

karaniwang tumutubo hanggang 15 metro at umaabot ng 10 metro ang lapad.

Ang mga sanga nito ay lumalabong hanggang 7.5 metro at lumalapad ng halos

90 sentimetro. (Orwa et.al, 2009).


Ang A. indica ay tumutubo kahit saan sa mga mababang lugar na may

tropikong klima. Sa India, makikita ito sa mga kagubatan kasama ang mga

punong akasya. Sa Indonesia, likas itong makikita sa kanilang mga kagubatan na

nasa mababang lugar. Ang mga A. indica ay may kakayahang mabuhay sa

malalamig na lugar ngunit hindi gaanong madami dahil sensitibo ang mga buto

nito sa lamig. Ang A. indica ay higit na nangangailangan ng enerhiya mula sa

araw, ngunit pagdaan ng mga taon ay maaari na itong mabuhay kahit sa

kaunting sikat ng araw.

Ang azadirachtin ay nakilala bilang punong aktibong langkapan na

matatagpuan sa A. indica. Ang mga katas nito ay karaniwang makikita sa mga

dahon at iba pang parte ng puno ngunit nasa buto nito ang may pinakamaraming

konsentrasyon ng azadirachtin (Orwa et.al, 2009). Ang azadirachtin ay isang

complex tetranortriterpenoid limonoid mula sa mga buto ng neem na siyang

responsable sa nakakalasong epekto nito laban sa mga kulisap.Ang ibang mga

limonoid at sulphur-containing compound ay makikita rin sa mga dahon, bulaklak

at ugat ng neem tree (Nisbet & Mordue, 2000). Pinapahina ng azadirachtin ang

pagpisa sa mga itlog ng mga kulisap sa pamamagitan ng pagkopya ng isang

tiyak na hormon na siyang tumitigil sa pagpisa ng mga itlog upang maging mga

kulisap. Maraming mga kulisap ang umiiwas sa mga tanim na may neem

compounds. Napatunayang epektibo ang azadirachtin kontra sa 100 na lahi ng

mga kulisap. Mabisa itong gamitin bilang proteksiyon sa mga halaman at

pananim ng hindi nadadamay ang iba pang mapakikinabangang insekto tulad ng

mga bubuyog.
Lemongrass

Ang lemongrass (Cymbopogan citraus) ay isang aromatikong halaman na

kabilang sa pamilyang Gramineae (Akhila, 2010). Ang lemongrass oil ay isang

essential oil na makukuha mula sa parte ng Cymbopogon citrates. Ang Geranial

(a-citral) at neral (b-citral) ay ang dalawang pangunahing aktibong bahagi ng,

ngunit ang ibang bahagi, tulad ng geraniol at citronellol, na kilala bilang

repellents, ay naroon din ng maliit na dam. Ang lemongrass essential oil ay

nagpakita ng repellent effect, mag-isa man o kombinasyon, laban sa iba’t ibang

species ng karamdaman- v -L. (Diptera: Muscidae) at ito rin ay mayroon sa

komersyal na mga produkto (Baldacchino et.al, 2013).

Tickberry

Ang tickberry (Lantana camara) ay isang halaman na may hindi kaaya-

ayang amoy, mayroong maraming sanga, ang palumpong nitong palaging

nalalagas, napapalibutan ng mga buhok kung ito ay berde, na kadalasan ay

napapalibutan ng mga maliliit na tinik. Ito ay matatagpuan sa timog ng Atlantic

Coastal Plain mula Florida at Georgia hanggang Texas (Small 1933), at sa

California at Hawaii bilang isang peste (Holm et al. 1979, Kingsbury 1964). Ito ay

makikita sa buong Florida, kasama ang Keys. Ito ay itinatanim sa buong Florida,

na may 100 uri na may mga ilang mga hybrids; at ilan sa mga bago ay mga

sterile pa (Hammer 1997).

Ang mga siyentipikong nag-aaral nito ay may naiulat na mga

sekundaryang mga metabolites katulad ng phenolic, flavonoids, carbohydrates,


proteins, alkaloids, glycosides, oligosaccharides, anthraquinone, saponins,

steroids, terpenes at tannins. Ang langis na nagmula sa mga dahon nito ay

naiulat na may itinataglay itong adulticidal activity laban sa Aedes aegypti, Culex

quinquefasciatus, Anopheles culicifacies, An. fluvialitis at An. stephensi na mga

lamok. Ang mga bumubuo sa langis na iyon ay ang bicyclogermacrene (19.42%),

isocaryphyllene (16.70%), valecene (12.94%), at germacrene D (12.34%). Si

Zandi-Sohani et al. ay may nakita sa langis ng L. camara na siksik sa αhumelene

(23.3%) at cis-caryophyllene (16.2%) na may repellent activity laban sa C.

maculatus. Gayunman, hindi gaanong pinag-aaralan ito, kahit mayroon silang

ganitong halaman sa Nigeria (Omoregie et.al,2015).

Kabanata 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng Disenyo ng Pananaliksik, Kahalok

sa Pananaliksik, Pangangalap ng mga Datos, Tritment ng mga Datos, at Ethical

Consideration
Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isang dexploratibo at penomenolohikal na

kuwalitatibong pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng isang

panayam para sa mga kalahok upang madiskubrehan ang ginagamit na

pamatay-kulisap sa kani-kanilang barangay at mas maintindihan pa ang kanilang

mga saloobin ukol sa botanikong pamatay-kulisap.

Research Participants

Ang mga kalahok ay binubuo ng tatlong (3) residente mula sa Barangay

76-A. Ang barangay na binanggit ay may mataas na kaso ng dengue na iniulat

ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) sa Davao dahil sa

populasyon ng Aedes aegypti.

Pangangalap ng mga Datos

Sa kuwalitatibong pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay

mangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng in-depth interviews.

Maghahanda ang mga mananaliksik ng gabay na mga katanungan na siyang

sumasalamin sa paglalahad ng suliranin at ito ay ikicritique ng tagapayo sa

pananaliksik ng mga mananaliksik.

Priyor sa in-depth interviews, ang mga mananaliksik ay magpapaliwanag

sa bawat kalahok sa kanilang legal na karapatan, etika sa pananaliksik, at ang


pagiging kompidensyal ng kanilang pagsali, ang panayam ay irerecord at

magkakaroon ng dokumentasyon para sa transkripsyon.

Makalipas ang ilang araw, ang in-depth interview ay magaganap.

Binabase ang pagtatanong sa paglalahad ng suliranin at gabay na mga

katanungan, ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng one-on-one interview

sa bawat kalahok na naayon sa kanilang iskedyul at lokasyon. Sa oras ng

panayam, maliban sa pagrecord, ang mga mananaliksik ay susulat ng mga punto

na maaaring maging tulong sa resulta ng pag-aaral.

Kinakailangan ang katumpakan at pagtalima sa mga patnubay upang

makagawa ng maaasahang datos. Kung kaya’t ang pagkolekta ng datos ay ang

pinakamahalaga at mahabang proseso sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito.

Tritment ng mga Datos

Matapos ang pagkolekta ng datos at ang pakikipagpanayam, ang mga

mananaliksik ay makakapag-encode ng mga audio record ng interbyu sa

nakasulat na mga transcript. Ang mga transcript na ito ay papaikliin upang

bumuo ng mga code. Ang isang code sa kuwalitatibong pagtatanong ay

kadalasang "isang salita o maikling parirala na may simbolikong nagtatalaga ng

isang summative, kapansin-pansin, makakuha ng kakanyahan, at / o evocative


attribute para sa isang bahagi ng batay sa wika o visual na datos" (Saldana,

2009).

Ethical Consideration

Ang mga kalahok na sasali para sa pagpapabuti ng pag-aaral ay

ipapaalam sa kanilang mga karapatan pati na rin ang pagiging kompidensyal ng

kanilang pakikilahok. Sila ay bibigyan ng mga pahintulot na kung saan ang mga

nilalaman ay lubusang maipaliwanag sa kanila.

Ang mga katanungan ng mga mananaliksik sa isasagawang in-depth

interview ay susuriin upang matiyak na ang mga tanong ay may kaugnayan,

maliwanag at sensitibo sa mga kalahok. Sa interbyu, ipapaalam ng mga

mananaliksik ang mga kalahok na may karapatan silang tanggihan ang anumang

tanong na hindi sila kumportable sa pagsagot at maaari nilang bawiin ang

kanilang paglahok anumang oras.

Ang mga mananaliksik ay magpapaliwanag sa mga kalahok na ang

kanilang paglahok ay mahalaga sa pagdating ng mga posibleng paraan sa

paggamit ng botanikong pamatay-kulisap na ‘di masyadong mapanganib sa

kapaligiran kaysa sa paggamit ng sintetikong pamatay-kulisap at mga proseso ng

pagpapausok na nagpapataw ng mga katangian na carcinogenic o nagdadala ng

cancer. Makatitiyak ang mga kalahok na lahat ng tao sa lipunan lalo na ang mga

residente ng rehiyon ng Davao, mga manggagawa ng kalusugan at ang


pamahalaan ay maaaring makinabang mula sa mga resulta ng pananaliksik na

ito.

Maabisuhan rin sila na ang mga audio recording ay gagamitin lamang

para sa transkripsyon. Ang mga sagot ng mga kalahok ay hindi mababago sa

anumang paraan at masusuri nila ang katotohanan ng pag-aaral na ito sapagkat

bibigyan sila ng isang kopya ng pananaliksik na ito kung nais nila.

Sa pamamagitan ng angkop na respeto sa iba pang mga propesyonal at

may-akda na nabanggit sa pag-aaral na ito, sisiguraduhin ng mga mananaliksik

na ang kanilang mga ideya at impormasyon ay wastong babanggitin at makikita

sa mga sanggunian sa paggamit ng American Psychological Association (APA)

format.

You might also like