You are on page 1of 13

A.

Mga Tauhan
Tauhan : Don Fernando

Pagkalarawan: Si Don Fernando ang ama ni Don Juan , Don Pedro at Don Diego.Ang kanyang
asawa ay si Donya Valeriana. Siya ay nagkasakit sa simla nang storya dahil napanaghinipan niya
na pinatay ang kanyang bunso na si Don Juan. Ang magpapagaling lang sakanya ay ang Ibong
Adarna na hahanapin nang tatlong magkakapatid.

Tauhan : Don Pedro

Pagkalarawan : Si Don Pedro ang pinakamatanda sa tatlong magkakapatid. Siya din ang
pinakaunang naghanap sa Ibong Adarna ngunit hindi nagtagumpay. Si Don Pedro ay isang
masamang kapatid. Noong iniligtas siya ni Don Juan , pinagtaksilan nila nito ni Don Diego.
Binugbog nila at iniwan si Don Juan upang ipalabas sa hari na sila ang nakakuha nang Ibong
Adarna. Si Don Pedro din ang nagplanong pakawalan ang Ibong Adarna habang si Don Juan ang
nagbabantay. Siya din ang pumutol sa lubid ni Don Juan noong paakyat siya nang balon.
Inagawa din niya ang babaing iniibig ni Don Juan na si Donya Leonora , ngunit siya ay
tinangihan dahil si Don Juan ang tunay niyang mahal.

Tauhan : Donya Leonora

Pagkalarawan : Si Donya Leonora ang isa sa mga iniibig ni Don Juan. Siya ay iniligtas ni Don
Juan sa kanilang palasyo pagkatapos niya sagipin ang kapatid ni Donya Leonara na sa si Donya
Juana. Si Don Pedro din ay may gusto kay Donya Leonora , ngunit ang tunay niyang mahal ay si
Don Juan kaya kahit anong pilit ni Don Pedro , hindi ito gumagana. Si Donya Leonara din ang
ipinakasalan ni Don Juan noong nakalimutan niya si Donya Maria.

Tauhan : Arsobispo

Pagkalarawan : Siya ang nagkasal kay Don Juan at Donya Leonora.

Tauhan: Don Juan

Pagkalarawan: Si Don Juan ang Pangunahing Tauhan sa Ibong Adarna, siya ay nakipagsama sa
tatlong iba’t-ibang babae. Isang Prinsipe ng Berbanya at anak ni Don Fernando at Donya
Valeriana, kapatid ni Don Diego at Pedro(Bunso).

Tauhan: Don Diego

Pagkalarawan: Si Don Diego ang ikalawang anak ni Don Fernando at Donya Valeriana. Asawa
ni Donya Juana, pinakatahimik sa magkakapatid.

Tauhan: Donya Maria


Pagkalarawan: Si Maria ang anak ni Salermo at nakatira sa de los Cristales.Asawa ni Don Juan.
Marunong gumamit ng Mahika

Tauhan: Ibong Adarna

Pagkalarawan: Isang Ibon na may mahika na makakapaggaling ng mga tao pero ang dumi nito ay
ginagawang bato ang mga tao

Tauhan: Donya Juana

Pagkalarawan: Si Donya Juana ang kapatid ni Donya Leonora, unang iniligtas ni Don Juan sa
balon pero naging asawa ni Don Pedro.

Tauhan: Donya Valeriana

Pagkalarawan: Si Donya Valeriana ang asawa ni Don Fernando at ina nina Pedro, Diego at Juan.

Tauhan: Haring Salermo

Pagkalarawan: Siya naman ang hari ng Reyno de los Cristales. Ayaw niya ibigay ang anak niya,
si Donya Maria sa mga lalaki. Nakakapaggamit din ng mahika

Tauhan: Ermitanyo sa Bundok Tabor

Pagkalarawan: Ermitanyo na nagtulong kay Don Juan hulihin ang Ibong Adarna at gawin normal
ang kanyang mga kapatid

Tauhan: Ermitanyo 2

Pagkalarawan: Nagtulong kay Don Juan para makausap ang pangatlong Ermitanyo sa
pamamagitan ng pagbibigay ng baro ni Jesus

Ermitanyo 3 – Pangatlong Ermitanyo na marunong magkausap ng mga hayop sa dugat.


Nagtulong kay Don Juan hanapin ang agila na alam kung saan ang Reyno De los Cristales

Leproso sa Bundok Tabor – Leproso na tinulungan ni Don Juan sa pamamagitan ng pagbigay ng


tinapay. Tinulungan din niya si Don Juan sa pamamagitan ng pagsabi kung saan ang Ermitanyo
ng Bundok Tabor. Pareho silang tao ng Ermitanyo ng Bundok Tabor

Matanda 1 – Matanda na nagsabi kung ano ang lunas sa sakit ni Haring Fernando(Ibong Adarna)

Higante -Ang higante ay ang nagbantay kay Donya Juana sa ilalim ng balon.

Serpyente -Ang Serpyente ay ang isa sa dalawang taga-bantay ni Donya Leonora sa palasyong
nakatago sa ilalim ng balon.
Matanda 2 – Itong matanda ang tumulong kay Don Juan noong siya ay pinagtaksilan ng mga
kapatid at iniwan lamang nang bugbog at walang makain. Mahalaga itong matandang ito
dahilkung hindi dahil sa kanya ay namatay na kaagad si Juan.

Mediko – Mediko ng Berbanya na hindi alam kung ano ang sakit ni Haring Fernando

Juana -Siya ang isang kapatid ni Donya Maria at ang isa pang anak ni Haring Salermo na
naninirahan din sa Renyo de los Cristales.

Isabella – Siya ang isa sa mga kapatid ni Donya Maria.

Mga Tao sa Berbanya – Ang mga tao sa Berbanya ay napakamasunurin. Tahimik ang kaharian
ng Berbanya dahil lahat ng utos ng hari ay sinusunod nila. Kapag masaya ang hari, masaya rin
sila katulad noong kasal ni Diego at kapag malungkot ang hari, malungkot na rin sila katulad
noong umalis si Juan sa Berbanya upang hanapin at hulihin ang Ibong Adarna.

Mga Tao sa de los Cristales – Ang mga tao sa de los Cristales ay naging masaya noong bumalik
na ang prinsesang si Maria at naging reyna na ng kaharian na iyon habang si Juan naman ang
hari ng kaharian.

Lobo -Ito ang kasama ni Doya Leonora sa ilalim ng balon at ito rina ang tumulong kay Don Juan
nang nahulog siya sa balon.

Agila -Ang Agila ang nag-dala kay Don Juan papuntang Renyo de los Cristales. Ito ay nag-
pangako na dadalin niya si Don Juan sa Renyo de los Cristales nang hindi nasasaktan.

Olikornyo – Ito ang nagdala kay Juan sa pangatlong ermitanyo sa kanyang paghahanap sa de los
Cristales.

Negrito – Ito ay ang nagkaroon ng palabas noong kasal at kapag pinapalo siya, si Juan ang
nasasaktan.

Negrita – Ang negrita ay kasama ng negrito sa laro ibinigay ni Maria Blanca sa kasalan ni Juan
at Leonara. Nag-uulat ang negrita ng mga pinaghirapan ni Juan kasama ni Maria Blanca.
B. Mga Kabanata
1. KABANATA 1: HILING NG
MAKATA
Hiling ng Makata

1. Paano inilalarawan ng makata ang kanyang sarili?


2. Anu-ano ang hinihiling ng makata sa Mahal na Birhen

BUOD NG KABANATA

Nagsimula na sumulat ng Ibong Adarna sa pamamagitan ng pagbati at pagpuri kay


Bireheng Maria.

Sabi ng manunulat si Birheng Maria ay nagbubukas ng kanyag pag-iisip para hindi siya
magkaroon ng pagkakamali sa kanyang sinusulat dahil siya ay mortal lamang at ang
katawan at isip niya ay mahina.

Ikinumpara niya ang kanyang sarili sa isang bangkang naglalayag at nakarating sa isang
bahagi ng dagat kung saan hindi na niya kaya maglayag pa

Humingi siya ng gabay sa Inang Birheng para magkaroon ng patutunguhan ang kanyang
buhay. Ninais din niya na sana ay pankinggan ng Birheng Maria ang kanyang nilikhang
korido.

Mahalagang Saknong
Saknong 2 – nagmamaliit ang manunulat
Saknong 6- – Ang panunulat ay binibigyang papuri sa kanyang mambabasa
Tayutay
TAYUTAY:

1.) Saknong 1-Panawagan

O, Birheng kaibig-ibig,

Ina naming nasa langit,

Liwanagan yaring isip

Nang sa layo’y di malihis.

2.) Saknong 5-Panawagan

Kaya,Inang matangkakal

Ako’y iyong patnubayan,

Nang mawasto sa pagbanghay

Nitong kakathaing buhay.

3.) Saknong 6-Panawagan

At sa tanang nariritong

Nalilimping maginoo

Kahilinga’y dinggin ninyo

Buhay na aawitan ko.


2. Kaharaian ng Berbanya

Kabanata 2
Kaharian ng Berbanya

1. Anong uri ng kaharian ang Berbanya?


2. Sinu-sino ang tagapagmana ng trono?
3. Saan daw matatagpuan ang Ibong Adarna?

Buod
Si Don Fernanado, ang hari ng Berbanya, ay mabait at iginagalang ng lahat, mahirap man o
mayaman. Mataas ang pagtingin sa kanya ng mga hari sa ibang kaharian. Ang kanyang asawa ay
si Donya Valeriana. Siya ay sobrang ganda at walang katulad sa bait.

Mayroon silang tatlong anak: Si Don Pedro ang panganay, si Don Diego ang pangalawa at si
Don Juan naman ang bunso. Si Don Pedro ay may magandang tindig. Si Don Diego naman ay
may pagkamahiyain at mahinahon magsalita. Si Don Juan naman ay napakabait at sobrang
mapagmahal. Silang talo ay mahal na mahal ng kanilang mga magulang.

Isang araw, itinanong ni Haring Fernando kung ano ang gusto nilang maging pagdating ng
panahon. Pinapili sila kung gusto nilang maging hari o maging pari. Lahat sila ay nagnais na
maging hari kung kaya’t sila ay pinagaral sa paggamit ng armas.

Naging maganda ang Berbanya dahil sa mabuting pamumuno ni haring Fernando. Ngunit isang
gabi ay nagkaroon ng masamng panaginip ang hari. Si Don Juan daw ay napahamak at pinatay
ng dalawang tao. Matapos na mapatay si Don Juan, ang katawan nito ay inihagis sa isang balon.

Nagising ang hari dahil sa labis na kalungkutan. Nagkasakit siya ng maulbha at naging mahina
ang pangangatawan. Walang makaalam kung ano ang naging sakit ng hari maliban sa isang
manggagamot. Ang sakit daw ng hari ay dahil sa kanyang masamang panaginip. Ang tanging
magiging kagamutan ay ang awit ng Ibong Adarna na nakatira sa Bundok Tabor.Ito ay tumitigil
sa Piedras Platas at tumitigil lamang doon kung gabi.

Agad na inutusan ng hari si Don Pedro na magpunta sa bundok at kunin ang ibon.

Mahalagang Saknong
Saknong 31 -33 – Ito ang dahilan bakit nagkasakit ang Hari
Saknong 41 – sinasabi ito ang Adarna ang makakagaling sa sakit ng hari.
Saknong 46 – Ito ang simula ng paglakbay ni Pedro.
Tayutay
1.)Saknong 12-Pagmamalabis

Ganda’y walang pangalawa’t

2.)Saknong 30-Kabalintunaan

Matulog ka nang may mahusay,

Magigising nang may lumbay.

3.)Saknong-Pagtutulad

Dahil dito’y nangayayat

Naging parang buto’t balat

Gabay na Tanong
1.Sino ang mga tao sa Berbanya ?

2.Saan kaya ang Berbanya?

3. Sino ang paboritong anak ni Don Fernando?


3. Hamon kay Don Pedro

Kabanata 3
Hamon kay Pedro

1. Ilang buwan naglakbay si Don Pedro patungong Bundok Tabor?


2. Sa anong puno raw namamahay ang Ibong Adarna?
3. Ano ang nangyari kay Don Pedro?

Buod

Agad sinunod ni Don Pedro ang utos ng ama. Sakay siya ng isang kabayo at naglakbay sa loob
ng tatlong buwan para marating ang Bundok Tabor. Nakita niya ang isang punongkahoy, ang
Piedras Platas, na kumikislap na parang diyamate. Mayabong at bukod tangi ang mga dahon ng
puno. Nagpahinga siya sa ilalim ng puno kahit walang mga ibon na dumadapo sa puno. Noong
nakatulog siya dumating na ang Ibong Adarna. Umawit ang Ibon Adarna ng pitong beses at
nagbago ang balahibo ng pitong beses. Dumumi ang ibon at napatakan si Don Pedro at naging
bato ito.

Mahalagang Saknong
Saknong 51 – Namatay ang kabayo ni Pedro.
Saknong 70 – Napahinga si Pedro at nakatulog siya
Saknong 75-79 – Ito ang ginawa ng Adarna kay Pedro

Gabay na Tanong
1.Bakit si Pedro ay yung una na mag hahanap sa akin?
2.Magiging matagumpay kaya siya?

3. Ano kaya ang dahilan kung bakit naging bato si Don Pedro?

4. Don Diego: “Ako naman!”

Kabanata 4
Don Diego: “Ako naman!”

1. Ilang buwan naglakbay si Don Diego?


2. Anong oras dumating ang Adarna sa Piedras Platas?
3. Ano ang nangyari kay Don Diego?

Buod
Hindi dumating si Don Pedro sa kaharian kaya’t inutusan ni Haring Fernando si Don Deigo na
hanapin ang Ibong Adarna at si Don Pedro. Naglakbay si Don Diego ng limang buwan at
nakarating siya sa Bundok Tabor at sa Piedras Platas. Nakita niya na walang ibon nagppupunta
sa sanga ng Piedras Platas. Humiga siya sa isng kakaibang bato na nasa ilalim ng Piedras Platas
para maghintay sa Ibong Adarna. Pagdating nag Ibong Adarna, kumanta ito ng pitong beses at
nagbago ang balahibo ng pitong beses. Nakatulog si Don Diego dahil sa kanyang kanta at
dumumi ulit ang Ibong Adarna. Napatakan ng Dumi si Don Diego kung kaya’t naging bato din
ito tulad ni Don Pedro.

Mahalagang Saknong
Saknong 80 – Nagkagulo ang Berbanya dahil hinid bumalik si Pedro.
Saknong 81– Ito ang simula ng Lakbay ni Diego.
Saknong 107-109 – Ito ang ginawa ng Adarna kaya naging bato si Diego

Gabay na Tanong
1.Mahahanap ni don diego ang ibong adarna?

2.Bakit hindi niya nahuli ang ibong adarna?

3. Ano ang pagkakapareho kay Don Pedro at kay Don Diego?

5. Hangad Makatulong

Kabanata 5
Hindi Makatulong

1. Ano ang ginawa ni Don Juan upang payagan siyang makaalis ng hari?
2. Paano nakarating si Don Juan sa Tabor?
3. Sino ang natagpuan ni Don Juan habang patungong Tabor?

Buod
Hindi nakabalik sina Don Pedro at Don Diego kung kaya’t lalong nag-alala ang hari at lumubha
ang kanyang sakit. Gustuhin man niyang ipadala si Don Juan ay natatakot siya na baka hindi ito
makabalik.

Samantala ay masama naman ang loob ni Don Juan sa mga pangyayari. Hindi na kasi nakabalik
ang kaniyang mga kapatid at malubha na ang sakit ng kanyang ama. Ayaw niyang mamatay ang
kanyang ama kung kaya’t humingi siya ng bendisyon sa magulang. Kung di daw siya papayagan
ay aalis siya ng walang paalam.

Pinahintulutan siya ng magulang at binigyan ng bendisyon. Naglakbay si Don Juan ng walang


kabayo at may baon na limang pirasong tinapay. Nagdarasal din siya palagi sa Inang Birhen para
di siya mapahamak.

Para hindi siya magutom, kumakain siya ng isang pirasong tinapay kada isang buwan.
Nakarating din siya sa bundok sa loob ng apat na buwan. Doon ay may nakita siyang isang
lalakeng may sakit na ketong.

Gabay na Tanong
1.Bakit naghintay pa sila ng tatlong taon bag sinabi ni don juan na gusto niya hanapin sila?

2.Sino ang matatagpuan niya sa paglalakbay niya?

3. Bakit hindi pinayagan ang amang hari na humanap ng Ibong Adarna at sa kanyang kapatid si
Don Juan?

6. Gantimpala ng Kabutihang Loob

Kabanata 6
Gantimpala ng Kabutihang Loob

1. Ano ang hiningi ng matandang leproso kay Don Juan?


2. Kanino inihambing ni Juan and Ermitanyo na kasalo niya sa pagkain?
3. Ano raw nag mga gagawin upang hindi makatulog sa awit ng Adarna?

Buod
May nakita si Don Juan sa paglakbay niya

Isang matanda nanaghihingi ng pagkain.

Agay niya binigyan ang tinapay niya.

Nagpasalamat ang matanda at dahil sa pagbigay ng pagkain tinura niya kay Don Juan kung
paano ihuli ang Ibong Adarna.

Pagkatapos ng pag-usap nila umalis si Don Juan sa Piedras Platas upang matagpuan ang Ibong
Adarna at ang mga kapatid niya.

Nahanap ni Don Juan ang bahay ng ermitanyo na tinutukoy ng matanda.

Bumigay siya ng babala kay Don Juan na wala pang tao na nakahuli sa Ibong Adarna pero di
nakinig si Don Juan at lumabas apara ihuli ang Ibong Adarna

Mahalagang Saknong
Saknong 142

Pagkakita kay Don Juan

ang matanda’y nanambitan

sa malaking kaawaan

ay madaling nilapitan

Ang dahilan ay kasi ito ang saknong na nakita ni Don Juan and leproso

Tayutay
Saknong 163 – Pagtutulad

 Tinulinan ang paglakad


 parang ibong lumilipad
 kaya’t ang malayong agwat
 narating din niya agad

Sinasabi na parang ibon na lumilipad ang paglalakad

Saknong 166 – Pagtutulad

 Sa paghangang di masukat
 para siyang natiyak
 gising nama’y nangangarap
 pagkatao’y di mahagap

Sinasabi na sa di masukat na galing at paghanga para siyang natiyanak

Saknong 172 – Pagmamalabis

 At naghanda ng pagkain
 nagsalo silang magiliw
 sa harap ng mga hain
 tila sa langit nanggaling

Gabay na Tanong
1. Sino talaga ang matanda?
2. Paano niya alam paano ihuli ang Ibong Adarna?
3. Kung alam niya paano bakit di niya hinuli ang Ibong Adarna?
7. Ang Karapat-dapat
8. Bunga ng Masamang Gawa
9. Sagot sa Taimtim na Dasal
10. Ang Katotohanan ay Lalabas
11. Inggit ang Sanhi
12. Di Husto ang Tangan
13. Tagumpay at Tatag ng Loob
14. Walang Dambuhalang Kalaban
15. Kahit Pito Ulo ng Serpyente
16. Muling Pagtataksil
17. Hanggang Kailan?
18. Muling Paghahanap, Muling Pagtatagpo
19. Ang Ganti sa Mapagkumbaba
20. Magpakailanman Pa Man
21. Bunga ng Pinaghirapan
22. Agad Kitang Minahal
23. Pagsubok sa Binatang Nagmamahal
24. Tigasan ng Talino
25. Malayang Umibig
26. Ikakasal Ka Nga Ba?
27. Bakas ng Nalimot na Lumipas
28. Nagbalik ang Alaala ng Pag-Ibig
29. Masaya ang Buhay

You might also like