You are on page 1of 2

Karunungang Bayan (Folk Speech)

Ito ay isang sangay ng panitikan na naipapahayag ang mga kaisipang nagtataglay ng bawat kultura at
tribo.ito ay ang nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na napapabilang sa bawat kultura ng
isang tribo.

Mga Uri ng Karunungang Bayan

1. Salawikain

2. Sawikain

3. Bugtong

4. Palaisipan

5. Bulong

6. Kasabihan

7. Kawikaan

8. Awitin/Kantahing Bayan

Salawikain ito ay ang mga matatalinhagang salita na ginagamit ng mga sinaunang tao upang mangaral at
akayin ang mga tao sa kagandahang asal.halimbawa nito ay kung ano ang itinanim syang aanihin.

Sawikain ito ay ang patalinhagang pagsasalita ito ay ang paraan upang ang tao ay mahasa at malibang
dahil sa ito ay may dagdag na kaalaman.halimbawa ay Bukas ang palad o Matulungin.
Bugtong Pahulaan sa pamamagitan ngisa o dalawang taludtod na maikli at may sukat at
tugma.halimbawa nito Munting palay,puno ang buong bahay.

Palaisipan Itoy ay ang paraan na pumupukaw sa isang tao para sa isang kaisipan.

Bulong ito ay isang orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng pilipinas.

Kasabihan Ito ay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin sa Ingles ay Nursery
rhymes.Ito ay mga tulang pambata o tugmang walang diwa o mababaw ang sinasaad na
kahulugan.halimbawa ay putak ng putak batang duwag palibhasa matapang kat nasa pugad.

Kawikaan Kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay lagging nagtataglau ng aral sa buhau.hal. Ang
taong matiyaga anuman ay nagagawa.

Awitin Kantahing Bayan ito ay ang tula na sinasambit sa pamamagitan ng pagawit upang maipaalam ang
nilalaman ng damdamin o ng mga nakasanayang Gawain sa isang lugar.halimbawa nito ay ang kundiman
na awit sa pagibig.

Para sa iba pang impormasyon maari rin magpunta sa;

Uri ng Karunungang bayan brainly.ph/question/612543

Halimbawa ng karunungang bayan brainly.ph/question/565640

Ibat ibang uri ng karunungang bayan brainly.ph/question/351588

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/624874#readmore

You might also like