You are on page 1of 2

Karunungang Bayan (Folk Speech)

Ito ay isang sangay ng panitikan na naipapahayag ang mga kaisipang nagtataglay ng bawat kultura at tribo.ito ay ang nagiging daan upang
maipahayag ang mga kaisipan na napapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.

Mga Uri ng Karunungang Bayan

Salawikain ito ay ang mga matatalinhagang salita na ginagamit ng mga sinaunang tao upang mangaral at akayin ang mga tao sa
kagandahang asal.halimbawa nito ay kung ano ang itinanim syang aanihin.

Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran.


Tayo ang gumagawa ng desisyon na makaka-apekto na ating buhay. May kakayahan tayong magsumikap upang marating natin ang ating
nais marating kasama ng panalangin.
Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
Minsan, masungit ang tao kapag bagong gising lalong-lalo na kung kulang ang tulog o na-istorbo ang tulog niya. Ito ang dahilan kung bakit
dapat nating iwasan ang pagbibiro sa mga bagong gising.

Sawikain ito ay ang patalinhagang pagsasalita ito ay ang paraan upang ang tao ay mahasa at malibang dahil sa ito ay may dagdag na
kaalaman.halimbawa ay Bukas ang palad o Matulungin.

Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.
Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.

Bugtong Pahulaan sa pamamagitan ngisa o dalawang taludtod na maikli at may sukat at tugma.halimbawa nito Munting palay,puno ang
buong bahay.
Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: Ampalaya
Munting tampipi, puno ng salapi.
Sagot: Sili

Palaisipan Itoy ay ang paraan na pumupukaw sa isang tao para sa isang kaisipan.

Nang aking bilhin ito ay parisukat, nang aking buksan ito ay naging pabilog, At nang aking kainin ito ay naging tatsulok. Ano ito?-pizza pie

Baboy ni Pedro, balat ay pako. -langka

Bulong ito ay isang orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng pilipinas.


. Tabi, tabi po, ingkong.2. Makikiraan po

Kasabihan Ito ay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin sa Ingles ay Nursery rhymes.Ito ay mga tulang pambata o
tugmang walang diwa o mababaw ang sinasaad na kahulugan.halimbawa ay putak ng putak batang duwag palibhasa matapang kat nasa
pugad.
Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga.
Huwag kang magtiwala sa ‘di mo kakilala.

Kawikaan Kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay lagging nagtataglay ng aral sa buhay.hal. Ang taong matiyaga anuman ay
nagagawa
“Maniwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan.” - Kawikaan 3:5
“Mapalad ang tao na nakakatamo ng karunungan,at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan.” - Kawikaan 3:13

Awitin Kantahing Bayan ito ay ang tula na sinasambit sa pamamagitan ng pagawit upang maipaalam ang nilalaman ng damdamin o ng mga
nakasanayang Gawain sa isang lugar.halimbawa nito ay ang
kundiman na awit sa pagibig.
Kuintang – awit ng pakikidigma
Heograpiya

Ang heograpiya (mula sa Griyego γεωγραφία, geographia, literal na kahulugan: "paglalarawan sa daigdig"[1]) ay
isang larangan ng agham na pinag-aaralan ang mga lupain, katangian, naninirahan, at hindi karaniwang bagay
sa Daigdig.[2] Ang unang tao na gumamit ng salitang Griyego na γεωγραφία ay si Eratosthenes (276–194
BC).[3] Sinasakop ng heograpiya ang lahat ng disiplina na sinisikap na unawain ang Daigdig at mga tao nito pati na
rin ang likas pagkakumplikado nito. Hindi lamang ang mga bagay nito ang pinag-aaralan, ngunit gayon din kung
papaano ang mga ito ay nagbago at lumitaw.
Kadalasang binibigyan ng kahulugan ang heograpiya sa dalawang sangay: heograpiyang pantao at heograpiyang
pisikal.[4][5] May kinalaman ang heograpiyang pantao sa pag-aaral ng tao at ang kanilang mga
pamayanan, kalinangan, ekonomiya, at pakikipag-ugnayan nila sa kalikasan sa pamamagitan ng pag-aaral ng
kanilang kabuuang ugnayan sa nasasakupan at lugar.[6] Samantalang ang heograpiyang pisikal ay may kinalaman
sa pag-aaral ng proseso at disenyo sa kalikasan katulad ng atmospera, hidrospera, biyospera, at heospera.

Ano ang limang pangunahing tema ng Heograpiya?

You might also like