You are on page 1of 19

MODYUL 3 Mga Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia (Iran)

PANIMULA
Ang panitikan ay nagpapakita ng pagbabago: pagbabagong mistikal, pagbabagong bunsod ng magiting na
pagkilos, pagbabago ng paniniwala, ng nakagawian, ng pagkatao at ng takbo ng pamumuhay.

PANIMULANG PAGTATAYA
Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin?
a. panlapi c. pagpapakahulugan
b.gramatika d. pagsasaling-wika

2. Ito ay nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.


a.pangangatuwiran c. paglalahad
b. paglalarawan d. pagsasalaysay

3. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinyon, kaisipan, at ideyang binibigkas sa harap ng maraming tao.
a.tula c. talumpati
b.sanaysay d. balagtasan

4. Panitikan na may suliraning kinakaharap ang pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip
ng mambabasa.
a. nobela c. dula
b. karilyo d. maikling kuwento

5. Sagisag ito na kumakatawan sa isang tagong kahulugan.


a. idyoma c. simbolismo
b.matatalinghagang pananalita d. tayutay

6. Ang tulang ito ay walang sukat at tugma ngunit mayaman sa matatalinghagang pananalita.
a.pandamdamin c. blangko berso
b.malaya d. tradisyonal

7. Panitikang nasa anyong patula noong sinaunang panahon na kalauna’y naging tuluyan.
a.epiko c. sanaysay
b.anekdota d. mitolohiya

8. Gamit ang ekwe napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng kaunting sundot ng budhi
si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya si Ogbuefi Ezeudu ay noong bigyan siya nito ng babala
tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Ano ang ibig sabihin ng salitang may
salungguhit?
a. Ito ay malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.
b. Ito ay yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Africano.Ginagamit din sa ritwal at
paniniwalang panrelihiyon.
c. Ito ay isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy. Isang uri ng tambol na
may iba’t ibang uri at disenyo.
d. Ito ay espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng maskara ang tribu at sumasanib sila kung may nais
lutasin na isang krimen. Pinaniniwalaan na ang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng
Nigeria.

9. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat isaalang-alang sa pagsasalin?

“Love excuses everything believe “Mapagpatawad ang pag-ibig,


all things,hopes all things,endures pinaniniwalaan ang lahat ng bagay,
all things”. puno ng pag-asa sa mga bagay,
nakakaya ang lahat ng bagay.”
a. Basahin nang paulit-ulit.
b. Ikumpara ang ginawang salin.
c. Suriin ang bawat salita sa isinasalin.
d. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.

10. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon. “A negative mind will never give you a positive
life”.
a. “Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.”
b. “Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.”
c. “Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay.”
d. “Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay.”
Para sa bilang 11 at 12
“Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang
tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa
kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip
ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang
kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito
ang kapares na tsinelas.Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose Rizal
11. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay ang taglay nito?
a. Ito ay napapanahon.
b. Mahusay ang sumulat.
c. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat.
d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng pagpapahayag.
12. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral ang nais iparating nito?
a. katapatan sa bayan
b. pagpapahalaga sa kapwa
c. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba
d. mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan

Para sa bilang 13-16


Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng sakit
na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo,
at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga tao sa mundo, ito ay
dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.Salin mula
sa talumpati ni Nelson Mandela

13. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati na iyong binasa ay nangangahulugan____________.


a. pagtanggi at paglaban sa batas
b. pakikipag-unahan ng bawat bansa sa pag-unlad
c. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
d. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi

14. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo.


a. pagtanggi sa rasismo
b. pagkalugmok ng sarili
c. espiritwal at pisikal na kaisahan
d. paghihiwalay ng mga tao sa mundo

15. Ang isa sa maaaring maging dahilan ng pagkalugmok ng isang bansa ay ang _________.
a. pagpapahirap sa mamamayan
b. pagkakaroon ng malupit na pinuno
c. pagpapairal ng kontrakwalisasyon sa mga manggagawa
d. di-pantay na pagtingin sa mga mamamayang iba-iba ang estado sa buhay

16. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang matatag at
nakakapit sa Diyos. Ang mga salitang may salungguhit ay nagpapahiwatig ng ____________.
a. paghihinuha c. panghihikayat
b.paglalarawan d. pangangatuwiran

17. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbababala?


a. Tara, punta tayo roon.
b. Hindi kita iiwan, pangako iyan.
c. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin.
d. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.

18. Basahin ang kasunod na taludturan mula sa tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay,” ano ang ibig
sabihin ng salitang may salungguhit?
Ang poo’y di marapat pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
a. nais c. hangad
b. mithi d. pangarap

19. Ibaon mo na sa hukay ang kaniyang nagawang kasalanan sa iyo. Ano ang ipinahihiwatig ng
matalinghagang pahayag na may salungguhit?
a. itago c. kalimutan
b.ilibing d. magpatawad
Para sa bilang 20 at 21

Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iwinawaksi ang tumatak na pagkatao ng
kaniyang amang si Unoka sa kanilang pamayanan. Tamad, baon sa utang, mahina, at walang kuwenta
sapagkat ni isang laban ay walang naipanalo ang kaniyang ama. Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang
kaniyang kapalaran. Nagsumikap maiangat ang buhay, nagkaroon ng maraming ari-ariang sapat upang
magkaroon ng tatlong asawa, titulo sa mga laban, at higit sa lahat pagkilala mula sa mga katribo.
Hango sa Paglisan (Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera

20. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kaniyang mga desisyon sa buhay?
a. mapaghiganti
b. may iisang salita
c. puno ng hinanakit
d. may determinasyon sa buhay

21. Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo?
a. mahina ang kaniyang ama
b. gusto niyang maghiganti sa kaniyang ama
c. dahil walang kuwenta ang kaniyang ama
d. gusto niya ng karangalan, pangalan, at katanyagan

22. Paano ang dapat na pagsusuri sa akda bilang isang salin?


a. maayos ang pagkakasalin
b. malaya at madaling maunawaan
c. nauunawaan ang nais ipabatid ng isinalin
d. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng
ibang bansa.

23. Sa pagsasalin, anong mga pinakamahalagang hakbang ang dapat na isaalang-alang?


a. muling isalin
b. magdagdag at magbawas ng salita
c. ihambing sa iba ang ginawang salin
d. rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.

Para sa bilang 24-25


Alanganing Dalaw
Minsan kadudulog pa lamang ni Lieblings, isang tanyag na musikero, sa hapag kainan nang may isang
panauhing dumating. “Naririto si Ginoong X, na inyong kaibigan,” pagbabalita ng utusan. Gayon na lamang
ang pagkayamot ng naabalang musiko at padarag na sinabi, “Napakaalanganin naman ng oras ng dalaw na
iyan. Dalhin mo siya sa sala upang di mainip.” Matapos ang isang masaganang hapunan, tinungo ni Lieblings
ang kinaroroonan ng kaibigan. “Naku, dinaramdam kong napaghintay kita, pero laging eksaktong alas siyete
ang aming hapunan.” “Alam ko,” ang tuyot na pakli ni Ginoong X, “ katunayan, iyan ang sinabi mo sa akin nang
anyayahan mo akong maghapunan dito sa inyo ngayong gabi.” Halaw sa Little Book of Music Anecdoteni
Helen Kauffman

24. Batay sa binasang anekdota, tama ba ang naging pasiya ng musikero na ipagpatuloy ang kaniyang
hapunan bago harapin ang panauhin?
a. Oo, sapagkat hindi siya dapat malipasan ng gutom.
b. Hindi, sapagkat hindi mainam na paghintayin ang panauhin.
c. Hindi, sapagkat baka maaaring mahalaga ang sadya ng panauhin.
d. Oo, sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap na alas siyete ng gabi ay kaniyang nakagawian.

25. Anong aral ang iyong natutuhan sa anekdotang binasa?


a. Tanggapin nang maayos ang mga panauhin.
b. Iwasan ang pagbabalat-kayo, ito’y hindi mabuting gawa.
c. Hindi mabuting unahin ang pansariling pangangailangan.
d. Tulungan nang taos-puso ang nangangailangan.

Para sa bilang 26-29


Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili. Nang mawala ang aming ama, ganoon na
lamang ang pag-aalala namin sa kaniya. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at
espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos.

26. Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay sa talata?


a.pagkalungkot c. paghihinanakit
b.pagkabalisa d. panghihinayang
27. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa sa kaniyang
sarili?
a. Gagawin ng magulang ang lahat para sa mga anak.
b. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa mga anak.
c. Ibinibigay ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong kapakanan.
d. Ibibigay ng magulang ang mga pangangailangan ng mga anak.

28. Anong uri ng ina ang masasalamin sa talata?


a. malulungkutin subalit matatag
b. nangungunsinti sa kakulangan ng mga anak
c. mapagbigay para sa pangangailangang pisikal ng mga anak
d. inang mapagmahal sa mga anak at nagpapahalaga sa Diyos

29. Ano ang maaaring maging bunga ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos ng isang ina?
a. katatagan ng buong pamilya.
b. panghihina ng espiritwal na aspekto.
c. pamumuhay ng masaganang materyal.
d. maraming pagsubok sa bawat miyembro ng pamilya.

30. Pinasusuri ng iyong kaibigan ang kaniyang isinulat na kuwento. Kung magmumungkahi ka sa kakulangan
ng detalye nito, alin sa sumusunod na pahayag ang iyong gagamitin?
a. Parang may kulang pang detalye
b. Ilagay mo ang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
c. Mas mabuti kung ilalagay mo ang ilang detalye ng pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
d. Maaari ring maingat mong ilagay ang detalye tungkol sa pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.

31. Tinatapos mo ang huling saknong ng isinusulat na tula. Anong matatalinghagang pananalita ang iyong
ilalapat kung nais mong ipahiwatig ang salitang masipag?
a. bukas-palad c. sawimpalad
b.kapos-palad d. makapal ang palad

32. Anong simbolismo ang akmang ilapat sa dalawang tulang binasa batay sa talinghaga ng mga ito?

Unang Tula Ikalawang Tula


Samakatuwid, ako’y minahal. At kung ako’y iyong nahambing sa iba
Samakatuwid, ako’y lumigaya. na di nagkaisip na layuan siya,
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay. disin ako ngayo’y katulad nila
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal. nawalan ng buhay at isang patay na.
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay Ang Matanda at ang Batang Paruparo
Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora Rafael Palma
a. Araw at gabi
b. Diyamante at bato
c. Halakhak at luha
d. Puti at itim

Para sa bilang 33
“Ika’y magtino, munting bata, baka pagliyabin ko ang iyong mga paa, dahil ako ang pula’t mainit na baga.”
“Datapuwat ako, ako ang ulan na papawi sa baga: Ako ang malakas na agos na tatangay sa iyo.” “Ako ang
makapangyarihang sutlang-puno ng bulak na matayog sa ibang puno.” “At ako, ako ang nananakal na baging
na gagapang sa tuktok ng higanteng kagubatan.” “Husto na ang pangangatuwirang ito. Hindi mo
mapapasakamay ang Mali.” “Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno Soumaoro;
pahintulutan mo akong agawin ang iyong puwesto.” “Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa ika’y hindi
ko uurungan subalit itimo mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking silid. Tunay na
kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa kapwa mo pangahas.” “Ihanda mo ang iyong sarili Soumaoro, ang
delubyo’y mananalasa, sasalpok at bubura sa iyo sa lupa.”Hango sa “Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali”Salin
sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

33. Batay sa tunggalian ng dalawang tauhan sa epiko, kaninong kilalang personalidad ng kasaysayan sa
bansa sila maihahambing?
a. Benigno Aquino II at Ferdinand Marcos
b. Ferdinand Magellan at Lapu-lapu
c. George W. Bush at Sadam Hussein
d. Nelson Mandela at Oliver Tambo
Para sa bilang 34 at 35
Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter na si G. Kiaga,
kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ng mga taga-Mbanta. Ipinaliwanag niya sa mga ito na ang
kanilang pagsamba sa diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan. Hindi naman maunawaan noon ng mga
taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga
misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang na panginoon. Layunin naman ng mga misyonero na
dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev.
James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang
isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa, hinablot ni Enoch ang takip sa
mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng
Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.Hango sa Paglisan (Buod) Isinalin
ni Juliet U. Rivera

34. Ano ang paniniwala ng mga misyonero tungkol sa pananampalataya?


a. Palaganapin ang Kristiyanismo.
b. May tatlong persona sa iisang Diyos.
c. Mabuti ang pagsamba sa mga diyos-diyosan.
d. Dapat magkaroon ng seremonya tungkol sa pagsamba sa Bathala.

35. Ano ang nangyari habang isinasagawa ang taunang seremonya ng pagsamba sa Bathala ng Lupa?
a. Nagkasakit si G. Brown.
b. Sinunog ang tahanan ni Enoch.
c. Sumanib ang isang masamang espiritu.
d. Hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu.
Aralin 3.1
A. Panitikan: Liongo (Mitolohiya mula sa Kenya)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
B. Gramatika at Retorika: Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika
C. Uri ng Teksto: Naglalahad

Panimula
Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa.
Napalilibutan ito ng: Mayaman ang bansa sa mga akdang
 Ethiopia sa Hilaga pampanitikan:
 Somalia sa Hilagang-Silangan  sining sa inukit na bato
 Tanzania sa Timog  arkitektura ang mga palasyo
 Uganda sa Kanluran  museo na yari sa putik
 Sudan sa Hilagang Kanluran.  may musika
 Karagatang Indian sa Timog-Silangan.  sayaw na ritmo ng pananampalataya ng
kanilang lahi

Masasalamin natin ang kanilang mga literatura sa pamamagitan ng kanilang mga mitolohiya na higit na
magpapakilala sa atin ng kultura at tradisyon ng bansang Kenya.

MGA AKDA
 MITO (AFRICA)  MITOLOHIYA (NIGERIA)
Mashya at Mashayana: Mito ng Pagkalikha Maaaring Lumipad ang Tao
 MITOLOHIYA (KENYA) Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Liongo Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Pagsasaling wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at
estilong nasa wikang isasaliN. Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang kahulugan ng kaniyang isinasalin o
siya’y mahusay na. Kumokonsulta sa diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at
halagang pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang kaalaman sa
gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang-kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang
nais ipabatid ng awtor, gayundin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo, at pagsusunod-
sunod.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang kakayahang magsalita sa dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin at kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang
lahat ng salin ay patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin ang manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit na kaalaman sa paksa.
Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.

Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang
kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa.

Gabay sa Pagsasaling-wika
1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, o
pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin
ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang bahaging hindi malinaw at
nagbibigay ng kalituhan. Bigyang-pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa
pagsasalin.

Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang kahulugan ng isang salita. Kakailanganin ng
isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha ang kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap.

A. Isalin mo sa Ingles ang sumusunod na salita.


Tagapagbantay- guardian
Misteryo -mystery
Nagpagulong-gulong -rolling
Mahika -magic
Kumikinang – glowing
Aralin 3.2
A. Panitikan: Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/Iran)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
B. Gramatika at Retorika: Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik sa
Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Panimula
 Sa Persia (Iran), ang kanilang mga lupain, mga tao na binabanggit kasama ng Medo, at mga Persiano
ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang Tribong Aryano.
 Mayaman sa sining pagpana at pangangabayo.
 Ang pagsasabi ng katotohanan ay makikita sa literaturang naiambag nila sa maraming bansa sa
daigdig.
Masusuri rin ang:
Ang Aralin 3.2 ay tungkol sa anekdota ng Persia  matapat na pakikipamuhay sa kapwa
(Iran) na kakikitaan ng mga:  mga naiambag ng kanilang mahusay na
 Kasabihan mga manunulat sa mundo ng pilosopiya at
 relihiyon sa paniniwalang Sufism paniniwala
 pagpapaunlad ng isang indibiduwal sa  pagpapaunlad ng iyong kasanayan sa
pamamagitan ng pandama pagsasalaysay

MGA AKDA
 ANEKDOTA (PILIPINAS)  ANEKDOKTA (PERSIA)
Akasya o Kalabasa Consolation P. Conde Mula sa mga Anekdota ni Saadi (Persia)
 ANEKDOTA (IRAN) Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa.
Mullah Nassreddin Ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Alam mo ba na...
Anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon
nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang
kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.
Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha ng interes ng
mambabasa. Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay
magbibigay ng pagganyak sa mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.

Naririto ang ilang katangian ng anekdota:


 May isang paksang tinatalakay.
 Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng anekdota.
 Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais ilahad.

Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga
mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay. Pagkukuwento ito ng
mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag, at
tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat
dito nagsimula ang alamat o epiko, at mga kuwentong bayan ng ninunong mga Pilipino maging sa ibang bansa
man.
Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng pagsasalaysay. Kailangang ito
ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga ring napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa
mga mambabasa.

Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa


1. Kawilihan ng Paksa – Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming pantao, may kapana-
panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at
tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan, hilig, at layunin ng
manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay nakasalalay sa malinaw at
masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na
paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniyang pansariling kasiyahan at
kapakinabangan, kundi para sa kaniyang mambabasa.
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat
ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba – Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga
balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat
paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood – Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa.
4. Likhang-isip – Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap – Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring maging batayan ng pagbuo
ng salaysay.
6. Nabasa – Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap na nauunawaan ang mga pangyayari.

MGA URI NG PAGSASALAYSAY


1. Maikling Kuwento – Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng
paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay – Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong.
3. Dulang Pandulaan – Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang panlabas na
kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat
tagpuan. Ang kuwentong ito ay isinulat upang itanghal.
4. Nobela – Nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masalimuot na pangyayari.
5. Anekdota – Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
6. Alamat – Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay – “Tala ng buhay” ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao mula sa
kanyang wakas.
8. Kasaysayan – Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) – Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o
paglalakbay sa ibang lugar.

A. Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa pangungusap. Piliin sa loob ng
kahon at isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa patlang.
NALITO Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan.
SAYANGIN Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong aksayahin.
NAPAHIYA Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang Homilya.
NAIMBITAHAN Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.
LUMISAN Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.
Aralin 3.3
A. Panitikan: Nelson Mandela: Bayani ng Africa
(Talumpati mula sa South Africa)
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
B. Gramatika at Retorika: Paggamit ng Tuwiran at Di-tuwirang Pahayag sa Paghahatid ng Mensahe
C. Uri ng Teksto: Naglalahad

Panimula
Ang Aralin 3.3 ay nakatuon sa isang sanaysay, partikular ang isang talumpati na binigkas ni G. Nelson
Mandela sa kaniyang inagurasyon o pasinaya bilang pangulo ng Africa. Nilalayon ng talumpati niyang ito na
gisingin ang damdamin ng mga taga-Africa sa pagsulong ng kapayapaan, katarungan, at kalayaan.

MGA AKDA
 SANAYSAY/TALUMPATI (SOUTH  SANAYSAY (PILIPINAS)
AFRICA) Ako ay Ikaw
Nelson Mandela: Bayani ng Africa Ni Hans Roemar T. Salum
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

Balangkas
 plano ng paksang isusulat  kahalagahan
 iskeleton ng susulatin  kahulugan
 mapa ng impormasyon  mapag-iisipang mabuti ang paksa
 mapipili mo ang mga ideya o konsepto  mas magiging madaling ayusin ang mga ideya

Alam mo ba na...
 Sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais
nitong talakayin. Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa mahahalagang
impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa. Ang mahahalagang impormasyong ito ay maaaring isulat
nang pabalangkas.
 Balangkas ay isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng paksang isusulat.
Ito rin ay isang panukalang buod ng komposisyon.
 Talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay.
 Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan,
kuro-kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa.

SANAYSAY FACTS
 Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.”
 Noong 1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang “Ama ng
Sanaysay.”
 Ito ay tinawag niyang essai sa wikang Pranses na nangangahulugang isang pagtatangka, isang
pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.

Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal. Naririto ang pagkakaiba ng dalawa:
Pormal Di-Pormal o Personal

Nagbibigay ng impormasyon. Nagsisilbing aliwan/libangan.

Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan, o kaalaman sa Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa


pamamagitan ng makaagham at lohikal na mga paksang karaniwan, pang-araw-araw, at personal.
pagsasaayos sa paksang tinatalakay.

Maingat na pinipili ang pananalita. Ang himig ng pananalita ay parang nakikipag-usap


lamang.
Ang tono ay mapitagan. Pakikipagkaibigan ang tono.

Obhektibo o di-kumikiling sa damdamin ng may-akda. Subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at


paniniwala ng may-akda.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Alam mo ba na…
Nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng angkop na mga tuwiran at di-
tuwirang pagpapahayag? Mahalaga ang mga ito sa pagkuha ng mga impormasyong nais bigyang linaw.
Nagiging mas malinaw ang isang sanaysay/talumpati dahil sa mga tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag.
Madaling matukoy sa mga ito ang katotohanan o opinyon.

May mga pang-ugnay na nagpapatibay o nagpapatotoo sa isang argumento upang makahikayat. Kabilang dito
ang sa katunayan, ang totoo, bilang patunay, at iba pa.
Halimbawa:
1. Sa totoo lang, maraming magagandang lugar sa Pilipinas na dapat munang pasyalan bago ang ibang
bansa.
2. Si Ranidel ay nanalo ng Ulirang Kabataang Award, bilang patunay, narito ang kaniyang sertipiko.

Tuwirang pahayag ay mga pahayag na may pinagbatayan at may ebidensiya kaya’t kapani-paniwala.
Di-tuwirang pahayag ay mga pahayag na bagaman batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat naman sa
mga tagapakinig o tagapagbasa.

Iba pang halimbawa:


TUWIRAN 1. Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa mga lalaking Pilipino.
DI-TUWIRAN 2. Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas maraming tao ang magutom.
TUWIRAN 3. Isang katotohanan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom of Information sa
Senado.
DI-TUWIRAN 4. Walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag maliitin ang inaakalang maliit na kakayahan ng
kapwa.
TUWIRAN 5. Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang magagandang paligid o tanawin na
dinarayo ng mga turista.

Anyo ng Balangkas
Ang balangkas ay maaaring gumamit ng paksa o pangungusap.
 Sa anyong salita o parirala, hindi ginagamitan ng bantas. Madaling mailahad ang maikling kabuuan
ng paksang tatalakayin at mabilis pa itong isulat kaysa pabalangkas na pangungusap.
 Ang pabalangkas na pangungusap ay gumagamit ng buong pangungusap sa lahat ng entrada at
nilalapatan ng wastong bantas. Kung sisimulan nang patanong ang balangkas, dapat ay patanong din
ang iba pang bahagi nito.
Halimbawa:
Mga Karapatan ng Mamamayan
I. Karapatang Likas
a. Karapatang mabuhay
b. Karapatang maging maligaya
c. Karapatang umibig
II. Karapatang Konstitusyonal
a. Karapatan sa Saligang Batas
1. Kalayaan sa paghalughog
2. Kalayaan sa komunikasyon
3. Karapatan sa pamamahayag
4. Kalayaan sa relihiyon
5. Kalayaan sa paninirahan
b. Karapatang itinatakda ng batas
1. Karapatan sa pagmamana
Aralin 3.4
A. Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
(Tula mula sa Uganda)
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg ng
A Song of a Mother To Her Firstborn
B. Gramatika at Retorika: Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

Panimula
Sa lumipas na dantaon, ang kababaihan ng Africa ay lumikha ng mga tula na kanilang inaawit. Hitik ito sa
matatamis at magigiliw na pananalita at oyaying inuulit-ulit upang ipahayag ang pagmamahal ng ina na
nagsisilbi ring pang-aliw at pampaamo sa anak. Ito’y isa sa nakaugalian ng tribong Lango o Didinga ng
Uganda na naniniwalang ang kanilang mga supling ay tila imortalidad ng kanilang magulang.
Kaya naman ipakikita sa tulang tatalakayin ang:
 maingat na pagpili ng ina sa pangalan ng anak
 mga pangarap ng ina para sa kaniyang anak
 panghuhula ng ina sa magandang kinabukasan ng anak
 ang positibong pagbabagong hatid nila sa kanilang magulang.

MGA AKDA
 TULA (UGANDA) Tulang Malaya
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay  TULA (PILIPINAS)
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ang Matanda at ang Batang Paruparo
Ingles ni Jack H. Driberg Rafael Palma
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Alam mo ba na...
Tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod.
Ang saknong naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa mga pantig.
Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, may mga tayutay o
mayaman sa matatalinghagang pananalita, at simbolismo, at masining bukod sa pagiging madamdamin, at
maindayog kung bigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng himig.

Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isaalang-alang ang mga elemento nito. Ito ay ang sumusunod:

1. Sukat- Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.

Hal.: Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos


A/li/pa/tong/lu/ma/pag
Sa/ lu/pa/ -- nag/ka/bi/tak
Sukat-Pipituhing Pantig

2. Tugma- Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.

Hal.: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal


Tunay ngayong umid yaring dila’t puso
Sinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo.
Tugmang - Ganap

3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan nito.

Hal.: Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S. Baylen


Ito ba ang mundong hinila kung saan
Ng gulong ng inyong/Hidwang Kaunlaran?
Kariktan- lalabindalawahing Pantig, Tugmang Ganap at Tayutay

4. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o ang ipinahihiwatig ng may-
akda.

Hal.: Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez


Putol na tinapay
at santabong sabaw
sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay
halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinghaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Alam mo ba na…nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang paggamit ng mga salita? Kaya
naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakatutulong upang maging mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa
tayutay, nagagamit din sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga simbolismo at matatalinghagang pananalita.

Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito
ang kagandahan at pagkamalikhain ng anumang wika.

Halimbawa:
1. butas ang bulsa - walang pera 5. bahag ang buntot – duwag
2. ilaw ng tahanan - ina 6. salapi silaw- mukhang pera
3. kalog na ang baba - gutom 7. kapus-kapalaran- mahirap
4. alimuom – tsismis

Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga
at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.

Halimbawa:
1. silid-aklatan- karunungan o kaalaman
2. gabi- kawalan ng pag-asa
3. pusang-itim-malas
4. tanikalang-bakal-kawalan ng kalayaan
5. bulaklak- pag-ibig
Palay siyang matino, Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong
Nang humangi’y yumuko, dumaan sa pagsubok na kaniyang nilampasan at
Nguni’y muling tumayo: nagsilbing susi sa kaniyang pagtatagumpay.
Nagkabunga ng ginto!
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)

Pagsasanay 1: Basahin ang mga pahayag sa mga piling saknong o taludtod ng tula. Hanapin ang
matalinghagang pananalita at simbolismo na ginamit at isulat ang kahulugan nito sa sagutang papel.

1. Mata’y napapikit sa aking namasdan; 4. Siya’y mabiyayang inilatag,


Apat na kandila ang nangagbabantay. Sa tubong matamis ay matingkad,
(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus) Itong disyerto’y kaniyang buhok.
Ginintuang paa’y namumukod,
2. Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod At ang kaniyang dibdib ay bundok
na walang paupa sa hirap at pagod; Na sa ilog ng Nile nalulunod,
minsan sa anyaya, minsan sa kusang-loob, Kaya’t siya’y pinong itinakda,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos. Na ginawarang itim tuwina.
(Kabayanihan ni Lope K. Santos) (Salin mula sa tulang Africa ni Maya Angelou)

3. May tanging laruan isang bolang-apoy 5. Sandaling lisanin ang nakasanayan


Aywan ba kung sino ang dito’y napukol. Unatin yaring kaluluwa’t katawan
At sino rin kaya ang tagapagsindi Kawangis ng paghalik ng Maylalang
Ng parol na buwang pananglaw kung gabi? Sa burol, dalampasiga’t kaparangan.
(Ang Tahanang Daigdig ni Ildefonso Santos) (Salin sa tulang All The Hemispheres ni Daniel
Ladinsky mula sa tula ni Hafiz)

Paglinang sa Talasalitaan
Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming ipinahahayag ng bawat isa, ang 5 ang
pinakamataas na antas. Gamitin ang tsart at gawin ito sa sagutang papel.

Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng Damdamin


kagalakan
katuwaan
kaluwalhatian
kaligayahan
kasiyahan

lungkot
lumbay
dalamhati
pighati
pagdurusa

Aralin 3.5
A. Panitikan: Ang Alaga (Maikling Kuwento mula sa East Africa)
ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Magdalena O. Jocson
B. Gramatika at Retorika: Mga Salitang Naglalahad ng Opinyon
C. Uri ng Teksto: Naglalarawan

Panimula
Nilalaman ng araling ito ang maikling kuwento ni Barbara Kimenye, “Ang Alaga” na isinalin sa Filipino ni Prof.
Magdalena O. Jocson. Inilalahad sa akdang ito ang tungkol sa pagmamahal na inukol ng isang tao sa
kaniyang alaga. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga salitang nagsasaad ng paghihinuha na
makatutulong sa pag-unawa sa tatalakaying paksa at sa paglalahad.

MGA AKDA
 MAIKLING KWENTO (EAST AFRICA)
Ang Alaga
Ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson

Alam mo ba na…
Maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at
damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng
mahahalagang pangyayari.
Taglay nito ang pagkakaroon ng:
(1) iisang kakintalan;
(2) may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng solusyon;
(3) tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay;
(4) may mahalagang tagpuan;
(5) may kawilihan hanggang sa kasukdulan na agad susundan ng wakas.

Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang:


kuwento ng tauhan – ang binibigyang diin ay ang ugali o katangian ng tauhan. Ang maikling kuwentong iyong
binasa ay nakatuon sa katangian ng tauhan. Ang tauhan sa akda ay kumilos ayon sa kaniyang paligid.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Alam mo ba na…
ang salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay mahalagang maunawaan natin? Nais nitong ipahiwatig ang
ipinahahayag ng ating kausap o ng mambabasa.

Mga Salitang Nagpapakilala ng Pagsasaad ng Opinyon:


sa palagay ko… maaaring…
ipinahihiwatig sa kaniyang sinabi… baka…
batay sa aking paniniwala… siguro…
sa tingin ko…

Patalastas
Ang patalasatas ay maaaring pasalita at pasulat.
Ang pagsasahimpapawid ay ginagamit sa pagbibigay ng patalastas sa paraang pasalita tulad ng ginagawa
sa radyo at sa telebisyon. Ipinakikita rito ang mga produktong maaaring magustuhan ng mga tao o kaya’y mga
paligsahang ipinababatid sa publiko.
Sa paraang pasulat ay maaaring ipakita o ilathala sa pahayagan, billboards, poster, at magasin. Nakalimbag
dito ang nais ianunsyong mga gawain o hanapbuhay na kailangan ng isang tao o kompanya; mga larawan o
hitsura’t katangian ng produkto o kaya’y panawagan para sa mga nagnanais lumahok sa paligsahan.

GAWAIN 4: Paglinang ng Talasalitaan


Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salitang may salungguhit. Pagkatapos, gamitin ang mga ito sa sariling
pangungusap.

1. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa Kalansanda.
2. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain maibigay lamang sa alaga niyang baboy.
3. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa ilog.
4. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito maipagbibili.
5. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t ibang direksiyon.
6. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang pangyayari ang
naganap.

Aralin 3.6
A. Panitikan: Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali
(Epiko mula sa Mali, West Africa)
Mula sa Sundiata: An Old Epic of Mali ni D.T. Niane salin sa Ingles ni G.D. Pickett
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
B. Gramatika at Retorika: Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Layon o Damdamin
C. Uri ng Teksto: Nangangatuwiran

Panimula
Imperyong Mali/ Imperyong Manding ay naging makapangyarihan sa West Africa noong 1230 hanggang 1600
na siglo. Ang imperyo’y higit pang malawak sa Western Europe. Dito’y umusbong ang isang epiko na kabilang
sa maituturing na dakilang kayamanan ng panitikang pandaigdig, maihahanay ito sa epiko ng Hindu na
Ramayana at Mahabarata at epikong Griyego na Iliad at Odyssey. Ang epikong pag-aaralan ay taal na
tulang pasalaysay na pinagsalin-salin ang mga berso ng mahuhusay na mananalaysay na sinasaliwan ng
instrumentong musikal. Itatampok dito ang mabuting pagbabagong dala ng pagtatagumpay laban sa
kasamaan.

Pinakatanyag na epiko ng Africa sa kasalukuyan, ang Sundiata: An Epic of the Old Mali. Layon ng araling
ipakita ang kaugnayan ng epiko sa kasaysayan at malinang ang kasanayan sa mga ekspresiyong sa
pagpapahayag ng damdamin o layon.

MGA AKDA
 EPIKO (MALI)
Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali
Sundiata: An Epic of the Old Mali salin sa Ingles ni J.D. Pickett
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Alam mo ba na…
Paninindigan ay isang paraan ng pagmamatuwid o pangangatuwiran. Layon ng naninindigan na mahikayat
ang tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan o katotohanan ng pinaniniwalaan sa pamamagitan ng
paglalatag ng sapat na katibayan o patunay upang ang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-
paniwala. Gayundin sa paninindigan ay maaaring gumamit ng iba’t ibang ekspresyon upang maipaabot ang
layon o damdamin ng pagpapahayag.

Ang epiko ay maihahambing sa tulay na nagdurugtong ng nakaraan sa hinaharap. Ito ay salaysay ng buhay
ng mga naglahong bayaning kalahati’y tao at kalahati’y supernatural. Masasalamin sa epiko ang mataas na
pagpapahalaga ng lipunan, kasaysayan, at napapaunawa sa kultura at tradisyon. Kaya mainam na basahin at
unawain mo ang akda upang masuri at mapagtibay mo na ang bayani ng epiko ng Africa ay hinahalaw sa
kanilang magigiting na bayani ng kasaysayan.

Alam mo ba na…
epikong Sundiata
 naitala sa Guinea noong 1950
 isinalaysay ng griot (mananalaysay) na si
Djeli Mamoudou Kouyate na mahusay na alagad ng kuwentong-bayan na si D.T. Niane
 Isinalin niya ito buhat sa Mandigo sa wikang Pranses.
 naging batayan sa paglilipat sa Ingles.
Sundiata Keita o Mari Diata (Mari Jata),
 ang bayani’t pangunahing tauhan ng epiko ay totoong nabuhay.
 Isa siya sa labindalawang magkakapatid na lalaki na tagapagmana ng trono.
 Siya’y isang makapangyarihang pinuno na tumalo sa estadong Sosso sa Kanlurang Africa noong
1235.
 Itinatag niya ang Imperyong Mandingo ng Matandang Mali.
 Ang kaniyang pamamayagpag ay tumagal nang mahigpit 250 taon

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


Alam mo ba na…
iba’t ibang ekspresiyon ang maaaring gamitin sa pagpapahayag ng layon o damdamin?

1. Ginagamit ang mga initiman sa kasunod na mga pangungusap sa pagpapayo at/o pagmumungkahi.
Kung ako ikaw, mas pipiliin ko ang magpahinga muna.
Ano kaya kung pumanig ka na sa amin?
Mas makatutulong sa iyo ang masusing pag-aaral.
Siguro makabubuting ibahin mo ang iyong panimula.
Higit na mabuting ito ang unahin mo.
Inaakala kong mas makabubuti kung hindi susunugin ang mga hindi natutunaw na basura.

2. Ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap ay ginagamit sa pag-aanyaya o pag-iimbita/


panghihikayat.
Halika, tingnan mo ito’t napakarikit.
Gusto mong sumang-ayon sa aking pinaniniwalaan?
Puwede ka ba bukas sa ating pagpaplano?
Inaanyayahan kitang pakatimbangin ang mga bagay-bagay.

3. Ang mga salita/pariralang initiman sa kasunod na mga pangungusap ay ginagamit sa pagbababala na


maaaring may kasamang pananakot (mahalaga ang intonasyon sa pahayag) at/o pag-aalala (may kasamang
inilalarawang sitwasyon).

Babalang may kasamang pananakot


Huwag kang sinungaling; kung hindi lagot ka sa akin!
Kung hindi ka titigil, pupulutin ka sa kangkungan!

Babalang may kasamang pag-aalala


Hinay-hinay sa inyong pagsasalita, mag-ingat kayo.
Mapanganib iyan, kaya tingnan ang tinatahak.

4. Ginagamit ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap sa panunumpa at/o pangangako.


Pangako, hindi kita iiwan.
Sumpa man, ang iyong paniniwala ay isang malaking pagkakamali.
Itaga mo sa bato, ang aking winika ang katotohanan.
Hindi ako nagsisinungaling, tamaan man ako ng kidlat.

5. Ginagamit ang mga initiman sa sumusunod na pangungusap sa pagsang-ayon at pagsalungat .


Tama, mahusay ang mga patakarang kaniyang ipinatupad.
Ganyan din ang aking palagay, iyan ang solusyon sa suliraning ating kinaharap.
Mali ang iyong ipinagdidiinang panukala.
Walang pakinabang na maidudulot iyan.
Ikinalulungkot ko ngunit di iyan magbubunga ng positibo.

Ang mga ekpresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng layon o damdamin ay maaaring pangkatin sa


sumusunod:

Salita/Parirala Matatalinghagang Pang-ugnay Patanong/ Tanong


Pananalita
kung ako ikaw itaga mo sa bato mas Ano kaya?
pangako tamaan man ako ng kidlat wala Puwede ka ba?
sumpa man pupulutin sa kangkungan mali
pangako tama
lagot ka siguro
ganyan ang aking higit/na
palagay ngunit
inaanyayahan
mag-ingat kayo
tingnan ang tinatahak
lagot ka

Alam mo ba na…
Pagtatalo ( Arrogante, 2000 ) ay isang sining ng gantihang katuwiran o matuwid ng dalawa o higit pang
magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersiyal na paksa. Isinasagawa ito pamamagitan ng
pagpapahayag ng mga katuwiran at naaayon sa itinatakdang alituntunin at pamantayan. Ang gawaing ito ay
nakasalalay sa masining at maingat na pagbibitiw ng mga salita, gayundin kung pasulat.

Mayroon itong dalawang uri:


Pormal na pagtatalo na kung saan ang paksa sa uring ito ay masining na pinag-uusapan at masusing
pinagtatalunan. Ito ay may takdang panahon, araw, at oras kung kailan gaganapin. Kailangan dito ang
paghahanda.
Sa pagtutuligsa naman ay tukuyin ang sumusunod:
Mayroon itong tatlong hakbang: (1) maling katuwiran,
(1)Pangangalap ng datos; (2) mga pahayag na walang batayan,
(2) Paggawa ng dagli o balangkas (3) kahinaan ng katibayan, at
(3) Pagpapatunay ng katuwiran. (4) mga pahayag na labas sa buod ng
napagkasunduan.

May tatlong uri ng pormal na pagtatalo


Debateng Oxford
Debateng Oregon
Debateng Oxford-Oregon.

Di-pormal na pagtatalo ay hindi maayos na pagpapalitang-kuro at palagay matapos ihayag ng tagapangulo ang paksang
pagtatalunan.
Aralin 3.7
A. Panitikan: Paglisan (Buod)
Nobela mula sa Nigeria
Ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
B. Gramatika at Retorika: Pang-ugnay na Gamit sa Pagpapaliwanag
C. Uri ng Teksto : Naglalahad

Panimula
Nigeria - bansa sa Africa na may malaking ambag sa panitikan.
Panitikan ng Nigeria - sadyang nakapagpataas ng kamalayan ng mamamayan ng bansa pagdating sa isyu
ng uri ng pamumuhay, kultura, tradisyon, suliranin sa politika at tungkol sa kasarian at kalagayan ng
kababaihan sa lipunan. -- Mga akdang pampanitikan din ang nakatulong upang maiangat ang kanilang
kalagayan tungo sa pagkakaroon ng makabagong talakay sa mga akda na aagapay sa makabagong uri ng
pamumuhay ng mga taga-Nigeria.

Sinasabing ang kakaunting mga akda na nasusulat sa ilang diyalekto ng Nigeria ay mas tumatalakay sa kung
ano ang nakaraan, lumipas, o naglaho na.

Kabilang ang nobela sa mga genre na nalinang ng Nigeria. Gayunpaman, ang tuon ng kanilang panitikan ay
sa mga prosa, tulad ng drama at tula kung saan sadyang kinilala at nagbigay sa Africa ng pagkakakilanlan
pagdating sa panitikan.

Sa nobela ni Chinua Achinebe na pinamagatang Things Fall Apart, ipinakita sa atin ang kumplikadong mga
batas at gawi ng angkang pinagmulan ni Okonkwo, sa pagpapanatili ng maayos na ugnayan. Halimbawa nito
ay ang pagsasalo o pag-aalok ng lambanog at kola nuts na binabanggit sa kabuuan ng nobela ang isang
paraan ng mga Igbo ng mapayapang pakikiharap sa sino mang tatanggaping bisita sa tahanan o sino mang
taong pakikiharapan. Ang gayong gawi ay pagpapakita ng maayos na paraan ng pagtanggap o pagtanggi sa
kung ano man ang pakay o layon ng paghaharap. Isang paraan ng pakikipagkapwa-tao ng mapayapa para sa
mga Igbo ang nasabing gawi. Kapag nakapanghiram ng pera at sisingilin na, mahusay namang hinaharap ng
mga Igbo ang nasabing maniningil. Bumabanggit sila ng mga sawikain na angkop sa nais nilang ipabatid na
mensahe. Tulad na lamang halimbawa kapag hindi sila makababayad agad, sasambitin ang mga kasabihang
maaaring makapagpabago ng isip ng maniningil upang ipagpaliban muna ang paniningil. Malinaw na sinasabi
ng mga kultura at nakagisnang tradisyon ng mga Igbo ang kanilang pagiging payapa sa pagharap ng ganitong
suliranin.

Alam mo ba na…
Nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan. Naglalahad ito ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay
na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng tauhan at ng hangarin ng
katunggali sa kabila. Isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang
mga pangyayaring ito ay may kaniya-kaniyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling
balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

May mga elemento ang nobela tulad ng sumusunod:


1. Tagpuan – Lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. Tauhan – Nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. Banghay – Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. Pananaw – Panauhang ginagamit ng may-akda
o una - kapag kasali ang may-akda sa kwento,
o pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap, at
o pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. Tema – Paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. Damdamin – Nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. Pamamaraan – Istilo ng manunulat
8. Pananalita – Diyalogong ginagamit sa nobela
9. Simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at pangyayarihan

Cowrie – Yari sa shell na ginagamit bilang palamuti ng mga Afrikano. Ginagamit din sa ritwal at paniniwalang
panrelihiyon.
Ekwe – Isang tradisyunal na kagamitang pangmusika na yari sa sanga ng kahoy. Isang uri ng tambol na may iba’t ibang
uri at disenyo.
Egwugwu – Espiritu ng mga ninuno. Gumagamit ng mascara ang tribu at sumasanib sila kung may nais lutasin na isang
krimen. Pinaniniwalaan na ang mga Egwugwu ang pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria.
Ogene – Malaking metal bell na ginawa ng mga igbo sa Nigeria.
Igbo – Katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria. Karamihan sa kanila ay magsasaka at mangangalakal.

Pagsasanib ng Gramatika at Retorika

Alam mo ba na...
sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga bagay tayong dapat bigyan ng pansin?
Ricky Lee: Trip To Quiapo Scriptwriting Manual
o una, kailangang maging malinaw muna ang konseptong pinag-uusapan
o Ikalawa, malaman ang major concepts ng material
o Ikatlo, dapat konektado ang lahat ng gustong sabihin ng sumulat ang kung tungkol saan ba talaga ang
istorya. Kailangang masagot ang anomang mga tanong tungkol dito.
o Kailangang ang bawat bahagi ay magkakaugnay.
o Makakamit naman ang maayos na paghahanda ng iskrip kung masusing bibigyang-tuon hindi lamang
ang pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa pagbuo ng mga diyalogo.
o Malaki ang maitutulong ng mga pang-ugnay sa pagbuo ng mga diyalogong ito.

Sa pagsusuri naman ng isang pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag sa mga detalyeng nais na bigyan
ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa magandang nakita sa iskrip at o sa pelikulang pinanood gayundin
naman sa pagpapaliwanag ng mga naging kahinaan ng iskrip at/o ng pelikulang pinanood.

Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma


maipaliliwanag ang isang argumento o punto sa tatlong paraan:
(1) pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan,
(2) pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na deskripsiyon, kabilang na sa puntong ito ang
mga paggamit ng pang-ugnay, pagtutulad at pag-iiba-iba, at
(3) pagbibigay ng halimbawa.

Makatutulong nang malaki ang paggamit ng mga pang-ugnay upang maging mabisa ang pagpapaliwanag.
Ilan sa mga ito ay ang mga pang-angkop na ginagamit bilang pang-ugnay upang mapadulas ang pagbigkas
ng salita.
Pang-angkop Pangatnig
o na kapag ang salitang aangkupan ay o bagamat
nagtatapos sa katinig, o upang
o g naman ay ginagamit sa mga salitang o at
nagtatapos sa n o tulad ng
o ng sa mga salitang aangkupan na o kapag
nagtatapos sa patinig. o kung

Puppet show ay isang pagtatanghal na ang pangunahing tauhan ay mga puppet.


Puppet ay isang uri ng sining na ginagamitan ng iba’t ibang mga midya, kagamitan, at pamamaraan.
May mga puppet na pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi o sinulid, puppet na pang kamay o hand puppet tulad ng
medyas na puppet, puppet na supot, at puppet na bag at stick puppets.
Stick puppet ang pinakapayak sa lahat ng uri nito. Mayoon lamang mga larawang ginupit at idinikit sa stick.
Medyas na mga puppet ay Isusuot lamang ng bata ang medyas sa kanyang kamay at pagagalawin niya ito sa
pamamagitan ng mga daliri habang nagsasalita kasama ang hinlalaki para magmukhang bibig ng puppet. Maaaring
lagyan ng tali, butones at kapirasong damit para magmukhang mukha ng tao. Pagkatapos makalikha ay maaari nang
magtanghal ng isang puppet.
Ang mesa na nababalutan ng tela ang magsisilbing tanghalan habang nakatago sa likod nito ang nagtatanghal
(puppeteers).

Puppet na Supot
Pamamaraan:
1. Kumuha ng isang supot na papel.
2. Gumuhit ng mukha ng tao sa isang puting papel, gupitin sa paligid at idikit sa dakong ilalim ng supot.
3. Itapat ang bibig ng larawan sa lupi ng supot.
4. Gupitin nang pahalang ang bahagi ng larawan na nakatapat sa bibig at lupi ng supot upang huwag magkahiwalay ang
nguso at labi. Huwag gugupitin ang supot.
5. Ibuka ang dakong bibig at dikitan ng papel na hugis bilog upang mag-anyong loob ng bibig. Maaari mong dikitan o
guhitan ng maliit na dila.
6. Isuot ang kamay sa supot na ang palad ay nakaharap sa larawang idinikit. Iaros ang apat na daliri sa dakong itaas at
ang hinlalaki sa ibaba. Sa pamamagitan ng mga daliri ay maaari mong pagsalitain ang “puppet” habang ikaw ay
nagkukuwento.

Puppet na Medyas

1. Gupitin paloob ang dulo ng medyas. Ito ang magsisilbing bibig.


2. Gumupit ng tela o retasong hugis bilohaba na kulay dalandan, pula o rosas, at itahi sa paligid ng ginupit na bahagi ng
medyas.
3. Isuot ang kamay sa medyas na ang apat na daliri ay nasa dulo ng dakong talampakan ng medyas at ang hinlalaki ay
nasa dulo ng dakong ibabaw ng medyas upang malaman kung saang dako mo ilalagay ang mga mata at ilong.
4. Lagyan ng mga mata at ilong ang puppet sa pamamagitan ng mga butones, abaloryo o ano mang patapong bagay.
Maaari mo ring iburda ang mga mata at ilong
5. Ang ulo ay maaari mong lagyan ng binungkos na sinulid upang magmukhang buhok o sombrero.
6. Suotan ng damit ang iyong puppet upang matakpan ang iyong braso.

Puppet na Gumagalaw
1. Gumawa ng isang manika sa pamamagitan ng mga retaso o sirang stockings na binalumbon at itinali sa mga
hugpungan.
2. Lagyan ng mga mata, ilong, at bibig sa pamamagitan ng mga butones at patapong mga bagay.
3. Lagyan ng buhok na binigkis na estambre o sinulid.
4. Balutan ng ibang retaso ang dakong ibaba upang magkaroon ng damit.
5. Lagyan ng tig-iisang pisi o sinulid ang mga lugar na nais pagalawin at itali ang kabilang dulo sa pinag-ekis na patpat.
Maaari mo itong pagalawin sa pamamagitan ng paggalaw sa patpat.
6. Isipin kung paano pa maaaring pagalawin ang puppet at kung saan pang bahagi ng katawan maaari itong talian.

Ang patalastas o anunsiyo ay isang mabisang instrumento ng komunikasiyon na nanghihimok sa mga manonood,
tagapakinig at mambabasa na patuloy na kumilos o gumawa. Nakatutulong din ito sa pagpapalaganap ng mahalagang
impormasiyon at nakaiimpluwensiya sa mga mamimili na tangkilikin ang produktong iniaalok.
Ang mga Egyptian ang nagpasimula nito sa pamamagitan ng paglalathala ng mga paskil o karatula sa mga bato o haligi
gamit ang papyrus at ang katibayan nito’y matatagpuan sa Pompeii at matandang Arabia. Samantalang isang
karaniwang anyo ng patalastas ang pagpipipinta sa mga tabike o bato sa Asia, Africa at South America hanggang sa ito’y
lumaganap at sumikat kasabay ng modernisasiyon. Tunay na hindi mapasusubalian ang ambag ng patalastas o anunsiyo
sa ekonomiya.

You might also like