You are on page 1of 2

BUYBUST: ORGANIZED MAYHEM, THE STATE OF OUR NATION a Movie Review

||NATHAN EMMANUEL P. YASIS

Simple lang naman ang Buybust, get from point A to point B then back again pero natatangi ang
pagkukuwento dito ni Erik Matti.

Katulad ng OTJ, out of the box ang casting ng main character sa Buybust kay Anne Curtis na mas kilala sa
mga romantic movies niya, pero hindi ako nadisappoint kay Anne bilang Nina Manigan na sole survivor
sa isang bigong buybust operation na ngayon naman ay may bagong team para na naman sa isang
panibagong buybust operation. Saktong sakto para sa parte na ibinigay sa kanya si Anne dito, maparaan,
maangas, mabangis at kalkulado ang bawat galaw.

Binigyang buhay naman ni Brandon Vera na dating ONE FC MMA World Champion si Rico Yatco, na isang
mapamahiing PDEA Operative. Napakacharismatic ng gentle-giant na character na ito na
pinakanagustuhan kong bahagi ng pelikula at napakacreative ng mga killshot niya dito, mula sa garden
shears hanggang sa motorsiklo.

Nakakapagod panoodin ang pelikula bibigyan ka lang ng kaunting panahon para habulin yung hininga
mo pero kapag nagumpisa na naman ang bakbakan, wala itong awa at siguradong maraming
dumadanak na dugo.

Magandang salamin ang Buybust sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa. Hindi man pumili ng
papanigan si Matti, epektibo niya namang naipakita na walang nanalo sa drug war na ito. Sya nga pala,
napaka ironic, ng pangalan ng lugar kung saan nasukol ang grupo nila Manigan (Curtis), Gracia ni Maria
para saakin ay parang isang barangay sa kilikili ni Satanas.

Visually, ibang klase itong Buybust, matindi ang camera work lalong-lalo na dun sa isang continuous shot
kay Manigan laban sa mga naninirahan sa Gracia ni Maria, brutal at walang pulled punches, ramdam na
na ramdam moa ng pagod at hirap na nararanasan ng mga karakter.

Eksakto din ang musika na ginamit dito mula sa heavy metal ng Razorback, hanggang sa kanta ni Yoyoy
Villame. Napakaimmersive din nung sound effects, ramdam mo yung mga hakbang sa bubong na may
kalawang at pagwasak sa mga pader na plywood na sinabayan pa ng mga riff sa gitara at drumbeats na
para bang sumasabay sa mga fight scenes ng pelikula.

Napakanostalgic ni Victor Neri, naalala ko nung mas bata pa ako at nanonood ng mga cheesy action
movies nya.

Pagdating naman sa final act at lumabas na si Biggie Chen ang karakter ni Arjo Atayde na ang main
target ng grupo nila Manigan, maikli man ang screen time sapul at napakaraming katotohonan naman
ang binanggit nito sa pelikula at maging sa totoong drug war sa monologue niya habang binubugbog nya
gamit ang brass knuckles yung magandang mukha ni Anne Curtis.

Isa lang ang medyo hindi ko nagustuhan sa pelikula, para bang desensitized na yung mga tao sa Gracia ni
Maria at nagmistulang mga walang utak na mga zombie na hindi nakikinig sa pakiusap at ang tanging
gusto lang nilang mangyari ay ang mapatay ang mga pulis.
Maraming katotohanan ang ipinakita ng pelikula, mula sa mga Hudas sa itaas hanggang sa
kasinungalingan na ibinibigay ng media lalong lalo na yung huling linya ni Manigan na napakapamilyar sa
pandinig natin, “wala po akong nagawa, nanlaban eh”. Napamura ako sa mensahe ng simpleng linyang
ito, tumagos hanggang buto at tumindig yung balahibo ko.

Buhay na naman ang Filipino Action Movies.

9.5 na Pugot na ulo/ 10 na pugot na ulo. Kailangan mong mapanood ang pelikulang ito.

You might also like