You are on page 1of 5

June 13, 2019

LESSON PLAN SA ARALING PANLIPUNAN 7


I. Layunin
a. Naitatala ang mga mahahalagang salitang may kinalaman sa pagtuklas sa Katangiang
Pisikal ng Asya.
b. Nakapagbubuo ng konsepto o kaisipan tungkol sa kahalagahan ng pag- aaral ng
heograpiya ng Asya.

II. Nilalaman
a. Paksa: “Panimula: Katangiang Pisikal ng Asya”
b. Sanggunian: Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Rosemarie C. Blando,
et al., Eduresources Publishing, Inc., p. 11-12
c. Kagamitan: LCD monitor, smartphone, pentel pen, construction paper
d. Pagpapahalaga: pagkakaisa at pagiging makakalikasan
e. Tinatayang oras: 40 minuto

III. Pamamaraan
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagganyak
Panuto: Mula sa krossita ay subukan mong hanapin, sa anumang direksyon, ang mga salitang may
kinalaman sa pagtuklas ng mga Katangiang Pisikal ng Asya. Isulat ang mga ito sa papel.

H I B L D K T E K M A L P I N
E K A P A L I G I R A N I P K
O R U S N A B I L H G A S Y A
G I W L E T S A P U N B I A B
R K O N T I N E N T E P K H I
A S B I N U T R A S G I A O H
P O B A H U R O N A N G L B A
I S U N U G N A Y A N I P I S
Y N I S B A S E L Y I T E S N
A K T R O S T Y A D O P S T A
N I B A S W E T R K Y O P E N

B. PAGLINANG NG ARALIN
a. Paglalahad ng Paksa
1. Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral.
2. Magtalaga ng lider sa bawat pangkat.
3. Isa-isang isusulat ng bawat grupo ang mga salitang kanilang naitala mula sa krossita
sa ibinigay sa mga ginupit construction paper.
4. Ang guro ay magtatanong ng mga katanungang makikita sa inihandang
monitor o TV screen.
5. Matapos basahin ang katanungan, ang bawat grupo ay bibigyan ng 20 segundo upang
balasahin ang kanilang pinal sa sagot mula sa mga sinulatang parihabang papel.
6. Bibigyan ng 10 segundo ang mga pangkat upang ipaskil ang kanilang sagot sa
pisara.

Page 1
7. Sa paglabas ng salitang “Time is up!” sa monitor o TV screen, dapat ang lahat ng mga
mag-aaral ang nakabalik na sa kani-kanilang pangkat.
8. Ang kasagutan ay lalabas sa monitor.
9. Makakatanggap ng tatlong star ang pangkat na may tamang sagot, dalawang star sa
nagpaskil ng sagot ngunit hindi naitama at isang star sa walang ipinaskil.
10. Ang pangkat na may pinakamaraming star ang syang idedeklarang panalo.
GURO MAG-AARAL
Bigkis o pagtutulungan para sa kapwa Ugnayan
kapakinabangan
Pangunahing tagalinang ng Kultura
kapaligiran para sa kaniyang
kubuhayan at pagtugon sa pangangailangan

Kalikasan, ang ekolohikal na Kapaligiran


komposisyon ng daigdig
Maunlad na yugto ng kulturang Kabihasnan
panlipunan, moral at kultural
Pag-aaral sa katangiang pisikal ng Heograpiya
Mundo
Katutubo o tagapag-simula Sinauna
Pag-unawa o paghanga sa sining, kaugalian, Kultural
paniniwala, gawaing panlipunan, edukasyon,
relihiyon at
Siyentipiko
malaking masa ng lupain ng mundo Kontinente
Ang pinakamalaking kontinente sa Asya
sukat at sa populasyon
Katangiang nakikita at nahahawakan Pisikal

b. Analisi

GURO MAG-AARAL
May isang minuto ang bawat pangkat Inaasahang pagkakasunod-
upang pagsunod-sunurin ang mga sunod ng limang
salitang nasa parihabang papel batay pinakamahalagang salita:
sa kahalagahan nito kung ang pag-  Heograpiya
uusapan ay ang kabihasnan ng mga  Asya
Asyano. Iuulat ng bawat pangkat kung  Kabihasnan
bakit ganoon ang kanilang naging  Kultura
sagot.  Kapaligiran

Page 2
C. PANGWAKAS NA GAWAIN

a. Paglalahat

GURO MAG-AARAL
Bumuo ng konsepto o kaisipan tungkol sa Ang kontinente ng Asya ay ating tahanan.
kahalagahan ng pag- aaral ng heograpiya Bilang mamamayan nito, mahalaga ang pag-
ng Asya sa pamamagitan ng pagtagpi-tagpi aaral ng heograpiya upang malinang ang
ng lima o higit pang salitang ipinaskil sa ating kaalaman sa pisikal na aspeto ng ating
pisara. kapaligiran, gayon din sa ating pang-araw-
araw na kultura na syang hinubog ng
ating mga ninuno sa yugto ng kanilang
kabihasnan,

IV. Pagtataya
a. MULTIPLE CHOICE (5 pts.)
Panuto: Isulat sa ¼ na papel ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pinakamalaking kontinente sa sukat at populasyon?
a. pisikal c. Russia
b. kontinente d. Asya (TAMANG SAGOT)
2. Ito ay tawag sa pag-aaral sa katangiang pisikal ng

a. heograpiya (TAMANG SAGOT) c. kabihasnan


b. Asya d. Physics

3. Ito ang pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa kaniyang kubuhayan at pagtugon sa


pangangailangan.mundo.

a. kultura (TAMANG SAGOT) c. negosyo


b. kabihasnan d. kapaligiran

4. Tawag sa yugto ng kulturang panlipunan, moral at kultural.

a. ugnayan c. kabihasnan (TAMANG SAGOT)


b. pananakop ng mga Kastila d. kultural

5. Tumutukoy sa kalikasan o ang ekolohikal na komposisyon ng daigdig.

a. kapaligiran (TAMANG SAGOT) c. Asya


b. kalawakan d. heograpiya

Page 3
b. FILL IN THE BLANKS (5 pts.)
Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat puwang ayon sa mga salitang ating napag-aralan.

Ang kontinente ng 1. _ (ASYA) ay ating tahanan. Bilang mamamayan nito, mahalaga ang
pag-aaral ng 2. _ (HEOGRAPIYA) upang malinang ang ating kaalaman sa pisikal na
aspeto ng ating 3. (KAPALIGIRAN), gayon din sa ating pang-araw-araw na 4.
(KULTURA), na syang hinubog ng ating mga ninuno sa yugto ng
kanilang 5. (KABIHASNAN).

V. Takdang Aralin
Panuto: Gamit ang inyong cellular phone, kuhanan ng litrato ang magagandang tanawin sa
inyong lugar katulad ng bundok at burol. Huwag humayo sa malayo at delikadong lugar. Sapat
na ang isang litrato sa bawat pangkat.

Inihanda ni:

ROSANNA MARIE C. JAVIER


Guro sa Araling Panlipunan 7

Page 4
Page 5

You might also like