You are on page 1of 33

Sintaks

Istruktura ng Pangungusap
o Sintaks
● Ito ang tawag sa pormasyon ng mga pangungusap sa isang
wika.
● Ito ang tumutukoy sa set ng mga tuntunin na
pumapatnubay kung paano maaaring pagsama-samahin ang
mga salita sa pagbuo ng parirala o pangungusap.

Halimbawa:
Filipino
> Mataas ang puno
> Ang puno ay mataas
Ingles
> The tree is tall

3
✣ Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at
posible namang pagbaligtarin ito. Samantalang sa Ingles,
laging nauuna ang paksa.

> Simuno o Paksa- ang bahaging nagpapahayag ng


pinag-uusapan sa pangungusap.

> Panaguri- ito naman ang bahaging nagbibigay ng


kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa.

4
✣ PARIRALA
> Ito ang tawag sa lipon ng mga salita na walang paksa at
panaguri na ginagamit para makabuo ng pangungusap.

✣ SUGNAY
> Ito ay lipon din ng mga salita na maaring may diwa at
maari ring wala. Maari rin itong magkaroon ng paksa at pang- uri
at maari ring wala.

✣ PANGUNGUSAP
> Ang Pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang
nagsasaad ng isang buong diwa.
5
Tamang
Pagkakasunod-sunod ng
mga Salita
✣ Ang tamang pagkakasunod- sunod ng mga
salita ay kapag tinatanggap ng mga taal na
ispiker na tama ito sa kanilang wika.

7
Halimbawa:
✣ Binulsa ko ang mabangong panyo.
✣ Bumulsa ko ang mabangong panyo’
✣ Ibinulsa ko ang mabangong panyo.

8
✣ Walang linabag na pamantayan sa gramatika
ang unang pangungusap ngunit maaring sa
ibang taal na ispiker ay hindi ito
katanggap-tanggap

✣ Hindi naiintindihan ang ikalawang


pangungusap at may nilabag itong pamantayan
sa gramatika

9
✣ Ang ikatlong pahayag lamang ang tinatanggap
ng taal ng ispiker ng tagalog at walang nilabag
na pamantayan sa gramatika

10
Halimbawa:
✣ Tumira nang matagal sina Ramon sa Amerika.
✣ Sa Amerika tumira sina Ramon nang matagal.
✣ Amerika tumira sa Ramon matagal sina nang

11
✣ Bagamat magkahawig ang una at ikalawa may
pagkakaiba ang mga ito sa puntong gusto nilang
bigyan ng diin.

✣ Hindi gramatikal ang ikatlo kahit binubuo ito


ng mga salitang mayroon sa unang dalawang
pangungusap. Wala itong linggwistik na
kahulugan.

12
Pagpapalawak ng
Pangungusap
Mga Paraan sa
Pagpapalawak ng
Pangungusap
14
● Pagdaragdag ng mga paningit o Ingklitik

● Paggamit ng mga Panuring

● Pagsasama ng mga Pamuno sa Pangngalan

● Paglalagay ng mga kaugnay na parirala

15
Pagdaragdag ng mga paningit o
Ingklitik
-isinasama ito sa pangungusap upang mas malinaw
ang mensaheng nais iparating.

Mga Halimbawa ng Ingklitik


man naman kaya kasi

yata sana tuloy nang

ba pa muna pala

na daw o raw din o rin lamang o lang

16
Paggamit ng mga Panuring
> dalawa ang kategorya ng mga panuring

1. Pang-uri ng panuring sa pangngalan at panghalip.

Halimbawa:
Batayang Pangungusap:
- Ang Great Wall of China ay simbolo ng dinastiyang Ming

Pagpapalawak gamit ang pang-uri:


- Ang makasaysayang Great Wall of China ay simbolo ng
dinastiyang Ming.

17
2. Pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri, o kapwa
pang-abay.

Halimbawa:
Batayang Pangungusap:
- Ang mga mamamayan ay nagbunyi sa pagbagsak ng
pamahalaan.

Pagpapalawak gamit ang pang-abay at pang-uri:


- Ang mga mamamayan ay masigabong nagbunyi sa
pagbagsak ng sakim na pamahalaan.

18
Pagsasama ng mga Pamuno
Pamuno- Pangngalan o pariralang pangngalang
tumutukoy sa ibang katawagan para sa isa pang pangngalan.

Halimbawa:

Si Duterte, ang pangulo ng Pilipinas, ay nanawagang


huwag gumamit ng droga.

19
Paglalagay ng mga kaugnay na Parirala

-Kaugnay na Parirala- mga dagdag na salita na


idinurugtong sa pangungusap o mga parirala na may
parehong kahulugan sa naunang parirala .

20
Uri ng Pangungusap
ayon sa Gamit
Pawatas
Patanong
Pautos o Pakiusap
Padamdam
22
Pawatas
❖ Naglalahad ng impormasyong tungkol sa isang
paksa
❖ Pinupunan nito ng kaalaman ang taong
makakarinig
❖ Nagtatapos ang ganitong pangungusap sa tuldok
(.)
HALIMBAWA:
> Ang Pilipinas ay isang arkipelago kaya
sagana ito sa mga yamang- dagat.
-

23
Patanong
❖ Nag-uusisa ang ganitong pangungusap.
❖ Karaniwan itong nagsisimula sa salitang ano,
sino, kailan, saan, paano, alin, ilan, o gaano.
❖ Maaari rin namang singitan ng katagang ‘ba’ o
salitang ‘kaya’ ang pahayag.
❖ Nagtatapos ang ganitong pangungusap sa
tandang panatong (?)
HALIMBAWA:
> Batid mo ba na ang Pilipinas ay binubuo
ng higit sa pitong libong isla?

24
Pautos o Pakiusap
❖ Pinakikilos nito ang isangtao. Maaaring maging
tuwiran ang pagpapagawa ng isang kilos o idaan
sapakiusap. Nagtatapos din ang
ganitongpangungusap sa tuldok (.)

HALIMBAWA:
> Libutin ang Pilipinas at saksihan ang
nagtatagong gandang mga isla nito.

25
Padamdam
❖ Nagpapahayag ito ng matinding damdamin,
gaya ng lubos na tuwa, matingkad na lungkot,
sukdulang galit, at iba pa
❖ Nagtatapos ang ganitong pangungusap sa
tandang padamdam (!)

HALIMBAWA:
> Grabe, ang ganda ng Pilipinas!

26
Uri ng Pangungusap
ayon sa Kayarian
Payak
Tambalan
Hugnayan
Langkapan

28
Payak
✣ Nagtataglay ang pangungusap na ito ng isang
kompletong diwa. Maaari itong magkaroon ng
isang paksa at isang panaguri lamang; dalawang
paksa o isang panaguri; isang paksa at dalawang
panaguri; o dalawang paksa at dalawang
panaguri.

Halimbawa:
> Ang mga katiwalian sa hukbong
sandatahan ay iniimbestigahan na.

29
Tambalan
✣ Nagtataglay ang pangungusap naito ng dalawa o
higit pang sugnay na nakapag-iisa (may
kompletong diwa).Karaniwan itong ginagamitan
ng mga pangatnig na at, ngunit,subalit, datapwat
at habang.

Halimbawa:
> Ang mga katiwalian sa hukbong
sandatahan ay iniimbestigahan na at
napag-alamang may ilang dating matataas na
opisyal na posibleng nagnakaw sa pondo.

30
Hugnayan
✣ Nagtataglay ang pangungusap na ito ng isang
sugnay na nakapag-iisa (may kompletong diwa)
at isang sugnay na di nakapag-iisa (hindi
kompleto ang diwa). Karaniwan itong
ginagamitan ng mga pangatnig na upang, nang,
kaya, dahil at sapagkat.
Halimbawa:
> Ang mga katiwalian sa hukbong
sandatahan ay iniimbestigahan na upang
malaman kung totoong may nagsamantala sa
pondong para dapat sa mga sundalo.

31
Langkapan
✣ Nagtataglay ang pangungusap na ito ng dalawa
o higit pang sugnay na nakapag-iisa (may
kompletong diwa) at isa o higit pang sugnay na
di nakapag-iisa (hindi kompleto ang diwa).
Halimbawa
> Ang mga katiwalian sa hukbong
sandatahan ay iniimbestigahan na at
napag-alamang may ilang dating matataas na
opisyal na posibleng nagnakaw sa pondo kaya
magsasampa ng pormal na kaso sa korte.

32
MARAMING SALAMAT!

33

You might also like