You are on page 1of 29

I.

Kahulugan ng Pagsusulat
a. Ayon kay Peter T. Daniels, ito ay isang sistema ng humigit kumulang na
permanenteng panandang ginagamit upang kumatawan sa isang pahayg kung
saan maari itong mulingmakuha nang walang interbensyon ng nagsasalita.
b. Sabi naman ni Florian Coulmas,ito ay isang set ng nakikitang simbolong
ginagamit upang kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong
pamamaraan, na may layuning maitala ang mga mensahe na maaaring makuha o
mabigyang – kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang ginamit at mga
pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda.
c. Ito rin ayang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo,
ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang
isipan.
d. Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na prosesoo sa layuning makalikha at
makagawa ng maayos na sulati; isang kasanayan.
e. Sa sosyo-kultural na konteksto, ito ay isang proseso ng pag-aaral at
produkotong konteksto na nakaaapekto sa pagkatuto; maipahiwatig an gating
nadarama na di natin kayang sabihin
f. Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalaman
at makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinion.
g. Ayon kay Arapoff, ito ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa
pamamagitan ng mahusay ng pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan..
h. Ito ay isang tao-sa-taong komunikasyon at paraan ng paghubog ng damdamin at
isipan ng tao.

II. Kahalagahan ng Pagsulat


Mahalaga ang pagsulat dahil kung marunong tayong sumulat makaaangat tayo
sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon , Makasasagot tayo sa mga
pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga
Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.
eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng
pananagumapay. Sa daigdig ng edukasyon, kailangang sumulat tayo ng liham na
aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa
paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at marami pang iba.
Mahalaga rin ang pagsusulat sapagkat sa pamamagitan nito, ang mga tao sa
iba’t ibang lugar at sa iba’t ibang panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan at
nagkakaisa. Ang aspeto n gating kultura ay napananatiling buhay sa pamamagitan
nito. Sa pamamagitan ng mga nasulat na tala ay natututuhan natin ang kasaysayan n
gating lahi; ang mga paniniwala at matatayog na kaisipan ng ating mga ninuno; at
ang mga pagbabago at pagsulong ng ating bansa.

III. Layunin ng Pagsusulat


a. Pansariling Pagpapahayag o Ekspresiv. Ito’y pagsulat o pagtataya ng mga
bagay na nakikita, naririnig o nababasa. Ito rin ay nagpapahayag ng
nararamdaman at nasasaloob ng mga tao. May malayang pamamaraan, hindi
gasinong pinagtutuunan ng pansin ang ispeling ng mga salita bagkus
minmahalaga ang mailbas ang tunay na iniisip at nadarama ng isang tao.
Kinapapaloobang ito ng sariling karanasan at mga pala-palagay ng manunulat
hinggil sa ilang pangyayari sa paligiid Hal. Talaarawan, jornal, personal na
liham, mga reaksyon at mapa o diagram
b. Pagpapahayag na Impormasyonal o Transaksyunal. Ginagawa ito kung nais
magpaagbot ng mensahe, balita o magpaliwanag, magpayo o makiusap.
Gumagamit ito ng mas pormal at kontroladong paraan sapagkat may istilo na
dapat isaalang-alang upang maihatid ang mensahe sa target niyang mambabasa.
Halimbawa: liham, memorandum, reviewer, riserts, komentaryo, kritiko, ulat,
report, poster o slogan at sanaysay
c. Malikhaing Pagsusulat. Sa tulong ng imahinasyon ng kaisipan ng manunulat at
kapangyarihan sa register ng wika, nagagawang ilarawan ng manunulat ang
lipunang kanyang ginagalawan. May sapat na lakas ang mga salita upang
Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.
ipadama sa mga mambabasa ang panaromic na larawan ng buhay. Kabalikat din
ang mga maretorikang salitang gagamitin upang mabatak ang kuryosidad at
inspirasyon ng mambabasa.

IV. Apat na Dibisyon ng Kasaysayan ng Pagsusulat


a. Ekspresiv na Pagsulat – nakafokus sa pangangailangan ng manunulat na
malayang maipahayag ang kanyang sarili gamit ang sariling pamamaraan.
Walang ginagamit na teorya ngunit nakaimpluwensya sa inobasyon sa pagtuturo
ng pagsulat.
b. Kognitiv – tumitingin sa pagsulat bialng isang pag-iisp at isang kompleks na
gawain. May makalayuning oryentasyon at naniniwalang ito’y isang pabalik-
balik na gawain.
c. Sosyal na Antas – ang mga manunulat ay hindi lamang kumikilos nang nag-iisa
kundi bilang kasapi ng isang sosyal at kultural na pangkat na
nakakaimpluwensya sa kung ano at paano sila sumulat.
d. Komunidad ng Diskurso – nabuo ng maniwala na ang pagsulat ay isang gawain
sosyal. Ang pagkaunawa ng mambabasa at ang genre ay napakahalaga rito. Ang
atensyon ay nakatuon sa pantersyaryang pagsulat kung saan kailangang
makasulat sila nang katanggap-tanggap sa akademik na komunidad.
Paggawa ng Burador

Pag-iistraktura Muling Pagtingin Pagfofokus

Paglabas ng ideyang paulit-ult at hindi linyar


Ang dayagram na ito ay nagpapahiwatig Evalwasyon
na kalikasan ng
pagsulat. Ang mga gawaing tulad ng brainstorming ay nagpapalabas ng ideya na
nakatutulong sa mga manunulat na masabi ang nasa kanyang iskema.
1. Pagfofokus – pangkalahatang layunin sa pagsulat tungkolsa paksa
2. Pag-iistraktura – pag-oorganisa at muling pag-aayos ng teksto upang mailahad ang
ideya sa paraang tatanggapin ito ng mga mamababasa

Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.


3. Paggawa ng Burador – transisyon ng kaisipan mula sa manunulat patungo sa
tekstong para sa mambabasa
4. Pagtataya o Evalwasyon – paggamit ng tseklist upang makuha ng fidbak at mga puna
na makatutulong upang maisaayos muli ang binuong burador
5. Muling Pagtingin – matiyak kung tamaang ginagawa. Layunin nitong makalikha ng
makabuluhan at mabisang pagsulat na makabuo sa kasanayan ng manunulat

V. Mga Kailangan sa Pagbuo ng Sulatin


1. Tapik o Paksa – kailangan ng isang sulatin ang sapat na kaalaman
oimpormasyon sa paksang sulatin. Ang mga kaalaman o impormasyon ay
maaaring galing sa mga sangguniang aklat, dyornal at iba pa.
2. Layunin – dapat na malinawsa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit siya
nagsususlat. Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraan ng pagsulat.
Kaya ang kaibahan sa anyo o porma ng isang sulatin ay nakabatay nang malaki
sa layunin.
3. Interaksyon at isang pagbuo sa Kamalayan ng Awdyens – dapat isaisip ng
isang manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagulat. Kung minsan,
ang manunulat ay nag-iinterak sa kanyang sarili, halimbawa, kapag nagsulat
skiya ng dyornal, pero sa maraming pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang
tao. Kailangang linangin din ng isang manunulat ang kanyang kasanayang
interpersonal. Dapat na alamin niya kung sino ang sinusulatan, ano ang
maaaring gusto niyang malaman, ano ang lawak ng kanyang pang-unawa at
anong uri ng wika ang angkop na gamitin.
4. Wika – ang isang manunulat ay kailangang mayroon ng kaban ng wikang
maaaring gamitin ayon sa pangangailangan. Dapat alam niya ang istilo ng
wikang angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon.
5. Konbensyon – dapat isa-alang-alang ang mga konbensyon sa pagsulat na
tinatangkilik sa isang pamayanan. Halimbawa, may sariling pormat ng
adbertisment na kaiba sa pagsulat.
Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.
6. Mga Kasanayan sa Pag-iisip – ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng
iba’t ibang kasanayan sa pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa
pagtatangi ng mga bagay at pangyayari upang madesisyunan niya kung alin ang
mahalaga o hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lokhika upang
makapangatwiran siya nang mabisa; kailangang alam din niyang pagalawin ang
kanyang imahinasyon at maging malikhain para sa kawiling-wiling paglalahad;
kailangang mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay ng sariling
pagpapasiya at iba pa.
7. Kasanayan sa Pagbubuo – isa sa mga tunguhin ngg manunulat ang makabuo
nang maayos na talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at mga
pansuportang detalya. Nagagawa rin ng isang mahusay na manunulat na lohikal
na mailalahad ang pagkasunud-sunod ng mga ideya sa pagbuo ng isang
magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng paggamitng mga angkop na pang-
uugnay.
8. Sariling Sistema ng Pagpapahalaga – dapat isaalang-alang ang mga
pagpapahalagang pinanananaligan ng isang manunulat at handa siyang
panindigan ang mga ito. Binibigyang pansin niya sa pagsulat ang mga
sumusunod:
a. Ano ang mahalaga sa paksa?
b. Ano ang maganda o mahusay na pagsulat?\
c. Ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may
edad kaysa sumusulat?
d. Sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin?
9. Mahahalagang Sangkap sa Pagsusulat
a. Manunulat – nagpapadala ng mensahe naencoder kung tawagin
b. Teksto – nakasatitik na mensahe na pinuprodyus ng manunulat
c. Mambabasa – nag-iinterpreta at ang umiintindi sa teksto ng decoder
naman kung tawagin

Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.


VI. Proseso ng Pagsususlat
a. Imbensyon o Pag-asinta – paglikha ng iyong paksa
i. Brainstorming – paglalahad ng mga ideya sa papel upang maibigay ang
posibleng maging paksa.
ii. Paglilista – paglista ng mgaideyang ikaw ay interesadong gawin
iii. Klaster – pagmamapa ng mga ideya
b. Pangangalap ng Impormasyon o Pagtatanong at Pag-uusisa
i. Pangangalap ng mga ideya
ii. Paghahanap at pagsususri ng mga pananaliksik
iii. Pagsasaga ng interbyu
iv. Maari ring mabuo rito ang paksa
c. Pala-Palagay
i. Habang wala pang tiyak nabalangkas at daloy ng pagtalakay sa paksang
susulatin, naghahain muna ng haka-haka ang manunulat
ii. Iisa-isahin ng manunulatang sanhi at bunga ng pangyayari habang nag-
iisip kung paano bubuuin ang balangkas ng paksang napili
iii. Nakararamdamng pagkabalisa ang manunulatsa yugtong ito dahilpatuloy
siyang naghahanap ng kasagutan sa kaanyang mga tanong at maaaro
pang biglang sumulpot ang iba pang tanong
iv. Kadalasan, itoang pinakamahabang bahagi ssa prroseso ng pagsulat a.k.a
Incubation Period
d. Pag-oorganisa – paglalahad ng mga impormasyon sa isang balangkas
i. Balangkas – maituturing na pinakakalansay ng isang sulatin. Lubha
itong mahalaga upang maiwasan ang paglayo sa pagtalakay sa isang
paksang napili. May dalawang klase ang pagbabalangakas: (1)
Pangungusap na Balangkas – nakatuon sa mga makadiwang
pangungusap na siyang kumakatawan sa mahalagang bahagi ng isang
sulatin at (2) talatang balangkas – nakapokus sa mgapinag-uugnay-
ugnay na mga kaisipan, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.
1. Introduksyon
a. Pangganyak
b. Paglalahad ng Tesis
2. Katawan
a. Paglalahad ng mga Punto
b. Paglinang ng mga iodeya
c. PAntulong sa pangunahing Katwiran
3. Kongklusyon
a. Muling-pagdidiin sa pangunahing ideya
ii. Pagsasaayos ng mga Datos
1. Dalawang Uri ng Mapagkukunan ng mga Datos:
a. Pangunahing Datos – Nagmumula ang mga impormasyon
sa mga indibidwal na tao, mga akdang pamapanitikan,
mga pribado o publikong organisasyon, batas, dokumento
at iba pang orhinal na talaan.
b. Sekondaryang Datos – Kinalap ang mga datos mula sa
mga manuskrito, ensayklopidya, tesis, disertasyon,
magazine, pahayagan at iba pang aklat na naisulat ng mga
awtor.
2. Tatlong istratehiya sa paghahalo ng sariling pag-aaral sa
pinagkunang material
a. Direktang Sipi – eksaktong salita o pahayag ng isang
awtor. Kinopya nang direkta, salita-sa-salita, mula sa
sanggunian. Ginagamit ito ng mananaliksik kapag nais
niyang:
i. Idagdag ang kapangyarihan ng salita ng awtor
upang suportahan ang argument
ii. Nais pabulaanan o hindi sang-ayunan ang
argument ng awtor
Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.
iii. Bigyang-diin particular ang isang malinaw o
makapangyarihang pahayag o sipi
iv. Naghahambing ng mga ispesipikong punto de
vista
b. Parapreys o Hawig – pagsasabing muli ng nakuhang
ideya mula sa ginamit ng sanggunian gamit ang sariling
pangungusap. Ginagawa ang pagpaparapreys kapag:
i. Nais gumamit ng mga impormasyon sa nowtkard
at umiwas sa panggagaya o pangongopya
ii. Nais iwasan ang masyadong paggamit ng
direktang sipi
iii. Nais gamitin ang sariling boses sa paglalahad ng
impormasyon
c. Sinopsis o Buod – pinagsama-sama ang pangunahing
ideya ng isa o maraming manunulat gamit ang sariling
pangungusap. Mas maikli ito kaysa sa orihinal at
naglalaman ng kabuuang kaisipan ng pinagkunang
material. Gumagawa ng synopsis kapag:
i. Nais magbigay ng bakgrawnd at pananaw hinggil
sa isang paksa
ii. Nais maglarawan ng pangkalahatang kaalaman
mula sa maraming sanggunian tungkol sa paksa
nais na determina ang pangunahing ideya ng
pinagbatayang teksto
e. Pagsulat ng Burador
 Bigyan ng sapat na panahon ang iyong sarili na magawa ang iyong
sulatin.
 Humanap ng komportableng lugar ng pagsusulatan.
 Iwasan ang distraksyon o abala
Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.
 Magpahinga
 Ang mga Paraan sa Pagpapalabas ng Ideya:
o Pagtatala – paglilista ito ng mga kaisipan sa pamamagitan ng
pagdadaglat, pagguhit, pagsipi. Masusundan dito ang
pagkakasunund-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga detaly
tungkol sa paksa kapag magsususlat.
o Palitang-kuro – grupo ang karaniwang gumagawa rito. Malawak
nilang titingnan ang paksa sa iba’t ibang anggulo at ang kaligiran
ng usapin. Ang mga potensyal na opinion ang bibigyang
konsiderasyon at pagkakaisahan ang mga hakbangin para
marating ang mapagkakasunduang layunin.
o Malayang Pagsulat –pamamaraan itong kung ano ang basta
lumabas na ideya sa isip ay isinusulat. Huwag munang maging
mapaghatol sa isinusulat. Huwag magwawasto. Pabayaang
malayang dumaloy ang isipan nang walang anumang
pagkontrol,sa gayon, maging ang mga di-inaasahang nakabaong
ideya ay lumitaw.
o Pamamaraang Tanong-Sagot – Tinatanong ang sarili tungkol sa
paksa at tiyak makakaipon ng laksang impormasyon. Pinaplano
ang mga katanungan at ang mga ito’y pinagsunud-sunod at
pinag-ugnay-ugnay. Napapalalim nito ang pag-unawa sa paksa at
nakapagbibigay ng mga kawili-wiling kaisipang maisususlat.
f. Pagrerebisa – muling pagsusuri sa mga ideya
i. Ribyu ng Higher-order na tuon:
1. Malinaw na pagpapahayag ng mga ideya
2. Organisasyon ng Sulatin
3. Istraktura ng mga talata
4. Matibay na introduksyon at kongklusyon

Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.


g. Proofreading o Pagwawastong-Basa - binbasa ulit ito upang Makita ang mga
mali sa ispeling, sa gramatikaat paggamit ng salita, pati na rin ang daloy ng
pagpapahayag, impormasyon at katwirang nakapaloob sa komposisyon
i. Ribyu ng later-order na tuon:
1. Ispeling
2. Bantas
3. Istraktura ng mga pangungusap
4. Istilo ng Dokumentasyon
ii. Wastong Paggamit ng mga Bantas:
1. Tuldok (.)
a. Ginagamit bilang panapos sa mga paturol o pasalaysay,
pakiusap at pautos ng mga pangangausap
b. Ginagamit din ito sa mga pinaikli o dinaglat sa salita.
Hal. Editor –Ed. Pahina – ph.
2. Tandang Pananong (?) - Ginagamit itong panapos sa mga
pangungusap na patanong
3. Tandang Padamdam o Eksklamasyon (!)
a. Pangungusap na padamdam
b. Ekspresyong padamdam
4. Kuwit o Koma (,)
a. Pagitan ng petsa ng buwan at taon
b. Pagitan ng pangalan ng kalye at pangalan ng lungsod
c. Pagitan ng pangalan ng bayan at pangalan ng lalawigan
d. Bating panimula ng liham pangkaibigan
e. Bating pangwakas ng liham pangkaibigan at liham
pangangalakal
f. Paghahanay pahalang ng mga salita
g. Magkakasunod na parirala
h. Pagitan ng tuwirang sabi at ibang bahi ng pangungusap
Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.
i. Pagitan ng antesidente na iyo at ng pangalan
j. Pagkatapos ng ngalang panawag
k. Pagitan ng pangalan o panghalip at ng pamuno
5. Tutldok o kolon (:)
a. bating panimula ng liham pangangalakal
b. pagsulat ng oras
c. pagtatala ng iisa-isahing bagay
d. pagpapakilala ng tuwirang sipi
6. Kudlit o Apostrofi (‘) – ginagamit sa pag-aangkop ng kataga sa
sinusundang salita
7. Panaklong o Parentesis ( ) – ginagamit na pangkulong sa
mgapinamimiliang salita o parirala
8. Panipi o kotasyon (“ “)
a. Diyalogo
b. Pamagat ng aklat, kuwento, pelikulat atbp.
c. Mga susing salita sa isang pinarafrasong tala
d. Direktang pagkopya ng isang salita, parirala o
pangungusap
9. Gitling (-)
a. Mga salitang inuulit, ganap o parsyal
b. Mga tambalang salita dahil sa pagkaltas ng isang kataga o
salita kaya pinag-iisa na lamang na maaaring manatili ang
kahulugan kaya’y magkaroon ng ikatlo
c. Mga magkasalungat na salita na inaalis ang pang-ugnay
na at
d. Mga salitang-ugat na nagsisimula sa patinig na
inuunlapian ng panlaping nagtatapos sa katinig
e. Mga pangngalang pantangi na inunlapian
f. Panlaping ika-ikasunod ng tambilang o numero
Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.
g. Fraksyong isinusulat nang pasalita
h. Pagsasama sa apelyido ng pagkadalaga at ng
napangasawa
i. Paghahati ng salita sa dulo ng linya
10. Tuldukuwit (;) – ginagamit sa dalawang malalayang sugnay na
hindi pinangangatnigan o hindi pinagdurugtong ng pang-ugnay
11. Elipsis (…) – pagsisipi kung may tinatanggal na salita; (….) – sa
huli ng pangungusap o katapusan ng sipi
12. Braket ([]) – binago sa isang tuwirang sipi at dito ito
ipinaloloob, gayundin, ang kapaliwanagan sa kung ano ang
ginawa
13. Asteriko (*) – may tinanggal na isa o mhigit pang talata sa isang
sinipi, pagkatapos ng isang listahan at pagpapakitang may
karagdagang impormasyon nakatalababa o nakfutnowt
14. Salungguhit (__) – gamit sa mga pamagat ng aklat, dula,
novella, maikling kuwento, awitin, tula, sanaysay; pangalan ng
babasahin (dyaryo, magasin, jornal, polyeto at mga programang
panradyo at pantelevisyon); at banyagang salita
Tabula ng mga Pananda o Pangmarka sa Pagwawastong-Basa
Pananda/Marka Kahulugan
Lagyan o singitan dito
lagyan ng tuldok
Lagyan ng kuwit
Lagyan ng tuldok-kuwit
Lagyan tutuldok
Lagyan ng panipi
Lagyan ngkudlit
Lagyan ng panaklong

Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.


Lagyan ng braket
Lagyan ng superskrip
Lagyan ng subskrip
Kaltasin o alisin
Pagdugtungin o pagkabitin
Kaltasin atpagkabitin
Lagyan ng espasyo
Panatiliin
Itranspos o pagpalitin ng puwesto
Iusog o iurong sa kaliwa
Iusog o iurong sa kanan
Igitna
Itaas
Ibaba
Ipantay o ituwid
Ilinya
di-perpekto
Indensyonan o isaparapo
Punan ang patlang
Maling paghahati o pagpapantig
Simulan sa bagong parapo
Baybayin, isulat ng buo
Malaking titik lahata
Maliit na malalaking titik
Maliit na tittik
Italisa
Iset sa Roman
Iset sa bold

Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.


Iset nang magaan
Italisadong malaking titik
Nawawalang salita, tingnan ang orihinal na kopya
Walang parapo
Itanong sa awtor; intensyonal bang set ito?
Pigura o itambilang o numero
Maling font o tipo
Paghiwalayin
Lagyan ng asteriko
Baliktarin
Ligature o pangatning
Lagyan ng gitling
May karugtong
Isulat sa bagong linya
Bitin

h. Pinal na Papel – pagtapos ng masusing pagsusuri ang teknikal na bahagi ng


nilalaman, maaari na itong ipasa sa guro o sa iba pang susuri nito

VII. Bahagi ng Pagsulat


a. Titulo o Pamagat
i. Naglalaman ng titulo o pamagat ng papel, panglan ng sumulat, petsa ng
pagsulat o pagpasa,iba pang impormasyon tutukuyin ng guro
b. Panimula o Introduksyon
i. Karaniwang isinasaad nito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan
ngpagsulat ng paksa at pambunga na pagtatalakay sa daloy ng papel.
ii. Ito ang pinakamukha ng sulatin. Dito hinahatulan, kung magtatagumpay
o mabibigo, ang isang katha. Kailangan sa sulyap palamang ng babasa,
ito’y kaakit-akit na – nakakapukaw, nakakaganyak, nakakahatak na ng
Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.
kuryusidad – para tuluyang titigan, tunghayan hanggang sa ang malay,
kung maari pa nga’y pati buhay, ay matangay nang buong kasabikan.
iii. Mabibisang Panimula:
1. Pasaklaw na Pahayag – sa panimulang ito, ang resulta o
kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-
sunurin mula sa di-gaanong mahalaga hanggang sa
pinakamahalaga na detalye. Halimbawa: Balita
2. Pagbubuod – naghahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin
ang sadyang tinatalakay
3. Pagtatanong –panimulang kalabisan nang ipaliwanag pa
4. Tuwirang Sinabi – panimulang karaniwang nakikitang
nakapanipi sapagkat mula ito sa tapat na pagsipi sa tiyak na
pahayag ng isang taong bantog, dalubhasa, awtoridad at maari rin
naming karaniwang tao lamang ngunit ang sinabi’y naghahayag
ng mahahalagang bagay na magagamit na lundayan sa pinapaksa.
5. Panlahat na Pahayag – isang uri ito ng panimula na nagtataglay
ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga
salawikain, sa mga kawikaan, at maging sa mga pamilyar at
pang-araw-araw na makatotohanang kaalaman ng lahat na
nagtataglay ng diwa o aral.
6. Paglalarawan – ang panimulang ito’y ginagamit kapag
nagtatampok ng tao. Sapagkat nagbibigay, deskripsyon,mga
malarawan at maaksyong salita ang ginagamit.
7. Pagkakaligiran – ito naman ang ginagamit na panimuilakung
ang binibigyang-larawan ay pook.
8. Pagsusumbi – bihira ang panimulang ito. Maikli lamang, na
karaniwan nang binubuo ng iisang salita. Masurpresa itong
parang suntok kung tumimo sa kuryusidad ng bumabasa.

Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.


9. Pagsasalungat – Sapanimulang ito, ang binibigyang diin ay ang
pagkakaiba. Ang tuntuning sinusunod ditto ay mas malaki ang
pagkakaiba, mas matindi ang bias.
10. Pagsasalaysay – ang panimulang ito’y anyong malumanay na
pagkukuwento.
11. Makatawag-pansing Pangungusap – Ito’y isang
mapanggittlang panimula dahil di-karaniwang sinasabi o
naririnig sa araw-araw ang pamamariralang, ginagamit ditto.
12. Analohiya – Ito ay nagtutulad o nagwawangis.
13. Anekdota - isang panimulang nagkukuwento ng maikling
istorya para pasiglahin ang babasa o di kaya’y gamiting tularang
lundayan ang kaugnayan sa paksang tatalakayin.
14. Pagsasalitaan – Ang panimulang ito ay dinaraan sa usapan o
diyalogo.
c. Katawan
i. Matatagpuan na dito ang pangunahing pagtalakay sa paksa- ang
pangangatwiran, pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at
paglalahad.
ii. Pangkalahatang Pamamaraan sa Pagsasaayos ng Katawan ng
Sulatin
1. Pakronolohikal - tamang pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari mula pinakamatagal hanggang sa kasalukuyan
2. Paanggulo – batay sa personal na masasabi o reaksyon ng bawat
tao tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang
obhektibong paglalagom.
3. Paespesyal o Pagaagwat – paglalahad mula sa pinakamalapit o
ang alam na alam na paksa hanggang sa pinakamalayo o ang
hindi na masyadong alam na paksa

Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.


4. Paghahambing – isinasaayos nang paseksyon. Unang seksyon
ay ang pagkakaiba. Ang pangalawang seksyon ay ang
pagkakatulad. Maari rin silang magkapalit.
5. Palamang o Pasahol – sinisumulan sa mga bagay munang
lalong mahalaga ang binabanggit bago ang di-gaanong mahalago
o vice-versa.
6. Patiyak o Pasaklaw –isinasaaosa naman ito sa paraang sinasabi
muna ang mga particular o definidong detalye bago ang
pangkalahatang mga pahayag o vise-versa.
7. Papayal o Pasalimuot – sinisimulan ito sa mga bagay na
komplikadokasunod ang mga bagay na simple o vice-versa.
d. Konklusyon o Wakas
i. Nakasaad naman sa bahaging ito ang mahahalagang puntos ng papel.
Inilalahad din ang napatunayan o napagalaman batay sa paglalahad at
pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa papel o sa pananaliksik.
ii. Dito makikita ang kabuuan ng sulatin.
iii. Mabisang Pangwakas:
1. Tuwirang Sinabi
2. Panlahat na Pahayag
3. Pagbubuod
4. Pagpapahiwatig ng Aksyon
5. Mahalagang Insidente
6. Pagtatanong
7. Pagsisipi

VIII. Mga Pamantayang Dapat Sundin sa Pagsusulat


a. Kailangan ang kaisahan, kaugnayan, kawilihan at wastong pagbigay-diin sa
pahayag.

Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.


b. Kailangang malinaw, makatwiran at maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga
kaisipan.
c. Kailangan maingat ang susulat sapagkat ang anuman kamalian ay nakikita ng
bumabasa.
d. Kailangang may sapat na kaalaman sa wika, gramatika at retorika.
e. Dapat na may lubos na kabatiran sa mga mekanismo sa pagsusulat gaya ng:
pagbabaybay, pagbabantas, paggamit ng malaking titik, paggamit ng italika,
pagsulat ng tambilang at papapaikli ng mga salita at talata.
i. Talataan – lipon ng mga pangungusap na paunlad na binubuo at
nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan. Ang isang talat o
magkakasunod na talata ng isang akda ay may kaisahan, kaugnayan at
kaanyuan.
1. Kaisahan: Upang matawag na talata ang pangkat ng mgga
pangungusap, kailangang ito’y umikot sa iisang pangkalahatang
ideya. Kailangang may pangungusap na pampaksana siyang
nagsisilbing giya o patnubay sa pagbuo ng susuportang mga
pangungusap.
2. Kaugnayan: Kailangang magkakaugnay ang mga pangungusap
upang magpatuloy ang daloyng diwa buhat sa simula hanggang
sa dulo ng pahayag. Kailangan nakaayos sa pagkakahanay ang
mga pangyayari o ang diwang ipinahayag upang maging
maliwanag ang pagkakaugnay.
a. Pamantayan sa Kaugnayan
i. Paggamit ng tradisyonal na mga salitao mga
pangatnig gaya ng: at, kapag, disin sana, dahil sa,
sapagkat, ngunit, bagaman, samantala, ngunit,
bagaman, samantala, anupa’t,kung gayon,
samakatuwid, gayon pa man, sa kabila noon at
marami pang iba.
Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.
b. Paggamit ng Panghalip
i. Kung pangngalan ang ginamit sa unang
pangungusap o sugnay, panghalip ang maaringg
gamiting kahilili ng pangalang nabangit. Sa mga
sumusunod na pangungusap. Ginagawa ito upang
hindi ulit-ulitin ang atensyon ng bumabasa ay
magbalik sa tinutukoy na panghalip.
c. Pag-uulit ng Salitaupang Magbigay-diin at Mag-
ugnay-diwa
d. Paralelismo o Paggamit ng Magkakatulad na
Balangkas Panggramatika
3. Kaanyuan o Kabuuan: Ang mabuting talata ay naglalaman ng
kumpletong kaisipan. May pagbigay-katuturan, paliwanag,
pangangatwiran, at patotoo. Gumagamit ng ilustrasyon,
halimbawa, pagwawangis, pagtuttulad at pag-iiba, pagsususuri,
mungkahi, tagubilin, talinghaga, mahahalagang sipi at iba pang
pamamaraan upang maging buo o ganap. Ang isang akda ay may
panimulang talata, makakapanunod na talata (Transitory) at may
pangwakas na talata.
IX. Mga Anyo ng Pagsulat
a. Anyong Pangangatwiran o Argumentasyon
i. Layuning bigyang-paliwanag ang paksa, kasysa sa bigyan-panlunas,
para Makita at mapakilalang mabuti ang particular na bagay na
tinatalakay sa pamamagitan ng mgapruweba’t patunay, sa gayon,
malinawan at maintindihan nang walang pagpapasubali ang
pinagmamatuwirang posisyon o pahayag.
ii. Isang pahayag na mapagtatalunan
b. Anyong Klasipikasyon o Pag-uuri-uri

Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.


Pinararaan ang mga ito sa iba-ibang sistema ng pag-uuri, at walang ibang
pinakabasehang magagawa kundi ang paghahanap na kategorya na napagsama-
sama ang mga bagay na maaaring magkakahiwalay at mapagbubuklud-buklod
ang mgamagkakaiba.

c. Anyong Pagsusuri o Analisis


Isang pagtataya sa nilalaman ng akda angpagsusuri. Dalawang importanteng
gampanin ang kailangan isakatupara: una, pagmamasid at pangalawa, pasulat ng
mganaobserbahan. Ang pagsulat sa anyong pagsusuri ay hindi lamang isang
pag-uulat ng mga naobsrebahan kundi isang kasanayan sa pagmamasid.
d. Anyong Pasalaysay
Pagpapahayag na naglalayong maghayag nang sunod-sunod ng isang
pangyayari, mga tauhan at may tagpuan. Halimbawa: maikling kuwento,
talambuhay, dyornal, kasaysayan, kathangisip.
e. Anyong Paglalarawan
Pagpapahayag na naglalayong magsaad ng larawan ng kabuuan ng isang bagay,
pangyayari o magbigay ng isang biswal na konsepto nga mga bagay-bagay,
pook, tao o pangyayari.
f. Anyong Panghihikayat
Pagpapahayag na naglalayong mahikayat ang mambabasa na makiayon o
tanggapin ang pananaw ng manunulat. Halimbawa: adbertisment at sanaysay.
g. Anyong Eksposisyon
Pagpapahayag na may tungkuling ipaliwanag ang pangyayari, opinion,
kabatiran at mga kaisipan.
h. Anyong Ekspresyon
Pagpapahayag ng saloobin para mapagaan ang loob bilang isang positibong
pagbuhos ng emosyon.
i. Anyong Refleksyon
Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.
Nilalaman ang sarili ng distansya at inilalagay sa perpektibong malinaw na
masukat ang sariling pagkatao. Tinutuklas ditto ang kahalagahan ng mga
karanasang nagdaan at ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan sa
buhay.
j. Anyong Direksyon o Panuto
Naipapakita ng manunulat ang kanyang pag-intindi sa mga mambabasa,
gayundin, naipasusunod niya ang tamang pagsasaayos ng mga bagay-bagay sa
proseso ayon sa mga tuntuning dapat gabayin.
X. Mga Uri ng Pagsulat
a. Akademik – formal ang istraktura. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap
upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya. Kadalasang seyoso,
nakabatay sa sinaliksik na kaalaman. Ang pagbuo ng ganitong uri ng kritikal na
pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal. Ang mga
pamanahaunang-papel, tesis, disertasyon, suring-basa,panunuring pampanitikan,
malikhaing pagsulat oanumang sulating may [aksang pag-akademik ay
nabibilang sa uring ito.
b. Jornalistik – Ang mga salitang hango sa mga pahayagan gaya ng balita,
editorial, lathalain at mga balitang isports ay halimbawa ng jornalistik na
pagsulat.
c. Teknikal – panglibrong pang-akademiko
d. Referensyal – Ang pagtatala ng mga sangguiniang gagamitin ay nakatutulong
nang malaki sa pagpapadali ng gagawing pagsulat. Maaring ang mga ito’y
mulasa mga aklat, pahayagan,magazine, on-layn sorses, diksyunaryo, jornal,
tesis at disertasyon.

XI. Uri ng Sulatin


A. Malikhain- angtawag sagenreng may kaugnay sa malikhaing pagsusulat. Ito ay may
dalwang uri\:

Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.


1) Tuluyan o komposisyong nagsasalaysay ng watong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari na lagi nang may tauhan, tagpuan atpaksa. May iba’t ibang uri ito:
a. Maikling kwento-isang akdang nagsasalaysay ng mga pangyayari na kadalasan
nang may suliraning nilulutas ng pangunahing tauhan, may tagpuan, kasukdulan
at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Nababasa sa sangdaling
panahan lamang.
i. Kwento ng Katutubong Buhay – ang binibigyang pagpapahalaga ay ang
tungkolsa uri ng pamumuhay, kapaligiran, hanapbuhay at pananamit
ii. Kwento ng Madulang Pangyayari – ang mga kapana-panabik na
pangyayari na nakapagbabago sa katauhan ng tauhan ang binibigyang
linaw sa nasabing kuwento
iii. Kuwento ng Pakikipagsapalaran – ang matinding interes at kawilihan ay
nasa balangkas at walasa mga tauhang nagbibigay kulay sa kuwento.
iv. Kuwentong Kababalaghan – ang mga di-kapani-paniwalang pangyayari
at ang katatakutan ang nilalaman ng kwento.
v. Kuwento ng Tauhan – ang interes nito ay nakasalalay sa pangunahing
tauhan
vi. Kuwento ng Sikolohiya – mangilan-ngilan lamang ang sumusulat ng
kuwentong ito sa kadahilanang may kahirapan ilarawan ang pag-iisip ng
isang tao. Ang higit na kakailanganin ay maipadam sa mga bumabasa
ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari.
vii. Kuwento ng Katatawanan – ang magpatawa at bigyang aliw ang mga
bumabasa ang tanging layunin ng nasabing kuwento.
b. |Nobela- isang akdang naiiba, higit na marami ang mga tauhan, may masalimuot
na mga pangyayari at may kahabaan ang sakop na panahon. Kadalasang
nahahati sa mga kabanata.
i. Nobela ng Pangyayari – ang mahalagang kinakatawan ay ang
pagkakasulat o pagkakagawa ng nasa pangyayari ng nobela

Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.


ii. Nobela ng Tauhan – ang kahalagahan ay ang pangunahing tauhan at
hangarin ng mga tauhan
iii. Nobela ng Romansa- ang binibigyang halaga rito ay ang pag-iibigan
iv. Nobela ng Pagbabago – ang mga ibig manyaring pagbabago sa lipunan o
pamahalaan na kanyang kinabibilangan ang hangad ng may-akda.
v. Nobela ng Kasaysayan – ang binibigyang halaga ng may-akda ay ang
kasaysayan n gating pinagmulan at ang paglalarawan ng mga bayaning
may malaking ambag sa pagtatanggol sa bayan.
c. Talambuhay- isang akdang nagsasalaysay tungkol sabuhay na pinagdaanan ng
isang kilalang tao.
d. Dula- isang uri ng akda na nagsisimula sa tula o sa tuluyang pagnugnusap na
naglalarawan ng buhay o ugali sa pamamagitan ng mga usapan at kilos ng mga
tauhang tumutupad upang itanghal sa dulaan.
e. Anekdota- isang uri ng akdang tuluyan na karaniwang kakatwa, maikli, subalit
nag-iiwan ng aral.
f. Talaarawan- isang kalipunan ng mga salaysay opangyayaring naranasan ng
mayakda.
g. Sanaysay- ito ay isang akdang tumatalakay sa isang mahalaga aat napapanahong
usapin sa lipunan.Malawak ang saklaw nito dahil anumang bagay tungkol sa
pagbabagong ekonomika, pulitika, sosyal, kultural at maging personal ay
maaaring talakayin.
h. Talumpati- isang akdang pasalita na naglalayong talakayin ang isang
napapanahong isyu sa lipunan.
i. Pabula-ang mga karakter ay mga hayop, naglalayong gisingin ang isipanng mga
bata sa mgapangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali.
j. Parabola-mga hango sa bibliya na tulad ng anekdota ay nagbibigay aral sa mga
mambabasa.

Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.


2) Patula – isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng tiyak na diwa’t
damdamin na kaugat sapagkatanaw at pagkaunawa ng makata sa mga karanasan
niya sa buhay. Maaaring may sukat o tugma o di kaya’t Malaya.
a. Tulang pasalaysay – nag lalarawan ng makhulugang mga tagpo sa buhay
i. Epiko – nagsasalaysay ng mga kabyanihang halos hindi
mapaniwalaan pagkat nauukol sa nga kababalaghan.
ii. Awit at korido – may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol
sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran at ang mga tauhan ay mga
hari’t reyna, prinsipe at prinsesa. Ang awit ay may sukat na 12
pantig at inaawit nangmabagal sa saliw ng gitara o bandurya
samantala, ang korido ay may sukaat na walong pantig at
binibigkassa kumpas ng martsa.
iii. Balad – Himig na awit dahil ito ay inaawit habang may nagsasayaw.
Ito ay nilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ito ay na sa
mga tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig.
b. Tulang Pandamdamin – Nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng
sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping
guniguni ng makata na batay sa karanasan. Karaniwang maikli, likas at
medaling maunawaan.
i. Awiting Bayan – karaniwang paksa ay pag-ibig, kawalang pag-asao
pamimighati, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
ii. Soneto – May labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at
kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa
kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa.
iii. Elehiya – Nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa
kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang
yumao.
iv. Dalit – Awit ng pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at
nagtattaglay ng kaunting pilosopiya sa buhay.
Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.
v. Pastoral – naglalayong maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.
vi. Oda – nagpapahayag ng papuri, panaghoy o iba pang masiglang
damdamin, walang tiyak na binibilang na pantig o tiyak na bilang ng
taludtod sa isang saknong.
c. Tulang Pandulaan – Ang tulang ito’y karaniwang itinatanghal sa isang
dulaan o entablado. Ang usapan ng mga gumaganap ay patula.
i. Komedya – Ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan
ay may layong pukawin ang kawilihan ng manonood. Nagwawakas
nang Masaya, ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa
pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpasiya ng
damdamin ng manonood.
ii. Melodrama –Karaniwang para sa musical, kasama na ng opera, ang
sangkap ay malungkot, ngunit aksiya-siya ang katapusa para sa
pangunahing tauhan ng dula.
iii. Trahedya – Tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi opagkwasak ng
pangunahing tauhan ng dula.
iv. Parsa – naglalayong magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-
kawing na pangyayaring nakatatawa.
v. Saynete – paksa ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook.
d. Tulang Patnigan – karaniwan ng may pantig ang bawat taludturan at
tumatakay sa isang paksang pinagtatalunan.
i. Karagatan – batay sa alamat ng sensing ng isang prinsesa na
naihulog niya sa dagat sa hangaring makapang-asawa ang
kasintahang mahirap. Ang makakuhkuha ng singsing ay pakakasalan
siya.
ii. Duplo – humahalili sa karagatan, paligsahan ng husay sa pagbigkas
at pangangatwiran nang patula. Ang pangangatwiran ay hango sa
Bibliya, sa mga sawikain at sa mgakasabihan. Karaniwang nilalaro
upang aliwin ang namatayan.
Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.
iii. Debate o Balagtasan - isang pagtatagisan ng katuwiran sa anyong
pasalita ukol sa isang paksa o usapin pinag-uusapan. Kaiba naman
ang balagtasan sa debate bagamat isa ring pagtatalo ngunit ang mga
pangangatwiran ditto ay kailangang may sukat at tugma.
B. Teknikal – Ito ay genre na may layuning magbigay ng impormasyon sa anyong
transaksyunal, prosidyural, pag-uulat, ekspositori at panghihikayat.
a. Transaksyonal – ito ay teknikal na genre na ginagamit sa anumang transaksyon
o komunikasyong nangangailangan ng pagtugon o tuwirang sagot. Halimbawa:
E-Mail, Liham,Pagbati, imbitasyon, text message at pakikipanayam
i. Liham – ito ay pagbibigay ng mensahe o impormasyon sa pamamagitan
ng pagsulat
1. Bahagi ng Liham
a. Pamuhatan
b. Patunguhan ng Sulat
c. Bating Panimula o Pambungad
d. Ang Katawan ng Liham
e. Bating Pangwakas
2. Istilo ng Pagsulat
a. Istilong Blak
b. Istilong semi-blak
c. Istilong nakabitin o baligtad
3. Uri ng Liham
a. Liham-pangkaibigan
i. Liham Pangangamusta
ii. Liham Pasasalamat
iii. Liham Paanyaya
iv. Liham Pagbati
v. Liham Paghingi ng Payo
vi. Liham Pakikiramay
Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.
vii. Liham Paumanhin
b. Liham Pangangalakal
i. Liham Pagpapakilala
ii. Liham Aplikasyon
iii. Liham Pamimili
iv. Liham Subskripsyon
v. Liham Pagrereklamo
b. Prosidyural- teknikal na genre na naglalahad ng proseso sa pagsasagawa ng
isang bagay o kilos o Gawain. Halimbawa: recipe, pagsunod sa direksyon at
panuto.
c. Ulat – teknikal na genre na naglalayong magbigay ng impormasyon batay sa
isinasagawang pananaliksik o pag-aaral, pagmamasid, pagbabasa, pakikinigg sa
paraang pasalit o pasulat. Halimbawa: ulat ng media, deskriptiv,
imbestigasyoon, rebyu at grap o tsart.
i. Pagsusulat ng Ulat
1. Kombensyunal na Pamamatnubay – ito ay karaniwang
sumasagot sa mga tanong na: sino, ano, bakit, kalian, saan at
paano.
2. Di-kombenyunal na Pamamatnubay – isang uri ng patnubay
kung saan ang mga reporter ay taal na di sumusunod o lumilihis
sa pamatnubay.
3. Ang mahalagang mga impormasyon, kapag nakuha ito, ay isulat
kaagad.
4. Ang katumpukan o pagkatotoo sa paraang pagpapahayag ay higit
na kailangan.
5. Iwasan ang pagbibigay ng sariling opinion, ideya o lohika,
maligoy na pananalita, sa kadahilanang ang pagdududa ay
mananatili sa kanilang isipan.

Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.


d. Ekspositori – genre naglalayong magbunyag o maglabas ng kinalabasan ng
isang pag-aaral, maglahad ng nasasaisip, magbabahagi ng natutunan at
magbigay ng kasagutan sa katanungan. Halimbawa: press release, lektyur,
talakayan sa klase, sarbey at artikulo.
e. Panghihikayat – genre na naglalayong hikayatin ang taong sumuporta o
maniwala sa isang bagay o pagkilos. Nilalayon nitong pumanig ang tao sa mga
argument at balakin ng isang tao o grupo. Halimbawa: advertisement, proposal,
editorial at argument.
C. Sulatin na Nangangailangan ng Pagsusuri sa Pormat, Nilalaman, Pananalita at Layunin
Memorandum: karaniwang tinatawag na memo o paabot-ulat, pasulato limbag
na nakikita araw-araw sa opisina na karaniwang may tiyak na mensahe o
nagtatanong.
Agenda ng Pulong: pag-uusapan o tatalakayin ang isang sulatin na ginagawa
ng mga kapisanan o organisasyon sa buwanang pulong batay sa
napagkasunduan ng mga pinuno.
Katitikan o Minits ng Pulong: ito ay pabuod na pinaguusapan sa nakaraang
mga pulong batay sa agenda. Malaki ang papel na ginagampanan ng kalihim
sapagkat siya ang kumukuha ng mga tinatalakay habang nagpupulong. Ito ay
may lagda ng pangulo. Ito ay babasahin muli bago magsimula ang susunod na
pulong. Pinagtitibay ito ng mga nasa pulong. Kung may pagwawasto,
ipahahayag ang pagtatama bago pagtibayin.
Paanyaya sa isang kapulungan o seminr: mahalaga ang mga kumprehensya
sapagkat dito nabibigyan ng kaukulang aksyon o solusyon ang hangarin ng
isang proyekto.
Tamang Ulat ng isang Kompanya (Statement of Condition): ito ay isang
sulatin na karaniwang ginagawa ng mga kompanya, katulad ng bangko,
kooperatiba, Insurrance Company. Dito isinasaad ang assets, pananagutan o
liabilities, gastusin o equity. Huling araw ng Disyembre ginagawa ang ulat.

Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.


Proposal (Pagbabalak ng Gawain): ang sulating ito ay makatutulong sa
pagsasakatuparan ng balak na proyekto na nais magawa.
XII. Paraan ng Pag-uulat
May 2 na magiging Anchor sa Studio. Ang paraan ng pag-uulat ay parang
pagbibigay ng balita na limang pares ang magiging field anchor. Sila ay nasa iba’t
ibang dako ng klase. Ang mga upuan ay isasantabi sa gilid at sila’y kasama sa
kanilang kani-kanilang mga grupo. May ibibibay na kopya ng report sa mga mag-
aaral upang makasunod sa talakayan.
XIII. Pangkalahatan Gawain
Writing Bee kung saan magbibigay ng sampung kanta ang grupong nagbalita at
isusulat ng bawat representative ng bawat grupo ang tamang sagot. Ang magiging
pabuya ay ibibigay ng mga nagbalita.

Mas mainam pa ang malabong tinta kaysa sa matandaing pag-iisip.

You might also like