Noong unang panahon sa isang baryo may isang batang
matigas ang ulo. Ito ay laging pasaway sa kanyang Ina. Kapag siya ay inuutusan ng kanyang ina siya ay laging nagdadabog. Ang kanyang ina ay mabait sa kanya lahat ng gusto niya ay ibinibigay sa kanya.
Tuwing umaga sinasama siya ng kanyang ina para bumili ng
kanilang kakainin sa umagahan. Isang araw habang ito ay naglalakad pauwi sa bahay biglang may dumating na isang “Matandang Diwata” kaya ako ay naparirito upang ikaw ay parusahan sa katigasan ng iyong ulo. Ang dapat sayo ay maging isang matigas na Pader. At nagulat ang bata dito. At siya ay dali- daling umuwi ng kanilang bahay.
Laking gulat ng kaniyang ina pag-gising ng umaga ay wala na
ang kaniyang anak. Ang hindi niya alam ay isa na pala itong matigas at matibay na pader.