Professional Documents
Culture Documents
Buod NG Noli Me Tangere
Buod NG Noli Me Tangere
Repleksyon:
nalaman ko na ang noli
me tangere ay hango sa totoong
buhay ni Rizal at ito rin ay
nakatuon tungkol sa pangaapi ng
mga kastila sa mga pilipino na
kagaya ni Rizal na nilabanan niya
ang mga kastila.Parehas din sila
na naapi ang mga mahal sa buhay
masaya ako dahil kaya ni
Rizal na pamulatin ang mga
pilipino laban sa mga kastila
gamit ang nobelang Noli Me
Tangere.
Ipinaskil ni Angelo Mirabel sa 12:37 AM
BUOD BAWAT KABANATA NG NOLI ME
TANGERE.
Kabanata I
Isang Handaan
Kabanata II
Si Crisostomo Ibarra
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si
Ibarra sa pagsasabing ito ay anak
ng kanyang kaibigang namatay at
kararating lamang niya buhat sa
pitong taong pag-aaral sa
Europa. Tulad ng kaugaliang
Aleman na natutuhan ni Ibarra
buhat sa kanyang pag-aaral sa
Europa, ipinakilala niya ang
kanyang sarili sa mga nanduruong
kamukha niyang panauhin.
Kabanata III
Ang Hapunan
Kabanata IV
Erehe at Pilibustero
Naglakad-lakad si Ibarra at
nakilala niya si Tinyente Guevarra
na pinakiusapan niyang
magkwento tungkol sa buhay ng
kanyang ama dahil wala siyang
nalalaman tungkol dito. Ayon dito,
ang kanyang ama ang
pinakamayaman sa kanilang
lalawigan bagamat siya ay
ginagalang ay kinaiinggitan.
Pinagbintangan siyang nakapatay
kaya pinagbintangan siyang erehe
at pilibustero.
Kabanata V
Pangarap sa Gabing Madilim
Kabanata VI
Si Kapitan Tiago
Kabanata VII
Suyuan sa Asotea
Kabanata VIII
Mga Alaala
Kabanata X
Ang San Diego
Kabanata XI
Ang mga Makapangyarihan
Kabanata XII
Araw ng mga Patay
Ang sementeryo ng San Diego ay
nasa kalagitnaan ng isang
malawak na palayan at may bakod
na lumang pader at kawayan. Sa
ibang bahagi ng libingan, may
dalawang tao ang humuhukay ng
paglilibingan na malapit sa pader
na parang babagsak na. Sinabi ng
naninigarilyong lalaki sa
sepulturero na lumipat na sila ng
ibang lugar sapagkat sariwa at
dumudugo pa ang bangkay na
kanyang hinuhukay. Hindi niya
matagalan ang gayong tanawin.
Kabanata XIII
Mga Unang Banta ng Unos
Kabanata XIV
Si Pilosopo Tasyo
Kabanata XVI
Si Sisa
Kabanata XVII
Si Basilio
Kabanata XVIII
Mga Kaluluwang Naghihirap
Kabanata XIX
Mga Suliranin ng Isang Guro
Kabanata XX
Ang Pulong sa Tribunal
Kabanata XXI
Mga Pagdurusa ni Sisa
Lito ang isip na tumatakbong
pauwi si Sisa. Matinding
bumabagabag sa kanyang isip ang
katotohanang sinabi sa kanya ng
kawaksi ng kura. Para siyang
tatakasan ng sariling bait sa pag-
iisip kung paano maiililigtas sina
Basilio at Crispin sa kamay ng
mga sibil. Tumindi ang sikdo ng
kanyang dibdib nang papalapit na
siya sa kanyang bahay ay
natanaw na niya nag dalawang
sibil na papaalis na. Saglit na
nawala ang kaba sa kanyang
dibdib.
Kabanata XXII
Liwanag at Dilim
Kabanata XXIII
Ang Piknik
Kabanata XXIV
Sa Kagubatan
Pagkatapos na makapagmisa ng
maaga si Padre Salvi, nagtuloy ito
sa kumbento upang kumain ng
almusal. May inabot na sulat ang
kanyang kawaksi. Binasa niya ito.
Kapagdaka’y nilamutak ang liham
at hindi na nag-almusal. Ipihanda
niya ang kanyang karwahe at
nagpahatid sa piknikan.
Kabanata XXV
Sa Tahanan ng Pilosopo
Nagpatuloy na magkaroon ng
tunggalian ng paniniwala sina
Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin
kay Mang Tasyo ang gobyerno ay
kasangkapan lamang ng
simbahan. Na ito ay matatag
sapagkat nakasandig sa pader ng
kumbento at ito ay kusang
babagsak sa sandaling iwan ng
simbahan.
Kabanata XXVI
Ang Bisperas ng Pista
Sa bahay ng mga
nakakariwasa,nakaayos ang
minatamis na bungang kahoy,may
nakahandang pagkain ,alka na
binili pa sa Maynila na katulad ng
hamon at ng relyenong
pabo,serbesa,tsanpan at iba pang
klase ng alak na inangkat pa mula
sa Europa. Ang mga pagkain
ganito ay inuukol sa mga
banyaga,kaibigan o kaaway,at sa
mga Pilipino, mahirap man o
mayamanupang masiyahan sila sa
pista.
Kabanata XXVII
Sa Pagtakip Salim
Kabanata XXVIII
Sulatan
Kabanata XXIX
Ang Umaga
Kabanata XXX
Sa Simbahan
Kabanata XXXII
Ang Panghugos
Kabanata XXXIII
Malayang Kaisipan
Kabanata XXXIV
Ang Pananghalian
Kabanata XXXV
Mga Usap-usapan
Kabanata XXXVII
Ang Kapitan-Heneral
Pagkadating ng Kapitan-Heneral,
ipinahanap niya kaagad si Ibarra.
Samantala, kinausap muna niya
ang binatang Taga-Maynila na
nagkamaling lumabas habang
nagsesermon sa misa si Padre
Damaso. Ang paglabas ng binata
sa simbahan ay ikinagalit ni
Damaso. Namumutla at nginig ang
buong katawan ng binata ng
pumasok siyang kausapin ng
Heneral. Ngunit, ng lumabas na
ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda
ng mabuting ugali ng Kapitan-
Heneral. Mayroon siyang panahon
basta sa katarungan.
Kabanata XXXVIII
Ang Prusisyon
Kabanata XXXIX
Si Donya Consolacion
Kabanata XL
Ang Karapatan at Lakas
Mag-iikasampu na ng gabi ng
paisa-isang sindihan ang mga
kuwitis. Ang huling pailaw ay
parang bulkan habang ang daan
ay naliliwanagan ng ‘luces de
Bengala’ na siyang nagsisilbing
ilaw sa mga taong naglalakad
patungo sa liwasang bayan. Tapos
na ang unang bahagi ng dula nang
pumasok si Ibarra. Umugong ang
bulungan, pero hindi ito pinansin
ni Ibarra. Malugod na binati niya
ang kasintahan at ang mga
kasama nito.
Kabanata XLI
Dalawang Dalawa
Kabanata XLII
Ang Mag-asawang De Espadaña
Kabanata XLV
Ang mga Pinag-uusig
Kabanata XLVII
Ang Dalawang Senyora
Kabanata XLVIII
Ang Talinhaga
Kabanata XLIX
Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Kabanata LI
Mga Pagbabago
Kabanata LIII
Ang Mabuting Araw ay Nakikilala
sa Umaga
Kabanata LVI
Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Hanggang sa kinabukasan sakmal
pa rin ng takot ang buong bayan
ng San Diego. Ni isa mang tao ay
walang makitang naglalakad sa
gitna ng daan. Tahimik na tahimik
ang buong paligid. Pamaya-maya,
isang bata ang naglakas loob na
magbukas ng bintana at inilibot
ang paningin. Dahil sa ginawa ng
bata, nagsisunod ang mga iba na
magbukas ng bintana. Ang mga
magkakapit-bahay ay nagbalitaan.
Lubhang kalagim-lagim daw ang
nagdaang gabi tulad noong
mandambong si Balat. Sa kanilang
pag-uusap, lumilitaw na si
Kapitan Pablo raw ang sumalakay.
Kabanata LVII
Vae Victus! Sa Aba ng Mga
Manlulupig
Kabanata LVIII
Ang Sinumpa
Kabanata LIX
Pag-ibig sa Bayan
Kabanata LX
Ikakasal na si Maria Clara
Dumating sa bahay ni Tiyago si
Linares at ang mag-asawang de
Espadaña na kapwa itinuring na
pangkat ng makapamahalaan.
Sinarili ni Donya Virtorina ang
usapan. Sinabi na kung babarilin
si Ibarra, iyon ang nararapat
sapagkat siya ay isang pilibustero.
Bagama’t namumutla at mahina si
Maria, kanyang hinarap ang mga
bisita. Humantong ang usapan
tungkol sa pagpapakasal nina
Maria at Linares. Nagkayarian din
na magpapapista si Tiyago.
Sinabihan niya si Tiya Isabel na
kung ano ang nasa loob ni Maria
tungkol sa napipinto nitong
pakikipag-isang dibdib. Sa wari,
desidido na si Tiyago na ipakasal
si Maria sapagkat nakini-kinita
niyang siya’y maglalabas-masok
sa palasyo sa sandaling maging
manugang niya si Linares. Si
Linares ang tagapayo ng Kapitan
Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago
na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
Kabanata LXI
Ang Barilan sa Lawa
Kabanata LXII
Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Kabanata LXIV
Katapusan
Magmula ng pumasok sa
kumbento si Maria, nanirahan na
si Padre Damaso sa Maynila.
Namatay si Padre Damaso sa
sama ng loob. Sa kabilang dako, si
Padre Salvi habang hinihintay
niya ang pagiging obispo ay
nanungkulan pansamantala sa
kumbento ng Sta. Clara na
pinasukan ni Maria Clara. Kasunod
nito ay umalis na rin sa San Diego
at nanirahan na sa Maynila. Ilang
linggo naman bago naging ganap
na mongha si Maria, si Kapitan
Tiyago ay dumanas ng sapin-
saping paghihirap ng damdamin,
nangayayat ng husto, naging
mapag-isip at nawalan ng tiwala
sa mga kainuman. Pagkagaling
niya sa kumbento, sinabihan niya
si Tiya Isabel na umuwi na ito sa
Malabon o sa San Diego sapagkat
gusto na lamang mabuhay mag-
isa.