You are on page 1of 28

GRADE

Leveled Reader

Ang Idolo ni Beatrice

Ang mga Bayaning Babae


ng Bansa

Kuwento ni Sierra Mae Paraan


Guhit ni Rea Diwata Mendoza

PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.


Leveled Reader in Filipino
Ang Idolo ni Beatrice
Ang mga Bayaning Babae ng Bansa

Stories by Sierra Mae Paraan


Illustrations by Rea Diwata Mendoza
Reviewed by Paolo Ven Paculan and Jomar Empaynado
2016 by U.S. Agency for International Development (USAID)
Produced for the Department of Education under the Basa Pilipinas Program

Basa Pilipinas is USAID/Philippines’ flagship basic education project in support of the


Philippine Government’s early grade reading program. Implemented in close
collaboration with the Department of Education (DepEd), Basa Pilipinas aims to improve
the reading skills for at least one million early grade students in Filipino, English, and
selected Mother Tongues. This will be achieved by improving reading instruction, reading
delivery systems, and access to quality reading materials.

PAALALA SA MAMBABASA:

Tampok sa kuwentong Ang Idolo ni Beatrice ang buhay nina Apolinario Mabini at ang
batang si Beatrice. Magkasabay na pinapakita ang mga pangyayari sa kanilang buhay sa
kuwentong ito. Nag-iiba-iba ang pananaw, lugar, at panahon sa bawat pahina.

Ang imahe sa kuwadrang Ang imahe sa kuwadrang ito


ito ay tumutukoy sa buhay ay tumutukoy sa karanasan
ni Mabini. Nasa unang talata ni Beatrice. Ipinakikita rito
ng pahina 2, 4, 6, 7, at 8 ang ang kasalukuyang pangyayari
tekstong nagpapaliwanag sa sa kuwento.
kaniyang buhay.

All rights reserved.

No part of this publication may be reproduced or transmitted in any form or by any


means, electronic or mechanical, including photocopy, or any information storage and
retrieval system without permission from the publisher.

GOVERNMENT PROPERTY. NOT FOR SALE.

This publication was produced with the generous support of the American people
through the United States Agency for International Development (USAID) under the
Basa Pilipinas Project and the Department of Education.
Unang Bahagi
Ang Idolo ni Beatrice

Pinagmasdan ni Beatrice ang maingay


niyang klase. Hindi sila mapakali sa upuan.
“Ester, may ideya ka ba kung anong sasabihin
ni Bb. Cabiles?”

Hindi na napigilan ni Beatrice magtanong sa


katabi. Noong nakaraang linggo, sinabi ng
kanilang guro na may mahalaga itong
anunsiyo.

Sasagot na sana si Ester nang biglang


tumahimik ang lahat. Nakatingin kay
Bb. Cabiles ang buong klase. “Mga bata,
magkakaroon tayo ng botohan ng class
officers. May mga tungkulin ang bawat class
officer. Nakalagay ang detalye dito sa poster
na ididikit ko sa pisara.” Napangiti si Beatrice
sa narinig.
DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
1
“Ipinanganak si Apolinario Mabini noong
Hulyo 22, 1864. Pangalawa siya sa walong
magkakapatid. Ang tatay niyang si Inocencio
Mabini ay isang magsasaka. Ang nanay
niyang si Dionisia Maranan ay nagtitinda sa
pamilihan ng Tanauan.”

“Diyan nakatira ang lolo at lola mo.”

“Talaga po, Mama?” Nanlaki ang mata


ni Beatrice sa gulat. Noong huli silang bumisita
sa kaniyang lolo at lola, nakalalakad pa ang
mama niya. Nang mabundol ito ng sasakyan,
hindi na siya makalakad at nanatili na lang sa
kama.

2 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
“Noong bata, nakakuha si Apolinario ng
iskolarsyip sa Colegio de San Juan de Letran.
Itinuloy niya ang pag-aaral ng abogasya sa
University of Sto. Tomas. Para makabayad ng
kaniyang tuition, alam niyo bang nagturo din
si Apolinario sa mga bata?” mapanghikayat
na tanong ni Bb. Cabiles.

“Wow … ” Tumaas ang balahibo ni Beatrice


sa narinig. Mayroon siyang dagdag na
ikukuwento sa kaniyang mama. Sa gabi,
palaging nag-uusap si Beatrice at ang
kaniyang mama. Nagtaas ng kamay si
Beatrice, pero biglang tumunog ang
kampana. Hudyat na ng uwian nila.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
3
“Pero alam mo bang pagpapari ang
talagang gusto ng mama ni Apolinario para
sa kaniya? Sabi ng iba, gusto ni Apolinario na
maglingkod sa kapuwa Pilipino kaya
abogasya ang pinili niya.”

Natigilan ang nanay ni Beatrice sa


pagkukuwento. Bigla itong inubo.

“Grabe pala, Mama.” Di mapigilan ni


Beatrice ang paghanga. “Pero paano kaya
siya naging utak ng himagsikan? Utak … ibig
sabihin ang dami niyang naiisip. Naging class
officer din kaya siya nung bata?” Napangiti
si Beatrice sa iniisip.

4 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Skill Builder 1
Skill Builder

I. Mga Salitang may Kambal-Katinig


Ang kambal-katinig o klaster ay mga salitang
may magkasamang katinig sa isang pantig.
Piliin ang mga salitang may kambal-katinig.
Ilista sa inyong kuwaderno:

klase bayani libro tungkulin grabe
trabaho upuan pag-iisipan reaksiyon droga
presyo grado utak paghanga himagsikan

II. Paggamit sa Pangungusap ng mga Salitang


may Kambal-Katinig
Pumili ng tatlong salitang may kambal-katinig
at gawan ng sariling pangungusap.

____________________________________________.
____________________________________________.
____________________________________________.

III. Pagbabaybay ng mga Salitang may


Kambal-Katinig
Isulat sa inyong kuwaderno ang sasabihin kong
mga salita.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
5
Ikalawang Bahagi

“Naging miyembro si Apolinario ng La Liga


Filipina. Nagsulong ang La Liga Filipina ng
mga batas at patakaran para sa ikabubuti ng
bayan. Habang nagpapaliwanag si
Bb. Cabiles, biglang tumunog ang kampana.
Bago maghiwalay, nagbilin ang guro, “Kayo
kaya, anong patakaran ang isusulong ninyo
sa ating klase? Huwag kalimutan, malapit na
ang botohan!”

Natawa ang buong klase sa hirit ni


Bb. Cabiles. Pero si Beatrice, huminga nang
malalim. Sa totoo lang, gustong-gusto niyang
maging class officer. Gusto niyang maging
bahagi ng grupong naglilingkod sa klase.

6 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
“Noong 1895, nagkasakit si Apolinario at
pagkatapos ng isang taon, tuluyan siyang
nalumpo. Hindi niya mailakad ang dalawang
binti. Tuwing aalis, kailangan siyang buhatin.”

Isinara ni Beatrice ang libro. “Bakit mo itinigil?


Ituloy mo lang, iha,” sabi ng kaniyang mama.
Napabuntong hininga si Beatrice. Naisip niya
si Apolinario. Hindi ito tumigil sa paglilingkod
sa bayan kahit pa nagkasakit. Napatingin din
siya sa nanay na nakahiga sa kama. Kahit
hindi na makalakad, nananatiling masayahin
at puno ng pag-asa.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
7
“Noong itinatag ang pamahalaang
rebolusyonaryo, ipinatawag ni Emilio Aguinaldo
si Apolinario. Si Emilio ang presidente noon at
si Apolinario ang ginawa niyang tagapayo.
Isa sa mga naisulat ni Apolinario ang unang
konstitusyon ng bansa. Naglalaman ito ng mga
karapatan at obligasyon ng bawat Pilipino.”
Ito ang paliwanag ni Bb. Cabiles sa buong
klase.

Biglang tumunog ang kampana. “Tingnan


natin kung anong patakaran ang maiisip ng
magiging class officers.” Napalunok si Beatrice.
Hindi niya sigurado kung itutuloy niya ang
pagtakbo. Hala, paano kung di siya manalo?

8 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
“Matalo ka man … Hayaan mo na anak.
Tingnan mo nga si Apolinario, kahit
nagkasakit, ginawa pa rin niya ang gusto.”
Yakap ang kinakabahang si Beatrice ng
kaniyang mama.

Inilibot ni Beatrice ang mata sa mga


dibuhong nakasabit sa kuwarto. Pintor ang
kaniyang mama. Kahit di makalakad, ang
dami pa rin nitong nagagawa. Nandoon sa
isang sulok ang larawan ni Apolinario Mabini,
matalas na nakatitig sa kaniya. Tumaas ang
balahibo ni Beatrice. Bigla siyang napangiti.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
9
Kinabukasan, malaki ang ngiti ni Beatrice
nang humarap sa mga kaklase. Sa halip
na kabahan, inisip niya ang homework na
gagawin. Tungkol ito sa reaction paper niya
kay Apolinario Mabini. Alin kaya ang
pagtutuunan niya ng pansin? Iyong
katapangan ba? O katalinuhan mula
pagkabata?

Maya-maya pa, sa wakas, dumating na ang


pinakahihintay ng buong klase. Abot-tenga
ang ngiti ni Bb. Cabiles bago mag-anunsiyo.
“Okey, mga bata. Nabilang ko na ang inyong
boto. Heto na ang class officers para sa
taong ito … ”

10 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Skill Builder 2
Skill Builder

Paghahambing
Binasa ng klase ni Beatrice ang tungkol kay
Mabini. Habang binabasa nila ito, iniisip
ni Beatrice ang eleksiyon ng kanilang klase.
Ano-ano kaya ang pagkakatulad ni Beatrice
kay Mabini? Isulat sa patlang:

Apolinario Mabini Beatrice

1. Gustong 1. __________________
maglingkod sa bayan

2. Gumawa ng mga 2. __________________


patakaran at
obligasyon ng
Pilipino

3. Matalino at tapat 3. __________________


sa bansa

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
11
Unang Bahagi
Unang
Ang Bahagi Babae
mga Bayaning - Si Hasmin
ng Bansa

Matagal na tinitigan ni Beatrice ang papel sa


harap niya. “Huy! Huy!” Ilang beses ng
kumaway si Henry upang matawag ang
pansin ni Beatrice. Napatingin at napalunok
lang si Beatrice sa kausap.

Ito ang ikalawang pulong ng class officers.


Noong unang pagkikita, tinalakay ni
Bb. Cabiles ang mga patakaran ng paaralan
at ang mga inaasahang responsibilidad ng
nahalal na class officers.

“Grabe ‘no! Ang dami nating gagawin. Ano,


suko ka na ba, Beatrice?” sabi ni Henry sa
kaniya.
12 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Magsasalita na sana si Beatrice nang biglang
napangibabawan ang boses ni Henry ng
mga inuurong na upuan. Tapos na ang
pulong ng class officers. Ibinabalik na ang
mga silya sa dati nitong puwesto. “Sayang,”
bulong ni Beatrice. Marami siyang gustong
sabihin. Hindi niya alam kung paano
magsisimula. Namumula siya. Nanunuyo ang
kaniyang lalamunan. Si Beatrice ang tanging
babaeng class officer sa kanilang grupo.

Sa sumunod na pagkikita, ganito ulit ang


nangyari sa kaniya. “A … Ahem … A … ”
Natatabunan ang boses niya ng malalakas
na boses ng kalalakihan.
DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
13
Isang araw, habang nagtatalakay,
nagtanong si Bb. Cabiles, “Okey, sige, sino
nga ba ang paborito ninyong bayani?”
May mga sumagot ng Jose Rizal, Apolinario
Mabini, at Andres Bonifacio.

“Ahm … Wala po bang babae?” tanong ng


isang estudyante.

“Ha? Asa. Di nila kaya,” sabat ni Henry sa


kaniya. Namula si Beatrice. Marami siyang
gustong sabihin. Nanuyo ang kaniyang
lalamunan. Di niya alam paano magsisimula.

“O, teka,” sagot ni Bb. Cabiles. “Marami


tayong babaeng bayani. Gusto niyo bang
makilala ang iba?”
14 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Nagsimulang magbasa si Bb. Cabiles ng mga
teksto mula sa iba’t ibang libro. “Isa sa
pinakasikat na babaeng bayani ay kilala
bilang Ina ng Rebolusyon.”

“Bakit? Siya po ba ang nagsilang sa mga


bayani?” sabat ni Henry. Natawa ang buong
klase.

“Parang ganoon, Henry,” sagot ni Bb. Cabiles.


“Hindi siya ang mismong nagpalaki sa mga
Katipunero pero siya ang nag-alaga sa mga
sugatan, nagbigay ng pagkain at tirahan sa
mga nangangailangan.”

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
15
Skill Builder 3
Skill Builder

Hiram na Salita
Ang sumusunod na salitang Ingles ay may
hiram na baybay sa wikang Filipino. Isulat ang
baybay sa wikang Filipino:

1. sports ____________________
2. ketchup ____________________
3. secret ____________________
4. tray ____________________
5. cabinet ____________________
6. basketball ____________________
7. nurse ____________________
8. physical ____________________

16 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Ikalawang Bahagi

“Si Melchora Aquino,” bumulong si Beatrice


sa kaniyang upuan. Naalala niya ang sariling
libro sa bahay.

Pagpapatuloy ni Bb. Cabiles, “Noong


lumantad ang tungkol sa sikretong Katipunan,
hinuli si Melchora Aquino. Kinuwestiyon at
ipinatapon siya sa Guam sa loob ng anim na
taon. Pag-uwi sa Pilipinas, siya ay siyamnapu’t
isang taong gulang na. Si Melchora ay isang
daan at pitong taong gulang na noong siya
ay namatay. Nakabase siya sa Maynila.”

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
17
Itinuloy ni Bb. Cabiles ang pagbasa,
“Si Patrocinio Gamboa ay isang Bisayang
Katipunera. Noong itinatag ang unang
pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Emilio
Aguinaldo, nakiusap si Aguinaldo sa piling
kababaihan para idisenyo at tahiin ang
bandila ng Pilipinas. Isa sa mga nagtahi nito
si Patrocinio Gamboa. Bukod sa pagtatahi,
kasama si Patrocinio sa maingat at palihim na
nagbitbit ng bandila palayo sa mga mata ng
sundalong Espanyol.”

“Buti, Ma’am, di po nahuli? Baka sinuwerte,”


sabat ni Henry.
18 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
“O baka magaling lang talaga,” sagot ni
Beatrice. Namula si Beatrice. Marami siyang
gustong sabihin. Nanuyo ang kaniyang
lalamunan. Di niya akalaing masasabi niya
ang nasa isipan.

Napangiti si Bb. Cabiles, “Siguro. Pero ang


sigurado, magaling din siya. Alam niyo bang
hindi lang ito ang ginawa ni Patrocinio?
Naging espiya siya para sa rebolusyon.
Naging tagapagdala siya ng mga
mensahe, pagkain, medisina, at armas sa
pagitan ng iba’t ibang heneral. Nagtrabaho
din siya bilang nars para sa bayan. Tumulong
siya sa may sakit at sugatan.”
DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
19
“E walang nakikipaglaban, Ma’am,” sabat
ni Henry.

Ngumiti si Bb. Cabiles. “Kung paghawak ng


armas ang tinutukoy mo, aba meron pa ring
babaeng bayani na ganiyan. Lumaki sa
Ilocos Norte si Trinidad Tecson. Kilala rin siya
bilang Trining. Apatnapu’t walong taong
gulang siya nang pumutok ang rebolusyon.
Lumahok siya sa maraming laban sa ilalim ni
Heneral Mariano Llanera. Kahit noong bata,
nakilala si Trining sa pisikal na lakas nang
sinanay niya ang sarili sa fencing at
nakipaglaban sa guardia civil.”

20 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Hindi pa man tapos magbasa si Bb. Cabiles,
biglang tumunog ang bagting ng paaralan.
Senyales ito na panahon na para mag-uwian.
“Sige, mga bata. Itutuloy natin ito bukas.
Marami pa tayong pag-uusapan tungkol sa
mga bayani ng Pilipinas.”

“Oo nga, Ma’am,” sabat ni Henry. “Marami


ngang babaeng bayani sa bansa, ‘no.”

Bago makaalis ang lahat, may tumayo sa


harapan ng klase, “Ahm, excuse me?” Namula
si Beatrice. Marami siyang gustong sabihin.
Nanuyo ang kaniyang lalamunan. Pero
ipinagpatuloy niya ang nasa isipan.
“Class officers, usap tayo bukas ha. Di pa
natin natapos ‘yung mga dapat pag-usapan.”

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
21
Skill Builder 4
Skill Builder

Pagpili ng mga Detalye na Angkop sa


Pangunahing Ideya:
Sa isang kuwento, may nakasaad na
pangunahing ideya. Sinusundan ito ng mga
pangungusap na nagbibigay ng detalye
tungkol sa pangunahing ideya. Basahin ang
pangunahing ideya. Piliin ang mga
pangungusap na sumusuporta dito.

Isulat ang mga ito sa inyong kuwaderno:

Pangunahing Ideya: Matatapang ang mga


bayaning babae ng ating bansa.

1. Si Josefa ay tumulong magtakas,


magpadala, at magpamahagi ng pagkain
at armas sa mga Pilipinong lumalaban.
2. Namatay si Melchora Aquino sa edad na
isang daan at pitong taon.
3. Palihim na binitbit ni Patrocinio ang bandila
ng Pilipinas palayo sa mga mata ng
sundalong Kastila.
4. Si Trining Tecson ay may angking pisikal na
lakas.
5. Lumahok si Trining Tecson sa maraming
laban noong rebolusyon.
6. Matalinong mag-aaral si Josefa Llanes
Escoda.
7. Inalagaan ni Tandang Sora nang palihim
ang mga katipunero.

22 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Skill Builder 5
Skill Builder

Paggamit ng mga Salita mula sa Talasalitaan


Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng
kahulugan ng sumusunod na salita: saklolo,
sakripisyo, ligtas, bida, kontrabida, pagtulong.

Gamitin ang mga salitang ito sa sariling


pangungusap.

1. ___________________________________________

2. ___________________________________________

3. ___________________________________________

4. ___________________________________________

5. ___________________________________________

6. ___________________________________________

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
23
Sanggunian
Leveled Reader
Ang Idolo ni Beatrice

Agoncillo, T. (1990). History of the Filipino people. 8th


ed. Quezon City.

Batongbakal Jr., L. (n.d.). 8 reasons why


Apolinario Mabini was more badass than you think.
Retrieved from http://www.filipiknow.net/interest-
ing-facts-about-apolinario-mabini/

Bueza, M. (2014, July 23). Fast facts: The life


and legacy of Apolinario Mabini. Rappler. Re-
trieved from http://www.rappler.com/newsbreak/
iq/64047-fast-facts-life-legacy-apolinario-mabini

Zafra, J. (2014, July 23). 10 Things we know about


Apolinario Mabini. Interaskyon. Retrieved from http://
www.interaksyon.com/article/91797/jessica-zaf-
ra--10-things-we-know-about-apolinario-mabini

Ang mga Bayaning Babae ng Bansa

Agoncillo, T. (1990). History of the Filipino people. 8th


ed. Quezon City.

Doran, C. (1998). Women in the Philippine revolution.


Philippine Studies. Retrieved from http://www.philippin-
estudies.net/ojs/index.php/ps/article/viewFile/694/696

24 DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
Leveled Reader

Ang Idolo ni Beatrice

Ang mga Bayaning Babae


ng Bansa

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means—
electronic or mechanical including photocopying—without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
25
TA N
AI

G
B
DEPED-USAID’S BASA PILIPINAS
Leveled Reader sa Filipino

You might also like