You are on page 1of 3

=INTRODUCTION=

1st Slide:

Ano nga ba ang Kabihasnang Tsino?

~Ito ay umusbong sa tabing-ilog, malapit sa Yellow River o Huang Ho at


Yangzte River.

=Ang Yellow River ay ang pangalawa sa pinakamahabang ilog sa Tsina at


pang-anim sa pinakamahabang ilog sa buong mundo. Ito ay tinawag na
Yellow River dahil sa tinatawag na “loess” na siyang nagiging dahilan ng
pagkadilaw nito. Tinatawag din itong “pighati ng Tsina” dahil tuwing
nagkakaroon ng bagyo, umaapaw ang tubig ng ilog na siyang nagbubunga ng
pagbaha at marami ang namamatay dahil dito.

=Ang Yangzte River ay ang pinakamahabang ilog sa Tsina at pangatlo sa


pianakamahabang ilog sa buong mundo.

~Ito rin ay ang itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa


buong daigdig hanggang sa kasalukuyan.

Maaaring alam na natin ang mga kaalamang ito tungkol sa kabihasnang


Tsino, Ngunit, may mga kaalaman na hindi pa natin lubusang nalalaman sa
ating mga nakaraang pagtatalakay.

2nd Slide:

Unang Kaalaman:

~Ito ay ang nananatiling pinakamatanda at namamayaning kabihasnan sa


Daigdig na tinatayang nasa 4,000 taon na ang tanda. (Ito ay itinuturing na
pinakamatanda ta namamayaning kabihasanan dahil magpahanggang ay
namamayani, o mayroon parin nito.)

3rd Slide:
~Hinubog ang 4,000 taong kasaysayan ng pamumuno ng mga dinastiya o
mga linya ng mga pamilyang namuno sa Tsina sa halos ilang libong taon.
(Ang dinastiya ay tumutukoy sa pamumuno ng mga makapangyarihang
linya ng pamilya)

~Ang Tsina ay pinamunuan ng halos nasa 10 pangunahing dinastiya na


karaniwa’y nagpalit-palit sa paglipas ng panahon dulot ng pag-iral ng
dynastic cycle. (Ang dynastic cycle ay ang siklo ng pagpapalit ng dinastiya.)

4th & 5th Slide:

 Mga Ambag ng Kabihasnang Tsina:

 Kaligrapiya – sistema ng pagsusulat gamit ang mga simbolong


panlarawan

 Ancestral Worshipping – pagbibigay alaala sa ating mga yumaong


ninuno at pagbibigay alay

 Paggamit ng bronze, jade, porselana, at ivory

 Paggawa ng dike, kalsada at irigasyon

 Paggamit ng crossbow o pana bilang sandata sa pakikidigma

 Paggamit ng woodblock printing

 Mga uri ng pananampalataya gaya ng Buddhism

 Ang Civil service Examination para sa mga kawani ng pamahalaan

 Mga matatalinong prinsipyo at pilosopo sa buhay

 Paggamit ng pulbura sa mga pailaw at bala ng baril

6th Slide:
May labing-anim na dinastiya ang naghari sa rehiyon na ito. Kabilang na
dito ang Xia o Hsia, ang sinasabing pinakaunang dinastiya na namayagapag
sa Tsina. Kulang at di sapat ang mga naitatalang ebidensya tungkol rito kaya
ito ay tinuturing na lamang na isang alamat sa kasaysayan ng kabihasnan ng
Tsina.

YUN LAMANG PO AT MARAMING SALAMAT

You might also like