You are on page 1of 10

Script sa Hsia

Ang dinastiyang itinatag ni Emperor Yu sa may lambak ng Huang Ho ang


itinuturing na “pinakanauna sa kasaysayan ng Tsina”. Nakabatay sa tradisyon ang
mga tala tungkol sa dinastiyang ito.
Pinamunuan ito ng mga paring-hari na pinaniniwalaang gumawa ng mga sikretong
kelandaryo na ikinamangha ni Confucius noong panahon ng Han kung kaya’t
binubuhay niya ang paggawa at paggamit nito.
Sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang kulturang neolitiko Laganap ng
Huang Ho.
Wala pang mga ebidensyang nahukay ang mga arkeologo na nagpapatunay sa
dinastiyang ito.

Script Dinastyang Zhou o Chou


Maliban sa pagbagsak ng siyudad ng Chengzhou, napatay rin ang huling hari ng
Dinastiyang Chou na si Haring Nan. Matapos ang pagkakatalo ng mga Chou sa Qin,
nagsimula naman ang Qin Dynasty.
Magandang araw sa inyong lahat! Kami ang ikalawang pangkat ang magbabatid
sainyo tungkol sa Kabihasnang Huang Ho/Tsino.
(Next slide PPT)
Ano nga ba ang kabihasnang Tsino?
Ano ang Huang Ho?
Ano ang mga Dynastiya sa Sinaunang Tsina?
Aalamin natin ang mga ito kaya handa na ba lahat makinig?

Kabihasnang Tsino.
(Basahin ang nasa ppt)
Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang
kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito
halos apat na milenyo na ang nakalilipas. 
Isa sa mga mithiin ng mga Tsino ay ang pagtuklas sa isang uring pamumuno. Nais
nilang makamit ang mahusay na pamamahala sa kanilang sinasakupan. Naging
bunga dito ang mga pilosopikong sistema na Confucianism at Taoism. 
Sa kasaysayan ng Tsina, watak-watak ang mga sinaunang tribo nito kung kayat
ang karanasang ito ay ang naghubog sa mga kaisipan at mismong kabihasnan nila
magpa sa hanggang ngayon. 
Tinatayang ang kabihasnang Tsino ay nagsimula sa Ilog Huang-Ho. Ang ilog na ito
ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000
milya. Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang pabago-bago nitong direksyon
ang nagbigay daan upang mabuo ang tinatawag na “North China plain”. 
(Next Slide Huang Ho River)
(Ipa basa ang nasa PPT Huang Ho)

 Ang ilog Huang Ho ay ang ikalawang pinakamahabang ilog sa Asya, sumunod


sa Ilog Yangtze, at ikaanim sa pinakamahaba sa buong mundo sa habang 5,463
kilometro. Ang ilog Huang-Ho o Dilaw na ilog (yellow river) ay nagmumula sa
kabundukan ng Kanlurang Tsina. Ang mga kahalagahan ng ilog Huang Ho ay tubig
para sa agrikultura, isang ruta ng kalakalan, at nagbibigay ito ng tubig sa 155
milyong katao, o 12 porsiyento ng populasyon ng Intsik.

Ang Ilog Huang Ho ay itinuturing na isang pinagpala pati na rin isang sumpa
sa Tsina, kaya madalas na tinutukoy bilang

1.China's Pride  - dahil sa nakakatulong ito sa maraming katao

2.China's Sorrow – dahil nakapatay din ito ng maraming katao.

Ang kabihasnang Tsino ay binubuo rin ng mga tinatawag na dynasty.

(Next slide mga Dinastiya sa sinaunang tsina)

Mga Dinastiya sa sinaunang Tsina..

Meron tayong

(basahin ang nasa PPT)

Ito ang sampung Dinastiya sa Sinaunang Tsina, at lima lamang ang aming
ibabatid sainyo.

(Next slide)
Una, ang Dinastiyang Xia o Hsia.

(Basahin ang nasa PPT)

Ang Dinastiyang Xia o Hsia ay ang unang dinastiya sa tradisyunal na


historyograpiyang Tsino. Sang-ayon sa tradisyon, itinatatag ang Dinastiyang Xia ng
mala alamat na si Dakilang Yu, pagkatapos ni Emperador Shun, ang pinakahuli sa
Limang Emperador, binigay ang trono sa kanya. Sa tradisyunal na historyograpiya,
sumunod ang Dinastiyang Shang sa kalaunan pagkatopos ng Xia.

Ayun lamang po sa Dinastiyang Xia!

___________________________________________________________________

Pangalawa, ang Dinastiyang Zhou o Chou

(ipabasa o basahin ang nasa PPT)

Ang Dinastiyang Zhou (Chou) ay isa sa mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina.


Nagsimula ito nang natalo ang mga Shang ng mga Zhou (Chou). Itinatag ang
Dinastiyang Zhou na namahala sa loob ng 900 taon, pinakamahaba sa lahat ng
dinastiya. Sa panahon ng Zhou, lumitaw ang piyudalismo. Ito ay sistemang
pampolitika na nagbigay ng kapangyarihan sa mga aristokrata o pyudal na
panginoon sa mga lupang pag-aari ng hari. Bilang kapalit kailangang maging tapat
ang mga pyudal na panginoong maylupa sa hari. Naipasa sa dinastiyang Zhou
ang Basbas ng Langit at ang titulo na Anak ng Langit.

(Ipakita ang next slide PPT)


(Ipabasa o basahin ang PPT)

Maraming salamat sa pagbasa (sasabihin ito kapag may nagbasa)

Naimbento ang bakal na araro. Ipinagawa ang mga irigasyon at dike laban sa
pagbaha ng Huang Ho. Nagpagawa ng mga kalsada at sumulong ang kalakalan.
Naimbento ang sandatang crossbow at bumuo ng hukbong nakakabayo at
gumamit ng chariot. Dahil malawak ang teritoryo ng Zhou, humina ang kontrol
nito sa nasasakupang estadong lungsod. Nauwi ito sa panahon ng digmaan ng
mga estado. Lumitaw ang pilosopiyang Confucianismo at Taoismo. Si Confucius
ang naghain ng solusyon sa kaguluhan ng lipunan.

(Next slide PPT)

At ito ang Confucius (ituro ang pic na confucius)

Ito ang araro (ituro ang pic)

Ito ang crossbow (ituro ang pic)

At ito naman ang mapa ng Dinastiyang Zhou o Chou (ituro)

(next slide PPT)

Ang sanhi ng pagbagsak ng Zhou

(basahin ang PPT)

Ayun lamang po sa Dinastiyang Zhou!


Ikatlo, ang Dinastiyang Sui.

(Ipabasa o basahin ang PPT)

Maraming salamat sa pagbabasa! (sasabihin lang ito kung may nagbasa ng PPT)

Nang bumagsak ang dinastiyang Han, nagkaroon ng mabilis na pagpapalit ng


dinastiya at maraming digmaan. Nakapasok sa Tsina ang mga nomadikong
mandirigma. Watak-watak ang Tsina nang may 400 taon. Sa loob ng panahong ito
umabot ang Budismo sa Tsina. Bumalik ang konsolidasyon sa ilalim ng Sui. Itinatag
ito ni Yang Jian. Sa loob ng maikling panahon ng dinastiyang ito, inayos
ang Mahabang Muog ng Tsina na napabayaan ng mahabang panahon, itinayo
ang Grand Canal na nagdurugtong sa Huang Ho at Ilog Yangtze at inayos ang
dating kapital ng Han, ang Chang An.

(Next slide ng PPT)

(Ipabasa ang PPT)

Ayun lamang sa Dinastiyang Sui!


Ikaapat naman ay ang, Dinastiyang Song o Sung.

(ipabasa o basahin ang PPT)

Maraming salamat sa pagbabasa! (sasabihin lang ito kapag may nagbasa ng PPT)

ang dinastiyang song o sung ay nahahati sa dalawang magkakaibang panahon,


hilagang song at timog song. ito ay tinatag ni emperor taizu ng song kasunod ng
kaniyang pag-agaw sa trono ng huling zhou. napaunlad ng dinastiyang ito ang
teknolohiya, kultura at pamumuhay. tumagal ang dinastiyang ito mula 960 C.E.
hanggang 1279 C.E., ang song ay madalas na katunggali ang nga kapanahunang
dinastiyang liao, western xia, at jin. sila rin nakipagkalakalan ng mga
mahahalagang likhang sining, sila rin ang nag palaganap ng panitikan at kaalaman
sa mabilis na paglawak ng paglilimbag sa pamamagitan ng bloke ng kahoy at ang
pag-imbento ng ika-11 na siglong paglilimbag sa pamamagitan ng uring nalilipat
paglilimbag. ang teknolohiya, agham, pilosopiya, matematika, at inhinyeriya ay
umunlad din sa panahong song.

Mahusay! Naintindihan ba ang aming reporting?

Kung ganoon, tumungo na tayo sa aming inihanda na palaruan!

Huwag mag-aalala madadali lang naman itong mga katanungan!

(First slide “Palaruan”)

(Let someone answer question 1)

(Let someone answer question 2)

(Next slide answers in 1 & 2)

“ “
Mahuhusay! Maraming salamat sa pag-kinig at pag-sagot, kami ang ikalawang
pangkat at dito na nagtatapos ang aming pag-uulat.

(Basahin ang nasa PPT)

(Ipakita ang pictures tungkol sa ambag ng song o sung)

Ito si Zhuxi bumuo ng lumitaw na Neo-Confucianism (ituro si Zhuxi)

Ito ang Gunpowder na naimbento (ituro ang gunpowder)

Ito ang foot binding na tradisyon para sa mga babae sa dating panahon (ituro ang
picture)

At ito naman ang mapa ng Song o Sung (ituro ang mapa)

Ayun lamang para sa Dinastiyang Song o Sung


Ang ikalima naman ay ang Dinastiyang Qin o Chin.

(ipabasa o Basahin ang nasa PPT)

Maraming salamat sa pagbasa! (sasabihin lang ito kung may nagbasa)

Ang Dinastiyang Qin ay pinangunahan ng Dinastiyang Zhou at sinundan


ng Dinastiyang Han sa Tsina. Nang mapag-isa ni Qin Shi Huangdi ang Tsina noong
221 BK, ito ang simula ng panahong Imperyal ng Tsina na nagtapos sa pagbagsak
ng Dinastiyang Qing noong 1912. Ang dinastiyang ito ay nag-iwan ng isang
sentralisadong imperyo na gagayahin ng mga susunod na mga dinastiya. Sa rurok
ng kanyang kapangyarihan, ang Dinastiyang Qin ay may 40 milyong tao. Bumagsak
ang Dinastiyang Qin nang mamatay ang kanilang pinuno na sa Shi Huangdi o Shih
Huang Ti.

(Ipabasa o basahin ang mga ambag ng Qin o Chin)

Maraming salamat po sa pagbasa! (sasabihin lang ito kung may nagbasa)

(Ipakita ang pic ng nakalagay sa PPT)

Ito si Emperor Zhuanxu (ituro ang pic)


Ito naman si Ying Zheng (ituro ang pic)

At it naman ang Great Wall of China (Ituro ang pic)

Ayun lamang po sa Dinastiyang Chin!

You might also like