You are on page 1of 1

Si Haring Tamaraw at si Daga

Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay


malaki ,mabilis at malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang
nasasakupan.

Minsan, nililibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan. Dumating siyang pagod


napagod. Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng punong Narra. Dumating si
Daga.Tuwang-tuwa siyang naglalaro sa may puno ng Narra. Sinaway siya
ng mgaibon na nakadapo sa mga sanga ng puno. Ipinaalam nilang
matutulog si HaringTamaraw. Dali-daling tumakbong paalis si Daga. Hindi
sinasadyangnatapakakan ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si
Haring Tamarawat naipit ang paa ni Daga. Umirit si Daga.

Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga


at bilangparusa, kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring
Tamaraw. Nangakong hindi na siya uulit at sinabi pang baka siya’y
makatulong kay HaringTamaraw pagdating ng panahon. Pinakawalan at
pinatawad ni Haring Tamarawsi daga. Nagpasalamat naman si Daga.Isang
araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan.
Sakanyang paglalakad ay natapakan niya ang isang patibong na hawla
napanghuli ng malalaking hayop sa kagubatan. Napasok at nakulong sa
hawla siHaring Tamaraw. Walanag magawang tulong ang mga
hayop. Nagkagulo sila athindi malaman kung anong gagawin sa kanilang
hari.Walang anu-ano dumating si Daga na galling sa paghahanap ng
pagkain.Nginatngat kaagad niya ang mga tali sa hawla. Nakalusot si Haring
Tamaraw.Nagpasalamat si Haring Tamaraw kay Daga. Mula noon nagging
mabutingmagkaibigan si Haring Tamaraw at si Daga.

You might also like